Chapter 18 part 1
Lumipas ang isang araw ay nagsimula na ang pagsusulit sa pag aaral ang lahat ng lumahok at binibigyan kami ng tatlong lingo upang magreview tungkol sa alituntunin,batas tungkol sa eskapa kasama na rito ang pagsasanay.
Binigyan kami ng tatlong libro tungkol sa kasaysayan, mga lugar at namumuno sa eskapa. Kada isang araw pagkatapos pag aralan ang isang libro ay bibigyan kami ng pag susulit.
Madali lang naman talaga ito dahil kailangan mo lang kabisaduhin gayumpaman nahihirapan ako dahil kahit pareho ang lengwahe na nakalagay dito ay may mga salita na mahirap bigkasin at memoryahin.
Naka upo ako sa loob ng training facility sa gilid lang ng dorm at tahimik na nagbabasa. Pinayagan kasi ako ni Ataparag na gamitin ang silid sa pag aaral.
Nangawit ang katawan ko sa pag upo kaya naman uminat muna ako kahit saglit at doon napatingin ako kay Ataparag habang kinakausap ang ibang kasamahan nya.
Kahit sa mga kasamahan nya ay magiliw at lagi syang nakangiti kapag nagsasalita. Hindi maitatanging na mahal at gusto sya ng mga tauhan nya.
Bigla ako napapangalong baba habang tinititigan sya dahil naalala ko ang nasabi ni Nyabu tungkol sa misyon nila ni Toto.
Sampung taon na nung maassign sya sa misyon na inutos ni Sei sa kanila ni Toto at iyon ay ang bantayan si Ataparag.
Binangit nya na napakahalaga ng Crimson item na taglay ni Ataparag at hindi ito pwedeng mapunta sa iba pero higit pa doon ay ang sumpaan ni Ataparag at Sei noon.
Nagkaroon ng kasunduan si Sei at Ataparag kapalit ng pagbibigay nito ng Crimson item na hindi na muling Kakain ng Tao at ng ibang nilalang.
Sa oras na gawin nya yun ay kamatayan ang ipapataw sa kanya at walang pwedeng bumali sa kasunduan na iyon.
Siguro hindi noon tunay na naniniwala si Sei kay Ataparag na magagawa nitong malabanan ang tukso na hindi kumain ng tao kaya nya nagawa ang kasuduan bilang paghahanda sa masamang pwedeng mangyari.
Gayumpaman ay mahaba na ang sampung taon at siguro naman talagang nawala na sa isip nya ang pagka takam nya sa laman ng tao.
Pero paano kaya kung nagawa nya nga ito? Gagawin kaya nila toto at nyabu na patayin si Ataparag? Hindi ko masasabi kung gagawin nila pero wag naman sanang umabot ito sa ganun dahil sa nakikita ko ay mahal na mahal nila ang leader nila.
Nakita ni Ataparag na nakitingin ako sa kanya kaya naman ningitian ako nito at kinawayan.
Nilapitan nya ako upang ayain na muling lumabas ng dorm para samahan syang maglibot at kumain na rin sa labas.
Hindi naman ako tumangi dito at agad na tumugon sa tanong nya.
" Syempre naman, sino ba naman ako para tumangi na makipag date sa napakaganda naming leader." Pag bibiro ko.
" D-da-date? Mister nathaniel naman, hindi pwedeng makipag date sa oras ng duty ang isang sundalo ng eskapa." Nahihiyang sagot nito.
" Hahaha alam ko, nagbibiro lang ako miss Ataparag."
Lumipas ang ilang oras ay sinamahan ko sya sa paglilibot nya at pag check sa bawat pwesto ng mga tauhan nya.
Anim na oras kaming nasa labas para magpatrolya at bawat pagpapahinga namin ay pumupunta kami sa kainan para narin mag review.
Masayang makipag kwentuhan kay Ataparag lalo na hindi rin sya nauubusan ng kwento tungkol sa mga nagawa nyang misyon sa labas ng bayan.
Kagaya ng nakasanayan nila na routin ay tuwing alas dos ng hapon ay kailangan namin magsasanay sa loob ng training facility sa dorm at kahit na mahirap para saakin ang makipaglaban o humawak ng mga sandata ay tinatyaga nitong maturuan ako para maging handa sa ano mang uri ng panganib.
Lumipas pa ang ilang oras, kinagabihan sa tinutuluyan ko ay maaga na akong nahiga upang maipahinga ang katawan ko. Bukas na rin kasi magaganap ang unang pag susulit at hindi ako pwedeng malate.
Habang nakahiga ako at tulala sa kisame ng kwarto ay biglang may pumatong sa mukha ko na labis kong ikinagulat.
Dito napa upo ako at inalis sa mukha ko ang bagay na iyon. Nadakot ko ng kamay ang malambot na bagay na iyon at nung tignan ko ay nakita ko ang mabalahibong nilalang na si Melon.
" Pambihira ikaw lang pala yan."
" Bakit ba palagi kang nawawala at bigla na lang sumusulpot." Reklamo ko dito.
Hindi ito nagpakita saakin kahapon kahit na nabangit saakin ni Ataparag na nagpunta si Koko para ibigay ito saakin.
Bigla ko tuloy naalala ang nasabi ni Koko tungkol sa maliit na nilalang na ito na pwedeng tumulong saakin.
" Oo nga pala ang sabi may kapangyarihan ka raw, ano naman ang mapapala ko sayo?" Sambit ko.
Wala talaga akong ideya sa ano ang kayang gawin ng nilalang na binigay saakin at hindi rin ako umaasa ng malaking bagay lalo pa wala namang magandang ginawa para saakin si Koko nung una palang.
Habang hinahawakan ko ito ng kamay at dinadama ang pagkalambot ng katawan na ito ay bigla na lang itong nagsalita.
" Marami akong pwedeng magawa para sayo." Sambit nito.
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na nagsalita ang maliit na nilalang na ito kaya naman halos sampung segundo rin akong nanahimik kung guni guni ko lang ba ang narinig ko.
" Teka, ikaw ba yung nagsalita? " Tanong ko.
" Oo ako nga, may kakayahan akong maki pag usap sa iba gamit ang isip lang, ." Sagot nito.
Nagulat ako sa nalaman ko at hindi makapaniwala na nagsasalita talaga ito na parang tao.
Nagpakilala muli ito saakin bilang partner ko na si Melon at ipinaalam saakin na nilikha sya para tulungan ako sa misyon ko.
Nakakamangha at nakakatakot dahil napakaweird na ang kakayahan nyang kausapin ako sa isip lang.
" Pero teka kung ganun totoo na may kapangyarihan ka na pwede kong magamit? Ano naman kagaya naman ng ano?"
" Nilikha ako gamit ang kapangyarihan ng Power of creation na ginagamit ng Alphabet na si Koko kaya taglay ko ang isang makapangyarihang kakayahan na katumbas ng isang Celestial."
Nagtaka ako sa sinabi nyang celestial kaya ipinaliwanag nya muna ang mga ito. Ang sabi nya may tatlong pangunahing celestial ang meron sa kalawakan.
Ang pinaka mahalagang malaman ko na ang origin ay ang dakilang lumikha, ito ang gumawa ng lahat ng universe mula sa wala kung saan mayroong milyon milyong galaxies.
Prime Celestial ang sampung nilalang na unang nilikha ng Dakilang lumikha na nangangalaga sa mga galaxies.
Ang celestial naman ang mga ginawa ng dakilang lumikha para mamuno sa mga tauhan nya sa kanyang kaharian.
Genionva naman ang tawag sa ginawa ng mga prime celestial para mangalaga sa mga planeta. Iba pa ang mga anghel na ginawa ng mga ng celestial para paglingkuran ang dakilang lumikha.
Lahat ng nabangit nya ay mga nilalang na nagtataglay ng mga banal na kapangyarihan mula sa kataas taasang enerhiya at isa na doon si Koko.
Napaka komplikado kung pag uusapan namin iyon lalo na kung saang parte ng uri ihahanay ang kapangyarihan na taglay ng isang alphabet gayung direktang nilikha ang mga ito gamit ang kapangyarihan ng dakilang lumikha.
" Mukha ngang mahirap pag usapan yan kaya pag usapan na lang natin kung ano ang kaya mong gawin."
Dito binangit nya may tatlong bagay ang kaya nyang gawin gamit ang kapangyarihan ng paglikha.
Una na rito ang power of creation na kayang gumawa ng kahit ano mula sa wala. Kagaya ng isang diyos ay kaya nyang gumawa ng kahit anong materyal na bagay.
Gayumpaman may kondisyon ang binigay ni Koko sa kakayahan na ito. Ipinaalala nya na kaya nya lang gumawa ng bagay base sa alaala ko.
Ibigsabihin malilikha nya lang ang bagay na iyon kung nakita, nahawakan, narinig at naramdaman ko ang isang bagay na nais kong likhain nya.
" Kagaya na lamang ng bagay na ito." Sambit nya.
Pagkasabi palang nya ay bigla ng sumulpot sa harap ko ang isang libro ng manga na pagmamay ari ko noon sa earth.
" Wow, isa ito sa mga paborito kong manga kaya mo talagang gumawa ng bagay mula sa wala." Pagkamangha ko.
Itinuloy nya ang pagpapaliwanag sa mga tinataglay nyang kapangyarihan ay ang pangalawa doon ay ang tinatawag na Great sage.
Ito ay isang kapangyarihan na ginagamit ng mga celestial upang malaman ang lahat ng impormasyon na kailangan o gusto nilang malaman tungkol sa isang mundo.
Inihalimbawa nya rin ito sa kung paano nalalaman ni Koko ang mga bagay bagay kahit na wala sya sa eksaktong lugar o oras na naganap ang isang pangyayari.
Ibigsabihin lang din nito na kaya ni Melon na sagutin ang mga tanong tungkol sa mundong ito.
" Wow, para ka palang buhay na ensayklopidya." Pagbibiro ko.
Ang panghuli sa kanyang kapangyarihan ay ang Last Wish. Ang isa sa kapangyarihan ng mga celestial na ginagamit upang tumupad ng kahilingan ng mga nilalang.
Nakasaad sa kondisyon nito na isang beses lang pwedeng humiling ang isang nilalang ng kahit anong bagay maliban sa pagbuhay, pag kamatay ng isang nilalang o pag kawasak o pagbuo ng isang mundo.
" Kung ganun sinasabi mo gagana lang ang kapangyarihan mong last wish kapag may humiling saakin ?" Tanong ko.
" Ganun na nga, gayumpaman dapat na maging matalino ka sa pagpili ng nilalang na tutuparin ang kahilingan dahil isang beses lang syang pwedeng humiling sayo." Dagdag nito.
Namangha ako sa sinabi nyang mga kakayahan nya dahil lahat ito ay tila mga kapangyarihan na ginagamit ng mga celestial at sobrang napakalakas.
Gayumpaman bago pa ako tuluyang magsaya ay bigla nyang binangit na kahit na napaka makapangyarihan ng mga taglay nyang kapangyarihan ay may nilagay na limitasyon at kondisyon si Koko dito.
Sinadya ni Koko na lagyan ng kondisyon ang kapangyarihan nya para maging exciting daw ang pakikipagsapalaran ko at hindi abusuhin ang mga ito.
" Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya?."
Binanggit nito ang kondisyon na nakapaloob sa kapangyarihan nyang taglay.
" Limang beses ko lang ito pwedeng gamitin sa loob ng isang araw at magbabalik ito tuwing hating gabi." Sambit nito.
Ipinaliwanag nya na maaari kong gamitin ito limang beses isang araw at alin man sa mga ito ang piliin ko ay hindi pwedeng lumagpas sa limang beses ang kaya nyang ibigay saakin.
Hindi ko alam kung gaano makaka apekto ito sa magiging pakinabang ko sa kapangyarihan ni melon at wala rin akong ideya kung napahina ba nito ang kaya kong gawin dahil kung iisipin ko ay napakalakas parin ng kapangyarihan nito.
" Limang beses? Siguro naman malaking tulong na rin ito. Mabuti na yun kesa sa wala. " Sambit ko.
Episode 18 part 1