Chapter 38 part 1

Sa pag lipas ng ilang minuto ay sabay sabay nilabanan ni Agane ang mga tauhan ng Siren.

Halos magtalsikan ang mga slardar na patuloy na umaatake sa kanya sa bawat suntok at sipa na natatangap nila mula kay agane.

Sinubukan din na suntukin ng dambuhalang halimaw si agane gamit ang napakalaking kamao nito ngunit dahil sa bilis ni agane sa paglipad ay hindi nito kayang matamaan ang heneral.

Alam ni Agane na kailangan nyang umisip ng paraan upang matalo ang mga ito hangat hindi pa sya nauubusan ng lakas. Kahit na alam nya na mas malakas sya sa mga ito ay may hanganan ang enerhiya nyang tinataglay.

" Masyado silang marami para labanan ko ng sabay sabay, wala akong magagawa kundi gamitin ang teknik na yun." 

Lumipad sya sa himpapawid at muling nagpalabas ng malakas na awra kasabay ng pag litaw ng asul na dragon na gawa sa kanyang enerhiya.

Sa mga oras na iyon ay nagdilim ang paligid at nabalot ng nakakatakot na tunog ng hangin dahil sa pagkalat sa paligid ng napakalakas na presensya ni Agane na tila ba may unos na darating.

Alam ng siren na may binabalak si Agane na gawin at maging sya ay nababahala sa malakas na presensyang nararamdaman nya.

Kasabay ng pag angat ni Agane ng kanyang kanang kamay ay ang paglitaw ng napakalaking magic circle na ngayon ay nakalutang sa itaas nila.

Lahat ng naroon ay nagimbal sa nasaksihang dambuhalang magic circle sa himpapawid na halos limampung metro ang lawak.

" Isang 4th grade wind magic? Hindi maganda ito."

" Tikman nyo ang galit ng wind dragon,  cyclone thousand strike." 

Naglabasan mula sa higanteng magic circle ang napakaraming wind strike na halos pumulbos sa mga bagay bagay sa kalupaan.

Maging ang halimaw na si darkness ay unti unting napapaatras dahil sa mga wind strike.

Dito makikita ni Agane na ilan sa mga wind strike na tumatama sa halimaw na anino  ay hindi lumulusot sa katawan nito.

Marami sa mga tumatama sa halimaw ang bumubutas at tumatagos sa katawan nito dahilan para unti unti itong mawasak.

" Alam ko na, hindi perpekto ang kakayahan ng halimaw nya na ipadala sa isang dimensyon ang mga atake na matatangap nya, marahil may limitasyon sa oras din ang kondisyon ng abilidad nya kagaya ng normal na abilidad." Bulong nya sa sarili.

Gumawa ng napakalaking pagsabog ang pag atake ni agane at napuno ng napaka kapal na usok sa buong lugar.

Pagkatapos ng pagsabog ay dahan dahan na bumababa si Agane sa lupa at napahingal dahil sa pagod.

Naramdaman nya na malaki ang enerhiya na nawala sa kanya dahil sa pag gamit sa teknik.

" Hindi ko na dapat patagalin ang laban na ito kung hindi delikado ang mga tauhan ko." 

Tumingin sya sa paligid at tila may napansin syang kakaibang tunog mula sa hangin sa paligid nya.

" Anong presensya ito?" 

Sa paglingon nya sa likod ay may biglang sumaksak sa kanyang kutsilyo. Napaatras sya sa pagkakataon na iyon at napatalon upang makalayo.

" Imposible." 

Nagulat sya ng makita na tumagos sa kanyang baluti ang talim ng kutsilyo.

Ang baluti na suot nya ay gawa mismo sa balat ng dragon na mas matibay pa sa bakal.

Dito nakita nya ang isa sa mga tauhan ng siren na halimaw na butike habang hawak ang gintong kutsilyo.

" Aba nagawa mong makailag, masyado mo akong pinapahanga heneral."  Sambit ng halimaw

" Ang bagay na yan? Isang class A crimson item,Tama?. "

Ipinakilala nito ang hawak na kutsilyo bilang isa sa mga kayamanan ng halloween. Ito ang Overlord Cris na may kakayahan na balewalain ang ano mang uri ng barrier o enerhiya na pang depensa na madidikit sa talim nito. 

" Sa makatuwid para saakin isang ordinaryong baluti lang yang kalasag ng dragon na pinagmamalaki mo." 

Pinagkatiwala sa kanya ito ng halloween dahil sa kanyang abilidad na maglaho at maging invinsible at ang pagiging mahusay na assasin.

Habang ipinaliliwanag ang kakayahan nya ay bigla syang nawala sa paningin ni Agane at dahil mahusay itong nakakapagtago ng presensya nya ay walang bakas syang iniiwan para masundan nino man ang kanyang mga galaw.

Alam ni Agane na kung nagawa nga nitong makatagos sa baluti nya sa katawan ay malaki ang posibilidad na mamatay sya kung masasaksak sya nito sa puso.

Gayumpaman hindi sya nagsayang ng oras pa at muling pinagaspas ang kanyang mga pakpak upang lumipad ng mataas.

Alam nya na ito lang ang tanging paraan para maiwasan ang atake nito na gagawin lalo pa walang kakayahan lumipad ang kalaban nya. 

Gayumpaman habang lumilipad sa himpapawid ay nakaramdam sya ng pangmamanghid ng katawan.

" Oh.. nakalimutan kong sabihin na may lason ang aking patalim at kaya nitong paralisahin ang katawan ng sino man." 

" Ano? Bwisit! " 

Hindi makapaniwala si Agane na mahuhulog ito sa teknik ng kalaban nya at ngayon ay unti unti na syang nahihirapan gumalaw.

Pinipilit naman nyang labanan ang pagkalat ng lason sa katawan nya gamit ang enerhiya at galit na sumigaw.

" Iniisip mo ba na mapipigilan ng isang lason lang ang isang dragon?" Sigaw nito habang naglalabas ng napakalakas na enerhiya.

Sa mga sandaling yun ay may narinig si Agane mula sa hangin sa paligid at biglang sumalag sa likuran nya.

Dito ay lumitaw ang butiki habang inaatake sya ng patalim. Nagawa nya itong masalag ng kalasag nya sa braso.

" Ano?" 

Nagulat ang butiki ng magawang malaman ni agane ang pag atake nya.

" Wag mo akong maliitin, hangal!" 

Binuka ni Agane ang bibig nya at bumuga ng wind strike kung saan derekta itong tumama sa kalaban nya.

Pagkatapos tumama sa batuhan ay hindi na binigyan ng pagkakataon ni Agane na makatayo pa ito at sinundan agad ng pag atake.

Halos madurog ang buong kalupaan sa tindi ng pinakawalan nyang wind strike. 

Gumawa ito ng napakalakas na pagsabog na muling nag payanig sa lugar.

Gayumpaman habang nagpapahinga si Agane habang nakalutang sa ere ay sinamantala ito ni Juggernaut upang makalapit dito.

" Yahh!!" 

Hindi napansin agad ni Agane ang pagdating nito kung saan nagawa syang dagukan ni juggernaut at muling bumaon sa lupa.

Hindi naman iyon ininda ni Agane at mabilis ulit bumangon para lumipad palayo upang makapag handa.

Pero habang lumalayo sya ay dumeretso lang si juggernaut sa pag atake sa kanya. Tumakbo ito papunta sa dereksyon ni Agane at naka amba ng pag suntok dito.

" Wind Stike " sigaw ni Agane

Tumira si Agane ng wind strike ngunit tila wala itong naging epekto sa katawan ni Juggernaut at patuloy lang sa pagtakbo.

Sinundan nya ulit ito ng maraming wind strike pero kagaya ng mga nauna ay walang makapigil kay juggernaut na lumusob papunta sa kanya.

" Binabale wala ng kalasag nya sa katawan ang bawat atake ko." 

Imbis na matakot ay hindi nagpatinag si Agane at walang takot na sinabayan ang suntok ni Juggernaut.

" Yahhh!!! " 

Nagsalpukan ang kanilang kamao at gumawa ng napakalakas ng impact na syang sumira sa kalupaan sa paligid nila.

Pagkatapos ng pag tama ng kanilang kamao sa isat isa ay muling nagkipagsabayan sila ng pag suntok at nagpatuloy ito hangang sa tuluyang madurog ang kinalalagyan nila.

Bawat pag tama ng kanilang kamao ay naglalabas ng napakalakas na impact at gumagawa ng pwersa na sumisira sa kalupaan.

Habang nagsasabayan ang dalawa ay tahimik lang ang Siren na nakalutang sa himpapawid sakay ng pagi habang pinagmamasdan ang kanilang sitwasyon.

" Nagagawa nyang makipag sabayan kay juggernaut kahit na may lason sa katawan nya. Kahanga hanga nga sya." Sambit ng Siren.

Gayumpaman dahil sa pagkawasak ng lupa na tinatapakan nila ay napilitan na umatras si Agane at dito napatalon palayo.

Habang lumalayo ay hindi nya napansin na nakatapak sya sa isang kakaibang anino. 

" Ano? Hindi maaari." 

Alam nya na may kakaiba sa kanyang tinapakan ngunit huli na para maka isip pa sya ng paraan para makalayo dito dahil biglang naglabasan ang mga itim na bagay sa loob ng aninong tinatapakan nya at pumulupot ito sa  binti ni Agane.

Dahil sa pagpulupot ng mga ito ay hindi sya makaalis sa lugar at paglingon nya muli sa harapan nya ay sumalubong ang bumubulusok na atake ni Juggernaut.

" Hindi, tatamaan ako ng atake nya, kailangan kong sumalag." Sambit sa isip ni Agane.

Kulang na sa oras para makabwelo pa ng suntok si agane sa mga oras na iyon kaya naman  wala syang ibang nagawa kundi isalag ang kanyang dalawang braso para saluhin ang suntok ni juggernaut.

Halos magtalsikan ang lahat ng bagay sa sobrang lakas ng pag salpok nito.

Gayumpaman napanatili ni Agane ang sarili na makatayo at matatag na nakasalag parin sa suntok.

Dito ay bigla syang nagulat ng may mapansin na tunog ng hangin sa paligid nya.

Alam nya sa galaw ng hangin na may nilalang sa likod nya.

Habang nakasalag sa kamao ni Agane ay biglang lumitaw sa likod nya ang halimaw na butiki at naka amba sa leeg nya hawak ang kutsilyo.

Alam nya na hindi gagana ang enerhiyang proteksyon nya sa katawan at magagawa ng kalaban nya na laslasin ang kanyang leeg ano mang oras.

Halos tumigil ang oras sa kanyang paligid habang nararamdaman nyang unti unting lumalaslas ang patalim nito sa balat nya.

" Hindi, hindi na ako makaka iwas pa. "

Nauubusan na sya ng  paraan para makailag at kahit na gustuhin nya ng gumalaw para salagin ito ng kamay ay alam nya na kukulangin na sya sa oras.

Sa pagkakataon na iyon ay biglang na lang nag flashback sa alaala nya ang imahe ng kanyang reyna. Ang reyna na gusto nya protektahan at paglingkuran hangang sa huli.

" Mahal na reyna." Bulong nito sa sarili.

Sa mga sandaling iyon ay biglang tumigil ang pagkilos ng lahat ng naroon.

Nanatiling nakatayo sila at tumigil maski ang pagtarak sa leeg ng talim ng kutsilyo kay Agane.

" Anong nangyayari?" Tanong ng halimaw.

Nagulat ang lahat sa nangyaring pagtigil nila at hindi pagkilos. Maski ang daan daang mga slardar ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan nila na parang rebulto.

Dito ay umilaw ang napakalaking Magic circle sa kalupaan, isang gintong liwanag ng magic circle na may lawak na higit isang daang metro.

" Imposible ito, bakit hindi ako makagalaw? " 

Ilang saglit pa ay ang pagpapakawala ng napakatinding presensya sa paligid na halos nag patindig sa balahibo nila.

" Napakalakas, kaninong presensya ito?"

" Mas matindi pa ito sa presensya ng princesa." 

 

Sa isang iglap ay naglaho si agane sa kinatatayuan nya at napunta sa himpapawid. Dito ay bigla syang napabagsak dahil sa pagkabigla kaya naman sinubukan nyang ipagaspas ang kanyang pakpak at tagumpay na nakalapag ng maayos sa lupa.

" Ang kapangyarihan na ito, kung ganun?" Nabigla nyang sambit kasabay ang pag lingon sa paligid na tila may hinahanap.

Sa pagkakataon na iyon ay nakita nya ang unti unting paglapit ng isang nilalang. Napangiti na lang sya at bahagyang napaluha ng makita nya ito dahil sa tuwa.

" Mahal na reyna." 

Walang reaksyon ang mukha ni sei habang pinagmamasdan ang kanyang paligid mula sa kinatatayuan nya.

Kahit ang siren ay nagigimbal sa presensya na nararamdaman nya sa paligid dahil parin sa pagpapakawala ng enerhiya ni Sei.

" Napakalakas, sino ang nilalang na ito." tanong ng siren.

Sa pagkakataon na iyon ay pinipilit kumilos ni Juggernaut at nilalabanan ang magic spell na ginawa ni Sei.

" Kamahalan, mag iingat kayo sya ang columbus na nagmamay ari sa lupain na ito." 

" Ang isa sa mga sandata ng eskapa. Ang time keeper." Sigaw ni Juggernaut.

Alam nila na hindi biro ang sitwasyon nila dahil sa biglaang pag dating ni Sei sa lugar at maging sila ay hindi alam ang susunod na mangyayari kung sakaling mag simula itong umatake.

" Napaka lakas na spell ang binalot nya sa napakalawak na lugar na ito. Halos daan daan ang napasailalim at nagagawang pigilan nya." 

Sa pagkakataon na iyon nakita nya ang ilan sa mga sundalo nya na nakahandusay sa paligid at ang iba naman ay sugatan na patuloy na nagpapatuloy sa laban.

" Mahal na reyna." 

Kahit na sugatan at halos mabawian ng buhay ang ilan ay pinilit nilang kumilos at gumalaw para lumuhod.

" Mahal naming reyna sei." 

Mangiyak ngiyak ang iba habang nakaluhod dito at patuloy na tinatawag ang kanyang pangalan.

Nakita ni Sei ang kalunos lunos na sinapit ng kanyang mga tauhan na matapang na ipinagtatangol ang kanilang bayan.

Napapikit si sei sa pag ka habag at ilang sandali pa ay naglabas ng napakalakas na enerhiyang bumalot sa paligid.

 Tinatawag nito ang kanyang mga tauhan gamit ang malakas na tinig na halos umeko sa buong lugar.

" Kayong mga tapat kong alagad at mandirigma ng dakilang diyos na may likha manalig kayo at ibigay nyo ang sarili nyo sa kalangitan." Sambit ni sei.

Sa pagkakataon na iyon ay nagsipikit ang mga tauhan nya at tila nagdarasal sa kalangitan.

" Mapalad ang sa kanya ay nagtitiwala at patuloy na naglilingkod sa dakilang lumikha. " Mahinahong sambit ni Sei habang nakatingala sa kalangitan.

Nagliwanag ang mga tauhan nya at napapalibutan ng gintong awra na nagmula sa tinatapakan nilang magic circle. Nakaramdam ng kaginhawaan ang mga ito at unti unting gumagaling ang mga pinsala sa katawan na natamo sa laban. 

Maging ang mga naputol na kamay at nabaling mga buto ay nagawang maibalik sa normal.

" Isang 5th grade time magic? Pero imposible, ganun ba kalakas ang taglay nyang enerhiya?" 

Habang nagaganap naman ito ay hindi makapaniwala si siren sa nakikita. Ngayon lang ito naka kita ng isang healing magic na kayang magbalik sa naputol na bahagi ng katawan ng nilalang.

Alam nya na hindi ito pangkaraniwan at pinupuri ang kakayahan ng kanyang kalaban.

Nagsi pagtayuan ang mga sundalo na kanina ay halos nag aagaw buhay at kitang kita sa mga mukha nito ang determinasyon.

" Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong klaseng kapangyarihan. Totoo nga na hindi biro ang kayang gawin ng isang espada. "  

" Pambihira ito, nagawa nyang magpagaling ng halos patay na para bang gumawa sya ng isang himala sa harap natin." Sambit ng halimaw ng butiki.

Agad na lumipad si Agane sa kinaroroonan ni Sei at nagsunuran ang mga alagad nito.

" Mahal na reyna, natutuwa akong makita kayo at nagpapasalamat sa pagtulong nyo pero bakit kayo nag iisa, nasaan ang pwersa ng galica?" Sambit ni Agane.

Itinaas lang ni Sei ang kanyang Kamay para patigilin ang pagsasalita ni Agane.

Wala naman nagawa si agane kundi tumigil at padaanin si Sei habang ito ay humahakbang pasulong.

Dito ay lumapit sya sa isa sa mga nakahandusay na sundalo na namatay sa laban.

Ang kapangyarihan ni Sei na Time body Restoration ay nakakapagbalik ng dating kalagayan ng katawan ng nilalang kahit gaano pa ito napinsalaan ngunit hindi nito kayang buhayin ang mga namatay na at ibalik ang oras ng mga ito.

Naramdaman nila Agane ang kalungkutan ni Sei habang hinahawakan ang ulo ng kanyang tauhan. 

" Patawarin nyo ako at nahuli ang inyong reyna para matulungan kayo, salamat sa lahat at ngayon maaari na kayong mamahinga kasama ng ating dakilang diyos." Sambit ni Sei.

Ilang sandali pa ay tumayo na sya at humarap sa mga kalaban nya. Pinagmasdan nya ang paligid at hinanap ang pinang gagalingan ng malakas na presensya.

" Kamahalan, ang siren na yan ang kanilang pinuno at base sa pag kakabangit nila sya ang anak ng warlord na si halloween, kaya nyang gumamit ng 4 grade water magic kaya mag iingat kayo "  

" Ang mga kasama naman nya ay mga heneral ng warlord at lahat sila nagtataglay ng napakalakas at kakaibang kakayahan." 

Dito ay muling itinaas ni Sei ang kanyang kamay at inilagay sa ulo ni Agane habang tahimik na nakatitig lang dito.

" Kamahalan?" Pagtataka ni Agane.

" Magaling ang iyong ginawa agane, ngayon maaari na kayong umalis dito dito." 

Nagulat si agane sa sinabi ni Sei at biglang napasigaw dahil para sa kanya hindi nya kailan man iiwan ng mag isa sa laban ang kanyang reyna.

" Hindi pwede kamahalan, hindi ako papayag kung iniisip nyong labanan sila mag isa." 

Dito ipinaliwanag ni Agane na malakas na kalaban si Juggernaut at napatunayan nya ito sa kanilang laban,  ipinaalam nya rin kay Sei ang abilidad ng mage na kalaban nila na kayang magkulong sa isang nilalang sa ibang dimensyon gamit ang anino.

Nabangit nya rin kanyang reyna ang tungkol sa sandata ng kalaban nya na kayang balewalain ang ano mang kalasag at enerhiya pang depensa.

Lahat sila ay pawang gumagamit ng mga matataas na level na mahika at napaka imposible na matalo sila kung lalabanan sila ng sabay sabay ng nag iisa.

Pero habang nag sasalita ay pinatahimik sya ni Sei gamit ang daliri nito na tila ba bata.

" Iniisip mo ba na mahina ang iyong reyna?" 

" Ano? Hindi, hindi po kamahalan alam ko po kung ano ang kaya nyong gawin pero kasi kung.." 

Bago pa makatapos ng pagsasalita si Agane ay sumabat na si Sei dito na may seryosong tono ng pananalita.

" Nagagalit ako ." 

Napatahimik si Agane sa sinabi ni Sei sa kanya dahil narin sa ngayon nya lang itong narinig ang reyna nya na nagagalit.

" Nilalapastangan nila ang aking bayan, pinaslang ang aking mga tauhan at binabalak na sirain ang iniingatan kong bansa." Seryosong sambit ni Sei.

" Nagagalit ako at hindi ko alam kung kaya ko itong pigilan. Ayoko sa nararamdaman kong pagkapoot pero kailangan ko itong gawin at tapusin ang trahedyang ito alang alang sa mga nagbuwis ng buhay para saatin." 

Biglang lumuhod si agane sa harap ni Sei at humingi dito ng pabor na hayaan syang sumama sa laban. Isinumpa nya na gagawin ang lahat para matulungan sya.

Gayumpaman umiling lang si Sei para ipakita ang pag tangi nito at ipinaliwanag na kahit kayang ibalik ng kapangyarihan nya ang kalagayan ng katawan ni agane ay hindi nito maibabalik ang dati nitong enerhiya.

" Malaki na ang nawala sayong enerhiya sa katawan agane, hindi ko sinasabi ito dahil iniisip kong mahina ka pero hindi biro ang taglay na sandata ng nilalang na nasa himpapawid." 

Itinuro nya ang siren at tinukoy ang baston na hawak nito na nagtataglay ng napakalakas na dark energy na nagmula sa mga ispirito.

Ipinaliwanag nya na nagtataglay ang baston na iyon ng enerhiya na sampung beses na malakas kesa sa taglay ni Agane.

" Ano? Ganun kalakas? Pero paano nangyari yun? Ano ba ang bagay na yun?" Tanong nito.

" Iyon ang isa sa pinakamalakas na sandata ng mga genion noong unang panahon. Ang oblivion staff."  Sambit ni 

Nagulat ang lahat sa narinig nila kay Sei at di makapaniwala. Sa pag papatuloy naman ng pagsasalita ni Sei ay binalaan nya sila na kaya nitong kumuha ng mga ispirito ng mga nilalang na mamamatay sa laban. 

Ipinaalam nya na sa oras na mamatay ulit ang sino man sa mga sundalo nya ay mas madadagdagan lang ang enerhiya ng kalaban nila.

" Kapag mas maraming kaluluwa syang nakukuha ay lalong lumalakas ang kanyang mahika at kapag mangyari iyon hindi ko nasisigurong mapapangalagaan ko kayo." 

Gayumpaman kahit na ipinaliwanag ni Sei ang lahat ay hindi pa rin kayang tangapin ni Agane ang inuutos nito dahil alam nya sa sarili nya na kailangan ni Sei ng katulong.

" Kailangan nyo ng makakatulong para harapin sila, paki usap kaya ko pang lumaban hindi ako magiging pabigat sainyo." 

" Wag kang mag alala agane, may makakasama ako sa laban." Sambit nito.

Nagtaka si Agane sa sinabi ni Sei at ilang saglit pa ay may biglang nagtakip na anino sa kanilang kinalalagyan.

" Huh?" 

Dito ay bumagsak ang isang napakalaking bagay sa tabi nila at gumawa ng makapal na usok ang pagsalpok nito sa lupa.

Nagulat ang mga ito ng bumungad ang napakalaking ahas sa tabi nila na halos tatlumpung talampakan ang taas.

" Ano? Teka? Bakit sya nandito?" 

Nakasakay sa higanteng ahas si Zhui hawak ang espada nito.

" Sya ang makakatulong ko sa laban na ito." 

Alabngapoy Creator

Ep38 part 1