Chapter 19 part 1

Isang araw pagkatapos ang insidente ay muli akong nagising sa clinic at masama parin ang pakiramdam.

Pinayagan akong magpahinga ngayong araw at pinaalalahanan na wag na wag muna akong lalabas at gagawa ng gulo.

Hindi ko gusto na parang inaakala nila na palagi akong gumagawa ng gulo pero wala naman talaga akong ibang ginagawa masama kundi ang tumulong.

Ipinaalam din saakin ang tungkol sa ibang detalye pagkatapos kong makatulog at ang napagkasunduan nila para matulungan ako at para sa kapakanan naming lahat ay kinakailangan na sumunod ako sa utos ni Prof Celly pag dating sa usapin na may kinalaman sa loob ng eskwelahan.

Ayon kay Prof celly ay mainit ang mata ng lahat sa nangyari sa kagubatan kaya naman pinapatawag sila sa palasyo para mag report. 

Natatakot sila na may gawin akong gulo habang wala sila kaya naman pinagbawalan akong lumabas ng silid na ito.

" Paano kaya ako makakapag aral kung nandito lang ako." 

Habang naka upo ay biglang may muli akong naamoy na mabangong pagkain at nang sundan ko ito ay nakita ko sa gilid ko si Momo na muling nakaupo sa kanyang upuan at nag memeryenda.

" Ikaw pala, buti naman at kinamusta mo na ako, ilang beses na akong muntik mamatay pero wala kang paramdam man lang." 

Kalmado lang itong humihigop ng tsaa at pag baba ng tasa ay kinuha naman nito ang tinidor, naghiwa ito ng kanyang cake para kainin mismo sa harap ko.

Wala itong imik sa katanungan ko at hindi man lang tumitingin saakin na tila wala akong balak kausapin.

" Teka sinasadya mo bang hindi ako pansinin?" 

Tinigil nya ang pagkain at nagpunas ng bibig gamit ang kanyang panyo pagkatapos ay tumingin saakin at nag simula na itong bumati saakin.

" Magandang araw daniel. Nandyan ka pala." Sambit nito.

" Ikaw kaya ang pumunta dito para makita ako !!" Sigaw ko.

Kinamusta nya ako at binati dahil daw nagawa kong mabuhay sa mga pinagdaanan ko at bumibilib sya sa tatag ko at nakakaligtas pa ako sa kamatayan.

Hindi ko gusto ang tono ng pagsasalita nya na tila ba inaasahan nya na may mangyari saakin na masama.

itinangi nya naman na mayroon itong kahilingan na mapahamak ako lalo pa naroon sya dahil sa misyon na ibinigay sa kanya.

" Pero naisip ko lang kung sakaling mamatay ako eh ibig bang sabihin yan tapos ka na sa misyon mo? Ano na ang gagawin mo? " Tanong ko kay Momo.

" Kahit mabigo man ako sa misyon ko ay makakabalik ako sa tahanan ng dakilang lumikha upang muling mag hintay ng susunod kong misyon." 

Dito ko naisip na kaya pala ayos lang sa kanya na mapahamak ako dahil pwede na syang umuwi kung saan man sya galing. Mukhang sabik na sabik na syang makauwi agad.

Bigla naman syang umiling at tumahimik na tila ba sumasang ayon sya sa nasabi ko at hindi man lang nya itinatangi na inaantay nya akong mapahamak para makauwi na sya.

" Anghel ba talaga kita ?" 

" Binigay ko ang nais mo kahit na napaka kompikado nito pagkatapos ngayon pinag dududahan mo ako bilang anghel mo?" sagot nito habnag kumakain ng cake.

Muli lang syang humigop ng tsaa at nagmeryenda na parang walang paki elam sa sinasabi ko kaya naman lalo akong nairita dito.

Tinanong ko rito kung bakit hindi nya sinabi na pati si Lea ay naroon at isang keeper na hinahabol ng mga kalaban.

" Sinabi mo lang saakin na iligtas si Elisa at nagawa ko na yun, hindi ba? Hindi oa ba tapos ang misyon ko?." Dagdag ko.

Muling ibinaba ni Momo nag kanyang iniinom na tsaa at ipinaliwanag na hindi ako nagkakamali sa narinig ko.

Ang misyon ko ay iligtas si Elisa sa mundong ito ngunit hindi ito natatapos pa sa mga sandaling iyon.

" Hindi pa ito tapos dahil mamamatay si Elisa sampung taon mula ngayon."

" Ano? Sampung taon? Seryoso ka ba?

Dito ay nagalit ako kay momo dahil para saakin ay napaka walang kwenta ang kanyang pag bibigay saakin ng misyon.

Iniisip nya ba na sampung taon akong mananatili sa mundong iyon at magpa alipin kay Elisa para bantayan at siguruhin lang na hindi ito mamamatay.

Ikang araw pa lang ang lumilipas ay dumaranas na ako ng hirap at matinding pag titiis at hindi ko yun gustong umabot hangang sampung taon.

" Pwede ba huminahon ka muna at makinig." 

" Ang binangit kong taon ay ang nakatakdang kamatayan nya sa hinaharap pero dahil nandito tayo sa kasalukuyan ay maaari mong pigilan ang magiging dahilan kung bakit sya mamamatay." Dagdag ni Momo.

binangit nya na marami akong oras para gawin ang lahat para mapigilan ito dahil nag umpisa ang lahat ng sanhi ng malagim na tadhanang tatahakin ni Elisa ay magaganap sa eskwelahan kung saan sya nag aaral.

" Kung maiiwasan mo ang dahilan ng kanyang galit at mapaghiganting puso bago pa ito humantong sa pagtangap nya sa kasamaan ay mababago mo ang kanyang hinaharap." 

Medyo nakukuha ko naman ang sinasabi nya at dahil nasa kasalukuyan pa ako ay may pagkakataon pa na mabago ang hinaharap gayumoaman hindi ko alam kung bakit nasabi ni Momo ang tungkol sa pag tanggap nya sa kasamaan.

" Oras na siguro upang malaman mo na si Elise sa mundong ito ay ang pinakamalakas na tagapagwasak na nabuhay sa mundong ito. Isa syang itim na diwata na gumagamit ng itim na kapangyarihan." 

Ipinaliwanag nya na nagawang maging tao ng core ni Laz sa katauhan ni Elisa at nag aantay na lang na maibalik sa kanya ang mga alaala nya at kapangyarihan.

Binunyag ni Momo na pagtungtong  ni Elisa ng pag kadalaga ay malalaman nya na nakakagamit sya ng itim na enerhiya pero hindi pa nya ito inilalabas dahil narin sa takot na kasuklaman ng mga tao, bawat araw na lumipas ay bumabalik ang kaalaman nya sa itim na mahika mula umpisa hangang sa kahuli huliahang teknik na alam nya noon.

Ang negatibong emosyon ang nagpapalakas sa itim na kapangyarihan at ang matinding galit, inggit at pagkagahaman ang syang mag dadala kay elisa sa landas ng pagiging masama.

" Isa sa mga araw na ito ay tatangapin nya ang itim na kapangyarihan at mag uumpisa yun sa pagpatay nya sa mga kapatid nya." 

Nagulat si daniel sa narinig nya na papatayin ni Elisa ang mga kapatid nya.


Hindi nya ito pinaniwalaan at pinapatigil si momo na gawing komplikado ang lahat ng bagay.

" Hindi ako ang nagtakda ng bagay na yun at ipapaalala ko lang na nandito tayo para pigilan na mangyari iyon."  Sagot ni Momo.

" Pero imposible, hindi magagawa ni Elisa na pumatay at lalo pa ang mga kapatid nya." 

Dito ipinaliwanag ni Momo na ibang iba ang naging buhay ni Elise dito sa mundo. Nabuhay sya sa pressure bilang maharlika at kinatakutan ang lahat ng parte ng pamilya nya sa ama na nagtatangka sa pamilya nya sa ina.

Sa oras na mabigo syang hindi makakuha ng mataas na posisyon sa palasyo ay maaaring mamatay ang kanyang ina at buong pamliya.

Nabuhay si elisa na puno ng galit at kalungkutan, wala syang naging kakampi maliban sa sarili nya kaya naman nahihirapan syang pagkatiwalaan ang nasa paligid nya.

" Hindi ako makapaniwala, talaga bang papatayin nya ang mga kapatid nya?" 

" Hindi lang naman ang mga kapatid nya kundi lahat ng sagabal sa pangarap nya para sa pamilya nya pero wag kang mag alala dahil mapipilitan lang naman syang gawin ito para protektahan ang sarili sa nagtatangka sa buhay nya." 

Dito ipinaalam ni Momo na may nagtatangka sa buhay ni Elise at dahil doon upang hindi sya mamatay ay pinaghinalaan nya ang lahat ng nasa paligid nya at gumawa ng hakbang para mawala lahat ng kanyang mga kalaban.

" Kung ganun ang kailangan ko lang ay pigilan ang pagtatangkang pagpatay sa kanya upang hindi na nya patayin ang kanyang mga kapatid?.

" Pwede naman pero higit pa doon ay mas kailangan mong mapanatili na hindi nya pipiliin at  tangapin ang itim na mahika." Sagot ni Momo.

Magandang ideya ang pag protekta kay Elisa ngunit hindi mo parin masisigurong hindi gagamitin ni Elisa ang itim na kapangyarihan na taglay nya .

" Paano ko naman gagawin yun, wag mong sabihin kailangan ko talaga syang sundan at alagaan?" Tanong ko rito.

" Magandang ideya yan. Gusto mo bang bigyan pa kita ng ibang paraan  para makakasiguro ka na hindi nya pipiliin ang kasamaan?" 

" Ano talaga? May paraan ba? ano naman yun.?" muli kong tanong dito 

" Kailangan mong mapa ibig sya at mapuno ng kasiyahan ang puso." 

Hindi ako makaimik sa nasabi nya dahil hindi ko Alam kong nagbibiro ba ito, Hindi rin ito umimik habang nagtititigan lang kami at sa reaksyon nya ay talagang seryoso sya sa ideyang sinasabi nya na maaari kong gawin.

" Nagbibiro ka lang diba?" Sambit ko.

Dito ipinaliwanag nya na ang itim na kapangyarihan ay nagmumula sa kasamaan at epekto ng negatibong emosyon kaya naman upang hindi magkaroon nito si Elisa ay kailangan nya ng pagmamahal sa puso at manatili sa kanyang isipan na may maganda parin sa mundong ito.

" Simple lang naman ang paliwanag dito kung may taong susuporta at mananatili sa tabi nya ay hindi nya pipiliin na tahakin ang madilim na landas." Dagdag ni Momo.

may punto naman ang sinasabi nya pero hindii ito akma sa ugnayan namin ni elisa na halos kapatid lang ang turing sa isat isa kaya paano ko naman iyon gagawin ng hindi naiilang?

 Hindi parin ako makapaniwala sa nasabi nito at ipinapagawa gayunpaman nilinaw nya na pwede naman akong gumawa ng ibang paraan at bale walain ang ideya na maging nobyo ni Elisa.

Dito inirekomenda nya na pwede kong subukan na ipagtangol si Elisa sa lahat ng mananakit dito at ako mismo ang gumawa ng masasamang bagay para kay elisa.

Sinabi nya na pwede ko raw dumihan ang mga kamay ko alang alang kay Elisa  at dahil doon mananatiling malinis si elisa.

" Sinasabi mo bang  maging mamamatay tao na lang ako?  Hindi ko akalain maririnig ko yan sa isang anghel." 


Biglang nagbuntong hininga si Momo habang ibinababa ang tasa ng tsaa at sinabi na.

" Bahala ka kung paano mo ito didiskartehan pero binabalaan kita na sa oras na kasukalam niya na ang mundo at pumatay ito ay mag sisimula na mabuo sa kanya ang negatibong kaisipan at kakainin na sya ng kasamaan." 

Napahawak na lang ako sa ulo at galit na nagmamaktol dahil tila ba pahirap ng pahirap ang sitwasyon na kinahaharap ko.

Binangit ko dito ang tungkol sa pagliligtas ng mundo sa pagkawasak na tinutukoy ni Fufu na magahanap kapag naghari ang itim na mahika sa mundo.

Natanong ko si Momo kung totoo ba na mayroong trahedya na magaganap sa mundong ito kapag hindi napigilan ang mga taga black scorpion.

" Oo pero ang mga taong yun ay mga kasangkapan lang, kakasabi ko lang sayo na si Elisa ang bagong katauhan ni Laz na sinusubukan ng grupo na yun na gamitin."  Sagot ni Momo

" Kung ganun sinasabi mo ba na si Elise talaga ang pakay nila mula sa simula palang?" tanong ko muli rito.

" Pwedeng alam nila ang tunay na katauhan ni elisa o pwede ring dahil kailangan nila ng kapangyarihan ng mga core keeper kaya nila tinatarget nila si elisa. Wala akong alam tungkol sa bagay na yan. " Sagot nito.


Gusto ko pa sanang magtanongbkay momo pero habang nag uusap kami ay biglang pumasok sa kwarto si nurse irish hawak ang pagkain.

" Kamusta ka na nagugutom ka na ba? Ang sabi saakin ni Prof celly dalan ka ng pagkain tuwing anim na oras." 

Dahil sa pagpasok ni Nurse irish ay naglaho nanaman parang bula si Momo at hindi na naman nasagot ang mga katanungan ko.

Pakiramdam ko ay may may kulang sa paliwanag nya o hindi ko lang talaga tanggap ang mga nangyayari.

Naglakad papasok si nurse irish at inilapag sa mesa ko ang mga pagkain na dala nya habang binibilinan na wag lalabas sa kwarto na iyon habang  hindi dumarating si Prof celly

Napailing na lang ako dahil para bang ginawa akong preso sa loob ng clinic na iyon pero mas inaalala ko kung paano ko na maipagpapatuloy ang trabaho ko sa labas ngayong araw.

Gayumapamn naisip ko na libre ang pagkain at tirahan ko sa loob kaya naman hindi na masama ang bagay na iyon.

" Libreng tirahan na may aircon, pagkain na masarap at bantay na napakaganda . Maganda sana  habang buhay na lang ganito." Bulong ko sa hangin.

Pagkatapos na maghatid ng pag kain ay nagpaalam na si nurse Irish at binilinan na wag gagawa ng gulo habang nasa clinic.

Hindi ko na lang ito sinagot at ngumiti na lang sa kanya habang hinahantay na maka alis ito aa kwarto.


Hindi ko naman alam kong nagbibiro lang ba sya o pati sya ay inaakala na puro gulo lang ang ginagawa ko.

ilang sandali pa ay bigla na lang lumabas si Fufu sa kama at pumatong sa balikat ko.

Agad na tinanong ko ito kung bakit ngayon lang ito lumabas at sinabi dito na hindi nito naabutan si Momo para makausap ito.

" Ang pag kausap sa anghel ng diyos ay hindi ganun kasimple kagaya ng inaakala mo daniel." 

" Hindi kami pwedeng basta humarap o kahit makipag usap ng walang pahintulot nito." Dagdag nito 

Nagulat ako sa sinabi ni Fufu dahil parang hindi naman ganun kakomplikado ang pakikipag usap kay momo dahil hindi naman ito mapagmataas at mukhang mahinahon.

Ipinaliwanag naman ni Fufu na nagagawa kong makipag usap kay momo dahil pinapayagan nito na mangyari ito gayumpaman ang kataasan nya ay nananatili. 

" Kaya ng kapangyarihan ng mga anghel na bumura ng pag iral ng mga nilalang sa isang iglap lang, baliktarin ang realidad at biyayaan ang mga nilalang kaya nga nagtataka ako kung bakit wala kang pag galang tuwing kausap mo sya." 

" Gayunpaman mukhang ok lang sa kanya ang kagaspangan mo ng ugali pero binabalaan kita dahil hindi ka ba natatakot na gumanti sya at pahirapan ka nya sa misyon mo? " Sambit nito.

Napailing ako habang iniisip na baka  gumaganti si Momo saakin kaya napaka komplikado ng aking misyon.

Kinilabutan bigla ako dahil maraming beses ko syang sinigawan at kinausap ng pabara.

Habang nagpapanik ako at napapraning kakaisip ay tinanong ako ni Fufu kung ano ang balak kong gawin.

Inamin ni Fufu na nagulat sya ng malaman na si Elise ang panibagong Laz dahil napakalayo ng kanilang agwat lalo na sa tinataglay na kapngyarihan.


Gayumpaman kung ang anghel na mismo ang nagsabi ng bagay na yun ay naniniwala sya rito at dapat na may gawin ako tungkol sa babaeng si elisa.

Seryoso nyang sinabi na hindi biro ang kalabanin si laz na halos pumatay ng sampung diwata noon bago namin sya napigilan sa tulong nag bayaning si Freedom na pinagkalooban din ng kapangyarihan ng kalangitan kagaya ni Daniel.

Sinang ayunan nya ang sinabing paraan ni momo na mas madali na maiwasan na piliin ni elisa na maging masama kung malalaman nya na may taong nagmamahal sa kanya at mamahalin nya.

" Pati ba naman ikaw, Akala nyo ba talaga madali na maging nobyo ni Elisa?" 

" Wala akong nakikitang mali sa gagawin mo, sinabi mo na naging malapit sya sayo at kompotable kang kasama sya pero maliban na lang kung ayaw mo talaga sa syang maging nobya." 

Bigla akong napaisip at hindi maka imik sa tanong ni Fufu dahil para saakin wala naman talagang problema na gawin iyon pero natatakot ako.

Napayukonako at inisip ang mga nakaraan nila na masayang magkasama na tila magkapatid. Alam nya sa sarili na nakaramdam din sya noong bata sila ng pagmamahal kay elisa.

Inamin nya kay Fufu na bilang bata ay naging mapusok din sya at minsan sa buhay nya ay ninais nya maging nobya ito ngunit napipigilan sya dahil sa takot na mabigo at mawala ang magandang ugnayan namin.

" Hindi ko alam kung kaya ko dahil natatakot ako. Kahit nung nasa mundo kami kung saan kami nagmula . Natatakot ako na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil ayaw kong masayang ang lahat ng maganda naming mga pinagsamahan." 

" At isa pa hindi ito tungkol lang saakin. Ano nga ba ang naratamdaman ni elisa tungkol saakin? "  Dagdag ko.


Naging magulo ang isip ko kungbiisipin ko mabuti isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko noon nagawang magtapat kay Elisa ay dahil malayo ako kumoara sa maganda,mayaman at sikat na babaeng kagaya nya. 

Sino nga ba ako para asamin ang katulad nya, walang wala ako kung ikukumpara ako kahit sa kapatid ko kaya naman nung makita ko sila na masayang nagbobonding ay tinanggap ko na lang sa sarili ko na kailangan kong magparaya at maging kaibigan na lang nya.

Malinaw saakin kung sino si Elisa saakin pero hindi ko alam kung sino ako para kay elisa at natayakot akong malaman ang bagay na iyon.

" Nauunawaan ko ang sinasabi mo pero iba na ang sitwasyon ninyong dalawa  ngayon Daniel at isa pa  ano ba ang mas gusto mo,  ang hayaan na maging tagapagwasak sya na papatay sa maraming tao o ang pa ibigin sya at baguhin angbtadhana nya?"  tanong muli ni Fufu.

Ano ang gusto ko? Hindi ko alam kung ano ba talagaba gusto ko. Iba na ang sitwasyon namin ngayon pero nanatili ang aming agwat na dalawa kaya posible nga ba na magawa ko ang pinapagawa saakin? 

Pero mahalaga pa ba ang gusto kong mangyari ? Hindi ba mas mahalaga na magawa ko ang misyon ko. Kung iisipin ay wala naman akong pagpipilian kundi gawin ang lahat para mailigtas sya. tama, siguro ganun na lang muna iyon.

Gusto kong malaman kong pwede ba at kung magiging kapareho nga ba ng nararamdaman ko para sa kanya ang nararamdaman nya para saakin.

" Susubukan ko, alang alang kay Elisa. Pa iibigin ko sya at sisiguruhin ko na babaguhin ko nag kanyang tadhana." Matapang kong sambit.





End of part 1


Alabngapoy Creator

Chapt 19 part 1