Chapter 22 part 1 


Nathaniel POV


Kasalukyang nagaganap ang pasusulit sa arena at sa pagsisimula ng pangalawang pagsubok ay kinakailangan naming lahat na makapunta sa kabilang arena sa dulo ng isla.


Sa pagsisimula ng pagsubok ni Pyun ay hinayaan nya kaming umalis sa arena bago pakawalan ang mga Alaga nyang Halimaw na rabbit.


Dahil wala naman gustong sumama saakin ay dumeretso na ako sa paalis ng arena.


Nilalagpasan lang ako ng ibang aplikante habang tumatakbo ako at ang iba sa kanila ay pinapayuhan akong bumalik na lang.


" Mabuti pa bata bumalik ka na sa Arena hindi para sayo ang pag susulit na ito." 


" Nasisiraan ka na at talagang dito mo pa gustong mamatay." 


Alam ko sa sarili ko na tama sila pero hindi ko alam kung nagmamalasakit sila o baka gusto lang nila akong maliitin bilang tao.


Tumigil ako sandali para magpahinga dahil napapagod agad ang katawan ko at hindi na ito nakakagulat dahil hindi naman talaga malakas ang katawan ko kaya madali akong mapagod.


" Hoy, hoy, wala pang dalawang minuto ang tinatakbo mo tapos pagod ka na? Tignan mo nga halos tanaw mo pa ang arena mula dito." Sambit ni Melon.


" Anong magagawa ko eh kinakapos na ako ng hininga? Hindi naman ako sanay tumakbo talaga ng malayo." Pag angal ko dito.


Alam ko na hindi ako pwedeng huminto kaya para makausad kahit papaano ay naglakad na lang ako.


Dahil doon pinaalalahanan ako ni Melon na kung maglalakad ako ng mabagal ay hindi ako aabot sa oras kaya naman inerekomenda nyang subukang gamitin ang Crimson item na kinopya ko kay Ataparag.


" Aba, tamang tama sige susubukan ko." 


Wala akong ideya kung paano ko gagamitin ito dahil unang beses kong gagamit ng crimson item kaya naman agad akong ginabayan ni Melon.


Gumagana ang crimson item base sa kagustuhan ng may suot nito at kung iisipin at nanaisin ko na gumalaw ng mabilis ay agad na gagana ang crimson item.


Naunawaan ko ang tinuturo nya at sinubukan agad ito. Bumwelo ako sa pag takbo at sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon ay gulamaw ng napakabilis ang katawan ko.


Sa loob lang ng limang segundo ay halos 100m na ang tinakbo ko gayumpaman ay grabe na ang pagkahingal ko pagkatapos kong lumapag.


Nararamdaman ng katawan ko ang pagod na doble sa pagod na naramdaman ko kanina.


" Sumasakit na agad ang laman ko, pinupulikat ata ako sa ginawa ko."


Ipinaliwanag ni Melon na ito ang resulta kapag hindi ka gumagamit ng enerhiya bilang pagpapalakas sa katawan mo dahil kulang ang sariling lakas mo bilang tao para makayanan ang epekto nito sa napapagod mong katawan.


" Ano? Kung ganun sinasabi mo bang wala rin itong kwenta hangat hindi ko alam kung paano kontrolin ang enerhiya ?" 


Nabangit nya na may isa pang problema akong dapat aalalahanin dahil nag mula ako sa earth ay sarado ang pinaglalagyan ng enerhiya at limitado sa pwedeng ilabas nito.


Kung sakaling mabuksan ko man ito ay wag akong umasa na malaki ang pakinabang nito sa pakikipaglaban.


" Oo na alam ko naman na mahina ako pero bigyan mo man lang ako ng ideya para lumakas man lang dito." 


Nabangit ni Melon na may mga paraan naman para magkaroon ako ng kapangyarihan kahit isa lang akong tao kagaya ng ginagawa ni Rei na pinaka tanyag na taong mandirigma.


Dito ko naalala na gumagamit ng Magic cristal si Rei kung saan sya kumukuha ng enerhiya. Para itong baterya kung saan pwede mong gamitin at kapag naubos na ay pwede mo syang palitan ng bago.


" Pero hindi naman madaling makakuha ng Magic cristal at sa pag kakaalala ko napakamahal nun dito sa mundong ito." 


" Tama pero kailangan mo talaga nito lalo pa marami sa crimson item ang nangangailangan ng enerhiya bago gamitin." Sagot saakin ni Melon.


Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakikinig sa sinasabi ni melon. Sinabihan nya rin ako na kada limang minuto ay gamitin ang kapangyarihan ko upang makapunta sa arema sa oras.


" Hindi mo naman kailangan talagang magmadali dahil hindi naman talaga ganun kalayo ang arena mula dito pero ang pinaka problem lang naman talaga ng mga aplikante ay ang pag atake ng mga halimaw na kuneho." 


Isang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga hiyawan at mga pag sabog at dahil doon ay naisip ko na malapit lang ang mga kunehong ito sa kinalalagyan ko.


Dahil sa takot ko ay agad kong ginamit ang crimson item ng pa ulit ulit hanggang sa bumagsak na lang ang katawan ko sa lupa dahil sa panginginig.


" Arghh ! Asar. Hindi ko na maigalaw ang mga binti ko." Sigaw ko habang hingal na hingal.


" Kasalanan mo yan, binalaan na kita na wag abusuhin ito pero hindi ka nakikinig saakin." Pag sagot ni Melon.


Minabuti kong ipahinga ang katawan ko at hintayin na makarecover habang patuloy na nag aalala na baka abutan ako ng mga halimaw na kuneho.


Alam ko na wala akong magagawa kong sakaling may makaharap akong halimaw.


Lumipas lang ang limang minuto ay may nadaanan ako habang nag lalakad na mga aplikante na sugatan habang hinaharap ang mga kuneho.


" Ang malas mukhang mali tayo ng dinaanan." 


" Wala ka naman magagawa dahil sa banda doon ang tamang daan papuntang arena." 


Hindi ko gustong madamay sa ginagawa nilang pakikipaglaban kaya naman tinangka kong mag iba ng dereksyon na tatahakin para iwasan ang mga ito.


Ilang hakbang lang ay biglang sumalubong ang napakaraming maliliit na kuneho papunta saakin.


Sa takot ko ay napatakbo ako pero dahil sa pagkabigla ko ay nadapa ako at bumagsak sa lupa.


Nanginginig ako sa takot dahil inaakala kong kakagatin nila ako at pag pipyestahan pero laking gulat ko ng hindi nila ako pinapansin.


Dumeretso lang ang mga halimaw na rabbit na para bang hindi nila ako nakikita.


Bumanga ang isa saakin pero muli itong bumangon at muling tumalon palayo para atakehin ang ibang aplikante.


" Anong nangyayari? Bakit hindi nila ako inaatake." 


Umilaw ang mata ni Melon senyales na gumamit sya ng kapangyarihan nya. Inalam nito gamit ang Great sage ang kasagutan sa tanong ko.


" Ang mga Wild rabbit na yan ay naaakit lang sa enerhiya na nagmumula sa mga nilalang kaya sila nagiging agresibo."


Ipinaliwanag ni Melon na dahil wala naman akong enerhiya na ginagamit sa katawan ko ay hindi ako papansinin ng mga ito.


" Sabihin na lang natin na swinerte ka ka dahil sa pagiging mahina mo." Dagdag nito.


Dahil sa narinig ko ay napanatag ako at nakahinga ng maluwag dahil kahit alam ko naman na hindi ako namamatay sa mundong ito ay maaari akong masaktan.


Napatunayan ko yan nung sipain ako sa ulo ni Nyabu na halos mabingi ako at magpatulog saakin sandali.


" Kung ganun wala pala akong dapat aalalahanin kundi makita ang tamang daan papunta sa arena." 


" Wag kang mag alala kaya kong makita ang tamang daan gamit ang kapangyarihan ko." Sambit ni Melon.


Dahil doon ay nangamba ako dahil limang beses nya lang pwedeng gamitin ang kakayahan nya sa loob ng isang araw at nakadalawa na ito.


Magiging problema saakin kung gagamitin nya agad ang mga ito gayung nasa pangalawang pagsubok palang kami.


Siniguro naman ni Melon saakin na hindi ko kailangan mag alala dahil may sarili syang paraan para malaman ang ibang bagay kahit na hindi sya gumamit ng great sage.


Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpatuloy ako sa paglalakad at pagpunta sa dereksyon na itinuturo ni Melon saakin.


Marami akong nasasalubong na mandirigma na lumalaban sa mga higanteng kuneho.


Hindi ko na ito pinapansin dahil wala naman pakielam saakin ang mga kuneho kaya nagbulagbulagan na lang ako sa mga sigaw at pag hingi ng tulong ng iba.


Hindi sa napakasama kong tao para hindi sila pakingan pero sa laki ng mga yan eh baka isang hampas lang nila ay makatulog na ako at pagnangyari iyon hindi ako makakapasa sa pagsubok.


" Alam mo nagtataka ako sa laki at bigat nyan paano nakapunta ang higante na yan ng napakabilis sa lugar na ito? " 


Biglang may aninong tumakip sa kinatatayuan ko at nung tumingala ako ay laking gulat ko ng makita ang mga dambuhalang kuneho na nasa ere.


Tumatalon sila ng napakataas at bumabagsak sa lupa na halos magpayanig dito.


Nagpanik ako bigla sa nakita ko at nagmadaling umalis habang patuloy na nagbabagsakan ang mga kuneho.


Napakalupit nito dahil walang awang binabagsakan ng mga ito ang makita nilang mga aplikante.


"Masyado naman itong marahas talaga bang balak nilang patayin ang mga aplikante?" 


Gayumpaman tinitigilan ng mga kuneho na atakehin ang mga nakahandusay sa lapag at siguro dahil iyon sa nawalan ito ng mga malay.


Habang nagmamadaling akong tumakbo palayo ay nasalubong ko ang isang grupo ng mga aplikante na hawak ng mga kuneho. 


Napatigil sila sa pakikipaglaban maging ang mga kunehong makita nila ako na palapit sa dereksyon nila.


Napaka awkward sa pakiramdam pero hindi ko na sinayang ang oras ko dito dahil nag mamadali ako.


" Ah.. eh.. tuloy nyo lang yang ginagawa nyo, wag nyo akong pansinin dito." 


Nagmadali akong tumakbo palayo sa lugar na iyon at muli inabuso ko nanaman ang crimson item ko hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa pagod.


Medyo nasasanay na rin ako sa ginagawa ko kaya tinutuloy ko lang ang pagpapahinga at pag gamit sa crimson item hangang makarating ako sa isang ilog.


" Sa wakas naka alis din sa kagubatan, teka melon sa tingin mo pwede bang inumin ang tubig dito?" 


Binangit nya na normal na ilog lang ito na nagmula sa kabundukan at pwedeng inuman ng mga nilalang ngunit kahit ligtas inumin ang tubig nito ay may mikrobyo parin ito kagaya ng mga tubig sa earth." 


" Ano naman pake elam ko sa mikrobyo ng tubig? Mamamatay na ako sa uhaw dahil sa pagod " 


Walang alinlangan na uminom ako dito at napasigaw sa tuwa ng mapawi ang uhaw ko. 


Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko na sa malayo ang arena at malapit na matapos na ang paghihirap ko.


Nanginginig na talaga ang tuhod ko at sa tingin ko hindi ko na pwedeng gamitin ang crimson item ko.


Minabuti ko na lang na lumakad ng mabilis para kahit papaano ay makarating ako dito.


Nakakaramdam narin ako ng gutom kaya naman nirekomenda ni Melon na kumuha ng prutas sa mga punong kahoy sa paligid dahil ligtas itong kainin.


Habang nanunungkit ako para makakuha ako ng prutas ay may dumating mga aplikante na nakikipaglaban parin sa  mga kuneho.


Napatigil ang mga ito sa pakikipaglaban dahil sa nakita nilang panunungkit ko ng mga prutas.


" Huh?" 


" Hehehe Wag nyo akong pansinin, tuloy nyo lang ang ginagawa nyo." 


Agad kong kinuha ang mga prutas na sinungkit ko at umalis sa lugar na iyon.


Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka sa ginagawa ko at namangha na may isang taong nakarating sa lugar na iyon na wala man lang galos sa gitna ng pag atake ng mga agresibong mga halimaw sa mga aplikante.


Alabngapoy Creator

Part 1 of ep 22