Chapter 27 part 2
Ilang minuto pagkatapos tulungan ni Ataparag ang mga tumatakas na ravena ay inutusan nya itong tahakin ang landas patungong silangan para masalubong ang paparating na tulong mula sa galica.
Nangalat din sya ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan pa ng mga halimaw na umaatake sa mga maliliit na bayan at tribo.
Napag alaman nya na nahahati sa maraming grupo ang mga ito upang atakehin ang mga lugar sa paligid ng probinsya.
" Kung ganun talagang binabalak nila lusubin ang lahat ng bayan dito?"
Humakbang paalis si Ataparag pero bigla syang hinawakan ng matandang ravena upang pigilan at balaan sa pwede nyang kaharapin.
" Sandali lang po heneral, nakita ko kung gaano kayo kalakas makipaglaban pero hindi kayo pwedeng pumunta doon mag isa."
Sinabihan sya ng mga ito na lubhang napaka delikado kung pupunta ito mag isa dahil ayon sa inuulat ng mga ibon na pagmamay ari ng mga rabena ay higit limang pung libong halimaw ang kabuuan ng mga kalaban na nakita nito sa paligid ng kabundukan.
Alam ni Ataparag na napakarami ng maaaring makalaban nya pero nagulat parin sya ng sabihin nila ang bilang ng mga ito.
" Hindi ko kayang maglabas ng ganung karaming insekto at limitado rin ang enerhiya na taglay ng katawan ko sa ngayon." bulong nito sa isip.
Kahit nangangamba at sumagi sa isip nya na kung hindi sya magmamadali ay tuluyan ng mailalayo ng mga halimaw ang mga bihag at napaka imposible na nilang mabawi ang mga nakuha nila sa oras na mai labas ang mga ito sa teretoryo ng bansa.
" Salamat pero ayon sa sinabi nyo ay marami silang bihag na nakuha kaya kailangan kong mailigtas sila ano man ang mangyari."
Sa pagkakataon na iyon ay ngumiti lang sya at yumuko sa mga matatanda ng rabena habang pinapaubaya na sa kanila ang paglalakbay at pag iingat sa iba nilang kalahi habang tumatakas.
Pagkatapos nya makapag paalam ay hindi na sya nag sayang ng oras pa at nag simulang tumakbo paalis sa lugar.
Patuloy nyang ginagamit ang crimson item upang makapaglakbay ng mabilis at humihinto pansamantala upang magpahinga sandali.
" Kailangan kong tipirin ang enerhiya ko dahil hindi ko pa alam kung gaano kalalakas ang mga kalaban ko."
" Wala akong magiging problema kong kasing hina lang sila nung naunang prime Hube pero hindi ako pwedeng maging kampante lalo pa hindi ganun kalakas ang katawan ko."
Pinagmasdan nya ang mga kamay nya at unti unting iniaangat at tinatakpan ang mga mata nito.
Nangangamba rin sya sa limitasyon ng crimson eye nya na may kakayahan na makipagpalit ang katawan nya sa isang bagay ngunit nagagamit nya lang ito kada limang segundo at limang beses sa loob ng tatlong minuto.
Malaking pakinabang nya rito lalo na sa pakikipaglaban ngunit dahil sa limitadong enerhiyang taglay ng katawan nya ay hindi nya kayang magawa ito ng maraming beses sa laban.
" Mas madali talaga kung kasama kung lumalaban si Toto at Nyabu para makakuha ng sapat na oras pero hindi naman nila kayang tumakbo ng mabilis kagaya ko."
Lumipas pa ang ilang minutong paglalakbay ay nakarating na sya sa hanganan ng isang maliit na bayan.
Kagaya ng inaasahan nya ay nagawa na itong mapalibutan ng mga halimaw at mabihag ang mga nakatira doon.
"Mukhang mahihirapan ako dito."
Nakita nya na naisakay na sa mga sasakyan na may mga cage ang mga bihag at hinihila ng mga dambuhalang halimaw.
Dahan dahan syang lumalapit at inaalam ang sitwasyon ng mga bihag sa bayan. Higit limang daang halimaw ang nakapaligid sa lugar ngunit hindi nya makita sa paligid ang pinuno ng mga ito.
" Malamang nasa loob ito ng gusali pero nakakapagtaka na hindi ako nakakaramdam ng malakas na presensya."
Inaasahan ni Ataparag na mararamdaman nya ang pinuno ng mga tulisan katulad ng nakaharap nyang hube dahil likas sa mga hube na maglabas ng presensya bilang paninindak sa mga kaaway.
" Hindi kaya masyado lang itong nag iingat o baka naman hindi rin sya gaanong kalakas."
Base sa kanyang malalaman na lahat ng hube ay labis na mapagmataas lalo na sa kanilang tinataglay na kapangyarihan at husay sa pakikipaglaban dahil ito ang nagsisilbi nilang tanda kung nasaan estado sila ng lipunan.
Kapareho ito ng kaugalian ng mga demon beast na kung sino ang pinakamalakas at maimpluwensya ay syang may karapatan na pamunuan ang lahat.
Habang nag iisip ay naglalabasan ang insekto mula sa loob ng coat nya at kumakalat sa paligid.
" Napakarami nila, sa tingin ko aabutin pa ng kalahating oras bago ako makagawa ng insekto na sasapat sa bilang nila. " Bulong nito sa isip.
Nagsimula ng magdikitan ang mga insekto nya sa mga halimaw ngunit habang kumakapit ang mga ito ay bigla syang nangamba dahil masyadong malapit ang ibang halimaw sa mga bihag at maaaring madamay ang mga ito sa laban.
Kampante si Ataparag na magagawa nyang mapatay ang mga halimaw sa kanyang mga pasabog ganun paman hindi ito epektibong teknik para magligtas ng mga bihag.
" Hindi ako pwedeng umatake ng patago pero kung lalabas naman ako at magpapakita ay sigurado pag tutulungan nila ako. "
Napabuntong hininga si Ataparag at napahawak na lang sa pisngi habang nadidismaya sa sariling kakayahan sa pagliligtas ng buhay.
Nasanay ito na may katulong sa misyon at wala syang ibang ginagawa kundi ang tapusin ang mga kalaban nila sa tulong ng mga kasamahan.
Habang nag iisip sya ay hindi nya namalayan ang pag litaw ng isang halimaw sa kanyang likuran.
Sa isang iglap lang ay nadakot na ng malaking kamay nito ang ulo ni Ataparag.
Dahil sa biglaan ay walang nagawa sa mga oras na iyon si Ataparag kundi ang mapatulala.
" Impusible, paanong hindi ko sya naramdaman ?" Bulong nito sa sarili.
Bago pa makagawa ng pagkilos si Ataparag at pinisat na ng halimaw ang ulo nya at dinurog.
Nagkalat ang laman ng bungo nito at sumaboy sa paligid ang dugo habang unti unting bumabagsak sa lapag ang katawan nito.
" Huh?"
Ang halimaw na ito na may katawan na gawa sa cristal at may tatak sa dibdib ng simbolo ng black scorpion ay ang isa sa galamay ng Black scorpion na si Dia at kilala bilang Diamond Head.
Tinignan nya ang katawan ng kanyang pinatay na kalaban at napansin na isa itong halimaw mula sa kanyang hanay.
Sa mga sandaling iyon napansin sya rin na may kung ano sa braso nya at sinilip ito.
Dito nakita nya ang maliit na insekto na unti unting nagiging dambuhala habang napapalibutan ng enerhiya.
Lumingon sya sa gilid at nakita mula sa itaas ng isang cage si Ataparag na nakatayo habang nakataas ang mga kamay na tila itinuturo sya.
Sa isang snap lang ng kamay ni Ataparag ay sumabog ang insekto sa braso ng halimaw at gumawa ng malakas na pagsabog na nagpayanig sa lugar.
" Napakalakas ng presensya nya kaya paanong hindi ko sya naramdaman kumapit kanina?" Sambit nito.
" Huh? Kakaibang kakayahan, hinihigop mo ang enerhiya ng kalaban mo at ginagawa itong pampasabog." Sambit ng Dia.
Tinaboy palayo ng awra na pinakawalan ni Dia ang usok na ginawa ng pagsabog.
Laking gulat na lang ni Ataparag na kahit na napakalakas ng pagsabog na nagawa nito ay tila walang naging epekto sa braso nito.
" Naaamoy ko sayo ang dugo ng tao at demon beast ngunit nagtataglay ka ng presensya na mahahalintulad sa isang prime hube."
Muling itinaas ni Ataparag ang kamay nya at kasabay nito ang mabilis na paglaki ng apat na insekto sa likod at mga hita ni dia at muli sa pag snap lang ng daliri nya ay pinasabog nya ito ng sabay.
Halos magliparan ang mga bagay sa tindi ng pagsabog at dahil sa pangyayari ay naalerto na ang lahat ng halimaw sa nagaganap na pag atake.
Sandaling natahimik ang lugar habang unti unting nawawala ang usok sa paligid, patuloy naman na alerto si Ataparag habang hinahantay ang pagkawala ng usok dulot ng pagsabog.
Ilang saglit pa ay biglang nagpakawala muli ng napakatinding awra si dia upang itaboy ang usok na tumatakip sa paligid.
" Ano? imposible ."
Nanatiling nakatayo sa gitna ng hukay si Dia na nagmula sa pagsabog ngunit hindi kagaya ng inaasaahan ni Ataparag ay wala itong naging pinsala at halos hindi nagalusan sa nangyaring pagsabog
" Kung iyon lang ang ipapakita mo ay mabuti pang sumuko ka na lang." Sambit nito.
" Ayokong magsayang ng oras para makipaglaban sa mahihina."
Habang nakatingin kay Dia ay may biglang lumitaw na isa pang halimaw sa likuran ni Ataparag at nakaamba ang mga matatalim na kuko nito sa leeg ng dalaga.
Sa isang iglap lang nagawa nitong butasin ang leeg ni ataparag at tumagos ang mga kamay nito sa lalamunan ng dalaga.
Ang halimaw na may mahahabang mga kuko na tila patalim ay isa sa mga pinagmamalaking galamay ng black scorpion na si Luca.
" Aba hindi ko akalain na maiiwasan mo pa ang atakeng ginawa ko."
Hinasiwas nya ang kamay nya kasabay ng pagtalsik ng katawan ng halimaw na pinatay nya.
Paglingon nya sa gilid ay nakita nya si Ataparag habang nakatayo ito tatlong metro lang ang layo mula sa kanya.
" Nagawa mong makaligtas sa atake ko ng ganun kabilis at sa tingin ko nagawa mo yun dahil may abilidad ka na makipagpalit ng posisyon sa isang bagay kagaya ng nangyari ngayon."
Unti unting itinataas ni Ataparag ang kanyang mga kamay kasabay ang paglaki ng insekto na nakakapit sa hube na kalaban nya.
Napansin naman ito ng hube ngunit imbis na matakot at ngumiti lang ito na tila ba kampante ito na makakaligtas sa pagsabog.
Kasabay ng pagsnap ng mga daliri ni Ataparag upang pasabugin ang mga insekto nya sa katawan ng hube ay biglang itong nag si paglaho na parang bula.
Laking gulat ni Ataparag sa nangyaring pagkawala ng mga ito sa harap nya.
" Anong nangyari? Nawala ang mga insekto ko." Bulong nya sa isip.
" Nagulat ka ba? Inaakala mo ba na ikaw lang ang nagtataglay ng Crimson eye?"
Sa pagkakataon na iyon ay lumitaw ang berdeng mga tatak sa mata ng hube na simbolo ng kanyang crimson eye.
" Ang crimson eye ko ay kayang magpadala ng mga bagay bagay sa ibang demensyon kaya naman hindi eepekto saakin ang mga pampasabog mo. "
Habang kinakausap nya si ataparag ay bigla namang may bumulusok na luwad sa kanya at binabalot sya.
Tinangkang iwasan ni Ataparag ito ngunit nasabayan nito ang pagkilos ng dalaga at tuluyan nabalot ang katawan.
" Anong? Hindi maaari."
Sinubukan na pasabugin ni ataparag ang luwad pero agad lang itong bumalik sa katawan nya para balutin sya.
" Pwede mo yan gawin maghapon pero ako ng nagsasabi sayo na mabibigo kang makawala sa luwad ko."
Sa pagkakataon na iyon ay naglalakad palapit sa lugar ang hube na may anyong leon. Ito ang pinuno ng black scorpion na si harbelio.
Alam ni Ataparag na malakas ang hube na nasa harap nya dahil narin sa presensya na bumabalot dito kaya naman hindi na ito nagdalawang isip na muling maglabas ng insekto sa katawan.
" Napakalakas ng presensyang nararamdaman ko sa kanya, sa tingin ko sya ang pinuno ng grupo ng mga halimaw na ito " bulong nya sa isip.
Muling sinubukan ni Ataparag na pasabugin ang luwad gamit ang apat na insekto na humihigop sa enerhiya nya upang makatakas.
Gumawa naman ito ng matinding pagsabog na sumira sa luwad na bumalot sa katawan nya at dahil doon nagawa ni ataparag na makatalon palayo.
Gayumpaman kahit na nakalayo ay sinundan lang muli ito ng mga luwad na nagkalat sa paligid at muli syang ginapos.
" Anong klaseng bagay ang mga ito, kumikilos sila na parang may buhay? "
Napansin nya na kahit sumasabog ang luwad ay tila hindi naglalaho ang mga ito at bumabalik lang sa dating anyo para igapos sya.
" Sinabi ko na wala pang nakakatakas sa luwad ko kaya mabuti pa wag ka ng mag aksaya ng lakas at sumuko na lang." Sambit ni harbelio.
" Isang mataas na uri ng mud magic."
Tuluyang nabalot ang buong katawan ni Ataparag at nagkorte ito ng higanteng bilog na bola ng putik.
"MUD CRASH"
Itinapat naman ni Harbelio ang kanang kamay nya kay Ataparag at isinara ito na tila pinipisat, kasabay nito ang pagliit ng bilog na putik na dumurog sa katawan ni ataparag na nasa loob ng nito.
Part 2 ep 27