Chapter 39 part 2
Nagawang maubos ni Suwi ang mga halimaw sa paligid nya at tumigil na rin ang iba sa pag lusob na tila ba natatakot na lumapit sa violet na apoy na nakakalat sa paligid ng dalaga.
Gayumpaman pagkatapos nyang itira ang napakalakas na atake ay bigla na lang nanlambot ang kanyang tuhod at bahagyang napaluhod dahil sa pang hihina.
" Napakaraming enerhiya ang kinuha saakin ng atakeng iyon."
" Prinsesa kahit na binibigyan ka ng singsing ng maraming enerhiya ay wag mong kalimutan ang kondisyon ng katawan mo. Hindi maganda kung maglalabas ka ng ganung kalakas na enerhiya sa katawan mo ng biglaan." Paalala ni Serphia sa kanya.
" Alam ko naman yun pero wala naman akong pagpipilian." Sagot nito.
Habang nag papahinga sya ay bigla syang may naramdamang malakas na enerhiya sa paligid nya at biglang napalingon sa likod nya.
" Imposible ."
Naglalakad palapit si Juggernaut habang napapalibutan ng napakalakas na enerhiya at tila ba bale wala sa kanya kahit madikit sya sa mga apoy sa paligid.
Nakaramdam ng pagkasindak si Suwi dahil sa nararamdaman nyamg presensya. Alam nya sa sarili nya na tinamaan nya sa atakeng iyon si juggernaut pero wala syang nakikitang palatandaan man lang na napinsalaan ito sa ginawa nya.
" Mahal na princesa mag iingat ka nararamdaman ko ang napakalakas na presensya mula sa kanya. "
Kahit na nanginginig ang mga kamay ay matapang nya parin na hinawakan ang kanyang espada at muling naglabas ng enerhiya sa katawan upang maghanda sa laban.
" Flame slash !"
Sinubukan nyang tumira ng apoy dito ngunit walang talab ito sa katawan ni juggernaut. Nagpatuloy itong maglakad palapit sa kanya.
Hindi nagpatinag ang dalaga at patuloy na inaatake si Juggernaut mula sa kinatatayuan nya pero kagaya nung mga nauna nyang pag atake ay hindi ito tumatagos sa malabakal na kalasag ng kalaban nya.
Dahil sa alam nya na nag sasayang lang sya ng enerhiya sa pag tira ng flame slash ay naisip nyang tumigil at mag ipon na lang ng enerhiya sa kanyang espada.
Nag alab ang apoy sa espada na kung saan sumiklab ang halos sampung pulgadang taas ng kulay violet na apoy dito.
" Fallen dragon !"
Itinaas nya ang espada nya at buong lakas na iwinasiwas pababa kung saan naglabas ito ng apoy na nag hugis dragon.
Bumulusok ang apoy na dragon at umatake kay juggernaut habang ito ay naghahanda na sa pag atake upang sabayan ang dragon.
" Walang kwenta."
Kumalat ang napakalakas na awra nito sa paligid at pumadyak sa lupa upang bumwelo sa suntok na gagawin.
Halos madurog ang kalupaan na tinatapakan nya sa lakas ng pag bwelo nito at sumuntok upang sabayan ang patamang dragon sa kanya.
Gumawa ang suntok nya ng napakalakas na pwersang halos lumusaw lang sa dragon na itinira ni Suwi.
Nagtalsikan ang mga bagay bagay palayo kasama na ang dalaga na ngayon ay pinipilit na bumalanse. Nagawa naman nyang maitarak sa lupa ang espada nya upang mapatigil sa pag talsik.
Sa pagkakataon na iyon ay gulat na gulat sya sa nangyari sa kanyang atake dahil nagawang mawasak ni Juggernaut ito gamit lang ang isang suntok.
" Pati ang isa sa pinakamalakas na atake ko bale wala sa kanya."
Dito ay bigla syang kinausap ni Serphia at pinapatakas dahil alam nila na wala syang laban sa juggernaut.
" Alam mong hindi ko pwedeng gawin yan, nagtiwala sya saakin na kasama nya ako sa laban." Sagot nito.
Lubos na nauunawaan ng kanyang partner ang pagiging tapat nito sa kasunduan gayumpaman ipinaliwanag ni serphia na napakalaki ng agwat ng kapangyarihan nya kay juggernaut at kahit na tulungan sya ni Sei na iwasan ang mga atake nito ay hindi parin nya matatalo ang kalaban nya.
Ang tibay ng proteksyon ni Juggernaut ay triple sa meron si Suwi at kahit anong pilit nyang sumubok ay hindi nito mababasag ang energy barrier nito gamit ang apoy dahil isa itong natural na abilidad.
Habang nag iisip ng paraan ang dalaga ay biglang kumilos si Juggernaut sa kinatatayuan nito at nagsimulang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Suwi.
Alam ni Suwi na delikado sya sa laban ngunit hindi sya pwedeng tumakas at umatras kaya naman matapang nya parin hinawakan ang kanyang espada.
Imbis na tumakas ay naglakas loob itong tumakbo palusob kay juggernaut para sabayan ito.
Nagsimula syang mag lagablab at nagmistulang apoy na ahas na lumulusob ng napakabilis.
Nagawang makaiwas ni Suwi sa suntok ni Juggernaut at nabigyan ng pagkakataon na makalapit dito ng lubusan.
Dahil sa angking bilis ay nagawa nyang laslasin paikot ang boung braso ni Juggernaut at sinabayan nya ito ng pag ikot sa ere kung saan bumwelo sya para saksakin ang ulo ng kalaban nya.
" Yahh!!"
Tagumpay nyang natamaan yng espada nya sa ulo ni Juggernaut ngunit hindi man lang ito bumaon dito.
Napangiti lang si juggernaut sa kanya at nagsimulang tumawa habang tila kinikutya ang ginagawang atake ng dalaga.
" Atake na ba ang tawag mo doon? Wala ka na bang ibang gagawin kundi kilitiin ako?"
Naglabas ng napakalakas na presensya si Juggernaut kung saan labis na naaapektuhan ang katawan ni Suwi na tila ba namamanhid ito.
Dahil sa tila pagkagulat ni Suwi ay hindi nya na napaghandaan ang pagdakma sakanyang binti ni Juggernaut at dali dali syang ihahampas sa lupa.
Gayumpaman bago sya maihampas sa lupa ay bigla na syang naglaho at napunta sa likod nito.
Sa paglitaw ni Suwi sa likuran ni juggernaut ay buong lakas nyang inihampas ang espada nya sa batok nito.
" Yahhh !!"sigaw ni Suwi.
Gumawa ito ng napakalakas na impact na sinabayan ng pagkalat ng apoy sa paligid dahil sa lakas ng pwersa.
Gayumpaman nanatiling nakatayo si Juggernaut at halos walang galos ang batok.
" Imposible."
" Sinabi ko ng tigilan mo ang walang kwentang atake saakin! "
Habang nasa ere pa ang dalaga ay mabilis na umatake si Juggernaut at nagawanag mahampas ng malaking kamay nito si Suwi na dahilan para mapatasik ito.
Nagawa mang masalag ni Suwi ito gamit ang espada ay hindi nya parin napigilan ang pag talsik nya hangang sa tumama sya sa malaking bato at doon bumaon.
Habang nakabaon ay muling umatake si Juggernaut sa kanya kaya naman nag madali ang dalagang tumayo at muling bumwelo para paghandaan ang atake ni Juggernaut sa kanya.
Nagsimulang umatake si Juggernaut gamit ang kamao nito at walang nagawa si Suwi kundi iwasan at salagin nito na dahil sa sobrang lakas ay napapatalsik sya ng bahagya.
" Anong problema? Hangang dyan ka na lang ba?" Pagyayabang nito.
Dahil sa emosyon ng pagkadismaya ay nagalit si Suwi at walang takot na lumusob sa harap ni Juggernaut.
Sinubukan nyang laslasin ang katawan nito pero sinalag lang ng kamay ni Juggernaut ang espada at hinawakan ito.
Sa higpit ng pagkakahawak ni Juggernaut sa espada ay hindi magawang makuha at mahila ito ng dalaga. Para itong bata na hindi magawang mabawi ang sandata sa kamay ng higantng kalaban nya.
" Nakaka bagot kang kalaban."
Pagkatapos iangat ni Juggernaut ang espada kung saan natangay din si Suwi ay isang malakas na pag hampas ng palad ang natangap ng dalaga dito na tila ba isa lang syang insekto na tinaboy.
Sa sobrang lakas ng paghampas ay gumulong gulong sya sa lupa at bumakat habang kumakaladkad.
Napasigaw si Suwi sa sobrang sakit ng kanyang natamong pinsala. Namilipit sya at pilit ikinikilos ang kananng braso na halos mawala na sa porma dahil sa pagkabali.
" Ahh!!"
" Mahal ma prinsesa tatagan mo ang loob mo, kinakailangan mong magmadaling umalis sa lugar na ito."
" Ahhh! Ang mga braso ko, hindi ko na maigalaw ang mga braso ko."
Pinilit kumilos ni Suwi kahit na namimilipit sa sakit at sa pag tayo nya sa kinauupuan ay biglang muling nagliwanag ang kanyang lapag kung saan makikita ang isang magic circle.
Sa isang iglap ay naglaho ang kanyang nararamdamang sakit at nagbalik ang porma ng kanyang braso na tila walang nangyari.
Dahil doon ay nakaramdam ng kaginhawaan si Suwi at di na nag atubili na tumalon palayo upang dumistansya. Nagulat at nahiwagaan ang dalaga sa biglaang pagkawala ng kanyang pinsala at napaisip sa posibleng rason nito.
" Nagagalaw ko na ulit ang braso ko , teka ginawa ba nanaman nya?
Dahil doon ay agad nyang tinignan si Sei na ngayon ay naka luhod hawak ang mga braso at dinadama ang sakit ng pinsala na tinangap nito.
Alam ni Suwi na isinasakripisyo ni Sei ang katawan nya para lang pangalagaan sya gayumpaman patuloy syang nakakaramdam ng pagkadismaya dahil kahit na kailangan nyang tuparin ang kasunduan nila ay hindi ito posible sa sitwasyon nya.
Nais nyang patunayan kay sei ang sarili nya na handa syang makasama ito sa laban hangang sa huli at maging kapakipakinabang sa laban na nagaganap pero hindi ito nagiging madali.
Dahil sa patuloy na pagkakabigo ay na iisip nya na tila ba hindi sya nararapat sa pagtitiwala ni sei sa kanya na halos isugal nito ang kaligtasan nito dahil nagtiwala itong may magagawa si Suwi sa laban.
" Anong dapat kong gawin? Hindi ito pwedeng mangyari."
Nakaramdam ng matinding takot si Suwi ng makita ang pag ngiti ni juggernaut habang napapalibutan ng itim na awra.
" Hindi, hindi ko sya kaya, imposible kong matalo ang halimaw na kagaya nya."
Nagsimulang tumakbo muli si Juggernaut palusob kay Suwi na ngayon ay nababalot ng takot at pag aalinlangan. Wala syang magawa dahil patuloy syang nagpapatinag sa malakas na presensya ni Juggernaut.
Unti unting nakakalapit na si Juggernaut at bumwelo ng pag suntok sa dalaga upang tapusin na ang kanilang laban. Habang ang dalaga naman ay naguguluhan at hindi na makapag isip ng susunod na gagawin nya.
Kailangan kong sabayan ang atake nya, hindi. Hindi ko kaya syang sabayan . Kailangan kong umilag." Aligagang bulong nya sa isip nya.
Sa sobrang taranta ay natalisod sya dahil narin sa panginginig ng tuhod nya at napabagsak sa lupa na kinatatayuan nya.
" Hindi, hindi ko na kayang umiwas pa. Tatamaan nya ako." Natatarantang bulong nya.
Dito ay napasalag na lang sya gamit ang braso habang nakaupo sa lapag na tila ba walang ka laban labang bata.
Nagpakawala ng napakalakas na suntok si juggernaut pero bago pa man dumampi ang kamao nito kay Suwi ay bigla ng may sumalubong na kung ano sa dambuhalang ito.
Isang suntok sa mukha ang natangap ni juggernaut na dahilan ng kanyang pagtalsik ng napakalayo at humampas sa batuhan.
Nagulat si Suwi sa nangyari at nakita ang pag lapag sa lupa ni agane habang pinapagaspas ang mga pakpak.
" Ikaw?"
" Ano bang ginagawa mo? Talaga bang susuko ka na lang ba?"
Dito galit na lumapit sa kanya si Agane at hinila ang kanyang damit upang pilitin ito na bangon para ituloy ang laban. Sinabihan nya ai Suwi na hindi ito pwedeng panghinaan ng loob lalo pat ginagawa ng reyna nya ang lahat para tulungan si Suwi sa laban.
" Tinatangap ng Reyna ang mga pinsala na dapat na sayo at kung magpapabaya ka sa laban ay patuloy na magdurusa ang reyna."
" Alam ko naman iyon pero hindi ko sya kaya, ginawa ko ng lahat ng paraan para labanan sya pero hindi sya tinatablan ng mga atake ko." Sagot ni Suwi.
Sa sobrang pagkadismaya nito ay patulak nyang binitawan si Suwi at sinabihan na kung natatakot sya sa kalaban nya ay wala syang karapatan na lumaban o kahit ang tumayo sa tabi ng kanyang reyna.
Pinakita nito ang pagkadismaya nya sa dalaga at sinabihan na sinayang lang nito ang tiwala na binigay ni Sei sa kanya.
" Ako na ang lalaban sa kanya mabuti pang umalis ka na dito." Sambit ni Agane.
" Teka bigyan mo pa ako ng pag kakataon, hayaan mong tulungan kita laban sa kanya." Sagot ni Suwi dito.
Galit na sinungitan ni Agane si Suwi at pinapabalik sa tabi ni Sei, ipinaliwanag nya na kailangan ni Sei ng proteksyon habang ginagamit nito ang kapangyarihan nito at walang makakatulong sakanila ngayon kundi ang kapangyarihan ng kanyang reyna.
Pero habang nag uusap ay napansin ni Agane mula sa malayo ang pag atake ng mga Slardar sa kinaroroonan ni Sei.
" Bwisit, kumilos ka na ."
Nagmadali ang dalawa na kumilos upang protektahan si Sei sa mga slardar.
Isa isa nilang tinatapos ang mga ito at walang pinapalapit.
Ipinaliwanag nya na hindi kayang pagalingin ni Sei ang sarili nya dahil nagmula ang pinsala na ito sa epekto ng Crimson Curse kung saan nalilipat ang oras ng kalagayan ng katawan nya sa iba.
Sa pag ka abala ng dalawa sa pakikipag laban ay hindi napansin ng mga ito na nakalapit kay Sei ang isa sa mga kalaban nila. Lumitaw mula sa wala ang butiking halimaw hawak ang kanyamg kutsilyo at naka amba kay Sei.
" Akin ka na ngayon."
Nagulat sila Agane sa biglaang paglitaw nito sa likuran ni Sei at nakita nya na walang pag aalinlangan na sinaksak nito sa likod ang reyna nya.
Nagawa nitong makalapit ng hindi nararamdaman ni Agane dahil sa kakayahan nitong maglaho at magtago ng kanyang presensya.
" Mahal na reyna! "
Sinabunutan nito si Sei at itinaas sa kinaluluhuran nito habang pinag babantaan na lalaslasin ang leeg nito. Dahil doon napatigil si Agane sa pag atake.
" Sige subukan mong lumapit pa at gugulong ang ulo ng reyna mo sa lupa." Sambit nito.
" Tampalasan! Bitawan mo ang reyna kundi pagbabayaran mo ng buhay ang kalapastanganan mo." Sigaw ko Agane.
Kahit na galit na galit ay walang magawa si Agane dahil hawak nito ang buhay ng kanyang reyna.
Habang tumatawa lang ang halimaw na butiki at patuloy na hinahamak ang pagiging espada ni Sei dahil sa kahinaan na taglay nito sa laban.
" Tama nga ang hinala ko, nakita ko na hindi mo kayang gamitin ang kapangyarihan mo ng tuloy tuloy at hindi mo rin kayang pangalagaan ang sarili mo katulad ng ordinaryong magic caster sa oras na nakapag cast ka na ng spell.
" Hindi ko akalain na ang kinatatakutan na Espada na kagaya mo ay may kahinaan kagaya lang ng sa iba at ngayon nag hihingalo na."
Lalo nya pang dinidiinan ang pagkakadikit ng talim ng kutsilyo nya sa leeg ni Sei na nagsisimula na ring mag dugo.
Habang ginagawa naman ito kay Sei ay walang ka imik imik ito at hinahayaan ang pananakit sa kanya ng halimaw na butiki na tila ba walang paki elam.
Ipinaliwanag nya kay sei na nagtataglay ng lason ang talim ng kutsilyo na nakakapagparalisa ng katawan ng kahit na sinong nilalang at kapag kumalat na ito sa katawan ni sei ng tuluyan ay ito na mismo ang babawi sa buhay nya.
" Oh bakit ? Wag mong sabihin mamamatay ka na agad? Hindi ba ang mga espada ang isa sa mga pinakamalakas na nilalang dito sa endoryo ?"
" Wag mong sabihin hangang dyan ka na lang? Nasaan ang pinag mamalaki nyong diyos bakit hindi mo hingin ngayon ang tulong nya."
" Hahaha, masarap ba sa pakiramdam na hindi mo man lang maigalaw ang katawan mo para pangalagaan ang sarili mo? Anong pakiramdam ng malapit ng malagutan ng hininga?"
Habang tumatawa ang halimaw sa kanya ay biglang nagsalita si Sei ng mahina.
" Tinatanong mo kung ano ang pakiramdam?" Sambit ni Sei.
" Huh? Teka may sinasabi ka ba?"
" Ewan ko kung anong pakiramdam pero bakit hindi mo mismo alamin ang sagot." Malumanay na sambit ni Sei.
Dito ay biglang nagulat ang Halimaw na butiki ng biglang nawala sa kamay nya si Sei.
" Anong nangyayari?" Bulong nito sa sarili.
Nagulat sya ng makita nya ang sarili sa pwesto nya kanina. Napalingon na lang sya sa kinaroronan ni Sei na ngayon ay nakaturo sa kanya.
" Anong pakiramdam?" Sambit ni Sei.
Sa pag kisap lang ng mata ng halimaw ay bigla nyang naramdaman ang napakasakit na braso at tagiliran nya.
" Ahhh!! Anong nangyayari? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?"
Unti unting nagdurugo ang kanyang likod at tuluyan na syang bumagsak sa kinaluluhuran nya.
" Teka ano bang nangyayari? Namamanhid ang katawan ko, teka nalason ba ako?" Pagtataka nito.
Habang gulong gulo ang isip ay bigla nitong naramdaman na nagdurugo ang kanyang leeg kung saan patuloy na rin kumakalat ang lason sa katawan nya.
Gayumpaman ay pinilit nitong bumangon at tumayo at galit na galit na naglalakad para lumusob kay sei hawak ang kutsilyo nya.
"Anong klaseng kapangyarihan ang meron ka. Sumpain ka! Anong ginawa mo saakin." Sigaw nito.
Nagtataka ito sa paanong nagbalik sya sa kanyang dating pwesto at napinsalaan ng lubos kahit na wala naman itong ginagawang ibang bagay.
Habang galit na galit na sumisigaw ang halimaw ay wala naman imik si Sei na pinagmamasdan lang itong nagdurusa. Sa sandaling iyon ay muling itinuro ni sei ang halimaw na may malamig na titig dito.
Sa pagkakataon na ito ay napunta sya sa pwesto kung nasaan sya kanina at napansin nya na katabi nya si Sei.
Ngunit iba sa kalagayan nya kanina ay si Sei ang may hawak sa ulo nya habang hawak sa kabilang kamay ang patalim na nakadikit sa kanyang leeg.
Napagtanto ng halimaw na tila nagpalit sila ng pwesto at sitwasyon pero hindi malinaw sa kanya kung paano sya nagawang saktan ni Sei gamit lang ang pagmanikula sa oras.
Hindi makapaniwala ang halimaw sa nangyayari sa kanya at tila ba pinaglalaruan na lang sya ni Sei sa loob ng teritoryo nya. Napupuno sya ng takot at pangamba dahil hindi nya man lang magawang makagalaw sa pwesto nya.
" Ngayon pwede mo ng masagot ang katanungan mo kanina, ano nga bang pakiramdam ng malapit ng malagutan ng hininga?" Sambit ni Sei.
" Sumpain kang babae ka, kung papatayin mo ako ay gawin mo na dahil sa oras na mawala ang lason sa akin ay tatapusin kita." Pagbabanta nito.
Dito ay bigla syang binitiwan ni sei at ibinaba ang braso na may hawak ng kutsilyo habang sinasabi na hindi nya kailangan dungisan ng dugo ang kamay nya dahil mismong ang halimaw ang papatay sa sarili nya.
Pina alam nya dito na mamamatay ang halimaw na butiki dahil sa sariling kagagawan at kapangyarihan.
Nakita nito ang mga marka sa katawan ni Sei at nabatid na ginagamit nito ang crimson curse laban sa kanya at dito napagtanto na dahil sa kakayahan nito ay posibleng nailipat sa kanya ang lason na nasa katawan ni Sei.
Unti unting nagdurugo ang ilong nya at mga mata at nabatid nya na unti unting ng sinisira ang katawan nya ng lason at hindi nya ito maiiwasan.
Napupunonsya ng galit at takot sa mga sandaling iyon dahil alam nya na nalalapit na ang kanyang kamatayan.
Ilang sandali pa ay naglakad si Sei papunta sa harap ng halimaw at kalmadong nakipag usap dito na tila napaka kampante nito.
" Ang sino mang kayang komontrol sa nakalipas ang syang makakakontrol sa kasalukuyan at kung sino ang komokontrol sa kasalukuyan ay may kakayahan kontrolin ang hinaharap." Sambit nya.
" Ako ang humahawak sa oras sa lugar na ito, ako lang at wala ng iba. Kaya ikaw na nagkasalang lubos sa batas ng diyos at endoryo papatawan ka ng parusa na nararapat sayo.
Dahil sa lugar na ito mismo matatapos ang oras mo."
Nabalot ng gintong awra si Sei habang nakatitig ng malamig sa kanyang kalaban.
Ep 39 part 2