Chapter 19 part 2 

Kinabukasan ay muli na akong pinalabas sa clinic sa utos na rin ni prof celly, ngayon malaya na ako sa selda ko ay dumeretso ma ako sa classroom ko dahil marami akong hahabulin na aralin.

Wala naman problema saakin ngayon ang pag aaral pero kailangan ko parin mag hanap ng taong pwede kong pag tanungan ng mga pinag aralan namin.

Sa pasok ko sa classroom ay agad akong pinagtinginan ng buong klase at napaka awkward nito dahil parang lahat sila ay gulat na gulat na makita ako.

Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa nila at dumeretso sa upuan ko at nanahimik dito.

Sa pananahimik ko ay nagpuntahan ang mga classmate kong lalaki na kapwa ko rank E.

" Hoy Daniel, Umamin ka nga ano nanaman ang ginawa mong kalokohan?" 

" Huh? Ginawang kalokohan?" 

Nagulat ako at iyon ang salubong saakin ng mga kasama ko at para bang may nangyari nanaman na kung ano kaya nila naitanong saakin iyon.

Wala akong ideya sa sinasabi nila kaya naitanong ko rito kung bakit parang nakatingin saakin ang mga kaklase namin.

" Kanina bago ka dumating ay biglang pumunta dito si princesa aliya at hinahanap ka." 

" Ano si Lea? Teka bakit naman nya ako hahanapin?" 

" Ano? Hindi ba dapat kami ang nagtatanong sayo nyan? Bakit ka nga ba hahanapin ng isang maharlika?" 

Nagulat ako at hinanap ako ni Lea sa mismong classroom ko pero baka tungkol ito sa nangyari sa gubat.

" Nung nakaraan lang may tsismis na itinakas mo raw si princesa aliya tapos ngayon sya na ang naghahanap sayo, alam ko nakakapang hinala ka na." 

Itinangi ko naman ang mga tsismis na iyon at nilinis ang pangalan ko. Lahat ng iyon ay mga hindi sinsadyang pangyayari at wala akong magawa kundi gawin ang mga hindi inaasahang pangyayaring iyon.

Hindi naniwala ang mga kasama ko sa sinasabi ko na wala akong kakaibang ginagawa dahil narin sa pagsunod aunod ko kay Elisa.

" Nung nakaraan lang nababaliw kang nanunuyo kay princesa elisa ngayon kay princesa lea naman. Gusto mo b atakaga ng komplikadong buhay?" 

" Tama, alam ko na magagamda sila at kaakit akit pero isa parin silang maharlika.  Komplikado ang buhay nila kesa saating mga pangkaraniwan hindi ka ba natatakot na madamay ?" 

Pinagsabihin din nila akong lumayo sa mga maharlika at wag na maki halubilo dahil maraming insidente ng pag aalipusta at pang aabuso na inuugnay sa mga maharlika.

Ang totoo aware naman ako sa bagay na iyon at sa tingin ko kaya ngang gawin iyon ng dalawa pero bakit nga ba hindi ako natatakot?  Ewan pero dahil sa ala ala ko dati kong mundo ay iniisip ko na sila parin ang mga dati kong mga kasama.

Dahil maraming sinasabi saakin ang mga kasama ko na tika ba alam nila ang lahat ng bagay dahil sa pagiging tsismoso nila ay nagtanong ako kung ano nga ba ang pagkakakilala ng lahat sa dalawang princesa o sa mga maharlika.

" Ano teka ibigsabihin hindi mo kilala ang dalawang princesa? " 

" Ah .. eh .. taga probinsya ako bago kao napadpad sa lugar na ito at naging busy rin ako sa trabaho nung nakaraang taon  kaya wala akong oras para alamin ang mga bagay bagay na kagaya nyan." Sambit ko.

" Yun pala ang dahilan kaya hindi k aman lang natakot na lapitan sila." Sagot nito.

Dito ikwinento nila na may limang anak ng hari nag nasa eskwelahan na ito at lahat sila ay namumuno sa kani kanilang guild na binuo. Ang pagiging top student ay simbolo ng kanilang pagiging mataas sa lahat kaya naman mainit ang kompetisyon sa loob ng eskwelahan.

Ang kompetisyon na yun ay hindi lang kung sino ang magiging top nadamay narin sa kanikanilang guild.  Kaya nga matataas ang kanilang pamantayan sa pagpili ng mga myembro.

" Bumilib nga ako sayo ng nalaman namin na pinipilit mo raw maging myembro ng Crimson Lotus gayung is ak alang Rank E." 

" Alam mo ba kilala ang Crimson Lotus dahil madalas sila mang bully ng mga Rank E pero ikaw gusto mo pang sumali sa kanila." 

Nabangit din nila na may insidente ng pananakit ni Elisa sa mga Rank E dahil lang sa naabutan nya itong nakaharang sa dinadaanan nya.

Naging panget ang impreayon ng lahat kay Elisa dahil sa palagi itong nag wawala at dinadaan sa dahas ang lahat.

Ipinaalam din nila saakin na hindi naman bago ang pang bubully ng mga maharlika sa mga Mahihirap lalo na sa mga rank E dahil marami sa mga mayayaman na nasa eskwelahan ay may tauhan at alila dito.

" Teka tungkol pala kay princesa lea, may alam ba kayo sa kanya?

Dito ipinaalam nila saakin sa lahat ng magkakapatid si princesa aliya lang ang hindi kasama sa top 10 ng eskwelahan pero matalino ito pag dating sa crafting magic. 

Ang focus ng guild nila ay maging bihasa sa crafting magic kaya naman palagi silang nasa dungeon.

Hindi rin maganda ang pagkakakilala kay Lea dahil kahit na hindi sya madalas mambully ng rank E ay marami na syang nilalabag na patakaran sa eskwelahan sa loob lang ng isang taon nya dito.

kinatakutan din ito dahil sa mga experimento nya at ang ginagawa nyang mga genue pig ay ang mismong mga tauhan nito.

Binalaan nila ako na marami ng sumuko at hangang ngayon ay na ospital na myembro ng guild nila at kung mapaoansin daw nila sa ngayon ay napaka unti na lang ng natitira nilang myembro.

" Iwasan mo ang makihalubilo sa kanila kung gusto mo ng payapang buhay." 

Napailing na lang ako ng marining ko ang babala na iyan dahil kahit noon oa man gusto ko ng iwasan sila para maging payapa ang buhay ko pero hindi ko magawa.

Dito ay biglang binago ng kasama ko ang Topic at sinabi na malapit na ang exam kaya tiyak na mag sisimula nanaman maging magulo ang sitwasyon sa mga guild.

" Anong ibig mong sabihin?"

Dito ipinaalala nya ang mga nangyari  nung nakaraang exam na pag aaway ng mga guild. Dahil sa kagustuhan na makuha ang pagiging best guild ay naging madalas ang pag aaway ng bawat guild.

Wala naman opisyal na pakigsahan sa guild sa kabuoan maliban sa guild batyle pero naging kaugalian na na kilalanin ang pinaka mahusay na guild gamit ang pinaka maraming myembro na mag totop sa limang exam.

" Oh ... Hindi ko alam ang bagay na yun ah." 

" Malamang ayaw mo naman kasi sumali sa mga guild  dahil sabi mo busy ka sa trabaho mo." 

Tama, minsan na nila akong inaya na sumaki sa mga guild, ang pag kakaroon ng guild sa eskwelahan ay mahalaga para sa iba dahil maraming pakinabang ito sa estudyante.

May mga guild kasi na pwede kang manghiram ng mga materyales na gagamitin mo, makapag aral ng mga sekretong makiha n apag mmaaya ari ng guild . Matuto kasama ng iba sa guild na iba sa tinuturo ng guro sa eskwelahan.

Gayumpaman wala akong oras sa mga ganung bagay lalo pa obligado ka na sumunod sa leader mo at may mga extra na gawain na binibigay.

Sa higit tatlompung guild sa eskwelahan ay may limang tinaguriang pinakamalaking guild at hawak iyon ng mga anak ng hari .

Alam ko na matindi ang kompetisyon pero hindi ko alam na may pananakit at gantihan na naganap noon. Hindi na rin nakakagulat dahil mga salbahe rin naman ang ugali ng mga leader nila.

Habang nag uusap kami ay natanong saakin ng kasama ko kung desidido na ba talaga akong ipilit ang sarili sa crimson lotus dahil para sa kanila para lang akong bagay na sisipasipain at paglalaruan doon.

Kahit magsumbong ka na nabully ka ay napakatagal aksyunan ng kasong ito at ang masama nito ay habang patuloy ang imbestigasyon ay nakakasama mo parin yung mga isinumbong mo at madalas binibigyan ka pa ng leksyon sa pagsumbong sa kanila.

Kaya naman binalaan nila ako na layuan ang mga guild hawak ng mga maharlika hangat maaari dahik lahat ng myembro nila ay masasama ang ugali at mga mababa ang tingin sa mga mahihirap at nasa rank E.

 " Ah ..eh.. salamat sa paalala." 

Tama, nakikita ko na ang kahihinantnan ko kapag sumali ako sa Crimson Lotus at dahil galit saakin ang mga ito ay tiyak gaganti sila saakin.

Nagiging mas komolikado pa ang sitwasyon ko pero ano ba ang magagawa ko eh sila ang barubal at may dahilan ng nangyaring pang gugulo ko doon.

" Bahala na,  Susubukan ko na lang ang magagawa ko." Bulong ko.

Pagkatapos ng klase ko sa room na iyon ay pinuntahan ko agad si Elisa sa pwesto nito sa parke.

Lakas loob akong lumapit sa uouan nila at kinamusta ito.

" Kamusta elisa , Mukhang abala ka sa ngayon ah." 

Nagulat ang lahat sa ginawa ko at halos lahat ng naroon ay nagtinginan aylt huminto sa paglalakad.

" Ano bang iniisip ng rank E na yan? Kinakausap nya ang princesa ng walang pag galang." 

" Inistorbo nya ang orincesa sa pag aaral nito baliw na ba sya?" 

Hi di ko alam kung bakit tila may mali akong nagawa eh binati ko lng naman si elisa pero bigla na lang akong nilundagan ng mga lalaki at pinakuhid sa lapag.

" Lapastangan ka, wala kang karapatan na guluhin ang princesa sa pag aaral nya." 

" Teka wala naman akong balak guluhin sya, kinakamuata ko lang sya." 

hinila ako ng mga ito at utinapon sa lapag na parang bagay lang habang pinag babawalan na makalapit kay Elise.

" Napaka lakas ng loob mong rankE ka. Ang tulad mong basura ay walang karaoatan na kausapin ang aming princesa." 

" Siguro nga pinag bigyan ka ng princesa nitong mga nakaraang araw pero hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ni hindi ka nga makakuha ng mataas na grado tapos ang lakas ng loob mong  ipagpilitan ang sarili mo sa princesa?" 

Ayaw ng mga ito na nakikita akong nakikipag usap kay Elisa dahil sa isa lang akong Rank E at para sa kanila ay nakakahiya ito at nakakasira sa reputasyon ng princesa.

" Teka napaka OA nyo ah at isa pa sino ba kayo para mag desisyon sa sino ang kakausapin ni Elisa? kinakausap nya ako dahil gusto nya at wala na itong kinalaman sainyo." 

Lalong nagalit ang mga ito at tinangkang suntukin ako pero dahil sa pag bagal ng oras ay nagawa ko itong iwasan

Alam ko na mababad shot nanaman ako aky Elisa kapag nanankit nanaman ako ng mga tauhan nya kaya kailangan kong maging kalmado.

" Ayokong saktan kayo tapos isisisi nanaman saakin ang mga nangyari kahit na kayo ang totoong bayolente dito." 

Nainsulto ang mga ito at nayauabangan sa sinabi ko kaya naman para malaman kung totoong malakas ako ay hinamon nila ako sa arena. 

Gustong gusto ko na pumayag sa sinasabi nila para mailampaso ko ang mga ito gayumpaman ay ayokong ma bad shot kay Elisa kaya naman tinangihan ko ito.

" Tsk,  napakawalang duwag mo rin pala,  bakit hindi mo na lang tangapin na isa ka lang basura na ipinipilit ang sarili saamin." 

" Bilib ako sa tapang mo at kapal ng mukha pero siguro ganun kakitid ang utak mo oara hindi mo malaman kung paano ilugar ang katulad mo." Mayabang na sambit nito.

Naoikon ako sa sinabi nito at takagang nainsulto. Nagbulong bulungan din ang mga taong nasa pakigid ko at nakakapanuod ng mga nagyayari.

Nakikita rin ito ni Elise pero oarang wala syang balak pag sabihan ang tauhan nya sa ginagawang pambubully saakin.

" Lumayas ka na dito, kahit kailan hindi ka matatanggap sa Crimson lotus."  Galit na sambit nito.

Wala akong magawa dahil totoo naman na hindi ako tanggap dito at hindi ko rin sya basta pwedeng suntukin kahit galit na galit ako sa pang iinsulto nya. Hindi yun magiging maganda para saakin lalo pa gusto kong matuwa saakin si Elisa.

" Hindi ikaw ang magpapasya sa bagay na yan."

" Ayon sa batas ng guild maaaring sumali ang kahit na sino basta makapasok sa rank B at nasuri ito ng mabuti kaya ibigsabihin pwede akong makapasok sa guild sa ayaw mo man o sa gusto." 

Biglang tumawa ang mga lalaking ito at patuloy akong ininsulto. Para sa kanila isang pagpapantasya lang ang sinasabi ko na maging rank B sa susunod na exam.

" Ikaw na halos 78 lang ang grado sa lahat ng exam? Hindi mo ba alam ang sinasabi mo? " 

Tinatawag nila akong baliw at payaso dahil para sa kanila hindi kaya ng kahit na sino ang makakuha ng 90 na grado at maging rank B ng biglaan kahit na mag aral pa ako ng buong araw.

Napahakbang ako paatras dahil narin sa kaba dahil lahat ng nasa paligid ko ay pinagtatawanan ako. Gusto kong lumaban pero ano nga ba ang sasabihin ko? 

Wala akong pwedengbsabihin dahil para sa kanila puro lang ako salita at bawat pag sasalita ko sa harap nila ay pagpapantasya lang.

Tumingin ako kay Elise na nakatitig lang saakin at tila ba pati sya ay sang ayon sa ginagawa saaking pambubully.

Tinulak ako ng lalaking iyon habang sinasabi na wag ng magpapakita kay Elise at manatili na lang mabuhay na parang basura na naglalakad sa daan.

" Sumusobra ka na ."

Sobra na akong nainsulto sa sinasabi jya kaya naman hindi ko na naoipigikan ang emosyon ko at gusto ko ng saktan itong nakakainis na lalaking ito sa harap ko.

Bago ko pa man maituloy ang pananakit ko sa lalaking iyon ay biglang may pumigil na saakin.

" Tama na yan, hindi mo kailngan ipahiya ang sarili mo dito." 

Nagulat ang lahat sa biglaang pagdating ni lea sa parke ng eskwelahan kasama ng mga tauhan nito.

Umingay ang mga bulong bulungan sa paligid ng papalapit ito at tumabi saakin. Naka pamewang ito at nakatingin kay Elisa na tila nagyayabang.

" Anong ginagawa ni princesa aliya dito?" 

Humarangbnaman ang mga tauhan ni lea sa mga tauhan ni Elisa para itaboy ito palayo sa kanilang princesa.

Hindi naman oinalagpas ni Elisa ang paglapit ni Lea at tumayo sa kina uupuan nito para harapin ang kapatid nya.

" Masyado pang maaga para gumawa ka ng gulo kapatid ko. Ano naman ang pakay mo saakin."  Tanong ni Elisa.

" Wala akong oras para pag kaabalahan ka dahil na padaan lang ako para kunin ang lalaking ito." 

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Lea at kahit ako ay hindi makapaniwala sa nabangit nya.

Ayon sa kanya kanina nya pa ako hinahanap at hindi nya inaasahan na makikita nya ako sa parke na ito.

" Teka lea, ano bang sinasabi mo? Bakit mo naman ako hinahanap." 

" Malamang, mula ngayon myembro ka na ng guild ko at magiging tauhan ko kaya dapat lang hanapin kita." 

Lalong nagulat ang lahat sa nalaman nila at nagtaka na tumatanggap ng rank E ang guild ng princesa kahit na nagmuka ito sa mahirap na pamilya.

Agad ko naman tinangihan ang alok nya at sinabi na masaya akong gusto nya akong maging myembro pero hindi pa ako pumapayag sa alok nito at ioinaalala na wala silang pinag kasunduan tungkol dito.

" Teka tumatangi ka nanaman? Baliw ka ba talaga o mahina lang talaga ang utak mo?"  Sambit nya.

" Nakita ko kung paano ka nila itrato at laitin. Talaga bang gusto mong maging tuta na lang ng kapatid ko?" 

Napangisi na lang ako dahil habang sinasabi nya na dapat pahalagahan ko ang sarili ko ay isa rin sya sa nanglalait saakin at sa nakikita ko gusto nya lang din akong maging tuta para sa kanyang mga experimento.

Ipinaalala saakin ni Lea na hindi ako matatangap ni Lea kahit na gawin ko ang lahat at nagsasayang lang ako ng pagod.

Ipinapahiya ko lang daw ang sarili ko dahil kitang kita naman sa nangyari ngayon na wala itong interes sa katulad ko.

" Ang ganid at masamang babaeng kagaya nya ay hindi mag kakaintetes sa kagaya mo lang kaya tigilan mo na ang ginagawa mo." 

Hindi ako makapag salita sa sinasabi saakin ni lea at kung titignan sa mga reaksyon ni Elisa ay hindi nya ito itinatangi. Wala talaga syang balak na tangapin ako.

" Sabihin mo kapatid ko nag eenjoy ka ba na makita na may naghahabol sayo? Isa lang syang mababang uri mg tao na makakasira sa pangalan mo kaya bakit hindi mo pa sya deretsuhin na hindi mo sya tatangapin na mapasama sa crimson Lotus." 

Harap harapang itinanong ito ni Lea kay elisa kahit na nasa harap lang nila ako. Nanghingi agad ito ngbkasagutan sa mga tanong nito tungkol sa pag tangap saakin. 

Sandaling natahimik ang lahat at nag aantay ng kasagutan mula kay elisa.

" Bakit kapatid? ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa paghabol sayo ng lalaking ito? Tsk, teka wag mong sabihin tinablan ka nung magtapat sayo ang lalaking ito ng pag ibig?" 

Pinagtawanan ni Lea si elisa habang nilalait ito na tila ba nagustuhan ni Elisa na may lalaking nagkakagusto sa kanya. Hindi naman daw iti nakakapagtaka kay Lea dahil para sa kanya sino nga bang mag kakainteres o mag mamahal sa katulad ni Elisa na makasarili at malupit.

" Walang lalaking magtatangkang mag mahal sayo kaya kahit na isang Rank E ay pagtyatyagaan mo." 

Halata sa mukha ni Elisa na nagtitimoi itonng galit dahil aa oang iinsulto ni Lea sa kanya gayumpaman oinilit nitonna ikalma ang sarili at mag buntong hininga at biglang pumamewang para magmaldita.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo kapatid ko at para sa kaalaman mo ay maraming beses ko ng sinabi sa tao na yan na hindi sya naratapat sa crimson lotus."

"Wala akong binibigay na utos o kondisyon sa kanya kaya naman hindi ko na kasalanan magpakahirap sya o kung ano man ang gawin nya." Dagdag nito.

Napangiti si Lea sa sagot nito at muling itinanong si Elisa na kung talagang wala syang inaasahan saakin ay hiningi nito na ibigay na lang ako sa kanya.

Hindi naman nagbago ang pananaw ni Elisa tungkol sa sinabi nya. Nilinaw nya na simula umpisa palang ay hindi nya na gusto ang ginagawa kong pagsunod at wala syang kinalaman sa akin.

Hindi sya lalabag sa batas at mapantayan ng kanyang guild para la mang sa isang pangkaraniwang Rank E at wala itong paki elam sa kung anong gawin ni Lea saakin kaya malaya nyang kunin ako bilang tauhan nya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa narinig ko, nakatulala ako at hindi makapagsalita. Hindi ako makapaniwala at puno ng pagkadismaya.

Ano pa nga ba ang saysay ng lahat ng ito kung sa huli hindi rin ako tatangapin ni elisa? Nakakaramdam ako ng pag kirot ng sa puso ko.

Ang sakit nito sa loob na tila ba na reject ako. Ano bang iniisip ko? Napakalayo ng agwat naming dalawa kaya naman talagang imposible ang gusto kong mangyari at kailan man hindi kami pwede sa isat isa.

" Narinig mo yun? Sinabi ko na sayo na ayaw nya sayo kaya mabuti pa pumayag ka na na sumama saakin."  Sambit ni Lea.

Hindi ko masagot ang alok ni Lea dahil sa loob ko ay nadidismaya parin ako sa sarili ko na mareject at hindi ko alam kung tama lang ba na pumayag ako kay Lea na sumama.

Napayuko ako at hindi makapagsalita habang naiisip na baka nagkakamali lang ako sa mga ginagawa ko. Nagdududa ako sa kakayahan kong makuha ang respeto nya para tangapin ako dahil nagmula lang ako sa mahirap na pamilya na walang 



Tama, ganun na nga iyon at ito na mismo ang sagot sa tanong ko kung ano nga ba ako para kay elisa.

Nakakalungkot at talagang nakakadismaya pero kailangan kong tangapin na hindi na tulad ng dati ang relasyon namin. Ibang elisa na ang kaharap ko at sinusubukan kong maabot.

 End of Chapter 19 part 2 

Alabngapoy Creator

End of chap 19 part 2