Chapter 31 part 2
Walang magawa ang mga nakakakita kundi panuorin ang mga nangyayari habang unti unting ibinababa ni Serenity ang espada nya para pugutan ng ulo si Ruri.
" Itigil mo yan!!! Sigaw ni Xxv.
Pero bago pa tumama ang talim ng espada ni Serenity sa leeg ni Ruri ay bigla itong napahinto.
Bakas sa mukha ni Serenity ang pagkagulat at pangamba. Hinawakan nito ang ulo nya habang natulala ito na tila may inaalalang importanteng bagay.
" Tsk, hindi ko inaasahan ito. Masyado kang mapangahas tao." galit at nakakatakot na sambit nito.
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay biglang nagmadaling tumakbo si Serenity papunta sa higanteng lapida at tumalon papasok sa magic circle.
" Bwisit kang tao ka, papatayin kita ! "
Kasabay nun ay ang pagsunod na pagpasok ng mga buhay na bangkay sa magic circle.
Nagulat ang lahat ng nakakita sa pangyayari at hindi makapaniwala.
Halos isang minutong hindi umiimik ang mga naroon sa kampo kasama na ang mga sandata sa pambihirang naganap.
Wala silang ideya sa nangyari pero batid nila ligtas na ang dalawa dahil sa nag alisan na sa palapag kung nasaan sila Ruri ang mga tauhan ni Serenity.
" Anong nangyari, bakit sila umalis?"
" Umaatras na ba sila?"
Dito binalita ng mga sundalo na lahat ng buhay na bangkay sa lahat ng palapag ay nag aalisan at pumapasok muli sa magic circle na pinang galingan nila.
" Anong pinaplano ni Serenity? Bakit nya pinapaatras ang mga tauhan nya?" Tanong ni Kyroz
" Wala akong paki elam. Basta gumawa kayo ng paraan para makapasok sa loob ng tore at iligtas ang mga tauhan natin." Sigaw ni Pyun.
Habang nag kakagulo ang mga ito para kontakin ang mga natitirang sundalo ay biglang may isang sundalong nagsasalita sa linya.
" Commander Yuki may isang sundalong nagpapadala ng mensahe pero mukhang para ito kay commander Ruri."
" Ganun ba? Ikonekta mo dito para mapakingan natin."
Agad naman binuksan nito ang linya at nagsilita ang sundalo. Dito maririnig na hingal na hingal ito at naghihingalo habang sinasabi kay Ruri na nagtagumpay sila sa inuutos nito.
" Commander Ruri tagumpay na po namin nadala sa unang palapag tao ngunit mukhang hindi na kami makakabalik pa dyan commander. "
" Napupuno ng mga buhay na bangkay ang buong palapag at hinaharangan nila ang lagusan palabas."
" Patawad Lady Ruri, salamat sa lahat."
Habang nagsasalita ang sundalo ay naghihiyawan ang mga kasamahan nito habang nakikipaglaban at hindi nagtagal ay bigla na lang nawalan ng signal ang pag uusap.
Agad na inutusan ni Pyun ang mga ito na ipakita sa screen ang mga nagaganap sa unang palapag ngunit agad syang sinagot ng mga sundalo at humihingi ng tawad dahil sa kakulangan ng impormasyon sa nagaganap sa unang palapag dahil narin sa pagkasira ng kanilang mga kagamitan sa lugar na iyon.
" Ang ibig bang sabihin nito ay nagpunta si Serenity sa unang palapag kasama ang lahat ng kanyang mga alagad?" Sambit ni Yuki
Dito napagtanto ni Yuki na mukhang nagtatagumpay ang plano ni Nathaniel at kahit wala silang ideya sa ginawa nito ay natuwa sya sa naging pakinabang nito.
Gayumpaman ay hindi naging masaya si Pyun sa pangyayari dahil para sa kanya ay hindi pa natatapos ang lahat hangat hindi naililigtas ang mga sundalo sa loob lalo na si Ruri.
" Hindi pa ito ang oras para magsaya, wala pa tayong naililigtas na sino man na nasa loob at isa pa sa tingin nyo ba talaga may magagawa ang tao na yun sa loob kahit na nagawa nga nyang makalapit sa tunay na katawan ni Serenity? " Sambit ni Pyun.
" Ewan pero siguro mas ok kung mayroon nga diba?" Sambit ni Kyroz.
Habang naghahanap ng paraan ang mga taga eskapa na makapasok sa loob ay mag isang nasa kalagitnaan ng daang libong buhay na bangkay si Nathaniel habang hawak ang natutulog na si Serenity.
Nasa paligid din nya ang mga wala ng buhay na mga tauhan ni Ruri na kasama nya kanina na pumunta sa lugar na iyon. Lahat sila ay nagsakripisyo ng kanilang buhay para lang makarating doon.
Ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ni Nathaniel ay nakatayo si Serenity na syang lumalaban kanina kanila Ruri at Xxv.
" Lapastangan kang tao ka." Sigaw nito.
" Opss! opss!! Dyan ka lang, wag mong subukang lumapit pa kundi pagsisisihan mo ito."
Hawak hawak ni Nathaniel ang katawan ni Serenity at akmang tatangalin ang korona na suot nito.
" Pagsisihan mo ng malaki kapag itinuloy mo yang bagay na binabalak mo."
Tumawa lang si Nathaniel sa sinabi ni Serenity habang sinasabi na hindi sya natatakot sa pagbabanta ni Serenity sa kanya.
Pinaalam nya kay serenity na nalalaman ng binata ang sekreto ng crimson item nya na ikulong ang kaluluwa nito sa katawan nya kahit na isa na itong bangkay katulad ng mga tauhan nya.
Alam nya na sa oras na tangalin nya ang korona ni Serenity ay maglalaho ang kaluluwa nito sa katawan na iyon at tuluyang mamamatay.
Galit na galit si Serenity at hindi makapaniwala na nagawa syang maisahan ng isang tao. Kitang kita sa talim ng mga mata nito ang pang gigigil.
Alam ni Nathaniel na maaaring magtangkang gumawa ito ng paraan para mabawi ang tunay na katawan nito kaya naman pinapahinahon nya ito at sinasabihan na makinig sa sasabihin nya.
" Alam mo huminahon ka lang muna dyan at makinig muna sa sasabihin ko sayo.
" Alam ko na nag iisip ka ng paraan para mabawi ang katawan mo saakin at pigilan ako sa ginagawa ko pero sa tingin ko hindi mo iyon magagawa lalo na alam ko ang kondisyon ng kapangyarihan mo." Dagdag nito.
Sandaling natahimik ang lugar sa hindi pagsasalita ni Serenity at pinipilit na ikalma ang sarili.
" Sabihin mo nalaman mo ba ang lahat ng tungkol sa kahinaan ko dahil sa kakayahan mong makita ang hinaharap?" Tanong nito.
Agad na sinagot ito ni Nathaniel ng pabalang at pinaalam dito na hindi lang ang hinaharap ang nalalaman nya kundi ang nakalipas at maski ang katauhan ni Serenity.
" Anong ibig mong sabihin?"
" Alam mo kasi kung gusto talaga kitang mapatay sa lugar na ito ay kanina ko pa binunot ang korona na ito pero gusto kong makipagkasundo sayo."
Biglang napatawa si Serenity at hinamak lang ang sinabi ni Nathaniel sa pagnanais nito na makipagkasundo sa isang warlord.
" Nah, hindi naman ako makikipagkasundo sa warlord na si Serenity." Pabalang na sagot nito.
" Ang gusto kong makausap ngayon ay si penelophie."
Nagulat si Serenity ng bangitin nito ang dati nyang pangalan at sandaling nanahimik. Ilang sandali pa ay bigla nitong itinabi ang pamingwit na hawak nya at nagbuntong hininga.
" Ok suko na ako. Pakikingan ko ang sasabihin mo bata, ngayon anong gusto mong mangyari?"
" Isang taon mula ngayon mamamatay ka sa kamay ng ika sampung warlord at ang tadhana iyon ay nakatakda na. Gusto kong tulungan mo akong baguhin iyon."
Nagulat si Serenity sa nasabi nito at naguguluhan sa nasabi ng binata. Inulit nya ang mga sinabi nito para linawin na mamamatay sya sa kamay ng ika sampung warlord at nabatid na base ito aa nalalaman ng binata sa hinaharap.
Gayumpaman ay hindi malinaw kay serenity kung bakit nasabi ni Nathaniel na nais nitong baguhin ang nakatakdang kamatayan ni Serenity.
" Binabalak mong sumali sa Eskapa hindi ba kaya naman isa ako sa dapat na pinupugsa mo kaya ano ba talaga ang dahilan kung bakit nais mo akong tulungan."
" Bakit? Ewan. Ang totoo hindi ako sigurado sa ginagawa ko pero sa tingin ko kinakailangan mo ng tulong ko."
Pinaalam nya rin na wala syang kinakampihan na grupo o paniniwala at kumikilos ayon sa alam nyang tama at ang pagsali nya sa Eskapa ay isa la mang sapilitang bagay na kailangan nyang gawin kahit na ayaw nya dahil wala syang matirahan at makain.
Pinaalam rin ni Nathaniel kay Serenity na para sa kanya hindi malaking bagay kung hahayaan nya na mamatay si Serenity sa lugar na iyon o sa hinaharap dahil kung tutuusin ay isa itong makasalanan at nararapat lang na parusahan.
" Ang sinasabi ko ay wala akong paki sa berdugong kagaya mo kahit malusaw ka sa impyerno pero hindi ito tungkol sa warlord na si Serenity. Ang gusto kong tulungan ay ang munting princesa ng Askobar."
" Tama ang narinig mo, ang mapagmahal at inosenteng babae na si prinsesa penelophie."
Napabuntong hininga na lang si Serenity at binangit na kahit na nalalaman ni Nathaniel ang nakaraan ni Serenity ay hindi nangngahulugan na basta lang ito papayag sa mga sasabihin ni Nathaniel lalo pa wala itong magandang makukuha.
" Matagal na panahon na namatay ang hinahanap mong princesa at ang kaharap mo ngayon ay ang warlord na si Serenity kaya paano mo ako makukumbinsi na pagbigyan ka sa sinasabi mong kasunduan?"
Harap harapan nitong tinanong kay nathaniel na kung ano ba ang mga bagay na maaaring maibigay ng isang hamak na tao sa katulad nyang warlord na halos nakamit na ang lahat ng bagay sa buhay nya kagaya ng kayamanan, kapangyarihan at pangalan.
" Totoo naman na meron ka na ng lahat ng bagay na hinahangad ng marami dito sa endoryo pero kaya kong ibigay sayo ang minsan mo ng pinangarap sa buhay noon."
" Ang nakalimutang pangarap at hindi ka na magkakaroon pa ng tyansa na magkaroon ng pagkakataon na makamit ito kung hahayaan mo palagpasin ito. Ano gusto mo pa bang makinig?" Sambit nito habang inaabot ang mga kamay nya kay Serenity.
Higit sampung minuto pa ang lumipas ay nagawang makapasok ng mga sundalo ng eskapa sa tore dahil sa mga natitirang mga tauhan ni Ruri na may kaalaman sa transpotation portal.
Agad na tinulungan ng mga ito ang lahat ng mga aplikante at sundalong nasugatan sa labanan. Kabilang na rito sina Xxv at Ruri.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtungo ang apat na sandata ng eskapa sa unang palapag ng tore upang alamin ang naganap doon ngunit pagpasok nila sa portal papasok sa unang palapag ay wala na silang naabutan dito.
Wala na ang mga tauhan ni Serenity at maski ang tao na si nathaniel ay hindi na nila natagpuan pa, Naging pala isipan din sa kanila kung bakit tila tumakas ang warlord na si Serenity sapakikipaglaban nya sa lugar na iyon.
" Commander may malakas na presensya ng itim na mahika ang nakita namin sa badang hilaga, hinihinala namin na ang bakas na iyon ay mula sa isang transportation portal palabas sa lugar na ito." Sambit ng sundalo.
" Gumawa sila ng sarili tranportation portal sa isang laro sa tore? " Tanong ni Yuki.
" Wala pa akong naririnig na bagay na katulad nun pero isa parin syang warlord kaya hindi imposible na magawa nya nga iyon." Sagot ni Rei
Ilang oras ang lumipas ay nagdesisyon ang eskapa na itigil ang pagsusulit pansamantala at magsibalikan muna sa kani kanilang mga lugar hangat hindi napagdedesyunan ang mga mga susunod na hakbang.
Kinabukasan, pagkatapos ng insidente na naganap sa tore ay umalingaw ngaw ang balita sa boung Eskapa.
Sa sumunod na araw lalong nagulantang ang buong endoryo ng biglang nawala sa listahan ng siyam na warlord ang pangalan ni Serenity at walang nakaka alam sa kung anong nangyari dito.
Naging palaisipan din sa marami ang pagdedeklara sa taong si Nathaniel para maging bagong may ari ng higit tatlumpung bansa na sakop ni Serenity.
Gayumpaman walang naging balita sa taong si Nathaniel pagkatapos ng pangyayari at dahil narin sa balitang ito kaya muling nagambala ang katahimikan sa mga rehiyon.
Tatlong araw pagkatapos ng insedente sa paligsahan sa tore ay nakaupo si Nathaniel sa loob ng isang karwahe habang binabaybay ang daanan.
" Manong hangang kailan ba tayo dito bago makapunta sa Galica?"
" Naku iho kahit ilang beseàs mo pa itanong yan saakin ay hindi tayo mapapabilis, isang araw pa ang lalakbayin natin papunta doon."
Napabuntong hininga na lang si nathaniel at nagrereklamo tungkol sa pag dala ni Serenity sa kanya sa napakalayong gubat.
Lumabas si Melon sa damit nya at pumatong sa ulo habang kinakausap sya nito tungkol sa mga naging desisyon nito.
Para kay melon ay hindi naman kailangan ni Nathaniel na gawin pa ang ginawa nyang pakikipag kasundo kay Serenity at lalo na ang pag papaalam sa lahat na nakikita nya ang hinaharap.
" Akala mo ba hindi ko naisip ang mga bagay na yan? "
" Isa lang akong tao at sa tingin mo talagang makikinig sila saakin kapag hindi nila nalaman na may espesyal akong kakayahan?"
" Masakit man aminin pero isa lang akong insekto sa paningin nila at mas madali para sakanila makinig kung mapapatunayan ko na may kakayahan ako na wala ang iba."
Napabuntong hininga si Melon habang pinaalalahanan si Nathaniel na maghanda sa resulta ng kanyang mga ginawa lalo pa ngayon iniisip ng marami na natalo mo ang Warlord na si Serenity.
" Ah.. bakit masamang bagay ba yun? Dahil doon binigay nya saakin ang teretoryo nya at isa pa baka galangin na ako ng ibang nilalang."
Muling nagbuntong hininga si Melon dahil sa pagkadismaya kay nathaniel at ipinaliwanag na iba ang sistema sa mundong ito na napupuno ng mga ganid at walang pusong nilalang.
Dahil sa wala na ang warlord na nagmamay ari ng mga teretoryo ay nawala na ang proteksyon ng mga bansa na sakop ni serenity.
Ipinaalala ni Melon na kaya nananatiling matatag ang mga bansa ay dahil pinapangalagaan sila ng mga warlord na sumasakop dito at dahil sa wala na ang mag tatangol sa mga bayan ni Serenity ay baka ilang araw mula ngayon ay pinag pipyestahan na sila ng mga nais sumakop dito.
Binangit ni Melon na dahil sa isa lang tao ang bagong nag mamay ari ng mga lupain ay marami ang magtatangkang kunin agad ito at kapag may digmaan ay ibig lang sabihin nito na marami ang kailangan mamatay para ipagtangol ang mga lupain nila.
" Huh? Teka nagbibiro ka lang diba?"
" Walang halaga saakin ang mga buhay nila, sinasabi ko lang sayo ito dahil naiisip kong may kaugnayan ito sa misyon mo na iligtas ang marami sa digmaan." Dagdag ni Melon.
Pinaalala ni Melon na kailangan na mag isip mabuti si Nathaniel sa mga desisyon nito dahil maaaring maraming buhay ang maging kapalit ng kanyang mga aksyon.
Dahil sa pagkalito ay hindi na malaman ni Nathaniel ang susunod na gagawin.
" Parang sinasabi mo na responsibilidad ko na ang kaligtasan nila gayung ibinigay lang naman saakin ng biglaan ang bansa nila."
Dahil sa nasabi ni Melon ay biglang natakot ang binata para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng bansa ni Serenity ngunit naiisip nya rin na kahit na magpunta sya doon bilang bagong may ari ng teretoryo ay wala naman syang pwedeng gawin.
" Paano kaya kung humingi ako ng tulong sa Eskapa para maligtas sila? Siguro naman pangangalagaan nila ang mga bansa na sakop ng teretoryo ni Serenity."
" Kapag ginawa mo yan ay mapapa aga ang Great war, Sa tingin mo ba hahayaan ng ibang warlord na lumawak ang sakop ng eskapa ng ganun kadali?"
Ipinaliwanag ni Melon na Hindi mananahimik ang mga warlord kapag nalaman nila napasakamay ng Eskapa ang mga teretoryo ni Serenity dahil magiging banta ito sa kanila balang araw.
Kikilos ang mga ito para agapan ang paglakas ng pwersa militar ng Eskapa sa hinaharap at magsisimula ito ng malawakang digmaan.
" Pero ano naman? Pareho lang naman din ang mangyayari diba? Sasakupin din nila gamit ang digmaan ang mga bansa ni Serenity."
" Oo pero hindi ganung kagrabe kapag sumali ang lahat ng warlord sa digmaan, sa ngayon may ilang buwan pa bago tuluyang masakop ang mga teretoryo kaya mahaba pa ang oras mo para mag isip ng gagawin para solusyunan ito."
Nagreklamo agad si Nathaniel sa sinabi ni Melon na tila ba iniisip nito na dapat may gawin ang binata para sa mga teretoryo gayung wala naman syang alam sa politika at digmaan.
Dito ay sinabihan sya na pwede nyang balewalain ang mga bagay bagay at hayaan na lumipas pero ang lahat ng ito ay may kapalit at ipinaalala na wala syang karapatan na mag reklamo dahil resulta ito ng kanyang desisyon at aksyon.
" Sa tono ng pag sasalita mo para bang kinokonsensya mo ako, mayroon pa akong problema tungkol kay Suwi at hindi ko naman pwedeng pabayaan sya makulong doon."
Muling nagtago si Melon sa hood ni Nathaniel habang sinasabi na bahala na ito sa diskarte nito dahil ang trabaho lang naman ni Melon ay tulungan si Nathaniel at wala syang karapatan na pigilan ito sa gusto ng binatang gawin habang nasa Endoryo.
" Napakakomplikado naman nito, bakit ba nangyayari saakin ang mga bagay na ito?
Part 2