Chapter 43 part 2
Dahil sa pagmamakaawa ni Nathaniel ay agad na pinakawalan ni Sei si Nathaniel sa time freeze at napaluhod ito sa lapag at hingal na hingal dahil sa pagod.
Agad naman gumaling ang pinsala ni Sei sa kanyang kamay dahil sa kanyang spell na ikinacast sa sarili at ilang saglit pa ay inalis na nya ang kanyang spell na ginawa sa paligid kasabay ng paglalaho ang kanyang teritoryo.
Napahiga na lang si nathaniel habang iniinda ang sakit sa braso habang nag rereklamo na masyado syang pinarusahan ni Sei sa laban.
Pinuri ulit ng binata si Sei at binangit na wala itong katulad pagdating sa pakikipaglaban kahit na hindi ito mahilig makipaglaban.
Sinabi ng binata na wala syang duda kung bakit sya ang isa sa pangunahing kandidato na makasali sa emperor domination.
Ang emperor domination ay ang nag iisang paraan para magkatitulo bilang emperor ng endoryo o Warlord sa tore.
" Emperor domination? "
Napayuko na lang si Sei at bakas ang pagkalungkot habang sinasabi na kahit na may pagkakataon ay hindi nya gugustuhin mapabilang sa emperor domination dahil na rin sa paraan kung paano ito nagaganap.
Alam nya na may tatlong laban ang magaganap sa loob ng paligsahan at nakataya doon ang buhay ng mga sundalo nya.
Ayaw nya magsakripisyo ng mga nilalang dahil lang sa pinili nyang isakripisyo sila. Mahalaga sa kanya ang buhay ng mga sundalo nya at ang bawat isa sa mga ito ay labis na pinapahalagahan nito.
Kung sya lang ang tatanungin ay ayaw nya ipadala ang mga tauhan nya bilang sundalo ng eskapa at lumaban sa mga kriminal pero gayumpaman wala syang pagpipilian.
Naramdaman ni Nathaniel ang kalungkutan at pag titiis ni Sei kaya naman hindi nya naiwasan na hiindi humingi ng tawad dito.
" Patawad, sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko, hindi ko pwedeng sabihin sayo lahat ng detalye pero pangako gagawin ko lahat para matulungan ka." Sambit ni Nathaniel.
Nagtaka ng lubos si Sei sa sinabi ng binata at sinabihan nya ito na natutuwa itong marinig na nais nitong matulungan ang galica.
Inamin ni Sei na kaya nya pinilit na makipaglaban kay Nathaniel ay upang tulungan itong makita ang diperensya ng lakas at kahusayan.
" Malaki ang posibilidad na magagawa mo akong mapatay kung matatamaan ako ng mga atake mo gayumpaman hindi mo ito nagawa."
' Maraming ibat ibang uri ng mahika at kapangyarihan sa mundong ito na mas nakakahigit ng saakin at sa oras na makalaban mo sila ay hindi ka nila pagbibigyan kagaya ng ginawa ko." Sambit ni Sei.
Hiniling nito na pag isipan na magsanay sa pakikipag laban at inialok ang tulong ng kanyang mga tauhan. Muli nyang sinabi na marami na syang nakitang nilalang na may nagtataglay ng napakaraming enerhiya ngunit namatay lang sa digmaan.
Binangit nya rin na kasama parin ang pagtulong nyang iyon sa pagtanaw nya ng utang na loob at ipinangako na gagawin ang lahat ng magagawa nya para matulungan si Nathaniel kasama na si Suwi.
Napatingin sila kay suwi na ngayon ay palapit sa kanila kasama sina aoi.
" Hindi yata magandang ideya yan. Kapag nanatili kami sa galica ay tiyak magagalit ang Eskapa at pag iinitan kayo."
Inamin ni Sei na nababahala sya sa pwedeng gawin ng Eskapa sa kanila gayumpaman naniniwala syang magiging makatwiran si magdalena tungkol dito.
Agad naman itong kinontra ni Nathaniel at sinabi na hindi ito dapat magtiwala basta kay magdalena lalo na tungkol kay Suwi. Alam ni Nathaniel na hindi pabor kay magdalena ang pananatiling buhay ni Suwi.
" Hm.. isa parin syang piniling lingkod ng dakikang lumikha."
" Piniling lingkod? Huh? Ewan ko lang." Sagot ni Nathaniel.
" Bakit? Iniisip mo bang nagpapangap lang na lingkod ang supreme commander? " Tanong ni Sei.
Biglang naguluhan si Nathaniel at sumagi sa isip nya ang tungkol sa katotohanan sa pagkatao ni Magdalena. Alam nya na isinulat nya ang bagay na iyon pero hindi sya sigurado kung totoo ngang konektado ito sa tunay na diyos gayong mamamatay ito sa dulo ng kwento at walang diyos ang nakatulong dito.
Dahil doon ay biglang lumabas sa hood nya si Melon upang itama ang pagkakaalam ni Nathaniel sa pagkatao ni Magdalena
" Walang duda na napupuspos sya ng banal na enerhiya kagaya mo at ang bawat mundo sa universe ay may katulad nyang binigyan ng tungkulin iligtas ang mundo sa pagkasira nito."
" Gayumpaman hindi obligado ang dakilang lumikha na bigyan sila ng kaligtasan habang ginagawa ang kanyang tungkulin at iyon ang dahilan kaya maaari syang mamatay sa mundong ito."
Pinaalalahanan ni Melon na iba ang pananaw ng mga celestial pagdating sa pagtingin ng halaga ng buhay ng mga nilalang. Inamin nya na kahit mahalaga sa dakilang lumikha ang buhay ay hindi naman nito itinuturing na katapusan ang pagkamatay ng mga ito.
" Isa syang makapangyarihang diyos at kaya nyang buhayin ang mga ispirito bilang bagong nilalang sa kahit kelan, saang planeta at kahit sa paanong paraan sa isang iglap lang."
Nilinaw nya na nagpapadala ang dakilang lumikha ng mga alagad para iligtas ang mga nilalang sa mga planeta at hindi nya sigurado kung magkakaroon ng espesyal na pagtrato ang mundong ito kesa sa iba.
Naglaho ang sumpa sa katawan ni Nathaniel dahilan para makatayo na ito at nag unat.
Dito binati agad ni Aoi si Nathaniel kasabay ang pag pupugay kay Sei.
" Natutuwa ako at bumalik ka na Aoi."
Biglang sumingit si Agane sa usapan at naki usap kay Aoi na bilang advisor at punong heneral ay dapat sya ang unang nakikipag usap kay Sei na magdesisyon ng tama.
Napangiti na lang si Aoi habang sinasabi na nagtitiwala sya sa matalinong pag dedesisyon ni Sei dahil hindi ito gumagawa ng padalos dalos na desisyon.
" Wala kang dapat ikatakot, masyado lang nag aalala si Agane sa maliliit na bagay." Sabat ni Sei.
" Maliliit na bagay? Halos ialok nyo na ang sarili nyo sa kanya para lang tulungan ang taong ito mahal na reyna."
" Hindi ko na alam kong ano mangyayari kung sakaling matalo kayo. Kelan nyo tuparin ang binitiwan nyong salita kung magkataon na manalo sya sa laban
Bigla naman nagreklamo si Nathaniel sa narinig kay agane dahil tila masyado syang ibinababa ng heneral dahil lang sa isa syang tao.
" Teka bakit parang napakasamang bagay ang pagpapakasal saakin? "
" Oo isa akong tao pero nakakalimutan mo na ba na isa parin akong emperador ng kontenente? ' dagdag ni Nathaniel habang pinagyayabang ang sarili.
'Oo isa kang emperor pero nakakalimutan mo na ba na isa ka lang hamak na tao kaya sino ang susunod sayo?." Tanong ni Agane.
Dito ipinaliwanag nya na hindi malaking bagay ang pagiging emperor nya dahil kahit nagma-may ari sya ng mga lupain ay walang lahi ang sino mang luluhod at susunod sa isang tao.
" Isa ka lang tao na may limitadong oras na mabuhay at kung tutuusin kahit may pambihira kang kapangyarihan walang kang kakayahan na pangalagaan ang lupain mo sa mga mananakop." Dagdag ni Agane.
Napa iling na lang si Nathaniel sa narinig nya at hindi na lang nagsalita dahil alam nya na kahit sya ay walang ideya kung paano nya gagampanan ang pagiging emperador.
" Kung sakaling mabigo ka bilang emperor ng mga lupain ay madadamay lang ang kamahalan sa pagbagsak mo."
Nakita ni Sei ang pagkadismaya ni Nathaniel sa sinabi ni Agane kaya lumapit ito para hawakan ang ulo nito para himasin.
" Teka wag mo naman akong tignan bilang kaawa awang nilalang." Sambit ng binata.
Tumigil si Sei sa pag himas sa ulo ni nathaniel at tinignan ito ng matagal.
" Ba-bakit? "
" Ngayon ko lang naisip na kung sakali maging mag asawa tayo pwede kong kunin ang mga lupain mo para sa kapakinabangan ng galica."
Nagulat ang lahat sa nasabi ni Sei at dahil doon naisip ni Agane na may binabalak nanaman si Sei na gawin.
" Kamahalan, paki usap wag kayong magbiro sa pagdedesisyon. Alam nyo na hindi sya matatag na emperador at lahat ng mata ngayon ng mga hari at mananakop ay nakatingin sa kanya para mapatay sya."
Nagulat si Nathaniel sa narinig kay Agane.
" Teka, teka saan naman galing ang bagay na yun? Seryoso ka ba na gusto nila akong patayin?"
Bigla syang binatukan ni Suwi habang nilalait ang kamangmangan nito at sinabi na normal lang na patayin nila ang binata upang mawala sa pangalan nito ang lupain at maangkin ito ng iba.
" Aray! Hindi mo kailngan batukan ako!" Sigaw nito.
" Alam ko naman na malayo ang agwat namin ni Sei at hindi ko rin naman iniisip na maikakasal ako sa isang anghel na kagaya nya." Dagdag ng binata.
Humingi ng tawad ang binata kay sei sa mga nasabi nito habang nililinaw na ginagalang nya si sei bilang reyna.
" Kung talagang ginagalang mo ang katayuan ng mahal na reyna ay tigilan mo na ang pagtawag sa kanyang pangalan ng parang kung sino lang sya." Sambit ni Agane.
" Huh? Ah.. pa-pasensya na nasanay lang ako tawagin ang mga kaibigan ko sa pangalan nila."
Habang nag uusap sila ay sumabat si Sei at sinabing walang masama sa pag tawag sa kanya sa kanyang tunay na pangalan bagkus ay natutuwa ito na sa hinaba haba ng panahon ay wala pang kumakausap at tinatawag sya sa pangalan nya na parang magkaibigan lang.
" Kung ganun pwede kitang tawagin na Sei?" Tanong ni Nathaniel.
Hindi sumagot si Sei sa tanong na iyon at ngumiti lang.
" Alam ko napagod ka sa ating laban, mabuti pa kumain ka muna at magpahinga sa iyong kwarto."
Itinaas nya ang kanang kamay nya kasabay ang pagdedeklara ng pagtatapos ng paglalaban, ilang sansali pa ay tumalikod na upang umalis habang inuutos na sa mga sundalo na bumalik sa mga dati nitong mga pwesto.
Pero ilang hakbang lang ay biglang huminto si Sei at muling humarap kay Nathaniel.
" Isa pa pala, ang ideya na makasal sa isang tao ay hindi malaking bagay para saakin gayumpaman ginagalang ko ang payo saakin ng mga heneral ko at ikinokonsedera ang mga bagay bagay na sinasabi nila."
" Gayumpaman kung mapapatunayan mo sa mundo ang iyong sarili at maging karapatdapat na nilalang ay handa akong tuparin ang nais mo na maging kabiyak ko."
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sei at hindi makapaniwala.
" Kamahalan, paki usap naman." Hiling ni Agane.
Itinaas ni Sei ang kamay nya para pahintuin sa pagsasalita si Agane at
Binangit kay Nathaniel na matagal na panahon na syang nabubuhay bilang reyna at nag dalubhasa sa mahika, pamumuno at pulitika.
" Marami na akong nalalaman sa higit apat na daang taon kong pananatili sa endoryo kaya naman hindi naman siguro masama kung malalaman ko rin at mararanasan ang pagmamahal sa aking magiging kabiyak." Sambit nito.
Aligagang nag papanik si Nathaniel na tinatanong si Sei dahil narin sa pagkagulat nito sa sinasabi ni Sei.
" Huh? Te-te-teka seryoso ka ba? Teka Pa-pa-paano ko ba gagawin karapat dapat ang sarili ko?" Tanong ni Nathaniel.
" Hm... Hindi ako ang makakasagot nyan kundi ang buong mundo." Sambit ni Sei.
Ngumiti lang si Sei pagkatapos nito at muling tumalikod para ituloy ang pag alis sa arena.
Nag alisan ang mga sundalo at sinabayan ang kanilang reyna palabas ng arena habang hangang sa kasalukuyan ay hindi parin makapaniwala si nathaniel.
" Ayos, may pag asa pa ako." Tuwang tuwa na sambit nito.
Napabuntong hininga si Suwi habang kinakaawaan si Nathaniel at binangit na masyadong desperado ang binata para makuha si Sei kahit na nalalaman nya na maaaring gamitin lang sya para makuha ang lupain na pag mamay ari nya.
" Masyado kang Kill joy ."
" Isipin mo nga mabuti kagaya ng sinasabi nya pag namatay ka ay maaari mawala sayo ang pangalan sa mga lupain at kung ibibigay mo sa kanila ang pamumuno sa mga lupain ay mapupunta sa pangalan nila ang mga ito kapag napatay ka." Sagot ni Suwi.
" Hm... Alam mo sa totoo lang wala naman akong paki sa lupain na ibinigay saakin at ano naman ang nalalaman ko sa pamumuno?" Sagot nito.
" handa akong ibigay ang mga lupain na yun para lang makuha sya, mas madali iyon ." Pagyayabang nito.
Lalong nadismaya si Suwi sa kanya at naaawa sa mga mamamayan sa kanyang lupain dahil tila ba madali silang ibigay ng nagmamay ari sa kanila dahil sa tukso.
" Kasalanan ko ba na may lupain ako?"
" Oh.. teka gusto mo bang bigyan din kita ng lupain?"
Biglang lumayo si Suwi sa kanya at tila nandiri dahil inaakala nito na inaalok sya ng binata ng lupain para makuha sya.
" Pwede ba, hindi mo ako makukuha sa pang nunuhol, may asawa na ako." Sambit nito.
" Hoy teka, wag mong gawan ng malisya ang sinabi ko. Wala akong balak na maging punching bag habang buhay." Sagot nito.
Alam ni Nathaniel na hindi papanig si Suwi sa kanyang mga nais kaya inaya na lang nya itong umalis para makapagpahinga.
Nagsimula na silang umalis at habang naglalakad palayo sa Stadium ay nakita nya sa isang entrada si Nyabu na naglalakad papasok sa isang gusali.
Bakas ang tuwa sa mukha ng binata at magiliw na tinatawag ito ngunit dahil sa malayo ito ay hindi ito napansin ni nyabu.
Magkaganun paman ay hindi sumuko si nathaniel at binalak na sundan si nyabu.
" Tara samahan mo ako. May kakamustahin lang ako." Sambit nya.
Pero bago pa sya makalayo ay bigla syang pinigil ng kanyang mga escort na sundalo.
" Wag kayong mag alala dito lang ako sa loob ng palasyo at gusto ko lang makamusta sina heneral ataparag." Sambit nito.
Nagulat ang mga sundalo sa nasabi ni Nathaniel at hindi na ito pinigilan pa.
" Oo nga pala, ang sabi naging kasamahan sya ni heneral ataparag."
" Mukhang hindi nya pa alam ang nangyari sa heneral."
" sa tingin ko sobrang malulungkot sya kapag nalaman nyang wala na ang heneral."
Dahil sa talas ng pandinig ni Suwi ay narinig nya ang mga sinabi ng sundalo kaya naman Habang naglalakad sila ni Nathaniel ay tinanong nya ang binata kung sino ang babaeng si ataparag dahil napapansin nyang masaya ang binata at tila sabik na makita ito.
" Oo naman malaki ang utang na loob ko sa kanya at kailangan ko pang bumawi sa kanya kaya sabik na akong makita ulit sya." Sagot ni Nathaniel.
" Oo natatandaan ko na yung kasama nung mga humuli saakin.
" Oo sya ang pinuno nila nyabu na humuli sayo at isa syang espesyal na heneral ni Sei at pinuno ng isang espesyal na unit. Nanirahan ako sa kanila ng halos isang buwan ."
Bakas sa mukha ni Nathaniel ang tuwa habang ikinukwento ang kanyang karanasan sa galica at sa pamumuno ni ataparag.
Nabangit nya kay suwi na napunta sya sa galica ng walang kahit ano at takot na takot lalo na hindi sya pamilyar sa lugar o kaugalian ng mga nandoon.
Walang may gustong tumulong sa kanya lalo na isa lang syang tao at itinuturing na bale wala lang sa lipunan.
' Tama, Kung iisipin ko ngayon kung hindi ako tinulungan ni Ataparag ay baka hindi ko nagawa ang lahat ng nagawa ko."
" Napaka bait nya at napaka maunawain sa lahat ng bagay. Medyo wierd sya minsan bilang half demon beast pero mas nagiging cute sya sa bagay na iyon."
Biglang napahinto si Suwi sa paglalakad ng nalaman nya na isang demon beast si Ataparag na binabangit nito at tinanong kong alam ba ng binata kung ano ang mga demon beast at paano ito namumuhay.
Ang mga ito ay kilala bilang mga halimaw na takam sa laman ng nilalang kahit sa mga kauri nila. Nalito Suwi kung paanong naging heneral ni Sei ang isang halimaw na walang ibang ginawa kundi kumain ng ibang nilalang.
Napangiti na lang si Nathaniel at nabangit na may ibinigay na crimson item si Sei para magkaroon sya ng katauhan bilang tao at iyon ang dahilan kung bakit sya maging half demon beast.
" Pero wag kang mag alala ibang iba si Ataparag sa mga demon beast na alam mo dahil sobrang mapagmalasakit sya sa iba." Pagyayabang ni Nathaniel.
Pagpasok nila sa silid ay nagulat si Nathaniel ng makita ang itsura ng paligid.
Isa itong malaking church na walang katao tao maliban sa kanila.
Nagtaka ito kung bakit nagpunta dito si Nyabu at dumeretso sa paglalakad hangang makapunta sa unahan.
Dito nakita ng binata si nyabu na
Pinupunasan ang isang rebulto kaya naman agad nya itong binati.
" Kamusta long time no see." Magiliw nitong sambit.
Sa pag lingon nito ay nakita ni Nathaniel ang walang kabuhay buhay na mata ni Nyabu at nababakas ang kalungkutan.
Ilang saglit lang ay tila ba nagulat si nyabu ng makilala nya ang nilalang na tumawag sa kanya.
" Nathaniel?" Pagkagulat nya.
Ep 43 part 2