Chapter 25 part 2 


Nathaniel POV .


Nagulat ako sa nabangit saakin ni Melon na maaari kong magamit ang Last wish para magkaroon ng kapangyarihan.


Kung maaalala ko ay pwedeng ako humiling ng mga bagay dito maliban sa pagkabuhay, pagkamatay o ano mang bagay na makaka apekto sa panahon at oras.


Napaka lakas na kapangyarihan ngunit isang beses mo lang itong pwedeng mahiling.


Nakakasabik pero bigla kong naisip paano kaya kung hilingin ko na matapos na ang misyon ko o hindi kaya wala ng digmaan na maganap sa mundong ito.


" Mukhang magsasayang lang tayo ng last wish sa ideya mong yan. Ang kapangyarihan na iyon ay limitado lang sa kapakinabangan ng humiling at hindi nito pwedeng ibahin ang bawat saloobin at kapalaran ng mga nilalang. " Sagot ni Melon


Ipinaliwanag nya na ang digmaan dito ay resulta ng pag ganti at galit ng mga nilalang kaya kung hihilingin namin na maglaho ang digmaan dito ay ibigsabihin kailangan namin na buburahin ang mga kasaysayan at dahilan ng pagsisimula ng digmaan.


Kung iisipin mabuti na para lang sa kapakinabangan ko lang ang pwede nitong ibigay kaya kung hindi posible ang kapayapaan sa mundong ito ay baka pwede kong hilingin na magkaroon ng napakalakas na kapangyarihan.


" Maaari naman nating hilingin iyon gayumpaman natatakot ako sa maaaring maging resulta nito lalo na isa ka lang tao sa mundong ito." 


" Anong ibigmong sabihin?" 


Ipinaliwanag nya na kahit magtaglay ako ng malakas na kapangyarihan ay hindi nito matatangal ang limitasyon na kaya lang gawin ng tao. Maaaring matulad lang ito sa pag gamit ko sa crimson item ni ataparag na dahil sa hindi kinakaya ng katawan ko ang pag galaw ng mabilis ay sumusuko ito.


Naisip ko na totoo nga na hindi kinaya ng mga paa ko ang pwersa ng mabilis na pagtakbo kaya nga halos namaga ito kanina dahilan para hindi ko man lang ito maiapak sa lupa.


Ipinaliwanag nya na kung sakaling may harapin akong matinding laban sa hinaharap at maabuso muli ang katawan ko ay kahit na may tinataglay na malakas na kapangyarihan ay maaari parin akong matalo.


" Hindi ko alam na marami palang kondisyon ang kapangyarihan mo, ano ba ang pwede ko lang hilingin dyan?" Tanong ko.


Sa pagkakataon na iyon ay nabangit nya kung sya ang mag iisip ng paraan na pwede hilingin ko ay mas makakabuti na isang abilidad na maaaring magamit ng isang normal na tao na hindi masyadong maaapektuhan ang katawan ko.


" Magandang ideya sige tulad naman ng ano?" 


Lumipas ang ilang minuto ay nanatili lang kami sa gusali at inaakala na maaari kaming magtago doon hangang maubos ang oras ngunit ang hindi namin alam ay may nagmamatyag na saamin.


Naramdaman ni Melon na may nilalang na patuloy na lumalapit ng mabilis sa kinaroroonan ko at mukhang aatake ito saakin.


" Ano? Teka paano naman ako nakita nya dito?" 


Nagpanik ako at nagmadaling tumakbo papasok ng gusali para magtago pero pagbaba ko ng hagdanan ay nakaharang sa daanan ang mga malilit na halimaw na tila nagulat din sa biglaan kong pag dating kaya naman bago pa sila umatake saakin ay mabilis na akong bumalik sa itaas.


Hinabol nila ako pero nagawa kong makalabas ng pinto at maisara ito dahilan para makulong ang mga ito sa loob.


" Mukhang na trap na ako dito." 


Napapalakad ako paatras palayo sa pinto at humahanap ng paraan para makaalis sa lugar ngunit sarado ang rooftop na ito at walang ibang daan kundi ang pinto.


Alam ko sa sarili ko na ano mang oras ay mawawasak ng mga halimaw ang pinto na sinarado ko at kapag nangyari iyon tiyak pagpipyestahan nila ako.


" Hindi maganda ito pero teka hindi naman pala ako mamamatay dito kaya siguro wala akong dapat ikatakot diba? " Sambit ko habang kinakabahan.


" Oo naman pero pwede ka parin naman makaramdam ng matinding sakit at maputulan ng braso o kaya naman mga paa kaya kung ako sayo kumilos ka na agad para umalis sa lugar na ito." Sagot ni Melon.


" Madaling sabihin yan pero paano naman." 


Habang aligaga akong nag iisip ng paraan ay biglang may kung sinong nagbuga ng bolang apoy saakin.


Tinamaan ako at tinupok nito hangang magpagulong gulong ako sa lupa.


" Hahaha ayos nakita rin kita, napakadali naman nito." 


Isang aplikante na napapalibutan ng apoy sa katawan ang nakalutang ngayon sa itaas ni nathaniel at nag aabang na matupok ang binata.


Patuloy na sumisiklab ang apoy hangang sa biglang kumilos si Nathaniel ng napakabilis paikot ikot sa paligid dahilan para mawala ang apoy.


" Anong nangyayari?" 


Laking gulat ng aplikante sa nakita at nagtataka kung paanong nakaligtas si nathaniel at hindi man lang tinablan ng apoy ang katawan nito.


" Muntik na ako dun. Buti na lang naglaho agad ang apoy bago pa ito tuluyan uminit ng todo." 


Ipinaliwanag ni Melon na protektado ako sa mga bagay na papatay saakin kagaya ng una  nitong itinira pero kapag nawala na ang proteksyon at nakaramdam na ito na ligtas na ako sa kamatayan ay maaari na akong maapektuhan ng iba pang mahihinang atake kagaya ng mapaso ng apoy.


Binilin saakin ni Melon na iwasan maging kampante at palaging salohin ang mga atake ng kalaban ko dahil hindi lahat ng atake ay magbibigay ng mabilisan pagkamatay saakin.


" Sa tingin mo talaga sinadya kong salohin ang atake nya? " Sambit ko rito.


Habang nagpapahinga ako ay bigla ulit akong tinira ng fireball ng apllikante pero mabilis ko lang itong naiwasan.


" Aba, wala akong nararamdamang malakas na enerhiya sayo pero hindi ko inaasahan na gumagamit ka pala ng crimson item."


Nagpakawala ng enerhiya ang katawan nya na lalong nagpasiklab ng apoy na gumagapang sa buong katawan nito.


Minaliit nya ang pagiging mahina kong tao at kahit na may tinataglay akong crimson item ay wala akong kalaban laban sa katulad nyang may natural na abilidad.


" Huh? Kung ganun natural na abilidad mo ang kakayahan mo na maglabas ng apoy?" 


Ipinaliwanag nito na isa syang Fireo na mga nilalang ng apoy mula sa kanlurang demon contenent at pinanganak ang uri nila na taglay ang mahika na kontrolin ang apoy.


Ipinagmalaki nya na hindi nya kailangan ng crimson item para maging malakas dahil natural ang pagiging malakas nya at kaya nya akong matalo ng napakadali.


Nagulat ako sa nalaman ko at hindi makapaniwala dahil tila ba isa itong pagkakataon para saakin.


" Tamang tama nathaniel gusto mo bang subukan ang iyong kapangyarihan? "  Sambit ni Melon.


Muling nag ipon ng bolang apoy ang aplikante at tinatangkang ibato ito saakin. Alam ko na hindi yun malakas katulad ng una nyang itinira kaya kailangan kong iwasan ang mga ito.


Bago pa tumama ang fire ball ay muli ko ng ginamit ang crimson item at tumakbo ng mabilis.


" Hangang kailan ka kaya makakatakbo sa lugar na ito." 


Patuloy syang nagbabato ng fireball at kada bato nya ay nag iiwan ito ng tila siga na patuloy na nagpapakawala ng apoy.


Napansin ko agad ito at parang lumiliit ang paligid at lugar na pwede kong puntahan para iwasan ang atake nya dahil sa mga apoy sa paligid.


Hindi ko rin sya basta pwedeng atakehin dahil nakalutang sya sa ere at ang tanging paraan para maabot ko sya ay tumungtong sa mataas na bagay.


Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko dahil wala akong makitang bagay na pwedeng matunngtungan para maabot sya.


" Katapusan mo na kutong lupa." 


Alam ko na kailangan may gawin ako kahit na ano kaya naman nagpunta ako sa harap ng pinto at bago pa ako tamaan ng fireball at mabilis akong umilag dito.


Sa sobrang lakas ng atake nya ay nawasak ang pinto papasok ng gusali at ilang sandali pa ay biglang naglabasan ang mga halimaw dito.


" Ano?" 


Agad na nilusob ng mga ito ang lalaking iyon at nilundagan ng mga ito. Naging alerto naman ito at nagawa nyang maiwasan at maatake ang mga halimaw na lumulundag sa kanya.


Gayumpaman masyado itong marami at ilang sandali pa ay may humatak na sa kanyang binti pababa hangang hindi nya na makontrol ang paglipad nya.


" Bitiwan nyo ko mga basura." 


Nakagat sya ng isa sa mga ito at dahil doon lalo syang nagalit at nagpakawala ng napakalakas na siklab ng apoy sa buong katawan.


" Mga hangal, malusaw kayo!" 


Natupok ng apoy ang mga halimaw ng malapit sa kanya at tinangka nito na muling lumipad para iwasan pa ang ibang halimaw.


Sa pagkakataon na iyon ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo ng mabilis at atakehin sya.


" Ayos, pagkakataon ko na." 


Nahalata nito ang pagtakbo ko at mabilis na lumipad paitaas ngunit nagawa kong pumatong sa mga halimaw hangang sa pinakamataangkad sa kanila at walang takot na tumalon hangang sa dulo ng gusali. 


Alam ko na napaka delikado nito dahil kung hindi ko sya maaabot ay mahuhulog ako mula sa itaas ng limang palapag na gusali pero wala na akong pagpipilian pa.


" Paanong ?" 


Nagawa kong makakapit sa likod nya habang tinatangka nyang umalis at dahil doon ay nahirapan itong makalipad ng maayos.


" Bitawan mo ako kutong lupa ka!" 


Habang mahigpit akong nakakapit sa kanya ay biglang lumabas sa hood ko si Melon at sinabi.


" Gawin mo na, ilabas mo na ang itinatago mong kapangyarihan." 


" hand of Kula" 


Nagkaroon ang mga kamay ko ng pulang cristal at nagsimulang umilaw.


Inihawak ko ito sa lalaki na patuloy ang pagpalag sa pagkakapit ko.


" Anong ginagawa mo , hoy! Umalis ka dyan." 


Ilang sandali pa ay unti unting naglalaho ang apoy sa katawan nya kasabay ang aming unti unting pagbagsak sa kabilang gusali.


Dumaosdos kami pareho at gumulong sa lapag pero agad akong bumangon para makapaghanda.


" Ayos nagawa ko. Ang galing." 


Namamangha ako sa nangyari saakin, hindi ako makapaniwala pero nakakaramdam ako ng mainit na bagay na dumadaloy sa katawan ko.


Tinitignan ko ang mga kamay ko habang nababalutan ng enerhiya ang buong katawan ko.


" Gamit ang kapangyarihan ni Kula ay kaya mong higupin ang enerhiya ng mga nilalang para maging sayo." Sambit ni Melon.


" Wow, ang galing naman nito." 


" Maliit na bagay, hindi pa yan ang pinaka espesyal na katangian ng kapangyarihan ni Kula." 


Habang namamangha sa pagkakaroon ko ng enerhiya sa katawan ay muling tumayo ang lalaki at galit na galit.


Hingal na hingal ito na tila pagod na pagod sa nangyari. Nanginginig ang mga tuhod nito at nanghihina.


" Anong ginawa mo saakin? Bakit pakiramdam ko nanghihina ako?" 


Naglabas sya ng napakalakas ng siklab ng apoy at tinangkang umatake saakin ng fireball.


" Ngayon Nathaniel gamitin mo ang enerhiya na yan kasabay ang crimson item para atakehin sya." 


Magaang ang pakiramdam ng katawan ko dahil sa mainit na enerhiya na dumasaloy saakin at sa tingin ko kaya ko syang patumbahin gamit ang kamao ko.


Bumwelo ako at naka akma ng suntok at kasabay ng pagbato nya ng fire ball ay agad akong tumakbo gamit ang crimson item.


Habang tumatakbo ng mabilis ay sumiklab mula sa braso ko ang apoy, pumalibot ito sa katawan ko na tila ipo ipo hangang sa tumama ang suntok ko sa fire ball.


Naglaho ang fireball at winasak lang ng pag atake ko hangang sa demeretso ito papunta sa kalaban ko.


" Paanong? Hindi maaari " 


" Humanda ka! Tikman mo ang kamao ko!!" 


Sapol sa mukha ang lalaki at halos umikot ikot sa ere habang tumatalsik. Tumama ito sa pader ng gusali na iyon at tuluyang nawalan ng malay.


Laking tuwa ko na nagawa ko itong matamaan at sa unang pagkakataon ay may natalo ako sa pakikipaglaban.


" Nagawa ko, nakita mo ba yun? Nasuntok ko sya at natalo!" 


Tuwang tuwa ako at hindi makapaniwala sa nangyari habang dinadama ko ang enerhiya sa katawan ko kasabay ang pagsiklab ng apoy sa mga braso ko.


" Pambihira ito pero bakit nga pala ako may apoy sa katawan kagaya nya? " 


" Ayan ang Epekto ng Hand of Kula, hango yan sa taglay na kapangyarihan ng isa sa pinakamalakas na Warlord na nabuhay noong unang panahon sa Endoryo." 


Ipinaliwanag nya na nung iutos nya na hilingin ko sa kanya na makuha ang kapangyarihan ang warlord na si Kula Stormrage ay agad na tinupad ito ng Last wish


Gamit ito ay kaya nitong higupin ang kapangyarihan ng kalaban sa katawan nito. Hindi lang ang enerhiya nito kundi pati ang abilidad nito na tinataglay.


Gayumpaman binangit nya ang limitasyon ng kapangyarihan ko na ang tanging kaya lang nitong mahigop ay mga natural na kapangyarihan at abilidad at hindi ang mga kapangyarihan na nagmula sa crimson item, eye at Curse.


" Alam mo kasi Nagmula ang mga iyon sa celestial na si Crimson kaya hindi ito sakop ng kapangyarihan namin lalo na sa kapangyarihan ni Kula na nagmula sa ibang mga celestial." 


" Huh? Ibang celestial? Kung ganun may ibang celestial sa mundong ito maliban sainyo?" 


Ipinaliwanag nya na hindi naman bago ang pagkakaroon ng celestial sa ibat ibang planeta dahil minsan dito sila namamahinga at natutulog ng mahabang panahon. 


" Gayumpaman hindi mo na kailangan malaman pa ang mga bagay na iyon at isa pa mahirap pakisamahan ang mga celestial dahil iba ang takbo ng pag iisip nila at kaya nilang gawin ang lahat sa isang kisap mata kaya magpapasalamat ka na lang at wala ka pang nakakatagpo maliban kay Koko." 


Kung sa bagay kung ang baliw na anghel na si Koko nga ay sobra na sa pang aabuso sa kapangyarihan na  taglay nya paano pa kaya ang isang mala diyos na nilalang.


At sa isang banda maging si Crimson masasabi kong mapang abuso rin lalo na ginawa nyang parang laro lang ang mundong ito.


Dahil doon sumagi sa isip ko na kung ako ang gumawa ng mundong ito gamit ang kwento nga komiks ko ay ibig bang sabihin nun ako ang gumawa kay crimson?


" Hindi mo talaga nauunawaan ang lahat, isang celestial si Crimson at ang dakilang lumikha ang gumawa sa kanya napakakomplikado pero gayumpaman ipapaliwanag ko sayo." 


Ipinaliwanag nya na naunang nilikha ni Crimson ang daigdig ng endoryo at ang sistema ng mundong ito gayumpaman ang tadhana na naghihintay dito ay dumepende sa isinulat ko.


Maging si Crimson ay hindi alam ang bagay na mangyayari sa hinaharap ng endoryo dahil mas malakas ang kapangyarihan ng book of life sa tinataglay nya. 


' Pwede rin natin sabihin na nilikha ni Crimson ang mundong ito alinsunod sa isinulat mo at nabubuhay ang bawat nilalang dito dahil itinakda mo silang mabuhay sa endoryo para sa kani kanilang mga gagampanang papel sa mundong ito." 


" Ganun ka komplikado ang lahat dahil walang limitasyon ang kapangyarihan ng dakilang lumikha." 


Sinabi rin ni Melon na kaya ni Koko na baguhin ako bilang malakas na nilalang kung gugustuhin nya lalo na pwede nyang gamitin ang libro pero hindi nya maunawaan kung bakit hindi ito ginawa nito na tila ba may galit saakin.


" Ewan ko sa isang iyon pero base sa kanya gusto nya malaman at maunawaan ko ang pagiging diyos sa mundong ito." 


" Pagiging Diyos mo? Napaka komplikado ng gusto nya dahil karamihan sa mga nandito ay galit sa diyos o mga hindi naniniwala sa kalangitan kaya naman madidismaya ka lang kung aasahan mong sasambahin ka nila dito." Sagot ni Melon


Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa mga bagay tungkol sa kalangitan dahil hindi ko rin naman magagawang intindihin ito lalo na isa lang akong normal na tao at wala rin naman akong magagawa sa mga bagay na hindi ko kontrolado.


Habang nag iinat ako ay biglang naglaho ang apoy sa katawan ko at lumipat rin ang cristal sa kamay ko papunta sa braso ko.


Pag angat ko sa jacket ko sa braso ko ay nakita ko ang sampung cristal sa dalawa kong mga braso.


Nagulat ako sa nangyari habang hinahawakan ang cristal dahil napakaweird ito sa pakiramdam habang nasa balat ko.


" Teka para saan naman ang cristal na ito? "


Ipinaliwanag ni Melon na isa itong energy core kung saan naiipon ang enerhiyang nakukuha ko sa isang nilalang. Binangit nya na maaari kong magamit ang bawat isa dyan kahit kailan ko gustuhin gayumpaman ay sa oras na maubos ang enerhiya ng cristal ay maglalaho din ang nakuha kong kakayahan sa isang nilalang.


" Hindi permanente itong tataglayin mo ngunit maaari mo naman itong makuha ulit kung kukunin mo ulit ito." 


Nalaman ko na may kondisyon din pala ang kakapangyarihan ko at hindi naman ito ganun kasama.


Ang mahalaga ngayon ay mayroon na akong magagamit na kapangyarihan at gamit ito kaya ko ng lumaban sa kahit na sino.


Nararamdaman ko na mag iiba na ang sitwasyon mula ngayon at nasasabik na akong makita kong anong mangyayari.


Napaka saya ko ngayon lalo pa may malakas na akong kapangyarihan na dapat naman talaga tinataglay ko kung hindi dahil lang sa baliw na anghel na yun na gusto akong maghirap at magdusa sa mundong ito.


" Ito na ang oras para sa masaya kong pakikipagsapalaran sa mundong ito. Sambit ko habang sumusuntok sa langit.




Alabngapoy Creator

Part 2 ep 25