Chapter 30 part 2
Habang nagpapatuloy ang laban sa loob ng tore ay walang magawa ang ibang Espada kundi panuorin sa monitor ang mga nagaganap.
Nakikita nila sa napakaraming screen sa harap nila ang mga kaganapan at kung paano unti unting nauubos ang mga sundalo nila at mga aplikante na nasa loob ng tore.
" Wala ba tayong gagawin kundi panuorin ang mga nangyayari at hayaan na maubos ang mga tauhan natin." Sambit ni Pyun.
" Huminahon ka, hindi tayo pwedeng magpadalos dalos sa mga hakbang natin." Sambit ni Yuki.
Biglang nagdabog si pyun at binangit na hindi sya pwedeng huminahon na lamang at mag antay dahil marami sa mga sundalo na nasa loob ay mga tauhan nya at hindi nya pwede silang pabayaang maubos.
Gayumpaman ay maging si Rei ay humihiling dito na maging kalmado at magtiwala kay Ruri lalo pa wala naman silang magagawa kung hindi bubuksan ni Ruri ang lagusan papasok.
"Asar! Kanina may pag kakataon na tayong makapasok pero itinigil nya ang pagbubukas ng portal, bakit kailangan ni Ruri na makinig sa taong yun."
Hindi makapaniwala si Pyun na nakinig at nagtiwala si Ruri sa sinabi ni Nathaniel sa dalaga gayung isa parin itong kahinahinalang tao sa paningin nito at pinasususpetyahan na tauhan ng isang grand chaos na labis na kinamumuhian ng lahi ni Ruri.
" Hindi tayo maaaring basta umasa at magtiwala sa isang tao dahil buhay ng marami saating mga sundalo ang nakataya dito."
Naalala nila ang usapan ni Ruri at Nathaniel nung sabihin nito na maaaring maligtas sila sa laban na iyon.
Ilang minuto lang bago ang pagbabago ng isip ni Ruri.
Ayon kay Nathaniel ay ang ganitong kalaking teritoryo ay isang magic spell na nangangailangan ng patuloy na pag cacast ng mahika at pinapagana ng totoong katawan ni Serenity.
Nagulat at nagduda ang mga ito ng malaman na hindi totoong katawan ni Serenity ang kaharap nila kahit na nag uumapaw ang taglay nitong kapangyarihan.
Ang isa sa kahinaan ng teritoryo na land of living dead ay ang pagpapatigil kay serenity na icast ang magic spell na ito ng tuloy tuloy.
Tinukoy rin ni Nathaniel na nasa unang palapag ng tore ang katawan ni Serenity at kinakailangan na makarating sila doon upang pigilan ito .
" Teka sinasabi mo ba na kailangan na makarating tayo doon at patayin ang katawan nya?" Tanong ni Ruri.
" Hindi, kagaya ng sinasabi ko kanina hindi natin kayang patayin si Serenity kahit na wala na ang land of the living dead." Sagot nito .
" At isa pa ako lang ang pupunta doon mag isa pero kailangan ko ng tulong para makarating doon ."
Nagulat sila sa sinabi nito sa tila pagbibiro nito kaya naman nagalit si Ruri dito at sinabihan na tigilan ang pagsasalita ng walang kwentang bagay.
Para sa kanya kung hindi kayang mapatay ang totoong katawan ni Serenity at matalo ito kahit na mawala ang Land of the living dead ay walang saysay ang pag punta ni nathaniel doon.
Hindi sumagi sa isip nila na may magagawang kahit anong makakabuti sa sitwasyon nila si nathaniel kung sakaling magtagumpay syang mababa sa unang palapag dahil isa lang itong hamak na tao.
" Hindi ko sya kayang patayin pero kaya ko syang pigilan." Sagot ni Nathaniel.
" Paano ka naman nakakasiguro na magagawa mo syang pigilan, ni wala ka ngang kakayahan na pangalagaan ang maski ang sarili mo? "
Patuloy na nagdududa si Ruri sa sinasabi ni Nathaniel kaya naman hindi na nito napigilan na mapasigaw at ilabas ang saloobin nito.
" Hindi nakakatulong ang pagdududa nyo saakin, akala nyo ba natutuwa ako sa gagawin ko? Pwes ako na nagsasabi sainyo na ayoko nito pero kung hindi ko ito gagawin ay walang kahit isa sa mga nandito ngayon ang makakaligtas."
Sinambit nito na hindi nya gusto ang gagawin nya at inamin na natatakot ito sa nangyayari at kung maaaari ay umalis na lang sa lugar na iyon at magbalik sa galica pero hindi nya kayang iwan sila Ruri.
" Alam ko na ispiya at kaaway ang tingin nyo saakin pero magkaiba tayo dahil kahit na masama ang pagtrato nyo saakin mahalaga kayo saakin. "
" Ang mga nalalaman ko tungkol sa inyong lahat kasama na ang mga pagsisikap at pangarap nyo. Ayokong mabale wala na lang itong lahat dito sa lugar na ito."
" Natatakot ako pero pakiramdam ko pag sisisihan ko kapag hindi ko nagawang baguhin ang nakatakda ninyong kamatayan."
Habang nagsasalita ay biglang ibinagsak sa lupa ni Ruri ang dulo ng Sibat nya at pinatahimik si Nathaniel sa pagsasalita.
" Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi mo at kung ano ang nalalaman mo gamit ang pag tingin sa hinaharap namin."
" Isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon, Gaano ka nakaka siguradong mapipigilan mo sya?"
Hindi nakapag salita si Nathaniel sa tanong na iyon dahil maging sya ay hindi nakakasiguro sa plano nya.
" Ang totoo ewan ko siguro may sampung porsyentong magagawa ko at lumiliit pa iyon habang lumilipas ang bawat segundo."
Sandaling tumahimik ang lugar at napabuntong hininga si Ruri.
" Hangal" sambit nito.
Tumalikod si Ruri sa kanila at winasiwas ang sibat.
" Sa gustong manatili sa loob na ito gusto kong tulungan nyo ang hangal na yan na makarating sa unang palapag."
Agad na lumuhod ang kanyang mga alagad at walang pag dadalawang isip na sumunod.
" Hindi ako naniniwala na mga salita pero kung gusto mong patunayan ang sarili mo na kakampi ka namin ay patunayan mo iyon sa gawa."
Lumipas ang ilang minuto pagkatapos ng pag uusap na iyon ay sinamahan ng mga tauhan ni Ruri si Nathaniel.
Buhat buhat ng isa ang binata at mabilis na tumatakbo pababa ng mga palapag.
Pinangangalagaan naman ng ibang mga kasama nito ang daraanan ni Nathaniel habang naglalakabay.
Habang sa ika dalawampung palapag ay patuloy na lumalaban si Ruri at Xxv sa mga buhay na bangkay at sa dambuhalang dragon.
Napakadali lang na winawasak ni Ruri ang mga Bangkay na humaharang sa kanya papunta sa kinaroroonan ni Serenity.
Habang si Xxv ay sinusubukang haraping mag isa ang dambuhalang dragon.
Hindi ito naging madali dahil hindi tumatagos sa balat nito ang talim ng espada nya kahit ilang beses nya itong hiwain at binabale wala rin nito ang pulang apoy na tumatama sa mala bakal na balat nito.
" Napakataas ng enerhiya ng baluti nya sa katawan kaya imposibleng matupok sya ng pulang apoy ng sanitoshi."
Muling bumuga ng napakalakas na energy blast ang dragon na sumira sa kapaligiran.
Agad naman naiwasan ito ni Xxv dahil sa kakayahan ng kanyang pulang usok.
" Napakalakas ng isang ito hindi ako mananalo sa kanya kung hindi ako magseseryoso sa laban."
Naglabas ng napakalakas na awra si Xxv habang napapalibutan ng pulang apoy. Umamba ito ng pag atake at habang nakapikit ay unti unting umiilaw ang mga talim ng sanitoshi.
" Crimson Tornaido strike."
Bumulusok ito habang nababalot ng umiikot na apoy sa paligid nya at tumama sa katawan ng dragon.
Napahakbang paatras ang dragon sa pagtama nito at tinupok ng mala buhawing apoy na dahan dahan syang tinutusta.
Gayumpaman ay nagawa ng dragon na makalipad at umikot ikot sa himpapawid para makaalis sa pagkakatupok ng apoy.
" Kumalat ka at wasakin ang aking kalaban, Death strike"
Napalibutan muli ng pulang usok ang dragon at kasabay ng pag ikot nito sa dragon ay ang pag laslas ng espada ng sanitoshi sa ibat ibang parte ng katawan nito.
Nagawang mahiwa ni Xxv ang papak ng dragon dahilan para mapabagsak ito sa lupa.
" Kahit ang isa sa pinakamalakas na atake ko ay hindi sya nagawang mapatay."
Habang nababalot ng usok ang paligid ay biglang lumabas dito ang dragon blast na itinira ng dragon papunta kay Xxv.
Sa sobrang bilis nito ay hindi na nagawang makaiwas ni Xxv gamit ang pulang usok at sinalag na lang ito gamit ang espada ng sanitoshi.
" Ahhhh!!!"
Nabalot sya ng pulang apoy at pinilit na masabayan ang dragon blast ngunit hindi rin ito nagtagal at mabilis na nilamon ng enerhiya nagmula sa atake ng dragon.
Sumabog ang kalangitan habang kumakalat ang pulang apoy sa himpapawid gawa ng pagsabog. Dito mabilis na bumabagsak sa lupa si Xxv at ilang saglit pa ay gumulong gulong hanggang sa tumama sa mga batuhan.
" Hindi, higit na mas malakas sya kesa sa inaasahan ko na kahit ang pangatlong grado ng energy barrier ko ay nabasag nya."
Kahit na sugatan ay pinilit ni Xxv na tumayo dahil nakita nya na maraming bangkay ang patuloy na tumatakbo papunta sa dereksyon nya.
" Hindi ko pwedeng gamitin ang supreme mode para lang sa kanya. Kailangan kong tulungan si Lady Ruri na matalo ang warlord." Bulong nya
Muling kumalat ang pulang usok sa paligid kasabay ng mga pulang apoy na pumapalibot sa katawan ni Xxv.
Isa isang tinatapos ni Xxv ang mga bangkay na umaatake sa kanya at kahit na may pinsala ay hindi nawala ang bilis at lakas nito.
" Kaya kong labanan sila pero hindi ko sigurado kong matatalo ko ang dragon na yun kung hindi ko ibubuhos ang buong lakas ko."
" Isang beses ko lang pwedeng gamitin ang atakeng iyon at pwedeng maparalisa pansamantala ang katawan ko pagkatapos nito."
Nag aalinlangan syang gamitin ang pinakamalakas na atake nya dahil sa magiging epekto nito sa katawan niya lalo pa hindi matapos tapos ang pag dagsa ng mga halimaw na umaatake sa kanya.
Muling nagpakawala ng matinding awra ang dragon at tinaboy ang usok gamit ang pwersa ng pag sigaw nito.
Hindi naman nagpatinag si Xxv at muling bumwelo ng pag atake. Hindi ito nag dalawang isip na muling umatake sa dragon at subukan muli na hiwain ang katawan nito.
Hindi nagtagal ay muling bumuga ng dragon blast ang dragon ngunit nagawa lang itong maiwasan ni Xxv at patuloy na tumatakbo palusob.
Habang nagaganap iyon ay patuloy din ang pakikipaglaban ni Ruri sa mga buhay na bangkay upang makalapit kay Serenity.
" Sige bata ipakita ko kung sino ka." Nakangiting sambit ni Serenity.
Nagbago ng anyo ang sibat ni Ruri papunta sa dambuhalang shuriken.
" Giant shuriken."
Halos bumaon ang mga paa ni Ruri sa paghakbang nya at buong pwersang ibinato ito kay Serenity.
Halos walang kalaban laban ang mga bangkay na mahagip ng shuriken at nagkalasog lasog lang. Dumeretso lang ito kay Serenity at tumama sa kamay nito.
Halos madurog ang kalupaan dahil sa impact ng salagin ni serenity ito gamit lang ang mga kamay.
Laking gulat ni Ruri sa ginawang pagsalag nito at pagpapahinto gamit lang ang mga kamay pero hindi ito tumigil sa pag atake.
Tumalon si Ruri sa ere at muling naglabas ng isa pang higanteng shuriken at binato.
Habang bumabagsak sa lupa ay nagpaikot ikot ito sa ere at muli itong nag pakawala ulit ng dalawa naglalakihang mga shuriken.
Sumabog naman ang lugar sa pagtama nito sa kinaruroonan ni Serenity at dahil sa impact ay nagtalsikan ang malalaking tipak ng mga bato sa paligid.
Muli namang umilaw ang mga mata nito at naglabasan ang daan daang mga magic circle.
Nagulat ang lahat sa nakakakuta sa hindi mabilang na magic circle na pinalitaw ni Ruri sa kalangitan.
Dito ay naglitawan ang mga higanteng kanyon na lumabas sa gitna ng mga magic circle at unti unting nag iipon ng enerhiya sa loob ng mga ito.
" Tapusin na natin ito, Destraviton!!"
Umulan ng mga energy ball papunta sa kinroroonan ni serenity at winasak nito ang boung kalupaan na naging sanhi ng pagyanig ng buong tore.
Nadurog at naabo din ang isa sa mga higanteng lapida at nawala ang isa sa magic circle na pinaglalabasan ng mga bangkay.
Kasabay ng pagkawala ng daan daang magic circle na gawa ni Ruri ay ang pag luhod nya sa lupa dulot ng pang hihina. Hingal na hingal ang dalaga at hinahawakan ang kanang mata.
Napakaraming enerhiya ang kinuha ng atake nyang iyon at dahil narin sa pag abuso nya sa crimson eye ay sumasakit na rin ang kanyang mga mata.
Nag iwan ng halos isang daang metrong lapad at limampung talampakan na lalim na pagkawasak ang ginawang atake ni Ruri.
Nagpalipas sya ng pagod at huminga ng malalim upang habang pinapakalma ang sarili sa hapdi ng kanyang mga mata.
Kagaya ng mga normal na mga mata ay may hanganan ang pag gamit sa crimson eye dahil sa oras na hindi makaya ng mga mata nila ang enerhiya na pinakakawalan nito ay maaari itong sumabog o maging sanhi ng pagkabulag.
Sandaling tumahimik ang lugar kaya naman pansamantalang napanatag si Ruri dahil naglaho ang itim na presensya sa paligid na tinataglay ni Serenity gayumpaman ay kasabay ng pagtayo ng dalaga upang magpatuloy sa pakikipaglaban ay ang paglitaw ni Serenity sa likoran nya ng hindi nya napapansin.
" Mahusay ka bata." Bulong ni Serenity sa tainga nya
Natulala si Ruri sa naramdamang presensya sa likod nya at batid nya na naroon si Serenity at handang atakehin sya.
Nagawa pang makatalon ni Ruri upang subukan makalayo ngunit nadakma ni Serenity ang binti nya.
" Saan mo naman balak magpunta?"
Sinubukan ni Ruri na kumawala sa pagkakahawak sa kanya ngunit napakalakas ng pakakakapit nito sa binti nya.
Sinubukan nya sipain ang kalaban nya ngunit sinalag lang nito ang kaliwang paa ni Ruri ng braso na parang bale wala lang ito.
Halos yumanig ang lugar at nagpakawala ng impact ang ginawang pag sipa ni Ruri pero hindi man lang ito ininda ni Serenity bagkus ningitian lang sya nito.
" Napakatibay nya kahit na ang pinakamalakas na sipa ko ay walang epekto sa kanya." Bulong sa isip ni Ruri.
" Tapos ka na ba? Ako naman bata."
Naglabas ng napakalakas na enerhiya si Serenity at inihampas sa lapag si Ruri.
Halos bumaon sa lupa at mawasak ng impact ang kinatatayuan nila.
Hindi binitiwan ni Serenity ang binti ni Ruri at inihagis ito sa may batuhan.
Halos mawasak naman ang bato na pinagtamaan nito at kasunod nito ay ang pagbulusok ng pagsipa ni Serenity kay Ruri na lalong nag patagos kay Ruri sa batuhan.
Alam ni Ruri na hindi sya titigilan ni Serenity kaya naman sinubukan nyang kumilos at maglabas ng isang malaking panangga upang protektahan sya.
Sa pagtama ng suntok ni Serenity sa pananga ay hindi nito kinaya ang lakas ng pag atake at tumalsik lang ang dalaga palayo.
Gumulong gulong si Ruri ngunit sinubukan paring bumalanse upang hindi tuluyang bumagsak sa lupa at makapag handa para sa inaasahan nyang pag atake muli ng kalaban nya.
Sa pagtayo nya ay hindi inaasahan ng dalaga ang paglitaw ni Serenity sa harapan nya at dinakot ng kamay nito ang mukha nya.
" Napakabilis nya." sa isio ni Ruri.
Habang hawak ang kanyang ulo ay inihampas sya ni serenity sa lapag na halos wasakin ang kalupaan na kinaroroonan nila dahil sa sobrang lakas.
Habang hawak nito ang mukha nya ay kumapit si Ruri sa braso nito upang hindi makatakas ang kalaban nya.
" Aba. Hangang ngayon may malay ka parin?" Nakangiting sambit ni Serenity.
" Wag mo akong maliitin." Sagot ni Ruri.
Dito lumitaw sa paligid nila ang mga magic circle na naglabas ng mga kadenang gumapos kay serenity.
Makikita sa mukha ni Ruri ang pang gigigil habang umiilaw ang mga braso ni Serenity na hawak hawak nya.
" Maglaho ka!!" sigaw nito.
Kasabay ng paglabas ng naglioiwanag na marka ni Ruri sa katawan ay ang unti unting pagkalat ng energy particle sa paligid nila
Dumagungdong ang buong tore sa ginawang pag papasabog ng dalaga sa braso ni Serenity at halos sumira sa boung lugar.
Ilang saglit pa ay tumalon palabas ng usok si Ruri at halos hindi na makabalanse sa pagtayo ng lumapag ito sa lupa. Bakas sa kanya na nahihirapan na syang kumilos.
Napupuno ng sugat ang katawan nito at nagkapunit punit ang damit, napaluhod na lamang ito habang hawak ang kanang braso dahil sa pagkabali nito dulot ng pagpapasabog nya.
" Hindi ko inaasahan na mapipinsalaan ako ng grabe sa ginawa ko pero kailangan ko iyon gawin."
Nabalot ng enerhiya ang katawan ni Ruri at sinubukan na pahintuin ang pagdaloy ng dugo sa mga sugat nya sa katawan at pamanhidin ito pansamantala.
Pinilit nyang ikalma ang sarili nya habang tinitiis ang sakit ng kanyang braso nanlalabo na rin ang kanyang mata dahil sa dugo na dumadaloy sa mukha nya.
Ilang saglit pa ay biglang isang napakalakas na presensya ang pinakawalan ni Serenity sa paligid dahilan para lalong mahirapan si Ruri na makagalaw pa sa kinalulugaran nya.
Isang awra na halos magpabigat sa katawan nya at humila kay ruri pababa ng lupa na pilit naman nilalabanan ng dalaga.
"Bwisit, napakalakas nya." Pang gigigil nito habang nilalabanan ang pwersa.
Unti unting lumabas sa usok ni Serenity na wala ng kanang braso at puno ng pinsala sa katawan.
" Mahusay bata, tama, masasabi kong napakalakas mo nga dahil nagawa mong mabasag ang energy barrier ko na may taas na ikalimang grado gamit lang ang pagsabog na yun."
Hindi makapaniwala si Ruri ng makita na nanatiling buhay at nagtataglay parin ng nag uumapaw na lakas si Serenity.
Dito kahit na napupuno ng pinsala ang katawan ay walang makikitang dugo na tumutulo kay Serenity at tila ba wala itong nararamdaman sakit sa natamong pinsala.
" Matagal na panahon na nung may nakapinsala saakin ng ganito sa laban kahit na ginamit ko ang absolute defense ko. "
" Malakas ka pagdating sa mga sandata at hindi pangkaraniwan ang ginagawa mong pampasabog gamit ang enerhiya mo pero mukhang ikaw pa ang mas napinsalaan sa ginawa mong atake."
Galit na galit si Ruri at nakakaramdam ng pagkadismaya dahil sa hindi nagawang mapinsalaan ng malaki si Serenity sa ginawa nya.
" Hindi maaari ito, alam ko na perpekto ko nagawa ang teknik ko at natamaan ko sya pero binale wala lang nya iyon."
Napasuntok sa lupa si Ruri at galit na humiyaw habang unti unting nababalutan ng marka ng sumpa sa katawan.
Nagpakawala ito ng napakalakas na enerhiya na nagpa ilaw sa kanyang buong katawan.
Unti unti syang tumayo at tumingin ng matalim kay Serenity.
" Infinite realm, Freya! "Sigaw nito.
Dito ay unti unting nagkakaroon ito ng pulang armor sa katawan habang nababalot sa napakatinding enerhiya.
" Oh.. ang Supreme mode, gusto mo na ba matapos agad ang paglalaro natin?" Kalmadong sambit ni Serenity.
Ang supreme mode ay ang pag gamit sa Spirit energy at life energy ng isang nilalang. Ginagamit ang kaalaman na ito ng piling nilalang para mas palakasin ng higit limang beses ang sarili nila.
" Alam mo na hindi kayang magtagal ang infinite realm at sa oras na hindi mo magawang matalo ang kalaban mo sa napakaikling oras na gagamitin mo yan ay kailangan mong tangapin ang kamatayan."
Ang pag gamit dito ay nangangahulugan ng pag gamit ng lahat ng enerhiya ng iyong ispirito at katawan kaya naman tumatagal lang ito ng higit tatlong minuto at sa oras na hindi na kayanin ng katawan nito ang maglabas pa ng enerhiya ay agad na maglalaho ang teknik at babagsak na ang katawan ng gumagamit.
Kahit na nag uumapaw ang enerhiya ni Ruri habang nakatayo sa harap nya ay hindi mababakas kay Serenity ang ano mang pangamba o takot bagkus ay nakangiti lang ito at napaka kampante.
" Pinapaalala ko sayo na kahit gaano pa kalakas na atake ang gawin mo hindi mo ako mapapatay."
" Ang ibig kong sabihin ay matagal panahon na akong patay kaya hindi mo ako mapapatay pa ulit hahaha nakukuha mo? " Natatawang sambit nito.
Natahimik ang lugar sa hindi pagkibo ni Ruri sa pag bibiro ni Serenity.
" ok? Sige Kung ganun desidido ka ng mamatay agad sa laban." Napabuntong hiningang sambit ni Serenity.
Itinaas ni Serenity ang kamay nya na tila ba inaaya nya si Ruri na atakehin sya.
" Sige bata, halika at magwala ka. Ipakita mo ang lahat ng kaya m....."
Hindi pa man tapos magsalita si Serenity ay bigla ng bumulusok palusob si Ruri at sinapak sa mukha ito dahilan para tumalsik ito.
Habang tumatalsik ay sinundan agad ito ni Ruri at hinawakan ang ulo kasabay ang pag hampas nito sa lupa.
Halos bumaon si Serenity sa ginawang pag hampas sa kanya sa lupa na dumurog sa mga bato sa lapag nila.
Tumalon agad si Ruri palayo ng makita ang nakangiting mukha ni Serenity na tila ba nag eenjoy pa sa laban nila ngunit kahit na mabilis na nakalayo ay agad syang nasundan ni Serenity at naka amba ng suntok.
Hindi naman hinayaan ni Ruri na magpadaig na lamang dito at walang pag alinlangan na sinabayan ang suntok na gagawin ni Serenity.
Halos gumawa ng napakalaking tipak sa lupa ang pag hampas ng pwersa ng magtama ang kanilang mga kamao.
Muling sinabayan nya ulit ng kamao ang bawat pag suntok ni Serenity dahil nabatid nya na hindi ito basta magpapapigil para pabagsakin na sya ng tuluyan.
Gayumpaman napansin nya na nagagawang maghilom agad ang pinsala ni Serenity sa kamay sa bawat pagkawasak nito.
" Hindi sya ganun ka husay sa mano manong laban pero dahil nga sa taglay nyang nag uumapaw na enerhiya at kakayahan na hindi makaramdam ng sakit at pinsala ay napakahirap nya hanapan ng kahinaan."
Nagawang masalag ni Ruri ang pinakawalang suntok ni Serenity kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na magkapag cast ng magic spell ang dalaga.
Dito lumitaw ang mga magic circle sa paligid na pinaglabasan ng mga kadena na gumagapos ngayon kay serenity.
Lumayo si Ruri habang nakagapos sa ere si Serenity at hindi na ito nag sayang pa ng oras na muling maglabas ng sandata.
Kahit na nagdudugo na ang kanyang mga mata ay pinilit nyang buksan ang kanang mata nya para muling gamitin ang crimson eye.
" Paki usap kahit sa huling pag kakataon." bulong nito sa sarili.
" Dome of freya."
Sa pag gamit nya ulit nito ay maglabasan ang higit isang libong magic circle. Na pumalibot paikot kay serenity. Para itong nakulong sa isang Dome na gawa sa magic circle.
Namangha ang mga nakakasaksi sa nakita nilang pagpapalabas ng pinakamalakas na atake ni Ruri.
" Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kalakas na enerhiya sa isang magic circle, ito na ba ang pinaka malakas na atake ni lady ruri?" Sambit ni Xxv.
Kumalat ang napakaraming energy particle sa paligid nila habang nagliliwanag ang mga ito na tila mga bituwin.
Sumuntok si Ruri sa magkabilang kamao nya at sumigaw kasabay ang pag liwanag ng magic circle sa kanyang kinatatayuan.
" Ito ang pagbibigay ng hatol para sa iyong mga kasalanan. Tangapin mo ang parusa ng kalangitan "
" Divine judgement "
Nagliwanag ang buong paligid at gumawa ng napakalakas na pagsabog na sumira sa boung palapag. Halos wasakin nito ang kisame sa itaas at bumutas sa lapag na nagkokonekta sa ibabang bahagi.
Yumanig ang boung tore sa naganap na pagsabog at halos maglaho ang kalahati ng ika dalawamput limang palapag.
Nadamay din ang itaas at ibabang na palapag nila at patuloy na nagbabagsakan ang mga naroon pababa.
Dahil sa matinding pagod ay bumagsak mula sa himpapawid si Ruri hangang ikaapat na palapag.
Dito ay hindi nya na nagawang makabalanse at tuluyang mapahiga sa pagbagsak nito sa lupa.
Parang buhangin na tinangay ng hangin ang pulang armor nya at nagbalik sya sa dating anyo.
" Umabot na ako sa limitasyon ko, hindi ko na kayang lumaban pa."
Pinilit parin kumilos ni Ruri sa gitna ng kanyang panghihina. Sinubukan nha parin na Bumangon ngunit muli lang syang napaluhod dahil na rin sa pinsala ng mga binti nya.
" Hindi ko na maramdaman ang mga hita ko at hindi ko na rin marinig ang tunog sa paligid. Mamamatay na ba ako?"
Habang hingal na hingal ay pinagmasdan ni Ruri ang paligid nya na tila may hinahanap.
Dahil sa pag sabog ay naglaho ang mga higanteng lapida dahilan para matigil ang paglabas ng mga bangkay.
" Nagawa ko ba? Hindi ko na alam ang nangyayari pero sana nagawa ko syang matalo. "
Kasabay ng pag bayo ng malakas na hangin ay muling nabalot ng nakakatakot na presensya ang boung paligid.
Isang napakalakas na presensyang halos sumakal kay Ruri at nag papahirap dito na makakilos.
Ilang saglit pa ay tumayo bigla ang isang bangkay na malapit sa kanya. Kasabay ng paglitaw ng magic circle sa kinatatayuan nito ay unti unting nawawasak ang katawan ng bangkay.
Nahati ito sa gitna at lumabas sa loob ng katawan nito si Serenity na buo at walang kagalos galos ang katawan.
" Magaling, magaling, Tulad ng inaasahan ko sa isang sandata. Tunay na napakalakas mo ngunit masyado ka pang bata para magapi ang katulad ko, siguro kung aabot ng limang daang taon ang buhay mo ay kaya mong tumbasan ang enerhiya na taglay ko.."
" Sa nakikita ko umabot ka na sa limitasyon at ilang sandali na lang ay mamamatay ka na gayumpaman hindi ka dapat mahiya dahil nagawa mong mapatay ang isang warlord sa laban.
" Oo pwede natin sabihin napatay mo ako at dapat mo iyon ikarangal bilang mandirigma. "
Humakbang si Serenity palapit kay ruri habang hawak ang isang espada na dinampot nya sa lapag.
Pinapaliwanag nito sa dalaga na kahit na napakalakas ang tinataglay nyang kakayahan ay hindi nito matatalo si Serenity dahil nakakalaman ito sa karanasan sa pakikipaglaban.
Binangit nya na hindi lang tungkol sa sino ang pinakamalakas o kung gaano kaganda ang teknik na alam ng bawat isa ang magpapasya sa kung sino ang mananalo sa laban.
Gayumpaman hinangaan nya parin si Ruri sa nagawa nito sa laban at inamin na nakakahigit ang dalaga pag dating sa teknik kesa sa kanya na isang warlord dahil wala syang ibang alam sa pakikipaglaban kundi gamitin ang enerhiya nya para sumuntok at sumipa ng malakas.
Dito tumigil sya sa harap ni Ruri habang nakaluhod ito at itinaas ang espada para iamba ito sa dalaga.
" Magaling ang iyong ginawa bata, ngayon magpahinga ka na munting mandirigma."
Winasiwas ni Serenity ang kanyang espada na pumugot at nagpagulong sa ulo ni Ruri sa lupa.
Hindi makapaniwala ang mga tauhan nya na nanunuod sa tore ng agata at maging ang kasamahan nyang mga sandata ng eskapa ay halos manlambot sa pagkabigla.
" Hindi maaaring mangyari ito, Lady Ruri."
Part 2