Chapter 11
Lumipas ang ilang minuto ay dinala ang dalawa sa head quaters ng Eskapa na pinamumunuan ni Sei.
Nagmamadaling magpunta at magreport ang mga sundali sa opisina ni Sei.
" Commander sei !"
Dahil walang kumakatok ay binuksan nila ito dahil sa pag mamadali.
Pagpasok nila ay makikita nila si Sei na nakasilip sa labas ng bintana.
" Pasensya na po commander sei pero may emergency tayo sa ibaba ."
Nilingon sila nito pero wala itong imik at patay ang emosyon.
Nathaniel POV.
Pagkatapos namin mahuli ay dinala kami sa isang malaking silid na walang laman kundi ang mga pang gapos. Kung titignan ko ay isa itong silid kung saan dinadala ang mga hinahatulan na kriminal.
Dito ay ginapos si Suwi ng posas sa leeg na nakakabit sa bakal na nakatusok naman aa apat na posteng nakapaligid sa kanya. Paraan upang hindi sya makaalis sa kanyang pwesto kung sa kaling magpumiglas ito .
Pareho kaming nakaluhod at nilagyan din sya ng posas sa kamay kagaya ng saakin na tinatawag na " tariro " na may sealing spell na humaharang sa pag papalabas ng enerhiya ng nilalang na nakagapos dito.
Nakabantay naman ang ilang sundalo sa harap namin kasama doon ang team ni ataparag.
Halos isang oras ang lumipas mula nung mahuli kami at magising si Suwi ay nag umpisa na itong mag wala at magsisisigaw sa loob ng silid na iyon.
" Mga tampalasan pakawalan nyo ako?"
Nakakapanghina talaga pag iniisip ko kung anong gulo ang pinasok ko lalo pa dapat hindi ako masama sa kahit anong gulo hangat hindi ko nakikita si koko.
Pero atleast sa paraan na ito makakausap ko na si sei pero sa tingin ko bago ko sabihin ang problema ko ay kailangan ko munang lusutan ang sitwasyon ko.
Kailangan ko rin tulungan si Suwi pero paano ko naman tutulungan ang isang ito kung ganito pinapakitang ugali nito.
" Pakawalan nyo ako dito kundi uubusin ko kayo lahat dito." Pagbabanta nito.
Nagbabanta sya sa mga ito na para bang hindi nya nauunawaan ang sitwasyon nya lalo pa halos hindi na nga sya makakilos kanina.
" Sa tingin mo talaga pakakawalan ka nila kapag binantaan mo sila ng ganyan? " Sambit ko rito.
" Tumahimik ka dyan tukmol kung ayaw mong madamay sa galit ko." Sagot nilto saakin.
Nagulat ako sa tinawag nya saakin at tila ba hindi nya nauunawaan ang ginawa ko para lang sa kanya kaya hindi ko napigilan na sabayan ang galit nya.
" Nakakalimutan mo yata na kaya ako nasa sitwasyon na ito ay dahil sa pagtulong ko sayo dapat nga nagpapasalamat ka saakin." Sumbat ko.
Imbis na magpasalamat ay lalo itong nag maldita at tila hinahamak pa ako.
" Wala akong paki elam sayo at kahit kelan ay hindi ko hiningi ang tulong mo." Pag susungit nito.
Dito ay binale wala nya lang ang tulong ko at minamaliit ang pag tulong ko dahil nahuli sya at nakagapos kasama ko.
Hindi pa natatapos sa pagbabale wala nya sa kagandahang loob ko dahil tinawag nya pa akong walang silbi.
" Wala ka talagang utang na loob." Bulong ko .
Alam ko na mainitin talaga ang ulo ni Suwi kaya upang hindi na nya ako tuluyang kamuhian sa pang aaway ko sa kanya ay pinakalma ko ang sarili ko at pinaliwanag ang dahilan ko.
Sinabi ko rito ang determinasyon kong maging kaibigan sya at handa ko syang tulungan na maka alis dito.
" Kaya pwede ba maki sama ka na lang."
Pero kahit na maganda para sa kanya ang mga plano ko ay bigla nya akong sinigawan at tinawag na hangal.
" Ipinapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo." Galit na sambit nito.
Napakunot na lang ang noo ko dahil batid ko na napapahamak ako sa pagtulong ko pero wala na rin ako pwedeng gawin kundi ituloy ito.
" Ganito na lang kung mapahamak man ako sa ginagawa ko ay hindi mo na problema iyon kundi saakin."
Matapang na sagot ko dahil batid ko na kahit na nakakulong ako at ine imbistigahan ay malaki ang paniniwala kong tutulungan ako ni Sei sa sitwasyon ko.
Kilala ko sya at alam ko na makatwiran sya at may malasakit sa nangangailangan lalo pa pag nalaman nya na wala naman talagang mali sa ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay biglang gumalabog ang pinto ng silid kasabay ang pagpasok ng mga sundalo ng eskapa.
Nagmamadaling pumasok ang mga ito kasama si sei na pinaliligiran naman ng kanyang mga team leader.
Naglakad ito papasok habang may hawak ang isang bag ng tinapay at kinakain ito ng casual na tila namamasyal lang.
Isa sa pinaka werdong bagay na taglay ni Sei ay palagi itong kumakain kahit saan ito mapunta at kahit sa mismong labanan.
Gayumpaman hindi ito dahil matakaw lang sya kundi kailangan nyang manatiling busog dahil sa condition ng pinagkaloob sa kanyang crimson curse mark.
Nagugutom ito sa tuwing ginagamit ang kapangyarihan nito na kontrolin ang oras sa paligid nya at kapag wala ng laman ang kanyang tiyan ay nakakatulog ito.
Pag pasok nila sa silid ay biglang sumigaw ang isa sa mga kasama ni sei at pahiyaw na nagtanong.
" Sinong nagdala sa salot na yan dito sa base ! "
Ang sundalong iyon ay si Katsuri Aoi ang vice commander ni sei at pinaka pinagkakatiwalaan nya sa lahat ng bagay.
Sya ang punong heneral at adviser sa pamumuno sa hukbo ni Sei sa kabila ng pagkukulang ni sei sa pakikipag usap sa mga ito bilang pinuno.
Agad namang humarap si Ataparag at sinagot ang tanong nito.
" Magandang araw vice commander, ang team ko po ang nagdala sa kanila dito upang imbistigahan." Sagot nito.
Bakas sa mukha ni Aoi ang pag kainis ng malaman na si Ataparag ang gumawa nito at madabog na lumapit dito.
" Kung ganun ikaw nanaman pala "
" Hindi ka ba nag sasawa na gumawa ng kalokohan sa araw araw." Naiiritang sambit nito.
Bigla syang kwinelyuhan si Ataparag at sinigawan ito upang pagalitan sa pagdadala sa isang napakadelikadong nilalang sa mismong lugar kung nasaan ang kanilang reyna.
Dahil nga sa pagiging Columbus ay nakatanggap si sei ng lupain na may higit 10 milyong mamamayan kaya bago pa man sya maging bahagi ng Eskapa ay itinituring na syang isang reyna sa kanyang nasasakupan.
Walang nagawa ang takot na takot na si Ataparag kundi humingi ng pasensya sa nagawa nito.
" Patawad,patawad, patawad" paulit ilut na sambit nito."
" Hindi na sya nadala, sinabi ko na at mangyayari ito " bulong ni Nyabu.
Hindi tinangap ni Aoi ang pag hingi nito ng tawad at patuloy na pinapagalitan
" Sampung taon ka na sa posisyon mo pero hindi ka parin natutoto."
" Ano bang utak ang meron ka!" Dag dag nito.
Dahil sa awa sa kanyang leader na ngayon ay walang magawa kundi tangapin ang mga sermon ay nagkusa na si Nyabu na maki usap kay Aoi.
" Paumanhin vice commader."
" Marahil nga po mali ang ginawa ni leader pero hayaan muna natin sya makapagpaliwanag." Dagdag nito.
Dahil sa narinig ay kumalma pansamantala si Aoi at biglang kinurot ang pisngi ni Ataparag habang hinihingan ito ng magandang paliwanag.
" Oo nga naman , sige hahayaan kitang magpaliwanag at siguruhin mo lang na may maganda kang rason sa ginawa mo dahil kung hindi makakatangap ka ng parusa kasama ang team mo ." Banta nito.
Napangiwi na lang si Nyabu sa narinig at bumulong sa hangin lalo pa kakatangap lang nila ng parusa nung nakaraan dahil sa pagkakamali ulit ni Ataparag.
" Nagawa ko lang naman iyon dahil gusto ko lang maging patas lalo na wala silang ginagawang masama." Malambing na sambit nito.
Napabuntong hininga na lang si Aoi dahil sa pagkadismaya dahil batid nya na naaawa si Ataparag sa soul eater kaya nya gusto itong imbistigahan sa mismong base.
Gayumpaman ipinaliwanag ni ataparag na nagdesisyon sya na nauukol sa batas ng eskapa tungkol sa pang hahatol o pag patay ng mga sundalo sa mga kriminal.
Dahil sa isa ring religious group ang Eskapa ay hindi kasama sa batas nila ang pagpatay sa mga soul eater na wala sa kanilang listahan ng mga kriminal sa kabila ng kanilang nalalaman tungkol sa kung gaano kapanganib ang mga ito para sa mga may buhay.
" Oo tama ka naman sa sinasabi mo."
" Pero ibahin mo ang isang iyon dahil mapanganib sila para sa mga nilalang na may buhay." Dagdag nito.
Pinagsabihan nya ito na kung sakaling may kainin ang soul eater sa lugar na ito ay wala ng magagawa pa si Ataparag para ibalik ang mga buhay nila.
Sa pagkakataon na iyon ay sumabat si Nyabi at binangit na pinaalalahanan nya na rin si Ataparag sa bagay na iyon pero hindi ito binigyan ng pansin dahil sa pagiging mabait nito.
Napatingin na lang si Aoi sa nakayukong si Ataparag dahil alam nya ang kabutihan ng puso nito para sa iba na madalas na ikinapapahamak nya.
Napahawak ito sa ulo at napabuntong hininga dahil alam nyang wala syang magagawa para mabago pa iyon dahil labis na hinahangaan ni ataparag ang kabutihan ni Sei na nagiging huwaran nito sa paglilingkod bilang Eskapa.
" Sayang ang talento mo sa pakikipaglaban kung hindi ka makapagdesisyon ng tama isang simpleng problema kagaya nito."
Ilang saglit pa ay lumapit bigla sia Sei sa kanila upang kausapin si Ataparag.
Pinagsabihan nya ito na hindi magandang desisyon ang nagawa nito bilang isang leader dahil maaaring mapahamak ang ibang mga kasamaahan nito sa loob ng base lalo pa nakakulong din doon ang ibang mga kriminal na binabantayan nila.
" Gayumpaman hindi kita masisisi dahil sumusunod ka lang sa utos."
Malambing ang bosea ni Sei kaya naman hindi ito nakakatakot kapag nanenermon gayumpaman, todo ang paghingi ng tawad ni Ataparag dito.
" Patawad commander, pangako pagbubutihan ko na po ang pamumuno ko sa aking team." nakayukong sambit nito.
Walang bakas ng pag kainis si Sei kay ataparag kahit na paulit ulit na ang pagkakamali nito bagkus ay kinilala nito ang tyaga at determinasyon ng dalaga sa pagiging leader at inaasahan na gagawin ni ataparag ang lahat upang maging karapatdapat sa posisyon na ibinigay sa kanya.
Dahil sa narinig ay napalitan ng ngiti at tuwa ang lungkot nito kanina at ang pangangambang baka nagagalit na sa kanya ang kanyang huwarang reyna na pinaglilingkuran ng lubos.
Sa pagkakataon na iyon muling sumabat si Nyabu at dinepensahan si Ataparag, binangit nito na maaaring hindi umabot sa pagdadala ng soul eater sa base kung hindi dahil sa pang gugulo ng isang tao
" Isang tao?"
Ang tinutukoy nyang tao na nangugulo sa kanila ay ako at talagang hindi nya pinalagpas na isisi saakin ang kasalanan upang sakali mabawasan ang parusang matatangap ng team nila.
Part 1 of episode 11