Chapter 9 part 1 

Sa bundok ng Nafu higit isang daang kilometro lang ang layo mula sa syudad ng galica kung saan naroon ang kaharian ni Sei.


Sakop din ito ng lupain ni Sei ngunit dahil maraming kagubatan dito ay nahihirapan na magtayo ng bayan si Sei dahil sa kakulangan ng tauhan at materyales sa pagtatayo ng mga barikada.


Marami rin halimaw sa paligid na naninirahan dito at alam nila kapag tinaboy nila sa tirahan nila ang mga ito ay maaaring magpunta ito sa ilang nayon ng mga mamamayan nya upang lumipat.


Dahil hindi rin kayang magpadala ng mga tagapag bantay sa lupain na ito ay maraming pagkakatapon na napupuntahan ito ng mga taga labas o hindi nakarehistro bilang mamamayan ni Sei.


Sa isang bahagi ng gubat ay may mga nilalang na nag titipon tipon at nakahanda para sa gagawing pag atake.


May tatlong nilalang ang nakatayo sa dulo ng bangin habang pinagmamasdan ang higit limang libong mga halimaw sa ibaba nito na nakahilera ng maayos.


May mga bandana ito na may tatak na itim na scorpion tanda ng kanilang grupo.


Ang black scorpion ay isang grupo ng Hube na pinamumunuan ng isang Columbus na si Hakza. Isa sa mga pakay nito ay ang makahuli ng mga Soul eater at kainin ang mga ito.


Kilala rin silang bilang mga kriminal dahil pumapatay sila para manguha ng mga crimson item na pwedeng magamit.


Ang crimson item ay binibigay bilang gantimpala kapag nagawa mong umakyat sa BETA class.


Ang Crimson eyes naman ay binibigay gatimpala sa mga ALPHA Class.


Ang Crimson Curse naman ay para sa mga Columbus class.


At isang bansa naman ang binibigay sa mga magagawang makaakyat sa pagiging warlord class.


Isa sa problema sa Crimson item ay maaari itong magamit ng ibang nilalang sa iisang kondisyon at ito ay kung tatangapin ka ng crimson item bilang bagong may ari nito.


Sa oras kasi na mamatay ang may ari nito ay mag hahanap ito ng bagong mag mamay ari sa kanya na tutugma at papayag sa kanyang kondisyon. 


Kapag walang nahanap ang crimson item na bagong pwedeng mag may ari sa kanya sa loob ng isang buwan ay maglalaho ito at babalik sa agata tower upang maging gatimpala pars sa iba.


Isa sa mga pinuno ng mga halimaw na ito na mukhang taong leon na si haberlio. Kasama ang mukang taong ibon at isa pang hube na mukhang usa.


" Kailangan maisagawa na natin ang pag atake bukas para maihatid na natin ang mga bagong alipin at mga crimson item sa pinuno sa lalong madaling panahon." 


" Alam ko pero ang inaalala ko, nakatakas kahapon ang isa sa mga sundalong tinambangan natin. Nag aalala akong makapagsumbong ito." 


Nagawa ng mga itong makarating sa pusod ng kagubatan ngunit hindi nila inaasahan na makakasalubong nila ang ilang sundalo ng Eskapa at nauwi ito sa labanan.


Kahit nagawa nilang matalo ang mga ito ay hindi nila inaasahan na may makakatakas sa mga sundalo at ngayon patuloy nila itong hinahanap.


" Wag kang mag aalala, kitang kita ko na may malubha syang pinsala sa katawan kaya naman natitiyak ko na namatay na sya pagkatapos tumalon sa may ilog." 


Kahit na binabagabag ay alam ni haberlio na hindi na sila pwedeng magsayang ng oras dahil iniiwasan din nila na masagupa ang pwersa militar ni Sei.


Ang tanging sadya ng mga ito ay ang mga maliliit na nayon sa paligid ng probinsya na pwede nilang pagkunan ng kayamanan at bagong alipin.


Kahit na sakop ito ng lupain ni Sei ay hindi kayang magpadala ni Sei ng mga sundalo para pangalagaan ang iilang maliliit na  tribo at nayon lalo pa't wala naman silang nakukuhang tax at ano mang pakinabang mula rito para suportahan ang mga ito.


Habang nagaganap naman ang pagtangkang paglusob ng mga iti ay wala silang kamalay malay na nakabalik sa maliit na bayan ng Hegar ang sundalo.


Dalawampung kilometro lang ang layo nito sa bundok at isa ito sa unang aatakehin ng Black scorpion sa magaganap na pag lusob.


Maliit lang ang lugar na ito na may higit limang libong mamamayan at karamihan pa dito ay mga bata at matanda. 


Ang mga naninirahan dito ay nag mula sa lahi ng Derola, mga nilalang ng kalikasan na may mga maliliit na sanga sa noo na tila isang usa.


Nagkakagulo ang mga naroon sa biglaang pag dating ng sugatang sundalo at iniyahag ang tungkol sa mga bandido na malapit lang sa lugar nila.


Alam nila na maaaring target sila ng mga ito at mapanganib kung makakarating ang mga ito sa tribo nila gayung kulang ang mga bantay nila at hindi naman talaga sila mga hasang mandirigma.


Kasalukuyahang nagpupulong ang mga ito upang pag planuhan ang susunod na gagawin.

" Chief anong gagawin natin? Nasa isang daan lang ang ating mga tauhan na may alam sa pakikipaglaban at hindi rin sila bihasa sa pakikipaglaban sa mga halimaw." 


" Wala tayong pag asang manalo kaya umalis na lang tayo dito." 


Nagsimulang magtalo talo ang mga ito dahil sa pagkakaibang mga paninindigan dahil kung aalis sila sa lugar ay mawawala ang ariarian nila.


Matagal na sila sa lupain na iyon kaya alam nila na pinaghirapan ng kanilang mga ninuno ang ano mang meron sila at kailangan nila itong ingatan at ipagtangol.


Gayumpaman may iilan sa kanila na mas pinahahalagahan ang buhay ng karamihan sa lahi nila at gustong lisanin ang kanilang lugar.


Gustong ipaintindi ng iba na napaka unti ng lahi nila sa lugar na iyon ay mas malaking kawalan kung mauubos sila.


" Kaya naman natin mag simula ulit basta magkakasama imbis na manatili tayo dito at mamatay para sa wala." 


" Hindi ! Malaking kasiraan sa henerasyon ng lahi natin kung tayo mismo ang tatalikod sa lugar na ito na daang taon ng pinoprotektahan ng ating mga ninuno." 


" At isa pa wala tayong kasiguruhan kung makakakita tayo ng lugar na ligtas at pwedeng tirahan kagaya ng nayon natin baka maging pagkain lang tayo ng mga halimaw sa ibang gubat" 


Dahil sa mga pagtatalo ay nahihirapan ang pinuno ng tribo naagdesisyon at binangit kung kailan makakabalik ang tauhan nilang pinapunta sa kaharian ni Sei uoang humingi ng tulong.


Hindi ganun kabilis ang kanilang mga wild fox para maglakbay ng malayo kaya aabot ito ng sampung oras para makarating lang sa Galica.


" Napakatagal, hindi tayo pwedeng maghintay na lang dahil mamamatay tayong lahat dito bago pa sila makabalik." 


Umingay ang boung silid dahil sa pagtatalo ng mga naroon hangang sa dumating ang isang tauhan nila uoang mag bigay ng ulat.


" Pinuno, may namataan ang tauhan naytn na sunog mula sa kabilang tribo sa timog, ang suspetya namin inaatake na sila ng mga kalaban ." 


Lalong nangamba at nagpanik ang mga naroon at nais magdesisyon na ang kanilang pinuno.


" Wala na tayong magagawa, ihanda ang mga kasamahan natin para lumikas sa lalong madaling panahon." 


Habang sa Galica magaganap sa tore ng agata ang pagsusulit ng mga aplikante.


Nagsasalita si Ataparag para pagbilinan ang mga ito sa gagawin pagkatapos ng pagsusulit at pinapalakas ang loob upang hindi kabahan.


" Hangad ko ang inyong tagumpay, mag ingat sana kayo at tulungan ng ating diyos ngayong araw." Sambit nito.


Bumaba na si Ataparag sa stage at lumapit sa mesa nya para kunin ang mga papel ng aplikante.


Dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Nathaniel na lumapit dito. Hindi na ito nagsayang ng pag kakataon na  kausapin ito bago sya mag umpisa ang pagsusulit.

" Miss Ataparag " 


Humarap naman si Ataparag at tumugon sa pagkalabit ni Nathaniel pero bigla itong napangiwi ng malaman nya kung sino ang tumawag sa kanya.


" Pwede ba tayong mag usap?" 


Ngumiti lang ito at nagpapanik habang nagdadahilan na kailangan nyang umalis agad para magsubmit ng ulat sa base.


Bago pa ulit mangulit si Nathaniel ay nagmadali itong maglakad paalis na tila ba iniiwasan si nathaniel na kausapin.


" Talagang iniiwasan nya ako." 


Hindi mapakali si Ataparag habang nag lalakad at nahihiyang kausapin si Nathaniel.


" Naku naman, dahil sa nangyari hindi ko na alam kong paano pa aya haharapin." 


Pumasok ito sa isang silid para magtago at huminga nga malalim para kumalma.

Alam nya sa sarili na nagkamali sya ng madulas syang sabihin sa binata ang palagay nya dito.


"Ano bang gagawin ko ? " 


Patuloy syang nag papanik kaya hindi nya napansin na nasundan sya ni Nathaniel sa silid na iyon at nakikinig sa sinasabi nya.


" Kung ganun totoo nga na alam mo ang ginagawa mo." 


Halos magtayuan ang balahibo ni ataparag dahil sa gulat at napaatras palayo.


" M-mi-mister n-na-nathaniel anong ginagawa mo dito?" 


Lumapit si Nathaniel sa kanya habang patuloy naman itong umaatras palayo.


Hindi ito makatingin kay nathaniel habang pinaalalahanan ito na mahuhuli sa pagsusulit kapag hindi bumalik.


Hindi ito pinakingan ni Nathaniel at patuloy na mas lumapit pa sa kanya hangang sa mapasandal si Ataparag sa pader .


" Hindi mo na ako pwedeng iwasan pa." 


Lumapit pa si nathaniel at inihampas ang kamay nya sa pader para hindi na makaalis si Ataparag.


" A-an-anong iniiwasan? Bakit ko naman iyon gagawin?" 


" Kung ganun bakit hindi mo ako kausapin ngayon tungkol sa nangyari nung isang gabi." Sambit ni Nathaniel.


Patuloy na nag mamaang maangan si Ataparag na may nalalaman sya sa tinutukoy ni Nathaniel at itinangi na wala syang ideya sa sinasabi nito na nangyari nung gabi.


Hindi naman ito tinangap ni Nathaniel at idinikit ang kanyang noo sa noo ni ataparag habang pinapaamin ito.


" Alam kong may itinatago ka saakin at hindi mo na ako pwedeng iwasan pa." 


"M-m-mi-mister Nathaniel masyado kang malapit." 


Hindi naging komportable ito sa ginagawa ni Nathaniel kaya naman agad nyang iniiwas ang tingin nya sa binata.


Gayumpaman hindi hinayaan ni Nathaniel na mawala ang paningin nito sa kanya kaya naman hinawakan nya ang mga pisngi nito at iniharap sa kanya.


" Tumingin ka saakin miss Ataparag at sabihin ang totoo." Seryosong sambit nito.


" M-ma-masyado kang agresibo mister nathaniel."  


Hindi nagsalita si Nathaniel at halos ilang segundo rin nakatitig lang kay Ataparag kaya naman hindi na nya nagawang magsinungaling pa sa binata. 


" Oo na magsasabi na ako ng totoo pero pwede ba bitawan mo muna ako." Nahihiyang sambit nito.


Binitawan nya ang pisngi ni Ataparag at hinayaan ito na magsalita pero bago ito ay ipinaalala ni Nathaniel na nag aalala sya kay Ataparag.


" Nag aalala lang ako sa pwedeng mangyari sayo kung sakaling tinatangka ko talaga akong kainin " 


" Alam ko na nagkaroon ka ng kasunduan kay Sei at ayoko naman na ako ang maging dahilan para masira ang tiwala sayo ni Sei." 


Biglang napabuntong hininga si Ataparag at humingi ng tawad sa binata.


" Oo alam ko naman iyon pero hindi ko naman talaga itutuloy ang pagkain sayo." 


Bigla nyang hinawakan si Nathaniel sa mga kamay nito at sinigurado dito na wala syang balak na patayin ang binata dahil kaya nyang kontrolin ang sarili nya.


Dahil sa sinabi nya ay napahawak sa ulo si Nathaniel dahil napatunayan nya na talagang hindi nagkakataon lang ang mga nangyayari at may kamalayan sya habang ginagawa ito.


Nakita ni Ataparag ang pagkadismaya ni Nathaniel kaya naman humingi ulit ito ng tawad habang sinasabi na pipilitin nyang mag pigil upang hindi na mangyari ulit ito.


Napatahimik si Nathaniel sa nalaman habang iniisip na hindi parin talaga nagbabago si Ataparag bilang isang halimaw.




undefined

Alabngapoy Creator

Part 1 of episode 19