Chapter 23 part 1
Habang naglalakad ang diwata pababa ng kanyang bahay na nasa itaas ng puno ay hindi maaalis ang tingin ng binata dito at patuloy na namamangha. Nababalot ito ng mga enerhiya at mga umiikot na ispirito sa paligid nya na tila ba nagsasayaw.
" Daniel, ang nakikita mong anyo nya ay ang anyo kung paano nya gustong makita ng ibang nilalang, walang pagkakaiba ito sa ginagawa ng iyong anghel na may wangis na tao." sambit ni Fufu.
Sa pagbaba nito sa hagdan ay unti unti itong nagbabago ng anyo at nagiging magandang babae na naka berdeng bistida.
Naglapitan naman ang mga alagang halimaw at ispirito na nakatira sa lugar at nag sisipagluhod na sumasalubong sa kanilang panginoon.
Habang pinagmamasdan ang paglalakad nito ay ipinapaalam ni Fufu kay Daniel ang katauhan ng diwata na palapit ngayon sa kinaroroonan nya.
Pinangalanan nya ito Ceraz ang diwata ng oras at isa sa mga pangunahin diwata. Hindi sya nakikihalubilo o nakikisama sa iba sa loob ng libo libong taon kaya walang may alam sa tunay nitong kapangyarihan. Hindi rin nila alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito o plano sa napakahaba nitong buhay.
Natanong naman ng binata kung ano ang pinagkaiba ng mga pangunahing diwata at ano ang espesyal sa kanila sa iba pang diwata.
Ipinaliwanag ni Fufu na ang mga pangunahing Diwata ang mga pinaka unang diwata sa mundo bago pa isilang ang mga nilalang na may buhay. Nabubuhay ang mga ito ng milyong taon na higit sa ibang diwata.
" Kung ganun espesyal syang diwata? Bakit nya tayo pinapasok?"
Lumapit si Kaz sa harap nito at bumati sa kanyang ina sa pag gising nito. Nagulat si Kaz at gumising ito ng wala sa oras.
" Alam nyo kasi kada limang taon lang nagigising si Ina kaya talagang nakakabigla ito."
" Kada limang taon? Seryoso ka?"
Bumati si Ceraz sa dalawa lalo na kay Fufu bilang kapwa isang diwata. Kinilala nya ang katayuan ni Fufu bilang diwata ng Dalisay na enerhiya.
" Kinararangal ko na makakita ng isa sa mga pangunahing diwata."
Nagulat naman si Daniel sa nalaman na isa rin pangunahing diwata si Fufu pero sinabi lang ni Fufu na hindi na dapat nagugulat ang binata sa nalaman nya lalo pa kinakausap sya ng anghel.
" Hindi nakikipag usap o ugnayan ang mga anghel ng dakilang lumikha sa kung sino sino lang dapat doon palang alam mo ng hindi ako pangkaraniwang diwata."
Bigla namang napaisip si Daniel na dapat bang maki pag usap ang binata dito na may respeto at formal kagaya ng iba dahil sa mataas na katayuan nito.
Tinangihan naman ni Fufu ang pagbibigay ng binata ng paggalang sa pag kausap nito at sinabi na hindi na kailangan nito na maging formal sa pakikipag usap sa kanya dahil para sa kanya ay hindi naman iyon malaking bagay lalo na ang binata ay ibinigay ng anghel para tulungan sila.
Hindi rin naman sya madalas makipag usap sa mga tao at sa iba kaya wala syang kagustuhan na kausapin ng formal para ipakita ang kanilang pagiging mataas na uri ng nilalang.
Inamin nya na sa halos sampung nilalang palang maliban sa ibang diwata ang nakausap nya sa buong buhay nya at wala syang interes na makihalubilo sa mga ito.
" Mabalik tayo, bakit mo pala kami gustong papasukin sa iyong tahanan?" Tanong ni Fufu.
" Wala naman, gusto ko lang malaman kung bakit may kasamang tao ang isang pangunahing diwata na kagaya mo."
Dito ipinaliwanag ni Fufu sa kanya ang kanilang sitwasyon at kung ano ang nagaganap sa labas ng dungeon sa loob ng maraming taon.
Naikwento rin ni Fufu dito ang pagbibigay ng anghel kay Daniel para tulungan ang mga diwata sa paglutas sa problema sa black magic user na nagbabalak sirain ang balanse ng enerhiya sa earth.
Sinambit nya na nasa malaking panganib ngayon ang balanse ng mundo at kailangan itong masolusyunan sa lalong madaling panahon upang hindi ito humantong sa pagkawasak ng mundo.
Dahil sa nabangit ni Fufu ang tungkol kay laz ay biglang naalala ni Ceraz na walang kayang tumalo sa mahika nito kundi ang kapangyarihan ng kalangitan kungbsa kaling mabuhay itong muli.
Maigi nyang pinagmasdan ang binata at sinabi na wala syang maramdamang banal na enerhiya kay daniel at pinagdududahan ang kakayahan nito na magtagumpay.
" Kinakaya ng mahika ni Laz gumawa ng sariling mahikang kokontrol sa mundong ito at alisin ang limitasyon ng mga kakayahan ng black magic. Maging ang oras ay kaya nyang manikulahin."
Ipinaalam nya na sa kanila na isa itong diyos na pati ang kamatayan ay kaya nyang manikulahin at dahil doon matatawag itong tunay na imortal.
Nagulat naman si Daniel sa narinig nya at biglang natakot sa nalaman gayumpaman nagtaka ito dahil sa kabila ng nakakatakot na pag lalarawan nila dito bilang tagapag kawasak ay paano sya natalo ng isang tao. Ang tinutukoy nya ang ay pag gapi ni Freedom kay Laz higit isang libong taon na nakakalipas.
" Kung ganun ang iniisip pala ng lahat na ang tao na si Freedom ang pumatay kay Laz."
Naglakad si Ceraz habang ipinaliliwanag na nay kakayahan si Freedom na higit kanino pa man bilang tagapagligtas noon gayumapan hindi kailanman magagawang patayin ng isang tao ang mga pangunahin diwata.
" Ang totoo Hindi nya napatay noon si Laz pagkatapos nitong matalo. Kahit na isang mapagmataas na diwata si Laz ay may isang salita ito at nung matalo sya sa isang laro ay tinangap nya ang kamatayan."
Maging si Fufu ay nagulat sa nalaman nito dahil napaka imposible na tumanggap ito ng pagkatalo lalo pa isinugal nito ang lahat kasama na ang pagtalikod sa kabutihan.
" Hindi naman iyon nakakapagtaka dahil si Laz ang mismong nagturo at nagbigay ng kaalaman sa taong si Freedom."
" Sandali ko lang silang nakasama noon kaya hindi ko alam kung bakit nasira ang kanilang mabuting samahan gayumapaman base sa nakita ko noon ay itinuturing nilang pamilya ang isat isa."
Ikwinento nya na hindi likas na masama si Laz at pinahahalagahan ang buhay ng mga nilalang gayumpaman hindi sya sang ayon sa pag babawal sa itim na mahika sa mundong ito na bahagi ng kanyang kaalaman at Iniisip na parte ito ng sarili nya.
Nagulat naman si daniel sa nalaman nya tungkol sa kaugnayan ni Laz at freedom pero ipinaalam din sa kanya na pangkaraniwan lang na magkaroon ng alipin o kasama ang mga diwata na ibang nilalang dahil sa haba ng kanilang buhay ay nababagot din sila sa pag iisa.
Tinignan nito si Kaz at ipinaalam sa kanila na inampon nya si Kaz na itinuturing nyang anak upang may mag asikaso ng lugar na tirahan nya at inihalimbawa nya ito sa naging relasyon noon nila Laz at freedom.
" Gayumpaman walang nakakaalam kung bakit humantong sa pag tatangkang pagwasak ng balanse ng mundo ang lahat. Marahil hindi na natin ito malalaman pa."
" Ang mahalaga ay mapigilan na muling mabuhay si Laz dahil nakakatiyak ako na hindi ito magiging maganda para sa lahat." Dagdag nito.
Ikwinento ni Fufu na alam na nila kung nasaan ang bagong katawan ni Laz gayumpaman hindi nagbigay ng utos ang anghel na wasakin o gumawa ng hakbang.
Gusto ng anghel na baguhin ang nakatakdang kapalaran nito at si daniel ang inatasan nyang gumawa nito.
" Kasamaan palad ay kailangan kong ilayo sya sa kapahamakan at impluwensya ng kasamaan para lang siguruhin na hindi nya pipiliin ang kadiliman."
Naglakad bahagya Si Ceraz at hinahawakan ang ulo ng mga halimaw habang sinasabi na hindi nya alam kung ano ang binabalak ng kalangitan at wala syang karapatan na salungatin ito.
Kung iniisip ng anghel na hindi na nila kailangan na paslangin pa ang bagong laz upang mapigilan ang pagkawasak ay wala silang pwedeng gawin kundi ang magtiwala.
" Gayumpaman inaasahan ko na tutulungan mo kami lalo pa hindi madaling misyon na bantayan ito."
Napaisip bigla si Ceraz at lumapit muli sa kanila habang pinapalapit si kaz sa tabi nya.
" Hindi ako pwedeng makipaglaban kaya sa tingin ko pwede kong ipasama sainyo si Kaz upang makatulong."
" Ano? Teka ina, gusto nyo akong lumabas at iwan kayo dito?"
Hinawakan nya ang ulo ni Kaz at ipinaalala nito na kinakailangan matulungan nila ang mga taga labas para na rin sa kapakanan ng kanilang tahimik na pamumuhay sa loob.
Maikli lang ang mga panahon sa labas kaya naiisip nya na hindi magtatagal ang paghihiwalay nila.
Sa sandaling iyon ay pinaki usapan ni ceraz na alagaan ang kanyang anak sa labas at binangit na malaki ang maitutulong nito sa laban lalo pa hawak nito ang kapangyarihan ng oras.
Namangha naman ang binata sa narinig nya at nagulat dahil sa kamangha manghang kapangyarihan na taglay ni kaz.
Lumapit si Ceraz kay Daniel at hinawakan ang kamay nito at kasabay nun ay ang pag lalagay dito ng isang tatak na katulad ng nasa noo ng diwata.
" Anong inilagay nyo saakin?"
" Isang kapangyarihan na makakatulong sayo sa misyon mo. Gamit yan maibabalik mo ang kalagayan ng isang nilalang o ang sarili mo sa dati nitong estado at kalagayan."
Ipinaliwanag nya na binigyan nya ito ng kapangyarihan na pabalikin ang oras ng katawan ng isang nilalang at ipinagmalaki na malaki ang maitutulong nito kung sakaling nasugatan sya sa laban.
Gayumpaman pina alalahanan nya ito na wag abusuhin ang pag gamit nito lalo pa kumakain ito ng napakadaming enerhiya.
Ipinaalam nya rin na kayang ibalik nito ang kalagayan ng katawan ng nilalang sa nakalipas na isang oras.
Kahit na nakakagawa ito mg milagro sa mga nilalang na naghihingalo o nawalan ng parte ng katawan ay hindi nito kayang buhayin ang namatay na.
" Wow ang galing." Pagkamangha ni Daniel.
" Walang duda naman na makapangyarihan ang oras gayumapamn sa oras na mabigo kayong pigilan ang pagbabalik ni Laz ay hindi ko matitiyak kung may pag asa pa ba tayong mailigtas ang mundo."
" Nakita ko kung paano nya manikulahin maski ang oras sa sarili kong teritoryo. Ang kaalaman nya sa mahika ay hindi kayang pantayan ng sino man."
Lumipas ang ilang minuto pagkatapos nila mag usap ay umakyat na sila sa itaas ng lawa at lumabas.
Nakatayo lang sila sa gilid ng lawa habang piinagmamasdan nila ang pag baba ng pintuan na bato sa ilalim ng tubig.
" Ang galing, teka ok lang ba talaga na tulungan mo kami?" Tanong ni Daniel.
" Wag kang mag alala ayos lang ako. Hindi ko rin pwedeng suwayin si ina lalo na mahalaga ang misyon na binigay nya."
Tumingin sya sa paligid at uminat habang bumubulong sa hangin kung gaano na sya nakatira sa ilalim ng lawa.
" Higit limang daang taon na rin siguro akong hindi nakalabas sa dungeon na ito kaya kayo na bahala saakin."
Nagulat naman si Daniel sa nalaman nitong tanda at hindi makapaniwala kaya naman tinanong nya ito kung ilang taon na sya at kung bakit hindi ito tumatanda.
" Ah.. nasa labing anim na taon lang ako nung kopkupin ako ni Ina at dalhin sa ilalim ng lawa at dahil nga sa kayang manikulahin ni Ina ang oras sa teritoryo nya ay hindi ka doon pwedeng tumanda."
" Ang oras ay ilusyon lang at nakabase sa pagtingiin ng mga nilalang. Sa katulad nyang diwata na hawak ang kapangyarihan na hawakan ang time space ay magagawa nyang manikulahin ito ng walang kahirap hirap." sambit ni Fufu.
Habang nag uusap ay naalala ni Daniel ang oras kaya naman pinagmadali nya ang mga kasama nya sa pag kilos dahil hindi pa sya nakakakolekta ng mga materyales na kailngan nya.
Pinasunod nya agad si Kaz at sinasabihan ito na magtago muna habang tinatapos nya ang exam gayumapaman bigla rin syang nag alala sa magiging kalagayan ni Kaz kung sakaling iwan nya ito sa dungeon mag isa.
" Hindi kasi ako pwedeng bumagsak dahil kailangan ko maging myembro ng guild ni Elisa para mabantayan sya."
" Hm.. wag kang mag alala saakin dahil ang totoo kahit na wala sa itsura ko ay isa akong mandirigma noon ng kaharian kaya kaya kong pangalagaan ang sarili ko." Nakangiting sagot ni Kaz.
Bigla naman nairita si Daniel sa magamdang ngiti ni Kaz dahil kahit na matanda na ang edad nito ay napaka gwapo parin nito at naiingit ang binata na nabuhay ito ng napakaraming taon na may pinagpalang itsura.
" Hindi ko alam ang sinasabi mo pero salamat sa pag puri sa itsura ko pero siguro dahil bilang maharilka noon ay natuto akong mag ayos ng sarili."
" Hay pwede ba , nag aayos din anman ako ng katawan ko pero hindi ako kasing gwapo mo. Sadya talagamg hindi ako pinagpala ng magandang itsura ng kalangitan."
Napangiti na lang si Kaz dahil hindi nito alam kung ano ang isasagot kay Daniel sa pag mamaktol nito.
" Hay ewan, wag mo akong pansinin nagbibiro lang ako, gusto ko lang na may pag usapan tayo." Sambit ni Daniel.
" Sa tingin ko hindi ka naman nagbibiro nung sabihin mong naiingit ka sa pagiging gwapo ni Kaz." Sabat ni Fufu.
" Pati ba naman ikaw balak mo narin akong ibully?" Pag angal ni Daniel.
Sinamahan ni Kaz na mangulekta ng Materyales si Daniel at kasama nya itong nakikipag laban.
Namangha naman si Daniel na nagagawang matalo ni Kaz ang mga ito gamit lang ang mga kamay.
" Teka paano mo napapatumba ang mga halimaw na yan gamit lang ang suntok? Sa kapal ng balat nila imposible na tablan sila ng suntok."
" Oh... Bihasa ako sa
Kyukushin, isa yung teknik na sumisira sa vital organ ng mga tao pero kaya dahil sa mahika ay nagiging epektibo rin ito sa mga halimaw." nnakangiti nyang sambit.
Lalong namangha si Daniel at nabangit nya dito na nais nya rin matuto ng teknik na ginagamit nito.
Pinaki uaapan nya itong ituro sa kanya ang teknik nito.
Hindi naman tumangi si Kaz at nakangiti na nangako sa binata na tutulong sa abot ng kanyang makakaya.
Habang naglalakad pababa sa burol ay biglang may narinig silang ingay ng pagtatalo ilang metro panh mula sa kanilang nilalakaran.
Dito ay agad nila itong pinuntahan at sinilip.
" Teka mga estudyante?" Sambit ni Kaz.
Biglang napailing si Daniel ng makita si Lea kasama ang kanyang mga tauhan at dito ay pinipiglan sya ng mga ito para pasukin ang gubat.
" Mahal na princesa paki usap wag na kayong pumasok sa gubat na yan, nangako kayo na hangang dito lang tayo sa ibaba."
" Pwede ba wag kayong duwag, nandito na tayo kaya bakit hindi pa tayo pumasok? "
Nagmakaawa ang mga kasamahan nito na wag tumuloy lalo pa napakaraming malalakas na halimaw sa kalagitnaan ng gubat at idinahilan na wala silang sapat na bilang para magawang matalo ang mga halimaw.
Gayumpaman ay galit na pinag hahampas ni Lea ang mga ito habang nilalait sa pagiging duwag ng mga ito.
" Kaya tayo kinukutya ng ibang guikd dahil sa mga kaduwagan nyo. Hindi tayo pwedeng magpatalo sa ibang guild lalo na sa crafting magic."
Kahit na anong pilit nila sa dalaga ay wala silang nagawa para mapigilan ito dahil na rin hindi nila ito pwedeng daanin sa dahas.
Habnag padabog na naglalkad ay biglang may bumato ng piraso ng sanga sa ulo ni Lea dahilan para mapatigil ito.
" Aray ko, bwisit sinong naglakas ng loob batuhin ako." Galit nitong sambit.
DIto nakita nya sa itaas ng burol si Daniel hawak ang piraso ng sanga.
" Teka ikaw ba ang bumato saakin ?"
Tumalon si Daniel pababa sa kinalalagyan nila at naglakad palapit pero hindi na ito hinintay ni Lea at padabog na naglakad pasulong.
" Napakalakas ng loob mong batuhin sa ulo ang isang princesang kagaya ko."
Umatake ito gamit ang suntok pero mabikis lang ito naiwasan ni Daniel at muli syamg hinampas sa ulo ng sanga na hawak nya.
" Pwede ba huminahon ka muna dyan."
" Ginawa mo nanaman , talaga bang gusto mo ng mamatay." Galit na sambit nito.
" Pasensya ka na hindi ko sinasadya saktan ka pero kung hindi kita babatuhin ay malamang nakapasok ka na sa gubat. " Pagdadahilan nito.
Hindi tinangap ni Lea ang paliwanag nito at patuliy na umatake dito gayumpaman dahil sa may kakayahan si Daniel na pabagalin ang oras sa paligid nya ay nagagawa nyang makaiwas dito.
" Teka hindi ako nandito para makipag laban sayo, sinusubukan lang kitang iligtas kaya pwede ba tigilan mo na ang pag atake."
Hindi ito nakinig at nagpatuloy lang hangang sa magdabog ito at maglitawan ang mga magic circle aa paligid nya. Alam ng binata na gagamit na ito ng apoy para patamaan sya kaya naman agad nya itong pinatigil.
" Teka, teka wag mong gagawin yan. "
" Hindi ako titigil hangat hindi ako nakakaganti." Galit na pagmamaktol nito
" Huh? Ano ka bata?
Nilinaw ng binata na hindi nya binato si Lea para magalit ito kundi dahil nag aalala sya sa pwedeng mangyaring masama dito.
Nagpatuloy ito sa pag atake at dahil alam ng binata na hindi ito madadaan sa paki usap ay bigla nya itong binigyan ng piraso ng sanga.
" Heto, sanga ang pinang bato ko sayo kaya dapat lang ito rin ang gamit mo sa pag ganti. Hindi tama na manununtok ka."
Agad naman kinuha ito ng dalaga at inihampas kay Daniel pero alam nya na hindi sapat ang ginawa nya para masaktan ito.
Bigla syang natahimik na may pagdududang mga tingin aa binata at sandali pa ay kwinelyuhan si Daniel dahil para sa kanya ay napakalakas ng pagkakabato nito para masaktan sya ng labis.
" Hindi ako naniniwala na sanga lang ang gamit mo para masaktan ako." Sigaw ng dalaga.
" Teka naman bakit ba parang kasalanan ko pa na hindi mo ako kayang saktan gamit ang sanga "
Gusto mya itong sapakin pero patuliy nag mamakaawa ang binata na wag maging bayolente dahil may mabuti syang intensyon kung bakit nya ito ginawa.
Gayunpaman hindi ito matangap ng dalaga dahil pakiramdam nya ay bumababa ang tingin ng mga tauhan nya sa kanya. Isang malaking kasalanan ang pananakit sa maharlika at wala kahit na sino ang gumagawa nito.
" Pinapahirapan sa kulungan sa palasyo at pinapatay ang mga lumalapastangan sa kagaya kong maharlika. Sa tingin mo ba makakapayag akong hindi ako makaganti?" Galit na sambit nito.
" Ano may ganung batas dito? Teka oo na mali na ako pero hindi mo naman siguro paparusahan ng kamatayan ang kaibigan mo? Hindi ba? Aligagang tanong ni Daniel.
Part 1