Chapter 40 part 1
Nagawang maparalisa ni Sei ang katawan ng halimaw dahil sa paglipat sa lason na inilagay sa kanya. Ang paghawak sa kanya ng halimaw ay naging daan upang gumana ang Crimson curse ni Sei kung saan pwede syang makipag palit ng kalagayan ng katawan kasama na rito ang pinsala at nararamdaman.
Sinabayan naman ito ng time manipulation ng crimson Eye ni Sei kung saan nagawa nyang mabalik sila sa dating pwesto ngunit dahil sa pagsasanib narin ng kakayahan nito ay nakagawa si Sei ng paraan para magpalit sila ng pwesto.
Ang kakayahan ng crimson curse ay nagagamit lang sa iisang nilalang at nagagawa lang ito ni sei sa oras na mahawakan o hawakan sya ng sino man. Pwede nyang ipasa o kunin ang kalagayan ng katawan sa loob ng ikang minuto sa isang nilalang o sa kanya.
Dahil sa desperasyon at pagkadismaya ay halos mabaliw na sa galit ang halimaw na butiki at pinipilit na kumilos. Tinatangka nyang tumayo at umatake kay Sei upang saktan ito.
" Hindi mo ako basta madaling matatalo sa walang kwentang pamamaraan. Hindi sa ganitong paraan lang ako mamamatay!!" Sigaw nito.
Sa paghakbang ng kanyang paa upang pagtangkaan atakehin si Sei ay biglang bumulusok si Agane at buong lakas na sinapak ito sa mukha dahilan kaya bumakat ang halimaw sa lupang kinatatayuan nila.
Halos madurog ang kalupaan sa ginawa nyang suntok na bumasag sa bungo ng kalaban nya at dito tuluyan ng nawalan ng hininga ang halimaw na butiki.
" Kamahalan ayos lang po ba kayo?"
Biglang lumuhod si Agane sa harap ni Sei at humihingi ng tawad sa kanyang kapabayaan at nagsisisi na hindi sya agad nakagawa ng paraan upang protektahan ang kanyang reyna.
Agad naman syang pinigilan ni Sei ng pagsasalita gamit ang paghawak sa ulo nito habang nakaluhod at pinuri lang ang kanyang ginawang unahin na tulungan si Suwi sa laban.
Lumapag naman sa tabi nila si Suwi at humingi rin ng pasensya dahil wala itong naitulong para mapangalagaan si Sei.
" Wag mong alalahanin iyon ako ang reyna nyo at tungkulin kong pangalagaan kayo sa abot ng makakaya ko."
" Kamahalan paki usap ako na po ang lalaban, ibigay nyo saakin ang singsing na ipinagkatiwala nyo sa soul eater at kagaya ng dati kaya kong maging espada nyo sa laban na ito." Paki usap ni Agane.
Kahit na naki usap si Agane ay umiiling lang si Sei at inulit na hindi para sa kanya ang laban na ito. Kahit na nabigo si Suwi na matalo ang juggernaut ay lubos ang tiwala nito na may magagawa ang dalaga para tapusin ang laban.
Kahit na pinupuri ay agad naman kinontra ito ni Suwi at kahit masakit sa kanyang loob na tangapin na wala syang nagawa sa laban ay pinangalawahan nya ang panukala ni Agane at minabuting magpalit sila ng ginagawa ng heneral.
Ang level ng kakayahan at abilidad nila suwi at ni Juggernaut ay magkaiba at kahit magtaglay sya ng malakas na enerhiya ay mababale wala ito dahil hindi kayang basagin ng espada nya ang kalasag ng kalaban nya.
Walang imik lang si Sei habang pinakikingan ang dalawa at ilang sandali pa ay humakbang pasulong.
" Alam ko na mas malakas ang juggernaut kesa sayo pero sa ngayon ikaw lang ang pwedeng maging kalaban nya." Sambit ni Sei.
" pero kamahalan ."
" Hindi si juggernaut ang pinaka matinding kalaban natin ngayon dahil kung tutuusin higit na mapanganib ang kayang gawin ng isang iyon." Sambit nya habang itinuturo ang Siren.
Dito binangit na na alam ng Siren ang kondisyon ng Crimson Eye ni Sei kaya naman nanatili ito sa distansya nito upang hindi nya matitigan sa mga mata ang siren.
Napagtanto ng dalawa na nakalimutan nila na ang pinuno ng kanilang kalaban ay ang siren dahil na rin sa masyado silang nagigimbal sa lakas ni juggernaut.
Ipinaliwanag nya na kung aatake lang ito ng aatake sa ganung distansya ay wala silang magagawa kundi dumepensa lang hangang maubos ang kanilang enerhiya.
" Hindi mo sya kayang labanan sa Ere, tama ba? Walang ibang makakagawa nun kundi si Agane lang kaya gusto kong makapag pahinga sya kahit papaano kanina."
Binangit nya na kung babawiin nito ang singsing kay Suwi na pinag kukunan ng enerhiya nito ay wala syang kalaban laban kay juggernaut at mahihirapan lalo si Sei na iligtas sya dahil sa limitadong oras ng pag gamit dito.
" Pero kamahalan kahit na kaya ko pang lumaban ay hindi ako sigurado na magagawa kong matalo ang siren na yan gamit lang ang wind magic."
" Isang napakalakas na crimson item ang hawak nya at nagtatagalay ito ng walang katapusang enerhiya."
Biglang syang humarap kay Agane habang tinititigan lang ito at dahil dito napatigil sa pagsasalita ang heneral.
" Wag kang matakot kasama mo ako, ipagkatiwala nyo ang buhay nyo saakin at ipinapangako ko na kasa kasama nyo ako sa laban na ito hangang kamatayan." Sambit nito.
Nabalot sa dilaw na awra si Sei at lumabas ang napakaraming magic circle sa paligid. Kumalat ito at naglaho kasabay ng hangin.
Naramdaman ni Suwi ang nag uumapaw na enerhiya sa paligid at ang napakalakas na presensya ni Sei.
" Napakalakas, higit pa ito sa naramdaman ko kay juggernaut kanina." Bulong sa isip ni Suwi.
Kumalat ang dilaw na awra sa buong teritoryo ni Sei at naramdaman ito ng Siren kasama ang lahat ng tauhan nito.
Alam nito na magsisimula ng kumilos si Sei sa mga oras na iyon at maging sya ay nagdadalawang isip kung haharapin nya ba ito.
" Sinabi ni Ina na umiwas sa mga Columbus pero hindi ko na pwedeng ihinto ang ginagawa ko dahil malaki na ang nawala saakin." Bulong nya.
Pinagmasdan nya ang paligid at nahalata ang pagkaubos ng kanyang tauhan at dahil kasama sa plano nya ang wasakin ang mga hanganan sa Galica ay mahihirapan na syang makabawi ng pwersa. Na isip nya rin na tatlong nilalang lang ang kalaban nya at isa yung magandang pagkakataon para makalamang.
Alam rin ng Siren na isang spell caster si Sei kagaya nya at hangat napapanatili nya ang distansya nya ay mapag hahandaan nya ang ano mang gagawin nitong atake.
Pero habang nag iisip ng paraan ay napansin nya na tila nauubos ang mga water shark nya na nakalutang sa paligid nya.
" Anong nagyayari? Bakit naglalaho ang mga pating ko?"
Agad syang tumingin sa nagliliwanag na dambuhalang magic circle at napagtanto na hangat nasa loob sila ng teritoryo ni Sei ay nakokontrol niya ang oras sa paligid nila.
Sa pagkakataon na yun ay nasindak sya sa napakalakas na presensyang muling pinakawalan ni Sei. Kasabay ang paglitaw ng napakalaking orasan sa kalangitan na gawa sa dilaw na enerhiya nito.
" Akala mo ba matatakot mo ako sa ginagawa mo?"
Muli nyang itinaas ang kanyang baston at gumawa ng napakalaking magic circle. Sinubukan nyang magpalabas muli ng daan daang pating kagaya nung una upang muling umatake.
" Agane, pilitin mong tapusin ang laban hangat may oras pa."
" May hanganan ang enerhiya na taglay ng katawan ko kaya naman hangat maaari ay magawa natin manalo kaagad." Dagdag nya.
Naglabas ng napakalakas na awra si Agane kasabay ang pagpapagaspas ng mga pakpak at buntot nito.
" Hinding hindi ko kayo bibiguin kamahalan." Determinadong sambit nito.
Halos mawasak ang lupa sa pag bwelo nya para tumalon at bumulusok ng napakabilis papunta sa siren.
Tumingin naman si Sei kay suwi para utusan agad ito.
" Maging handa ka sa laban, kailangan mong ilayo saakin ang isang iyon." Sambit ni Sei kay Suwi
Lumapit si Sei kay Suwi at hinawakan ang ulo ng dalaga at inaamo na parang bata.
" Teka kailangan mo ba talagang gawin yan saakin? Hindi na ako bata."
Ipinaliwanag ni Sei na hindi nya kayang pangalagaan ang sarili nya habang ginagamit ang kapangyarihan na kontrolin ang oras sa paligid nya kaya hindi sya pwedeng maatake ni juggernaut habang tinutulungan nyang makipaglaban si Agane sa Siren.
Binangit ni Sei na hindi nya kayang bantayan ang dalawa sa pakikipaglaban ng sabay pero pinangako nya na susubukan nya ang lahat ng magagawa nya para makatulong sa laban.
Sumabog naman ang kalupaan kung saan naroon si Juggernaut at dali daling tumakbo papunta sa dereksyon nila upang umatake.
Alam nya na kinakailangan nyang pangalagaan si Sei at upang magawa yun ay kailangan nya muling labanan si Juggernaut.
Hindi naman nagsayang pa ng oras si Suwi at agad na lumusob para sabayan ang gagawing atake ni Juggernaut.
" Yahhh!!! "
Nagawang masabayan ng dalaga ang suntok na ginawa ni Juggernaut ngunit bahagya parin syang napatalsik dahil sa lakas ng pwersa nito.
Dito ay binalaan sya ni Serphia na wag hahayaang matamaan ng atake ni juggernaut dahil mauulit lang ang nangyari kanina sa laban.
" Dalawa lang ang posibleng mangyari, mapinsalaan ka ng sobra at mabaldado muli o tatangapin ulit nya ang pinsala na dapat para sayo." Dagdag ni Serphia.
Agad na kumilos ng mabilis si Suwi at patuloy na nilusob si Juggernaut, alam nya na lamang sya pag dating sa bilis ng pagkilos at dahil masyadong malaki ang katawan ng kalaban nya ay hindi agad ito nakakapag handa para protektahan ang sarili pagkatapos nitong umatake.
Sinasamantala iyon ng dalaga pero gayumpaman tulad ng nauna ay tila walang kagalos galos ang baluti sa katawan ni juggernaut sa ginagawa nyang pag atake.
Habang sa himpapawid naman ay patuloy na nilalabanan ni Agane ang mga pating na lumulusob sa kanya.
Mabilis nyang nawawasak ang mga ito gamit ang wind strike gayumpaman tuloy tuloy ang pagpapalabas ng siren ng mga ito sa magic circle.
Dahil alam ni Agane na walang katapusan ang bilang nila ay ang mismong Magic circle ang tinangka nyang basagin.
Gumawa sya ng malaking wind magic circle kung saan lumabas ang isang ipo ipong at dumeretso sa magic circle na ginawa ng siren.
Walang makapigil dito dahil narin tinatangay lahat ng pating na humaharang sa ipo ipo hangang sa sumalpok na lang ito.
Nagawang basagin ni Agane ang magic circle ng Siren kaya naman hindi na sya nag sayang ng oras para muling umatake.
Alam ng siren ang binabalak nya kaya naman agad gumawa ito ng magic circle at naglabas ng water snake upang pigilan ang pag atake ni Agane.
Agad na umatake ang ahas at sinubukang wasakin ito ni Agane ngunit mabilis lang nitong naiwasan ang kalmot ni Agane sabay pulupot sa katawan ng heneral.
Pagkatapos puluputan ay agad na nagbalak itong sakmalin si Agane sa leeg dahilan para makaramdam ng takot ang heneral. Inakala nya na hindi na sya makakatakas pa sa sitwasyon na iyon at madaling tatamaan.
Pero bago pa man sya makagat ay naglaho na ng parang bula si Agane na labis na ikinagulat ng Siren.
Sa isang iglap lang ay lumitaw si Agane na bumubulusok papunta sakanya kaya naman nung makita ito ng Siren ay dali dali syang nag cast ng magic circle.
Sa bilis ng pangyayari ay nagawa ng makalapit ni Agane sa Siren at kahit palabas palang ang ulo ng ahas sa magic circle na kinast ng Siren ay kinalmot nya na ito at winasak.
Sa pagkakataon na iyon ay halos nasa harap na ng siren si Agane na ngayon ay nakangiti habang naglalabas ng napakalakas na enerhiya.
" Ngayon ako naman."
Alam nya na may binabalak si Agane na pag atake kaya naman mabilis nyang binabalot ang katawan nya sa tubig pero bago pa tuluyang mabalot ang buong katawan nya ay nadakma na ni Agane ang leeg nya.
Sa pagkakataon na iyon ay bumulusok sila pababa sa lupa at ibinalibag ito ng napakalakas. Halos yumanig ang kalupaan dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak.
Hindi pa nakontento si Agane dahil pagkalipad nya upang dumistansya ay gumawa sya ng isang magic circle at pinaulanan ng wind strike ang nakahigang siren.
Sinubukan naman ng siren na protektahan ang sarili gamit ang napakalaking water jellyfish bilang panangga pero sa dami ng wind strike na pinakakawalan ni Agane ay unti unti lang itong nasisira at lumiliit.
Wala syang nagawa kundi maglabas ng water snake para ilayo sya sa lugar pero habang nagaganap iyon ay nakita ni Agane ang pagtakas nya.
" Akala mo ba hahayaan kitang maka takas saakin?."
Bumulusok si Agane palusob at sa tulin nya ay madali nyang naabutan ang water snake. Dito ay walang pag aalinlangan na sinuntok ang siren na syang dahilan para bumagsak ito sa lupa.
Tinignan ni agane ang tubig sa kamay nya at alam ni Agane na nagawang protektahan ng siren ang sarili nito sa ginawa nyang suntok.
" Tubig? Alam ko na ginagamit nya ang tubig nya para hindi tumanggap ng pinsala sa mga atake ko."
Ilang saglit pa ay lumabas sa lupa ang isang malaking water gaizer kung saan nasa tuktok nito ang siren.
Napagtanto ni Agane na hangat may enerhiya ang Siren para makagawa ng mga water magic ay mahihirapan syang talunin ito.
" Tama na, oras na para tapusin kayo." Sambit ng siren.
Itinaas nya ang baston na hawak at umilaw ito ng napakalakas kasabay ang pag litaw ng napakalaking magic circle
" Water God Frio, great white whale"
Naglabas ng maraming tubig ang magic circle at lumaki ng lumaki ito hangang sa umabot ito kay Agane at lamunin ng tubig.
Sa pagkakataon na iyon nagimbal ang lahat ng nakakakita sa bagay na lumitaw sa himpapawid. Isa itong Balyena na gawa sa tubig na halos isang daang pulgada ang laki at haba.
" Ano ang bagay na yan?" Pagkagulat ni Suwi.
Hindi makapaniwala ang lahat sa nakikita nilang napakalaking tubig na balyena sa himpapawid. Alam nila na isa itong 4th grade water magic na nangangailangan ng mataas na enerhiya.
Dahil sa nilamon ng tubig si Agane ay kasalukuyan syang nakakulong sa katawan ng dambuhalang balyena at sinusubukan lumangoy sa tubig.
" Ang hirap gumalaw dito sa loob, kailangan kong makawala dito."
Sinubukan ni Agane na maglabas ng magic circle at tumira ng wind strike pero tumagos lang ang atake nya at lumabas sa katawan ng balyena na parang walang nangyare.
" Wag ka ng magsayang ng enerhiya, hindi tinatablan sa tubig na katawan ni frio ng mahihinang atakeng kagaya nyan."
Ipinaliwanag nya na isang water dimensyon ang katawan nito na ginagamit nya sa pagkulong sa kalaban upang lunurin at walang pwedeng pumuksa dito dahil kusa itong nabubuo hangat may tubig sa paligid nya na pwedeng gawing bahagi ng katawan.
" Isa itong buhay na water dome at alam mo pa ang pinaka maganda sa teknik na ito? " sambit ng Siren.
Sa pagkakataon na iyon itinaas nya muli ang kanyang baston at muling nag palabas ng napakaraming pating sa himpapawid.
" Kaya kong magpasok ng mga alagad ko sa loob ng katawan ni frio para durugin ang mga kalaban ko."
Nagsimulang pumasok ang mga water shark at lumangoy palusob kay Agane. Sinubukan naman ni agane na kumilos pero napakabagal ng pag galaw nya sa loob ng tubig.
Nahihirapan din sya dahil sa pag pigili sa pag hinga kaya naman alam nya kailangan nyang magmadaling makatakas sa lugar na iyon.
Sinubukan nyang patuloy na maglabas ng wind strike pero mahina ang hangin sa loob at bumabagal ang pag ikot ng mga ito.
Dahil doon madaling nakakalapit sa kanya ang mga pating at nakakagat sya.
Matibay ang baluti ni agane kaya walang magawa ang pating kundi patuloy syang bangain at hilahin.
" Asar, kailangan kong maka isip ng paraan." Bulong nya.
" Oh... Teka anong problema? Hindi ka ba matulungan ng iyong reyna?"
" Ang kahinaan ng mga crimson eye ay nasa mismong paningin nito at sa tingin ko kagaya ng ibang mata ay hindi ito maaapektuhan ang mga bagay na hindi nito nakikita kaya hangat hindi ka nya nakikita ay wala syang magagawa para tulungan ka kahit pa nasa loob ka ng kanyang teritoryo. Sambit ng siren.
Alam ni Agane na tama ang sinasabi ng Siren dahil kinakailangan na nakikita ni Sei ang nilalang na kanyang kinokontrol at sa kalagayan nya na nasa loob ng katawan ng balyena ay malabong makita sya ng kanyang reyna.
Walang magawa si Agane sa mga atake sa kanya ng mga pating at kahit na hindi naman sya tinatablan ng mga ngipin nito dahil sa tibay ng baluti nya ay hindi naman nya alam kung hangang kailan sya tatagal sa hindi pag hinga sa ilalim ng tubig.
Sinubukan nyang ibalot ang sarili ng ipo ipo at gumawa ng bilog na lugar na napupuno ng hangin para iwasan ang pagkalunod. Isa itong wind shield kung saan binabalot nya ang sarili ng hangin upang protektahan sa mga atake ng kalaban
Gayumpaman alam nya na hindi iyon magtatagal dahil kahit na nagawa nyang makapaglabas ng wind shield ay maglalaho rin ito kalaunan kapag naubos na ang kanyang enerhiya.
" Napakasama nito, anong gagawin ko?"
Habang nagaganap iyon ay nakapikit lang si Sei habang tila nananalangin sa kalangitan. Taimtim lang itong nagdarasal habang patuloy na nababalutan ng dilaw na awrang pumapaikot sa kanya.
Tinatangay ng hangin ang kanyang buhok na ginagawa mismo ng kanyang presensya. Ilang saglit pa ay dumilat ito at itinaas bahagya ang kamay.
Sa pagkakataon na iyon tila ba huminto ang oras sa paligid, ang bawat dahon o kahit nga bagay sa himpapawid ay tumigil na parang bato. Umeko ang nakakabinging katahimikan at unti unting napapalitan ng maingay na hangin.
Para silang napasok sa isang demensyon kung saan bumabalik ang bawat galaw ng mga bagay sa paligid nila at maging ang sariling katawan ay hindi nila kontrolado.
" Anong klaseng presensya ito?"
" Ang oras ay magbabalik sa dati nitong katayuan, Restart "
Nagulat sila ng maranasan ang pagbabalik ng oras sa paligid nilang lahat sa mga dati nitong kalagayan at pwesto, Walang bakas at naglaho din ang higanteng balyena na si frio dahil pinabalik ito sa dating kinaroroonan bago pa ito ilabas sa magic circle.
Gayumpaman hindi nabago ang pwesto ni Agane na nakakulong parin sa wind shield na ginawa nya. Tanging ito lang ang nanatiling hindi naapektuhan ng kapangyarihan ni Sei.
Laking gulat ng Siren sa nasaksihan dahil higit sa inaasahan nya ang kayang gawin ni Sei gamit ang pag manikula sa oras.
" Kaya nyang ibalik sa dating oras ang lahat ng makita nya kahit na napakalayo nito sa kanya. Napaka lakas nga nya kagaya ng sinasabi nila."
" Ito na ba ang totoong kapangyarihan ng Time keeper?" Nagugulat na sambit ng siren.
Episode 40 part 1