Chapter 11

" Limot na Pangarap " 

Maraming bagay ang gustong makamtan ng mga tao sa mundo ,mga sari saring kagustuhan at pag aasam na nagtutulak sa kanila na magporsige at magsumikap sa buhay kaya minsan nakakagawa sila ng mga desperadong bagay para lang sa inasam asam nila.

Pero may ilang bagay na kahit anong gawin mo ay imposible mong makamit dito sa mundong ito kahit anong pagsisikap pa ang gawin mo . Isa na rito ay ang mga nilimot na mga pangarap dulot ng pagtanda ng mga tao.

Alam nila na hindi nila ito kayang makuha kaya nagawa nila itong kalimutan na lang dahil alam nila na may limitasyon ang realidad .

Ang tinutukoy ko ay ang pag asam ng lahat ng tao noong bata pa sila sa isang imposibleng bagay at pangyayari na binubuo ng sariling imahinasyon na tinatawag na pantasya .

Lumipad sa langit , makasalamuha ng kakaibang uri ng nilalang at magkaroon ng kapangyarihan . Isang pantasyang nililimot ng mga normal na tao at iniiwan sa pagkabata .

Maturity , ano nga ba ang bagay na ito ? ito ang bahagi sa buhay ng isang tao kung saan dumaraan sya sa pagiging matanda magmula sa pagiging isang paslit. Maraming bagay ang magbabago sa oras na nilisan mo na ang pagiging bata dahil kailangan mong makipagsabayan sa mundo at isa na rito ang paglimot sa mga iyong werdong mga pantasya tungkol sa kakaibang bagay.

Sa madaling salita ang maturity ay ang pagtanggap sa realidad ng mundo . Maging sa buhay pag ibig ,katayuan,pangarap, kaugalian, kahit ang pagbabago sa sariling katawan at ibat iba pang responsibilidad na kinakailangan mong kunin at tanggapin dahil ikaw ay nabubuhay sa mundo .

Pagtanggap sa realidad? Tsk.

Isa yung nakakadismayang bagay lalo na sa mga otaku na gaya ko na mas pinipiling manatiling maging masaya gamit ang pagpapantasya sa mga weirdong bagay gaya ng paglipad, makatagpo ng mahiwagang nilalang at makaroon ng kapangyarihan.

Alam namin hindi namin iyon makakamit sa mundong ito kaya sa panunuod ng Anime,pagbabasa ng manga at paglalaro ng games namin ito idinadaan upang mapunan ang mga pantasya na iyon .

Hindi biro makipagsabayan sa mundo at kailangan mag mature ng mga tao para makayanan ang mga problemang pagdadaanan bilang tao pero kung ang pag batayan ng maturity ay nangangailangan ng paglimot namin sa mga pantasya at tanggapin ang realidad ng mundo habang tumatanda ay sigurado magkakaproblema tayo . Dahil ako bilang otaku ay handang manatiling ganito .

Dahil ito lang ang aming sandalan at sandata upang labanan ang stress sa problemang dulot ng realidad at pagiging tao sa mundong ito .

~

Sa pagpapatuloy ng aming pakikipag usap sa babaeng nagpakilala bilang anghel ng diyos ay ipinaliwanag nya saamin ang hawak nyang libro .

Ang pulang libro na iyon ay ang book of life , Isa daw itong banal na libro na ginagamit ng kalangitan sa paghatol sa mga taong namamatay at tumatawid na sa kabilang buhay.

Ang tinutukoy nyang paghatol ay ang dulong bahagi ng buhay ng isang nilalang kung saan namatay ang katawang lupa nito at kailangan humarap sa isang anghel ng diyos para masuri kung saan ba mapupunta ang kanyang kaluluwa .

Kung sa bagay kung sa oras na tanungin ka ng angel na kung ano ang ginawa mo sa mundo upang masabi mong karapatdapat kang makapasok sa paraiso ng diyos ay tiyak magdadahilan ka lang at magsisinungaling .

" Ang Book of Life ay naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa iyong buhay mula ng isilang ka hanggang sa lisanin mo ang mundo. " Sambit nito .

" Magkaganun pa man isa parin itong makapangyarihang bagay na kayang bumaliktad ng realidad at bumago ng kasaysayan ." Dugtong nito .

Hindi malinaw sa mga kasama ko ang mga nangyayari sa mga sandaling iyon kaya naman panay ang tingin nila saakin na tila gustong magtanong at kitang kita sa mga mata nila ang pagdududa . " DD legit ba ang isang yan o isip bata rin kagaya mo ? " Bulong ni Elisa saakin .

" Totoo sya elisa at kung ayaw mong isumpa ng kalangitan ay tigilan mo ang pagtawag saakin na isip bata . " Sagot ko rito.

Malamang iniisip nila na isang kakulto ko sa mga pagpapantasya ang babaeng kasama namin ngayon dahil sa out of this world na sinasabi nito sa harap namin .

" Sandali , liwanagin mo muna , kung totoong makapangyarihan ang libro na yan ay bakit naman ipagkalatiwala ng diyos yan sa isang tao ? " Tanong ni Lea.

" Oo nga naman , lalo na sa tulad ni DD. Tiyak magkakagulo lang . " Sabat ni Elisa.

Nasabi ng mga kasama ko yun habang kaharap nila ako at sa tono ng pagsasalita nila ay tila ba isa akong mangmang na tao na walang ginagawang tama .

Alam ko na kahit wala akong ginawa sa buhay ko ay hindi naman ako masamang tao at maloko kaya bakit ganun na lang sila makapag react sa narinig nila .

" May problema ba kayong dalawa saakin ? "

Dito ay mahinahong ipinaliwanag ng anghel saamin na pumipili ang dakilang lumikha sa bilyong bilyong nilalang na ginawa nya ng ilang karapatdapat upang magkamit ng pagpapala na humawak ng banal na libro.

Hindi realistik at nakakapagduda pero mabilis na tumayo ang mga balahibo ko at tenga sa narinig ko dahil tila isa akong espesyal na tao . Masisisi nyo ba ako sa nararamdaman ko nang marinig na espesyal ako sa paningin ng dakilang lumikha eh isa akong Ex NEET na kinalimutan na ng Sangkatauhan at nagkulong na lang sa loob ng kwarto .

Taas noo kung pinagmalaki sa mga kasamahan ko ang pagiging espesyal ko para narin makaganti sa pang mamaliit nila saakin .

" Nakita nyo na ? Isa akong espesyal na nilalang ng diyos , kayo lang itong walang bilib saakin eh ." 

" Haa, Espesyal? Sa tingin ko nagkamali ang Diyos sa ginawa nya kagaya ng pagkakamali nya sa pag likha sa ipis at mga nakakadiring bagay . " Sambit ni Nikki.

" Kung hindi man pagkakamali yun ay tiyak isa yung pagpaparusa nya sa mga tao sa mundo . " sabat ni Lea.

" Pwede ba magsitigil kayo sa pangbabara saakin , Inggit lang kayo dahil ako ang espesyal na taong pinili ng Diyos . "

" Pero DD noon pa man espesyal child ka na , ikaw lang naman ang ayaw tumanggap nun ."

Hindi ko na magawa pang ipagtanggol ang sarili ko sa pang aasar nila at sa tingin ko hindi ito matatapos kung patuloy ko silang sasabayan . Ano pa bang aasahan kong suporta sa kanila eh noon pa man ay kontra na sila saakin .

Hindi ko hiniling sa kalangitan na magkaroon ng Kababata , Kapatid at fujoshi na nobya na katulad nila , Isa itong pagkakamali at parusa kaya siguro bumabawi ang kalangitan saakin at binigyan nila ako ng pagpapala .

" Hindi nyo lang matanggap na mas mahalaga akong tao kesa sainyo at pinatuyan yan ng isang totoong anghel ."

Sandaling nanahimik ang lugar sa hindi pagtugon ng anghel sa mga nasabi ko para itaas kahit papaano ang sarili ko pero imbis na segundahan ang pagmamayabang ko bilang karapatdapat na pinagpala na pinili ng diyos ay umiling lang ito at ngumiwi kagaya nung una na tila ba dismayado .

" Teka anong klaseng reaksyon yan ? "

" Alam mo DD wag mo ng ipagpilitan baka magbago pa isip nyang anghel na ibigay sayo ang libro . " Bulong ni Elisa.

Hindi ko alam kung tama ba na hayaan ko ang bagay na yun na tila maging sya ay hindi naniniwala sa pagiging karapatdapat ko .

Hindi ko alam kung paano ko pa ipagtatanggol ang sariling dignidad ko dahil mukhang wala kahit isa sa mga taong nasa paligid ko ang pabor at kumakampi saakin .

" Mapunta na tayo sa pag gamit nito , kagaya nang unang pagkikita natin ay magagawa nitong dalhin ka sa kahit saan , baguhin ang kapalaran mo at katayuan sa buhay ng isang iglap . "

" Woah ! " Paghanga ng mga kasama ko .

Ipinaliwanag nya saamin ang kahalagahan ng isang gabay na katulad nya upang hindi mauwi sa trahedya ang lahat .

" Teka paano ba gumagana yan ? " Pagtatanong ko rito .

" Napakasimple lang , kailangan ko lang isulat ang gusto mong tadhana maliban lang sa pagiging Diyos at tagalupig ng sansinukob."

" talaga ? Kahit ano ang gusto ko ? " Pag uulit ko.

" Kahit ano , kahit ang pantasyang gusto monoon pa man ay magagawa nitong maging iyong realidad. " Pagsisiguro nito.

" Wow! Kahit ang magtungo sa anime world ? "

" Sandali , posible ba yun? Kaya bang gumawa ni DD ng isang mundo gamit lang ang pagsusulat lang sa bagay na yan ? " Tanong ni Elisa.

Dito ipinaliwanag ng anghel na hindi derektang gagawa ng isang mundo ang isang pinagpala na kagaya ko lalo pa isa lang akong normal na tao at ipinagbabawal ang pagiging Diyos.

" Kagaya nang nasabi ko ay kontrolado nito ang kasaysayan at panahon at kung isusulat natin dito na nagtungo si Daniel sa Anime World na sinasabi nya sa mismong araw na ito ay mababago ang kasaysayan ."

" May posibilidad na higit sampung bilyong taon na may mahiwagang planeta ang nabuo sa kung saan sa kalawakan na tinatawag na Anime world o ano pa man upang mapuntahan ni Daniel sa kasalukuyan. " Dugtong nito

Sa una hindi malinaw saakin ang mga nasabi nya pero kung iisipin pinupunan ng kapangyarihan nito ang mga itinatakda sa libro .

" Ang sinasabi mo ba na gagawa yan ng planeta at banago sa kasaysayan para lang matupad yung itinakda at isinulat dyan ? "

" Tama , sa oras na isulat mo na pupunta ka sa isang lugar ay ang libro na ang gagawa ng paraan para magkatotoo ito at matupad ang nakatadhana . "

" Napaka pambihira pala nyan . " Paghanga namin .

" Wow, totoo pala yung napapanuod ko sa tv na kung ito ang nakatakdang mangyari ay magaganap sa takdang panahon . " Sambit ni Nikki .

Masyadong kamangha mangha ang mga kaya nito at nakaka sabik din masubukan kaya naman ninais ko rin tanungin kung posible bang magkaroon ako ng kapangyarihan gamit ito .

Napaka childish pero isa akong Otaku at ito na ang opurtunidad para makamtam ko ang mga pantasya ko noong bata pa ako .

Lumipad sa kalangitan , Makasalamuha ng kakaibang nilalang at magkaroon ng kapangyarihan . Sinong Otaku ang hindi gustong masubukan ito ?

Kalokohan man sa pandinig ng iba ang mga bagay na iyon ay anong paki elam ko ? Doon kami magaling eh .

" Teka DD seryoso ka talaga sa sinasabi mo ? Mukhang umabot ka na sa sukdulan ng pagde-delusyon mo na isa kang superhero "

" Tsk, Pwede ba wag kang KJ dyan elisa at anong masama doon ? Pwede akong makatulong sa ibang tao kapag nagkaroon ako ng kapangyarihan ."

" Hahaha superhero ? kuya daniel seryoso ka ? hahaha baka pati ang sarili mo hindi mo kayang tulungan ." Pang aasar ni Nikki.

" at isa pa mas mukha kang villian sa itsura mo Daniel , Hindi ka sisikat na hero ." Sabat ni Lea.

Masyadong hard ang nasabi ni lea saakin na tila ba hindi ako pwedeng maging superhero gaya nila superman o captain barbel dahil lang sa hindi ako gwapo . Pati ba naman sa pagiging superhero may diskriminasyon ?

Hindi kumikibo ang anghel sa mga naririnig nyang pagtatalo namin at biglang bumuntong hininga na tila ba napapagod sa panunuod saamin.

Hindi kaya nadidismaya sya sa mga naririnig saakin dahil kung tutuparin nya ang hiling ko ay tiyak mahihirapan sya sa trabaho nyang panatilihin ang balanse ng mundo .

" Naalala mo pa ba noon unang pagkikita natin daniel ? "

Dito ay binanggit nya ang panaginip na ipinaranas nya saakin noon tungkol sa pagpaslang saakin ni Rem at sino bang makakalimot sa isang bangungot na tila ba totoong totoo.

Pinagsabihan nya ako sa mga posibilidad na mauwi ang lahat sa masalimuot na katapusan kagaya ng sa panaginip at hindi na kontrolado ito ng anghel ng diyos na katulad nya .

Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na ang anghel na ito ay kontra sa gusto ko kaya patuloy nya akong pinipigilan pero baka iniisip nya lang din ang kapakanan ko .

" Pero naisip ko lang paano kaya kung magkaroon ako ng kapangyarihan na walang katapat para sa ganun ay walang makatalo saakin at makapatay . " Sambit ko.

Well, Syempre nasabi ko yun dahil sa pagkadesperado ko na magkaroon ng kapangyarihan . Madalas sa mga napapanuod ko sa mga palabas at anime na may character na maladiyos na kapangyarihan kagaya ng one punchman at MOB .

Kung iisipin pwede yun mangyari at posible na mag enjoy ako kung matutulad ako sa kahit na sino sa kanila .

Sa kalagitnaan ng pagdadahilan ko at pagpapaliwanag na ipilit ang mga gusto ko ay biglang ngumiti at bahagyang tumawa ang anghel . Isang mahinang tawa ng pagkadismaya .

" Sige Daniel kaya kong tuparin ang mga nais mo pero tatanungin kita bilang gabay mo. magagawa mo bang panindigan at tanggapin ang responsibilidad na kapalit nito ?" Sambit nya .

" Bilang nakaka-angat na nilalang ay balewala sa kagaya ko ang buhay ng mga tao dahil napapalitan naman ito sa oras na gustuhin ng Diyos pero ang mga kagaya mong nilalang ay sadyang mahina at mapusok. "

" Hindi nyo kayang pangatawanan ang mga bagay bagay at madalas magkamali sa mga desisyon at aksyon." 

Hindi ko magawang makasagot sa mga oras na iyon at syempre bilang Otaku ay marami na akong napanuod na palabas na tungkol sa mga nilalang na nagsisisi dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan na pilit pinapabagsak nang kalaban kahit mandamay pa ng inosenteng tao .

Hindi ako pwedeng maging mangmang at magkunwari na hindi alam ang mga bagay na iyon pero hindi ko naman pwedeng sang-ayonan agad ang nasabi ng anghel dahil sa oras na sumuko ako sa kagustuhan na iyon ay parang pinakawalan ko ang oportunidad na matupad ang pangarap ko nung bata ako .

Ito na ang tyansa na mabasag ang realidad at magkatotoo ang nilimot na mga kagustuhan ng isang bata .

Hindi ako nakakibo sa mga sandaling iyon at alam ng anghel ang pagpipigil ko na sumang ayon . Alam nya ang eksaktong gusto ko pero dahil nga sa sisira ito sa balanse ng mundo ay gumagawa sya ng paraan para baguhin ko ang isip ko .

Napaka unfair nito dahil nandoon sya para tuparin ang gusto ko pero sinusubok nya ako gamit ang pananakot saakin . Wala naman akong magagawa dahil isa rin sa trabaho nya ang pagbilinan ako .

Sa gitna ng pag iisip ko ng malalim ay nagsalita ang anghel at ibinaba ang tasa ng tsaa sa lamesa .

" Sige , Tutuparin ko ito . " Sambit nito .

Nagulat ako sa naging tugon nya saakin . Ewan ko kung ano ang iniisip nya pero para akong nakaramdam ng tuwa sa dibdib ko kahit na patuloy na sumasalungat ang isip ko dahil sa negatibong pwedeng idulot ng pagnanais ko .

" Kaya kitang gawing pinakamalakas na nilalang sa isang mundo pero ang kapalit nito ay itatapon mo ang pagiging si Daniel muntingbato sa mundong ito ." Sambit nito.

"Huh "

" Kinakailangan na itapon mo ang pagiging ikaw upang isilang bilang bagong nilalang sa isang mundo , Sabihin mo makalaya mo ba iyon ? " Pagtatanong nya.

" Teka ayon lang ba ang gagawin ko ? "

Napatawa ako sa narinig ko dahil inaakala kong mahirap ang mga magiging kondisyon nito . Isa akong talunang tao sa mundong ito at ano naman kung talikuran ko ang pagiging nathaniel muntingbato ?

" Wala akong kwenta sa paningin ng mga tao, wala ngang nagpapahalaga sa tulad ko at para sa mga tao ay isa lang akong patapong NEET na nag aksaya ng buhay . " Sambit ko.

Matagal ko ng gustong takasan ang pagiging ako at ang nakakasawang mundo . Napakarami kong beses na hiniling sa Diyos itong pagkakataon na ito .

Gabi gabi ay naghahangad ako na may mahiwagang bagay na lang sanang nilalang na kumuha saakin at dalhin ako sa kung saan para lang makatakas sa realidad ko sa mundo .

" Matagal na akong sawa sa pagiging nathaniel muntingbato kaya naman tinatanggap ko ang kondisyon . " Matapang na sambit ko .

Napakadesperado ng mga sinasabi ko at bahagyang naglabas ng sama ng loob at wala akong paki kung ano ang isipin ng mga kasama ko tungkol saakin. " Sandali Daniel. " 

Kitang kita ko sa mga mata ni Elisa ang pagtatanong . Hindi ko alam kung naaawa ba sila saakin o nadidismaya dahil sa mga narinig nila .

Napailing ako sa kanila upang iwasan ang mga titig na iyon . Nakaramdam bigla ako ng kahihiyan sa kanila lalo na sa kapatid ko pero sinabi ko lang ang mga nasa loob ko at mga kagustuhan ko.

Sa mga sandaling iyon ay muling nagsalita ang anghel upang ipagpatuloy ang pag uusap namin at sa pagkakataon na iyon ay may bagay akong narinig na hindi ko inaasahan .

" Sa pagtalikod mo bilang si Daniel Muntingbato ay kasabay nito ang pagtapon mo sa iyong nakaraan , pagkakakilanlan at lahat ng bagay na meron ka sa mundong ito . "

" Mawawala ang lahat sa kasaysayan maging ang pagiging magkaibigan nyo ng babaeng si Elisa , katayuan mo bilang isa sa mga muntingbato at maging nobya ng babaeng si Lea. "

Nagulat ako sa mga narinig ko sa kanya at hindi ko yun agad naisip bago ako makapagsalita ng kung ano anong bagay .

Hindi ko alam kung kasama ito sa mga estilo ng anghel para pigilan ako sa pantasya ko pero may punto sya sa nasambit .

Kinakailangan kong itapon ang pagiging si Daniel at kasama roon ay ang pag talikod ko bilang kaibigan , kapatid at nobya .

Lahat ng koneksyon ko sa kanila at mga alaala ay maglalaho na tila walang nangyari.

Magagawa ko bang gawin ito ? Masasabi ko ba sa anghel na kaya kong talikuran ang mga kasama ko habang kaharap sila ?

Iniisip ko na ang tatlong ito ay sagabal sa kaligayan ko noon pa man at hindi kailan man nagbigay ng bagay na kailangan ko pero magkaganun pa man.

Magkaganun pa man ay may mga bagay na kumokonekta saamin at masasabi kong naging mahalagang parte ng buhay ko.

" Daniel. " Mahinang sambit ng mga ito .

" Hindi pwede DD " Bulong sa hangin ni Elisa.

Narinig ko ang mga malulungkot nilang mga boses na tila nagpapaawa na wag ko silang talikuran. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagtatanong at alam ko na nag hihintay sila sa susunod na sasambitin ko .

Nagpapanik ako at halos pagpawisan dahil sa presure at bigat ng pagdedesisyon . nagdadalawang isip akong sumagot kahit na marami akong dahilan para takasan ang mundo. Kung tutuosin ito na ang tyansa ko pero parang hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko .

Pag pumayag ako ay hindi ko na sila muli makikita . Sa oras na pinili ko ang mga kagustuhan ko ay magiging alaala na lang sila sa utak ko at magsisilbing simbolo ng pagkaganid ko.

Isa isang nag daan ang mga alaala ng pagsasama namin at kailangan kong tangapin sa sarili ko na hindi sila lubusang naging masama saakin .

Napagtanto ko na nanatili silang nandyan kahit na isa akong talunang tao sa paningin ng iba .Tinanggap nila ako bilang si Daniel kahit na wala akong nagagawa para sa kanila .

Alam kong mahalaga ako sa kanila sa kabila ng aking pagkukulang at pagiging mahina at kailangan ko yun pahalagahan.

Kelan man wala akong pinahalagahan sa buhay kaya ako naging talunan at ngayon magagawa ko bang itapon ang nag iisang meron ako para lang sa mga pantasya ko ?

Dahil doon hindi na ako muling nag isip pa at boung tapang na nagsalita .

" Hindi ko kaya , kahit na anong sama pa ng pinagdaanan ko sa buhay ay hindi ko kayang bitiwan ang mga kasama ko . "

" Tama ka at siguro hindi ko kayang bitawan ang pagiging Daniel muntingbato , hindi ko sila kayang ipagpalit sa kahit ano . "

Seryoso at matapang kung nasambit ang mga katagang iyon na parang pangmalakasang linyahan ng mga bida sa mga palabas .

Nakangiti kong hinarap sila Elisa na may pagyayabang na kaya kong silang ipaglaban kahit na sa gitna ng pagkaganid ko na makuha ang inaasam .

" Daniel , hindi ako makapaniwala na pipiliin mo kami . " Sambit ni Lea .

" Humahanga ako sayo DD. "

"Kuya Daniel "

Magaan sa loob na nasabi ko ang mga bagay na iyon at sa totoo lang ipinagmamalaki ko ang sarili ko sa mga oras na iyon .

Inakbayan nila ako kasabay ang mga ngiti sa mga labi nila na dulit ng kaligayahan .

Tama lang ang ginawa ko at siguro hindi ako magsisisi sa ginawa ko kahit anong mangyari.

" Alam mo DD nag matured ka na , Akala ko pipiliin mong mawala kami sa buhay mo ."

"Anong akala mo saakin elisa? Hindi ako ganung tao . "

Nagtawanan kami sa mga sandaling iyon na tila ba mga matatalik na kaibigan na nagmamahalan .

" Hayys.. kinabahan ako doon " Sambit ni Lea habang bumubuntong hininga .

" Teka natakot ka ba Lea? Alam mo dapat kang magpasalamat dahil makakasama mo pa ang poging gaya ko sa buhay ."

" Tsk , Syempre pag nawala ka eh mahihirapan na ako na makakita ng ibang otaku na ihaharap ko sa pamilya ko para ipangsangga ko."

" Huh ? "

Medyo napahinto ako sa mga narinig ko at unti unting naglaho ang mga ngiti ko sa mukha ko, parang kinukutuban ako at tipong nagduda na ako sa malasakit ng babaeng ito saakin sa mga oras na ito na gustuhin pa akong maka sama dahil sa malalim na importansya ng pagsasama namin.

" Tiyak tototohanin na ni papa yung pagtapon sa mga Yaoi collection ko kapag hindi pa ako nakakita ng mapapangasawa . " Pagdudugtong ni Lea.

" Minsan iniisip ko kung bakit napagtyatyagaan pa kitang fujoshi ka ." Bulong ko sa hangin . 

" Tama, Sayang din kung mawawala si DD dahil wala na akong aasarin pag nababagot ako sa bahay. "

" Wala ka bang ibang bagay na sasabihin na maganda naman sa pandinig ko Elisa ? "

" Hindi naman yun masamang bagay DD , atleast kinukumpleto ng pikon mong mukha ang araw ko ." pahabol nito.

" Teka talagang pumupunta ka lang ba sa amin para lang asarin ako . "

Hindi na ako nagugulat sa sinabi nya Pero masakit pa rin sa loob ko na pinakikinabangan lang ako ng babaeng ito pag gusto nya ng may magugulo.

Kung pwede ko lang talaga itong saktan at sipain pala as ng bahay kahit isang beses lang.

" hmm.. Alam nyo masaya na ako sa kuya Romeo ko pero pag nawala si Kuya Daniel eh wala nang maghuhugas ng plato at maglalaba saamin . tiyak ako ang gagawa nun pagnagkataon nanawala sya ."

" Anong sabi nyo ?"

Sobra na ito, para bang Hanggang sa huli ay pinag kakaisahan lang nila ako.

" Hindi na ako natutuwa, teka kaya nyo lang ba gusto akong manatili dahil sa mga dahilan na yan ."

Wala silang naging tugon kundi ang pagngiti saakin at kasabay ang pag akbay ulit saakin habang nagtatawanan .

nakakainsulto pero masasayang yung pangmalakasang linyahan ko kanina kung magwawala ako at ipagtatabuyan ko ang mga ito sa buhay ko .

Napangiwi na lang ako sa mga naririnig ko sa mga kasama ko na tila ba pinipilit kong tumawa na rin kasabay nila. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil umasa akong may kwenta yung bagay na pinahalagahan ko kapalit ng mga pantasya ko .

Wala talagang kwenta ang mga taong ito pero ano pa bang aasahan ko sa kanila eh kahit kailan naman ay hindi sila naging pabor at kumampi saakin .

Napabuntong hininga na lang ako habang bakas ang malamyang kilos na tila wala ng gana sa buhay . Kung iisipin kasi sinayang ko yung pagkakataon ko para lang sa pagpapahalaga ko sa kanila habang sila ay gusto lang akong makasama dahil lang may pakinabang sila saakin.

One sided love lang ata ang nangyayari, Dakila bang masasabi na ipaglaban ang kaibigan ko ,kapatid at nobya kung ako lang yung nagpapahalaga dito ?

Hindi makatatungan ito.

" Ah .. eh .. Miss anghel ng Diyos pwede pa bang bawiin ang sinabi ko kanina tungkol sa pagtalikod ko sa kanila ? " Sambit ko dito habang inaabot sya ng mga kamay ko.

~ End of Chapter 11 of Diary ng otaku .

Alabngapoy Creator