Chapter 8
Nathaniel's POV
Habang sinusundan ko si suwi ay nalaman ko sa location status ko na nasa galica ako. Isa itong bayan na sakop ng pangangalaga ng eskapa dahil pag mamay ari ito mismo ni Sei bilang premyo sa pagiging columbus nya.
Sa limang bayan na pagmamayari nito ang bayan na ito ang nag sisilbing kaharian nya kahit na hindi ito kalakihan dahil narin sa ito ang unang bayan na natangap nya at malapit sa dati nyang lupain na ngayon sinakop ng ibang warlord.
Ipinagpatuloy ko ang pagsunod kay suwi kahit saan man sya magtungo at kahit na harap harapan ko na syang nakikita ay hindi parin ako makapaniwala na sinusundan ko sya na para bang isa akong stalker.
Gayumpaman ay napaka delikado kung malalaman nya na sinusundan ko sya lalo pa hindi nya ako kilala.
Base sa alam ko hindi nagtitiwala si suwi sa ibang nilalang at wala syang ibang pinakikingan kundi ang sarili at kay xxv.
Hindi naging madali ang naging buhay nila at kung sasariwain ko ang mga nangyari ay hindi umayon ang lahat sa plano ni suwi para kay XXV
( Alaala ni Nathaniel)
Pagkatapos makaalis ni XXV at matagumpay na natapos ang laro ay napadpad sya sa isang bayan na kilala bilang lorencia.
Isa rin ito sa pinakamalaking kaharian na sakop ng pangangalaga ng eskapa at open city ito kaya malayang maglabas pasok ang sino man na wala sa listahan ng mga kriminal kahit saang lahi pa sila nabibilang o nagmulang bansa.
Sa pagpasok ni Xxv sa lungsod ay lubos ang kasiyahan nya dahil unang beses syang makapunta sa isang bayan na may mga tao.
Kahit na wala syang ideya kung ano ang naghihintay sa kanya sa bayan na iyon ay positibo syang makakapagsimula ng magandang buhay sa loob ng bayan habang nag sasanay bilang maging mandirigma.
Ilang saglit pa habang naglalakad lakad si Xxv ay may biglang lumapit sa kanyang isang babae.
" Napaka dalisay na presensya." Sambit nito.
Tinangka nitong kausapin si Xxv pero bago nya pa ito kalabitin ay naramdaman na ng binata ang gagawin nya kaya naman kumilos ito at tumalon palayo.
Doon din sa bayan na iyon unang makikilala ni Xxv ang babaeng babago sa takbo ng buhay nya.
Masyadong alerto si Xxv sa paligid nya dahil na rin sa takot at pangamba sa banta sa buhay nya. Ito ay epekto na rin ng paglalaro sa loob ng crimson game.
Mabilis nyang binunot ang kanyang espada na hawak at sumiklab ang pulang apoy sa dulo ng talim nito.
Isa sa kakayahan ni Xxv dulot ng mga experimento ay ang pagkilala sa ibat ibang presensya ng mga nilalang kaya naman nalaman nya na iaang hagen ang kaharap nya.
Ang hagen ay mga nilalang na gumagamit ng puting mahika at mga positibong enerhiya.
Nagulat ang babaeng hagen sa naging reaksyon ni Xxv at nagpanik agad.
" Sa-sandali , huminahon ka."
Bumungad ng bati sakanya ang babaeng may maikli at brown na buhok na nakasuot ng normal na uniporme ng sundalo ng eskapa.
Dito makikilala nya ang nilalang na magbibigay sa kanya ng lahat ng kailangan nya.
" Kamusta munting nilalang? Wag kang mabahala dahil hindi ako kaaway." Maamong bati nito.
Ang ginagalang ng karamihan na walang iba kundi ang pinuno ng eskapa na si magdalena cross.
" Nandito ako upang kalingain ang puso mong napupuno ng takot at pangamba sa mundo." Dagdag nito.
Bilang tagapagligtas ay madalas syang lumalapit sa mga nilalang na pinipili nyang tulungan kaya naman binabalak nitong kausapin si Xxv dahil narin nakikita nya sa kasuotan nito at mga sugat sa katawan na kailangan nya ng tulong.
Gayumpaman, hindi madaling magtiwala si Xxv sa ibang nilalang kaya naman pinipigilan nyang lumapit si magdalena sa kanya.
" Lumayo ka at wag kang lalapit kung ayaw mong masaktan! " Sigaw nito.
" Ok , ok dito lang ako." Sambit nito hanag inilalagay ang mga kamay nya sa likod
Alam nya na hindi madaling magtiwala sa kanya si xxv kaya dumistansya sya bahagya upang ipakita na wala syang balak na masama sa binata.
Dito ay nakangiti nyang kinakamusta si Xvv kung ayos lang ito at tinatanong kung saan sya nanggaling dahil narin sa pinsala nya sa katawan.
" Gusto ko lamang malaman kung saan ka nagmula?"
Dahil sa pagiging hagen ay nakakaramdam din ng dark energy si magdalena dulot ng negatibong emosyon ng nilalang kagaya ng takot,pagdududa,pagsisinungaling at ano pa.
" Nararamdaman ko ang matinding takot at kalituhan sa puso mo na nagdudulot ng pangamba sa lahat ng bagay." Malambing na sambit nito.
Isa rin sa katangian ng mga hagen ay ang paglilinis sa itim na enerhiya sa isang tao kaya naman naramdaman ni magdalena ang takot sa isang mabuting nilalang kagaya ni Xxv.
Si magdalena ang magdadala kay Xxv sa liwanag at mag hahatid dito sa landas ng pagiging bayani.
Ang presensya ng mga hagen ay dalisay kaya naman madali mahulog ang loob ng sino man sa kanila maging si Xxv.
Hindi makaimik si Xxv dahil narin sa pagkahalina nito at kahit na nakikita nyang humahakbang palapit si magdalena sa kanya ay wala syang naging tugon dito.
" Naniniwala ka ba sa tadhana?" Tanong nito.
" Ako nga pala si magdalena cross at kung wala kang matutuluyan sa bayan na ito ay pwede kang sumama muna saakin." Alok nito
Tila nanlambot ang kaninang matapang na loob ni Xxv ng makita ang napakagandang ngiti ng dalaga.
Wala syang ibang nagawa kundi humakbang paatras dahil aa kalituhan.
Kahit na nagdududa sya sa mga nasa paligid nya ay likas kay Xxv ang pagiging mabait kaya wala itong magagawa kundi ang umiwas kay magdalena.
Gayumpaman, naaalala nito ang mga katagang binangit ni Suwi kung saan wala itong dapat pagkatiwalaan at sundin kundi ang salita lang ng prinsesa nya.
Dahil doon ay tumalon aya palayo at hinawakan ang kanyang espada upang umamba.
" Masyadong kahina hinala ang mga sinasabi mo babae."
Napilitan magbanta si Xxv sa dalaga upang iwasan na mapahamak dahil inaakala nito na nililinlang lang sya ni magdalena.
Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Xxv kay magdalena ngunit kahit na nakakataas na nilalang ay hindi ito pinansin ng dalaga at sinakyan ang mga nangyayari.
Natutuwa si magdalena sa pagkainosente ni xxv dahil hindi nya kilala ang kinakausap nya sa mga oras na ito at pinagbabantaan ang isang warlord na may higit 10 milyong mga sundalo.
Maliban pa doon si magdalena ay may hawak ng 10 bansa at libo libong mga bayan kinikilala din sya bilang pinakamalakas na nilalang. Ang ika siyam na warlord ng endoryo.
" Nakakatuwa ang pagiging inosente mo, alam mo ba kung sino ang kausap mo?" Natatawang sambit nito.
" Alam mo ba sa isang pitik lang ay kaya kitang patulugin sa kinatatayuan mo?" Pagyabang nito.
Inakala ni magdalena na mag dadalawang isip si Xxv kapag nalaman nito ang deperensya nila at naiintriga sya na makita ang mga reaksyon ng mga nilalang na sinusubukan nya ring pagtripan aa oras na malaman nila na isang warlord ang kausap nila.
Nagbiro pa si magdalena na tila sinusubok pa si Xxv kung matatakot ito sa kanya o hindi .
" Kahit hindi mo ako kilala ay dapat nararamdaman mo ang laki ng agwat ng presensya natin sa isat isa."
Pero nagkamali si magdalena dahil narin sa pagkainosente nito sa maraming bagay ay hindi ito natatakot na mga tanyag na nilalang gayung wala syang sapat na kaalaman sa mundo.
Hindi nya alam kung sino ang dapat iwasan o igalang lalo pa ang tingin nya sa iba ay banta sa buhay nya.
" Wala akong paki elam kung sino ka !" Sigaw nito .
Dali daling umatake si Xxv sa kanya at dahil hindi naman ito inaasahan ni magdalena ay wala syang nagawa para iwasan ito.
"Sandali !! " Sigaw ni magdalena.
Agad naman napigilan ni Xxv ang sarili at naiiwas ang talim na tumama sa ulo ni magdalena na ngayon ay takot na takot .
Nagpunas ito ng pawis sa noo dahil sa nerbyos dahil nga sa hindi nya akalain na aatakehin sya nito sa gitna ng kabutihan ng puso na taglay ni Xxv.
" Pambihira ka, napaka agresibo mo."
Kinabahan ako sa ginawa mong pag atake, akala ko itutuloy mong saktan ang tulad ko." Dagdag nito.
Napangiwi na lang si Xxv sa naging reaksyon ni magdalena dahil kahit sya hindi nya akalain na magpapanik ng ganun ang isang hagen.
" Napakayabang nya kanina eh takot naman pala syang masaktan." Bulong nito.
Ikinalma ni Xxv ang sarili at nagbuntong hininga kasabay ang pag wasiwas pababa ng espada upang maglaho ang siklab ng pulang apoy.
Kahit na naging bayolente at mapangahas si Xxv sa harap ng nakakataas na nilalang na gaya ni magdalena ay hindi ito naging sanhi para magkaroon ng pag aalinlangan na tulungan sya dalaga.
Dahil naniniwala sya na hindi tinitignan ng diyos ang isang nilalang sa panlabas na itsura upang tulungan ito kundi ang taglay nitong mabuting puso at batid nya na tinataglay ito ni Xxv sa kabila ng pagkabayolente nito at takot sa mundo.
Sa mga panahon na kasi nun ay wala pang pinapakingan si Xxv kundi ang salita ng kanyang prinsesa.
" Ayokong manakit ng babae kaya mabuti pa lumayas ka sa harap ko " matapang na sambit nito. "
Napakunot na lang si magdalena sa tila pagyayabang nito pero ganun paman ay pinagpasensyahan nya ito at hindi na lang pinansin ang kahambugan.
" Wala naman akong masamang intensyon sayo,hindi naman kita sasaktan kaya pwede ba huminahon ka lang ." Sambit nito habang pinagsasabihan si Xxv.
" Alam mo ba sa ginawa mong pag atake ay muntik ka na mamatay bata? " Dagdag nito habang pinapagalitan ito.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Xxv at wala itong kamuwang muwang sa mga pwedeng mangyari sa kanya sa oras na saktan nya ang isang mahalagang nilalang kagaya ni magdalena.
Sa mga sandaling iyon ay bigla nyang naramdaman ang isang nakakatakot na presensya na nagmumula sa nilalang na nasa likoran nya.
Halos hindi sya makakilos at napakabigat ng pakiramdam ng iparamdam sa kanya ang presensya ng misteryosong lalaki na ngayon ay lumalapit sa kanya.
" ang klaseng presensya ito? " Bulong nya sa sarili.
Dahil sa pangyayari na iyon sa lorencia ay magsisimula ang kanyang pakikipagsapalaran at makikilala ni Xxv ang ilang mandirigma na makakasama nya magsanay upang maging bayani.
Naging espesyal ang pakikitungo sa kanya ni Magdalena at dahil natutuwa sya dito ay hinayaan nya ito gawin ang pangarap ni Xxv na maging malakas na mandirigma sa gabay mismo ng mga sandata ng diyos.
Higit isang taon ang lumipas pagkatapos nya magsanay sa gabay ng mga sandaya ng diyos ay muli silang nagkita ni suwi.
Sa isang labanan kung saan hinahabol si suwi ng mga hube at nanganganib ang kanyang buhay ay dumating si Xxv upang sagipin ito.
" Walang pwedeng manakit kay master zhui." Matapang nitong sambit.
Halos hindi makapaniwala si zhui sa nakikita nya sa kanyang harapan lalo na nung isa isang talunin ni Xxv ang mga hube na hindi nya kinayang labanan.
Isang pagpapakita na nagawa ni Xxv ang isang imposibleng bagay na maging malakas na mandirigma kagaya ng kanyang inutos dito.
Pagkatapos na mailigtas ay itinakas ni Xxv si Suwi sa malayong lugar upang hindi na muli syang masundan ng mga kalaban nito.
Nagsama sila ng ilang buwan sa isang isla at sinubukan na mamuhay ng payapa at malayo sa digmaan na nagaganap.
Sa mga sandali na iyon naranasan ni suwi ang pagmamalasakit at pagmamahal na matagal nya ng inaasam sa buhay nya.
Naging tapat naman si Xxv sa pangako nya na sasamahan at pangangalagaan ang asawa nya habang buhay.
Ang pagmamahal nila sa isat isa ang nagsilbing dahilan kung bakit nakontento sila sa buhay at mas pinipili ito sa higit na ano mang yaman o katanyagan sa endoryo.
Ngunit gayumpaman hindi naging mabait sa kanila ang mundo dahil ang digmaan ng lahi ay mas lalong lumalala dahil sa pang gugulo ng mga natitirang soul eater sa endoryo.
Walang ibang ninanais ang dalawa kundi ang magsama ng payapa at magkaroon ng masayang pamilya pero lalong naging komplikado ito dahil sa kasuduan ni Xxv at magdalena.
Nakatali si Xxv sa sunumpaan nyang pangako kay magdalena na magiging bayani hangat hindi nila nagagawang payapa ang buong endoryo sa kaguluhan.
END OF POV.
Sa kasalukuyan.
Patuloy na sinusundan ni Nathaniel si zhui sa bayan kahit saan ito magpunta.
Hindi nawala sa paningin nya si zhui at wala rin syang napapansin na nalalaman na ni suwi na may nagmamatyag sa kanya.
Kaya naman naisip nito na pumasok sa isang eskinita at lumiko sa likod na bahagi ng pamilihan.
Walang masyadong nagdadaan dito kaya naman madali para sa kanya na mahuli ang kahinahinalang nilalang na sumusunod sa kanya.
Samantalang hindi parin nag alinlangan na sumunod si nathaniel hanggang sa pagliko nito sa isang gusali ay biglang nawala ang sinusundan nya.
Nabigla ito at nagpanik kaya naman napatakbo ito papasok sa eskinita.
" Napakabilis nya mawala sa paningin ko" bulong nya sa sarili nya.
Ang hindi nya alam ay nasa itaas nya lang si zhui at nakasabit sa isang tubo ng tubig upang mahuli ang sumusunod sa kanya.
" Kailangan ko ng makita ang babaeng iyon." Sambit ni nathaniel.
Nagtaka naman si zhui sa pagsunod ng isang tao sa kanya dahil hindi nya inaasahan na may isang mahinang tao na patago syang sinusundan.
" Sinusundan ako ng isang mababang uri ng nilalang? "
Mula sa pag ka sabit sa tubo ay bumaba ito para hulihin ang taong ito. Dumeretso ito pabagsak paunta kay nathaniel upang sipain ang likod nito.
Walang nagawa si nathaniel sa biglaang pag atake ni zhui at bumagsak sa lapag habang apak apak sa likod ng babaeng ito.
" Mukhang may maliit na daga ang nagkamali ng hinahunting." Sambit ni zhui.
Namilipit sa sakit si nathaniel sa pagbagsak sa sahig at habang inaapakan sya ni zhui ay nagliyab ng kulay lila na apoy ang kamay nya.
Sa pagliyab nito ay unti unting nabubuo ang isang espada mula sa apoy. Ito ang isa sa kambal na espada na taglay nya, ang rabaikasyu.
Galit na tinanong ni zhui ito sa pakay sa kanya ni nathaniel habang dinidiinan ang pag tapak sa likod nito na tila gustong durugin.
" Kung gusto mo bang mabuhay sabihin mo kung sino ang nag utos sayo na sundan ako." Pag babanta nito.
Alerto si zhui sa paligid nya at wala syang pinagkakatiwalaan dahil na rin sa banta sa buhay nya kahit sa walang kalabang labang tao.
Kaya naman agad na pumulupot sa leeg ni nathaniel ang berdeng buntot ng ahas nito upang sakalin ito.
Sumagot agad si nathaniel habang itinatangi na walang katotohanan ang pag aakusa sa kanya na sinusundan nya si zhui.
Gayumpaman hindi nagpalinlang si zhui gayung narinig nya ang bulong ng binata dahil sa matalas na pandinig nya.
" Wag mo akong lokohin, narinig ko kanina ang sinabi mo." Sigaw nito upang sindakin si nathaniel.
Batid ni nathaniel ang kakayahan ni zhui at ang ugali nito kaya naman alam nya na hindi sya pwedeng magkamali sa sasabihin dito.
" Oo na, sige na sinusundan na kita pero wala naman akong masamang intensyon ." Sambit nito.
Gayumpaman ay hindi naging kampante si zhui lalo na sa kahinahinalang mga nilalang kaya naman lalo nyang hinigpitan ng pagkakasakal kay nathaniel.
" Sandali lang pakawalan mo muna ko hindi ako makahinga."
" Mawawalan ka talaga ng hininga kung hindi ka magsasabi ng totoo."
" Ano ang pakay mo at sino ang nagutos sayo na sundan ako." Tanong nito habang itinututok ang espada sa leeg ni nathaniel.
Naging mas maingat pa si zhui dahil narin sa hindi sya naniniwala na susundan ang isang soul eater na kagaya nya ng isang normal na tao na walang dahilan.
Alam ni nathaniel na nanganganib ang buhay nya lalo pa nahuli sya sa ginagawa nya at ano mang oras ay maaaari syang patayin nito.
" Kailangan kong umisip ng paraan upang makaligtas sa sitwasyon na ito " biulong nya sa isip."
" Sigurado akong papatayin nya ako kapag hindi nya nagustuhan ang mga sasabihin ko." Dagdag nito habang pinapagpapawisan ng malamig dahil sa sobrang kaba.
Episode 8