Chapter 39 part 1
Sa kasalukuyang labanan nagawang matalo at mapatay ni Suwi ang mage na tauhan ng siren sa pamamagitan ng pag pugot ng ulo nito at halos magulat ang lahat sa nangyari.
Maging si Suwi ay hindi makapaniwala sa nagawa nya, nakatingin lang sya sa patay na katawan ng mage habang namamangha sa kanyang nagawa.
Alam nya na tila ba imposible para sa kanya na matalo ang mage ng mag isa dahil napupunta lang sa ibang dimensyon ang bawat atake nya dito ngunit nagawa nya ito ng napaka bilis dahil sa kapangyarihan ni Sei.
" Napaka pambihira ng kapangyarihan nya, patuloy nyang ibinabalik ang katawan ko sa dati nitong kinalalagyan hangang sa umayon ang oras nito sa tamang pwesto at oras."
Naisip nya na nung bumalik ang katawan sya sa oras na paatake sya sa kalaban sa eksaktong oras ay hindi na nagawang makapag cast ng mahika ang kalaban para makaligtas pa.
" Kamangha mangha."
Gayumpaman sa gitna ng pagkamangha ni Suwi ay napansin nya na itinuturo sya ni Sei at doon bigla syang napalingon sa likuran nya.
Sa pag lingon nya ay sumalubong ang pag atake ng isang slardar at halos mapaatras sya sa pagsalag sa napakatulis na kuko nito.
" Asar, nakalimutan ko ang tungkol sa kanila." sambit ni suwi.
Naglabas sya ng Violet na apoy sa paligid nya na pumalibot sa kanyang espada at walang alinlangan na nilaslas ang kalaban nya.
Pagkatapos mapatay ang slardar ay bigla syang nagimbal sa naramdamang mga nilalang sa paligid nya.
" Hindi. "
Pag lingon nya ay umatake ng sabay sabay sa kanya ang halos sampung slardar at sa sobrang bilis ay hindi nya na ito napaghandaan.
Nagawa nyang masalag ang isa sa mga ito na halos magpa baon sa paa nya sa sobrang lakas ng suntok nito pero nakita nya na patuloy ang pag atake ng iba at alam nya na hindi nya kayang salagin ulit ang mga ito ng sabay sabay.
" Tatamaan ako, hindi ko sila masasalag lahat." Sa isip ni Suwi.
Sa isang iglap bago pa sya matamaan ng mga naglalakihang kamao ng mga halimaw ay bigla na syang nawala at muling lumitaw sa tabi ni Agane.
Nagawa muling ibalik ni Sei ang katawan nya sa dati nitong kinalalagyan gamit parin ang Crimsom Eye nito.
Hingal na hingal si Suwi at nakakadama ng takot sa nangyari pero agad naman syang nag buntong hininga upang ipakalma ang sarili.
" Ayos ka lang ba?" Malumanay na sambit ni Sei.
Dito ay bumaba sya sa ulo ni Seprhia at lumapit kay Sei upang magpasalamat at humingi ng pasensya sa kapabayaan nya.
Naunawaan naman ito ni Sei at sinabi na hindi ordinaryong mga halimaw ang mga kalaban nila at hinangaan si Suwi dahil nagawa nyang mapatay ang isa sa mga ito gamit ang espada.
Dito ipinakilala ni Suwi ang hawak nyang espada na rabaikasyu na isang kayamanan ng angkan na kayang basagin ang ano mang uri ng mahika maliban na lang sa isang natural na abilidad.
Ipinaliwanag nya na gumagamit ng magic spell ang mga kalaban nya para maging matibay ang mga kalasag nila sa katawan at dahil doon posible nyang mawasak ito gamit ang violet na apoy.
Nangangailangan lang ito ng ilang segundo para basagin ang magic spell sa oras na madikitan ito ng apoy o matupok ang ano mang bagay.
" Pero iba ang kakayahan ng mage kanina dahil kaya ng anino na gamit ny na ipasok lang ang apoy ko sa loob nito ng hindi dumadampi sa ano mang bagay kaya wala itong nagiging epekto sa mahika nya."
"Siguro kulang lang sa oras dahil kung yan ang abilidad ng iyong espada ay magagawa parin nito na masira ito dahil isa yang Class A crimson item. gayumpaman isang mataas na uri ng mahika ang ginagamit nya kaya naman hindi ito basta basta nabasag kanina." Sabat ni Agane habang naglalakad palapit sa kanila.
Ipinaliwanag nya na hindi kagaya nung mage ay hindi ganun kataas ang mahika ng mga slardar kaya malaki ang advantage nya sa pagharap sa mga ito.
Bigla syang nilapitan ni Sei at tinitignan lang sa kanyang mata. Hindi naman ito maunawaan ni Suwi kaya naman naiilang ito.
" Ba-bakit? "
Bigla syang hinawakan sa pisngi ni Sei ng walang pag aalinlangan at dahil sa gulat ay napalayo si Suwi habang binabalaan ito.
" Ano bang ginagawa mo? Sinabi ko na hindi mo ako pwede basta hawakan. " Sigaw nito.
" Ilang beses ko pa bang dapat ipaalala na hindi ako pwedeng humawak ng ibang nilalang dahil sa kondisyon ng katawan ko at hindi ko kontrolado ang pag kuha sa mga enerhiya ng ispirito ng mga nahahawakan o madadampi sa katawan ko."
Dito ay sumingit si Agane sa usapan at ipinaliwanag kay Suwi na kinakailangan ni Sei na mahawakan sya dahil sa kasunduan ng Crimson Curse ni Sei.
" Ano?"
Ipinaliwanag sa kanya ni Sei na hindi nya kayang iligtas si Suwi gamit ang Crimson Eye ng paulit ulit dahil nagagamit nya lang ito kada limang segundo.
Ikinatatakot ni Sei na kung sakaling magkamali sya sa pag tantya at maibalik sya sa maling oras at pagkakataon ay mapapahamak si suwi.
Sa ngayon hangat nasa loob sya ng teritoryo ni Sei ay kaya nyang manikulahin ang oras gayumpaman may limitasyon ito at hindi rin biro ang dami ng enerhiya na nagagamit ni Sei sa laban.
" Ang isa kapangyarihan ng crimson Curse ko ay ang papalit ng oras ko sa iba. May paraan ako na matulungan ka gamit ito kagaya ng pakikipagpalit ng kalagayan sayo sa maikling panahon para tangapin ang pinsalang matatamo mo."
Nagulat si Suwi sa narinig at nagtaka kung bakit ito gagawin ni Sei samantalang kailangan nitong mas unahin ang sarili nyang kaligtasan.
Ipinaunawa naman ni Sei na kahit na nagtataglay si Sei ng malakas na kapangyarihan ay wala syang interes na makipaglaban o paslangin ang sino man dahil mas malaki ang pakinabang ng kapangyarihan nya kung itutuon nya ito sa pag suporta sa ibang mga nasa paligid nya.
" Ikaw ang nagsisilbing espada ko sa laban na ito kaya mahalaga na buhay ka at maipagpapatuloy ang laban."
" Ano? sandali bakit parang napaka laki yata ng tiwala mo saakin? Napakalaking bagay ang kakayahan mo at sa oras na mapinsalaan ka at tangapin ang pinsala na dapat saakin ay mas matatalo tayo sa laban na ito."
Nakatingin lang sa kanya si Sei at pinigilan ang pagsasalita ni Suwi gamit ang pag hawak sa labi nito.
" Ako ang Time keeper at isang Sandata ng diyos sa tingin mo ba mamamatay ako sa laban na ito?"
Nagulat si Suwi sa nasabi ni Sei at napatahimik dahil naisip nya na kahit wala sa itsura ni Sei ay isa pa rin itong Espada na kinatatakutan ng lahat pag dating sa pakikipaglaban.
" Hindi ibigsabihin na tinangap ko ang pinsala na dapat sayo ay mamamatay na ako. Hawak ko ang oras sa loob teritoryong ito at hindi malaking bagay ang tumangap na pinsala. "
Hinawakan ni Sei ang buhok ni Suwi na parang batang inaamo at dahil doon ay muling nagalit ang dalaga habang pinagagalitan ito sa ginagawa nito.
" Kung may ilalabas ka pang mas higit sa ginawa mo kanina ay gawin mo na dahil magsisimula na ang tunay na laban." Seryosong sambit ni Sei.
Dito ay napalingon si Suwi sa itaas kung nasaan ang siren. Nakita nya ang napakalaking magic circle kung saan naglalabasan ang mga lumilipad na pating na gawa sa tubig.
" Napakalakas na presensya, ano bang klaseng nilalang sya?" Tanong ni Suwi.
Nabangit ni Suwi na hindi kayang basagin ng violet na apoy nya ang mga magic circle na mas malakas pa sa taglay na enerhiya ng espada kaya naman alam nya na wala syang magagawa sa bagay na nasa itaas nila.
" Hindi na mahalaga kung anong klaseng nilalang sya, matatapos ang laban na ito kapag napatay mo ang niallang na yan kaya naman gawin mo ang lahat ng makakaya mo." Sagot ni Suwi.
Napangisi na pang si Suwi dahil sa sinabi ni Sei dahil para sa kanya kahit madaling sabihin na matatapos ang lahat sa pagpatay sa siren ay wala syang ideya kung paano ito gagawin.
Malaki ang lamang ng mga mage sa katulad nyang kailangan pang lumapit sa mga kalaban at kahit na kayang wasakin ng espada ang mga pating ay wala syang kasiguruhan kung kakayanin nyang salagin at tapatan ang mga malalakas na atake na pinakawalan na sa magic circle.
Naisip nya na may limitasyon ang kapangyarihan nya na bumasag ng magic circle at nagagawa nya lang ito kung derekta nitong tatamaan ang spell. Hindi rin pabor sa kanya na nasa ere ang kanyang kalaban na kinakailangan nya pang lundagin habang nilalabanan ang mga tauhan nito.
Naguguluhan sya at maraming pumapasok sa isip nya kung paano haharapin ang napakaraming slardar habang iniisip na kailangan nyang talunin ang siren na mas higit na malakas kesa sa kanya.
Para sa kanya ay napakaimposible ng pinapagawa sa kanya ni Sei at kung walang tutulong sa kanyang puksain ang siren ay mauubos laglng ang enerhiya nya sa pag harap sa slardar bago pa sya makalapit dito.
Alam ni Sei na nagpapanik si Suwi at puno ng pagdududa habang nagsasabi ito sa kanya ng mga naiisip nya kaya naman agad nya itong pinatigil sa pagsasalita gamit ang pag takip sa bibig gamit ang daliri
"Natatakot ka ba?" Tanong ni Sei.
" Tsk, handa akong labanan sila at gagawin ko iyon kahit anong mangyari." Matapang na sagot nito.
Biglang napangiti si Sei sa dalaga at nabangit kay suwi na naalala nya sa dalaga si Xxv nung isama nya ito sa mga misyon na halos maglagay sa kanila sa panganib.
Ito ang mga oras na sinasanay si Xxv ng lahat ng mga Sandata ng eskapa para maging sundalo ni Magdalena.
" Katulad mo nakaramdam rin sya ng takot at pagdududa sa sarili ng makaharap sa malalakas na kalaban na para sa kanya ay imposible nyang matalo mag isa pero imbis na panghinaan ng loob ay nagpatuloy sya. "
" Nagpatuloy sya dahil ayaw nya mamatay sa lugar na iyon, Lumalaban sya para mabuhay at magtagumpay upang sa gayun makasama nya sa hinaharap ang pinakamamahal nyang asawa." Dagdag ni Sei.
Biglang napalingon si Suwi kay sei sa mga narinig nya at nakaramdam ng hiya at pagkatuwa sa kanyang puso. Marahil naibsan ng mga sinabi ni Sei ang pagdududa na nararamdaman nya sa pagmamahal ni Xxv sa kanya.
" Tunay ang pag mamahal nya sayo kaya ayokong mamatay ka sa laban na ito at sana wag mong hayaan mangyari iyon." Sambit ni Sei.
Dahil sa narinig ay biglang nabuhayan ng loob si Suwi at nag buntong hininga para ikalma ang sarili.
" Ang baliw na iyon pinili nyang magpaalipin sainyo at hayaan ako mag isa tapos sasabihin mo yan saakin? Naka unfair nyo." Sambit nito.
"Inagaw nyo sya saakin at pilit na inilalayo. Kinasusukalaman ko ang bawat isa sainyo." Seryosong sambit ni Suwi.
Walang naisagot si Sei sa sinabi ni Suwi at nanatili ang katahimikan sa paligid.
" Gayumpaman kahit alam ko na mas pinili nya kayo kesa saakin ay hindi ko magawang kamuhian na lang sya at tuluyan syang kalimutan "
" Nag aabang parin ako at umaasa sa pangako nya kaya naman."
" Hindi ako pwedeng mamatay hangang sa araw na mapatunayan nya ang mga sinabi nya saakin." Matapang nyang sambit.
Dito ay nag umapaw ang napakalakas na enerhiya sa katawan nya at gumawa ito ng pagsiklab ng violet na apoy sa paligid nila.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang umilaw si Sephia at unti unting lumiit. Nagbalik ito sa dating anyo at pumasok sa katawan ni Suwi.
Dahil sa pag pasok sa katawan ni Suwi ni Serphia ay muling lumabas ang kanyang buntot at mga kaliskis ng ahas.
Bumwelo sya at hindi nag alinlangan na magsimulang umatake sa daan daang mga slardar.
Wala syang takot na nakipag sabayan sa mga ito kahit na nag iisa lang sya. Malakas man ang mga suntok at atake ng mga slardar ay nagagawa nya parin itong iwasan dahil sa malaahas na bilis.
Madali para sa kanya na gumalaw at malaslas ang mga leeg ng mga ito at kahit na tuloy tuloy ang pag atake ng mga ito ay tila wala syang kapaguran na sinasabayan ang mga halimaw.
Mapaatras man at mapatalsik sa pagsalag ng mga suntok ng mga slardar ay patuloy parin syang tumatayo at lumulusob sa tila walang katapusang bilang ng mga umaatake sa kanya.
Napaka agresibo ng mga ito at hindi sila nag sasayang ng oras at agad na umaatake na para bang gigil na gigil na kainin si Suwi.
Gayumpaman dahil sa espesyal na espada na taglay ni Suwi ay madali sa kanyang mapaslang ang mga ito.
Habang nanunuod naman sila Sei sa nagaganap na laban ay nabangit ni Sei kay agane ang pag ka awa nito sa dalawang mag asawa.
Para sa kanya hindi naging makatarungan ang mundo at pagkakataon para sa dalawa at bilang bayani at itinakda ng kalangitan ay hindi ito nararapat danasin ni Xxv.
" Nauunawaan ko po kamahalan ang gusto nyong sabihin gayumpaman napaka imposible matangap ng mundo ang kanilang pag mamahalan." Sagot ni Agane.
" Hindi magiging maganda sa reputasyon ng Eskapa ang pangangalaga sa isang Soul eater na dapat winawasak nila."
" Alam kong naaawa kayo pero sana hangat maaari ilayo nyo ang sarili nyo sa kanila."
Dito ipinakiusap ni Agane na unahin ni Sei ang kapakanan ng galica sa bawat desisyon nya dahil sa oras na mawala ang suporta ng Eskapa sa galica at ang proteksyon na ibinibigay nito ay madaling babagsak ang bansa at sa huli mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa at mamamatay ang pinaka iingatan nilang mga mamamayan.
Wala naman isinagot si Sei sa nasabi ni Agane dahil alam nya na kahit naaawa sya sa dalawa ay wala syang pwedeng gawin. Batid nya na may kapalit ang bawat desisyon na gagawin nya tungkol sa bagay na iyon.
Habang sa laban naman ay nag simula na rin magsilusob ang mga water shark na nakalutang sa himpapawid.
Walang magawa si Suwi kundi tumakbo at iwasan ang mga ito dahil hindi nya kayang abutin ang Siren na kasalukuyang nasa himpapawid sakay ng lumilipad na pagi.
" Asar napaka taas nya masyado, kahit tumira ako ng flame slash ay tiyak masasalag nya lang ito ng walang kahirap hirap." Bulong ni Suwi.
Habang patuloy na umiilag ay biglang may bumukang lupa sa gilid nya at sumalubong ang napakalaking tipak ng bato palusob sa kanya.
Hindi nya ito inaasahan kaya naman wala syang nagawa kundi hatiin ito gamit ang espada.
Sa paghati nya rito ay biglang sumalubong sa likod ng mga bato si Juggernaut na nakaamba sa kanya.
" Hindi."
Gulat na gulat sya sa nakita nya at hindi magkaroon ng pagkakataon na makaiwas pa. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nagawang mahablot ng malaking kamay ni juggernaut ang katawan ni suwi at dali daling inihampas sa lupa.
Halos madurog naman ang kalupaan sa ginawang pag hambalos ni Juggernaut dito ngunit kahit na nagtagumpay na makaatake ay biglang napansin nya na wala syang hawak hawak na katawan sa kamay nya.
Ilang iglap lang ay naramdaman nya na may biglang sumiklab na apoy sa likuran nya at pag lingon ni Juggernaut ay sumalubong ang espada ni Suwi na patama na sa kanya.
Nagawang mahiwa ni Suwi ang likod nito pero agad na napansin ng dalaga na tila ba hindi tinablan si juggernaut.
" Paanong? Hindi sya tinablan ng atake ko?" Bulong nito.
Humarap sa kanya si juggernaut habang naglalabas ng nakakatakot na presensya.
" Napakalakas ng presensya nya, ano bang klaseng nilalang sya?"
Kahit na nakakadama ng takot ay sinubukang bumwelo ni suwi upang umatake. Ginamit nya ang bilis nya para patuloy na laslasin ang bawat parte ng katawan ni Juggernaut.
Hindi naman ito iniinda ni Juggernaut at sa huli ay nagawanag masipa nya sa tagiliran si Suwi dahilan para mapaatras ito.
Natalsik bahagya si Suwi at napaluhod sa ginawa ni Juggernaut. Naramdaman nya ang pinsala nito at napasuntok na lang sa lupa dahil sa sakit na nararamdaman.
" Bwisit, nabali ata ang buto ko sa tagiliran."
" Hindi lang sya matibay, napakalakas din ng kanyang atake." Bulong ni Suwi.
Habang namimilipit ay biglang may umilaw na magic circle sa tinatapakan ni Suwi at sa isang iglap lang ay naglaho ang kanyang nararamdamang kirot ng tagiliran.
" Ano? Teka wag mong sabihin?"
Agad nyang tinignan si Sei habang ito nakatayo sa kanyang pwesto at nabatid na tinangap ni Sei ang pinsalang dapat na sa kanya.
Muling umatake si Juggernaut at sa pag kakataon na iyon ay nakailag na si Suwi at patuloy na lumalayo.
Sa pagtalon nya palayo kay juggernaut ay hindi nya namalayan ang mga papalapit na slardar sa kanya na gigil na gigil parin na mapatay sya.
Mabilis man nyang nasasalag ang ibang magkakasunod na atake ay nagawa parin matamaan ng kamao ng isa sa mga slardar si Suwi at tuluyang tumalsik.
Alam nya na hindi sya pwedeng bumagsak ng tuloyan kaya naman pinilit nya bumalanse at ipagpatuloy ang pag iwas sa mga atake nito.
" Bwisit ayaw nila akong tigilan."
Kumalat ang apoy sa paligid kung saan nag mala ipo ipo ito na nilamon ang mga halimaw sa paligid nya.
" Wag nyo akong mamaliitin, Isa akong maharlikha ng Khan! Ang reyna ng khan na si Zhui !!" Sigaw ni suwi
" Flame Spirit blast!"
Sa pagwasiwas ng kanyang espada ay kumawala ang dambulahang fire gaizer na tumupok sa lahat ng mga halimaw sa paligid nya.
Walang natira sa mga halimaw na nahagip ng apoy at unti unting nagiging abo.
Ep 39 part 1