Chapter 14 Part 2 


Nung bumaba na kami sa pasilyo ay marami ang sumasaludo kay Ataparag na nakakasalubong namin.


Sinasagot naman ito ng ngiti ni Ataparag at magandang pagbati, dito mapapansin ko na marami parin ang gumagalang sa kanya bilang leader at heneral.


Bigla kong naisip na itanong sa kanya kung totoo na isa syamg heneral sa pwersa ni sei dahil parang wala sa itsura nya ang nakikipag bakbakan sa labanan.


" Anong ibig mong sabihin hindi ako mukhang heneral?" 


" Ah.. naku wag mong masamain ang sinabi ko hindi kita hinuhusgahan pero kasi ang alam ko libo libo ang mga tauhan ng isang heneral ng pwersa ni Sei pero ang sabi mo nasa limapu lang ang myembro ng team mo." 


" Ah.. yun ba?" 


Dito ipinaliwanag nya na isa syang heneral na nakatoka sa bayan na ito at hindi naman mahirap bantayan ang bayan dahil may iba pang heneral pa umiikot sa bawat bayan kada araw.


Hindi rin kagaya ng ibang heneral na tumatapos ng misyon at naglalakbay sa bawat bayan na sakop ni sei ay mas unti ang kailangan nyang tauhan para lang bantayan ang bawat hanganan.


Gayumpaman may pagkakataon na pinapadala sila sa ibang bayan kada isang daang araw para pumalit sa ibang nakatoka doon. 


" Ako ang may pinakamaliit na hanay dahil na rin sa hindi naman ako binibigyan ng vice commander ng mabibigat na misyon kundi madalas pinagbabantay nya lang ng mga hanganan ng mga teritoryo." Dagdag nito.


Pero hindi nya ba napapansin man lang na napakalaki ng diperensya ng tatlongpung libong tauhan ng ibang heneral kung ikukumpara sa limampung sundalo na ibinigay lang sa kanya para pamunuan.


Napaisip ako na tila hindi rin nagtitiwala si Aoi sa kanyang pamumuno na kahit isa syang heneral ay mas marami pa sa isang kapitan ng hukbo ang bilang ng kanyang tauhan.


Ang pinagtataka ko ay paano sya kinikilala ng lahat bilang heneral sa kabila ng kanyang mga kahinaan lalo na hindi naman sya mukhang malakas at matalino.


Pero pabor naman saakin na malaman na pagbabantay lang ang gawain nila kung sakaling mapunta ako sa team nya.


" Mister nathaniel, gusto mo bang kumain sa labas bago tayo bumalik sa dorm?"  Alok nito.


" Ah .. eh ok yan para saakin pero hindi ba pinababalik ka na sa tungkulin mo?" Sambit ko rito.


" Hmm..  ang tungkulin ko lang naman ay mag ikot sa bayan at isa isang puntahan ang mga pwesto ng mga tauhan ko. Kaya marami akong libreng oras." Sambit nito.


Napakadaling trabaho kung tutuusin para sa isang heneral, nagsisimula na akong magduda talaga kung paano sya na promote bilang isa sa pinakamataas na leader ng mga sundalo ng kaharian.


Ilang saglit pa ay lumabas na kami sa gusali at sinamahan sya mag ikot sa bayan.


Mainit ang araw pero tuloy ang paglalakad namin at pagpapatrolya kaya naisip ko na hindi rin pala madali ang gagawin ko kung sakali.


Habang nag iikot kami ay panay ang pag papaliwanag saakin ni Ataparag at pagpapakilala sa mga gusali at mga lugar na madalas nilang puntahan.


" Dito sa plaza na ito madalas kami tumatambay dahil marami ang nagpupunta dito. Kailangan natin na bantayan ang mga kilos ng mga tao dito at tiyakin ang kaligtasan nila." 


Ang gana nya magpaliwanag at ibida ang kanilang dedikasyon sa pag papanatili ng kapayapaan sa bayan pero ang alam ko ay isa itong bantay saradong syudad at bago ka makapasok dito ay kailangan mo muna ng permiso at magpasa ng maraming requirement.


Protektado rin ito ng anti magic barrier kung saan limitado ang pag gamit ng crimson item sa lugar na ito at sa oras na may magtangkang gumamit nito ay agad na mapapasailalim sa mataas na uri ng sealing spell kaya kahit may mang gulo dito ay madaling mahuhuli ng mga sundalo.


Sa madaling salita ay walang masyadong trabaho ang mga tauhan nya kundi magmasid sa mga mamamayan at hintayin na matapos ang araw. 


Lumipas pa ang ilang minuto ay pumasok kami sa isang kainan at inaya nya akong kumain dito.


Malaki ito at bawat lamesa ay may sariling pwesto at pagitan sa bawat isa. Marami itong costumer na ibat ibang lahi at karamihan sa mga tauhan nito ay mga taong kagaya ko.


" Mabuti pa humanap ka na ng mauupoan natin at ako na ang pipila para mag order. " 


Pumayag ako sa kanyang sinabi at naghanap ng mapupwestuhan hanggang makarating ako sa dulo at makakita ng pwesto para saaming dalawa.


" Ok na siguro dito." 


Habang nakaupo at naghihintay ay may bigla akong napansin sa kabilang lamesa. 


Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa pwesto na yun na labis kong ikinagulat.

Hindi ko lubos maisip na matatagpuan ko ang hinahanap ko sa lugar na iyon.


Ang tinutukoy ko ay ang anghel na si Koko na kasalukuyang kumakain sa kabilang mesa kasama ang isang binata.


" Ikaw! Nandito ka lang pala koko !!" Sigaw ko dito.


"Huh? " Sambit nito na tila wala lang sa kanya na makita ako.



undefined

Alabngapoy Creator

Part 2 of episode 14