Chapter 38 part 2
Sa pagpapatuloy ay ginulat ang lahat ng naroon sa paglitaw bigla ni Zhui sa battle field kasama ang dambuhalang sawa na si serphia.
Wala silang ideya kung bakit nasa harapan nila ang isa sa mga soul eater na alam nila ay bihag ng galica.
" Ano pong ginagawa ng soul eater dito? Bakit nyo po sya kasama kamahalan?" Tanong ni agane.
Gayumpaman ay bago pa sya sagutin ni Sei ay bigla ng nagdabog si Zhui at sinigawan sila sa ibaba.
" Pambihira ka, anong ginagawa mo? Isa kang Reyna pero iniwan mo ang mga sundalo mo at lumusob mag isa sa panganib." Galit na sigaw ni zhui.
Gayumpaman ay tila walang paki elam si Sei sa mga sinasabi ni Suwi at umiling lang. Dahil dun ay lalong nairita si Zhui sa ikinilos nito.
" Kamahalan ano nanaman ba ang binabalak nyo? Wag nyong sabihin na kayo ang dahilan kung bakit sya nandito." Tanong ni Agane.
Sa pagkakataon na iyon ay mismong si Suwi na ang sumagot sa tanong ni Agane at ipinaalam na nagkaroon sila ng kasunduan ni Sei na tutulungan sya sa laban kapalit ng kanyang paglaya.
Nagulat si Agane sa narinig at tinutulan agad ang ideyang pagpapakawala sa Soul eater sa gitna ng utos ng eskapa.
" Isa syang soul eater na kalaban ng mundo at sa tingin nyo ba kamahalan sa kalagayan ng katawan nya ay may lakas pa sya para makipaglaban sa mga alpha?" Tanong ni Agane.
Dito ay bigla syang hinawakan sa balikat ni Sei at sinabihan na wag mag alala dahil ginawan nya na ito ng paraan.
" Binigyan nya ako ng magic crystal at sa tingin ko malaking enerhiya ang pwede kong makuha dito para gamitin sa laban." Sambit ni Suwi.
Nagulat si Agane ng nakita nya ang singsing na pinakita ni Suwi na suot nya sa daliri. Isa itong class A magic item na isa sa kayamanan ni Sei.
" Ka-ka-kamahalan ba- bakit nyo ibinigay ang Hakuden cristal sa kanya." Aligagang tanong ni Agane.
Hindi malaman ni agane kung ano ang iniisip ng kanyang Reyna at nagawang ibigay ang napakahalagang kayamanan na taglay nya sa isang kriminal at itinuturing na salot ng lahat.
" Wag kang mag alala Agane ipinahiram ko lang sa kanya iyon at wala akong balak na ibigay ang singsing sa sino man." Sagot ni Sei."
Pero para kay agane ay wala itong pinagkaiba sa pagbibigay nito sa isang hindi kapanalig lalo na sa sitwasyon ni suwi na nangangailangan ng kapangyarihan.
" Kamahalan naman, Isa yung mahalagang bagay sa endoryo sa tingin nyo po ba ibabalik nya pa iyon sainyo?"
Tumingin si Sei sa kanya at walang pag aalinlangan na sinagot si Agane na nagtitiwala sya na isusuli ito ni Suwi sa kanya dahil nangako ito.
" Gusto kong magtiwala sa kanya at gusto kong patunayan nya na hindi ako nagkamali sa pagtitiwala ko sa kanya. Ganun ka simple."
Dito ay aligagang binangit ni Agane kay suwi na ginagamit ni Sei ang sing sing sa mga laban at dahil ibinigay nya ito ay malaking kawalan ito sa kanyang reyna sa oras na maubusan ito ng enerhiya sa katawan.
Pinilit nya rin kay Sei na kung sakaling ibibigay nya ito sa iba ay nirekomenda nya na lang na mismo kay Agane ipagkatiwala ang singsing upang bumalik ang enerhiya na nawala sa katawan nito.
Walang naging tugon si Sei sa sinabi nito at upang hindi na makapag salita pa si Agane ay pinigilan ni Sei ang bibig ng heneral gamit ang daliri nya at inutusan na magtiwala sa kanyang reyna.
" Mabuti pa umalis na kayo dito para makapagpahinga na ang mga sundalo natin. nagdala ako ng maraming sundalo bilang back up at parating na rin sila dito ano mang oras."
Kahit na labag sa loob ay walang nagawa si Agane kundi pumayag dahil masyadong maraming enerhiya ang nawala sa katawan nya.
Kitang kita sa reaksyon nya ang pagkadismaya habang nakatingin sa kanyang kamay dahil nararamdaman nya ang panghihina ng katawan nya dahil sa lason at kakulangan ng sapat na enerhiya para palakasin pa ang katawan.
" Kamahalan, bilang tapat na heneral nyo bigyan nyo ako ng pabor, paki usap marahil totoo na hindi ko nga po kayang makipagsabayan sa kanila at tapatan sila sa laban pero magagawa ko parin kayong protektahan."
Ipinaliwanag nya na maaaring ituon na lang ni Agane ang natitirang enerhiya para protektahan si Sei sa laban habang ginagamit ni Sei ang kapangyarihan nya.
Matapang na nakatitig lang si agane habang ipinaliliwanag ni Sei na wala syang sapat na kakayahan pangalagaan si Agane kung sakali pero hindi ito inalintana ni Agane at nangako na hindi magiging pabigat sa kanyang reyna.
Napabuntong hininga na lang si Sei at walang nagawa kundi payagan na lumaban si Agane kahit na alam nya na malaki na ang nawalang enerhiya nito sa katawan.
" Ikaw ang bahala, matifas talaga ang ulo mo agane. " sambit ni Sei.
" Pareho lang tayo kamahalan, maraming salamat sa pagtitiwala."
Nagpasalamat agad ang heneral sa pag payag ni Sei at bigla lumipad si Agane papunta sa taas ng ulo ni serphia at matapang na lumapit kay Suwi upang kausapin ito.
" Wala akong tiwala sayo at galit ako sa lahi na kinabibilangan mo pero iba ang kamahalan, labis nyang pinapahalagahan ang tao na si Xxv kaya siguro nagtitiwala sya sayo."
" Hindi kita kilala pero nakiki usap ako pangalagaan mo ang reyna. Wag mong aalisin ang mata mo sa kanya."
Dito ay lalo syang lumapit kay Suwi para bulungan ito at binangit na kaya syang pangalagaan ni Sei hangat nakikita sya nito ngunit hindi kayang pangalagaan ni Sei ang sarili nya habang gumagamit ng kapangyarihan kaya naman sinabi ni Agane na kung gusto nilang mabuhay sa laban ay mahalaga na walang makalapit kay Sei.
" Aaminin ko sayo na sa nakita kong kapangyarihan ng mga kalaban natin ngayon ay hindi ako nakakasigurado na mapapangalagaan ko ang kamahalan kaya umaasa ako sayo." Dagdag ni agane.
Binangit nya rin kay Suwi ang bawat kakayahan ng mga kalaban nila at ang potensyal ng mga ito sa laban para maunawaan ni Suwi ang mga kahinaan ng mga ito.
Naunawaan naman ni Suwi na gusto syang tulungan ni Agane at tinangap na lamang ang mga nasabi nito, nagpasalamat din ito sa impormasyon na sinabi at sinabihan na wag mag alala tungkol sa pagprotekta kay Sei.
" Kahit hindi mo na hilingin saakin ay gagawin ko iyon, isa akong maharlika ng khan at tumutupad ako sa mga kasunduan." Sagot ni Suwi.
Ilang saglit pa ay pinaalis ni Agane ang mga tauhan nya at pinapunta sa susunod na bayan para magbantay.
Habang umaalis ang mga tauhan ni Agane ay patuloy na nagpupumiglas sila juggernaut sa spell ni Sei pero ibang iba naman ito sa kalmadong siren na tila hindi nababahala sa pagkagapos sa time freeze teknik.
" Aalisin ko na ang time freeze, handa na ba kayo makipaglaban?" Sambit ni Sei.
Namangha si Suwi sa nakikita nyang awra sa paligid at kung gaano kalaki ang teritoryo ni Sei na halos sakupin ang buong lugar gayumpaman nagtaka ito sa sinabi ni Sei na tatangalin ang nag gagapos sa mga kalaban.
" Teka nagawa mo ng magapos sila sa spell kaya bakit mo ito tatangalin? Hindi ba natin pwedeng atakehin na lang sila habang hindi sila makagalaw?" Tanong ni suwi.
Dito ipinaliwanag ni Agane na ang time freeze ay isang mahusay na spell kung saan kayang pahintuin ang oras ng pag galaw ng mga nilalang ngunit hindi ito maaaring galawin o saktan ng sino mang nasa loob ng teritoryo ni Sei dahil ang bawat madampi sa kanilang bagay o enerhiya ay hihinto.
" Oh. Ganun pala ." Pag hanga ni Suwi.
" Isa pang dahilan kaya kailangan alisin ng kamahalan ang time freeze ay dahil dalawang spell lang ang pwede nyang i activate sa loob ng teritoryo nya." Dagdag ni Agane.
" Ang spell ng teritoryo ko ay para lang sa naniniwala saakin at itinuturing kong kakampi kaya kailangan mong maniwala saakin para mapangalagaan kita sa laban." Sambit ni Sei.
Nagsimulang maglabas ng enerhiya ang singsing na suot ni suwi at unti unting pumapasok sa katawan nito.
Ipaalalahanan sya ni Sei na gawin ang lahat ng makakaya nya at wag mag dalawang isip sa laban dahil hindi mahinang nilalang ang mga kalaban nila.
Ipinaalam nya rin na tanging si Zhui lang ang pwedeng lumusob sa kanilang tatlo kaya naman kinakailangan na matapos agad ang kanilang laban bago ito maubusan ng enerhiya.
Nagsimulang maglabas ng kulay violet na apoy si Suwi sa katawan kung saan nabuo ito bilang isang espada na pinaglabasan ng rabaikasyu. Ang isa sa banal ng espada ng kanyang angkan.
" Nararamdaman ko ang napakalakas na presensya sa kanila, sigurado ka bang kaya ko silang apat labanan ng sabay sabay?"
Alam ni Suwi na mas nakakahigit ang enerhiya na taglay ng mga kalaban nya kesa sa kanya at alam nya na hindi ito basta basta magpapatalo.
Dahil sa pagpapaliwanag ni Suwi ay naitanong ni Agane sa kanya kung natatakot ba sya sa laban na ito.
Lakas loob naman sinabi ni Suwi na maraming beses na syang muntik na mamatay kaya handa sya sa ano mang laban ngunit para sa kanya ay hindi matalinong aksyon ang humarap sa apat na kalaban ng sabay sabay.
" Alam ko ang sinasabi mo dahil hinarap ko na sila kanina at kahit isa sa kanila ay wala akong napatay gayumpaman iba na ang sitwasyon ngayon."
" Nasa likod mo ang isa sa pinakamalakas na kasangga sa kasaysayan alam ko hindi mo pa sya nakikita makipaglaban pero ako na ang nagsasabi sayo habang kasama mo ang reyna ay walang makakapigil sayo." Pagmamalaki ni Agane.
Dahil doon ay napatingin si Suwi kay Sei at napaisip na malaki ang advantage nila sa laban gayung alam nya na kinikilala ang mga Espada bilang isa sa malalakas na nilalang.
" Ok, ok wala naman talaga akong magagawa kundi magtiwala, ang kailangan ko lang naman gawin ay talunin ang mga yan." Sambit nito.
Dito ay nagbigay na ng utos si Sei sa kanya na umatake habang hindi nya pa pinapakawalan ang mga kalaban upang sa gayun ay may pagkakataon syang tamaan ang mga ito.
Hindi naman nag sayang pa ng oras si Suwi at mabilis na lumusob sa mga ito habang naglalagablab ang kulay violet na apoy sa paligid nya.
Agad na napansin ito ng mga kalaban nya at pinilit na makagalaw sa kinatatayuan nila.
Sa pagkakataon na iyon ay umilaw ang mga magic circle sa tinapakan ng mga ito at bago pa tumama ang talim ng espada kay Juggermaut ay nabasag ang spell na humahawak sa kanya.
Gayumpaman huli na para makagawa pa sya ng paraan para umiwas sa atake ni Suwi at sinalag na lang ito ng kanyang braso.
Naglagalab ang buong braso nya pero kahit na tinamaan ay hindi nito ininda ang pinsala. Nagawa nyang makabwelo at dali daling sumuntok gamit ang kabilang kamao kay Suwi habang ito ay nasa ere parin .
Mabilis naman itong napansin ni Suwi at nagawang makaikot upang maiwasan ang suntok.
Kasabay nun ay ang pagtapak nya sa mismong braso ni Juggernaut at dali daling isinaksak ang espada nya sa noo nito.
Nagliyab ang buong ulo nito pero laking gulat ni Suwi ng maramdaman nya na hindi tumagos sa kalasag ni Jaggernaut sa ulo ang talim ng espada nya.
Dahil sa pagkabigla ay hindi napaghandaan ni Suwi ang atake ng kalaban nya. Nagawa syang madakma sa paa kasabay ang pag hampas sa kanya sa lupa.
Sa lakas ng pag kakahampas sa kanya sa lupa ay halos ibaon sya nito at madurog ang mga bato sa paligid.
Nakaramdam ng labis na sakit si Suwi at alam nya na dapat syang gumawa ng paraan para makatakas.
Binalak nya agad bumangon para umalis pero sumalubong agad ang kamao ni Juggernaut sa kanyang harapan.
" Tapos ka na!" Sigaw ni Jaggernaut.
Halos ilang centremetro na lang ang distansya bago tuluyan syang tamaan ng suntok sa kanyang mukha pero bigla itong nawala.
Nagulat si jaggernaut ng maglaho sa harap nya si Suwi at kasabay lang nito ay may biglang may sumaksak sa batok nya.
Muling naglagablab ang ulo nya ng violet na apoy ng espada ni suwi at maging ang dalaga ay nagulat sa nangyari.
" Ano?"
Gayumpaman alam nya ni Suwi na wala syang oras na dapat sayangin kaya naman ay pinilit nyang bumwelo mula sa kinatatayuan nya at nilaslas ang likuran ni Juggernaut.
Napahakbang pasulong si Juggernaut sa ginawa ni Suwi at dahil alam ng dalaga na umepekto ang ginawa nya ay hindi na sya nag dalawang isip pa na muling lumusob.
" Hyper spirit slash !"
Isang napakalakas na atake ang pinakawalan ni Suwi sa harap ni juggernaut dahilan para mapatalsik ito ng napaka layo.
" Ayos nagawa ko."
Sa gitna ng pagkahanga ni Suwi sa nangyari ay bigla syang may naramdamang kung anong bagay na papalapit sa kanya at dito ay pinilit nyang tumalon palayo.
Sa pag talikod nya ay sumalubong ang mga itim na spike na gawa sa anino na nagmula sa lupa.
" Anong?"
Agad na naiwasan nya ito at patuloy na umiilag, habang umiilag naman ay nakita nya sa malayo ang mage na nag cacast ng magic circle para atakehin sya.
Hindi na nagdalwang isip pa si Suwi na lumusob sa mage at kahit na patuloy ang pag litaw ng mga itim na spike sa lupa ay mabilis nya lang itong naiiwasan.
Para syang ahas sa bilis at gaslaw habang iniiwasan ang mga ito. Habang umaatake naman ay muling sumiklab sa espada nya ang violet na apoy at kumalat sa paligid nya.
" Napakabilis nya para bang alam nya ang sunod na atake ng mga shadow spike ko."
Pinilit ng mage na pigilan ito sa paglusob pero masyadong mabilis si Suwi para mahuli nya at hindi nagtagal ay nagawa nitong makarating sa harap nya at naka amba ng wasiwas ng espada.
Binalutan nya ang paligid nya ng anino ngunit alam nya na bago pa mahuli si suwi ng mga ito ay tatama na ang espada nito sa leeg nya.
" Huli ka, tapos ka na !"
Walang kahirap hirap na nilaslas ni Suwi ang leeg ng mage gamit ang kanyang espada at lumapag sa lupa.
Gayumpaman laking pagtataka nya ng tila walang gumulong na ulo sa lupa at nagmadaling lingunin ang kalaban nyang mage.
" Imposible, alam ko na tinamaan ko sya pero bakit?"
Sa pagkakataon na yun nakita nya na may itim na bagay sa leeg ng mage at dito naalala nya ang sinabi ni Agane tungkol sa kapangyarihan nito na ipadala ang ano mang bagay sa loob ng dimensyon gamit ang anino.
Hindi umubra ang ginawa nyang atake at alam nya na napakadelikado ng kalagayan nya lalo na naka apak sya sa anino na ginawa ng mage.
" Paano ba yan? ako naman ang aatake."
Kumalat ang napakaraming brasong gawa sa anino at dinakma ang katawan ni Suwi upang ipasok sa loob ng tinatapakang anino ng dalaga.
" Hindi, nahuli nya ako."
Pinilit na hiwain ni Suwi ang mga ito pero mabilis lang napapalitan ang mga ito ng bagong kamay at patuloy syang ipinapasok sa loob ng anino.
" Hahaha wala ka ng magagawa dahil hangat patuloy kang pumapalag sa mga yan ay mas patuloy ka nitong hihilahin papasok sa loob."
Naglagablab ang buong paligid ni Suwi ngunit tila wala itong naging epekto sa mga anino.
Dito ipinaliwanag ng kalaban nya na inaabsorb ng anino ang kahit anong bagay na madikit dito at kabilang na roon ang apoy na pinapalabas ni suwi.
" Paalam na sayo soul eater."
Nag taasaan bigla ang mga anino pataklob sa dalaga upang lamunin na ito tuluyan ng anino habang wala naman magawa ito para makaalis sa pag kakakapit ng mga ito sa katawan nya.
" Masama ito, bale wala ang apoy ko sa mga ito napaka imposibleng maka wala ako." Sa isip nito habang aligagang nagpupumiglas.
Gayumpaman bago pa tuluyang magbalot ng tuluyan ang dalaga ay bigla na syang naglaho na parang bula.
Kahit ang mage ay nagulat dahil wala man lang syang naramdamang presensya o mahika na pwedeng makatulong kay suwi na makatakas.
" Nawala sya? Imposibleng masira ng pisikal na lakas ang mga anino ko lalo na ang simpleng mahika kaya paano nya nagawang makatakas?" Bulong ng mage.
Kinutuban ang mage at agad na tumingin kay sei kung saan nakita nya ang umiilaw na mata nito na tanda ng pag gamit nya ng crimson Eye.
Nakita nya rin na nasa itaas ng ulo ng dambuhalang Ahas si Suwi kung saan ito galing kanina.
" Ang Sandata ng Eskapa, Ang time keeper. Napaka pambihira ang kakayahan nya kontrolin ang oras ng nilalang, higit pa ito sa inaasahan ko napaka lakas ng kapangyarihan nya." Bulong nito.
Pero sa isang kisap lang ng mata nya ay nakita nya na nawala sa kinatatyuan nito si suwi sa itaas ng ahas at kinagulat nya ng makaramdam ng presensya sa harap nya.
Dito ay nakita nya si Suwi habang naka amba muli sa harap nya hawak ang espada nito na nag aalab.
" Imposible, hindi. Napaka imposible ito "
" Yahhh!!!!"
Alam nya sa sarili nya na hindi nya na magagawang makagawa pa ng magic spell para kontrahin ang atake at sinubukang tumalon palayo gayumpaman ay tinamaan parin ito sa leeg.
Bahagyang nalalas ang leeg nya at nasugatan. Napuruhan man ay magawa nitong makaligtas gamit ang anino nya na ibinalot nya sa kanyang leeg upang pagalingin ang kanyang pinsala
" Ahh!"
Hindi naman nagsayang ng oras si Suwi at dali dali muling umatake para tapusin ang kalaban nya.
" Yahhh!!!" Sigaw ng dalaga
Gayumpaman kahit na nasugatan ito ay nagawa nyang maglabas ng magic circle sa lapag kung saan nag labasan ang libo libong spike para protektahan ang sarili sa susunod na atake ni Suwi.
Ilang segundo lang bago tumama sa katawan ni Suwi ang mga naglalakihang spike ay muli itong naglaho at nagbalik sa tabi ni Agane.
Walang nagawa ang mage kundi mapaluhod habang hawak ang leeg nya na pilit pinapagaling at ibinabalot ang katawan sa anino bilang proteksyon.
" Hindi, wala man lang akong naramdamang spell sa pag kontrol nya ng oras dahil doon napaka hirap malaman ang gagawin nya."
Dito napansin nya na nakaturo ang mga daliri ni Sei sa kanya at nakaramdam ng takot.
Alam nya na may binabalak ito at dahil alam nya na hindi nya kayang kontrahin ang kakayahan nito ay agad nyang ipinasok ang sarili sa anino para magpunta sa ibang dimensyon.
" Ayos nakatakas ako, sa ngayon kailangan kong maka isip ng paraan para mahanap ang kahinaan nya."
Pero habang nakalutang sa kawalan at sa pag kisap mata lang ng kanyang mata ay natagpuan nya ang sarili pagdilat nya sa labas ng kanyang demensyon.
Gulat na gulat sya at muling nakaramdam ng presensya ng nilalang sa harap nya. Dito sa muling pag kakataon ay nakita nya si Suwi sa harap nya na hawak na ang espada na patapos na ang pag hawi.
"Anong nangyayari? Nagbabalik nya ako sa pwesto ko ng paulit ulit."
Napansin na lang nya na lumilipad na ang kanyang ulo dahil sa paglalas ni Suwi sa leeg nya. Napagtanto nya na tinamaan sya ng espada ng hindi nya napapansin at hindi ito napaghandaan sa sobrang bilis ng pangyayari.
" Hindi ito pwedeng mangyari, halimaw sya hindi ito patas."
Ep 38 part 2