Chapter 43 part 1
Habang nagaganap naman ang laban at patuloy na umiiwas lang si Sei sa bawat atake ni nathaniel.
Nagtataka ang ilan sa mga kasamang sundalo ni Agane kung bakit hinahayaan lang ni Sei na umatake ang binata at tila ba walang balak na umatake ng kanilang reyna.
Alam nila na pwede na gamit ni Sei ang kanyang kapangyarihan upang sya naman ang umatake dito pero wala itong ginagawa kundi ilagan at takbuhan ang mga atake ng kalaban nya.
Mararamdaman naman sa enerhiya na pinapakawalan ni Nathaniel ang malalakas na pag atake nito kaya naman kinakabahan ang mga sundalo na matamaan ang kanilang reyna.
Gayumpaman bumibilib ang lahat kung paanong walang kahirap hirap na nakakaiwas si Sei sa bawat pag atake.
Napansin na rin ni Melon na hindi nagagawang matamaan ni Nathaniel si Sei kaya naman pinatitigil nya itong gamitin ang abilidad nya na kumukuha sa enerhiya ng binata.
" Masyadong maraming enerhiya ang kinukuha ng abilidad mo sayo habang ginagamit mo ang battle gear at nasasayang lang ito dahil hindi mo sya matamaan." Sambit ni Melon.
Ipinaalala ni Melon na hindi na sya maaaring magsayang pa ng enerhiya dahil iisang cristal na lang ang meron sya. Ang cristal na iyon na lang ang naglalaman ng enerhiya na nagagamit nya at dahil kagaya lang ito ng baterya na nakakabit sa kanyang katawan ay wala ng enerhiya ang bumabalik o pumapalit sa nawalang laman nito.
Dahil sa sinabi ni Melon kay Nathaniel ay napatalon ang binata palayo kasabay ang pagkawala ng battle gear nya sa kanyang kamay.
Dito ay umilaw naman ang isang magic circle sa kinatatayuan nya kung saan naglabas ito ng spell.
Sa pag cast nya ng spell ay lumitaw sa magkabilang gilid ni Sei ang dalawang rebulto.
Nagulat ang mga sundalo sa nakita lalo na ang isang commander na nagmamay ari ng natural na abilidad na ito.
" Ang gukurashu ko, nagawa nyang mailabas ito. Talagang nakuha nya ang abilidad ko."
" Oh.. isang yang uri ng anti magic spell, tama?" tanong ni Agane.
Dito ipinaliwanag ng commander na isa itong malakas na anti magic spell kung saan walang pwedeng magcast ng magic spell sa loob ng tatlong metro teritoryo.
" Epektibo ito sa mga kalaban na madalas gumagamit ng mahika kagaya ng reyna, limang minuto lang itong magtatagal pero delikado parin ito para sa mga magic caster kaya kinakailangan na makaalis ng reyna sa teritoryo o wasakin ang mga rebulto para maiwasan ang spell."
Gayumpaman naisip ng isa sa kasamahan nila na mas mataas ang mahika ni Sei kumpara sa tao na kalaban nito kaya madali para kay sei na wasakin lang ito.
" Tama ka dyan at alam ko na kaya ng reyna na kontrahin ang epekto ng gukurashu ko pero base sa sinabi nung tao kanina nag tataglay sya ng malakas na enerhiya na nag papalakas sa isang abilidad na kinuha nya kaya naman may posibilidad na mapasailalim parin ang reyna sa spell."
Habang nagaganap ito ay nakatayo lang si Sei at kalmadong pinagmamasdan ang mga kamay dahil nararamdaman din nya na wala na syang kontrol sa kanyang teritoryo at hindi na rin makagamit ng mahika.
Nagtaka rin si Sei na nagawang mailagay ni Nathaniel ang spell sa loob ng teritoryo nya ng napaka dali.
Alam naman ng binata na ang pag manikula ng oras ang pinagmamalaking kakayahan ni Sei sa pakikipaglaban at dahil hindi nya na ito magagamit ay naisip ng binata na nakakalamang na sya rito.
Dahil sa walang pwedeng gumamit ng magic spell sa lugar na kinalalagyan nila ay alam ni Nathaniel na papabor na ang lahat sa kanya kaya naman hindi na sya nagsayang ng oras at nag madaling umatake.
Habang umaatake ay hindi nya inaasahan na makita na nakabukas muli ang crimson eye ni Sei.
Nagulat si Nathaniel ng makita ito lalo na sa pag kakaalam nya ay hindi nito maaaring magamit ulit sa loob ng limang minuto pagkatapos gamitin.
" Hindi, imposible, paanong nangyari yun?"
Pinilit ni Nathaniel na kumilos ng mabilis at sumuntok para tamaan si Sei ngunit muli lang itong nakaiwas sa tatlong beses na suntok ng binata.
" Napaka bilis nya, Hindi ko sya man lang sya matamaan, asar talaga."
Habang nakatayo ay biglang tinawag ni Sei ang pangalan ni nathaniel dahilan para mapahinto ito sa pag atake.
" Seryoso ka ba talagang lumalaban? Hindi ko inaasahan na matatalo mo ako pero sana kahit man lang magpakita ka ng maganda sa laban na ito." Sambit ni Sei.
Kahit na napaka kalmado na nasambit ito ni Sei ay nakaramdam ng pag kainsulto ang binata at naglabas ng napaka lakas na enerhiya.
Dahil dito ay lumitaw muli at lalong lumaki ang battle gear nya sa braso kasabay ang pagkalat ng napaka lakas na pwersa nagpatangay palayo sa mga bagay bagay.
" Delikado ang reyna, gagamitin nya ang Gaunlet Strike sa ganyan distansya."
Bumwelo si Nathaniel para sumuntok sa mismong harapan ni Sei gayumpaman ay walang makikitang takot sa mukha nito kahit nakikita nya na unti unti ng palapit sa kanya ang kamao ng binata.
Sa gitna ng laban ay biglang muling umilaw ang mata ni Sei at bago pa tuluyan tumama sa kanya ang kamao ng binata ay naglaho na ito na parang bula sa kanyang harapan.
Nagulat ang lahat sa nangyari at nakita na lang ni Nathaniel ang sarili sa dati nyang pwesto kanina bago nya pa simulan ang pag atake.
' Asar ginamit nya naman ang crimson eye."
Hindi makapaniwala si Nathaniel sa naranasan at puno ng pang hihinayang dahil napaka lapit na nya matamaan si Sei.
" Nakakaasar, napakalapit ko na sa kanya kung nagawa kong matamaan sya alam ko na mananalo ako sa laban."
" Hangal, siguro nga malaki ang tyansa mong mapinsalaan sya pero hindi mo ba naiisip na kaya nyang ibalik ang kalagayan ng katawan nya sa dati? " Sambit ni Melon.
Ipinaliwanag nito sa binata na sa una palang ay napakalaki na ng lamang ni Sei sa laban pag dating sa abilidad at ang tanging magpapanalo lang sa binata ay ang pag pigil sa pag gamit ni Sei ng mga abilidad at ang maubusan ito ng enerhiya.
Gayumpaman napansin ni Melon na halos hindi nagsasayang ng enerhiya si Sei sa laban nila dahil kaya nitong ilagan ang ano mang uri ng pag atake ng binata.
" Halos hindi nya kinailangan na mag aksaya ng enerhiya para protektahan ang sarili dahil hindi mo sya matamaan, kaya nyang mabasa ang galaw mo dahil napaka simple ng kilos mo."
" Tumigil ka, may pag asa pa ako. Dalawang beses nya ng ginagamit ang crimson eye kaya ibigsabihin marami na syang ginagamit na enerhiya."
" Tsk, Hindi ko alam kong nag iisip ka ba talaga hindi na nya kailangan gamitin ang crimson eye nya dahil alam nya na kanina pa ang kahinaan mo." Sagot ni Melon.
" Kahinaan? Anong ibig mong sabihin?"
Habang nag uusap ay biglang binuhat ni Sei ang sandata nya at akmang aatake.
Nagulat naman si Nathaniel sa nakita at hindi maunawaan ang binabalak nito.
" Anong binabalak nya?" Pagtataka ni Nathaniel.
" Hindi mo ba napapansin nathaniel ang kahinaan mo? Wala kang proteksyon sa mga mahika at nakatuon ang enerhiya mo depende sa aksyon na ginagawa mo."
Biglang naglaho si Nathaniel na parang bula at napunta sa mismong harapan ni Sei kung saan naka amba ito ng paghampas ng kanyang sandata.
Gulat na gulat Nathaniel at dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala syang nagawa kundi tumalon palayo para iwasan na lang ang gagawing atake ni Sei.
Pero sa muling pagkakataon habang nasa ere para takasan si sei ay bumalik lang sya sa dating pwesto sa harapan nito at dito tinamaan ang binata ng paghampas ng sandata ni Sei na syang nag patalsik sa kanya hangang sa labas ng ring at nag pabaon sa pader nito.
" Napaka husay talaga ng reyna sa pagkontrol ng kanyang abilidad."
Nagpunyagi ang mga sundalo sa paligid at lubos na hinahangaan ang kanilang reyna.
Ilang sandali lang ay bumangon si nathaniel at walang kagalos galos.
Habang pinupuri si Sei.
" Wala akong masabi sa kakayahan mo, talagang nakakatakot kang kalaban reyna Sei gayumpaman Hindi pa ito matatapos hangat nakakatayo pa ako." Pagyayabang nito.
Walang naging imik si Sei at biglang nagbugtong hininga na lang na tila nadidismaya.
Bigla nyang nabangit sa binata na masyadong nakatuon lang ang binata sa pag atake kanina at ngayon ay itinutuon nito ang enerhiya sa pagpapatibay sa baluti nya sa katawan.
" Kitang kita ko ang pagpapatibay mo sa baluti mo at hinahangaan ko ang abilidad mo na yan gayumpaman sa nakikita ko hindi mo kayang gamitin ang ibang abilidad mo ng sabay, tama ba?"
Napatigil si Nathaniel sandali at naisip na nahulaan agad ni Sei na hindi nya kayang ilabas ang mga abilidad nya ng sunod sunod.
" Nung umaatake ka kanina nawawala ang iyong proteksyon sa katawan dahil binubuhos mo lahat ng enerhiya mo sa mga kamao mo kaya nga hindi ko magawang atakehin ka dahil natatakot akong mapinsalaan ng grabe ang katawan mo."
Napakamot na lang si Nathaniel at umamin na totoo ang sinabi ni Sei at batid nya na hindi nya kayang pagsabayin pa ang pag lalaan ng enerhiya nya sa pag depensa at opensa .
Gayumpaman ay siniguro nya kay Sei na hindi sya basta basta mapipinsalaan lalo na ngayon na ginagamit nya na ang abilidad ni Juggernaut.
" Alam kong lamang ka sa abilidad mo na kontrolin ang oras sa paligid mo gayumpaman wala kang ano mang kakayahan na maglabas ng mapaminsalang atake na kayang dumurog sa depensa ko."
Dito idiniin nya na tanging grade 4 magic power lang ang kayang makapinsala sa katawan ni Nathaniel at dahil hindi naman talaga isang mandirigma si Sei na gumagamit ng mapaminsalang atake ay inaakala ng binata na wala na itong kayang gawin sa kanya.
" Hm.. tama ka, wala akong alam na mapaminsalang atake maliban sa pag suntok at pag hampas gamit ang sandata ko."
" Ang totoo kahit may pagkakataon akong aralin ito sa loob ng dalawang daan taon ay hindi ko ito binigyan ng pansin ang bagay na iyon dahil sa totoo lang ang pinaka ayaw kong gawin na bagay sa mundong ito ay ang makipag laban."
" Tama, Ayokong lumaban ngunit kinakailangan ko itong gawin alang alang sa kaligtasan ng mga mamamayan ko." Sambit nito.
Walang na itugon si Nathaniel sa nasambit ni Sei at tila nakonsensya dahil naisip nya na ginawa nyang masalimuot ang tadhana ni Sei para lang mapaganda ang kanyang komiks.
" Bakit parang bigla akong nakonsensya sa sinabi nya?" Pagtatanong ni Nathaniel.
" Kasalanan mo naman talaga kung bakit sya nahihirapan at nag karoon ng ganyang kapalaran, Wag mong sabihing itatangi mo ang bagay na yun?" Sabat ni Melon.
" Pero hindi ko naman yun sinasadya," Sagot nya dito.
Habang nag uusap ay biglang sumabat si Sei at itinanong kong talagang kaya ng binata na manalo sa laban gamit lang ang pag papatibay lang ng kanyang baluti sa katawan.
Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay biglang muling nagbalik sa harapan ni Sei si Nathaniel at dahil nga sa naglaho na ang gukurashu na syang nag babawal sa kanila na mag cast ng spell ay muling nakagamit ng abilidad nito.
Pinilit ng binata na kumilos ngunit napasa ilalim na sya agad sa time freze ni Sei ng sandaling oras lang.
Gayunpaman kahit gulat na gulat ay ngumisi parin si Nathaniel habang tila nagyayabang kay Sei.
Alam nya na wala nga syang kalaban laban at walang pangontra sa mga magic spell gayumpaman kagaya ng nabangit nya ay hangat nasa kanya ang abilidad ni Juggernaut ay wala syang dapat katakutan na may makakasakit sa kanya sa laban nila.
Wala naman naging tugon si Sei sa nasabi ng binata at biglang naglakad papunta aa gilid ng arena.
Nag taka ang mga sundalo sa ginawa ni Sei at wala silang ideya sa iniisip nito.
Sa pag punta nya sa gilid ng stage ay humiling sya sa isang sundalo ng isang kutsilyo na pwedeng magamit.
Kahit na nagtataka ay dali daling iniabot ng isang sundalo ang kanyang kutsilyo sa kanyang reyna.
Pagkatapos makuha ay muling naglakad si sei papunta sa kinaroroonan ni Nathaniel hawak ang kutsilyo.
" Teka , hahahaha hindi ko alam ang binabalak mo pero duda akong kayang sugatan ng kutsilyo na yan ang katawan ko." Natatawang sambit ni Nathaniel.
" Kagaya ng sinabi ko kanina hindi maganda sa pakiramdam ko ang manakit ng sino man kahit na isa lang itong simpleng dwelo at sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano ito matatapos."
" Ayokong tumagal ang paghihirap mo kaya gusto kong ikaw mismo ang sumuko sa laban na ito " dagdag ni Sei.
Nagtaka naman ang binata sa sinabi nito dahil kahit sya ay walang ideya kung paano sya matatalo ni Sei sa gitna ng kanyang pagiging magic caster.
" Sumuko? Wala akong nakikitang rason para sumuko ako."
" Halos limang minuto na lang mananatili ang iyong teritoryo kaya naman sa oras nawala na ang spell mo na humahawak saakin ay magagawa ko ng pasukuin ka mahal na reyna. " Pagyayabang ni Nathaniel.
" Napaka interesante, kung ganun sige magpustahan tayo. Kung tatagal ka bago mawala ang teritoryo ko ay ibibigay ko sayo ang panalo." Pag hahamon ni Sei.
Napangiti si Nathaniel at tila ba hinahamak si Sei dahil sa masyadong kampante ito na minamaliit ang katulad ni Nathaniel na may espesyal na mga katangian.
Gayumpaman hindi pinansin ni Sei ang pagyayabang nito at nagbuntong hininga na tila nadidismaya.
Nabangit ni Sei na humahanga sya sa binata dahil bilang normal na tao ay nagtataglay ito ng mga pambihirang kakayahan at espesyal na abilidad na makita ang hinaharap.
" Lalo rin akong naging interesado sayo dahil sa partner mo na si Melon "
" Gayumpaman kahit na nagtataglay ka ng malakas na enerhiya at espesyal na abilidad ay wala ka parin pinagkaiba sa mga normal na mandirigma."
" Mali, isa ka lang tao na may malakas na kapangyarihan pero baguhan sa pakikipaglaban."
Sa paghakbang ni Sei palapit kay nathaniel ay bigla nyang sinaksak ang kanyang sariling braso.
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Sei pero kahit na nasugatan ay walang makikita sa mukha nya na nasaktan ito.
Agad nyang binunot ang kutsilyo sa kanyang braso at humakbang palapit pa sa kinatatayuan ni nathaniel at habang tumutulo ang dugo nya sa braso papunta sa lupa ay makikita na sa reaksyon ni Nathaniel ang takot.
Tatlong beses pang sinaksak ni Sei ang kanyang kanang braso hangang sa mawalan na ito ng pagkilos na parang lantang gulay.
Batid ni nathaniel ang binabalak ni Sei at pinipilit na ngumiti na lang.
" Te-teka binabalak mo bang gamitin saakin ang crimson curse mo?"
" Oh.. Marahil alam mo na kaya kong makipagpalit ng kalagayan ng aking katawan sa sino man sa loob ng isang minuto."
" Wag kang mag alala kung matatagalan mo ang sakit sa loob ng limang minuto ay babalik saakin ang pinasala na ipinasa ko pwera na lang kung mamamatay ang sino mang nakapalitan ko." Sambit ni Sei.
Hinawakan ni Sei ang balikat ni Nathaniel at pinaghanda nya ito sa isang sakit na hindi kayang tiisin ng mga tao.
" Hahaha, nakakalimutan mo na yata na kaya kong magpagaling ng ano mang sugat sa katawan." Sagot ni Nathaniel.
" Hiindi mo rin naman mapapakinabangan ang abilidad mong magpagaling ng pinsala kung wala ka naman pagagalingin." sabat ni Sei.
Nagkaroon ng mga marka si Sei sa katawan at gumapang papunta sa braso hangang kamay kung saan nakahawak sya kay Nathaniel.
Sa paglipat ng sakit sa kanyang katawan ay halos mapasigaw si Nathaniel dahil sa nararamdamang kirot.
" Ahhhhh.! Aray sandali naman!! Teka masakit na!!! "
Ipinaliwanag ni Sei na pwede nyang gamitin ang isa sa kakayahan ng sumpa na hindi literal na ipapasa nito ang sugat nya sa katawan sa kalaban nya kundi ang nararamdaman at epekto lang ng pinsala.
Nagulat naman ang binata sa nalaman at hindi makapaniwala na pwede itong mangyari lalo na iba ito sa nalalaman nya tungkol sa crimson curse ni sei.
Mas epektibo itong gamitin kesa sa ipasa lang sa ang mga pinsala na pwedeng mapagaling ng mga kalaban nya.
Dahil rin isa itong sumpa na nagbibigay ng trauma sa katawan sa limitadong oras at hindi rin makakatulong ang paglalagay ng emerhiya sa katawan para tumibay ito.
Gayumpaman maaari paring makontra ito ng kalaban nya kung may nalalaman ang mga ito sa mataas na uri ng pam pamanhid ng katawan upang hindi maramdaman ang sakit.
Kasabay ng pag ilaw ng magic circle sa lapag ni sei ay naglaho ang mga saksak sa braso nya.
" Pero kagaya ng sinabi ko ay isa ka lang baguhan na may tinataglay na malakas na abilidad kaya alam kong wala kang kaalaman sa maraming bagay." Pag uulit ni Sei.
Muli nyang itinaas ang kutsilyo at inakma sa kanang kamay nya, dito ay bigla nyang naitanong kung handa ba si Nathaniel na makaranas ng sakit dulot ng pag katangal ng mga daliri.
" Ano? Teka wag mong sabihin, sandali sei binabalak mo bang tangalin ang daliri mo at ibigay saakin ang sakit?"
Bago pa makapagsalita si nathaniel ay walang takot na pinutol ni Sei ang kanyang mga daliri sa kamay.
Halos walang nagsasalita sa mga nanunuod sa ginagawa ni Sei sa kanyang katawan.
" Sandali, teka hindi mo kailangan gawin yan sa katawan mo ."
Bigla naman syang pinaalalahanan ni Sei na kaya nyang ibalik ang katawan nya sa dati kaya bale wala lang sa kanya ang ginawa nya.
" Nag alala ka ba saakin? Kung ganun bakit hindi mo akuin ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito." Malamig na sagot ni Sei.
Alam ng binata na hindi nya kayang kontrahin ang crimson Curse ni Sei dahil wala syang proteksyon sa mga sumpa kaya naman halos pagpawisan sya ng malamig sa takot.
" Wag kang mag alala pagkatapos ng daliri ay isusunod ko ang mga kamay, tenga, paa at balikat. Lahat ng iyon ipaparanas ko sayo, nathaniel."
Biglang nakaramdam ng takot si Nathaniel sa pag ngisi ni Sei na tila ba naging demonyo sa paningin nya ang mala anghel na reyna.
Habang nakikita nya ang paglapit ng mga kamay ni Sei na naka akma sa kanya ay bigla syang sumigaw.
" Tama na, oo na suko na ako. Ayoko na at ikaw na ang panalo." Sigaw nito
Napahinto si Sei sa paghawak sa kanya at tinanong kung sigurado ba itong susuko na sa laban.
Dito ay muling inulit ni Nathaniel ang kanyang pag suko at inamin na wala na itong naiisip na paraan para manalo gayong mas lamang ang abilidad ni Sei sa kanya.
" Ikaw lang naman ang may gustong labanan ako pero alam ko naman na wala akong laban sayo kaya paki usap tigilan na natin ito."
" Paki alis na ang sumpa na nilagay mo, paki usap napaka sakit na talaga ng braso ko." Nanlalambot na sambit ni Nathaniel.
Ep 43 part 1