CHAPTER EIGHT
" She's Dating an Otaku "
Maraming libangan ang mga tao sa kanilang buhay ito ay isang gawain na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at aliw sa buhay na maaaring pampalipas ng oras nila o kung hindi naman kaya pang tanggal istress nila sa pang araw araw .
Mayroon din naman na ang dating simpleng libangan ay naging larangan na nila gaya ng arts o mga laro kagaya ng basketball at iba pa .
Magmula sa libangan hanggang sa larangan ay ang iba sa kanila ay naging propesyon na ito at pinagkakakitaan para mabuhay . Pero kahit ano pa mang uri o klaseng libangan ito ay kinakailangan ito ng oras , pagsusumikap at pasyon .
Ang lahat ng iyon ay may mga kanya kanyang husay at katangian na ang tanging makikita lang ng tunay na kahulugan nito ay ang mga taong nagpapahalaga dito .
Walang pinagkaiba rito ang pagkahumaling namin sa mga Anime , manga at games bilang mga Otaku . Ang libangan na masasabi naming nagbibigay saamin ng tuwa't saya sa araw araw . Para saamin ang anime ay parte ng aming pagkatao na nagbibigay kulay sa buhay namin . Dahil sa Anime nagagawa naming tumawa , umiyak , matakot, magalit, magmahal , higit sa lahat mag enjoy sa buhay .
Pero kahit na isang pambihirang bagay ang Anime ay maraming taong humuhusga at minamaliit ito bilang pambatang libangan at pagsasayang ng oras.
Hindi maipagkakaila ang negatibong epekto ng aming libangan sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon kagaya ng mga malalaswang dyanra at tagpo na hindi dapat napapanuod ng mga bata. Hindi rin maiiwasan ang Fandom war kung saan natututong maging pala-away ang mga Otaku sa kapwa nila at ang pinaka masama ay ang pag hinto ng buhay ng isang otaku at maistak sa pagpapantasya at paglilibang hanggang sa mauwi sya sa pagiging NEET.
Pero ito ay nakadepende sa disiplina at pagkontrol ng mga taong pipili sa libangan na ito at hindi lahat ay pare-pareho ng paraan ng pagiging Otaku . Ang lahat ng ito ay nakadepende sa paano mo ito isasabuhay.
Ginawa ang anime na isang sining ng pagkukwento at magsasabuhay ng mga tauhan sa drawing na kadalasan ay may magagandang aral na pwedeng makuha sa bawat palabas hanggang sa manganak ito ng napakaraming produkto at dyanra na pinaunlad pa lalo ng teknolohiya sa mas maganda pang uri at kalidad upang mai-enjoy pa ng mga tao .
Ikaw ? Ano para sayo ang Anime ? Paano mo ini-enjoy ito bilang manunuod ?
Sa pagpapatuloy nang aming paglabas ni Lea bilang magkasintahan ay dinala ko sya sa isang maliit na mall sa Quezon city . Hindi ako komportable sa maraming tao kaya mas pinipili kong magpunta sa maliit na mall tuwing mamamasyal ako .
Syempre ang isa sa pumapasok agad sa isip ng mga katulad kong Otaku na puntahan tuwing magagawi sa mall ay ang game center nito . Wala akong sinayang na oras pa at dumeretso na kaming dalawa ni Lea sa Quantum , isang game center ng mall .
" Teka maglalaro ba tayo dito ? " Tanong ni Lea .
" Oo , hindi ka pa ba nakakapaglaro sa ganito ? "
" Matagal tagal na rin nung huli , isa akong nursing student at mahirap isingit ang paglalaro sa mall sa sched ko. Isa pa wala akong kaibigan na gustong pumunta sa maingay at magulong lugar gaya nito . " Sagot nito.
Kitang kita sa mukha nya ang kagustuhan na agad makapasok sa loob at kahit na maliliit ang hakbang ng mga paa nya dahil sa kaliitan nya ay nauna pa syang maglakad saakin papasok dito .
" Anong gusto mong laruin natin ? " Tanong ko .
" Hm... Hindi sa pagyayabang pero halos lahat ng laro dito ay mahusay ako kaya ikaw na mamili . " Pagyayabang nito habang nakapamewang.
Hindi ko kinontra ang mga sinabi nyang kayabangan at ayoko na rin sya alaskahin pa dahil gusto kong magpatuloy ang araw namin nang magkasundo kami at walang negatibong bagay pero mukhang mahirap gawin iyon lalo na nung singilin ko na sya ng paghahati naming pera sa bibiling token .
" Pasensya na wala akong pera na dala kaya ikaw muna ang taya at isa pa ikaw itong nagdala saakin dito . "
Wala akong nagawa sa pagkakataon na iyon kundi pagbigyan sya at dahil ako rin nga naman ang nag imbita ay inako ko na ang pagbili ng mga token .
" Akala mo ba mayamang tao ang kasama mo ? " Sambit ko.
Dahil sa may bitbit akong gamit nya ay nagpresinta syang bumili ng token na gagamitin , pabor naman ito saakin kaya inabutan ko sya ng pera upang makabili sya ng kailangan namin .
" Kahit ilan lang para hindi tayo magahol sa oras . "
Agad naman syang nagpapalit sa harapan habang ako ay nag iikot ikot na upang manuod sa mga naglalaro . Agad naman akong nawili doon at excited na maglaro dahil sa mga nakikita ko hanggang sa lumipas pa ang mga oras at halos labing limang minuto ang nagdaan ay wala paring Lea na lumalapit saakin kaya ako na mismo ang naghanap sa kanya .
" Ano na bang nangyari dun ? Natabunan na yata ng tao sa pila . "
Pero napakunot na lang ako ng noo sa inis nang makita ko syang nakaupo na sa isang upuan at naglalaro mag isa . Abot tainga pa ang ngiti nya na halatang ini-enjoy ang paglalaro habang ako ay mukhang tangang nag aantay sa kanya sa kung saan.
Dito ay mahinahon pa akong lumapit sa kanya at pumunta sa likod nya .
" Hoy, ano na ? Mukhang nag eenjoy ka ah? "
Sandaling lumingon sya saakin at kaswal lang akong tinignan na parang wala lang.
" Oh .. Ikaw pala " Sambit ni Lea
" Tsk, Ikaw pala?? Kung makapagsalita ka parang hindi mo ako kasama . " Galit na tugon ko.
" Shhh.... Wag kang maingay , nagkokonsentrayt ako dito, mamaya ka na manggulo . " Sambit nya habang di maalis ang mga atensyon nya at seryosong nakatitig sa laro.
Nakuha nya pa akong pagsabihan kahit na may kasalanan sya saakin kaya naman sa inis ko ay na head chop ko sya nang mahina dahilan para mapahawak sya sa ulo nya at magulo sa paglalaro .
" Waaahh !! game over na !!! " Nanlulumong sambit nya.
" Ang lakas ng loob mong magsimulang maglaro nang wala ako , Asan na yung token ? "
Agad nyang kinuha sa hand bag nya ang plastik ng token at ibinigay nya saakin . Dito ay muling napakunot ang noo ko dahil sa pagkairita sa ginawa nyang panibagong kalokohan .
" Sa-sa-sabihin mo Lea , h-hindi mo naman siguro ibinili lahat yung 500 na ibibigay ko ? " Tanong ko na may pilit na ngiti sa kanya.
Dito ay bigla nya akong tinignan na tila inosenteng bata at unti unting ngumiti saakin para magpacute sa harap ko upang humingi ng tawad .
" Hindi ko sinasadya , Daniel hindi ko napigilan talaga ang sarili ko hehe . " Nakangiting sambit nya.
Sa pagkakataon na iyon ay hindi na ako sumagot at agad syang kinarate chop sa ulo . Hindi ko inaasahan na ibibili nya lahat ng perang inabot ko , hindi ko alam kung may common sense sya para bumili nang ganito karaming token o sinadya nya ito para marami syang malaro.
Magsasayang ang oras namin kung magtatalo kami at aawayin ko sya doon kaya agad na ako pumunta sa kabilang parte ng arcade upang pumwesto at labanan sya nang 1 on 1 .
" Nasimulan mo na eh , laruin na natin ito "
" Aba , wag kang iiyak pag natalo ka ah ! Grand master ako sa Tekken ." Pagyayabang nya .
Hindi ko na pinatulan ang pagyayabang nya dahil mukhang ganadong ganado sya sa paglalaro . Matagal tagal na rin mula ng laruin ko ang Tekken 6 pero natatandaan ko pa ang mga combo nito kaya naman sabik akong pumili sa mga paboritong character ko .
Nagulat ako nang piliin nya si mokojin , Isang character na wood puppet, hindi pangkaraniwan na piliin ng isang babae ang character na iyon at sa totoo lang madalas lang yun piliin ng mga tao mahuhusay sa paglalaro ng tekken .
" Aba, mukhang hindi sya nag bibiro ah . Sige nga anong laban mo sa Jin ko . " Sambit ko.
Dito ay nagsimula na ang laban namin dalawa na inaasahan kong magiging exciting at nagpatuloy iyon hangang sa makatatlong laban kami . Hindi na ako kumikibo sa pag iingay nya sa pwesto nya na tila bata kung maglaro at umasta lalo na boung katawan nya ay gumagalaw sa pag pindot ng mga button . Masasabi kong sinusulit nya ang paglalaro nito pero sa tingin ko parang may mali sa nangyayari.
Dahil ang totoo kanina pa sya natatalo sa laro na sinasabi nyang mahusay sya at ang problema ay hindi ito dahil sa masyado akong magaling sa pag lalaro kundi dahil wala naman syang ginawa kundi pumindot lang nang pumindot ng mga button at sa totoo lang wala akong nakitang combo na ginawa nya sa napakaraming laban na naganap .
" Ang yabang nya pa kanina eh baguhan lang sya . " Bulong ko.
Lumipas pa ang ilang minuto ay lumipat na kami sa ibang laro . Dito ay nakita nya ang isang rythm game at inaya akong maglaro.
" Teka marunong ka ba nyan ? "
" Tsk , Mahusay ako sa cytus at palaging perpect . Petiks na nga saakin ang Comma ni Ensou at kaya ko syang laruin kahit nakabaligtad ang screen . " Pagyayabang nya .
" Sinong tanga ang magbabaliktad ng screen sa paglalaro nito ? " Agad na sagot ko
" Subukan natin laruin ang Disappearance of miku hatsume at Bad apple . " Dagdag ko .
Muli ay pumwesto na kaming dalawa at nagsimulang maglaro. Kagaya ng una ay maingay ay magaslaw sya maglaro at sumisigaw sa oras na natatalo . Hindi ko alam kung makakapagkonsentrayte ako sa paglalaro dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa ginagawa nya .
Hindi ko kaya ang ginagawa nya , masyado syang alive na akala mo sa kanya ang lugar na ito .Tsk , iwan ko kaya sya dito mag isa .
" Hindi mo kailangan sumigaw . " Sambit ko habang pinapatigil sya.
Lumipas ang ilang minuto ay patuloy kaming naglibot at naghanap ng malalaro sa loob at lahat na yata ng laro ay nasubukan namin nang magkasama , Syempre kailangan kong sulitin ang 500 pesos ko na walang kaabog abog na ibinili nang token ng babaeng ito.
Kahit na walang ka tril tril kalaro ang isang ito ay nagpatuloy parin syang hamunin ako sa bawat laro na nakikita nya at nagyayabang saakin sa mga ilusyong titulo nyang nakamit bilang pinakamahusay .
Alam mo yung pakiramdam nang kahit panalo ka eh hindi mo magawang matuwa at magyabang dahil beginner ang kalaban mo na puro yabang lang ang alam . Hindi ko alam kung sulit ba ang limang daan ko.
Ilang oras pa ang lumipas ay nakaramdam kami ng gutom kaya naman agad kaming pumunta sa foodcourt kung saan kami nagtanghalian. Bumili lang kami ng trip nyang takoyaki sa isang booth .
Habang kumakain ay hndi parin sa kanya nawawala ang tuwa at excite sa laro habang nagkukwento ng kayabangan nya sa laro tuwing nakakachamba saakin .
" Hindi big deal manalo sa fish hunt Lea at sa dami mong pinatalong laro eh talunan ka parin . " Sambit
Makikita mo sa mukha ni Lea ang tuwa nya at saya na parang bata na ngayon lang nakapaglaro ng mga arcade game . Siguro hindi ko maiintindihan kung ano ang nararamdaman nya at iniisip dahil madalas ako sa Quantum at halos lahat ay nilalaro ko na.
Pero ang isang pambihira ay ngayon lang ako nakakita na masayang masaya sa laro kahit na lagi namang talo .
Bilang gamer ay hindi maiiwasan na masira ang araw namin sa oras na matalo kami ng maraming beses pero iba ang isang ito . Nakangiti parin sya habang gusto ulit subukan ang laro na parang wala lang .
" Wala ka bang pride sa pagiging gamer ? Lagi ka namang talo pero gusto mo parin laruin yung laro at hamunin ako . " Sambit ko.
" Alam mo gamer ako dahil nalilibang ako sa pag lalaro at hindi para makipagkompetensya sa iba . Siguro nga masakit sa loob matalo sa laro pero ang laro ay laro ." Nakangiting sambit nito.
" Hindi ginawa ang laro para makaramdam ka ng galit sa laro o sa kalaro mo kundi para mag enjoy dito . Aaminin ko na ayaw ko matalo pero hindi big deal saakin ito dahil marami pang susunod . " Dagdag nya .
Napatahimik ako sandali sa mga narinig ko sa kanya habang nakapangalong babang tinitignan sya dahil hindi ko alam kong magandang bagay ang sinasabi nyang iyon o nasasabi nya lang yun upang magdahilan para hindi makatanggap ng kahihiyan sa sarili dulot ng mga pagkatalo .
Dito muli ko naisip na kahit sa isang simpleng bagay kagaya ng mga pagkatalo sa laro ay nagagawa nya parin tignan ito sa positibong angulo .
Habang kumakain kami napansin namin na nagiging boring na ang mga sandali namin dahil sa katahimikan . Dito ay inaya nya akong mag kwentuhan tungkol sa Anime na paborito namin .
" Teka anong paborito mong romance anime ? Yung maiihi ka sa kilig " Tanong nito.
" Hindi ako madalas manuod ng ganun pero mas ok saakin ang Orange. Ok ang character development, unique concept at may twist . Maraming pwedeng route yung kwento kaya unpredictable . " Sagot ko .
Dito ay ganado nyang pinagmalaki ang mga gusto nyang anime kagaya ng Tonari no Kaibutsu-kun o My Little Monster na isang Romcom anime.
" Una ko yun binasa sa manga kaya di na ako nasabik sa anime at alam mo ba kinasal sila Yoshida at shizuku doon ? Nakakakilig nga eh , As in Kilig to the max! ." Magiliw nyang sambit.
------------------------------------- part 1 / part 2 ------------------------------------------