Chapter 15 part 1
Isang araw pagkatapos kung mapunta sa lugar na ito at makaranas ng hindi magandang pangyayari ay sa wakas nakita ko na si koko.
Hindi ko inaasahan na sa lahat ng lugar ay makikita ko sya sa isang kainan kagaya nito lalo na habang kumakain at tila nagbabakasyon lang sa mundong ito.
Nakahilera ang napakaraming masasarap na pagkain mula sa mesa nya at halatang enienjoy nya ito na tila hindi nya ako nakikita sa paligid nya.
" Hoy! Wag mo akong isnabin na parang wala ako dito." Sigaw ko rito.
" Alam mo ba ang naranasan ko kahapon dito halos muntik na akong mamatay pagkatapos ikaw makikita kong lang nag eenjoy dito?" Galit na sambit ko.
Hindi ito nakikinig saakin at wala parin itong ginagawa kundi kumain lang kaya naman tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lamesa nila.
" Kahapon pa ako naghahanap sayo."
" Oh... Bakit naman? Ah.. ipipilit mo nanaman na iuwi kita sa earth kasi naduduwag ka at natatakot? " Sambit nito.
Tumawa bigla ito at sa tono ng pananalita nito ay sinisimulan nya na akong laitin at maliitin sa pagpupumilit kong maka uwi.
Napangiwi na lang ako sa pag kairita habang tumatwa ito dahil kagaya ng inaasahan ko ay pagtatawanan nya lang ako at lalaitin lang.
Gayumpaman deretsuhan nyang sinabi saakin na hindi nya na pwedeng gawin iyon at wala syang balak gawin iyon lalo pa kapag iniuwi nya ako ay kailangan nya ring umuwi dahil sa misyon nyang gabayan ako.
" Pero hindi mo naman talaga ako ginagabayan, ginagawa mo lang ang gusto mo dito habang ako nanganganib dito." Sambit ko rito.
" Nahh, hindi ka pa ba nagsasawa sa topic na yan. Sinabi ko na hindi ko kailangan matakot sa mundong ito dahil hindi ka naman mamamatay dito."
Naging malamig ang pakikipag usap nya saakin at pinalalabas na wala syang ibang ginagawa kundi baguhin ang takbo ng buhay ko sa mas exciting at makabuluhang buhay.
" Wag mong sabihin na igugugol mo nanaman ulit ang bago mong buhay dito bilang duwag at talunan?" Pang aasar nito saakin.
Napatigil ako sa sinabi nya dahil natatapakan ang pride ko pero hindi ko naman sya pwedeng kontrahin sa bagay na iyon dahil alam nya ang kwento ng buhay ko sa earth.
Ilang sandali pa ay biglang lumapit si Ataparag saakin para patahimikin ako sa pagsigaw dahil naririnig ito sa buong kainan.
" Hindi ka pwedeng gumawa ng bagay na makakakuha ng atensyon ng iba lalo pa kasama mo ako na nakaduty mister nathaniel." Dagdag nito.
Napansin ni Koko ang kasama ko kaya naman nakangisi ito saakin habang sinasabi na parehas lang kaming nag eenjoy sa lugar na ito.
" Ang dami dami mong sinasabi kanina tapos mahuhuli kita ngayon na nakikipag date sa magandang babae ng ganito kaaga." Sambit nya.
" Da-da-date?" Nabiglang reaksyon ni Ataparag.
" Naku, hindi pwede mister nathaniel. hindi ako pwedeng maki pag date sa oras ng duty ko. Aligagang sambit nito.
" Wag mong intindihin ang sinasabi ng baliw na yan miss ataparag." Sambit ko rito.
Dahil sa nakita ni Koko na hindi pa kami nakaka order ay inalok nya kaming sumalo sa kanya gayung napakarami nyang biniling pagkain dahil sa pagkapanalo sa palaro sa tore.
" Oh.. kung ganun kaya ka nawala kahapon dahil naglaro ka sa tore."
Dito hindi nya itinangi ang bagay na iyon at sinabi ang plano nyang enjoyin ang pananatili nya doon para sumubok ng bago.
Binangit nya na libong taon syang nag antay sa boring na lugar sa kalawakan at isama pa ang higit dalawamput limang taon na pagbabantay nya saakin sa earth kaya para sa kanya deserve nya ang mga bagay na ginagawa nya.
Hindi ko alam kung tama pa ba ang naririnig ko gayung isa syang anghel ng diyos.
" Mabuti pa miss ataparag ay sumalo na tayo dito at ubusin ang pagkain na binili nya para makabawi naman ito saakin."
" Pero hindi ba nakakahiya?"
" Wag kang mahihiya lalo na sa isang ito malaki ang atraso nya saakin, sya ang dahilan kaya ako napunta sa lugar na ito at muntik na mapahamak."
Naupo na kami at nagsimulang dumampot ng pagkain at habang kumakain ay tinanong ako ni Ataparag kung sino nga ba si koko at ano ang kaugnayan ko dito.
Hindi pa man ako nakakasagot at sumabat na agad si koko para sagutin ang tanong at sa paraan na ikinatutuwa nito.
" Ako nga pala si Koko at anak ko si nathaniel." Sambit nito.
" A-a-anak ? Nanay mo sya mister nathaniel?" Nagulat na reaksyon nito.
" Oh .. ang totoo ako ang tatay nya." Sagot agad ni koko.
" Tatay ? Pe-pe-pero?" Pagkabigla nito
Napadabog ako sa mesa habang pinapatigil ang kalokohan ni koko lalo pa parang naniniwala si Ataparag sa sinasabi nito.
Nabangit ko ang pagkakakilalan ni Koko bilang isang anghel at ang pagiging mapang abuso nya sa tinataglay nyang kapangyarihan.
" Isa syang anghel?" Pagtataka ni Ataparag.
" Wag kang maniwala sa kay nathaniel, isa kasi syang isip bata na madalas na nagpapantasya sa mga imposible mga bagay." Sambit ni Koko.
Hindi ko mapigilang hindi mairita dahil tila pinapalabas nya na nagsisinungaling ako kay ataparag at dahil doon lalo akong hindi pagkakatiwalaan nito sa sasabihin ko.
Bigla akong tinanong ni Koko kung talaga bang ayos lang na ipakilala ko sya bilang anghel sa lahat o sabihin ang tungkol sa nalalaman ko sa mundong ito.
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito.
" Bakit hindi mo na rin kaya sabihin ang katotohanan sa kanila kung sino ang may kasalanan ng pagdurusa ng mga nilalang dito at kung sino ang tumakda ng kanilang mga kamatayan." Sambit nito.
Napatigil ako sa pag kontra sa nasabi nya dahil kung iisipin ay ako ang nagtakda sa kanilang mga kapalaran depende sa kanilang mga papel sa kwento.
Paano nga kaya kung malaman nila na ako ang dahilan kung bakit may magaganap na trahedya sa mundong ito?
Dito ay binangit ni Koko na kailangan kong mag ingat sa mga sasabihin ko dahil kung nagkataon na isumpa nila ako sa mundong ito ay hindi iyon magandang bagay at hindi ko maeenjoy ang pananatili ko sa mundong ito.
" Wag mong maliitin ang kayang gawin ng bawat nilalang sa oras na magpadala sila sa emosyon nila lalo pa ang mundong ito ay puno ng pagdurusa."
Batid ko ang gusto nyang sabihin at naisip ko na rin ito pero kung hindi naman nila malalaman kung ano ang nalalaman ko ay hindi nila ako bibigyan ng importansya dito.
Isa lang akong normal na tao at kung sana binigyan nya ako ng kahit anong bagay na makakatulong saakin para hindi na ako humingi ng tulong sa eskapa.
" Nagpapatawa ka ba? Gusto mo akong magligtas ng buhay pero hindi mo ako binigyan ng kapangyarihan na tutulong saakin na iligtas ang mundong ito .
" Hindi ba mas challenging kung wala kang taglay na malakas na kapangyarihan, hindi ba mas nakakasabik malaman kung paano mo gagampanan at tataposin ang nakatakda? Pagbibiro nito.
Dito muli akong napadabog at kinontra ang sinabi nya dahil walang nakakasabik sa bagay na labis na magpapahirap saakin. Alam ko na nakatakda kong iligtas ang mundong ito pero ang gusto nyang mangyari ay magawa ko iyon sa mahirap na paraan.
" Mister nathaniel wag kang sumigaw dito." Pakiusap ni Ataparag.
"Pasensya na."
Napabuntong hininga si Ataparag at ilang sandali pa ay hindi nito napigilan hindi magtanong sa pinag uusapan namin lalo na napaka werdo ng mga sinasabi namin tungkol sa pagliligtas sa endoryo.
Hindi naman ako makasagot dito dahil ayaw ko na madamay pa sya at hindi rin maganda kong malalaman nya ang katotohanan tungkol sa pagtatakda ko ng kapalaran ng mundong ito.
" Wag mo kaming intindihin libangan naming mag ama na mag usap na parang mga baliw." Sabat ni Koko.
" Pwede ba wag mong sirain ang imahe ko sa kanya." Padabog na sambit ko.
" At isa pa tigilan mo ang kakasabi na ikaw ang tatay ko dahil isa kang babae ." Dagdag ko
" Oh... Hindi ko ba nasabi sayo na walang kasarian ang mga katulad ko, nilikha kaming mga pekpektong nilalang."
Bigla syang tumayo sa upuan at hinawakan ang kanyang palda at bahagya itong itinaas.
" Gusto mo bang makita kung totoo ang sinasabi ko?
Pinagtinginan kami ng lahat ng naroon habang tila gustong ipakita ni Koko ang meron sa ilalim ng kasuotan nya saakin kaya naman agad ko itong ibinaba.
" Paki usap wag mong gagawin yan." Sambit ko.
Agad naman itong sumunod at umupo para ituloy ang pag kain nya.
Napabuntong hininga na lang ako at napangalong baba dahil mukhang wala na akong pagpipilian kundi gawin ang gusto nya.
Hangang sa sumagi sa isip ko kung sino ang binatang kasama nya sa mesang iyon. Ang may asul na buhok na binata na iyon na may salamin sa mata ay isa ring tao na kagaya ko
" Ah.. ako nga pala si Peter at hindi oo rin alam kung bakit ako nandito."
Ikinuwento nya na nasalubong nya si Koko kaninang umaga havang bibili ng suka sa tindahan hanggang sa magpasama ito sa kilalang kainan na meron sa bayan kaya naman sinamahan nya ito.
" Ah sya ba? Napili ko sya na isama sa paglalakbay ko at gawing pinakalakas na bayani."
" Kaya dapat maging proud ka at magalak" dagdag ni Koko.
" Teka bayani? Sandali wala yata tayong pinag usapan na ganun" sambit nito.
Hindi ko alam kong nagbibiro lang sya pero parang napaka unfair nito para saakin kung tutulungan nga si peter para maging bayani samantalang ako ay pinapabayaan nya na maghirap.
" Teka hindi ba dapat ako ang tinutulungan mo? "
Biglang lumitaw sa kamay nya ang pamaypay nya at ipinalo sa ulo ko habang sinasabi na matagal na nya akong tinutulungan pero wala daw akong ibang ginagawa kundi magreklamo at maduwag.
" Masisisi mo ba ako? Bigyan mo ako ng bagay na mapapakinabangan ko para ma excite naman ako sa pinapagawa mo." Sagot ko.
Sa pagkakataon na iyon ay inihampas nya ang pamaypay nyang hawak at lumitaw ang isang bilog na bagay.
Mabalahibo ito at biglang nagkaroon ng mga mata at bibig at nagsimulang kumilos.
" Ano naman ang bagay na yan?"
" Tutal hindi kita mababantayan sa mga gagawin mo kaya bibigyan na lang kita ng makakakapartner mo sa sarili mong Pakikipagsapalaran."
Ibinigay nya saakin ito at pinangalanan na Melon.
" Tadah! Ipinagmamalaki kong ipakilala ang aking melon."
" gets mo? Koko melon." Nakangiti nitong sambit.
Sandaling tumahimik ang lugar at walang nakakuha sa pag bibiro nya kaya naman tinawag nya kaming mga boring na tao.
Bigla nya itong dinakot at pilit binabawi saakin dahil lang sa hindi ako natawa sa pagbibiro nya.
" Hindi mo gets? Kung ganun babawiin ko na lang sya."
Bigla ko naman itong hinawakan at nakipag agawan dito dahil kahit hindi ko nauunawaan kong para saan ito ay kinakailangan ko ang ano mang bagay na makakatulong saakin.
" Nagets ko, nagets ko sya. masyado ka matampuhin." Sagot ko rito.
Dito ay tinanong ko kung anong pakinabang nito at paano ito makakatulong saakin ang maliit na nilalang na si melon.
Hindi nya sinagot ang tanong ko at sinabing hindi ko pa maaaring mapakinabangan si melon hangat hindi nya pa napapatunayan ang sarili ko sa kanya na seryoso akong gampanan ang tungkulin ko.
" Ano ba talaga ang gusto mo, binabalak mo ba talaga akong tulungan o pinagtitripan mo lang ako?"
Mahirap mahulaan ang iniisip nya at hindi ko rin alam kong balak nya ba talaga akong tulungan o baka isa lang ito sa mga pag titrip nya saakin kaya naman nagdududa ako sa maitutulong ni melon saakin.
Dito ay ngumiti sya ng tila may binabalak na masama saakin habang tinatanong kong handa na ba syang patunayan ang sarili ko sa kanya?
Hindi ko alam ang sinasabi nya pero bago pa ako muling makapagsalita ay bigla na nya ng binuksan ang pamaypay nya at sa isang iglap lang ay napunta kaming dalawa sa isang lugar.
" Anong? Saan mo naman ako dinala?"
Napunta kami sa isang malawak na lugar kung saan tanaw mo ang boung kalupaan sa ibaba. Kung iisipin ko mabuti ay nasa isa kaming mataas na lugar.
Napakalakas ng hangin na humahampas saamin kaya nakakatakot din ang tumayo sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko ay pwede akong tangayin palabas ng gusali at mahulog sa ibaba.
Dito ay binangit nya na nasa itaas kami ng agata tower at nandito kami para subukan ako kung pumapayag na ba akong gampanan ang tungkulin ko maging bayani.
" Ano nanaman kalokohan ito? "
Mukhang may binabalak sya saakin pero wala naman akong ibang magawa kundi antayin ang mga sasabihin nya kahit na ngayon palang ay nangangamba na ako sa pwedeng gawin nito saakin.
Sa pagkakataon na iyon ay pinangako nya na bubuksan nya ang kapangyarihan ni melon sa oras na matuwa sya sa gagawin kong mga desisyon.
" Huh?"
Part 1 of episode 15