Chapter 44 part 1 

Sa kasalukuyan ay muling nagkatagpo sina Nathaniel at nyabu pagkatapos ng mga nangyari. 

Kahit na alam ni Nyabu na nasa palasyo si Nathaniel ay nabigla parin ito ng makita ito sa lugar na iyon.


Napailing na lang ito at napilitan na bumati dito.

" Ikaw pala, mukhang nasa maayos kang kalagayan, mabuti yan sayo." 

Napansin ni Nathaniel ang walang buhay na tono ng pagsasalita ni Nyabu kaya naman tinanong nya ito na kung nag almusal na ito.

" Nakakapanibago ka, teka bad day?  O baka pinagalitan ka ni Ataparag?" 

Napakagat na lang si Nyanbu sa labi at pilit pininigilan ang emosyon. Nagagalit sya sa katotohanan na wala na ang kanyang pinuno para pagalitan sya.

 Hindi sinagot ni Nyabu ang sinabi ni Nathaniel kaya naman lalo itong nagtaka sa pananahimik nito.

Ilan saglit pa ay naglakad pasulong ang binata para lumapit pa kay Nyabu upang tanungin ito kung ano ang ginagawa nya sa isang silid na walang katao tao.

" Ang alam ko dapat nag papatrolya ka sa mga oras na ito ah? Kaya ka napapagalitan eh." 

" Teka nasaan ba si Ataparag? Gusto kong makita sya agad para sabihin na natupad ko ang pangako ko na makabalik ng buhay."  Sambit ng binata.

Dahil sa pag bangit ni nathaniel kay Ataparag ay biglang iniharang ni Nyabu ang sarili nya sa rebulto na nililinis nya.

" Pwede ba, wag ka ng maki elam sa mga bagay na wala kang kinalaman. Gampanan mo na lang ang ano mang iniuutos ng reyna." Masungit na sagot ni Nyabu 

Nagulat si nathaniel sa naging reaksyon ni Nyabu at nagtanong dito kung bakit tila nagagalit ito sa kanya at nagtaka dahil wala syang maisip na dahilan para mainis sa kanya si Nyabu.

Gayumpaman muli syang sinungitan ni Nyabu at pina alis sya sa lugar at wag ng hanapin si Ataparag.

" Ano bang sinasabi mo? Bakit naman? Isa parin akong myembro ng team ni Ataparag."  Sagot nito.

" Ah .. alam ko na naiingit ka nanaman saakin dahil mas pinapaboran ako ni Ataparag kesa sayo. Alam kong nag seselos ka pero hindi mo sya pwedeng ipagdamot saakin hahha. " Pagbibiro nito.

Sa pag lalakad pa ni Nathaniel palapit ay doon nya nahagip ang itsura ng rebulto at nagulat sa kanyang nakita.

Hindi sya makapagsalita at bakas ang pagtataka dahil sa kawangis ito ni Ataparag.

" Teka ano nmana yan, bakit parang kamukha ng rebulto na yan si Ataparag?" Tanong nito.

Napakamot na lang sya sa ulo habang sinasabi kay nyabu na masyado na itong obesess kay ataparag para gawan pa ito ng rebulto.

Gayumpaman hindi rin ito natuwa sa itsura ng rebulto dahil butas ang katawan nito at puno na rin ng bitak.

" Napakaganda ni Ataparag kaya dapat lang na kung gagawa ka ng rebulto nya ay sobrang maganda." Pagbibiro nito.

Sa gitna ng pagbibiro ni Nathaniel ay walang naging kibo si Nyabu at tahimik lang na nakayuko.

Hindi maunawaan ni Nathaniel ang ikinikilos nito at tila ba may dinadamdam na galit.

" Teka, kausapin mo naman ako. ano bang nangyayari sayo? Alam ko galit ka saakin pero hindi naman tama na tratuhin ko ako na parang wala ako dito." 

Ilang segundo pa nanahimik ang lugar dahil sa hindi pag kibo ni Nyabu hangang sa lumabas ng hood nya si Melon.

" Nathaniel, Ang bagay na yan. Nararamdaman ko ang presensya ng enerhiya ni Ataparag." Sambit nito.

" Anong ibig mong sabihin."  Tanong ng binata.

" Hindi ko alam kong anong nangyari pero ang bagay na yang nasa harap mo ay si Ataparag." Sambit ni Melon.

Nagulat si Nathaniel sa sinabi nito at natatawa dahil inaakala nyang nagbibiro ito dahil para sa kanya ay imposible na si ataparag ang rebulto na iyon.

Hindi kinibo ni melon ang pag bibiro ni Nathaniel at tumingin kay Nyabu para tignan ang magiging reaksyon nito sa nasabi ni Melon.

" Ang bakas ng isang malakas na sumpa ay nasa rebulto parin na yan,  walang nabubuhay pagkatapos mapasailalim sa ganyamg uri ng sumpa." Dagdag ni Melon.

" Ano bang kalokohan yan? Bakit naman magiging si Ataparag ang rebulto na yan? Hindi pwedeng maging si Ataparag ang bato na yan." 

Muling umiling si Nyabu at ramdam ang pag kagalit. 

Dahil sa naging reaksyon ni Nyabu ay napatahimik saglit ang binata at napakamot ng ulo.

" Ano ba kayo, wag nga kayong mag biro ng ganyan. Hindi yan nakakatuwa."  Sambit nito habang pinipilit na ngumiti.

Dahil sa hindi sumasagot sina Melon sa tanong ni nathaniel ay agad nya nilingon ang rebulto at unti unting lumalapit dito.

" Sinasabi nyo bang ang nadudurog na rebultong ito ay si Ataparag." 

Nanginginig ang katawan nya habang pinag mamasdan ang rebulto at hindi parin matangap ang sinasabi sa kanya tungkol kay ataparag.

" Paanong mangyayari ang bagay nayun?" Tanong nito.

" Hindi pwedeng mangyari ito, isang prime demon beast si Ataparag hindi sya pwedeng mapatay ng basta basta, hindi makatotohanan na matatalo sya sa laban." Nanginginig na sambit ni Nathaniel.


 

" Habang nagaganap ang pagsusulit sa tore ay may natangap kami na report na inaatake ng mga bandido ang ilan sa teritoryo ng galica kaya naman agad na pinuntahan ito ni Ataparag." sambit ni melon.

" Nalaman ng leader na isang prime hube ang kalaban kaya naman mag isa nya itong hinarap, alam nya na maaari syang mapahamak sa mga oras na iyon pero pinili nya parin na sumugal para lamang mailigtas ang mga mamamayan ng galica na bihag ng mga hube."  Malungkot na sambit ni Nyabu. 

Biglang umilaw ang mata ni Melon na senyales sa pag gamit nito sa kapangyarihan nya.

Inalam nito ang mga naganap sa pagitan nila ataparag at ng mga bandido gamit ang white sage kung saan nalalaman nya ang bawat detalye tungkol sa kahit anong bagay o naganap sa endoryo.

Pagkatapos gamitin nito ang kapangyarihan nya ay agad na kinumpirma ni Melon na ang rebulto na iyon ay ang katawan ni ataparag na napasailalim sa 5th grade Earth curse kung saan ginagawang lupa ang sino mang nilalang na mapaisailalim dito.

" Malalakas ang nakalaban nya na maihahambing sa level ng mga heneral pero mas higit parin ang kapangyarihan ni ataparag sa kanila." Sambit nito.

Dahil doon ay lalong nag taka ang binata at nagtanong kung bakit nagawang matalo si Ataparag ng mga kalaban nya.

Nagiging agresibo at emosyonal si nathaniel kaya pinapakalma ito ni Melon at ipinauunawa sa binata na hindi nya kailangan magalit at mag hinanakit tungkol sa bagay na ito.

" Anong ibig mong sabihin na hindi ako pwedeng maghinanakit? Buhay ng kaibigan ko ang nawala." 


" Pero nakakalimutan mo na ba ang tungkol sa hinaharap ng galica?  nung una palang  alam mong nakatakda na syang mamatay para maganap ang lahat ng itinakda." Sagot ni Melon.

Nagulat si Nathaniel sa nasambit na iyon ni melon at hindi ito maunawaan. Agad syang nangtanong kay melon kung ano pa ba ang hindi nya nalalaman.

Ipinaalala nya na pagkamatay ni Ataparag sa mundong ito ay ang magiging dahilan kung bakit sasali sa domination si Sei upang muling makuha ang ispirito nya mula sa mga hube.

" Hindi kita maunawaan. Ano bang sinasabi mo?" Sagot nito.

" Alam mo ba kung bakit Labing limang heneral lang ang isinama ni Sei noon at kung bakit nasabi sa kwentong nagtagumpay sila?" 

Nilinaw ni Melon na kulang ang impormasyon ni Nathaniel sa mga magaganap dahil ang mga nalalaman nya lang ay ang tungkol kay sei  ay ang pag sasanay nito kay Xxv bilang bayani at tumalon agad ang kwento  sa  pakikipag laban ni Sei sa Halloween.

" Hindi, teka kung nalalaman mo ang bagay na ito ay bakit hindi mo agad sinabi saakin?" 


Napatahimik si nathaniel at biglang natanong kay Melon kung nalalaman nito na mamamatay sa misyon si Ataparag.

Hindi naman iyon itinangi ni Melon at ipinaliwanag na alam nya na mamamatay si Ataparag ano mang oras at kahit na ganun ay hindi nya na sinubukan balaan pa si Nathaniel.

" Hindi naman ako nakakatiyak sa mga bagay kung paano sya mamamatay at isa pa nandito ako para tulungan ka sa misyon mo pigilan ang great war at hindi para iligtas ang kung sino na nasa paligid mo."  Sagot nito.

Dahil sa naisagot ni Melon ay nagalit si  nathaniel dito at sumigaw. Nagalit ito dahil tila itinuturing ni melon na kung sino lang si Ataparag at walang halaga para iligtas.

Dahil sa nagagalit ang binata ay tumalon papunta sa ulo ni Suwi si Melon at pinapaki usapan ito na huminahon at makinig.

Idiniin naman ng binata na kung naroon sya sa mundong iyon  para magligtas ng mga nilalang ay bakit hindi  kasama doon ang pagliligtas kay ataparag.


" Alam mo kung paano ako tinulungan ni Ataparag nung mga oras na walang tumutulong saakin, Naging matapang ako dahil alam ko may naniniwala at sumusuporta saakin hindi pa ba yun sapat para maisip mong mahalaga ang buhay nya para saakin ." sigaw nito.

Ramdam ni Melon na napupunta na sa kanya ang galit nito at naghahanap ng masisisi sa mga nangyari.

" Hindi ko iyon sinabi dahil makakagulo lang iyon sa misyon mo.' sagot ni Melon.

" Makakagulo? Alam ko na mahalaga ang misyon para sayo pero hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko? Napalagpas ko ang pagkakataon na mailigtas sya."  Mangiyak ngiyak nitong sambit.

Tumulo ang luha ng binata at napaluhod habang nadidismaya sa sarili.

" Hindi mo kasalanan na namatay sya, Hindi mo sya responsibilidad nathaniel." 

" Alam ko! Alam ko rin na hindi mo ito kasalanan pero alam kong may kaya akong gawin para mailigtas sya at ipinagkait mo yun saakin. " Pasigaw na sambit ni Nathaniel.

Napabuntong hininga lang si Melon habang sinasabi na hindi nila nauunawaan ang isat isa hangat hindi kumakalma ang binata kaya sinabihan nya ang binata na magpalipas ng galit.

" Alam ko naman na iba ang pananaw ng isang kagaya mo sa buhay ng mga nilalang pero hindi mo lang ba naisip ang pagdurusa na mararamdaman ko?" Galit na sigaw nito.

"  Ano ang inaasahan mo na gawin ko? Sabihin na iligtas sya, iwan ang misyon at mamuhay ng normal." Tanong ni Melon.

Ipinaalala ni Melon na nasa kritikal na panahon na sila at bilang na ang mga oras nila bago maganap ang malaking trahedya.

Kung sakaling magbago ang ginawang desisyon ni nathaniel para lang mailigtas ang babaeng si ataparag ay mawawalan na ng pagkakataon ang binata na baguhin ang tadhana ng mas marami pang nilalang.

Napatahimik si Nathaniel at walang naisagot sa tanong nito.

" Nathaniel kung malalaman mo ba na mamamatay sya ilang araw bago iyon mangyari ay may magagawa ka? " 

" Tandaan mo nathaniel na sina Sei at ang lahat ng mga heneral nya kahit sina Nyabu,Toto at lahat ng nilalang na narito sa galica. Lahat sila mamamatay." Seryosong sambit ni Melon.

" Alam mo ang nakatakda nilang kamatayan ilang lingo mula ngayon,  sa tingin mo may magagawa ka para matulungan sila ?" Dagdag nito.

Muling ipinaliwanag ni Melon na nagaganap ang mga bagay dahil ito ang nakatakda, hindi nya iyon mababago pa hangat isa lang itong mahinang tao.

Inihalimbawa nya ang pagkamatay ng mga nasa karhawe ng lumusob ang anak ng haloween. Nagkaroon ng pagkakataon si Nathaniel na baguhin ang nakatakda nilang kamatayan pero nabigo sya dala ng kanyang kahinan.

Gayumpaman nilinaw ni Melon na hindi iyon kasalanan ni Nathaniel at natural sa isang tao na maging mahina.

Hindi makapag salita si Nathaniel at galit na galit sa sarili dahil alam nya na hindi nya kayang magligtas ng sino man maliban sa sarili nya.

" Nathaniel hindi kita pipilitin na unawain ako pero sana maisip mo na kung uunahin mong iligtas si ataparag noon, ibig lang sabihin nun ay hahayaan mong  mamamatay ang mga taga eskapa sa kamay ng Warlord na si Serenity." 

" Pero kung nalaman ko lang ito ng mas maaga eh di sana nasabi ko kay ataparag ang lahat ng pwedeng mangyari sa kanya." Galit na sambit nito

" Mag isip ka nathaniel ! " sigaw ni Melon.

Dito ay sinigawan ni Melon si Nathaniel na tigilan ang pag gawa ng pangangatwiran at tangapin ang nangyari. Nilinaw nya na kinakailangan maganap ang ilang bagay para mabuhay ang iba.

Pinaalala nya na pinili ng binata tulungan si Suwi dahil ito ang iniisip nyang tama at hindi nya magagawang tulungan ito kung hindi ito mag fofocus sa pag tulong dito sa Pagkuha ng pagsusulit sa Eskapa.

" Mag isip ka mabuti habang nagluluksa. Isa ka lang tao kaya normal lang ang nadarama mong kalungkutan at pagkadismaya." Malungkot na sambit nito.

Walang nagawa si Nathaniel kundi ang muling humarap sa rebulto ni Ataparag at lumuhod sa harap nito.

Tumulo ang luha nito habang humihingi ng tawad sa harap nito na punong puno ng pagkadimaya at hinanakit.

Alam nyang nagaganap ang mga ito dahil sa itinakda nya at wala syang kayang baguhin hangat mahina sya.

Patuloy sya humihingi ng tawad dahil hindi sya nakagawa ng paraan para bumawi man lang sa nagawa sa kanya ng kaibigan.

Ilang oras ang lumipas ay nanatili sa church si Nathaniel na naka upo sa tabi ni Ataparag.

Wala syang naiisip na bagay ngayon kundi ang samahan si Ataparag dito.

Inaya naman ni Melon na umalis si Suwi sa lugat at hayaan na mag isa ang binata upang makapag isip.


Habang nagaganap iyon ay nabalitaan ni Sei ang tungkol sa nangyari mula kay Nyabu kasama ng kanyang mga heneral.

Alam nila na naging malapit si Nathaniel kay ataparag kaya naman minabuti nilang hayaan na lang muna ang binata na magluksa.

Gayumpaman pinabantayan parin sa mga sundalo  ang paligid kung nasaan si nathaniel at Suwi para siguruhin ang kaligtasan nito laban sa mga taga eskapa.

Kinabukasan pinuntahan ni suwi kasama si Melon si Nathaniel para tignan ang kalagayan nito at kagaya ng inaasahan ay nanatili ito sa loob ng gusali at tila walang balak na umalis doon.

Lugmok ito sa kalungkutan at hindi umiimik na nakaupo sa harap ng rebulto.

Alam ni Suwi ang matinding pinagdadaanan nito gayumpaman ay sinubukan nya parin itong kausapin.

" Alam kong nalulungkot ka sa pagkawala ng kaibigan mo pero siguro naman hindi yan ang dahilan para sumuko ka na ?" Sambit nito.

Sandaling nanahimik ang lugar sa hindi pagsagot ni Nathaniel kaya naman lalo pang lumapit si Suwi para sabihin sa binata na walang magbabago kahit pa mabulok ito sa pag upo doon.

" Parte ng buhay ang kamatayan at kung hindi mo kayang tangapin iyon ay hindi ka nararapat na maging mandirigma dito sa endoryo." Matapang na sambit nito 

" Mandirigma? huh? " napangisi na tanong nito na tila natatawa.

" Alam mo ba na ipinadala ako dito para gawin ang bagay na hindi ko naman ginusto? Aaminin ko nung una nais kong maging mandirigma pero habang tumatagal pinaparanas saakin ng mundo kung gaano nga ba kalupit ang mabuhay sa mundong ito." 

Nabangit nya kay suwi na halos magka trauma sya nung makakita sya ng mga nilalang na namatay sa harap nya, pinilit nya maging matapang at karapat dapat sa misyon na binigay sa kanya.

Gayumpaman kahit na nabiyayaan ng malakas na kapangyarihan ay wala syang kayang gawin.

" Kung iisipin ko sino lang ba ako? Isang tao na may espesyal na kapangyarihan? Sino ba ang makikinig sa katulad ko? Sino ba ang kayang magtiwala saakin?" 

" Sino lang ba ang kaya kong iligtas maliban sa sarili ko? "" malungkot nitong tanong.

Dahil sa nabangit ni Nathaniel ay napabuntong hininga si Suwi habang sinasang ayunan ang binata sa nasabi nito.

Inamin nya na kahit sya ay hindi naniniwala na kaya nitong baguhin ang endoryo. Nilinaw nya na maraming malalakas at may espesyal na kapangyarihan sa endoryo pero lahat sila ay nabigong baguhin ang mundong ito.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nyong itinakda pero malinaw na mayroon kang kakayahang gawin ang mga  imposibleng bagay."

* Hindi mo maililigtas ang lahat pero may magagawa ka pa na mailigtas ang iba kaya tumayo ka na dyan at tigilan ang pag dadrama." Dagdag nito.

Muling nanahimik si Nathaniel kaya naman lalong nairita si Suwi at binalak na hampasin ito pero bago nya pa masaktan ang binata ay nagsalita ito.

" Alam ko naman, hindi ko kayang iligtas ang lahat pero masyado lang masakit para sa kalooban ko na pati ang tanging kaibigan na tumulong saakin ay hindi ko natulungan."

Sinabi nya na sa kauna unahang pag kakataon ay may ibang nilalang na nagmalasakit at nagpakita sa kanya ng magandang pakikitungo.

Sa gitna ng pagiging mababang uri ay hindi sya pinabayaan ni ataparag at handa itong tulungan sya sa abot ng makakaya nito.

" Sinuportahan nya ako kahit na wala akong kakayahan sa pakikipaglaban. Naniwala sya saakin sa gitna ng mga pinapakita kong kahinaan."  Malungkot na sambit nito.

Naalala bigla ni Suwi sa kanya ang sarili nung nagdurusa at nangungulila sya sa mga kasamahan na namatay para iligtas sya.

Hindi nya naiwasang hindi kaawaan ang binata dahil kagaya nya noon ay naging bale wala sya sa lahat at wala syang kahit anong magawa para tulungan ang mga kasamahan.

Dahil sa pagiging princesa nya ay wala syang magawa kundi tangapin ang pag sasakripisyo ng mga kasamahan nya upang mabuhay sya hangang sa unti unting nawala at naubos ang mga kasamahan nya sa paglipas ng mga taon.

Ilang sandali pa ay lumapit ang dalaga kay nathaniel at sa hindi inaasahang bagay ay bigla syang niyakap nito sa likod.

Maging ang binata ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Suwi at hindi makapagsalita.

" Ah.. an-anong ginagawa mo?" Tanong ni nathaniel.

" Napakasakit mawalan ng mga kaibigan, isang dekada na ang lumipas pero naaalala ko parin ang pagdadalamhati na mawalan ng mga kasamahan." 

" Sinabi mo na tinutulungan mo ako dahil gusto mo itong gawin bilang kaibigan kaya bilang kapalit gusto rin kitang damayan at samahan sa nararamdaman mong kalungkutan." Dagdag nito.

Dito pinaalala ni Suwi na walang permanente sa mundong ito kaya dapat maging handa silang tanggapin ang paglisan ng iba. Iyon ang nakatulong sa kanya para malagpasan ang pagdadalamhati nya noon.

" Bilang kaibigan mo kaya ko rin suportahan ka at tulungan kagaya ng ginawa ng kaibigan mong si Ataparag." Dagdag nito.

Napapikit lang si Nathaniel at ngumiti habang nagpapasalamat.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas ay bigla naman syang itinulak ni Suwi palayo dahil napansin nito na tumatagal ang pagkakayakap nya sa binata.

" Aray ko, bakit mo ginawa yun?" Sigaw ni Nathaniel habang tumatayo sa pagkakahiga.

" Masyado ka ng umaabuso, manyak." Mataray na sambit nito.

Dahil sa pagtawag sa kanya na manyak ay nagalit si Nathaniel at itinangi ang akusa nito na minamanyak nya ang dalaga lalo na ito ang mismong yumakap sa binata.

" Ginawa ko yun bilang pagtanaw ng utang na loob pero lilinawin ko lang na wag mong hahaluan ng malisya ang ginawa kong pag yakap. " 

" At kung sakali wag na wag mong mababangit kay Xxv ang bagay na yun." Mataray na Dagdag nito 

Nagpagpag ng damit si nathaniel habang tumatayo at nilinaw na hindi nya sisirain ang pagkakaibigan nila at hindi hindi magkakagusto sa dalaga kahit kailan.

Dagdag pa nito na bale wala sa kanya ang yakap na ginawa ni Suwi at iisipin na lang na parang niyakap lang sya ng kanyang mga lola para patahanin.

Dahil doon ay lalong nagalit si Suwi at muling sinipa si Nathaniel habang galit na pinapatigil ito na ituring syang matanda.

Iginiit nito na halos limang daan taon ang edad ng mga matatanda sa palasyo ng Khan kaya naman para sa kanya ay bata pa sya  para maituturing sa kanyang edad na limangpung taon.

" Teka kasalanan ko ba kung bakit iba ang konsepto nyo ng pagkatanda. "Sagot ni Nathaniel.

" Tumigil ka na, basta itigil mo ang kakatawag sakin ng matanda lalo na sa harap ni Xxv." Sigaw ni Suwi.


Alabngapoy Creator

Ep 44 part 1