Chapter 24 part 1


Kasalukuyan nanunuod sa silid ang mga taga Eskapa sa mga nangyayari sa isla at nakabantay sa ginagawa ng bawat aplikante.


Marami sa mga aplikante ang nabalot ng mga sapot at ang ilan ay sugatan na dinadala na ng mga sundalo pabalik sa pagamutan.


Mabilis ang mga ito na nakakaresponde sa mga sugatan at hindi na kayang magpatuloy pa sa pagsubok.


" Nawawalan na agad ako ng pag asa sa nakikita ko sa kanila, iilan lang sakanila ang kayang lumaban sa mga tarantula." Sambit ni Ruri.


" Mabuti ng meron kesa wala at isa pa hindi naman talaga biro ang atakehin ng napakaraming gagambang yan kahit na sabihin mong madali silang mapatay."  Sagot ni Kyros.


May iilan ng nakakabalik sa arena dala ang itlog at ang ilan sa mga ito ay mga beta class at may kasanayan na sa pakikipaglaban.


Ilang minuto pa lumipas habang nag babantay ang mga sundalo sa screen ay biglang napahiyaw ang isa sa mga ito habang ibinabalita ang nangyayari.


" May problema tayo, may naligaw na mga Red star giant tarantula sa bukana ng gubat at inaatake ang mga aplikante." 


Ipinaliwanag ng mga sundalo na isang class A na halimaw ang mga ito at hindi gaya ng ibang higanteng gagamba ay agresibo sa sino mang tumatapak sa teritoryo nila.


Batid nila na napaka panganib nito dahil pumapaslang sila ng mga biktima nila at dahil doon ay nag utos si Kyros sa mga sundalo na madaliin ang paglilikas ng mga aplikanteng sugatan at pigilan ang mga red star giant spider na makapatay ng mga aplikante.


" Commander kyros may dalawang Red tarantula ang umaatake sa mga aplikante ." 


" Ano? Ipakita mo sa screen." Utos ni Kyros.


Pinakita ng sundalo ang nagyayari sa gubat at nakita ang pag atake ng dalawang red star giant tarantula sa wild fox.


Walang kalaban laban na hinawi lang ang babaeng wild fox at humampas sa puno.


" Delikado na ang sitwasyon nya, kailangan nyong magmadali na tulungan sya." Utos ni Kyros sa mga tauhan nya.


" Opo ginagawa namin ang lahat para kontakin ang mga sundalo natin malapit sa lugar." 


" Hindi sila aabot."  Sambit ni Pyun.


Wala silang magawa kundi panuorin ang nangyayari at lalo silang nangamba nung muling lumapit ang higanteng gagamba na ito sa babae para atakehin.


Ilang sandali pa ay napansin nila ang tumatakbong lalaki palapit sa gagamba. Walang takot na palapit si Nathaniel sa gagamba na tila may binabalak na gawin.


" Komander may isang tao na tumatakbo palapit sa gagamba." 


" Huh? Teka sya nanaman ? Ano naman ang ginagawa nya?" Sambit ni pyun.


" hoy, hoy, mukhang gusto na yata nyang mamatay." Sambit ni Kyros.


Dito ay nakita nila kung paano humarang si Nathaniel at sinalag ng katawan nya ang galamay ng gagamba.


Gayumpaman imbis na tumusok sa katawan nito ay napatalsik lang sya at gumulong sa lupa.


" Teka, anong nangyari? " 


Nagulat sila sa nakita lalo na nung muli itong bumabangon at nakatayo na walang kasugat sugat sa katawan na tila hindi tinablan ng pag atake ng gagamba.


" Kakaiba ito, malinaw na tinamaan ang taong yan ng pag atake pero parang hindi sya tinablan nito." 


Dahil sa nakita nilang pambihirang bagay nagkaroon sila bigla ng interes kay nathaniel at ninanais na malaman ang kapangyarihan na ginagamit nya.


Kahit hindi magsalita ay mababakas sa mga mukha nila na nakuha ni nathaniel ang atensyon nila at nahihiwagaan sa tunay na pagkatao nito.


Habang sa kagubatan naman sa lugar kung saan nagaganap ang labanan. Nanatiling nakatayo si Nathaniel habang nakaharap sa kanya ang mga higanteng gagamba.


" Naku naman ano ba itong pinasok ko? gumana ang ginawa ko pero paano ko naman lalabanan ang mga ito?" 


Dahil na rin sa pinoprotektahan sya sa mga atakeng pwedeng kumitil sa buhay nya ay nagawa nyang makaligtas gayumpaman ay tila nagsisisi na sya sa padalos dalos na desisyon.


Naisip nya na kahit naman hindi sya mapatay ng mga ito ay hindi nya kayang labanan ang mga gagamba kaya nagdududa sya na kung may kwenta ba ang kabayanihan na ginawa nya.


Nakita nya rin ang mga nagkapira piraso bahagi bg medalyon na pomoprotekta sa kanya laban sa mga maliliit na gagamba na suot nya sa lupa dahil nagkadurodurog ito ng tamaan ng galamay kanina.


" Pero siguro kailangan ko muna syang mailigtas, tama, kailangan ko syang maialis sa lugar na ito." 


Habang nakatingin sa kanya ang babaeng wild fox ay nagulat ito sa nakita kanina na  tila ba may nakikita itong kakaibang presensya na bumabalot kay nathaniel nung tumayo ito kanina.


" Ano yung bagay na yun? May gintong enerhiya akong nakita kanina sa katawan nya, guni guni ko lang ba yun?" 


" Teka sandali, bakit wala man lang syang sugat? Imposible ito, wala akong nakikitang proteksyon sa katawan nya kaya dapat tumagos ang galamay ng higanteng gagamba sa katawan nya." Bulong nito sa isip.


Dito ay bigla syang nalito dahil tila hindi nag iisip ng mabuti ang taong ito at walang pag alinlangan na sinalag ang atake ng halimaw para lamang iligtas sya.


Muling gumalaw ang higanteng gagamba para umatake kay nathaniel at dahil doon ay tinangka ng babaeng ito na tulungan ang binata ngunit hindi nya maikilos ang kanyang mga binti.


" Hindi maaari , hindi ko kayang gumalaw "  bulong nya sa kanyang isip.


" Tumakbo ka na! Hayaan mo na ako dito!!" Sigaw nya.


Mabilis na ang pag atake ng gagamba kaya naman hindi na nag sayang ng oras si nathaniel at ginamit ang crimson item para makaiwas dito.


Sa sobrang bilis ng paggalaw nya ay lumagpas sya sa babae at nadulas sa lupa, maging sya ay nagulat dahil hindi nya parin kayang kontrolin ang paggalaw ng mabilis gamit ang crimson item.


Nagmadali naman syang gumapang papunta sa babae at hinawakan agad ito para tulungan tumayo.


Nakita ng babae ang pagkahingal ni Nathaniel dala ng pagod sa ginawa nya at nakumbinsi na isa lang talaga syang normal na tao na may limitasyon.


Napansin nya ang nag liliwanag na cristal sa hikaw nito ay nabatid na nagtataglay ito ng crimson item pero gayumpaman ay alam nya na hindi kaya ng tao na gamitin ito ng mahusay.


" Teka anong ginagawa mo? Sinabi ko na umalis ka na dito" sigaw nya dito.


" Oo aalis talaga ako dito pero isasama kita." Sagot ni nathaniel.


Habang nag uusap ay bigla naman silang inatake ng isa pang higanteng gagamba kaya wala ng nagawa pa si nathaniel kundi buhatin ang babae at tumakbo ng mabils gamit ang crimson item.


Madali nyang naiwasan pag atake ng isang ito ngunit dahil sa hindi sanay si Nathaniel na may binubuhat habang tumatakbo ay nailang ito at nadapa.


Sumadsad sila pareho sa lupa at gumulong gulong. Lumapit at humingi agad ng pasensya si nathaniel sa babae at inamin na hindi nya kayang kontrolin ang crimson item nya.


Naramdaman ni nathaniel ang pagkirot ng mga paa at napahawak dito habang iniinda ang sakit. Gayumpaman alam nya na hindi sya pwedeng magpakita ng kahinaan lalo pa at kulang na sila sa oras.


" Mabuti pa sumalabay ka sa likod ko." 


Inalok ni nathaniel ang likod nito para kargahin ang babae ngunit tinanggihan lang ito nito at binangit na hindi sila nagpapahawak sa isang tao kagaya ni nathaniel.


" Ano bang kalokohan yan mamamatay ka na tapos pihikan ka pa sa kung sino lang ang hahawak sayo?" 


Ipinaliwanag ni Nathaniel na hindi nya kayang buhatin ang babae ng dalawa nyang kamay dahil nahihirapan syang tumakbo kaya naman mas madali ang pagtakas nila yung bubuhatin sya ni Nathaniel gamit ang likod.


" Hindi ko alam kung hangang kailan ko magamit ang crimson item ko kaya sana naman maki sama ka na." Dagdag nito.


Biglang may lumapit na bilog na bagay sa kanila at nagsalita.  likha ito sa mahika at ginagamit ng eskapa para maging mata at tenga nila sa mga nagaganap sa kagubatan.


" Kayong dalawa , naririnig nyo ba ako? " 


" Commander Kyros?" Sagot ni nathaniel.


" Ako nga teka kaya nyo pa bang tumakbo? " Sambit ni Kyros.


" Kung tatakbo kayo papunta sa silangan at magagawang makatawid sa ilog palabas ng teritoryo nila ay mula doon hindi na nila kayo aatakehin." Dagdag nito.


Inutusan sila na magmadaling umalis ng teritoryo ng mga gagamba upang makaligtas, nagpasalamat naman si Nathaniel sa narinig at nakahinga ng maluwag.


" Ok, may pag asa pa pala tayong makaligtas kaya dalian mo na." Sambit nito.


Pinilit ng babae na kumilos pero hindi nya magawang maigalaw ang braso nya dahil sa lason na nakakaparalisa na nagmula sa ginawang pag atake sa kanya.


" Umeepekto na ang lason nila sa katawan ko kaya mabuti pa umalis ka na at iwan mo na lang ako dito." 


Nagulat si nathaniel sa narinig sa kanya dahil imbis ma magmadali ay ayaw nitong sumama sa kanya at pinipilit na paalisin sya mag isa.


Hindi naman ito tinangap basta ng binata at tila sinusumbat sa babae na nagpakahirap sya at nagmustalang baliw na itinaya ang buhay para sa pagliligtas nya sa babae kaya hindi nya hahayaan na mabale wala na lang ang pagod nya.


Alam ng babae na mahina si Nathaniel at walang kasiguruhan na magagawa nga nilang makarating sa ilog na sinasabi sa kanila ng Eskapa.


Para sa babae ay dapat na unahin ng kagaya nyang tao ang sarili nito para makaligtas dahil sa kanilang dalawa ay mas may kakayahan ang wild fox na mabuhay hindi kagaya ng mga tao na mahina ang pangangatawan.


" Hindi mo kailangan tulungan ako, isa ka lang tao na mas mahina saakin kaya mabuti pang unahin mo na iligtas ang sarili mo." Sambit nito habang hinahawi ang kamay ni Nathaniel.


" Huh?" 


Napa ngiwi na lang si nathaniel sa pagkadismaya dahil napaka tigas ng ulo ng babaeng nais nyang tulungan at pinipilit na magpaiwan sa kabila ng kanyang mga sinasabi dito.


Batid ng binata na kulang na sila sa oras at dahil desperado na syang makaalis sa lugar ay bigla nyang hinawakan ang ng mga kamay nya ang pisngi ng babaeng fox.


" Makinig ka babae sa sasabihin ko hindi ako nag punta dito para mamatay, nandito ako para mabuhay pa ng matagal." 


" At anong problema kung ililigtas ka ng isang kagaya ko? Maging tao man ako o ano pa man lahi ay hindi mahalaga ang bagay nayun. "


Ipinaliwanag nya sa babae na dapat tulungan ang nangangailangan at hindi kailangan na malakas ka o makapangyarihan para magligtas ng iba dahil unang una sa lahat puso ang ginagamit sa pag mamalasakit sa iba.


Binangit nya na marahil na isa syang mahinang nilalang at pinaka mababa sa lahat ng nilalang ngunit may karapatan ang mga tao na magdesisyon at magligtas sa sarili nilang paraan kaya naniniwala ang binata na kinakailangan nyang gawin ito  kahit matatawag itong isang kabaliwan.


" At isa pa hindi masama ang pag hingi ng tulong sa iba kaya imbis na tangapin mo ang kamatayan mo dito ay magtiwala ka na lang saakin."


" kung isinusuko mo na ang buhay mo sa lugar na ito bakit hindi mo na lang ipagkatiwala ito saakin at ako na ang bahalang gumawa ng paraan para mailigtas ka. " 


Nagulat ang babae sa narinig kay nathaniel kaya wala na syang nagawa nung hilahin sya nito at pwersahan syang kinarga sa likod nya.


Kahit na determinado si Nathaniel na mailigtas ang babae ay nakakaramdam na sya ng panginginig ng tuhod, hindi rin maganda para sa katawan nya ang pagbagsak nya kanina at dahil doon kumikirot ang sugat nya sa paa.


" Napakasakit ng mga paa ko sa tingin ko isang beses na lang ako pwedeng tumakbo pero kailangan kong iligtas sya ano mang mangyari" bulong nya sa isip nya.


Alam ni Nathaniel na kung wala sya rito sa lugar na ito ay nakatakdang mamatay ang babae sa mga sandaling iyon sa kamay ng mga higanteng gagamba at biglang naisip na isa ito sa pwede nyang baguhin sa takbo ng kwentong isinulat nya tungkol sa nangyaring pagsusulit sa eskapa sa komiks nya.


"Ililigtas kita at babaguhin ang iyong tadhana." Sambit nito.




Alabngapoy Creator

Part 1 ep 24