Chapter 13 part 1
Pagkatapos akong dalhin ni Ataparag sa dorm ng team nya at patuloyin sa kanyang unit ay pinagbasa nya ako ng rules and regulation ng eskapa at ng team nya.
Medyo okay naman kahit maliit ang unit nya may banyo, sala at kusina at dahil walang pagitan ay nakikita ko ang ginagawa nya sa kusina habang nagbabasa ako sa sala.
Abala itong nagluluto habang nasuot ng pambahay at ang kulay pink na apron na bagay na bagay sa kanya.
Kaya kahit sinabi nya na isa syang nakakatakot na halimaw ay hindi ito kapanipaniwala lalo na kung makikita mo syang kumilos at maghanda ng kakainin namin na parang isang normal na tao.
Hindi ko maiwasang hindi sumilip silip sa kanya habang ginagawa ito dahil nakakatuwa ang pagka clumsy nya habang nag mamadali sa ginagawa.
Medyo weird lang ang kulay ng mga mata nya at may kung anong weirdong sungay sa ulo pero sa totoo lang maganda naman talaga sya.
Ilang sandali pa ay natapos ito sa ginagawa nya sa kusina at nagsimula na kaming kumain.
" Hindi ko alam kung masarap ang luto ko pero sana magustuhan mo."
Amoy palang ng pagkain na niluto nya ay halos maglaway na ako at sa totoo lang hindi na mahalaga saakin kung masarap ito o hindi dahil kanina pa ako nanginginig sa gutom.
Hindi ko alam kung bakit pero napakarami nyang inihanda at isa sa pinagtataka ko ay puro ito karne. Para bang huling kain ko na ito sa daming nakahandang masasarap na pagkain.
Gayumpaman hindi na ako nagtanong at kumain na lang dahil wala naman sigurong problema gayung paborito ko naman ang karne.
Kinagabihan ay pinahiga nya ako sa isang banig sa sala upang doon matulog, komportable naman ito dahil napakalambot ng mga blanket na pinahiram nya.
Lumabas sa ng kwarto nya suot ang kanyang pink na panjama para iabot ang mga unan.
" Kung kailangan mo pa meron pa akong extra sa loob." Sambit nito.
" Naku, hindi miss ataparag. Sobra sobra na ito okay na ako dito." Sagot ko agad.
" Kung ganun matulog na tayo at bukas ay maaga pa tayo pupunta sa base para ipasa ang iyong aplikasyon." Sambit nito.
Hindi nito nakalimutan na mag good night saakin kasabay ang magandang pag ngiti. Hindi ko alam kong tama pa ba na enjoyin ko ang napakagandang trato nya sa tulad ko o baka naaabuso ko na ang kabaitan nya.
Ilang oras pa ang lumipas habang naka higa ako at nag iisip kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon ko.
" Ano bang mangyayari kaya saakin dito. Naiipit na ako sa sitwasyon na wala naman akong pagpipilian."
Kung iisipin ko mabuti kahit mahanap ko si koko ay tiyak na hindi nya rin ako iuuwi ng basta basta sa earth at sa ugali nyang iyon tiyak lalaitin nya lang ulit akong duwag at talunan.
Pero kaya ko nga bang maging matapang lalo na sa pag tupad sa misyon ko? Ano ba ang kaya kong gawin dito?
Ngayon na iisip ko na ang pag sali sa team ni ataparag na lang ang tanging paraan para mabuhay dahil tiyak magiging pulube lang ako sa lugar na ito kapag umalis ako dito.
Mukha naman mabait at makalinga si Ataparag siguro naman magiging ayos lang ako dito.
" Ataparag? Bulong ko.
Teka lang parang may mali dito, ayon sa kanya isa daw syang leader ng battle unit ni sei pero sa pag kakaalala ko wala akong nilagay na leader ng eskapa na nag ngangalang Ataparag.
Maski si Nyabu at toto hindi ko rin kilala at napaka impusible nun dahil sa magaganap na rampage ay isinama ni Sei lahat ng leader ng battle unit nya.
Ano kaya ang nangyayari? Posible kayang nabago ang kasaysayan dahil sa pagpunta ko dito o baka naman hindi talaga eksaktong nagaganap sa mundong ito ang mga nasulat ko sa komiks?
Nalilito ako at puno ng pagtataka pero kahit naman anong isipin ko ay walang mangyayari dahil ang tangi ko lang maaasahan na malaman ang nangyayari ay ang pasaway na ang na si koko.
" Ay bahala na nga, matutulog na lang ako" bulong ko sa hangin.
Dahil narin sa sobrang pagod ko ay madali akong nakatulog ng mahimbing at nanaginip.
Kina umagahan noong ako ay naalimpungatan ay nakaramdam ako ng pangangawit sa braso ko.
Mabigat sa pakiramdam at namamanhid na tila may nakadagan dito kaya naman pilit kong binuksan ang mata ko kahit na inaatok pa ako at agad na ikinilos ang katawan ko.
Pagkagalaw ng kanang braso ko para hawakan ang kabilng braso ko ay nakapa ko ang isang malambot na bagay.
Hindi ko inaasahan ang mga susunod na makikita ko sa harap ko dahil kasalukuyang nakahiga si Ataparag sa tabi ko habang ginagawang unan ang kaliwang braso ko.
Sa sobrang pagkabigla ay napakilos ako para maupo at dahil doon ay bahagya ko syang naitulak para alisin ang ulo nya sa braso ko.
Naumpog ang ulo nito sa sahig dahilan para magising ito.
" Teka,teka a-an-an-anong ginagawa mo dito?" Pag papanik ko.
Sobrang kinabahan ako siguro dahil unang beses kong makaranas na may makatabing babae sa pagtulog, hindi , ang dapat inaalala ko ngayon ay kung bakit sya nasa tabi ko.
Nagpanik ako hanggang makapa ng kamay ko ang isang kahoy na mula sa butas ng sahig.
May kalakihan ito na kasya ang isang bola at hindi lang iyon dahil napansin ko sa paligid ay hindi lang iisa ang butas na ito sa lapag kundi nakapaligid sa hinigaan ko.
" Wala naman kagabi ang mga butas na ito, ano ba talagang nangyayari dito?"
Unti unti lng umupo si Ataparag kasabay ang pag hikab nito. Nagkukusot sya ng mga mata habang tinatanong kung anong nangyari na tila maging sya ay walang alam sa naganap.
Sa pag upo nya at pag harap saakin ay nakita ko magulo nyang kasuotan na halos nag ka punit punit na.
" Anong nangyari? Bakit ganyan ang suot mo.? " Natataranta kong tanong.
Napansin nya na napatitig ako sa kanyang kasuotan na halos nakalabas na ang ibang parte ng kanyang katawan.
Halos mamula ang pisngi nya kasabay ang pagtakip sa katawan nito at bigla syang sumigaw ng malakas at nagpanik sa nangyari.
" A-a-a-a-annong gi-gi-ginawa mo saakin?" Sigaw nito
" Sandali, wala akong ginagawa." Aligagang tanong ko.
Ilang sandali pa ay biglang gumalabog ang pinto ng unit ni Ataparag at dumating ang mga kasamahan nito dahil narin sa pag sigaw ni Ataparag.
" Leader anong nangyari !" Sigaw ni Nyabu.
Dito naabutan nila kami na nakaupo sa lapag ng magkatabi at sa reaksyon ng mukha nila ay halatang maski sila gulat na gulat.
" Nyabu.. " sambit nito habang paiyak na.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil parang lumalabas sa sitwasyon ko ay ako ang may ginagawang masama dito.
" Teka wala akong alam sa nangyari dito " sambit ko agad.
" Ikaw, anong ginawa mo kay leader?!" Galit na sigaw nito.
Nang gigigil sa galit si Nyabu at kahit na itinatangi ko na wala akong ginawang masama kay Ataparag ay hindi ito pinapakingan.
Padabog syang lumapit saakin at kwinelyuhan ako at madaling nabuhat na parang napakagaan ko.
" Sandali, wala talaga akong ginawa sa kanya. Pag gising ko nasa tabi ko na sya." Sambit ko.
Hindi halata sa itsura ni Nyabu pero napakalakas nito lalo na ng ibato nya ako sa pinto hangang mapalabas ako sa unit ni ataparag.
Nagulat ako sa ginawa nya pero wala akong ibang ginawa kundi lumuhod at magpaliwanag na lang ulit.
" Sandali naman , hindi ako nag sisunungaling sainyo wala akong ginawa sa kanya."
Dito ay muli syang lumapit saakin at muli akong kwinelyuhan para sigawan na halos gusto nya na akong saktan.
" Hangal ka talaga " galit na galit nyang sigaw.
" Alam mo ba na isang demon beast si leader? " Sambit nito.
Hindi ko alam kong ano ang tinutukoy nya saakin kahit na nabangit ito saakin ni Ataparag at ano naman ang kinalaman nito sa nangyayari.
" Kung gusto mong mamatay wag mong idamay ang leader." Dagdag nito.
Bigla nya akong ibinalibag sa sahig at pinalabas ang ibang kasama nya sa kwarto at mag isang muling pumasok sa unit ni ataparag.
" Pero wala naman akong masamang ginawa."
Gusto kong ipagpilitan na wala akong ginawang mali dahil iyon naman ang totoo pero walang nakikinig saakin.
Hanggang sa may tumapik sa ulo ko at pinatahimik ako.
" Tumahimik ka na lang muna, bakit ka ba nandito ? Pinagbabawal ang tao sa lugar na ito." Sambit ng isang babaeng may Berdeng buhok at may tatlong sungay sa ulo.
Ang kagaya nya ay tinatawag na Hube, mga prime class na halimaw na may matalino at angat ang kakayahan.
" Bawal ang tao? Sinama ako dito ni Ataparag para maasikaso nya ang aplikasyon ko para sumali sa eskapa." Sagot ko rito.
" Isang tao na sasali sa eskapa?" Pagtataka nito.
Napabuntong hininga na lang ito at pinasama sa kanya sa ibaba upang maghintay sa paglabas ni Ataparag.
Wala naman akong magagawa kundi sumunod at maghintay na lang din.
Ilang minuto lang ay pinapasok nya ako sa isang malaking kwarto kung nasaan ang kanilang mga gamit na sandata at sa gilid ng silid na ito ay may mahabang lamesa na ginagamit sa pagplaplano.
Pinaupo nya lang ako dito at pinag aantay habang pinaalalahanan na wag gagalaw ng mga bagay bagay na naroon.
" Teka alam ko hindi ka maniniwala pero totoo talaga na wala akong ginawa kay ataparag." Paguulit ko dito.
" Wag kang mag alala tungkol sa bagay na yun, minsan talaga nagkakamali ang leader."
" Mali, madalas na magkamali si leader ." Dagdag nito habang bakas ang pagkadismaya.
Ipinaliwanag nito na kakaibang nilalang si Ataparag at kagaya ng alam ko ay isa itong demon beast na nag karoon ng anyo bilang tao.
" Gayumpaman may limitasyon ang mga crimson item na pinagkakaloob ni crimson sa laro at isa sa problema ni leader ay humihina ang mga taglay nyang crimson item kapag malalim na ang gabi."
Dito napag tanto ko na maaaring humina ang crimson item nya at naging halimaw kagabi kaya naman pala nagkabutas butas ang sahig sa higaan ko.
" Ibig sabihin tinangka nya na kainin ako?" Pagtatanong ko.
" Sigurado yun."
Dito pinaalam nya na si ataparag ay isa parin demon beast at hindi yun mababago kahit na magkaroon sya ng anyong tao.
Nakakaadik para sa kanila ang sariwang karne at ang pinaka paborito nila ay ang karne ng buhay na tao kaya naman hindi nakakapagtaka na tangkain nya kainin ang katulad mo.
Kinilabutan ako bigla sa narinig ko kung inagkataon ay para talagang huling hapunan ko na kagabi bago ako gawing midnight snack ni Ataparag.
Pero hindi parin ako makapaniwala nagkataon lang ba o talagang sinadya ni ataparag na dalhin ako sa unit nya para makain.
" Teka yun ba ang dahilan kaya mo nasabi na bawal ang tao dito?" Tanong ko dito.
" Oo, hindi kasi ganun ka aware si leader sa kinikilos nya sa harap ng tao lalo na ang mga walang enerhiyang pang depensa sa katawan kagaya mo."
" Kami lang na nasa paligid nya ang nakakakita kung gaano sya nasasabik at natatakam sa laman ng tao." Dagdag nito.
Dito ipinaliwanag nya na iniisip ni Ataparag na natutuwa lang sya sa mga tao kaya nya gustong matulungan at maging malapit sa mga ito pero ang totoo ay gustong gusto nya ang amoy ng laman ng mga ito.
Napalunok na lang ako sa kaba dahil hindi ko inaasahan na may madilim na lihim na itinatago si ataparag sa gitna ng pagiging mabuti at makalinga nito.
" Natatakot ka na ba sa kanya?" Tanong nito.
Dito ay hindi ako nakasagot ng maayos dahil tila naghahati ang saloobin ko dahil pinakitaan ako ng kabutihan nibataparag at naramdaman ko na totoo ito.
Pinalalahanan nya ako na dapat lang ako matakot kay ataparag at binalaan na wag masyadong magpakampante pero sinabi nya rin na hindi masamang demon beast si ataparag at sa sampung taon nilang magkasama ay hindi nya pa ito nakitang kumain ng tao.
Gayumpaman ay pinag iingat parin nya ako at pinagsabihan na lumayo o iwasan si ataparag alang alang sa kapakanan ko at ni ataparag.
Part 1 episode 13