Chapter 4 part 1
Ilang minuto lang paglabas ko ng silid ay nakita ko ang pamilyar na pasilyo na nagmula sa aking ginawang komiks.
Walang duda na nasa agata tower nga ako kagaya ng inaakala ko pero gayumpaman alam ko na malaki ang lugar na ito at wala akong ideya kung nasaang parte ako ng tore.
Kinabahan ako bigla at pakiramdam ko na isa akong batang paslit na naligaw aa kung saan.
Lalo akong nagalit at nag nanais na mahanap agad ang baliw na anghel na iyon at maka uwi
" Nasaan ka baliw na anghel ka !!!!"
Wala naman akong pwedeng gawin maliban sa maghanap pero saan ako mag sisimula?
Sa pag iisip ko sa sitwasyon ay bigla kong naaalala na may paraan para matulungan ako sa pag alam sa kinaroroonan ko.
May ginagamit ang mundong ito na hightech system para malaman kung nasaan ang location ko.
Ang kamangha manghang bagay na ito ay nagagamit lang sa loob ng tore at laro at ginagamit ng karamihan ito para malaman ang tungkol sa mga bagay bagay sa crimson game.
Nagawa ko itong mabuksan gamit lang ang pag nanais ng isipan ko, talagamg napaka hightech nito.
Gayumpaman kagaya ng inaasahan ko ay walang espesyal na makikita sa informasyon tungkol saakin siguro dahil pinadala ako dito bilang normal na tao at ang lahi ng mga tao ang syang pinakamahina sa lahat ng nilalang sa mundong ito.
Ang tore ng agata ay pinapagana ng mahika at techonolohiya na naglalaman ng libo libong laro sa higit isang daang palapag nito.
Ang bawat pangunahin lungsod sa bansa na may higit 50 libong tao naninirahan ay mayroong tore ng agata at ang kamangha mangha dito ay konektado ang lahat ng tore kaya naman maaari mong makalaro ang bang manlalaro kahit na nasa ibang lugar sila naroon.
Ang paglalaro sa tore ay ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mundong ito dahil mula pagkasilang pa lang ng mga nilalang dito ay nakarehistro na sila bilang manlalaro sa tore.
Tama, bata , matanda , ma ykapansanan at kahit anong lahi ka pa nabibilang ay tinatangap sa tore kaya naman maraming umaasa sa tore para matustusan ang pangangailangan nila sa araw araw.
Sa kadahilanan na ito kaya sinasabi ng marami na ang tore na ito ay regalo ng diyos na si crimson sa mga nilalang nya.
Maraming laro na pwede kang manalo ng pera at ano pang bagay at marami sa laro ay mga simpleng laro lang na pwedeng salihan ng kahit na sino.
Sa makatuwid madali kang makakaipon sa paglalaro sa tore pero gayumpaman nakadepende na sa uri at hirap ng laro kung gaano kalaki ang matatangap mong papremyo.
Kaya naman marami sa mga manlalaro ay nagtatangka na maglaro sa mas mataas na palapag ng tore kung saan matatagpuan ang mga mahihirap at werdong mga laro na halos ang iba sa mga ito ay kinakailangan mo ng ibuwis ang iyong sariling buhay alang alang sa malaking gantimpala.
Lumipas ang ilang taon nagbago ng nagbago ang sitwasyon at naging komplikado ang mga paglalaro sa tore.
Hindi naman talaga ganun kadelikado at ka brutal ang laro sa itaas ng tore ngunit dahil sa mga ganid na manlalaro na naghahangad ng malaking gantimpala ay naging masalimuot ang mga laro para sa mga manlalaro.
Walang batas ang laro na papatay ka ng ibang manlalaro para makuha ang panalo pero gayumpaman wala ring parusa sa gagawa nito kaya naman naging talamak ang patayan sa itaas ng tore lalo pat walang paki elam ang mga manlalaro sa kapwa nila manlalaro basta makuha lang ang panalo.
Importante kasi sa manlalaro ang makakuha ng puntos hangat maaari kaya naman hindi maiiwasan ang iba na magmalabis sa kalayaan na gawin ang mga bagay na iniisip nila na makakatulong sa kanila kagaya ng pag babawas ng mga manlalaro.
Kinakailangan ng lahat na makaipin ng maraming puntos dahil ang puntos na nakukuha mo ay sya rin ibabayad mo sa ibang larong nangangailangan ng kabayaran para makasali at ang dami ng iyong puntos ang nagsasabi kung nasaang estado ka ng lipunan sa endoryo.
Mayroong pitong antas dito sa endoryo at nakabase ito sa puntos na meron ka.
Beginner
Warrior
Gamma
Beta
Alpha
Columbus
Warlord
At upang makaalis ng beginner ay kailangan mong makalikom ng ten thousand points at tumitriple ito sa bawat pag akyat mo ng ranggo.
Beginner - 10 thousand
Warrior - 30 thousand
Gamma - 100 thousand
Beta - 300 thousand
Alpha - 1 million
Columbus - 3 million
Warlord - 10 million
Sa oras na maging warlord ka ay gagantimpalaan ka ng kayamanan at kaharian na iyong pamumunuan.
Makakatanggap ka rin ng maraming prebilehiyo hindi lang sa loob ng tore kundi maging sa labas nito kagaya ng pag gawa ng sariling laro o ang manakop ng bayan na pwede mong maging pag mamay ari.
Dahil sa mga bagay na iyon kaya marami ang nais magkamit na maging warlord at tanghaling pinakamakapangyarihan sa boung endoryo.
Napaka komplikado pero kung tutuusin kahit naman sino ay hahangarin iyon lalo na sa ganitong klaseng mundo ka nakatira na ang tanging paraan para galangin at makaligtas ay ang patuloy na manalo.
Pero ano ba ang paki elam ko sa mga bagay na iyon? Ang tanging mahalaga ngayon saakin ay ang makita ang baliw na anghel na iyon.
Ilang minuto pa na pag lalakad ay nakita ko ang elevator na kung saan maaari kung gamitin para maka alis ako sa tore.
Agad akong lumapit dito at wala pang ilang segundo ay nagbukas na agad ito.
Bumungad saakin ang mga nilalang na nasa loob ng elevator kaya medyo nag alinlangan akong gumamit nito.
Gayumpaman naalala ko na hindi maaaring manakit ang sino mang manlalaro na nasa loob ng tore kaya naman pansamantalang napanatag ako .
Binati ako ng maliit na robot na syang nag papatakbo ng elevator at tinanong kung saang floor ako pupunta
" Dalhin mo ako sa main lobby ng tore"
Pumasok ako dito at hinintay na makababa ito hanggang sa main lobby.
Higit isang minuto rin ang lumipas at nakarating na rin ako sa ibaba at naglakad dito.
Sobrang kamangha mangha talaga ang main lobby ng tore at napupuno ito ng mga manlalaro sa tore .
Sa sobrang laki nito ay halos kasya ang libo libong mga mandirigma aa loob gayumpaman dahil sa laki rin nito ay hindi ko alam kung saan pupunta at magsisimulang maghanap.
Ilang sandali pa habang nahahanap ako ng mapupuntahan ay napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa gilid.
Nakatingin sila sa karatula sa pader at sa tingin ko iyon ang dahilan kaya sila nagkukumpulan.
Agad kong pinuntahan ang kumpulan ng mga tao at nagbakasakali narin na may mapalang kahit ano na makakatulong saakin.
" Eskapa recruitment "
Ang pinagkakaguluhan ng mga ito ay ang paghahanap ng grupong eskapa at pagtanggap sa mga bagong myembro na sasali sa kanilang pwersa militar.
" Oo nga pala sa mga tore madalas sila kumukuha ng mga bagong sundalo."
Ang eskapa ang isang grupo ng mga mandirigma na lumalaban sa masasama at nagliligtas sa mahihina laban sa mga kriminal.
ES - espada
KA - kalasag
PA - pananalig
Ang tatlong bagay na yan ang sya nilang tinataglay para makapagligtas ng mga nilalang.
Maituturing silang legal na grupo sa pamumuno ng ika siyam na warlord at maaari silang sumali sa laro kahit na iba ang kanilang pakay dito na madalas ay ang panghuhuli ng mga kriminal na lumalabag sa batas ng kanilang diyos.
Mayroong sampung pangunahing mandirigma ang eskapa at binasagan nila ang mga sarili bilang " weapon of gods " mga nilalang na nagmula pa sa ibat ibang lugar sa endoryo.
Ideneklara nila na sila ay mga sandata ng diyos na pupugsa sa kasamaan at lalaban sa pang aabuso ng mga warlord.
Pinamumunuan sila ng isang Hagen na si Magdalena cross na sinasabing tunay na anak ng diyos na pinadala sa lupa upang iligtas ang endoryo sa tiyak na pagkawasak.
Isa sya sa sampung warlord na sumasakop sa endoryo at namumuno sya sa mga bansang kanyang ginagawang kapanalig sa kanyang pananampalataya at pinaglalaban na magligtas ng buhay.
Pinaniwala nya ang marami sa kanyang mga paniniwala at mga adhikain bilang tapat na alagad ng diyos kaya naman milyon milyon ang bilang ng kanyang mga alagad.
Sa patuloy kong pag iisyoso ay nakita ko ang determinadong mga reaksyon ng iilan sa pag sali sa samahan ng eskapa pero gayumpaman ay may iilan din na tumatalikod na lang at umaalis.
" Umalis na tayo dito mimi sinasayang lang natin ang oras natin dito." Sambit ng isang babaeng mandirigma.
"Huh ? Pero hindi ba tayo sasali sa kanila? " Tanong ng kasamahan nito.
" Seryoso ka ba ? Wala tayong papala sa kulto na yan kundi kamatayan. " Agad na sagot nito.
Hindi naging maganda ang pananaw ng babaeng iyon tungkol sa eskapa dahil kung tutuusin ay mabubuhay ka sa endoryo kahit sa ibaba ka lang ng tore maglalaro at hindi makiki elam sa alitan ng mga warlord.
Para sa kanila ay nagpapangap lang ang eskapa at nag sisinungaling na may iba pang diyos maliban kay crimson at dahil sa kagustuhan na diktahan ang lahat ay patuloy nilang nilalabanan ang mga warlord at kunin ang mga bansang sakop ng mga ito.
" Palibhasa mga mahihinang nilalang kaya umaasa sila na iligtas ng nagpapangap na anak daw ng diyos ."
Patawa nitong sinasabi.
Palayo silang naglalakad pero patuloy silang nagbibitaw ng pang iinsulto na tila ba nagparirinig sa mga naroon.
" Hinding hindi ako sasali sa talunan na yan " hirit nito.
Medyo nakaramdam ako ng pag kabanas sa narinig ko, ewan ko pero parang iba ang dating saakin ng mga sinasabi nya.
Para bang hindi nya nalalaman na ang maraming buhay ang nailigtas ng tinatawag nyang kulto at syang nagbibigay ng proteksyon sa mga nilalang.
Pero kung sa bagay may punto naman sya dahil ayon sa kwento ay maraming nilalang sa endoryo na sumasali lang sa eskapa dahil sa mga proteksyon at ano pang bagay na mapapakinabangan nila.
Wala silang paki sa diyos at ang kahalagahan na magligtas ang sino mang nangangailangan basta ang mahalaga ay may mapapala sila sa pag sali sa eskapa.
Maraming komplikadong bagay dito lalo na pagdating sa kaligtasan mo bilang mandirigma na nagmula sa bayan na sinasakop ng warlord.
Gayumpaman ay hindi ko naman kailangan mangamba dahil hindi naman ako nagmula sa kahit saang bayan dito sa endoryo kaya walang warlord ang nagmamay ari sa akin.
Ilang saglit pa ay biglang may napansin akong ingay mula sa likuran ko.
Isang bosea ng dalaga na tila ba nakikipag siksikan sa mga tao.
" Makiki raan po "
" Paki usap padaanin nyo ako."
Dahil sa dami ng tao sa lugar na iyon ay hindi madali ang makapunta sa unahan kaya naman todo siksik ang babae para lang makausad hanggang sa madapa ito at bumagsak sa sahig.
" Naku naku"
* Blagg*
Narinig ko ang pagtumba ng babae sa likuran ko kaya naman agad ko itong nilingon para tulungan.
" Naku naku nakakahiya ito " sambit ng babae habang nakaupo sa sahig.
Sa pag lingon ko agad kong nakita sa harap ko ang napakagandang nilalang.
" Naku, naku, pasensya na ginoo pero maaari mo ba akong tulungan na tumayo ? " Tanong nito saakin .
Wala akong naisagot sa sobrang pagkabigla sa awkward na eksenang iyon siguro dahil unang beses ko nakatagpo ng isang babaeng napakaganda.
" Oh diyos ko napakaganda naman ng diwata na nasa harap ko" bulong ko sa sarili.
Magmula sa malambot puting buhok nito , makinis na balat at malambing na boses ay aakalain mo talaga syang diwata sa mga fantasy story na napapanuod mo. Nakasalamin ito pero kitang kita ko ang mala gintong kulay ng kanyang mga mata at ang mapupulang mga labi.
Bumagay din sa kanya ang kanyang puting damit at palda na may katernong puting sumblero habang ang mahabang buhok naman nya ay nakatirintas ng pink na ribbon.
Pero napansin ko lang dito ay tila may kung ano sa likod nya at kung susuriin ko mabuti at parang bahay iyon ng pagong.
Nakatingin sya saakin gamit ang nagniningning nyang mga mata habang humihingi saakin ng pabor.
" Maaari mo ba akong tulungan , munting nilalang ?
Chapter 4