Chapter 45 part 2 

Sa kabila ng sinabi ni Koko kay nathaniel tungkol sa maaaring kabiguan nito sa pagliligtas sa galica ay hindi nawalan ito ng pag asa at disidido na tulungan si Sei.

Sinabi nya na kahit mag kaganun paman ang daranasin nya ay pipiliin nya magpaiwan at tulungan si Sei upang samahan hangang sa huli  dahil para sa kanya ay mas mabuti ito kesa abandunahin ang mga ito para iligtas ang sarili.

Alam ni Koko na desidido na ito at napabuntong hininga na lang habang nililinaw na wala silang aasahan na tulong sa kanya para buhayin ang mga naroon kahit mag maka awa pa ang binata.

" Alam ko pero sana tulungan mo ang galica kahit paano, kahit makatulong lang na mabawasan ang madadamay sa digmaan." 

" Hoy hoy nathaniel ano ba ang akala mo saakin genie mo na kahit anong oras ay pwede kang humingi ng pabor?" 

Nilinaw nya kay Nathaniel ang prinsipyo nila at mga pamantayan sa pagbibigay ng pabor ay nakadepende sa ano ang ihahandog ng mga ito at ginawang kapakipakinabang sa kanya .

Binangit nya na hindi basta basta sila nag gagawad ng mga kahilingan dahil hindi ito magiging patas sa ibang pinagkakaitan nila ng mga kahilingan.

Gayumpaman ay nakita ni Koko ang  determinadong reaksyon ni nathaniel at desidido ito sa pagtulong sa galica, hindi naiwasan nito na maawa sa binata kaya naman wala syang magagawa  kundi pagbigyan ito.

Sinabi nito na kailangan tapusin muna ni nathaniel ang naunang misyon nya bago ulit humingi ng panibagong pabor sa kanya. 

" Tapusin mo ang ibibigay kong mga misyon at kapag nagtagumpay ka ay baka pag isipan ko ang pagtulong sa galica." Sambit nito.

Nabuhayan ng loob si Nathaniel at nagpasalamat agad kay koko pero agad naman itong pinigil nito na magdiwang agad.

" Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Tutulungan ko lang sila kung magtatagumpay ka pero wag kang umasa na mangyayari iyon kapag nabigo ka at ang totoo naaawa ako sayo dahil pinipilit mo ang isang bagay na hindi ka pa handa. " Sambit ni Koko.

" Alam ko at handa ako sa mangyayari at isa pa mas mabuti na iyon kesa sa wala." 

Napabuntong hininga si Koko at sinabi nito na maghihintay sya ng pitong araw sa binata at binilinan na gawin ang lahat para pag handaan ang magiging laban nya sa hube.

" Hindi isang simpleng misyon ang talunin ng hube kaya maghanda kang mabuti."  Dagdag nito.

Naglakad si Koko palabas ng gusali habang nag tatanong kung ano ba ang pwedeng pag ka abalahan sa galica.

Unti unting lumitaw ang katawan ni Koko at nakita ng mga naroon kaya naman agad silang nagsi layo upang paraanin ito sa paglabas nito sa gusali.

" Ano ba ang maibibigay nyo sa mga bisita nyo dito sa palasyo? May masasarap ba kayong pagkain man lang." Tanong nito.

Agad na inutusan ni Sei na handaan si Koko at bigyan ng mga kailangan nito.

Nagalit naman si Nathaniel sa tila pagpaparinig ni Koko at pang aabuso sa katayuan nya.

" Ikaw na nagsabi na wala kang kinalaman sa sino man dito kaya bakit ka magpapa asikaso sa kanila." Galit na tanong nito habang sinusundan si koko palabas.

" Wala kang talaga pagmamalasakit saakin. Oo sinabi ko na ituring nila akong pangkaraniwan nilalang pero isa parin akong bisita dito at siguro naman may kahit anong maganda sa lugar na ito na ikakatuwa ko." Sagot nito.

Kinausap ni Nathaniel si Sei at humingi ng pasensya sa inaasal ni Koko sa harapan nila at wag na masyadong intindihin ang mga sinasabi nito.

Ipinaalam nya na walang paki elam si Koko sa sino man kaya walang dahilan para bigyan ito ng kahit ano o ituring na espesyal.

" Grabe ka saakin, dapat matuto kang rumespeto sa kagaya ko." Pag angal ni Koko.

Lumipas ang ilang oras ay nagdesisyon sina Nathaniel na magsanay sa gabay ng ilang guro sa Galica at isinama sa training camp. Nagtakda si Sei ng mga guro para hasain ito.

Nagbigay din si Sei ng mga sundalo na magbabantay sa kanila at personal na katulong kay Suwi.

Hindi naman nagustuhan ni Nathaniel ang pag aabot sa kanya ng sandamakdak na libro upang basahin  para sa pagsisimula ng kanilang pagsasanay.

" Kailangan kong maging mahusay sa pakikipaglaban kaya bakit nyo ako pag aaralin ng mga libro at ikulong sa kwartong ito? " 

Agad na sinabihan sya na bilang isang baguhan ay kinakailangan nya matutunan ang mga pangunahing kaalaman upang hindi na sya mahirapan sa iba pang mga bagay.

Agad naman na tinamad ito at nagrereklamo dahil kahit kelan ay pinaka ayaw nya ang pagbabasa ng libro sa pag aaral.

" Dyan palang nagrereklamo ka na paano pa kaya kapag magsasanay ka na sa pakikipaglaban?" Tanong ni Suwi.

Kinabukasan ay nagpatuloy ang pag sasanay ni Nathaniel at habang nag aaral  ito ay nagpupulong naman sina Sei kasama ang kanyang mga heneral sa isang kwarto para pag usapan ang ikang mahahalagang isyu.

Dito nagreport ang mga sundalo sa ginagawa nila nathaniel at inihahanda pa ang mga gagamitin para matulungan ang binata sa pag sasanay.

" Magaling, gusto ko na maging maayos ang lahat at isa pa pala ibigay nyo ang lahat ng gusto ng ating bisita sa kabilang gusali." Sambit ni Agane sa mga sundalo.

Pagkatapos makaalis ay bumalik na sa upuan si agane para makapag simula ulit ng pulong.

Dito ay kasama nila si Nyabu para ireport ang mga naganap sa loob ng church.

Kahit naman na nasabi ni Nyabu ang mga eksaktong nangyari ay hindi parin sila makapaniwala na may kasamang banal na nilalang si Nathaniel.

" Ayaw ko pong sabihin ito pero sigurado po ba kayo na isa syang banal na nilalang kamahalan ? Tanong ni Agane.

Pinagdudahan ni Agane ang katauhan ni Koko gayung wala itong naramdamang espesyal dito lalo na sa presensya nito na ordinaryo nyang nararamdaman  sa iba.

" Walang duda doon, nababalot sya ng banal na pwersa na katulad ng sa supreme commander.." sagot ni Sei.

" Pero kamahalan kung sigurado kayong isa syang banal na nilalang ay dapat natin paghandaan ang kanyang mga sinabi tungkol sa hinaharap ng galica."  Sambit ni Aoi.

Ipinaalala nya na noon pa man nabangit na ni Nathaniel ang hinaharap ng galica at base sa kanyang sinabi ay walang makakapigil sa bagay na iyon.

Hindi naman agad naniwala si Agane sa mga nasabi ni Nathaniel dahil ayun dito ay hindi eksaktong nalalaman ng binata ang lahat.

Ipinaliwanag nya na sobra syang nabigla sa pagkamatay ni Ataparag kaya naman ibigsabihin ay wala itong nalalaman sa ano ang eksaktong magaganap.

" Pero hindi natin pwede baliwalain ang bagay na nabangit ng banal na nilalang." 

Kinumbinsi ni Aoi na imbis na pagdudahan si Nathaniel ay mag isip na lang sila ng paraan upang makaligtas ang galica sa pag lusob ng warlord.

" Totoo man o hindi ay mas mabuti ng maghanda tayo."  Sambit ni Aoi.

" Maghanda? Sa paanong paraan ba tayo makakapaghanda?" Tanong ni Agane.

Biglang natahimik ang lugar sa hindi pagtugon ng ibang heneral kaya naman agad na lang tinanong ni Aoi kung may naiisip silang paraan upang manalo sa digmaan.

" Ayon sa report ay higit pitong milyon ang hukbo ng Halloween nung lumusob sila sa digmaan noon at wasakin ang Habanai kingdom ."

" Ayon din sa impormasyon ng eskapa kaya ng halloween na humigop ng dark energy sa paligid upang gawin power source nito sa laban." 

Walang kahit isa sa kanila ang sumasagot at nagsasalita, mababakas sa kanila ang pagkabahala at kawalan ng pag asa.

Alam nila na hindi nila kaya ang pwersa ng Halloween sa oras na umatake ito sa bayan nila.

" Napakalaki ng diperensya ng sampung ulit na dami ng hukbo nila kesa saating mga sundalo kamahalan marami ang mamamatay na mamamayan sa labas ng galica sa oras na mag umpisa ang pag atake."'

Gayumpaman naging kalmado lang si sei na kinakausap ang mga heneral nya na wag mawalan ng pag asa kahit na nababatid nila kung gaano kalakas ang kalaban nila.

Ipinaalala nya na walang magagawa ang pag aalala at hindi sila makakapag isip ng tamang mga desisyon kung natatakot sila at nagdududa.

" Kamahalan, pwede tayong matulungan ng eskapa para pangalagaan ang Galica." Sambit ng isang heneral.

" Duda ako sa bagay na iyan lalo pa mainit ang mata saatin ng eskapa sa pagkupkop sa Soul eater." Sagot ni Agane.

" Kung pag babasehan natin ang sinabi ng Banal na nilalang ay wala tayong aasahan na tulong mula sa kanya hangat hindi nagtatagumpay si nathaniel." 

" Pero sinabi rin nya na walang katiyakan kung magtatagumpay si nathaniel na matulungan tayo at hindi tayo pwedeng umasa na lamang sa isang tao." 

Binanggit ni Agane na kahit may espesyal na kapangyarihan si Nathaniel ay nagtataglay parin ito ng mga limitasyon at kahinaan. Ipinaalala nya sa kanila na natalo ito ni Sei ng walang kahirap hirap at napaka imposible itong maging malakas sa loob lang ng ilang araw.

Gayumpaman ipinagmalaki ni Aoi na hindi ang pagtataglay ni nathaniel ng malakas na kapangyarihan kaya ito naging espesyal sa paningin ng reyna nila kundi nagagawa nito ang mga bagay na imposible para sa isang tao kagaya na lang ng pagtalo sa warlord na si serenity at ang pagtulong na magapi ang anak ng warlord.

 

Nagpatuloy ang talakayan nila hangang sa tumayo sa kinauupuan nito si Sei at dahil doon ay nagsi tahimik ang mga heneral nya.

Naglakad ai Sei papunta sa bintana at sumilip sa labas kung saan matatanaw ang bayan ng galica.

Para sa reyna ay buhay ng mamamayan nya ang pinaka importante sa lahat at dapat unahin. Inutusan nya ang mga heneral na maghanda na ilikas ang mga tao sa labas ng galica.

" Ano pong binabalak nyo kamahalan." Sambit ni Agane.

" Magbigay kayo ng request sa eskapa head quarters, kailangan kong makaharap ang supreme commander." Sambit nito.

Kinabukasan ay patuloy na nag aaral si Nathaniel sa loob ng silid sa gabay ng mga guro at itinuturo dito ang tungkol sa mga pangunahin batas at paraan ng pag gamit ng mahika.

Sa labas naman ng kwarto ay  nakasilip lang si Suwi sa bintana  para antayin matapos si Nathaniel.

Dito ay nakabantay parin ang isang babaeng sundalo sa kanya. Wala itong imik at nahahalata ni Suwi na umiiwas ito ng tingin kanya.

Napabuntong hininga na lang si Suwi at sinabi rito na hindi nya kailangan matakot dahil wala syang gagawin sa kanyang masama lalo pa isa syang bisita doon.

" Sa totoo nga lang hindi mo na ako kailangan bantayan pa." 

" Hindi po maaari yun, kailangan kong sundin ang utos saakin kahit anong mangyari." Sagot nito habang

Nanginginig.

" Huh? Sa itsura mong yan ay babantayan mo ako? Naisip mo ba na kung may balak akong masama sa lugar na ito ay kaya kitang kainin ng walang kahirap hirap?" 

" Wala sa itsura mo ang maging sundalo at sa tingim mo magagawa mo akong pigilan?" Dagdag ni Suwi.

Natakot bigla ang dalaga at napalakad paatras dahil sa talim ng pagtingin ni Suwi dito na tila ba kakainin ito ng buhay.

Bigla naman lumabas sa katawan ni Suwi si serphia at pinapatigil si Suwi sa pananakot sa mga sundalo.

" Hindi mabuti para sayo na takutin ang lahat ng nasa paligid mo, tandaan mo sana na nasa teritoryo ka nila mahal na  princesa ." 

" Nagbibiro lang ako, mukha kasi syang lampa kaya hindi ko mapigilan na pagkatuwaan sya." 

Dito ay humingi ng tawad ang babae kay suwi at inamin na hindi talaga sya tunay na sundalo kundi isang tagapaga silbi ni sei.

Wala syang nalalaman sa pakikipaglaban at binangit na kahit sya ay hindi nya alam kung bakit inutusan syang bantayan si Suwi.

" Oh... Kung ganun baka naman may nagawa kang kasalanan kaya ibibigay ka bilang handog para makain ko?  " Pagbibiro ulit ni Suwi.

Natakot ang dalaga at nagsimulang magmakaawa dito at binabangit na gusto nya pang paglingkuran ang reyna nya ng mahabang panahon.

Nagulat naman si Suwi sa pagluhod nito at aligagang pinapatayo ito sa ginagawang pag mamakaawa, kinabahan ito na baka may makakita sa kanila at maging sanhi ng kaguluhan.

" Hoy ano bang ginagawa mo? halata naman niloloko lang kita. Tumayo ka na dyan baka ano pang isipin ng iba." 

Hindi magawang maisip ni Suwi kung bakit imbis na isang sundalo ang pinagbantay sa kanya ay isang duwag na tagapag silbi. 

Tumahimik sa isang sulok ang babae at hindi parin makatingin kay suwi ng deretso dahil sa takot.

Bumuntong hininga ang dalaga at dahil sa pagkainip kaka antay kay nathaniel ay hiniling nito sa babae na ihatid sya sa lugar na pwedeng puntahan gayung marami ang lugar na hinaharangan sya na makaraan.

" Maraming bawal na pasukin lugar sa palayo kahit kaming mga tagapag silbi pero may isa akong alam na lugar na maaari kang makapasok."

Sumama si suwi dito upang magpatay ng oras hangat nasa galica sya dahil sa hindi rin sya pwedeng  pumasok sa kwarto at makagulo sa pag aaral ni Nathaniel.

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos sa pag aaral si Nathaniel kinausap ni agane ang guro na nagturo dito upang malaman ang progreso nito.

Ilang sandali pa ay nag alisan na ang mga guro kasabay ng paglapit ni Agane kay nathaniel. 

Dito magiliw na binati ng binata si Agane at tinanong kong kailan sya magsisimula na magsanay ng totoo dahil para sa kanya ay walang saysay ang pag aaral nya gayung nalaman nya na hindi sya maaaring makagamit ng mahika.

" Para saan pa nag pag aaral ko nito gayung sinabi nila na hindi ko kayang magbasa at magbigkas ng mga magic spell." Pag angal nito.

" alam ko na hindi mo kayang mag cast ng magic spell dahil isa ka lang tao pero Kinakailangan mong malaman at maunawaan kung paano gumagana at ginagamit ito ng mga magic user." 

Ipinaliwanag nya na mas madali para kay nathaniel na makipaglaban sa mga mage at magic caster kung malalaman nito kung paano ito gumagana at ano ang mga kondisyon nito.

Binangit ni Agane na hindi basta basta ang pag cacast ng magic spell at kung malalaman ni Nathaniel ang mga kahinaan ng mga ito ay mas makakapag handa sya para matalo ang kanyang kalaban.

" Halos lahat gumagamit ng  magic spell kaya malaki ang magiging pakinabang kung malalaman mo kung paano sila nakakagamit ng kapangyarihan."  Bilin ni Agane.

" Oo, kahanga hanga rin na kaya nyong mag cast ng spell gamit ang isip lang, napaka advance ng mahika sa mundong ito." Sambit ni Nathaniel.

Pinapunta sya ni Agane sa kabilang gusali para ipakilala ang susunod na guro na magtuturo sa kanya.

Hiniling ng binata na wag na sana ito tungkol sa pagbabasa at pag kakabisa ng mga letra.

Napabuntong hininga naman si Agane habang sinasabi na hindi mawawala ang pag babasa sa pag aaral pero upang matuwa ito ay sinabihan nya ito na magsisimula na syang gumamit ng mga sandata.

Ipinaliwanag nya na mahalaga na malaman ng binata ang mga pangunahing kaalaman sa pag gamit ng espada, palaso at iba pang mga sandata.

Nagtaka naman ang binata kung bakit kailangan nya aralin ang mga ito gayong hindi naman magtatagal ang kanilang laban sa hube. 

" Utos ito ng reyna at kahit na malapit ka sa kamahalan ay dapat iginagalang mo ang kanyang mga utos lalo pa para naman ito sa kapakanan mo." 

Walang nagawa ang binata kundi ang pumayag at sumunod na lang dito, sinundan nya ito papunta sa kabilang gusali.

Alabngapoy Creator

Ep 45 part 2