Chapter 20 part 2


Lumipas pa ang ilang minuto ay muli ng pinababa ang mga aplikante upang simulan ang ikalawang pagsubok.


Tumayo sa kinauupuan nito si Pyun at pumunta sa harapan upang magsalita at ibigay ang kanyang pagsubok sa lahat ng aplikante.


" Maraming pag kakataon na mahaharap sa panganib ang mga sundalo kaya naman susubukan ko kayo kung kaya nyo bang ipagtangol ang mga sarili nyo laban sa mga halimaw. " Sambit ni Pyun.


Ipinaliwanag nito ang susunod na paligsahan ay isang karera kung saan kailangan makarating ng mga aplikante sa kabilang arena sa dulo ng isla sa loob lang ng tatlong oras.


" Wala kayong kailangan gawin kundi pumasok sa kabilang arena at mapapasainyo ang ikalawang puntos." Dagdag nito.


Umalingaw ngaw ang paligid dahil sa pagtataka na tila napakadali ng kanilang pagsubok.


" Yun lang ba ang gagawin natin? "


" Wala naman kahirap hirap ang pagsubok nya." 


Napangisi si Pyun na tila may balak na masama habang hawak ang kanyang manika.


" Aba, gusto nyo ng mahirap sige pagbibigyan ko kayo." Sambit nito habang itinataas ang mga kamay.


Kasabay ng pagtataas nya ng kamay ay naglitawan ang mga itim ma magic circle kung saan naglabasan ang higit isang limang daang ibat ibang uri ng kuneho.


Kabilang dito ay mga kasing taas ng tao, kahawig ng lobo at malahiganteng kuneho kasing laki ng gusali.


" Ano ang mga nilalang na yan?" 


" Grabe totoo ba ito? Nagawa nyang mag summon ng napakaraming Halimaw sa isanh iglap lang." 


" Wala pa akong nakikitang summoner na kayang maglabas ng higit sa tatlong halimaw ng sabay sabay." 


" Pinapakita lang nya kung gaano nga ba kalakas ang tinatawag na Black Rabbit ng Dark continent. " 


Ang dark continent ay pinaniniwalaang lugar kungbsaan nag mula ang black magic kaya naman karamihan sa lugar na ito ay mga nilalang na gumagamit ng negative energy.


Ipinaliwanag ni Pyun na ang mga halimaw sa kanilang harapan ay syang pipigil sa kanila na makarating sa kabilang arena at binalaan na gumamit ang lahat ng proteksyon sa katawan para sa kaligtasan nila.


Binigyan nya ang mga ito ng sampung minuto na umalis sa arena papunta sa kagubatan bago nya pakawalan ang mga halimaw.


" Mahalaga sa mga sundalo ng eskapa ang nagtutulungan sa oras ng panganib kaya hahayaan ko kayo na kumuha ng mga makakasama nyo para maging katuwang sa pagprotekta sa mga sarili nyo." Dagdag nito.


Natuwa ang iba sa narinig nila at nagsimulang kumuha ng makakasama.

Marami rin sa mga ito ang hindi ganun kabihasa sa pakikipaglaban kaya naman humahanap sila ng malalakas na makakasama.


Tumatakbo ang oras pero hangang ngayon ay wala parin lumalapit kay nathaniel para isama sya sa grupo. 


" Alam mo nakakaramdam ako ng pagkadismaya, wala man lang gustong samahan ako. Naramdaman ko na ito nung highschool ako tuwing may group activty." Sambit nya.


Sinagot sya ni Melon na natural lang na walang lumapit sa kanya dahil nalalaman nila sa prensensya palang ng proteksyon sa katawan kung gaano kalakas ang isang mandirigma.


Wala naman ideya si Nathaniel sa bagay na iyon dahil hindi nya kayang maramdaman ang presensya ng enerhiya nila.


Gayumpaman ay wala naman syang magagawa dahil hindi naman sya mandirigma talaga at sumali lang doon para mapasama sa team ni Ataparag.


" Pero kahit alam ko naman ang katotohanan ay parang ang hirap tangapin ang ganitong klaseng diskriminasyon." 


Pinagtitinginan sya ng iba dahil sya lang ang natatanging aplikante na walang kasama at pinag bubulungan.


" Ano pa bang aasahan mo, isa lang syang ordinaryong tao at magiging pabigat lang sya kung isasama mo sya." 


Dahil sa mga bulong bulungan ay napansin ito ng mga nasa itaas at naaawa sa kalagayan nito.


" Teka ayos lang ba na ituloy nung tao na iyon ang pagsubok? Hindi kaya masyado itong brutal para sa kanya?" 


" Hindi ko alam pero ngayon palang naaawa na ako sa kanya dahil baka pagpiyestahan lang sya ng mga halimaw na kuneho." 


Napansin na rin ito ng mga matataas na opisyal at nangangamba kung hahayaan nilang mamatay ang isang tao kahit alam nila ang panganib na haharapin nito.


" Wala na tayong magagawa dyan dahil sya ang sumali sa pagsusulit kahit alam nya mapanganib ito." 


" Nasa kamay na ni vice commander Aoi ang desisyon kung paalisin sya o hindi dahil nag mula ito sa kanilang hanay." 


Nakangiti lang si Aoi habang sinasabi na alam ni nathaniel ang panganib na haharapin nya bago pa sya sumali kaya wala syang karapatan na pigilan ito sa gusto nito.


" Ninanais rin ng kamahalan na makita ang kakayahan nya kaya hindi ko sya maaaring pahintuin dahil lang sa bagay na ito." Sambit nito.


Napabuntong hininga na lang si Yuki sa mga nakikita dahil para sa kanya ay hindi ito magandang halimbawa sa mga tulad nilang alagad ng diyos lalo na hahayaan nila ang isang walang kalaban labang tao na gawing pagkain ng mga halimaw.


Itinaas bahagya ni Yuki ang kamay nya at biglang lumitaw ang pulang usok sa gilid nya. Unti unting labas doon si Xxv at yumuko bilang pagbibigay galang.


" May iuutos mo ba kayo lady Yuki?" Tanong nito.


" Gusto kong bantayan mo ang taong iyon pero wag mo syang pakiki elamanan sa pagsusulit. Iligtas mo sya kung alam mong hindi nya na kayang magpatuloy." 


" Masusunod po kamahalan."


Nabalot ng pulang usok si Xxv at sa isang iglap lang ay naglaho.


" Aba, kasama mo pala ang pinakamamahal na alaga ni Lady magdalena. Ang red cloud na si Xxv." Sambit ni Kyros.


" Naalala ko na minsan syang ipinasama sa pwersa ko at napaka intrresante nyang tao." Sambit nya Ruri.


Dahil doon ay nabangit ni Ruri na minsan ng nagsanay si Xxv sa Irish queendom kung saan naninirahan ang mga tao ng malaya at pantay pantay kaya nagtataka ito kung bakit hindi pinili ni Xxv na manirahan doon.


Napangalong baba na lang si Rei habang sinasagot ang tanong at nadidismaya dahil napakalaki ng potensyal ni Xxv gayumpaman may batas ang bansa nila na hindi kayang tangapin ni Xxv.


Tumangi si Xxv na itakwil ang kanyang pangalan bilang alipin at ang koneksyon nito sa soul eater na kinikilala nyang asawa. 


" Isang tao na may asawang Soul eater? Napaka pambihira pero napakasaklap na bagay." Tugon ni Kyros.


" Iniisip nya talaga na may puwang ang ganung klaseng pagsasama sa mundong ito, naaawa ako para sa kanya pero mukhang desidido talaga sya sa bagay na yun." 


" Kalokohan, dapat lang mamatay ang lahat ng soul eater sa mundong ito para maging posible ang pinaglalaban nating kapayapaan." Galit na sambit ni Pyun.



" Oh.. maalala ko lang pala hindi ba ang sinasabi nyang asawa ay ang parehong Soul eater na nahuli ni reyna Sei?" Sambit ni Kyros.


Nagulat si Yuki sa narinig at hindi makapaniwala na nahuli ng Eskapa ang asawa ni Xxv.


Alam kasi ni Yuki na kapag nalaman ni Xxv na nahuli ang kanyang asawa ay maaari itong gumawa ng padalos dalos na aksyon.


" Totoo ba ang sinabi mo?" 


" Oo nagkataon lang kasi nung naroon ako para makipagpulong kay Lady Magdalena ay narinig ko ang report tungkol sa mensahe na pinadala ni Reyna Sei.


Nagtinginan ang lahat ng naroon kay Aoi at tila nag aabang sa sasabihin nito. Gayumpaman wala itong ibang sinabi kundi ang paghihintay nila ng desisyon ng supreme commander bago pa hatulan si Suwi.


Nagtaka naman si Pyun kung bakit tila nagbago ang proseso ng paghahatol sa isang soul eater at nagawa pa nila itong panatilihing buhay at nakakulong sa mismong bayan na maraming pwedeng mapahamak.


" Alam ba ni Sei ang ginagawa nya? Nakakulong ang isang soul eater sa loob mismo ng bayan nya?" Sambit ni Pyun.


" Wala ako sa posisyon para magsalita at ipaliwanag ang posisyon ng kamahalan sa kanyang naging aksyon ngunit sinisigurado ko sainyo na kontrolado namin ang sitwasyon." Tugon ni Aoi


" Kontrolado? Marami ng beses na minaliit ng Eskapa ang kaya nilang gawin at sinasabi ko sayo ngayon palang na mapapahamak ang bayan nyo kung mananatili syang buhay." Sambit ni Pyun.


Humingi ng pasensya si aoi at pinagpilitan na hindi nila binabalewala ang panganib na pwede nitong maidulot ngunit may dahilan sila kung bakit nanatiling buhay ang soul eater na hawak nila.


" Isa na doon siguro ay dahil pinoprotektahan aya ng taong iyon." 


Tinuro nya si Nathaniel na nasa screen habang patuloy na nag iisa sa ibaba ng arena.


" Isang tao na pomoprotekta ng soul eater?" 


" Kalokohan, Sa tingin mo ba nakikipagbiruan kami dito Vice Commander aoi! " Padabog na sambit ni Pyun.


Muling humingi ng pasensya si Aoi at naiintindihan ang galit na pinapakita ni Pyun dahil isa ito sa mga lubhang naapektuhan sa pag atake ng mga soul eater gayumpaman ay binangit nya na sinusunod lang nila ang batas nila ayon sa kalooban ng kanilang Reyna bilang makatwiran at patas.


Dahil sa umiinit na usapan ay minabuti ni Yuki na pahintuin si Pyun at nag mungkahi na magpatawag ng pulong para pag usapan ang tungkol dito sa harap ng supreme commander.


Kumalma naman si pyun pero bakas parin sa kanya ang pagkairita lalo na nababangit ang mga soul eater.


" Sa ngayon mag focus na lang tayo sa pagsusulit ng mga aplikante." Dagdag ni Yuki. 


undefined

Alabngapoy Creator

Part 2 of episode 20