FIRST CHAPTER

" Shut-in NEET "

Daniel PoV .

Ano nga bang magandang bagay pa ang inaasahan ko sa hinaharap sa isang mundo na nilamon na ng magulong sistema , sari saring issue at pare parehong problemang sumasalubong sa mga tao sa araw araw naming mga buhay. Napakaingay , napakagulo at sinabayan pa ng mga toxic na pag uugali ng mga tao .

Minsan iniisip ko kung gaano ba talaga kaganda mabuhay sa mundong ito para tiisin natin ? Dahil kung ibabase ko sa buhay ng ibang tao ay gigising sila sa umaga para pumasok , maiistress, uuwi at matutulog ganun kadalasan ang karaniwang gawain ng ilang tao sa buhay. Kung iisipin ginugol nila ang higit sampung taon nilang buhay sa pag aaral para guminhawa ang buhay pero sa huli ay nauwi sila sa boring na pamumuhay .

" hayss ... "

Mapapabuntong hininga ka na lang talaga pag naiisip mong nabubuhay ka sa ganitong klaseng mundo . Ang ibig kong sabihin ay napaka boring nito at walang kahulugan at kahit ayaw mo ay wala ka namang magagawa kundi magtiis at sumabay na lang sa agos ng buhay hangang sa tumanda ka at malagutan ng hininga .

Ako nga pala si Daniel Muntingbato , 25 yrs old at isang NEET. Sa makatuwid isa akong tambay na walang ginagawa sa buhay kundi maglibang at tila hinihintay na lang na tumanda hangang sa magunaw ang mundo na hindi ko naman alam kung kelan mangyayari . Ang sama pakingan pero siguro ganun katindi ang pag kasawa ko sa buhay .

Ang isa sa pinagkakalibangan ko at ang nag iisang " Will to Live " ko ay ang panunuod ng mga Anime at pagbabasa ng manga ng japan .

Tama, Pag sinuot ko na ang makasalanang lubid na nakatago sa ilalim ng kama ko at tuluyang namatay ay hindi ko na mapapanuod ang mga malulupit na Anime at mababasa ang mga manga na sinusubaybayan ko . Sa tingin ko ay sapat na yung dahilan para madugtungan ang buhay ko . Kung iisipin ay ang Anime ang nagiging takbuhan ko sa kalungkutan ko at nagiging tagapagligtas ko.

Isa akong Anime fan pero hindi gaya ng mga tipikal na Otaku eh hindi ako die hard fan at hindi rin ako yung malakas na loob na pumupunta sa mga convention para lang makisabay as in silent fan lang ako ini-enjoy ang pagpapantasya sa kanila . Para saakin ay libangan ko ang pagiging anime fanatik ko at ito ang nag iisang paraan ko upang takasan ang masalimuot na realidad .

~

Sa Pagbangon ko sa aking kama ay dumeretso na ako sa kusina para maghanda ng makakain ng mga kasama kong papasok at pagtapos nito ay dating gawi na ako . Isa akong house boy na nag aasikaso sa kanila then pag ok na ang pagluluto, paglalaba at paglilinis ay mauupo na ako sa harap ng aking Pc upang manuod at mag update sa mga anime, ganun ka simple at kadali ang buhay ko .

" Boring pero komportable "

Pero bakit nga ba ako bumagsak sa ganitong buhay kahit na hindi naman ako tulad ng ibang bata na nabully para iwasan ang pakikisalamuha sa tao . Ewan , hindi ako ang tipong galit sa tao at sa totoo lang nakikipag kaibigan din ako kahit introvert ako pero mas pinili ko na lang mag isa at magkulong sa kwartong ito kasama ng mga Anime at Games ko siguro dahil mas komportable akong nag iisa .

Naging Anti Social na ako pero ano pa bang magagawa ko gayung nandito na ako sa sitwasyong ito at huli na para bumalik pa ako . Hindi ko pinagsisisihan na mas piliin na laruin ang mga games ko kesa sumama sa mga kaibigan ko para makipagbonding sa labas. Hindi sa ayaw ko silang kasama kundi dahil mas komportable akong mag isa , ganun kasimple . Tsk, isang pagdadahilan na pilit kong ipinauunawa sa sarili ko .

Sinarado ko na ang mga bintana at ilaw habang hinihintay ang pagbubukas ng computer ko . Dito ay naupo na ako sa malambot na upuan ko at nagsimula ng gumalaw ang mga daliri ko sa keyboard para mag browse sa internet .

Naghahanap ako nang mapaglilibangan ngayong araw pero habang abala ako sa pag pindot ng mouse ay natabig ko ng kamay ang isang maliit na libro na nakapatong mismo sa desk ng Pc. Isang kulay pulang libro na may black frame design .

" Huh ? "

Nagtaka ako sa nakita kong libro gayung wala naman akong natatandaan na may ganung libro akong pagmamay-ari . Napaisip ako kung sa mga kapatid ko ito pero agad kong napagtanto na walang pumapasok sa kwarto ko kahit isa sa kanila dahil alam nilang magkakagulo kami maliban sa nanay kong may pagka nagger.

Dahil na rin sa pagkacurious ko sa librong yun ay agad ko itong kinuha at pansamantalang itinigil ang aking pag susurf sa internet . Doon ko nabasa ang nakasulat sa harap na " Book of Life" .

Sa unang tingin para syang isang anime stuff collection pero kahit anong isip ko ay wala naman akong matandaan na ganung sikat na libro. Naweirdohan din ako sa pamagat ng libro kaya binuklat ko ito mula sa gitnang pahina upang mabasa ko ang nilalaman.

Sa aking pagbuklat ng misteryosong libro ay biglang may malakas na hangin ang humampas saakin dahilan para mapapikit ako . Hindi ko maintindihan kung paanong nagkaroon ng malakas na hangin sa kwarto ko gayung sarado ang mga bintana pero hindi na yun mahalaga siguro ngayon basta gusto ko munang mawala iyon .

Habang nadadama ko ang malakas na hangin na tumatama sa aking balat ay biglang may mga ingay na unti unting lumalakas . Mga ingay na nag uumpugan na bakal at ugong nang nawawasak na gusali .

Sa pagkakataon na iyon ay unting unti kong dinilat ang mga mata ko at doon nasaksihan ang nakakatakot na eksena ng isang delubyo. Tama, Isang wasak na syudad sa gitna ng pagwawala ng kalikasan.

Sa mga oras na iyon ay nakahawak ako sa isang poste upang hindi tangayin ng malakas hangin dulot ng isang dambuhalang ipo-ipo sa harap ko na halos kalahating kilometro na lang mula sa kinatatayuan ko .Wala akong magawa kundi kumapit na lang at hindi na magtangkang umalis doon . Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sumira ang humahagupit na buhawi ng mga bahay sa paligid nito.

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ang wasak na mga gusali at mga nag angatang tipak ng semento ng kalye na tila may isa napakatinding lindol ang naganap at parang humampas na sa pilipinas ang " The Big One " na sinasabi nila .

Sa mga sandali na yun ay may mga pagsabog din akong naririnig na nagmumula sa nasusunog na bahagi ng syudad na iyon. Hindi ako sigurado kung mga granada ba iyon pero sunod sunod ito at palakas ng palakas habang tumatagal .

Nanlalaki na lang ang mga mata ko ng makakita ako ng mga dugo sa daan mula sa mga nakahigang mga tao na natatabunan ng mga gumuhong tipak ng bato . Unang beses kong makakita ng mga patay na tao at hindi ko alam kung mandidiri ako sa mga nakalabas na laman nila o maaawa sa sinapit nila .

Hindi ko maintindihan kong bakit nangyayari ito at kung panaginip ito ay sana magising na ako .

Gusto kong tumakbo. gusto kong humiyaw sa takot sa sandaling iyon . Hindi ko na matitiis ang mga nasasaksihan ko pero tila hindi ko maikilos ang mga binti ko upang tumakbo siguro dahil sa takot na nararamdaman ko o baka dahil nag aalangan din akong umalis sa kinalalagyan ko dahil sa malakas na hangin na humahampas saakin .

Sa gitna ng pag kataranta ko at pagkawindang dahil sa takot ay biglang may bumagsak sa gusali sa gilid ko . Parang bulalakaw ito na nagpawasak sa halos kalahati ng gusali . Imbis na tumakbo ay lalo akong kumapit sa poste . Ewan , hindi na ata ako nag iisip ng maayos o baka yun na lang ang tanging magagawa ko sa mga oras na ito.

Sa gitna ng makapal na usok na dinulot nun ay may biglang lumapag sa harap ko . Nagmula ito sa kalangitan at hindi ko man alam kung gaano iyon kataas pero kung ibabase ko sa pag-angat ng kongkretong kalye na sinalpukan ng mga paa nya ay nakakasiguro akong mataas ang pinanggalingan nya .

Hindi pa doon nagtatapos ang pagkabigla ko sa mga sandaling iyon dahil talagang nagulat ako nang unti-unti kong nakilala ang misteryosang tao sa harap ko .

Isang babaeng may maikling kulay asul na buhok at may puting mga bulaklak na ribbon na nagsisilbing headband nito . Nagliliwanag ang mga matitingkad na asul nyang mga mata na tila sapphire. Naka sout ito ng black and white maid outfit habang hawak ang isang kadena na nakakonekta sa bakal na bilog na napupuno naman ng spike .

Isang Pagbaba ng isang tunay na Dyosa mula sa kalangitan , pambihira at kamangha mangha . Halos nag slow motion ang galaw ng paligid ko habang pinagmamasdan ko ang kabuoan ng dalagang iyon mula sa ulo hangang paa nito.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa nakikita ko pero hindi ako pwedeng magkamali. Tama, dahil sya mismo ang nakikita kong babae na ngayon ay nakatitig saakin .

Ang isa sa mga Maid ng Roswaal mansion na si Rem . Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakatitig sya sa mga mata ko . Langit na ba ito o paraiso ? Pero sa delubyo na nagaganap ay siguro mali ang inaakala ko . Napanganga na lang ako at tila naglaho ang kaba at pagkataranta ko kanina sa delubyo sa paligid ng mga oras na iyon .

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga nakikita ko dahil si Rem ay isa lamang Anime Character na pwedeng mapanuod sa internet .

" WOW " totoo ba ito ? hindi ako makapaniwala ."

Hindi ko narin itatago na ang babaeng nasa harap ko ngayon ang tinuturing kong Waifu bilang Anime Fan . Walang duda gusto ko sya at mga kagaya kong otaku lang ang makaka intindi ng mga nararamdaman ko para sa isang 2D character .

Minsan ko rin nasabi na sana totoo na lang sya pero alam kong malabo yung delusyon na iyon gayung mga Anime Character lang sila na nilikha ng mga tao para sa may pagkalibangan ang mga kagaya ko .

" Naiiba talaga ang ganda ng Waifu ko, isa syang anghel. Hindi , isa syang dyosa. "

Isang kalokohan ang humiling ng bagay na sa pantasya mo lang makikita at sigurado lalayuan ka ng mga tao kung maririnig nila iyon sayo pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang simpleng delusyon ng isang gaya kong Otaku ay biglaang nagkatotoo. Tama, ang babaeng sa screen at poster ko lang nakikita ay nasa harap ko at humihinga gaya ng tao . Buhay sya at umiiral sa mundo katulad ko.

" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, totoo sya, buhay ang waifu ko " Bulong ko sa isip.

Sa gitna nang pagkabigla ko habang nakatitig lang sa magandang mukha ng waifu ko ay bigla syang nagsalita na tila humihingi ng tawad sakin.

" Pasensya na Daniel at sana maunawaan mo ang gagawin ko sayo, patawad . " Sambit ni Rem .

Nabigla ako at nagtaka sa mga nasambit nyang paghingi ng tawad pero para saan nga ba iyon ? Lalo pa akong nagtaka nung mapagtanto ko na kilala nya ang pangalan ko, lumakas talaga ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nya habang tinatawag ang pangalan ko .

Hindi malinaw saakin kung ano yung sinasabi nya pero laking gulat ko ng dinuro nya ako sabay sambit na kailangan kong mamatay sa mga oras na ito.

" Patawad pero kailangan kitang patayin para matapos na ang lahat ng ito " Seryosong sambit nito.

" Huh ? "

Sa pagkakataon na iyon ay wala akong nasabi at tumitig lang sa mga mata ni Rem na tila ba nag aantay ng mga susunod nitong aksyon . Dito ay umiling sya bakas ang pag aalinlangan pero kahit na nag dadalawang isip sa binabalak ay hinawakan nya parin nang mahigpit ang mga kadena sa kamay nya at winasiwas ang bolang bakal .

Sumigaw ito nang napakalakas habang inihahampas sa hangin ang hawak . Dumeretso ang bakal na bola na ito patungo sa kinalalagyan ko at kitang kita ko nang malinaw na patama ito saakin .

Nataranta ako at napabitaw sa kinakapitan ko dahilan para makaiwas sa atakeng iyon na sumalpok at nagpatumba sa kongkretong poste sa harap ko. Napaupo na lang ako at gumapang palayo sa takot habang iniisip ang ginawang pag atake ni Rem .

" S-s-sa-san-sandali, B-ba-ba-bakit ? anong kasalanan ko ? " Tanong ko habang takot na takot.

Tinanong ko sya kung bakit nya ito ginagawa pero wala itong naging tugon kundi ang nakakatakot nyang mga titig na tila kakainin ako ng buhay . Dito ko napagtanto na hindi sya nagbibiro sa nasambit kanina . Seryoso sya na bawian ako ng buhay . Tama , wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko dahil sa mga oras na iyon ay papatayin ako ng pinakamamahal kong waifu .

" Paki usap , wag , maawa ka saakin.....Rem. "

Muling gumalaw ang kadena at winasiwas nya ulit ito patama saakin . Kitang kita ko ang paglitaw ng nagliliwanag na sungay nya na nababalot sa asul na kuyenteng tila nag sasayaw sa paligid nito . Sa mga oras na iyon ay halos mawasak ang kongkretong kalye nang tapakan nya ito para bumwelo sa pag atake saakin gamit ang kanyang sandata .

Hindi ko maunawaan ang nangyayari pero tila tumigil ang mundo ko nang makita ko ang nakakatakot na tagpo na iyon.

Pero bago pa tumama ang bakal na bola sa katawan ko ay may biglang humablot sa damit ko at ibinato ako palayo dahilan para maligtas pa ako .

Dumaosdos ako sa kalye at gumulong dito . Masakit ang katawan ko sa nangyaring pag balibag saakin pero mabuti na lang at hindi tumama ang ulo ko sa simento . Iniinda ko ang pananakit ng mga sugat ko sa braso , masakit at mahapdi ito kaya alam kong hindi ito isang panaginip lang .

Inaasahan ko na isa lang itong bangungot pero hindi ito ganito, hindi ito isang masamang panaginip na maaaring maglaho sa oras na magising ako. Walang paraan para makatakas ako at mabuhay .

" Dito na ba ako mamamatay ? " Bulong ko sa isip.

Napalingon agad ako upang makita ang kaganapan sa mga oras na iyon at kilalanin kung sino ang mabuting taong nagligtas saakin . Dito ko nakita ang isang babaeng may itim na buhok hawak ang isang katana na kasalukuyan nyang ginagamit para labanan si Rem . Hindi sya pamilyar saakin pero mas ikinagulat ko ay nang mapansin ko sa paligid ko ang paglalaban laban ng mga tao at mga nilalang na tila mga halimaw sa palabas .

Hindi ko sila kilala pero sa mga ayos ng pananamit nila at anyo ay malaki ang posibilidad na mga Anime Character din sila gaya ni Rem. Pero importante pa ba iyon sa mga oras na ito ? Kakampi man sila o kalaban ay hindi na siguro mahalaga iyon dahil unang una ayoko na sa lugar at sitwasyong ito .

" Paki usap kahit sino sainyo ay iligtas ako ."

-----------------------part 1 / part 2 ----------------------------

undefined

Alabngapoy Creator

1st ep