Nakuha ni Nathaniel ang atensyon ni Nyabu at itinigil ang pag sipa pero lalong nag init ang ulo nito sa kanya dahil sa pakiki elam ulit nito.
" Hanggang ngayon nandito ka parin kutong lupa ka."
" Hindi ako mapagpasensya at seryoso akong tapusin ka dito kaya naman pwede ba tigilan mo ang panggugulo at umalis na lang?! " Galit na sambit nito.
Hindi naman nagpatinag si Nathaniel at muling nilinaw na hindi nila maaaaring gawin ito sa isang nilalang na wala namang kasalanan sa batas at ipinangako na aalis kapag hinyaan nila makaalis din si Zhui.
Gayumpaman hindi ito pinayagan ni Nyabu at dineretso sa binata na hindi mahalaga kung inosente si Zhui sa mga krimen dahil para sa kanya ang soul eater ay mananatiling soul eater habang buhay kahit naging mabuti man ito sa iba.
" Sandali sinasabi mo bang papatayin mo sya dahil lang kabilang sya sa lahi ng mga soul eater"
Hindi sumagot si Nyabu sa tanong na yun bagkus naglakad sya palapit kay Nathaniel.
" Hindi ba parang mali naman iyon?"
" Kahit saan mo tignan hindi iyon patas." Dagdag ni Nathaniel.
Sa pag lapit ni Nyabu ay bigla nyang hinawakan ang balikat ni Nathaniel at sinabihan ito.
" Kung sa bagay hindi nga ito patas"
" Pero kailangan mangyari." Dagdag nito.
Dito ay harap harapan nyang sinabi na kailangan nyang gawin ito dahil sa paniniwalang makakabuti ito sa lahat kahit na lalabag ito sa alituntunin ng eskapa.
Hindi ito pinalagpas ni nathaniel at muli itong tinutulan at pinangaralan tungkol sa mga batas ng eskapa tungkol sa panghuhuli at panghahatol.
Dahil nga masyadong makulit si nathaniel ay napikon si nyabu lalo na hindi tumitigil si Nathaniel sa gitna ng kanyang mga sinabi tungkol sa dapat nilang gawin.
Walang ano ano ay tinuhod nya ito sa tiyan upang mahinto sa kapapangaral sa kanya at dahil doon ay napaluhod ito sa sahig.
Namimilipit na lang at hindi makapalag si nathaniel sa ginawa sa kanya ni Nyabu.
Sa pagkakataon na iyon ay binggit ni Nyabu na hindi nya kailangan ng opinion ng isang taong kagaya ni Nathaniel sa ano ang tamang gawin.
Para sa kanya ginagawa nya ito para maiwasan ang trahedya na pwedeng maganap at gawin ng isang soul eater.
Binalaan nya si nathaniel na wag silang istorbohin sa kanilang trabaho kundi maaari syang magdusa sa loob ng kulungan dahil lamang sa pag protekta sa isang nilalang na itinuturing na salot.
Habang nagaganap ito ay muling nagkamalay si Zhui at unti unting bumangon.
"Anong nangyari?"
" Hindi ko akalain mawawalan ako ng malay sa atakeng iyon." Bulong nito.
Alam ni Zhui na nanganganib sya at wala syang dapat na sayangin oras dahil sa oras na mahuli sya ay maaari syang mamatay .
Nagmadaling kumilos si Zhui sa gitna ng nararamdamang sakit ng katawan dulot ng mga pinsala perk bago pa sya tuluyang makabangon ay bumulusok na mula sa itaas nya si Toto
Isang malakas na pagbagsak ng mga paa nito sa likuran ni Zhui dahilan upang mapahiga ito at halos bumakat sa kalsada.
Unti unti ng nauubos ang enerhiya ni Zhui kaya naman nanghihina na ang katawan nya at nahihirapan na kumilos.
Hindi nakontento si Toto at dinakot ng malaki nyang kamay ang ulo ni Zhui para buhatin at mahuli.
" Hindi na sapat ang enerhiya ko sa katawan para palakasin ang proteksyon ko sa katawan." Bulong nito sa isip.
Nilingon ni Nyabu si Toto at pinaalalahanan na wag hahayakan ng matagal ang soul eater dahil maaaring magtangka itong higupin ang kaluluwa nya.
Hindi naman nagpapigil si Nathaniel dahil sa narinig at pinilit na hindi kayang gawin iyon ni Zhui kahit na hindi aya pinapakingan ng mga ito.
" Iyon ang nagpapalakas sa katawan nila kaya paano mo nasasabing hindi nila kayang gawin ito?" Pagtatanong ni Nyabu.
Ang pagkain ng kaluluwa ng mga nilalang ay isa sa dahilan kung bakit nakakakuha ng enerhiya ang isang soul eater na maaaring magamit sa laban kaya naman hindi naniniwala si Nyabu na hindi ito magtatangkang kainin ang kanilang kaluluwa sa laban na iyon.
" Dahil higit na mas kilala ko sya kesa sa sino man kaya alam ko na hindi nya kayang gawin ang sinasabi nyo." Sambig nito.
Napabuntong hininga na lang si Nyabu at tila nadidismaya kay nathaniel sa pinapakita nito dahil para sa kanya ay sinasayang nya lang ang oras nila sa pakikipag talo.
Habang binato ni Toto si Zhui malapit kay Nathaniel at dumaos sa lupa.
Inulit nya kay Nathaniel na hindi mahalaga ang opinion nito at hindi rin mahalaga kung naging mabait man ito sa kanya dahil desidido silang mahuli at mapatay ang bawat isang soul eater sa endoryo.
Napatahimik na lang si Nathaniel habang tinitignan si Zhui na ngayon ay nakahandusay sa lapag.
Napagtanto nito na hindi sya pakikingan ng mga ito dahil ordinaryong tao lang sya at alam nya na may dahilan naman ang mga ito na kamuhian ang mga soul eater.
Gayumpaman alam nya na nadadamay lang si Zhui sa mga kasamaan na ginagawa ng ibang kalahi nito kaya ninanais nya parin itong matulungan.
" Mahina na ang katawan ni Suwi kaya duda ako kung makakaalis sya sa sitwasyon nya ngayon." Bulong nya sa sarili .
Naisip nya na wala syang aasahan na tulong maging kay Xxv na kasalukuyan nasa ibang lugar.
Sa pagkakataon na iyon ay wala na syang magagawa kundi subukin si Nyabu bilang sundalo ng eskapa.
Sinabihan nya ito na kailangan dumaan sa tamang proseso si Zhui dahil ayon sa batas para sa mga napagbibintangan na kriminal ay si Sei lang ang maaaring mag hatol dito ng kamatayan.
Binalaan pa nya ito na kapag may ginawang masama kay Zhui ay isusumbong sya nito sa matataas na opisyal ng eskapa.
Dahil sa narinig ay lalong nagalit sa kanya si Nyabu at lumapit sa kanya para kwelyuhan.
" Hoy kutong lupa ka, Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko? " Galit na sambit nito.
Hindi ito nakapagpigil at naglabas ng enerhiya sa kanyang mga kamay habang humahaba ang matutulis nitong mga kuko.
" Kung gusto mong mamatay ay pagbibigyan kita."
Umamba ito upang laslasin ang leeg ni Nathaniel pero bago pa ito matuloy ay may humawak na sa braso ni Nyabu.
" Paki usap Nyabu wag mong itutuloy ang binabalak mo sa taong yan." Paki usap ni Ataparag.
" Leader "
Umiling si Ataparag at pilit pinapahinahon si Nyabu upang hindi ito makagawa ng paglabag sa kanilang sinusunod na patakaran.
" Hindi tayo pwedeng manakit ng isang sibilyan."
Nakiusap ito na bitawan nito si Nathaniel at hayaan na makaalis uoang hindi na lumaki pa ang problema gayumpaman hindi sumasang ayon dito si Nyabu.
" Kanina ko pa ito pinapaalis pero patuloy sya sa pag protekta sa salo na yun."
Nauunawaan ni Ataparag ang sitwasyon at ang katwiran ni Nyabu pero mula sa kanyanh pananaw ay may punto ang sinasabi ni nathaniel tungkol sa pag babawal sa kanila na humatol ng mga nilalang na wala sa kanilang wanted list.
" Paki usap nyabu bitiwan mo na sya." Malambing nitong paki usap.
" Pero team leader naman." Pag angal ni Nyabu.
Sandaling nagkatitigan ang dalawa at dahil alam ni Nyabu na hindi na kailangan nyang sumunod kay ataparag ay galit nyang binitiwan si Nathaniel.
" Masyadong kahina hinala ang taong ito kaya malay ba natin na tauhan sya ng soul eater at may masamang balak sa bayan natin."
Ipinaliwanag ni Nyabu ang panig na tungkol sa pagiging maagap at iwasan ang trahedya na pwedeng mangyari dahil sa pananatili ng soul eater sa bayan nila.
Nagiging istrikto ito lalo pa isang salot ang nasa kanilang lugar dahil para sa kanya mas maigi na mawala ang isang soul eater kesa ang daan daang inosenteng buhay na pwede nitong makain.
" Nauunawaan ko ang sinasabi mo Nyabu."
" Gayumpaman kung sakaling mali tayo sa pang huhusga natin sa kanila ay maaari tayong makapatay ng inosenteng nilalang." Sagot nito.
" Inosente? Isa syang soul eater leader sila ang kalaban dito." galit na sambit nito.
" Nyabu, paki usap naman. " mahinang sambit nito na tila nagmamaka awa na pakingan sya ng tauhan nya.
Hindi makapaniwala si Nyabu sa gustong mangyari ni Ataparag na buhayin pa ang soul eater na nahuli nila.
" Wag nying sabihin na naniniwala kayo sa sinasabi ng tukmol na ito?
Dito ay binangit nya na walang soul eater ang kayang pigilan ang sarili nila sa oras na magutom ito sa kaluluwa.
" Alam ko ang tungkol sa kanila pero ang akin lang ay hindi tayo ang magpapasya kung ano ang magiging hatol sa kanya." Sagot ni ataparag .
Habang nagtatalo ang dalawa ay biglang sumabat si Nathaniel at pinilit ulit ang kanyang sinasabi tungkol sa hindi pag kain ni Zhui ng kaluluwa ng ibang nilalang.
Halata sa mukha ni Nyabu na iritable ito lalo pa hindi sa kanya pumapanig ang kanyang leader at dahil doon ay pinagbuntunan nya ng sama ng liib si Nathaniel.
" Tumahimik ka ! " Sigaw nito.
Bigla nyang sinipa ang binata dahilan para mapatumba ito at agad na mawalan ng malay tao.
Dahil sa nangyari ay napasigaw nalang si Ataparag at nagpapanik.
" Anong ginawa mo."
Bumuntong hininga si Nyabu at umiling.
Agad nyang pinabuhat si Zhui kasama si Nathaniel kay Toto.
" Sige na toto isama mo na sya sa bibitbitin mo para maimbistigahan." Pagsusungit nito.
Agad syang nilapitan ni Nyabu at hinahampas sa braso para pagalitan.
" Sinabi ko na wag kang mananakit ng sibilyan, ako ang mapapagalitan sa ginagawa mo."
" Wag kayong mag alala hindi pa naman sya patay, nakatulog lang naman sya." Pabalbal na sagot nito.
Nag umpisa itong maglakad palayo para umalis na aa lugar upang iwasan ang walang katapusang pagsasaway sa kanya ni ataparag.
" Nyabu naman eh!"
Episode 10 part 2