Chapter 33 part 2
Sa paglitaw ng mga lumulutang na isda na gawa sa tubig ay agad na nagpanik at natatakot ang mga pasaherong naroon.
Kasabay naman ng pag angat ng baston ng batang babae ay ang pag atake ng mga ito sa kanilang karwahe.
Inuna nito atakehin ang mga nasa labas at walang awang kinakagat ang parte ng mga katawan hangang sa magkadurog durog ito.
Karamihan sa mga pasahero ay mga mangangalakal at dahil doon wala silang kakayahan na pangalagaan ang mga sarili nila.
Agad namang gumawa ng barrier si Masaw para sa kanila upang protektahan ang mga sarili laban sa mga pirana.
Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila dahil napaka agresibo ng mga isdang ito na halos pag gutay gutayin ang mga katawan ng bawat mahuhuli nila.
Halos masuka naman si Aibara sa nakikita nya at napapikit na lamang gayumpaman ay inalalayan sya ni Harik at sinabing hindi sila pwedeng panghinaan ng loob dahil kailangan nilang makaligtas.
Nabangit ni misaw na nasa pang apat na grado na water magic ang ginagamit nito kaya napakaimposible para sa kanila na tapatan ang mga atake ng mga iyon dahil madali sa mga isda ang basagin ang mahihinang energy barrier nila sa katawan..
" Pang apat na grado ? Imposible, Sinasabi mo bang isa syang alpha?" Sambit ni Aibara.
" Kung ganun kailangan na natin umalis dito sa lalong madaling panahon." Harik.
Kasabay nun ay biglang tumayo si Aibara at matapang na itinapat ang pana nya sa mga isda. Dito ay nagpakawala sya ng palaso na gawa sa enerhiya na tumusok sa mga isda.
Gayumpaman ay walang naging epekto sa mga isda ang ginawa nya na tila nilamon lang ng tubig na katawan nito ang palaso at napansin rin nila na ilang segundo lang pagkatapos makapasok sa katawan ng isda ay na lusaw na rin ang palaso ni Aibara.
" Sinabi ko na walang epekto sa mga yan ang simpleng atake, para lang silang mga tubig na buhay at kung nais mong wasakin sila kailangan mong tapatan ang kanilang kapangyarihan." Sambit ni Misaw.
Hindi tinangap ni aibara ang mga sinabi ni Masaw lalo na at patuloy na naririnig nito ang mga hiyaw at pag hingi ng tulong ng marami sa pasaherong kasama nila.
Agad na lumingon si Aibara sa batang babae ay tinangkang patamaan ito ng mga palaso gayumpaman ay alam ng bata na iyon ang gagawin ng dalaga.
Muli nyang itinaas ang kanyang baston at lumitaw mula sa tubig ang mga naglalakihang tubig na ahas para protektahan sya.
Pagkatapos naman syang protektahan ng mga ito ay lumusob agad ang limang ahas patungo kay Aibara.
" Umalis ka dyan " sigaw ni Masaw."
Nabalot ng magic circle ang kinatatayuan nila kasabay nun ay ang pag angat ng tatlong pader na lupa na naging harang para protektahan sila.
Gayumpaman ay binutas lang ng mga Ahas ang ginawa nyang proteksyon at nagpatuloy sa pag lusob.
Hindi na nag alinlangan pa si Harik at muling lumusob sa mga ito gamit ang kanyang palakol para pangalagaan ang mga kasamahan nya.
Nagawa nyang maputol ang ulo ng dalawa sa mga ahas pero dahil sa masyadong mabilis ang pag kilos nito ay nagawang makagat ng mga ito ang dalawang braso nya.
Tinangay sya ng mga ito at dinadala hangang sa mapalayo sya sa mga kasamahan nya.
" Harik!!" Sigaw ni aibara.
Ginamitan ni Masaw ng pisikal enhancer magic si Harik upang magawa nyang wasakin ang mga ahas.
Sa tulong nga ng pagpapalakas ng pisikal na katawan ay nagawa ngang mawasak ni Harik ito at nakawala sa pagkaka kagat.
Kumalat naman sa lapag at sinipsip lang ng lupa ang mga tubig na nagmula sa mga ahas pagkatapos wasakin ni harik ito pero kasabay nito ang pag durugo ng mga sugat na iniwan ng mga pangil ng ahas.
" Harik, harik! " sigaw ng dalawa.
Agad na lumapit sila masaw at Aibara kay Harik para alamin ang kalagayan nito.
Habang tumatakbo ang dalawa ay hindi nila namalayan ang pag dating ng mga sword fish na gawa rin sa tubig.
Kahit na nakikita ni Harik ang pagdating nito sa kanyang mga kasamahan ay wala syang nagawa dahil na rin sa pinsala ng mga braso nya.
" Umilag kayo, Masaw! Aibara!!" Sigaw nito.
Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na nila nagawang maka iwas pa.
Alam ni Masaw na huli na para magcast pa ng magic na magpoprotekta sa kanilang dalawa ni Aibara kaya naman agad nyang sinungaban si Aibara para itulak na lang ito.
" Aibara !!" Sigaw nito.
Nagulat ang dalaga sa ginawang pagtulak sa kanya ni Masaw at hindi makapaniwala.
Dahan dahan nyang nakikita ang pagtama ng mga swordfish sa katawan ni Masaw na bumubutas sa katawan nito.
" Masaw !!" Sigaw ni Aibara.
Bago bumagsak sa lupa si masaw ay nakapag cast ito ng fire magic. Nabalot ang paligid nya ng ipo ipong apoy na tumutunaw sa mga swordfish.
Sumadsad si masaw sa lupa hangang tumama sa karwahe at humandusay sa lapag na duguan.
" Masaw! masaw!! Hindi maaari ito masaw!! " Aligagang sigaw ni Aibara.
Halos mawala sa katinuan si Aibara habang isinisigaw ang pangalan ni masaw. Madapa dapa syang tumakbo at pinipilit na makalapit sa kanyang kasamahan.
" Masaw!" Sigaw ni Harik.
Galit na galit si Harik habang nag lalabas ng napakalakas na enerhiya sa katawan. Halos mawasak ang kalupaan na tinatapan nya sa pagbwelo nya at pagtalon palusob sa batang babae.
Naisip nya na walang ibang paraan para makaligtas sa lugar na iyon kundi ang pag paslang sa kalaban nila.
Pumalibot sa kanya ang tila kuryenteng enerhiya habang bumubulusok. Sinubukan naman pigilan ng batang babae ang paglusob ni Harik gamit ang pagpapalabas ng napakaraming sword fish.
Gayumpaman ay binabale wala lang ng pumapalibot na enerhiya ni Harik ang mga ito hangang sa tuluyan syang nakalapit sa harap nito.
" Magbabayad ka, Death Slash!" Sigaw ni Harik.
Isang malakas na pagsabog ang naganap dito na halos mag patalsik sa mga bagay bagay palayo dahil sa impact.
Napatalsik rin si Aibara hangang sa mapahiga ito dahil sa pwersa ng pagsabog at sa muli nyang pagtayo ay nilingon nya ang lugar kung nasaan si Harik at ang batang babae.
Laking gulat nya ng unti unting nawawala ang usok at nakikita si Harik habang nakahampas ang itak sa isang higanteng sea cucumber.
Hindi makapaniwala si Harik na nagawa lang masalag ang pinakamalakas nyang atake at ni hindi nito maabot ang batang babae na ngayon ay nakatitig lang sa kanya na parang walang paki elam.
" Imposible, napakalakas nya." Bulong ni harik.
Itinaas ng batang babae ang kanyang baston na hawak habang sinasabihan si harik.
" Paki usap, ayoko ng mag sayang ng oras kaya naman ibigay nyo na saakin ang mga kaluluwa nyo. " Mahinahong sambit ng batang babae.
Kasabay ng pag ilaw ng kristal ng baston ay ang paghaba ng mga spike sa higanteng sea cucumber na bumutas sa ilang parte ng katawan ni Harik.
" Harik!!!!!" Sigaw ni Aibara.
Sa muling pag wasiwas ng baston ng batang babae ay bumulusok naman pasulong ang sea cucumber at bumanga sa karwahe.
Halos manlumo si Aibara sa nasaksihan at nanginginig ang buong katawan.
Ilang saglit pa ay galit na galit ito na tumayo at naglalabas ng napaka lakas na enerhiya. Wala syang ibang nasa isip ngayon kundi ang gumanti sa kanilang kalaban dahil sa ginawa nito sa mga kasama.
Kasabay ng pag tutok nya ng kanyang pana sa batang babae ay ang pagkakabuo ng pulang palaso mula sa kanyang enerhiya.
" Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanila!!!!"
" Furious arrow!!"
Pinakawalan nya ang palaso at halos wasakin ng enerhiya nito ang ano mang madikit dito at nagpatuloy papunta sa dereksyon ng batang babae.
Tagumpay na tumama ito at halos wasakin ng pagsabog na ginawa ng kanyang atake ang buong lugar kung nasaan ang batang babae.
Sandaling tumahimik ang lugar hangang sa tangayin ng hangin ang usok sa paligid at lumantad ang isang higanteng jellyfish na gawa sa tubig.
Nasa loob ng jelly fish na ito ang batang babae at nagawa nitong protektahan ang bata sa atakeng ginawa ni Aibara.
" Imposible, hindi pwede ito!"
Muling naglabas ng napakalakas na enerhiya ang dalaga at paulit ulit na nagpakawala ng pulang palaso upang wasakin ang jelly fish.
Gayumpaman ay patuloy lang na nasasalag ng jellfish ang bawat itira nya at hindi man lang ito nagagawang mabutas.
" Maglaho kang halimaw ka !!"
Galit na galit na humihiyaw si Aibara at nagnanais na iganti ang mga kasamahan nya, nagpatuloy ang pag bitaw nya ng palaso hangang sa unti unti ng lumiliit ang kanyang mga intinitira at humihina.
Sinasagad nito ang kanyang enerhiya para sa kanyang atake hanggang sa mapaluhod na lang sya sa lapag ng manlambot ang kanyang tuhod.
" Hindi maaari ito, malapit na maubos ang enerhiya ko pero hindi ko man lang sya magawang matamaan." Bulong nito sa sarili.
Kasabay ng pag angat muli ng bastos ng batang babae ay muling naglitawan ang magic circle at naglabasan ang tubig sa paligid nya na syang lumikha ng maraming sword fish.
" Hindi pwedeng mangyari ito."
Tinignan nya sila masaw at Harik na parehong nakahandusay sa lapag at duguan. Alam nya na hindi nila kayang manalo o makatakas man lang sa laban na iyon.
Kahit na pagod na pagod ay pinilit nyang tumayo ay lumapit kay masaw.
" Masaw, masaw paki usap gumising ka." Sambit nito.
Habang umiiyak ay naglabas ang mga kamay nya ng berdeng enerhiya na syang bumalot sa katawan ni Masaw.
Dito ay sinusubukan nyang pagalingin ang mga pinsala ng binata sa pamamagitan ng healing magic na kanyang natural na abilidad.
" Paki usap, wag kang mamamatay. Masaw wag mo akong iwan "
Habang nagaganap naman ang mga pangyayari iyon ay nananatiling naka upo si nathaniel at natatakot.
Nakahawak sya sa kanyang nagdudugong braso dahil sa pag atake sa kanya ng isa sa mga isda na syang kumagat sa kanya.
Nararamdaman nya ang sakit nito at nababahala sa patuloy na pag labas ng maraming dugo.
Wala syang magawa dahil pinangungunahan sya ng takot lalo na ng makita ang mga putol na katawan ng mga pasahero sa paligid nya.
Alam nya sa sarili nya na pwedeng mangyari sa kanya ang mga bagay na iyon lalo na ang kondisyon ng kanyang proteksyon para hindi sya tablan ng atake ay kailangan nyang mamatay ng mabilis.
Nagdadalawang isip sya kung kailangan nya bang tumakbo o lumaban para mabuhay.
Alam nya sa sarili nya na wala syang kalaban laban sa kaharap nilang kalaban pero nag aalangan din syang tumakas para unahin ang sarili nya habang nanganganib ang iba.
Dahil hindi makapag desisyon si Nathaniel ay muling lumabas ai Melon sa hood nya at muli syang binilinan na tumakas na lang kung wala syang balak na lumaban.
Ipinaalam sa kanya na wala pa sa kalingkingan ng tunay na kapangyarihan ng kalaban nila ang pinapakita nito kaya malabong manalo sila.
" Pero hindi ko sila pwedeng iwan dito."
" Patay na ang karamihan sa kanila at wala ka ng magagawa para buhayin pa sila." Sagot ni Melon.
Galit na nagdabog ng kamay si Nathaniel dahil sa pagkadismaya sa sarili. Nagtataglay sya ng kapangyarihan na mula sa kalangitan ngunit wala syang magawa para magligtas.
Pinagmamasdan nya ang lahat ng mga pasaherong patuloy na inaatake at lumalaban para sa buhay nila at naisip na kailangan nyang tulungan ito dahil bahagi ito ng misyon nya sa mundong iyon.
Nakita nya rin ang katawan ni Harik at sinariwa ang mga sinabi nito sa kanya at pinagsamahan sa loob ng maikling sandali.
" Bakit wala akong kayang iligtas?" Sambit nya habang hinahawakan ang nanginginig na tuhod.
Iniisip nya na kahit gustuhin nya na kumilos at magligtas ay hindi nya magawang maigalaw ang mga tuhod nya dahil sa takot.
Napaiyak na lang sya habang patuloy na naririnig ang pag mamakaawa ng mga pasahero at ang sigaw ng pagdadalamhati ni Aibara habang sinusubukan gamutin ang patay na katawan ni masaw.
" Bakit napaka duwag ko? Bakit kailangan kong maging talunan!"
" Paki usap melon, tulungan mo akong magligtas, Kahit sya lang." Sambit nito.
Dahil sa pakiusap ni Nathaniel ay tumalon si Melon sa lupa at humarap sa kanya habang pinaaalalahan syang tignan ang mga nangyayari.
" Nathaniel ikaw mismo ang gumagawa ng kahinaan na meron ka."
" Walang kahit sino ang makakatulong sayo kundi ang sarili mo at kung gusto mong maging tunay na mandirigma ay kumilos ka bilang magdirigma."
Bigla syang nilusob ni Melon at ibinungo ang katawan nya sa sikmura ni Nathaniel dahilan para mapahiga ito.
Namilipit naman sa sakit si Nathaniel at habang umuupo sya ay bigla syang kinuryente ni Melon na nagpa upo sa kanya.
" Anong ginagawa mo? Masakit yun ah."
Dito ay tumalon si Melon sa itaas ng ulo nya habang tinatanong kung maayos na ba ito at gising na.
Napansin naman ni Nathaniel na nawala ang panginginig ng tuhod nya dahil sa ginawa ni Melon.
" Nawala ang panginginig ng tuhod ko."
" Malamang dahil wala ka naman pinsala sa tuhod mo dahil natatakot ka lang sa mga oras na ito kaya ka hindi makakilos."
Dito ay pinaalala ni Melon na walang mangyayari kung magpapadala sya sa takot at nag uumpisa ang totoong pakikipagsapalaran sa buhay kung malalabanan mo ang takot.
Sa pagkakataon na iyon nag flash back sa alaala nya ang mga napag usapan nila ni Harik.
--------
" Kadalasan ang takot ang pumipigil saatin gawin ang mga gusto natin. Nagdududa tayo sa ating mga kakayahan na gawin ang isang bagay ." Sambit ni Harik.
" Ewan ko, pero sa tingin mo ba kaya ko rin bang malampasan ang takot ko?" Tanong ni Nathaniel.
" Nakadepende ito kung gaano kahalaga para sayo ang magtagumpay gayumpaman lagi mo lang tatandaan ito, bago mo magapi ang kalaban sa harap mo ay kailangan mo munang matalo ang sarili mong takot." Sagot nito.
Sa mga salitang ito ay nabuhay ang tapang ni Nathaniel at nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo at sinubukan na gamitin ang kanyang natitirang enerhiya sa braso nya.
" Tama, kailangan kong magapi ang sariling takot ko."
Napalibutan sya ng enerhiya at sinubukan kontrolin ito bilang physical enhancer.
Habang nagaganap naman ito ay patuloy na nagdadalamhati si Aibara at kahit alam nya na wala ng buhay si masaw ay patuloy lang itong pinapagaling.
" Paki usap, masaw hindi mo ako pwedeng iwan dito."
Dahil sa labis na emosyon ay wala ng itong paki elam sa nangyayari at kahit na nakikita nya na nakatutok na ang napakaraming swordfish sa kanila at nakahanda ng umatake ay wala na itong ginawa kundi yakapin sa huling pag kakataon si masaw na tila ba isinusuko na rin ang buhay.
" Masaw." nakapikit nitong sambit.
Muling itinaas ng batang babae ang kanyang baston na hawak at kasabay ng pag ilaw ng cristal nito ay ang pag lusob ng napakaraming nakalutang na sword fish.
Tinatad nito ang kalupaan na kinaroroonan nila Aibara at halos wasakin.
Gumawa ito ng pagsabog at makapal na usok na bumalot sa buong lugar.
Part 2