Chapter 32 part 2 


Tatlong oras ang lumipas habang nakaupo ang apat sa itaas ng karwahe at nagbabantay.


Nananatiling nagmamatyag ang mga ito sa galaw ng mga halimaw sa loob ng gubat.


" Napakarami naman ng mga halimaw ngayon, teka normal pa ba ang bagay na yan dito?" 


Ipinaalam kay Nathaniel na napakaraming halimaw na nakatira sa kagubatan ngunit hindi sila madalas makitang nagsasama sama katulad ng nakikita nila na nag aabang.


Hangat may cristal of protection na nasa mga poste na pumipigil sa mga ito na makalapit sa pangunahing daan ay ligtas ang mga manlalakbay.


" Teka talaga bang hindi ka papasok sa loob ? Kapag may nangyaring masama sayo dito ay wag mong aasahan na ililigtas ka namin." Sambit ng elf.


" Wag kayong mag alala hindi lang halata sa itsura ko pero may kakayahan naman akong pangalagaan ang sarili ko sa iba." Sagot ni nathaniel.


" Huh? Talaga lang ah, ikaw na isang tao ?"  Pagsusungit nito sa kanya.


Dahil sa kagaspangan ng ugali nito ay agad na pinahinto ito ni Harik at humingi ng pasensya kay nathaniel.


" Pag pasensyahan mo na si Aibara kung nasusungitan ka nya, ayaw ka lang nyang mapahamak." 


Agad na nagreact si Aibara sa narinig nya at itinangi ang sinasabi ni Harik na nag aalala sya sa binata bagkus ayaw lang nito na may pabigat.


Napangiti na lang si Nathaniel habang sinasabi na hindi sya magiging pabigat sa mga ito at kung may pagkakataon na mapahamak sya ay hayaan na lang ito.


Dahil sa sinabi ni Nathaniel ay lalong nairita si aibara sa tila pagyayabang nito kahit na isa lang itong hamak na tao.


" Mayabang ka pero kahit hindi mo na sabihin yan dahil wala talaga akong intensyon na tulungan ka kapag nanganib ka." Pagsusungit muli nito.


Ilang sandali pa ay muling nagtanong si Nathaniel sa mga ito kung bahagi ba sila ng kaharian ng galica.


" Ah.. hindi, ang bayang pinag mulan namin ay bahagi ng teritoryo ng columbus na si Payto na isang Gerobi." 


Ang kaharian ni Gerobi ay malapit lang sa teritoryo ni sei kaya naman madali sa mga taga doon na maglabas pasok sa bansa.


Ipinaalam nya na hindi kagaya ng ibang kaharian ay walang bantay ang mga hanganan sa teritoryo ni Sei kaya madali lang itong mapasok kahit na ang mga bandido o kriminal.


Nasabi rin nila na minsan lang sila makakita ng mga sundalo na nag iikot sa mga teritoryo at para sa kanila ay hindi masyadong binibigyan ng pansin ni Sei ang seguridad ng mga mamamayan nya.


" Ang totoo bago kami magpunta dito ay marami kaming nadaanan na mga malilit na bayan na inaatake ng mga bandido." 


" Ano? Inaatake? Teka ano naman ang ginawa nyo?" 


Dito biglang sumabat si Aibara at inamin na pinabayaan lang nila ito at inuna na tumakas dahil mas mahalaga ang mga buhay nila kesa tulungan ang iba.


" Tumakas kayo?" 


" Malamang, mga adventurer kami at hindi bayani at isa pa tungkulin ng gobyerno ng galica ang pag protekta sa mga nasasakupan nya." Pag susungit ni Aibara.


Nalungkot si Nathaniel sa nalaman nya pero alam nya na hindi nya pwedeng husgahan ang mga ito dahil pinahahalagahan lang ng mga ito ang mga buhay nila.


Nagtatanong din sya sa isip nya kung bakit hindi nagpapadala si Sei ng mga tauhan para pangalagaan ang mga bayan na sakop ng pamumuno nya.


" Alam mo ninais din naman namin na tumulong pero libo libong halimaw ang naroon kaya nagdesisyon kaming umatras at magtago." Sambit ni Harik.


" Hindi rin biro ang mga bandido na nakita namin doon, kilala sila bilang black scorpion at kinatatakutan kahit na ang mga taga eskapa." Dagdag ni masaw.


Biglang naalala ni Nathaniel ang tungkol sa ginawa nyang storya kung saan mababangit ang black scorpion na palaging humahabol kay Suwi.


Ayon sa storya ay kasama sa wawasakin ni Suwi ang buong black scorpion pagkatapos nitong makuha ang aegis of immortal.


Gayumpaman naiisip nya na kung nasa bansa ito ng galica ay ibig lang sabihin ay magtatagumpay ang mga ito na ubusin ang mga bayan na nasasakupan ni Sei at walang makakapigil sa kanilang gawin ito.


Habang nag uusap ay biglang kumalam ang sikmura ni Nathaniel kaya naman kinausap nya si Melon na mag labas ng pagkain.


Agad naman na lumabas sa loob ng hood nya si Melon at nagluwa ng isang basket. Ang basket na iyon ay naglalaman ng pagkain pang piknik.


" Wow ang galing teka isa bang mythical pet yang alaga mo? Paano nya nagawang maglabas ng bagay sa loob ng bibig nya." Tanong ni Masaw.


Dito ipinakilala nya si melon bilang partner nya at ipinaalam na isa sa kakayahan nito ay ang magtago ng bagay sa loob ng katawan nya maliban sa mga buhay na nilalang.


Agad na binuksan ni Nathaniel ang basket at napupuno ito ng mga pudding, cake at mga softdrinks.


" Mag meryenda muna kayo." 


" Ano? Teka sigurado ka bang ibibigay mo ang pagkain mo saamin? " Tanong ni Masaw.


" Naku walang problema saakin dahil  maraming pagkain sa loob ng katawan  ni Melon at isa pa bihira akong makakita ng mga nilalang na mabuti ang pakikitungo sa kagaya kong tao kaya bilang ganti ay ipapatikim ko sainyo ang napakasasarap na mga pagkain na ito." 


Dito ipinagmamalaki nya ang mga meryenda na nagmula sa earth habang inaabot ang mga ito kanila masaw.


" Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagkain at mukhang mamahalin ito." 


" Hm.. hindi naman ganung kamahal pero sa tingin ko hindi mo ito makikita kahit saan sa bansang ito." 


Bakas sa mukha ni Aibara ang pagkatakam sa pagkain na nakikita nya pero pinipigilan nya na kunin ang mga iniaabot ni Nathaniel.


Pinilit ng binata na tangapin ni Aibara ang binibigay nya pero lalo itong tumangi at sinabi sa binata na wala syang nakikitang dahilan para bigyan sya ni Nathaniel ng libre lalo pa naging masama ito sa kanya.


" At isa pa malay ko ba kung may lason ang mga yan, mahirap  magtiwala sa di mo kakilala lalo na sa isang taong kaduda duda ang kasuotan."  Dagdag ni Aibara.


" Ganito ang pananamit sa pinangalingan ko kaya ano naman magagawa ko at isa pa bakit ko naman kayo lalasunin? May mga pera ba kayo o mga mahahalagang tao para pagbalakan na patayin ng taong kagaya ko?" Sagot nito.


Habang nag uusap ay nagsimula ng kumain si Masaw kaya naman nagalit agad si Aibara dahil tila hindi pinapakingan ang babala nya tungkol sa pagtangap ng pagkain sa ibang nilalang.


Halos manlaki naman ang mga mata ni Masaw at hindi makapagsalita ng matikman nya ang pudding na binigay sa kanya.


" Kitam, ano na ? Buhay ka pa ba?" 


Ilang sandali pa ay bigla itong napasigaw at pinuri ang ang lasa ng kinain nyang pudding. 


" Napakalabot at sobrang sarap ng pagkatamis nya. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klaseng pagkain." 


Dahil doon ay tumikim din si Harik at kagaya ng reaksyon ni Masaw ay sobra din itong nasarapan sa tinapay na kinain.


" Pambihira, ibang iba ito sa nabibili sa pamilihan sa mga bayan." 


Napangiti na lang si Nathaniel dahil nagustuhan ng mga ito ang ibinigay nya at nagpapasalamat sa isip nya na minsan syang nag service noon sa isang coffee shop kung saan may mga pagkain syang nahahawakan at nakikita.


Gamit ang alaala nya ay nagagawa ni Melon na makagawa ng mga bagay na ito gamit parin ang kapangyarihan nito.


Ilang saglit pa ay iniabot naman nya ang mga bote ng softdrinks sa mga ito at ipinagmamalaki ang lasa nito na hindi nila makakalimutan.


Agad naman kinuha ni Masaw ang cola at ininom. Kasabay nun ay ang pagsigaw nito pagkatapos inumin ang cola.


" Woooaaahh !! Grabe napaka sarap, anong tawag sa inumin na ito? " 


Ipinakilala nya ang tungkol sa mga inumin na inabot nya at sinabing wala pang nakakaimbento ng mga ito sa endoryo kaya naman maswerte sila dahil sila ang kauna unahang nilalang na nakatikim nito.


Habang patuloy na kumakain at umiinom sila harik at masaw ay bakas ang pag kaingit sa mukha ni aibara ngunit nagmamatigas ito at hindi parin kumukuha ng mga pagkain na nasa harap nya para kainin.


Nagpipigil ito sa sarili habang binubulong sa isip na hindi nya kailangan matikman ang mga pagkain na iyon at nagdududa parin kung may lason ba ito o wala.


" Ayaw mo ba talagang kumain? Kung iniisip mong may lason yan eh bakit hindi mo kainin itong akin." 


Inabot ni nathaniel ang kanyang cake at inumin pero umiling lang si Aibara habang sinasabi sa kanya na hinding hindi sya tatangap ng utang na loob sa isang tao.


" Utang na loob? Gusto lang kitang bigyan ng pagkain" sambit ni Nathaniel.


Sumabat si Harik bigla at sinabi na bilang mga adventurer ay madalas na wala silang budget sa pagkain at karaniwan na ito sa mga tulad nila, mahirap sa mundong ito ang supply ng pagkain kaya naman mahal ang pwedeng mabili sa bayan kaya naman malaking bagay ang pagbibigay ng binata ng pagkain.


" Oh.. kung sa bagay napansin ko nga mahal ang pagkain sa bayan dahil narin siguro sa kakaunti ang nagtatanim ng mga sangkap nito." 


Napaisip si Nathaniel na dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin ay lalong naghihirap ang mga pangkaraniwang mamamayan doon. Nasanay kasi si Nathaniel na kumain na walang ginagastos at may maayos na tirahan dahil kay Ataparag.


Napagtanto nya rin na kaya madalas magalit si Nyabu sa kanya lalo ng kopkupin sya sa team dahil lalong nagigipit sila sa pera kaya naman dahil doon lalong na appreciate ni Nathaniel ang kabaitan ni Ataparag na handa syang tulungan sa abot ng makakaya nito.


" Kailangan kong mabayaran si Ataparag sa mga naitulong nya saakin." 


Dahil ayaw parin ni aibara na kunin ang pagkain na inaalok sa kanya dahil sa mataas na pride nito ay inalok na lang syang bayaran ng isang pilak ang lahat ng pagkain na naroon kasama na ang mga pagkain na kinain ng mga kasamahan nya.


" Huh? Teka bibilin ko ng isang pilak ang mga yan?" 


Hindi makapag desisyon si Aibara kung bibilin nya ba o hindi ang mga ito kahit na mahahalata sa mukha nito ang pagkatakam.


" Ok, ok isang tanso para sa lahat ng pagkain na ito. " 


Dahil sa narinig ay agad na kumuha ng pera si Aibara at ibinayad kay nathaniel.


Pagkatapos mabayaran ay kumuha agad sya ng isang platito ng cake para tikman ito.


Wala naman masabi si nathaniel sa naging aksyon nito ng biglang kunin ang platito ng cake sa harap nito.


" Oh bakit? Binili ko na ito kaya akin na ito, tama?" Pagsusungit nito.


" Oo naman hahaha, sige lang enjoyin mo ang pag kain." Sagot ni Nathaniel.


Agad naman sumubo ng cake si aibara para tikman ito at natulala na lang pagkatapos makain ito.


" Wow, totoo nga napaka sarap nito." 


Napalitan ng ngiti at pagkagana sa pagkain ang dating masungit at wala sa mood na itsura nito.


Naging magana sa pagkain ang dalaga at tinikman lahat ng mga pagkain na nasa lapag.


Dahil naman doon ay agad syang pinigilan ni masaw at pinagsabihan sa pag ubos ng mga ito.


" Ano namang problema kung tikman ko lahat yan, ako ang nagbayad sa mga ito kaya ibigsabihin akin ang mga ito at nakiki kain ka lang." 


Nagtalo ang dalawa at nauwi sa pag paunahan sa pag kain ng mga ito habang nakangiti naman pinagmamasdan sila ni Nathaniel.


Agad naman napansin ni Aibara ang pag ngiti ng binata habang tinititigan sya kaya naman naiilang sya rito at ipinaalam sa binata na hindi nya nagugustuhan ang pagtitig nito kaya pinapatigil nya si Nathaniel sa ginagawa nito.


" Pwede ba wag mo akong titigan ng ganyan, manyak." 


" Huh? Manyak kaagad ang tingin mo saakin?" 


Kasabay nun ay ang pag inom nito ng cola at muling napasigaw sa sarap na para bang napawi ang uhaw nya.


" Napaka sarap nito, tiyak mahal ito sa merkado. Alam mo ba paano gumawa nito?" 


" Syempre naman, una kailangan mong pakuluan ang ihi ng palaka at ihalo ang dinurog na laman ng ipis tapos iburo ng tatlong araw at makakagawa ka na nyan." 


Dahil sa narinig ay agad na nandiri si Agata sa cola at itinapon ito sa malayo .


" Hoy bakit mo naman tinapon yun, nagbibiro lang ako." Sambit ni Nathaniel.


Nagalit bigla si Aibara sa panloloko sa kanya ni Nathaniel at agad na kinuha ang pana at palaso para itutok ito sa binata.


" Wag na wag mo akong lolokohin ng ganun bwisit kang tao ka!" 


Nagpanik si Nathaniel sa naging reaksyon ni Aibara at agad na humingi dito ng tawad.


Hindi naman mapigilan na hindi magtawanan sila masaw at harik sa naging reaksyon ni Aibara.


Dahil doon ay lalong nagalit ito at naiinsulto kaya naman naglabas ito ng enerhiya at pumalibot sa kanyang palaso.


" Teka huminahon ka naman, oh sige na babayaran ko na lang ang itinapon mo." 


Agad na naglabas ulit si Melon ng isa pang basket ng pagkain at inalok ito ni nathaniel sa dalaga para patigilin ito na atakehin sya.


Napahinto naman si Aibara sa pagpapalabas ng enerhiya sa katawan at nagdadalawang isip na atakehin si Nathaniel hangang sa pumikit ito at agad na ibinaba ang sandata.


Wala itong pakundangan na hinila ang inaabot na basket ng binata habang sinasabi na palalagpasin nito ang ginawa ni Nathaniel sa kanya dahil sa pagbibigay nito ng basket ng cake.


Muli itong umupo habang agad na kumuha muli ng cake sa basket para kainin mag isa. Sa pag kain nito ay napalitan ng ngiti at kasiyahan ang kaninang iritable nitong mood.


" Ang mga babae talaga hindi mo masabi ang topak sa ulo."  Sambit ni Nathaniel.


Bigla nyang naisip na kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Ataparag kapag natikman na nito ang mga pagkain na ipapatikim nya dito kagaya ng cake.


Nakaramdam ang binata ng pagkasabik dahil sa para sa kanya ay isa sa kailangan nya magawa ay ang makitang masaya palagi si Ataparag at nakakabawi sà tulong sa kanya.


Habang naka upo ay bigla syang kinausap ni Melon sa isip tungkol sa pag kuha ng natural na abilidad sa mga ito.


Binangit ni Melon na nararamdaman nya na merong taglay ang mga ito na natural na abilidad na maaaring makuha ng binata at mapakinabangan.


Sa pagkakataon naman na iyon naisip ni Nathaniel ang nangyari sa nakaharap nya na kinuhanan nya ng enerhiya kaya naman natanong nya kung hindi ito magiging delikado gayong pagkatapos nya makuhanan ng enerhiya ang mga ito ay lubos itong manghihina.


" Normal lang naman ito pero ang mas mahalaga ay mapakinabangan mo ang kanilang kakayahan, alam mo ba na hindi naman lahat ng nilalang dito ay may natural na abilidad kagaya nila?" 


" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Talaga bang ipapagawa mo saakin ang bagay na yan ? Hindi naman ako masamang nilalang para maging ganid sa kapangyarihan." 


Dahil sa sinabi ni Nathaniel ay natahimik si Melon at ilang saglit pa ay humingi ng tawad at nag dahilan na ginagawa nya lang ang tungkulin nya at ang sinasabi nya lang dito ang mga bagay na makakatulong kay nathaniel.


Prinangka ni Melon na hangang ngayon ay napakahina ni Nathaniel at walang kakayahan na magligtas ng sino man sa oras na may ibang nilalang na makaharap maliban sa mga nilalang na nalalaman nya ang kahinaan at mga hinaharap.


" Hindi ko alam kung tamang sabihin ko ito pero sa tingin ko kulang ka sa motibasyon at lakas ng loob para maging matagumpay." 


" Alam kong maraming kulang saakin at nais mo lang makatulong pero wag mo naman silang idamay pa dahil mukha naman sila hindi masasamang nilalang ." 


Dahil doon ay tinanong ni Melon ang binata na kung hindi nya kayang kumuha ng abilidad sa mga taong nakapaligid sa kanya ay magagawa kaya nya na kumuha at agawin ang mga natural na abilidad ng mga kriminal at halimaw na makakasalubong nila sa daan.


" Syempre hindi, alam mo naman ang kahinaan ng pagiging imortal ko sa mundong ito kaya naman kung pwede sana ay yung mga bagay na kaya ko lang ang ipagawa mo saakin."  Sambit ni Nathaniel.


Dahil hindi na maunawaan ni Melon ang mga kagustuhan ng binata ay pumasok na lang si Melon sa hood ni Nathaniel habang sinasabi na kung ang binata lang naman ang mamimili ng mga bagay na gagawin nya ay pareho lang ang kalalabasan ng lahat kagaya sa kasalukuyang kalagayan nito na mahina at lampa dahil tila ayaw sumubok at sumugal ni Nathaniel na makipagsapalaran dahil sa natatakot itong mapahamak at mawalan.


" Hindi ako nagkulang ng paalala sayo na kailangan mong maging agresibo at matalino, Hindi mo dapat sinasayang ang oras mo sa ganitong bagay kagaya ng pakikipag kaibigan sa kanila dahil tumatakbo ang oras sa mundong ito at magaganap ang itinakda mong tadhana sa takdang oras ." Pahabol nya.


" Alam ko naman iyon at nagsisikap naman ako pero wag mo naman ako madaliin." Pagdadahilan nito.


" Bahala ka. " sagot ni Melon na may pagkadismaya.


Alabngapoy Creator

Ep 2part 2