Chapter 15 part 1
Masarap sa pakiramdam na may nagagawa kang tama at natutulungan at marahil narinig nyo na ang sinasabi ng mga tao na mas maligaya ang taong tumutulong kesa sa tinutulungan.
Siguro wala ng mas sasaya pa ang puso natin kung naaappreciate ng iba ang mga nagawa nating tama.
Gayumpaman hindi ko makuha kung bakit kahit na may nagawa naman akong tama at maganda sa kapwa ay nandito ako ngayon sa labas at nakatayo sa gilid pader ng training facility habang buhat ang mga balde para disiplinahin.
" Bakit kailangan kong maparusahan ng ganito?!" Sigaw ko.
Dahil sa nangyari kahapon ay ipinatawag akouli sa opisina at doon kinausap ni prof celly para sermunan.
" Alam mo ba na ang ginawa mo kahapon ay isang napakalaking problema? " sambit nito saakin.
Agad naman akong umangal na wala akong magagawa sa bagay na iyon dahil inatake ako at kailangan kong ipagtangol ang sarili ko.
Gayumpaman kahit na may katwiran ako ay ipinilit ni celly na hindi dapat gumagamit ang isang estudyante ng napakalakas na mahika lalo na alam nila na may mga inosenteng tao ang pwedeng masaktan.
Naging malaking balita ang nangyari kahapon at lahat ng mata ng media ay nakatutok sa insidente kaya naman gusto nila malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari.
Maraming mayayaman at maimpluwensya na tao ang nasa eskwelahan kaya mahihirapan si Celly na pagtakpan ang lahat ng kong gagawing kaguluhan.
Hindi ko alam kong bakit parang ang sama sa tenga ng pag kakapaliwanag ni prof celly saakin tungkol sa pag tatakip nya sa mga insidente na may kinalaman ako. Unang una ginagawa ko ito para makatulong at hindi mamerwisyo at isa pa wala talaga akong balak mandamay ng ibang estudyante.
" Prof celly sa maniwala kayo o hindi kahit ako nabigla sa kapangyarihan na binigay saakin at sa tingin nyo ba gugustuhin kong magyelo ang braso ko ng ilang oras?" Sambit ko rito.
" Ang naalala ko lang ay kailangan kong patayin yung apoy kaya naman naglabas ako ng atake na may yelo pagkatapos lumabas na akng dragon na yun sa braso ko." Dagdag ko rito.
Nagulat si Prof celly sa nasambit ko at naitanong kung paanong nangyaring wala akong alam sa kakayahan ko at bakit hindi ko ito kontrolado.
Hindi ko alam kong pwede ko bang sabihin sa kanya ang totoo na nakuha ko ito sa anghel na si momo pero mas madaling sabihin sa kanya na kasama sa kasunduan para matapos ang miayaon ko n atulungan ang diwata na taglayin ang kapangyarihan na makakatulong saakin talunin ang black magic.
" Hindi ko alam kung hangang saan ang kaya ng binigay saakin na kapangyarihan pero atleast alam na natin na kaya kong lumaban sa mga kalaban. Hindi ba magandang bagay yun?" Nakangiti kong sambit.
Dahil doon pinarusahan ako ni prof celly na buong klase nya ay bubuhat lang ako ng baldeng tubig sa magkabilang braso at ulo para madisiplina at pag isipan kung bakit ako naparusahan.
Ang totoo may punto naman na dapat kong alalahanin ang kaligtasan ng mga nasa paligid ko pero hindii ba dapat mas tulungan na lang nya akong matutunan gamitin ang kaoangyarihan ko kesa parusahan ako sa bagay na wala naman akong kontrol?
Wala syang konsiderasyon at pang unawa na kailangan din nika akong pagpasensyahan at pagbigyan dahil unang beses ko iyon ginawa at para namang napakasama kong tao na sinasadya ang mga bagay na katulad nun.
Habang nakatayo ay pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko at sobra itong nakakahiya lalo na ako ang kauna unahang taong naparusahan ng ganito.
Tatlong klase ang kasabay namin sa gusali na iyon at lahat sila ay nakakakita kung paano ako pinarurusahan at dinidisiplina kaya naman sigurado tampulan nanaman ako ng tukso. Natatakot ako na sirang sira na ang pangalan ko sa eskwelahan na ito.
Sino ba ang makakapag sabi na aabot sa ganito ang lahat gayung ginusto ko lang makatulong? Pero kung iisipin nakakatakot nga ang nangyari kahapon.
Muntik na akong makapatay ng iba at hindi ko yun kayang iwasan.
Ilang oras ang lumipas ay pinagpahinga na ako ni prof celly dahil matatapos na rin ang klase. Kinausap nya muli ako at pinaalala na dapat kong malaman na lahat ng bagay na gagawin ko ay may nag aantay na kapalit, maging tama man o mali ay may nag hahantay saakin na bunga nito.
" Opo prof celly sa susunod susubukan ko ng hindi maglabis." sagot ko rito habang nanlalata.
" Sinabi mo na hindi mo kontrolado kung gaano kalakas ang kapangyarihan na ginagamit mo? "
" Hm.. hindi ko alam dahil unang beses ko pa lang ito sinubukan."
Biglang lumabas si Fufu sa bulsa ng polo ko at sinabi na nakadepende sa pag iisip ko ang kapangyarihan na ilalabas ko at nung oras na iniisip ko na kinakailangan kong patayin ang kalaban ko ay nagresulta ito ng paglabas ng napakalakas na mahika.
Sinabi ni Fufu na ang kaalaman at maayos na pag iisip ang kinakailngan ko para magawa kong makontrol ang kapangyarihan ko dahil kahit binigyan ako ng kapangyarihan para magligtas ay makakaya rin nito makapangwasak kung mali ang pag gamit nito.
" Kung ganun sa ngayon pinag babawalan kitang gumamit ng malakas na kapangyarihan lalo na sa harap ibang estudyante dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari." Sambit ni Celly.
Sinabi pa ni Celly na hindi nya ako pinagbabawalan para pahirapan ngunit binalaan nya ako na sa oras na may mapahamak dahil lang sa kapabayaan ko ay hindi nya masisiguro na matutulungan nya ako.
Kahit na may mataas syang katungkukan ay sumusunod parin sya sa batas lalo na sa mga mas nakakataas sa kanya at dahil ang eskwelahan na ito ay napupuno ng mga maimpluwensyang mga tao sa palasyo ay maraming bagay ang hindi nya kayang gawin at isa na rito ay ang pagtakpan ang mga problema na magagawa ko.
" Gusto kong maging malinaw sayo na kahit na may misyon ka sa mundong ito ay isa ka parin normal na estudyante sa paaralang ito. Hindi ka exempted sa mga batas kaya ibigsabihin hawak ka ng mga makapangyarihan tao sa itaas at kailangan mong sundin ito at katakutan." Dagdag nito.
Nauunawaan ko ang sinasabi nya at nakukuha ko kung bakit kailangan nya akong balaan para maunawaan ko na hindi ko pwedeng gawin basta lahat ng maisip kong gawin.
Pero sino ba ang may gusto mapahamak at magdulot ng panganib sa iba? Siguro ngayon ang mas dapat kong alalahanin ay kung paano ko ba gagamitin ito ng tama.
" Tungkol sa bagay na yan, sa makalawa ay may magtuturo sayo kung paano makipaglaban, mabagal ang pagtuturo sa eskwelahan na ito kaya dadaan ka sa mas advance na pag sasanay mula sa isa sa pinakamahusay na mandirigma ng bansang ito."
" pinakamahusay?" tanong ko rito.
" Wag kayong mag alala dahil tapat at mabuting sundalo ang taong iyon at hindi sya nakikibahagi sa ano mang pakana ng crown prince."
Inutusan nya akong ihanda ang sarili dahil pagkatapos ng klase ay kailngan kong manatili sa training facility para sa extra training.
Nabigla ako sa nasabi nito na oras ng training ko at umangal agad hang binabangit na pagkatapos ng klase ay kailangan kong pumasok sa trabaho. Kapag nawala ang trabaho ko ay wala akong ipambabayad sa upa sa dorm na tinitirahan ko.
" Iyon lang ang libreng oras para sayo at sa kanya kaya hindi ka pwedeng umangal."
Ipinaalam nya na malaking bagay na natutulungan kami ng isang mahusay na sundalo para maturuan ako kaya hindi ko dapat iyon sayangin, nag suggest din sya na kung sakaling mapalayas sa tinitirahan kong dorm ay pwede akong manirahan sa kwarto ng training facility gayung may banyo, ilaw at tubig sa loob nito.
" Ang tinutukoy nyo bang kwarto ay ang storage room? Pero wala namang kama doon? " Tanong ko.
" Hay naku ang kabataan nga naman ngayon. Makakatulog ka naman kahit walang kama ang mahalaga nakakapikit ka at nananaginip." Sagot nito.
Napa iling na lang ako sa pagkadismaya dahil hindi ko magawang barahin o sigawan man lang ang kausap ko dahil isa syang guro. Gusto nya akong tumira sa bodega at para bang naglalagay lang sya ng kung anong bagay para itambak doon.
Gayumpaman naitanong ko kung ano na ang gagawin ko ngayon dahil wala na ang myembro ng black scorpion kaya ibig bang sabihin pwede ko ng tigilan ang pagsunod kay Elise.
Ipinaalam naman ni Celly na hangang ngayon nababalot ng yelo ang katawan ng estudyanteng ito dahil hindi ito basta basta natutunaw at natatakot silang durugin ito gayumpaman sinabi nya navtodo ang kanilang pagbabantay para maikulong ang taong iyon.
" Kahit na wala na ang taong yun ay hindi naman nagbabago ang kagustuhan ng black scorpion na makuha ang babaeng core keeper kaya dapat mo parin syang bantayan." sambit ni fufu.
" Tsk, Alam mo isa syang princesa kaya bakit hindi na lang natin sabihin na nanganganib ang buhay nya para magkaroon sya ng mga tunay na bantay?"
Dito ay sinabi ni Celly na hindi magandang ideya na malaman ni Elise ang mga nagaganap dahil magsasagawa ng pag iimbistiga ang palasyo sa paaralan at nakakatiyak sya na may malaking pag babago na mangyayari.
Isa paring malaking bagay ang tungkol sa Black scorpion at tiyak ito na magpapadala ang palasyo ng mga sundalo para bantayan ang paaralan.
" Masyadong komplikado pero hangat ang crown prince ang namamahala sa kaharian habang nagpapagaling ang hari ay hindi natin alam kung kakampi ba natin ang mga sundalo sa palasyo tungkol sa laban na ito gayong isa ang crown prince sa nagtangka noon gumising sa mythical beast at gumagawa ng sari saring experimento tulad ng nabangit ni Fufu. "
" Sa oras na malaman nila ang tungkol sayo at sa diwata ay tiyak gagamitin ka nila at maiipit ka sa isang sitwasyon na ang tanging pwede mo lang gawin ay ang sumunod sa crown prince at maging tuta nito."
Kinabahan ako sa narinig ko dahil may mas komplikado pa pala na pwedeng maganap. Ang totoo wala talaga akong paki kung malaman ng lahat kung sino ako at ano ang misyon ko at mas madali sana iyon para tangapin ng mga tao upang hindi na ako maliitin at tapak tapakan na lang.
Nahihirapan akong magbantay kay Elise dahil ayaw nya akong lumalapit lapit sa kanya at malamang mababa ang tingin nya saakin kaya nya ako sinusungitan dahil nagmula ako sa mahirap na pamilya at isa pa ring rank E.
" Teka naisip ko lang prof na may mga personal na bantay si Elisa kaya posible ba na ilagay nyo na lang ako doon para naman hindi ako parang tanga na nagbabnatay mula sa malayo? Alam nyo kasi nakakapagod na at hindi ito madali sa totoo lang." tanong ko rito.
" Hm.. imposible yan, hindi hawak ng eskwelahan ang grupo nila at ang princesa mismo ang nagtakda ng batas at panuntunan sa kanilang mga binuong grupo."
" Pero magandang plano yan. Kung makakapasok ka sa grupo nila ay mas madali mong mababantayan ang princesa." dagdag nito
Dahil sa ideya na pwede akong makapasok sa Crimson lotus ay inutusan ako ni Prof celly na pumunta sa base ng guild at subukan na mag apply dito.
Ang totoo hindi rin naman ako sigurado kung tama pa ba ang ginagawa ko pero nagsasawa na rin ako na magbantay sa malayo at isa pa wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
Ilang oras lang ang lumipas pag katapos ng klase ko ay nagtungo agad ako sa gusali na pag mamay ari ng crimson lotus. Kung iisipin bakit nga ba may sariling gusali ang crimson Lotus eh grupo lang naman sila ng mga estudyante na pinamumunuan ng spoiled brat na princesa.
Sa pag pasok ko ay makikita agad dito ang hallway na puno ng mga estudyante na pawang mga myembro ng guild nila.
" Magandang araw."
Pinagtinginan ako ng mga naroon at sa tingin pa lang nila ay alam ko na minamata nila ako.
Kahit na malayo ay naririnig ko ang ilan sa pinagbubulungan nila at tungkol parin iyon sa chismis na isa akong sangano na mahilig sa gulo.
Humarap saakin ang ilang mga lalaki na naroon sa sala at tinanong kong ano ang kailangan ko sa lugar na iyon. Maangas ang salita nito at kagaya ng inaasahan ay minaliit nya ako bilang rank E.
" Alam mo ba na hindi pwedeng pumasok ang mga Mahihinang Rank E dito? Dinudumihan mo ang sahig namin."
" Ah.. eh.. pasensya na pero saglit lang naman ako dito, gusto ko lang mag tanong kong sino pwedeng kausapin para sa pag aapply na maging myembro ng Crimson Lotus." Sambit ko.
Bigla na lang nagtawanan ang mga ito habang ipinapaulit ang mga sinasabi ko. Hindi ko maunawan kung ano ang pinagtatawanan nila dahil lang sa may gusto sumali sa guild nila.
" Hay naku, ano bang iniisip mo sa guild ng Crimson Lotus? Isang fraternity na lahat ng sangano ay pwedeng sumali? " Sambit nito.
Ipinaliwanag ng isa na hindi basta basta tumatanggap ang crimson lotus ng kung sino sinong tao lang at lalo na raw ang mga mahihina at sangano na katulad ko.
" Teka hindi naman ako sangano at ang sabi ay pwede mag apply ang kahit sinong estudyante sa guild nyo."
Sa pagkakataon na yun ay itinulak ako ng lalaki at pinagtatabuyan habang sinasabi na hindi nababagay ang mga rank E sa crimson Lotus.
Para sa kanila kung gusto ko raw maging kasama nila ay dapat maging katulad ko sila at napakalabong mangyari iyon dahil isa lang akong mahinang rank E.
" Nabalitaan ko tumalo ka raw ng mga siga na Rank C kaya siguro akala mo malakas ka na at iniisip mo tatangapin ka dito dahil lang nagpataob ka ng mga mahihinang lalaki na puro hangin ang utak."
Lalong nagyabang ang lalaking iyon at minaliit ang mga kakayahan ko pag dating sa pag aaral at pagsasanay.
Muli nya rin akong pinagtabuyan at pinagbataan na kung hindi aalis agad sa lugar na iyon ay sya na mismo ang sisipa saakin palabas ng pinto.
Talagang nakakainis ang mga sinasabi nya pero wala akong maisagot at alam ko na hindi ko naman pwedeng patulan ang kayabangan nya dahil baka lalo akong ma badshot sa guild.
Pumikit ako at huminga ng malalim para ikalma ang sarili dahil alam ko na ako ang nakikiusap sa kanila kaya dapat magpakita ako ng kabaitan sa mga batang ito.
" Wala akong masamang intensyon kaya ako pumunta dito ang gusto ko lang makaharap ang taong pwede kong makausap para makasali sa guild ng crimson lotus."
Dahil sa sinabi ko ay biglang nagbago ang mood ng lalaking kausap ko at tila nababanas saakin. Sinigawan nya na ako at inulit na hindi ako bagay sa crimson lotus.
" Wala kang lugar sa guild na ito kaya wag kang mangarap at kung ako sayo aalis na ako agad bago ka pa masaktan."
Alam ko na ayaw nila ako sa guild nila pero kailngan ko talagang makasali kaya naman sinubukan ko ulit makipag usap ng maayos pero bago pa muli ako makapag salita ay sinikmuraan na ako ng lalaking iyon.
" Ang kulit mo talagang kupal ka, binabalaan na kita pero mayabang ka parin."
" Teka teka pinagbabawal sa mga estudyante ang manakit ng kapwa, labag yan sa patakan ng eskwelahan."
" Bugok ka talaga, nasa loob ka ng guild at isa kang tresspasser kaya maaari ka namin gulpihin dito." Mayabang na sambit nito..
Sinubukan nya muli akong suntukin pero dahil nga sa muling bumagal ang galaw ng oras sa paligid ko ay nakita ko agad ang binabaliak nya. Agad kong hinawakan ang kamay nya at inihawi sya palayo saakin.
Napalakas ang pag hawi ko dahilan para gumulong ito sa sahig at tumama sa pader. Labis naman kinabigla iyon ng mga naroon at nagalit agad saakin.
" Nagawa mong saktan ang kasamahan namin, naghahanap ka ba talaga ng gulo?"
" Teka kitang kita nyo na sinubukan nya akong suntukin kaya malamang poprotektahan ko ang sarili ko."
Gusto kong ipaintindi sa kanila na wala akong balak mangulo sa lugar pero hindi nila ako pinakikingan at sabay sabay na lumusob saakin.
Galit ang mga ito na pinagtangakaan akong gulpihin pero dahil nga sa mabagal ang mga kilos nila ay hindi mahirap saakin na isa isa silang ihagis at pabagsakin sa lapag.
halos pitong katao na ang napatumba ko at ang akala ko ay kahit papaano ay matatakot sila sa pqg atake pero lalo silang nagalit at pinalibutan na ako.
" Ang lakas ng loob mo para mag punta dito sa loob ng guild namin at mangulo."
" Teka kayo ang nagsimula nito kaya bakit ako ang sinisisi nyo?"
Nakita ko na gumagamit na sila ng enerhiya sa katawan para palakasin at pabilisin ang mga kilos nila. Gayumpaman bahagya lang naman silang bumilis sa paningin ko at kayang kaya ko parin itong iwasan.
Nagpatuloy ang pag lusob nila at pag atake hangang sa unti unti na ring nasisira ang ilan sa mga gamit dahil sa ginagawa namin.
Nakikita ko na hindi nagiging maganda ang nangyayari pero ano ba ang dapat kong gawin? Gusto nila akong gulpihin at ayoko naman na lumpuhin nila ako.
Naisip ko bigla kung pwede akong gumamit ng mahika gayung kahit na ihagis at sipain ko sila ay patuloy lang silang tumatayo.
Masyado silang marahas at kung mapapatulog ko sila ay malamang titigil na sila sa pag atake gayumpaman puno ako ng pag aalinlangan dahil kahit ako hindi ko alam kong pwede kong subukan maglabas ng mahinang mahika para hindi maukit ang nangyari nung nakaraan.
" Fufu tulungan mo naman ako, pwede ba akong gumamit ng mahika sa kanila?"
" Pinagbawalan ka na gawin yan pero pwede mong subukan na paralisahin na lang sila para hindi na sila maka atake."
Dito ay pinapapikit ako ni Fufu at muli isipin na kailngan ko ng mahika na magpaparalisa sa mga ito at pinaalala na kaya ko rin iaipin kung gaano nga ba kalakas ang kailagan ko.
Lahat ng bagay na kaya kong gawin ay nakadepende sa pag iisip ko at paniniwala kaya posible na hindi ko masaktan ang marami na naroon basta alam ko ang ginagawa ko.
Sinunod ko lang ang sinabi saakin ni Fufu at muling pinakalma ang isipan para maayos kong malaman ang gusto ko.
Dito muling umilaw ang lapag ko at lumilitaw ang isang magic circle at sinubukan kong gumawa ng pag atake .
" Humanda kayo."
Pero bago ko pa mailabas ito ay gumalabog na ang pinto at pumasok si Elise kasama ang mga tauhan nya.
" Anong kaguluhan ito?"
Nagulat bigla ako sa pagdating nya at kinabahan lalo na ng makita ang nakakatakot na titig ni saakin ni elisa.
" Ikaw nanaman?"
" Teka teka mali ang iniisip mo, hindi ako nandito para mangulo."
tumahimik ang paligid sa hindi nya pagtugon at pinagmasdan ang paligid na puno ng mga estudyanteng nakahiga at wasak rin ang ilang mga gamit.
Sa pagkakataon na iyon ay alam ko na hindi maniniwala si Elisa kung sasabihin ko na wala akong balak mang gulo dahil napaka gulo na ng kanyang base dahil saakin.
Gayumpaman sinubukan ko naman maging kalmado at maging sibilisadong tao pero ang mga ugok na tauhan nya ang nagsimula ng gulo.
" Oo alam ko hindi ka maniniwala pero sila naman ang nag umpisa ng gulo. Nandito ako para makipag usap ng maayos pero ininsulto nila ako at pinagtangkaan na pagtulungan." Paliwanag ko sa kanya.
Nakita ko ang enerhiya na dumadaloy sa katawan nya habang binabangit na wala akong karapatan manakit ng mga tauhan nya sa loob ng mismong base nila.
Alam ko na nagagalit sya sa ginawa ko pero hindi ko alam na katulad lang sya ng mga tauhan nya na hindi mahilig makinig sa paliwanag.
Nagulat ako ng umatake sya saakin dahil kahit na bumagal ang takbo ng oras sa paligid ko ay hindi kasing bagal ng iba ang pagkilos nya.
Nagawa kong mailagan ang dalawang sipa nya at para na itong normal na galaw ng tao. Nagulat naman sila sa ginawa kong pag iwas dito.
Alam ko na hindi matatapos ang lahat basta basta kaya naman naki usap ako dito na huminahon. Hindi ko gusto na magalit sya saakin ng ganiti.
" Teka paki usap naman makinig ka saakin elisa. Hayaan mo naman ako na magpaliwanag." sambit ko rito.
" Nagawa mong ilagan ang atake ko, kahanga hanga ka kahit isa ka lang hamak na Rank E."
" Salamat sa papuri pero teka hindi yun nag gusto kong marinig . Paki usap wag natin idaan sa dahas ang lahat."
Pero kahit na nakiusap ako ay hindi ito nagdalawang iaip na muling umatake at dahil nga kahit na bumabagal ang kanyang galaw ay masyado parin itong mabilis para saakin.
Sa pag daplis ng kanyang paa at pagtama nito sa pader ay nakita ko na nag iwan ito ng lamat sa bato at sigurado ako na napaka sakit kung tatamaan ako ng kanyang paa.
" Teka elisa, Ayokong labanan ka paki usap naman huminahon ka muna." Aligaga kong sambit habang tumatakbo paakyat sa hagdan.
Hindi sya tumitigil sa pag atake at dahil hindi ko naman sya pwedeng gamitan ng mahika ay wala akong ibang magawa kundi ilagan sya.
Nagpatuloy ang pag atake nya at pag habol saakin hangang makaakyat kami sa itaas na palapag. Hindi ko sya magawang suntukin o sipain man lang dahil kahit papaano ay sya parin ang elisa na naging kababata ko sa earth.
Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip nya pero talagang mapilit sya at kahit saan ako magpunta ay sinusundan nya ako at inaatake. Nasisiraan na talaga sya ng bait.
Nakakaramdam na ako ng pagod habang ito ay seryoso parin at tila lalong naiinis dahil hindi nya ako matamaan. Humingi ako dito ng oras para magpaliwanag at sinabi na nandoon ako para sumali sa guild at hindi makipag away.
" Ano? Gusto mong sumali sa crimson Lotus?
" Oo pero gusto nila akong gulpihin sa ibaba. Sa tingin mo talaga na binalak kong mang gulo gayung pwede akong parusahan ng princesa na kagaya mo?"
" Oo at ginawa mo na ito at ngayon ako naman ang magpaparusa sayo."
Muli syamg umatake at dahil nga sa napapagod na ako sa ginagawa kong pag takbo ay sinubukan ko na lang syang dakmain.
Sa pag iwas ko sa sipa nya ay nahawakan ko ang katawam nya at niyakap ito sa likod para hindi na makagawa pa na gamitin ang braso nya at makaatake.
Nagulat ito sa ginawa ko at patuloy na pumapalag sa pag kakakapit ko sa kanya.
" Anong ginagawa mo? bitawan mo ako."
" Hindi kita bibitawan hangat hindi ka nangangakong hindi na mananakit?
Hindi ko maunawaan pero bigla syang tumigil sa pag galaw at tila gulat na gulat na nakatulala lang.
" Nagagawa mo akong hawakan?"
" Huh?"
" Lapastangan ka, manyak ka!! " Sigaw nito
Biglang kinilabutan ako sa naramdaman kong presensya at napansin ang pag ilaw ng magic circle sa paahan namin.
Pagkatapos ng paglitaw ng liwanag ay biglang kumalat ang kuryente sa paligid namin ni Elisa at ilang saglit lang gumapang na ito sa katawan ko.
Hindii ko alam kung ano ang gagawin sa pagkakataon na iyon at tila sa isang iglap ay may tumatadtad sa laman ko at umakyat ito hangang sa ulo ko.
Hindi ko kinaya ang boltahe na gumagapang sa katawan ko dahil sa sobrang lakas nito hangang sa nawalan nalang ako ng malay tao at bumagsak sa lapag.
End of Chaper 15 part 1
End of part 15 part 1