Chapter 22 part 2
Sa kabilang arena kung saan naunang nakarating ang mga sundalo at mga opisyal gamit ang teportation magic.
Habang nagpapatuloy ang pagsubok ay matyagang nagmamasid ang mga sundalo sa lahat ng screen kung saan napapanuod ang mga aplikante.
Sila ang nagbabantay at nagpapadala ng tulong sa mga nasugatan at hindi na kayang magpatuloy ang kasalukuyang pagsusulit.
Gumagamit ang mga sundalo ng mahika at potion para mapagaling ang anumang uri ng pinsala sa katawan upang makapagpatuloy ang isang aplikante at matapos ang pagsusulit.
Kasamang nanunuod ang mga opisyal ng eskapa at matyagang naghahanap ng mga aplikante na may potensyal na pwede nilang kunin para sa kanilang pwersa.
" Napaka unti lang ng kayang lumaban sa mga wild rabbit kahit na hindi naman ito ganun kadelikado." Sambit ni Ruri.
" Sinasabi mo yan dahil madali para sayo labanan sila pero mahirap naman talaga protektahan ang sarili sa napakaraming halimaw lalo na napakabibilis nito." Pag kontra ni Kyros.
Nagbigay sila ng kani-kanilang mga palagay sa mga naoobserbahan nila at ang ilan sa kanila ay nag aalala sa pa unti ng pa unti na bilang ng aplikanteng nagpapatuloy na sumulong papunta sa arena.
Nagbigay ng saloobin si Yuki na hindi nila kailangan ng maraming bilang ng sundalo kundi mga mandirigma na katumbas ng higit isang libong mandirigma.
" Kung sa bagay, mayroon rin akong nakikitang Beta class na sumali at kasama sila sa mga natitirang aplikante."
Isa na rito sa tinukoy nila ay ang Elf na may pulang hood na si Ezra na kilala bilang pinakamahusay na elf sa Debu region, isa sa mga parte ng great forest.
" Nahahati hati ang great forest sa ibat ibang tribo at bansa gayung wala pang warlord ang nakakatangap ng kabuoan nito." Sambit ni Ruri.
Napunta ang pag uusap nila sa bigong pakikipag alyansa ng eskapa sa mga tribo at bansa sa great forest.
Maraming tribo at may ari ng lupa ang tumatangi sa alok nito na maging bahagi ng eskapa kapalit ng proteksyon na ibibigay nila.
" Ayaw nila maging bahagi ng eskapa dahil nangangamba sila baka atakehin sila ng ibang warlord na malapit sa lugar nila. "
Alam nila ang sistema na nagaganap sa mundong ito at mabilis na kumikilos ang mga warlord kapag may bagong banta ng kalaban sa mga teritoryo nila lalo na ang paglalagay ng pwersa ng eskapa sa mga bayan sa palibot ng mga bansa na pinamumunuan ng mga warlord.
Magkaiba naman ang pananaw ng Eskapa sa bagay na ito dahil ginagawa nila ito para protektahan sa ano mang paglusob at pag atake sa isang bayan na kaalyado nila.
Habang nag uusap ay biglang lumitaw ang pulang usok sa tabi ni Yuki at unti unti lumabas si Xxv.
" Huh? Nandito ka na kaagad? Hindi ba pinababantayan ko ang tao sayo, may masama bang nagyari?" Tanong ni Yuki?
" Ah .. eh.. ginawa ko po ang inuutos nyo pero kasi nasa labas na ng arena ang tao at papasok na kaya naman pumasok na ako dito." Sambit ni Xxv.
Nagulat ang lahat sa binalita ni Xxv at inutosan ni Pyun na ipakita ang labas ng Arena sa screen.
Pag labas sa screen ay nakita nila si Nathaniel na naglalakad papunta sa Arena habang kumakain ng prutas.
" Imposible paanong nakarating ang isang iyon ng napakabilis sa arena?"
Humingi ng tawad ang sundalo dahil hindi nila namonitor ang tao dahil nakatutok ang mga ito sa laban ng ibang aplikante at hindi rin nila binigyan ng pansin na sundan ang kilos nito dahil isa lang itong tao.
" Tignan mo nga naman, para lang syang namamasyal sa parke hahaha. Napaka interesante." Sambit ni Kyros.
Wala silang ideya sa tunay na nagyari at hindi inaasahan na makakalagpas ito sa mga wild rabbit kung saan hindi ito tumitigil sa pag atake sa ibang aplikante.
" Akala ko ba marami kang inihandang wild rabbit bago sila makadaan sa ilog para abangan ang mga aplikante Pyun?"
Sumabat si Xxv sa pag uusap nila at sinabi na nakita nya ang daan daang halimaw sa dulo ng ilog gayumpaman nagtataka rin sya na maging iyon ay hindi pinapansin ang tao.
" Nung una ay inakala ko na nagkakataon lang ang nagyari dahil abala ang mga halimaw pero nung halos lagpasan nya lang ito habang kumakain ang mga ito ay napag alaman ko na hindi talaga sya gustong atakehin ng mga kuneho." Sambit ni Xxv.
Lalo silang napahanga at napaisip na baka may ginawang kakaiba si Nathaniel kung bakit ito hindi inaatake ng halimaw.
Napabuntong hininga na lang si Pyun at nadidismaya dahil naisahan sya ng isang tao. Nabangit nya na ang mga wild Rabbit na inilabas nya ay umaatake lang sa oras na makaramdam sila ng malakas na enerhiya na higit sa kanila.
Ipinaliwanag nya na dahil mas mahina ang taglay na enerhiya ng taong iyon kesa sa mga kuneho ay hindi nila ito inaatake.
" Aba, kung ganun yun pala ang nangyari."
Kahit nasagot na ang katanungan nila ay may bumabagabag parin kay yuki lalo na nakarating ito ng napaka bilis gayung hindi kaya ng normal na tao ang tumakbo ng mabilis.
Sumagot si Xxv dito at binangit ang tungkol sa pag gamit ni Nathaniel ng crimson item para makatakbo ng mabilis. Napansin nya ito dahil umiilaw ang hikaw nito sa tenga.
" Isang ordinaryong tao na gumagamit ng crimson item, posible ba iyon kahit wala naman syang kaalaman sa pag kontrol sa enerhiya?" Tanong ni yuki.
Sinagot naman ito ni Rei at ipinaliwanag nya na may mga crimson item na hindi na kinakailangan ng enerhiya at kinakailangan lang makuha mo ang kondisyon nito ngunit gayumpaman ay may epekto parin ito sa gumagamit ng crimson item.
" Tama, nakita ko na higit sampung beses din syang bumagsak sa lupa at pagod na pagod. Sa tingin ko ang pisikal nyang lakas ang katumbas ng pag gamit nya ng crimson item."
Napangalong baba na lang si Rei sa nangyari dahil hindi nya inaasahan na may butas ang pagsusulit nila na kahit ang isang tao ay kaya itong tapusin ng napakadali.
Habang naglalakad ay biglang tumigil si Nathaniel papasok at tila may iniisip.
Nakita nilang tumalikod ito at nagbalik sa kakahoyan.
" Teka saan naman sya pupunta?"
Sinundan ng camera si Nathaniel hangang makakita ito ng malaking bato sa gitna ng batuhan.
Umupo ito at sumandal habang kumakain upang magpahinga rito.
" Teka bakit sya nagpunta pa doon, hindi nya ba alam na kailangan nyang makapasok sa arena bago sya makapasa? Tanong ni Kyros.
" Hindi ko alam at ayoko ng alamin, hayaan na lang natin sya sa gusto nyang gawin tutal naka chamba lang naman talaga sya sa mga oras na ito dahil nagkataon na hindi sya inaatake ng mga kuneho." Sambit ni Pyun.
Iniisip ni Pyun na hindi talaga pumasa si Nathaniel kung pag babasehan kung para saan ang pagsubok dahil inihanda nya ito upang makita kung paano kikilos ang mga aplikante para labanan ang mga halimaw habang umuusad papunta sa arena sa itinakdang oras.
Gayumpaman wala naman sa patakaran na pinagbabawal ang lagpasan lang ang mga halimaw dahil na rin hindi nila inaasahan ang mga nangyari.
.
Nathaniel POV.
Isang nakakapagod na pagsubok ang natapos ko at halos mawalan ako ng hininga sa sobrang nakakapagod nito.
Naupo ako sa damuhan at sumandal sa bato dahil nanginginig na ang tuhod ko sa pang lalata ng katawan ko.
Hindi ko alam kung kaya ko pa kaya sana matapos na ang pagsusulit na ito.
Nagpahinga muna ako at nagtago dito pansamantala kahit na gusto ko ng makapunta sa loob at magpahinga.
" Bakit ba kasi kailangan nating magtago dito ? Ano naman kung ako ang unang nakarating ?"
Ipinaliwanag ni Melon na Maraming magtataka at magkakainteres sayo kung malalaman nila na isang tao lang ang mauuna sa napakahirap na pagsubok na ito.
Sa tingin ni Melon hindi patas para sa nagpapakahirap na apkikante ang paraan ng pagkapasa ko lalo na wala naman daw akong ginawa sa pagsubok kundi tumakbo at kumain habang ginagawa ito.
" Aba, kasalanan ko ba na hindi ako inaatake ng mga kunehong yun?" Pilosopong sagot nito.
Napatingala na lang ako sa langit habang nalulumbay dahil sa kapaguran.
Gusto ko ng matapos ito lalo na napipilitan lang naman akong sumali para kay Suwi at wala talaga akong tapang na humarap dito.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sana naman may magandang resulta ang sakripisyo ko para kay Suwi."
Napabuntong hininga na lang si Melon at sinabing na ako ang may gustong manatili sya sa pangangalaga ni sei kahit na marami akong pwedeng gawin na iba kagaya ng pagtakas at isama sya sa paglalakbay.
" Sa tingin mo ba hindi ko naisip yun? Ang inaalala ko ay kung sasama ako sa kanya ay mas mahirap ang dadanasin kong pakikipagsapalaran dahil pareho na kaming hinahabol ng mga kaaway nya."
" Kasalanan ito ng Amo mo eh, gusto nya akong maghirap imbis na gawin akong malakas na nilalang dito sa endoryo." Dagdag ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay marami ng mga nagsisipasukan na mga aplikante at ang ilan sa kanila ay inaakay na sugatan.
Marami ang hindi na nakaabot pa sa oras at sa halos sampung libong aplikante ay dalawang libo lang ang nakapasa sa pagsubok.
Tinipon sa loob ng arena ang mga nakapasa habang abala ang ibang sundali sa pag tulong sa mga nasugatan.
Nagkaroon ng announcement na binibigyan ng dalawang oras na pahinga ang lahat ng aplikante bago simulan ang pangatlong pagsubok.
Maraming natuwa dito at napahiga na lang sa sahig dahil sa iniindang sakit ng katawan at pagod.
Agad naman nagdatingan ang medical team upang gamutin sila at bigyan ng makakain.
Nanguna naman sa pila ng pagkain si nathaniel at kumuha agad sa mga binibigay ng mga sundalo.
" Teka isa kang tao? Paano ka nakapasa sa pagsusulit?"
" Oo nga, napakabangis at mapanganib ang mga halimaw na kuneho para sa isang taong kagaya mo."
" Tama, teka sandali parang wala ka man lang sugat at pinsala, ano ba ang ginawa mo para makapasa?"
Napunta kay Nathaniel ang atensyon ng mga naroon at nagtataka sa pangyayari lalo na nung may magsabi sa mga ito na nakita nila ito na hindi inaatake ng mga halimaw.
" Nangunguha nga lang sya ng pagkain sa puno kanina na parang namamasyal lang."
Nagpanik agad si Nathaniel at dahan dahan umaalis sa pila para makaiwas sa mga nagtatanong sa kanya.
" Ah .. eh.. pasensya na pero lahat ng mga mandirigma may mga sekreto sige mauna na ako sainyo."
Nagmadali sya bitbit ang pagkain nya at pumunta sa dulong bahagi sa itaas ng arena para mapag isa.
Pagkarating nya dito ay napaka higa ito sa pagod sa pag akyat palang ng arena at nagrereklamo sa napaka taas na hagdan nito.
" Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga, Hindi ko na kayang tumapos pa ng pagsubok nila." Sigaw nito.
Habang nakahiga at nagrereklamo ay hindi nya napansin na may ibang tao sa kanyang likuran.
" Napaka dali mo namang sumuko." Sambit nito.
Nagulat si Nathaniel at napaupo sa kinahihigaan nya para malaman ang misteryosong taong nag salita.
Dito nakita nyang nakaupo si Aoi sa isa sa mga upuan at kinakamusta sya habang nakangiti ito sa kanya.
" Kayo pala vice commander aoi."
" Maganda ang pinapakita mo ngayong araw at iba ito sa inaasahan ko, hindi nagkamali sayo ang kamahalan."
Napailing na lang si Nathaniel habang sinasabi dito na nagkataon lang ang pagkapanalo nya at marahil swinerte sya.
Napangiti na lang si Aoi at sinabi na mahihirapan ang binata na magsinungaling sa kanya lalo pa kaya nyang basahin ang iniisip ni Nathaniel.
" Tsk, napaka daya naman ."
Dumampot ng pagkain si Nathaniel at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ito ay biglang nabangit ni Aoi na hangang ngayon ay gusto parin ni Nathaniel na tulungan ang soul eater na si Zhui.
Hindi naman itinangi ni Nathaniel ito at harap harapang sinabi kay Aoi na nandoon lang ito para sa kapakanan ni Zhui. Inamin nya na dito na may bagay na kailangan nyang gawin at isa na rito ang iligtas si suwi dahil kung hindi ay mababale wala ang kanyang ginagawa.
Napabuntong hininga na lang si Aoi at inulit kay nathaniel na napaka mapanganib kung madadamay sya sa galit ng lahat sa mga soul eater.
" Ngayong alam na ng eskapa na hawak na ng kamahalan ang soul eater ay tiyak inihahanda na nila ang pag hatol dito."
" Alam ko, marami sa mga eskapa ang biktima ng mga soul eater lalo na si Pyun pero hindi pwedeng mamatay si Suwi kaya kailangan kong gumawa ng paraan para mailigtas sya."
" Kung binabalak mong itakas sya bago ang paghatol ay magkakaroon ka ng malaking problema at ang pinaka masama ay mamamatay kayo pareho. " Sambit nito.
Binantaan nya ito na wag gumawa ng mapangahas na hakbang lalo na laban sa kanyang kamahalan dahil kahit mabait si Sei ay sumusunod parin ito sa tinakdang mga batas.
Hindi naman nagbigay ng masamang reaksyon si Nathaniel dahil batid naman nito ang sinasabi ni Aoi na mga batas kaya naman sinabi nito dito na wala syang balak mang gulo dahil ayaw nito ng mga mapanganib na mga bagay.
Natanong bigla ni Aoi dito kung ano ba talaga ang plano nito at gusto nyang mangyari lalo na sumali sya sa Eskapa na may tungkuling magligtas ng buhay at isa doon ay ang ubusin ang mga soul eater.
" Hindi ko na kailangan ulitin pa pero walang paraan para mabago pa ang sitwasyon nila dito sa mundong ito." Dagdag ni Aoi.
" Mali ka, meron pa talagang paraan at kailangan ko lang makumbunsi si Sei na may kakayahan ako para pagkatiwalaan nya." Sagot ni Nathaniel.
Nabangit nito na kaya nya pinipilit na makasali sa eskapa ay para pagkatiwalaan ni Sei at malaman nito na hindi mapanganib si Suwi at pwedeng pakinabangan.
" Tinatanong mo kung ano ang gusto kong mangyari hindi ba? "
" Sa ngayon wala akong ibang gusto kundi gumawa ng isang lugar kung saan makakapamuhay si Suwi ng payapa at ligtas." Sagot ng binata
Napangiti na lang si Aoi at tumayo habang nag bibigay ng payo sa kanya na gawin ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mga ninanais at mas magiging posible iyon kung mapapatunayan nya ang sarili nya sa iba.
" Patunayan ang sarili sa iba? Ang daling sabihin pero paano ko naman yun gagawin." Bulong ni Nathaniel sa hangin.
Part 2