Chapter 29 part 2
Patuloy na bumabangon at tumatakbo muli si Nathaniel para iwasan ang mga atake ni Ruri ngunit batid nito na hindi magtatagal ay mapapagod na ang katawan nya at hihinto sa pag takbo.
" Sa ginawa mong pagtakbo ay pinatunayan mo lang na may itinatago ka sa kanila." Sambit ni Melon.
" Anong magagawa ko? Inaatake nya ako gusto mong hayaan kong tamaan ako ng atake nya?" Pag angal ni Nathaniel.
Sa pag kakataon na iyon ay sinabihan sya ni Melon na meron pang isang paraan upang makinig si Ruri sa kanya ng mahinahon at ito ay ang patumbahin ito upang makinig sa kanya.
" Nasisiraan ka na kung iniisip mong lalabanan ko sya, alam mong wala akong alam sa pakikpag laban." Sagot agad ni Nathaniel.
Dahil sa patuloy na pagdadahilan ni Nathaniel para iwasang makipaglaban ay pinaalala sa kanya ni Melon na napakalakas na kapangayarihan ang ibinigay nya dito at ang kailangan nya lang ay ang gamitin ito ng tama.
Pinaunawa nya na walang kwenta ang pagtakbo na ginagawa nya at pinapagod nya lang ang sarili nya at sa huli ay mahuhuli at ang tanging hindi nya pa nasusubukan ay ang lumaban upang patunayan ang sarili sa iba.
Hindi alam ni Nathaniel kung nakikinig ba si Melon sa sinasabi nya dahil alam nya na wala syang kakayahan makipaglaban at bago sa pag gamit ng kapangyarihan ngunit naisip nya rin na wala talagang patutunguhan ang pagtakbo na ginagawa nya.
Dahil doon ay sinabihan ni Melon na makinig lang ang binata sa mga sasabihin nito na pagtuturo kung paano lumaban at gamitin ang kapangyarihan ni Kula.
Agad naman nagduda si Nathaniel kung makakatulong si Melon gayong isa lang itong malambot na bilog na nilalang at alam nya na wala itong karanasan sa pakikipaglaban.
" Hindi ako nakikipaglaban dahil hindi ako nilikha para doon pero taglay ko ang kaalaman sa maraming bagay sa mundong ito."
" Kaya kong baguhin ang duwag na talunan na kagaya mo patungo sa magaling na mandirigma." Dagdag nito
" Tulad ka na rin ni koko magsalita, natutuwa ba kayong sabihan akong talunan?" Reklamo ni Nathaniel sa kanya.
Habang nag uusap ay huminto si Ruri sa pag habol at ilang saglit pa nagliwanag ang sibat nya at unti unting nagbago ng anyo papunta sa isang pulang kanyon na may limang baril.
" Ang third form ng crimson item nya. Naku hindi maganda ang kutob ko dito. "
Nagliwanag ang likuran ng kanyon at humihigop ng enerhiya sa paligid na tila nag iipon ng energy ball.
" Subukan natin ang bilis mo sa isang ito."
" Death missle"
Tumira ng sabay sabay ang limang baril ng mga missle na gawa sa enerhiya at hinabol si Nathaniel.
Ang espesyal na katangian ng mga bala ng sandatang ito ay ang pagsunod sa target kahit saan ito magpunta at nagagawa nitong lumiko at iwasan na tamaan ang ibang gusali habang humahabol na para bang may sariling buhay.
Dahil narin sa unti unti na ring nasasanay si Nathaniel sa pag gamit sa crimson item ay nagagawa nya ng dumiskarte at lumiko habang tumatakbo ng mabilis ang mga binti.
" Gamitin mo ang nahigop mong enerhiya para balutin ang katawan mo at hindi ka masyadong mahirapan sa pag kilos."
" Kung makapag salita ka para namang napaka daling gawin iyon." Pag angal nito
Dito ay ipinaliwanag ni Melon sa kanya na ang enerhiya ay bahagi ng katawan nya at sumusunod sa inuutos ng utak kaya naman kinakailangan nyang pakiramdaman ang kanyang enerhiya at pakilusin ito tulad ng kanyang kamay o paa.
Dahil nga sa alanganin na ang kanyang sitwasyon ay sinubukan nyang sumunod sa sinasabi ni Melon at pinakiramdaman ang enerhiya sa katawan.
" Pakiramdaman at pakilosin tulad ng mga kamay at paa."
Habang tumatakbo ay unti unting sumisiklab ang apoy sa paligid ni Nathaniel at gumagawa ito ng isang ipo ipong apoy na kapalibot sa kanya.
Dahil narin sa apoy ay mas lalong bumilis si Nathaniel at naiwasan ang lahat ng missle at ang mismong pagsabog ng mga ito sa lupa.
" Huh? Isang fire magic? Pero paano nya iyon na cast ng walang magic circle?" Pagtataka ni Ruri.
Lalong sumiklab ang apoy na bumabalot kay Nathaniel at nagtungo sa dereksyon ni Ruri. Para itong isang bolang apoy na bumubulusok ngunit kahit na nakikita ito ni Ruri na papalapit sa kinaroroonan nya ay napaka kalmado lang nitong naka tayo lang.
Nag balik sa pagiging sibat ang crimson item ni Ruri at itinusok nya ito sa lupa sa harapan nya.
" Tikman mo ito , yahhhh!!!!" Sigaw ni nathaniel.
Walang pag aalinlangan na sinuntok ni Nathaniel si Ruri sa noo habang bumubulusok.
Halos tangayin ang lahat sa lakas ng impact at kumalat ang apoy sa paligid kasabay ng hangin.
Ilang sandali pa ay nagulat na lamang si Nathaniel sa naging resulta kay Ruri ng ginawa nya.
" Anong?"
Nanatiling nakadikit sa noo ni Ruri ang kamao ni Nathaniel gayumpaman ay tila hindi ito natinag at wala itong naging galos man lang.
"Hoy tao, nagawa mong manuntok ng isang batang babae sa kanyang ulo? " Masungit na sambit ni Ruri.
" Naiinsulto ako sa ginagawa mo. Sino ba ako para gamitan ng mahinang atake?"
Dito Ipinaliwanag ni Ruri na hindi kailan man kayang galusan ng isang basic Fire teknik ang Class A defensive barrier ni Ruri.
Hinamak nya si Nathaniel at tinawag na baliw dahil sa pag gamit ng mahinang atake para lumusob sa katulad nyang sandata.
" Naisip mo ba kung ano ang pwede kong gawin sayo na ngayong malapit na ako sayo?"
Naramdaman ni Nathaniel ang gagawing pag atake ni Ruri at bago pa ito bunutin ang sibat nya na nakatusok sa lupa ay agad na tumalon na palayo ai Nathaniel.
Gayumpaman ay masyadong mabilis ang pag kilos ni Ruri at tuluyang nakabwelo upang umatake.
Sa pagkakataon na yun hindi na nagawang makalayo ni Nathaniel at nagawang lundagin ni Ruri ang binata para tuhugin ng sibat.
" Hindi, tatamaan ako, hindi na ako makaka iwas." Bulong nya sa sarili.
Nakikita nya ang nakakatakot na presensya ni Ruri na lalong nagpapamanhid sa katawan nya para makakilos at dulot parin ng takot sa kamatayan ay wala na syang nagawa para tangkain umiwas pa.
" Huli ka na, death strike!"
Tumagos sa katawan ni Nathaniel ang sibat ni Ruri at kasabay nun ay ang pag sabog ng likuran nito.
" Ahhh.. hindi maaari."
Hindi makapaniwala si Nathaniel sa nangyari sa kanya at nanatiling tulala habang pinag mamasdan ang pag kakasaksak sa dibdib nya.
" Tsk, paki elamero."
Ilang saglit pa ay unti unting nagiging pulang usok ang katawan ni Nathaniel at naglaho sa harap ni Ruri.
Tinangay ng hangin ang pulang usok at nagpunta sa isang batuhan limang metro lang ang layo . Dito ay unti unti itong nagkakorte at lumabas mula sa pulang usok sina Xxv hawak si Nathaniel.
Halos mapaluhod at hingal na hingal si Nathaniel habang hawak ang kanyang dibdib at mababakas ang takot sa kanyang mukha.
" Pakiramdam ko namatay na ako. Nadama ko ang sakit ng tuhigin nya ako at halos hindi ako makahinga sa mga oras na iyon." Bulong nya sa sarili.
" Ayos ka lang ba? Buti umabot ako." Sambit ni Xxv.
Nagpasalamat agad si nathaniel kay Xxv at naalala ang kapangyarihan ng crimson item ni Xxv.
Dahil sa pakiki elam ay hindi natuwa si Ruri kay Xxv at tinatanong kung bakit nya ito ginawa. Ipinaalala nya na isa itong malaking kasalanan lalo pa't nakiki elam ito sa ginagawa ng isang sandatang kagaya ni Ruri.
Agad naman na humingi ng tawad si Xxv at idinahilan ang pagsunod nya sa utos ni Yuki na pangalagaan si Xxv sa oras na manganib ang buhay nito.
" Hindi ko po maunawaan bakit nyo tinatangkang patayin ang tulad nyang tao lady Ruri?" Tanong nito.
" Ang taong yan ay tauhan ng isa sa grand chaos at malakas ang kutob ko na isa syang ispiya na pinadala para manmanan ang kilos ng eskapa."
Agad naman na tumayo si Nathaniel at pinasinungalingan ang paratang sa kanya at binangit na hindi sya ispiya at lalong wala syang balak na masama sa eskapa.
" Wag mo akong lokohin, matagal na akong nakikipag laban at alam ko ang amoy ng isang prime demon beast."
" Huh? Sandali nagkakamali ka, hindi mo nauunawaan siguro nga may nakasalamuha akong demon beast pero hindi naman sya masama tulad ng alam mo." Pagpapaliwanag ni Nathaniel
" Kung ganun inaamin mo na may kauganayan ka sa Grand chaos?" Seryosong tanong ni Ruri.
" Huh? Hindi, ah.. eh.. teka parang oo pero hindi katulad ng iniisip mo." Natatarantang sambit nito.
Lalong nainis si Ruri sa sinasabi ni Nathaniel dahil nararamdaman nyang may itinatago ito sa kanya at alam nya na gumagawa lang ng palusot ang binata.
" Napakalakas ng loob mong subukang linlangin ang katulad ko. Alam mo ba kung anong parusa sa ginagawa mo." Pagbabanta nito.
Inihampas ni Ruri ang kanyang sibat sa lupa at nagpakawala ng napakalakas na awra na syang kumalat sa lugar.
Sa takot ni Nathaniel ay nagtago ito sa likod ni Xxv habang pinapahinahon si Ruri at binabangit na naiiba si Ataparag sa lahat ng demon beast dahil hindi sya nananakit ng mga inosente.
" Ataparag? Yun ba ang pangalan nya?"
Biglang pumatong sa ulo ni Nathaniel si Melon at pinagsabihan ito na itigil ang pag bangit pa tungkol kay ataparag kay Ruri.
" Alam ko nasa alanganin kang sitwasyon pero sa nakikita ko mahalaga sayo ang babaeng demon beast kaya naman kung ako sayo hindi ko na sya babangitin sa isang yan."
" Anong ibig mong sabihin?"
Dito ipinaliwanag ni Melon na nakita nya sa alaala ni Ataparag ang lihim na kasunduan sa pagitan nila ni Sei at isa sa mga sekretong mahigpit na itinatago ni Sei ay ang tungkol sa pag kopkop nya sa dating Grand chaos.
Isang Napakasamang nilalang ng dating katauhan ni Ataparag at maraming pinaslang na nilalang kaya hindi sya basta mapapatawad sa mga kasalanan nito at pinaalala nya na bale wala ang paki usap nya sa mga ito para mabago ang pagtingin nila kay Ataparag.
Kapag nalantad ang tunay na katauhan ni Ataparag bilang dating grand chaos ay maaaaring hulihin ito at hatulan ng kamatayan ng eskapa at malaki rin ang magiging epekto nito sa katayuan ni Sei bilang isang Sandata.
" Huh? Ibigsabihin wala talaga silang alam sa katauhan ni Ataparag? Pero bakit nga ba ginawa ni Sei ang bagay na yun at isa pa wala naman sa Kwento ko ang tungkol dito."
Dahil sa naguguluhan si Nathaniel ay muling ipinaalala ni Melon na kahit si Nathaniel ang tumakda ng tadhana ng mundong ito ay limitado lang ang nalalaman nya dahil ang kwento na ginawa nya ay naka sentro kay Xxv at zhui.
Maraming bagay ang hindi nabangit sa kwento ang nangyari at mangyayari pa na hindi nya nalalaman dahil ito ay natural na magaganap upang tumakbo ng maayos ang lahat ayon sa naitakda.
" Pero kung hindi ko masasabi sa kanila ang tungkol kay Ataparag ay tiyak ituturing nila akong ispiya ng grand chaos." pakiki usap ng binata sa isip.
Habang nagaganap naman ang labanan nila ay nakatutok ang ibang sandata sa pag uusap nila at maging ang mga ito ay nagulat sa natuklasan nila.
" Kung ganun isang ispiya ang taong yan ng Grand chaos?" Sambit ni Rei.
Biglang nagdabog si Pyun at tumingin kay Aoi habang tinatanong ito kung ano ang ibigsabihin ng nalaman nila. Batid nila na interesado si Sei sa taong si nathaniel at alam nila na kung totoo nga na ispiya ito ay nangangahulugan na nalalaman din ito ni Sei.
Hindi makapag salita si Aoi at Agane dahil alam nila na malaki ang magiging pananagutan ni Sei sa oras na matuklasan ang tungkol kay Ataparag.
Hindi rin nila inaasahan na malalaman ni Ruri ang tungkol sa ugnayan ng tao kay ataparag dahil lang sa pag amoy ng naiwang presensya nito sa katawan ni nathaniel.
Bakas sa mukha nila ang pag aalala na mabangit ni Nathaniel ang tungkol kay Ataparag dahil sa oras na mangyari mabunyag ito sa lahat ay katapusan na ng mga sekreto nila at alam nila na magreresulta ito ng hindi magandang pangyayari.
" Tulad ng sinabi namin ang taong yan ay nasa aming pagsubabay at patuloy namin na binabantayan ang kanyang mga kilos dahil nga sa espesyal sya gayumpaman hindi namin alam ang tunay pinagmulan o kung ano ang totoong pagkatao nya." Sagot ni Aoi.
Hindi tinangap ni Pyun ang mga sinabi nito dahil para sa kanya ay napaka iresponsable na hinayaan ng isang Sandata na maisahan sila at pasalihin pa ang tao sa eskapa na hindi inaalam kung isang ispiya ito.
" Hindi tayo pwedeng maging kampante dahil alam nyo ang kayang gawin ng isang grand chaos."
" Ruri Mas mabuti pang tapusin mo na ang isang yan." Sigaw ni Pyun.
Dahil sa device sa tenga ni Xxv ay narinig rin ni Nathaniel ang inutos ni Pyun kay Ruri na uto tungkol sa pagtapos sa kanya kaya naman agad nya itong pinahinto.
" Teka hindi naman tama iyon."
" Pinagbabawal sa batas ng Eskapa na manakit ng mga inosenteng tao at hangat hindi nyo napapatunayan na isa akong ispiya ay isa ako sa mga dapat nyong protektahan. Tama ?" Dagdag ni Nathaniel.
" Tumigil ka lapastangan! Ikaw na pomoprotekta sa isang soul eater at nagtataglay ng kakaibang abilidad na gumamit ng mahika kahit isa ka lang ordinaryong tao."
" Sapat na iyon para maituturing ka na kahina hinalang tao." Dagdag ni pyun
Hindi tinangap ni Nathaniel ang sinabi nito lalo pa ang basehan lang ng mga ito ay ang pagiging espesyal ni nathaniel.
Hindi natakot si Nathaniel na bangitin na kung maituturing na masama at kahina hinala ang isang taong may espesyal na kapangyarihan kagaya nya ay mas hindi kumbinsidong isipin na isang alagad ng diyos at simbolo ng kapayapaan ang isang nilalang na gunagamit ng negatibong enerhiya at black magic kagaya ni Pyun.
" Anong sabi mo?"
" Hindi ba dati kang anak ng Warlord na si Halloween? Hindi ba nakakapagtaka na hindi ka ituring na mas kahina hinalang ispiya laban sa Eskapa at banta sa kaligtasan ni Magdalena.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Nathaniel at maging si Pyun ay hindi makapaniwala dahil nalalaman ng isang tao ang mga lihim na kagaya nun.
" Ano? Paano mo nalalaman ang mga bagay na yan, tampalasan!."
Nagpakawala ng napakalakas na enerhiya si Pyun at galit na isinumpa si Nathaniel na papatayin sa oras na makarating sa kinaroroonan nito.
Ang sekretong iyon ay ibinaon na sa limot pagkatapos nyang tumakas noon at itakwil ng warlord na si halloween kaya naman ganun na lamang ang kanyang galit sa pag ungkat ni Nathaniel sa kanyang pinag mulan.
" Teka, huminahon ka hindi ko sinasabi ito para husgahan ka o ang iyong katapatan sa eskapa. "
" Ang akin lang hindi sapat na husgahan nyo ako dahil lang sa hindi nyo ako nakikilala at magdesisyon kung dapat ba akong mamatay o hindi."
Dito walang alinlangan na pinaalala ni Nathaniel sa kanila na kahit nasa posisyon sila upang humatol ay nararapat na maging makatwiran ang mga ito dahil isa silang mga alagad ng diyos.
" Ang endoryo ay pinamumunuan ng mga ganid at walang awang mga nilalang at kung ang pag bibigay ng pag hatol sa isang kagaya kong tao na mamatay kahit walang sapat na batayan ang mga binibintang nyo ay nangangahulugan na kumikilos kayo ayon lang sa inyong sariling kagustuhan."
" Ano pa ang pinag kaiba ng ginagawa nyo sa malupit na pamumuno ng mga warlord." Dagdag nito.
Lalong hindi tinangap ni Pyun ang mga sinabi nito at pinatigil sa pag sasalita. Para sa kanya ay isang napakalaking kalapastangan ang mga binitiwan nitong mga salita laban sa kanilang mga espada.
Dahil masyado ng nagiging masama na ang sitwasyon ay hindi na nagdalawang isip si Xxv na hawakan si Nathaniel at paki usapan na tumigil.
Sinabi nito na hindi nakakatulong ang mga sinasabi ni Nathaniel para mapahinahon ang mga Espada at maawa sa isang taong kagaya nito na patuloy na gumagawa ng paglabag at kapalastanganan.
Hindi naman ito basta tinangap ni Nathaniel at hindi napigilan na hindi mabangit ang tungkol kay Suwi sa harapan ni Xxv.
" Hindi ganun kadali manahimik Xxv, Ang mga espada ay itinuturing na Sandata ng Diyos na syang nag bibigay pag asa at hustisya sa endoryo pero naniniwala ka ba na naging patas at makatwiran sila sa iyong asawa na si Suwi? "
Dito pinaalam nya na kahit alam nila ang katotohanan tungkol sa dahilan ng pagkain ng mga Soul eater ng kaluluwa ay wala silang ginagawang aksyon.
Pinili ng mga itong ubusin ang mga Soul eater kesa bigyan ng solusyon ang mga bagay bagay tungkol sa kanila.
" Ano bang sinasabi mo, binabalaan na kita kapag hindi mo pa itinigil ang pagsasalita ay mapiplitan na akong patigilin ka gamit ang dahas." Pagbabanta ni Xxv.
" Paano kung sabihin ko sayo na alam nila Magdalena kung paano ililigtas si Suwi at solusyunan ang pagkauhaw nito sa Ispirito ng tao."
Nagulat si Xxv sa narinig at hindi makapag salita. Nagpatuloy ang pagsasalita ni Nathaniel at binangit nya na alam ng mga espada ang dahilan ng lahat tungkol dito ngunit dahil nga sa banta na mas nakakahigit na nilalang ang mga genion sa lahat ng lahi ay mas pinili nilang manahimik at solusyunan ang lahat gamit ang pag kalipol nila.
Lalong nagalit si Pyun sa narinig at inuutusan si Ruri na buksan ang portal upang sya mismo ang tumapos kay nathaniel.
" Wala kang alam sa mga bagay bagay, hindi mo alam kung paano sinira ng mga Genion ang katahimikan ng lahat dito sa endoryo." Dagdag ni Pyun.
" Nagkakamali ka, nalalaman ko ang lahat at ang lahat ng ito ang bunga ng walang katapusang galit at poot dahil sa pag ganti ng bawat nagluluksa. "
" Natatakot ang lahat sa mga bagay na hindi nila maunawaan at ganun mismo ang nangyayari sa endoryo kinatakutan nyo ang mga soul eater kaya gusto nyo silang maglaho imbis na kaawaan at tulungan."
" Kahit minsan hindi nyo sila inunawa at binigyan ng pag kakataon na subukan magbago. "
" Si suwi, sa loob ng limampung taon hindi pa sya kailan man kumain ng kaluluwa at nalalaman nyo ang bagay na iyon pero binigyan nyo ba sya ng pagkakataon? "
" Ninanais nya ng maganda at tahimik na buhay kasama ang mahal nyang asawa pero wala ni isa sainyo ang nakinig at nagbigay ng pagkakataon na makuha ang bagay na iyon."
Habang nagsasalita ay biglang hinawakan ni Xxv ang braso ni Nathaniel. bigla nya itong pinatid at pinadapa para patigilin.
" Ahh. Teka."
" Sinabi ko na tumahimik ka na ."
Dito ay nagalit si Nathaniel kay Xxv dahil tila hindi ito nakikinig sa sinasabi nya na parang walang paki elam kay Suwi.
Pero yumuko lang si Xxv habang muling naki usap kay Nathaniel na tumahimik at ihinto ang pagsasalita laban sa mga sandata.
" Pero para kay Suwi ang sinasabi ko."
" Nakikiusap ako sayo bigyan mo ako ng pabor kahit ngayon lang dahil hindi nakakatulong sayo ang mga ginagawa mong pagsasalita laban sa kanila at lalong hindi nakakabuti ito para kay Suwi kaya nakiki usap ako... Tumigil ka na."
Naramdaman ni Nathaniel ang kalungkutan sa boses ni Xxv at alam nya na batid nito na nauunawaan nya ang mga sinabi nito ngunit kahit totoo man ang mga narinig nya mula sa binata ay wala itong pwedeng gawin sa sitwasyon nila.
Napagtanto ni Nathaniel na isa paring sundalo ng eskapa si Xxv at sumali sya rito sya rito upang protektahan si suwi dahil batid nya na hindi nya kayang gawin ito mag isa laban sa buong mundo.
Napadabog sa lupa si Nathaniel habang nakadapa ito dahil sa galit kay Xxv, binangit nito na Iniisip ng binata na nakakabuti kay Suwi ang ginagawa nya at ipinaalam kay Xxv na sa higit na tatlong taon mula nung iwan nya ang asawa nya ay wala namang nagbago sa mga nangyayari.
Nananatiling isang lagalag na mandirigma si Suwi na hinahabol ng lahat at ang tanging nagbago lang ay ang lalong tumitinding galit at kalungkutan na dinadanas at tinitiis ni Suwi araw araw.
" Iniisip mo ba na sinasabi ko ito para sa sarili ko? Iniisip mo ba na ginagawa kong pagsalitaan ang mga Espada para lang hamakin sila?"
Sa pagkakataon na iyon ay pinagsigawan nya na hindi nya talaga gusto na madamay sa gulong ito at lalong hindi sya isang kaaway.
Gayumpaman hindi nya kayang manahimik dahil sa mga nalalaman nya tungkol sa hinaharap. Binangit nya na Alam nya ang mga bagay bagay na magaganap sa hinaharap at sa oras na hindi mahinto ang digmaan ng lahi na resulta ng galit at poot ay nakatakdang mamamatay ang lahat.
" Kayong mga espada maging ang bilyon bilyong nilalang sa endoryo ay mamamatay at mababale wala ang lahat ng pinag hihirapan nyo at dahil iyon sa ika sampung warlord ng endoryo na maniningil sa kawalan ng hustisya sa mundo."
" Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?"
" Sa oras na matagpuan nito ang Aegis of imortality wala ng makakapigil sa kanya hindi kayo at kahit ang siyam na warlord ay walang magagawa sa kapangyarihan nito."
Nagulat sila at alam ni Nathaniel ang Aegis of immortal na isang divine item kung saan nagtatagalay ng kapangyarihan ng ganap na imortalidad at kapangyarihan na sa diyos mismo nagmula.
" Hindi ko inaasahan na maniniwala kayo pero nakiki usap ako itigil nyo ang ang galit at poot laban sa ibang lahi lalo na sa mga soul eater kagaya ni suwi."
Habang nagsasalita ay biglang may napaka lakas na presensya ang bumalot hindi lang sa boung palapag kundi sa boung tore na kinalalagyan nila.
" Anong klaseng presensya ito. "
Halos padapain ang mga aplikante sa lapag dahil sa bigat ng presensyang humihila sa kanila paibaba sa tinatapakan nila.
" Napakalakas, ang ganitong klaseng presensya ay nagmumula lang sa isang Warlord."
Gayumpaman kahit na nahihirapan ang iba at nawawalan na ng malay dahil sa tindi ng awra sa paligid ay wala naman itong naging epekto sa katawan ni Nathaniel.
Tumayo lang sya at nagtataka sa mga nangyayari sa paligid nya. Sa pagkakataon na iyon ay muling tumalon si Melon sa ibabaw ng ulo nya at sinabi na dahil sa tindi ng kapangyarihan na bumabalot sa paligid ay kaya nitong pumatay ng mahihinang nilalang kasama na ang mga taong kagaya ni Nathaniel.
Ilang sandali pa ay lumitaw mula sa lapag ang isang napakalaking magic circle kung saan lumabas ang napakalaking tore na tila lapida.
Nababalot ito ng itim na awra at sa ilalim nito naglalabasan ang mga nilalang na tila mga zombie ang itsura.
" Ano ang bagay na yan."
Sa ibabaw nito may isang babaeng naka upo habang hawak ang isang pamingwit. Ang babaeng ito ay may berdeng maikling buhok at kulay green na balat.
Nakabistida rin ito at may tiyara na tila isang princesa, nababalot ito ng malakas na itim enerhiya na pumapalibot sa boung paligid nya.
" Sa wakas may dahilan na rin para magsaya, akala ko masasayang
lang ang araw ko kakaantay sa mangyayari." Sambit nito.
Laking gulat ng lahat maging ang mga espada sa nakita nilang nilalang na biglang lumitaw sa gitna ng pagsusulit.
" Imposible ito, Anong ginagawa nya dito?"
" Bakit nandito ang warlord na si Serenity ?"
Ang babaeng ito ay ang ika Apat na warlord na may hawak sa higit tatlongpung bansa at isang necromancer, ang undying princess na si Serenity.
" Oras na para makipaglaro sa mga tuta ng eskapa." magiliw nyang sambit.
Part 2