chapter 25 part 1
Ilang minuto lang ang lumipas ay nagbalikan na ang mga natitirang mga aplikante kasama na sila nathaniel.
Dumeretso ito sa pagamutan dala ang babaeng fox na iniligtas nya.
Habang nagbalik naman si Xxv kung saan naroon si Yuki para mag report sa kanyang pagbabalik.
Muli syang lumitaw sa tabi ni yuki gamit parin ang pulang usok at ipinaalam ang mga nangyari sa isla.
" Magaling ang ginawa mo up Red cloud, masasayang ang talento nila kung mamamatay lang sila sa pagsusulit." Sambit ni Kyros.
" Pero nakita mo ba ang nangyari sa laban? Lalo na sa taong pinapabantayan ko sayo?" Tanong ni Yuki.
" Ah.. si Nathaniel po ba? Sa tingin ko may kakaiba syang kapangyarihan pero hindi ko alam kong ano iyon dahil wala akong maramdaman lg ano mang malakas na enerhiya sa katawan nya pero marahil may mga hawak syang mga crimson item na hindi natin alam ang mga kapangyarihan." Sambit nito.
" Kung sa bagay posible nga iyon at iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi sya tinablan ng atake ng gagamba kanina."
Biglang sumingit si Pyun sa usapan at kwinesyon ang pagpasa nila Nathaniel sa pagsubok gayung hindi naman talaga sya umakyat sa puno at lumaban sa mga halimaw para kunin ang itlog.
Agad naman na ipinaliwanag ni Kyros na wala sa patakaran na ipinagbabawal ang pamumulot ng itlog na nahulog sa lupa at ang mahalaga sa ngayon ay nakakulekta ito ng higit isang daang itlog.
Naging positibo ang pananaw ni Kyros sa ginawa ng binata dahil kasi dito ay magkakaroon ng maraming supply ang pwersa ng mga gamot na makakatulong sa lahat.
" Bahala ka basta hindi parin ako kumbinsido sa paraan kung paano nakakapasa ang tao na yan."
Dito napansin ni Ruri na masyadong mainit ang mata nito sa taong si Nathaniel na pwede naman nyang hindi pansinin.
Inamin naman ni Pyun ito dahil nga na nababahala lang sya sa nangyayari dahil baka sa unang pagkakataon ay may isang normal na tao na halos walang alam sa pakikipaglaban ang pumasa sa pagsusulit na ito.
" Hahayaan nyo na lang ba maging sundalo ang mahinang taong kagaya nya?"
Ayaw nito madungisan ang kalidad ng proseso ng pagpili at baka maliitin ang kanilang ginagawang pagsusulit kung saan pwedeng pumasa maski ang mahihinang mga nilalang.
" Para saakin ay maliit na bagay lang iyon pero kung talagang gusto mo syang subukan ay ako na ang gagawa para sayo." Sambit ni Ruri habang nakangiti.
Tumayo si Ruri sa kinauupuan nya at lumapit sa screen habang nakangiti at excited sa gagawin nyang pagsubok.
" Gawin nating mas exciting ang mga nangyayari."
Lumipas ang ilang minuto ay binigyan na ng instruksyon ang mga kasali sa pagsusulit.
Muling binigyan ang mga aplikante ng tatlong oras upang mag pahinga at makapag handa para sa susunod na pagsubok.
Maraming hindi na kayang magpatuloy pa dahil sa naging pinsala nila sa pagharap sa mga gagamba kahit na kasi nagsara ang mga sugat nila ay hindi kayang maibalik ng mahika ang kalagayan ng katawan dulot ng pagkatrauma nito at panghihina dahil sa kakapusan ng enerhiya at lakas.
Magmula sa sampung libo ay bumagsak sa tatlong libo na lang ang mga aplikanteng magpapatuloy sa ika apat na pagsubok na ibibigay naman ni Ruri.
Lumipas ang ilang oras ay muli kaming pinatawag sa arena at doon lumitaw ang isang portal kung saan kami papasok para makapunta sa susunod na lugar kung saan magaganap ang pagsubok.
Sa pagpasok namin ay lumitaw kami sa harapan ng isang dambuhalang tore na may higit isang daang palapag. Ipinaliwanag saamin na doon gaganapin ang susunod na pagsubok.
Kilala ito bilang tower of doom kung saan may ibat ibang terrain ang bawat palapag na tamang tama sa ibat ibang labanan.
Karamihan sa laro na nagaganap dito ay mga war game at battle royale kung saan naglalaban laban ang mga manlalaro ng matira matibay.
Habang nagmamangha ang mga aplikante sa lugar ay bigla namang bumagsak mula sa itaas si Ruri hawak ang isang pulang sibat.
Kilala si Ruri bilang Living Warhead dahil sa kapangyarihan nyang gumawa ng pampasabog na ginagamit nya sa pakikipaglaban.
Si Ruri ay leader ng angkan ng Katsuki na syang namumuno sa mga nilalang sa ilang bahagi ng great forest.
Mukha lang itong sampung taong gulang na bata ngunit nasa higit dalawampung taon na gulang na ito dahil mula nung makuha nya ang kanyang Crimson Eye ay natigil ang pagtanda ng kanyang katawan gayumpaman sya ang pinakabatang nilalang na umabot sa rango ng gamma,beta,alpha at columbus sa buong kasaysayan ng endoryo.
" Magandang araw, magsisimula na tayo sa pang apat na pagsubok at sana nakapagpahinga kayo ng mabuti dahil tiyak na pagpapawisan kayo ng todo sa gagawin natin." Magiliw nyang sambit.
Ipinaliwanag nya ang patakaran ng kanyang pagsubok na magaganap kung saan kinakailangan ng mga aplikante na mangulekta ng puntos laro.
Habang nagpapaliwanag ay lumitaw sa itaas ng ulo nila ang mga numero at ang mga ito ay mga puntos.
" Kinakailangan nyong makakuha ng isang libong puntos at mapanatili ito hangang maubos ang oras."
Ang mga puntos ay pwedeng makuha sa mga halimaw sa tore at nakadepende sa anong class ng halimaw ang iyong matatalo. Binangit nya na pinakamalaking puntos na ang Limampung puntos na pwedeng makuha para sa class A na halimaw.
" Ano? Limampung puntos lang ang class A? "
" Seryoso ba sila ? Parang napaka imposible naman na makatalo ng dalawampung Class A na halimaw."
Dahil sa umalingawngaw na ingay ay hinawakan ni Ruri ang posteng nasa gilid nya at sumabog, dahil sa pag sabog ay napatahimik ang mga aplikante sa pag sasalita at nakuha nito ang atensyon ng lahat.
" Hindi pa ako tapos magsalita, Wag kayong mag alala dahil hindi lang naman sa mga halimaw nakukuha ang mga puntos."
Ipinaliwanag nya na ang dahilan kung bakit may dalawang daang puntos ang bawat manlalaro na tinataglay, ito ay dahil maaari nilang makuha ang puntos na ito gamit lang ang pagtalo ng ibang aplikante.
" Ano? Kung ganun pwede naming agawin ang puntos ng ibang aplikante? Tanong ng isang aplikante.
" Hindi syempre. Kahit manalo kayo sa ibang aplikante dalawang daang puntos parin ang inyong makukuha at para naman sa matatalo ay mababawasan ang inyong puntos ng dalawang daan." Paliwanag ni Ruri.
Ang mga cristal nila sa ulo ang magsisilbing palatandaan ng kanilang kalagayan at kapag labis silang napinsalaan sa atake ng kalaban ay iilaw ito ng pula na ibigsabihin na natalo silang protektahan ang sarili nila.
Ipinaliwanag nya rin na kapag natalo ang isang aplikante ay hindi sya pwedeng makakulekta ng puntos o makuhanan ng puntos ng iba sa loob ng sampung minuto.
Binigyan ang lahat ng tatlong oras para tapusin ang pagsubok at pinaalalahanan na hangat hindi tapos ang oras ay pwede silang mangulekta.
" Pero dahil mabait ako at maganda ang araw ko ay bibigyan ko kayo ng bonus."
" Isa sa mga aplikante ngayon dito ang mayroong isang libong puntos at kung makukuha nyo ito ay wala na kayong ibang gagawin kundi magtago at ubusin ang oras."
" Hindi ba maganda ang bagay na iyon? Dagdag nito.
Muling nag ingay ang mga aplikante at hinanap ang mayroong isang libong puntos na aplikante .
Bigla naman napasigaw ang isa sa mga ito at itinuro ang aplikante na may isang libong puntos sa itaas ng ulo nya.
Ang aplikanteng ito ay walang iba kundi si Nathaniel na ngayon ay nagtataka at gulat na gulat sa nangyayari.
" Anong kalokohan ito?"
" Seryoso ba ito? Bakit ako mayroong isang libong puntos?
Nagulat ang lahat sa nalaman nila na binigay kay nathaniel ito lalo na isa lang namang ordinaryong tao si nathaniel at kung iisipin ay napakadali nitong matalo sa laban.
" Kung sa bagay kakasabi nya lang na bonus nya na ito saatin."
" Ayos, ang kailangan lang mauna ako na makita sya."
Lahat ng mga aplikante sa lugar ay nag iisip na unahin na hanapin si Nathaniel upang matapos agad ang pagsubok nila.
Maliban kay nathaniel ay walang nagiisip na tila ba napaka unfair ng desisyon na ito para sa katulad nya.
At para naman sa ikalawang bonus nito ay binangit nya na maaari rin makakuha ng isang libong puntos sa pagwasak ng cristal ni Ruri.
" Teka tama bang sumali ang isang sandata sa laban?"
" Wag kayong mag alala bibigyan ko kayo ng partida hindi ako gagamit ng crimson eye at crimson curse sa laban at bababaan ko rin ang depensa na gamit ko para mabasag ang cristal ko."
" Hindi rin ako aatake sa mga aplikante, ang tanging aatakehin ko lang ay ang nagbabalak na kumuha ng isang libong puntos saakin." Dagdag nito
Napailing at napabuntong hininga nalang ang mga aplikante dahil kahit naman na magkaroon sya ng partida ay imposible parin na matalo ang isang columbus na kagaya nya sa laban.
Natapos ang pagpapaliwanag ni Ruri at ilang sandali pa ay pumalakpak sya para makuha ang atensyon ng lahat.
" Susubukan natin ang diskarte at matalino nyong mga desisyon sa larong ito, mag ingat kayo at goodluck."
Kasabay ng pag baba nya ng dulo ng sibat sa lapag ay isa isang naglalaho ang mga aplikante.
Isa isa itong napunta sa ibat ibang parte ng tore upang makapag handa sa pagsubok.
" Simulan na natin ang kasiyahan."
Sa isang iglap lang ay napunta si Nathaniel sa isang lumang syudad habang napapaligiran ng mga maliliit na halimaw.
" Naman, hindi ko gusto ang pagsubok na ito." Bulong ko
Dahil sa pag litaw ng biglaan sa lugar ay nakuha nya agad ang atensyon ng mga halimaw sa paligid kaya naman nagsimula ang mga ito na lumapit.
Pinaalala ni Melon na agresibo ang mga maliliit na halimaw na yan at hindi ito magdadalawang isip na kainin sya.
" Alam ko naman yun pero hindi ko naman sila kayang labanan."
Nataranta si Nathaniel at tumakbo ng mabilis gamit ang crimson item, naghanap na lang ng pagtataguan.
" Sa dami ng mga halimaw dito mahihirapan akong makapagtago ng matagal."
Biglang lumabas ng hood si Melon at pumatong sa ulo ni Nathaniel. Ipinaliwanag nito na hindi lang ang mga halimaw ang problema nya dahil nararamdaman ni Melon na may higit sa lima ang nilalang sa paligid.
" Talaga? May kakahayan ka rin palang maramdaman sila?"
" Marami naman akong kayang gawin at normal na kakayahan lang ito kung tutuusin dahil nilikha ako para maging katuwang mo sa mundong ito pero ang pinaka kapangyarihan ko ay ang tatlong abilidad na nagmula sa kapangyarihan ng dakilang lumikha " sambit ni Melon.
Napabuntong hininga na lang si Nathaniel at hiniling na sana tinataglay nya ang kapangyarihan ni Melon para mas mapadali ang lahat sa kanya sa lugar na iyon.
Nagtataka parin ang binata kung bakit ginawa iyon ni Ruri na tila ba sinusubok sya at pinag iinitan.
" Kasalanan mo rin naman dahil napapansin na nila ang kakaibang ginagawa mo para pumasa at iniisip na nila na isa kang espesyal na tao. "
Nagpatuloy syang umakyat sa abandunadong gusali hangang makarating sa rooftop nito at sumilip sa ibaba para alamin ang kalagayan mula rito.
Nagkalat parin ang mga halimaw at mula sa malayo natatanaw nya ang malaking puting ilaw na tila buhawi. Isa itong portal kung saan pwede kang tumawid paakyat o pababa ng palapag.
" Sa tingin mo ba pwede tayong pumunta doon para makaalis dito at iwasan ang ibang apkikante?" Tanong nya kay melon.
Nagbigay ng babala si Melon sa kanya na walang kasiguruhan na makakaiwas sya sa mga aplikante kapag umalis sya sa lugar na iyon at ang tanging opsyon nya lang ay magtago o lumaban.
" May isang libong puntos na ako kaya wala na akong ibang dapat gawin kundi magtago."
" At isa pa para naman pwede akong makipaglaban gamit lang ang crimson item ni Ataparag." Dagdag nito.
Sa sandali iyon ay biglang pumatong sa ulo ko si Melon at sinabi na mayroon namang isa pang paraan para magkaroon ako ng kapangyarihan.
"Huh? talaga? "
" Nakalimutan mo na ba hindi ko pa nagagamit ang isa ko pang kapangyarihan, ang Last wish?" Sambit nito.

Ep 25 part 1