Chapter 15 part 2

Pag gising ko ay nasa clinic ulit ako nakahiga sa kama at ramdam na ramdam ko parin nag kirot ng mga laman ko. Ilang beses ko pa ba mararanasan ang bagay na katulad nito?

  

Ginagawa ko ito dahil narin mahalaga saakin si Elisa bilang kaibigan ko noon pero dapat padin na pahalagahan ko rin nag sarili ko. Unti unti na akong naawa ako sa sarili dahil nagmumukha akong misirable dahil sa dinaranas ko.

Pinilit ko kumilos at umupo habang hawak ang ulo at inaalala ang naganap saakin. Dito ko naisip na mukhang dinala nila ako sa clinic pag katapos makatulog pero gumaang ang pakiramdam ko dahil nalaman ko na binuhay pa ako ni elisa kahit na galit na galit ito saakin.

" Buti buhay pa ako, napaka bayolente nya talagang babae." 

Biglang lumabas si Fufu sa bulsa ng uniform ko at pinaalala nya na kailangan kong ingatan ang sarili ko dahil maaari akong mamatay kung magpapabaya sa mga laban. 

" Ano naman ang gusto mong gawin ko? Kahit na ganun sya kabayolente ay hindi ko naman kayang saktan si Elisa." 

Nagbuntong hininga si Fufu dahil sa pagkadismaya at sinabi na hindi ko kailangan palaging magpagulpi at kung gusto ko raw makuha ang respeto nila elise ay kailangan na patunayan ko ang sarili ko sa kanila at ipakita na hindi ako lampa.

Ipinaliwanag nya na dahil iniisip nila na mahina ako at walang kwenta ay hinding hindi nila ako gagalangin at tatangapin at inihalimbawa ang isang sitwasyon kung saan isa akong rank A dahil kung sakaling isa akong kagalang galang na tao ay irerespeto nila ako at mag iiba ang sitwasyon ko.

" Madaling sabihin pero mahirap gawin. Ayaw nila sa mga rank E na kagaya ko eh sa totoo nga lang mas malakas pa ako sa mga tauhan nya." 

Bigla akong binara ni Fufu na hindi nasusukat sa lakas lang  ng tinataglay na kapangyarihan para makakuha ng mataas na rank sa eakwelahan dahil kailangan ko parin daw mag aral.

Mas lalong mahirap ang sinasabi nya dahil unang una mahina ako sa ibang bagay at pangalawa paano ako makaka pag aral kung palagi na lang akong nag lilinis ng eskwelahan at nagtatrabaho?

" Kailangan kong gumawa ng ibang paraan para mapilitan syang isali ako." 

Kinabukasan sa opisina ng Crimson lotus ay mag isang nakaupo si Elisa sa kanyang desk habang binabasa ang mga papel.

Ang papel na iyon ay naglalaman ng impormasyon tungkol kay Daniel.

" Ano bang klaseng tao sya?" 

Pumasok ang babaeng tauhan nya na si Mirai at binati sya, napansin agad nito na binabasa ng dalaga ang papel na ihinigay nya sa princesa.

" Gusto po bang imbestigahan ko po pati ang family background nya?" 

" Hindi na, sapat na ang mga nandito para malaman ko kung sino sya at anong uri sya ng tao." Sagot ni Elise.

Napaisip sya na kahit na walang espesyal kay Daniel na kahit ano tungkol sa pagkatao nito ay may kakaibang katangian ito.

Alam nya sa sarili nya na nagawa ni Daniel na mahawakan sya at unang beses sa buhay nya na hindi gumana ang sumpa na taglay ng katawan nya sa isang tao.

Bilang Isang core keeper ay nagtaglay sya ng sumpa mula pa nung bata sya at lahat ng humawak sa kanya ng higit limang segundo ay makukuryente.

Isa iyong proteksyon na ibinibigay ng core para sa keeper laban sa ibang nilalang gayumpaman itinuring itong sumpa ng karamihan dahil naging dahilan ito para katakutan ang mga keeper.

Walang tao ang kayang humawak sa kanya ng matagal at kahit na walang banta sa paligid at aksidente syang mahawakan ng kung sino ay gumagana parin ang sumpa. Sa ganung dahilan nilalayuan ang mga keeper at nasanay na maging malupit sa ibang tao.

" Bakit hindi gumagana ang sumpa sa kanya? Ano ba talaga ang sekreto ng taong iyon?" Bulong nya.

" Mahal na princesa pinapatawag pala kayo sa opisina ng council para bigyan ng linaw ang mga nangyari kahapon, pagkakataon na rin ito para maparusahan ang lalaking iyon." 

Ilang oras ang lumipas ay nagtungo sya sa opisina ng council at doon  naabutan ng dalaga na nakaupo si Daniel sa isa sa upuan habang kumakain ng cup noodles.

Nanlisik agad ang mga mata ni Elise kaya naman nagpanik agad ang binata at ibinaba ang kinakain habang pinapahinahon ang dalaga.

" Teka teka , ayoko ng away ngayon ah. Bigyan mo naman ako ng break masakit pa ang katawan ko sa ginawa mo."  Sambit ng binata.

Nagbuntong hininga si Elisa at pinakalma ang sarili, nakita nya na wala sa loob si Celly kaya naman tumalikod ito pero para hindi umalis ay inaalok sya ng binata na maupo muna para maghintay.

Hindi ito kumibo sa alok ni Daniel at akma na aalis ng kwarto. Ilang hakbang lang ay bigla syang hinawakan sa braso ni  Daniel na aligagang pinigilan ito.

" Teka hindi ka pwedeng umalis, pinapatawag tayong dalawa kaya kailangan mong mag antay dito hangang dumating si prof celly." 

Biglang hinawi ni Elise ang kamay ng binata at bakas ang pagkagulat dahil sa muling pag kakataon ay nagawa syang mahawakan ng binata.

" Ah..eh sandali pasensya na kung hinawakan kita pero wag mong isipin na may masama akong motibo sayo gusto lang kitang maka usap." 

" Sino ka ba talaga?" Tanong ni Elise.

Hindi naman malaman ng binata kung ano ang isasagot sa tanong nito dahil para sa kanya ay normal na estudyante lang sya doon.

Hindi naman sumang ayon si Elise sa sinabi nito dahil hindi normal para sa kanya ang nakikita nyang katangian ng binata na wala sa ibang tao.

" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng binata.

" Isa ka lang rank E pero nagagawa mong iwasan ang mga atake ko at paanong hindi tumatalab sayo ang sumpa?" 

Sandaling nanahimik ang lugar sa hindi pagsagot ni Daniel dahil alam nya na hindi nya pwedeng sabihin ang tungkol sa diwata at lalo na ang kapangyarihan nyang taglay.

Nahihirapan syang makipag usap sa dalaga gayung magtatanong ito ng kanyang tunay na pag katao. 

" Sa pananahimik mo ay pinatutunayan mo lang na may itinatago ka saakin." 

" Teka teka naman, hindi sa may itinatago ako pero kasi wala naman tamang sagot sa tanong mo." 

Pinaliwanag ng binata na kahit na nasa rank E sya ay hindi nangangahulugan na mahina na sya sa pakikipaglaban at walang abilidad. Nabubulag ang lahat sa sinusunod nilang pamantayan dahil lang sa ito na ang nakagawian ng lahat.

Kinontra naman ito ni Elise at sinabi na normal na isipin na mahina at walang talent ang mga nasa Rank E dahil ito mismo ang resulta ng kanilang kakayahan. 

Ang exam ay naging patas at nagbigay ng pagkakataon sa lahat na ipakita ang kanilang kakayahan pero dahil hindi sapat ang talino at husay nila ay  mababa ang nakuha nilang grado at para sa kanya ay dapat na mapasama sila sa mga hanay ng mga mahihina.

Napangisi na lang si daniel sa nasabi ng dalaga dahil sa pagiging realistik nito at malupit magsalita sa kapwa. Inaamin naman ng binata na may punto ang nasabi ni Elise ngunit hindi sya pabor na may diskriminasyon na nagaganap sa eskwelahan na ito.

" Nasasabi mo yan dahil isa ka sa mga mabababa pero napaka ganda ng sistema para saaming nasa itaas dahil nakukuha namin ang mga pribilehiyo  na bunga ng aming pinagsikapan at nararapat lang na makuha dahil may talento kami at abilidad na angat sa iba.

" Pwede namin utusan o kahit alilain ang mga mahihirap na rank E sa kahit ano gusto namin ipagawa na parang tuta at napaka gandang bagay nun." Pagyayabang nito.

Hindi naman makapaniwala ang binata sa sinasabi ni Elise at nayayabangan dito gayumpaman pinilit nya ngumiti habang sinasabi na walang problema sa kanya ang bagay na sinabi nito kung ito ang pinaniniwalaan ng dalaga.

" Gayumpaman hindi mo maitatangi na may natatago akong kakayahan bilang rank E kaya naman dapat lang ikonsidera mo ako bilang isa sa mga kasamahan mo." 

Ipinilit parin ng binata na hindi nagbabago ang kagustuhan nya na mapasama sa crimson lotus at desidido syang gawin ang lahat para tangapin sya ng dalaga.

Napangisi lang ang dalaga na tila pinagtawanan ang sinabi nito at binangit na hindi magbabago ang mataas na pamantayan ng grupo para lang sa isang rank E kahit na nagpakita ito ng kakaibang kakayahan. 

" hindi lang tungkol sa abilidad ang kailangan mong ipagyabang saakin dahil kung ang simpleng bagay kagaya ng pagkuha mo ng mataas na score sa exam ay hindi mo makuha ay paano mo mapapatunayan na karapatdapat ka?" 

Alam ni Daniel na wala itong kapanapanalo sa usapang iyon lalo na hindi tinatangap ni Elise na nararapat sya maging myembro ng guild.

" Ano nga bang maiaalok mo para saakin para naman masabi kong may mapapala ako sayo? Ah.. Gusto mo bang maging tuta ko?  "  Pagmamataas nito. 

Hindi makapagsalita si Daniel at nauubusan na ng sasabihin dahil hindi nya kayang makumbinsi ito at kahit na gusto nyang maging myembro ng guild ay nangingibabaw parin ang pride nya.

" Sobra ka naman princesa hindi ko naman gusto maging tuta mo lang, gusto ko lang maging kasamahan mo na magbabantay at makakakwentuhan mo." 

" Ang ibig kong sabihin gusto kong maging kaibigan mo."  Dagdag ng Binata.

Napabuntong hininga ang dalaga dahil sa kapaguran at pinapatigil na ang binata sa mga kalokohan na sinasabi nito.

" Wala akong oras makipag lokohan sayo at pwede ba tigilan mo ang ginagawa mo dahil naiirita na ako.

Binangit ng dalaga na magkaiba sila ng mundo na ginagalawan para maituring nyang kaibigan ang mahirap na kagaya ni Daniel.  Hindi rin pinalampas nito na nagawang saktan ni Daniel ang tauhan ng guild at bastusin ito sa loob mismo ng kampo nila.

Naiirita rin ang dalaga sa pagsunod sunod ng binata na parang stalker kaya dahil doon ay itinuturing nya itong banta sa kaligtasan kaya naman tinatanong nya ito kung paano sya makakapagtiwala dito.

Habang sinasabi ito ng dalaga ay hindi naman makapagsalita si daniel dahil nalalaman nya ang saloobin ng ni Elise tungkol sa kanya at aminado sya na maaaring masama ang maging pagtingin nila sa ginagawa nya at maging kahina hinala.

" Ayoko makipaglokohan at wala akong oras sa paglalaro mo kaya kung mahal mo pa ang buhay mo ay lubayan mo ako." Matapang na sambit nito.

Sandaling natahimik ang lugar sa hindi pag kibo ni Daniel at dahil sa pagkainip ay tumalikod si Elise para umalis sa kwarto. Humakbnag ito at nawalan ng gana na makipag kita kay celly

" Sandali!" 

Muling pinigilan ni daniel ang dalaga at sa muling pagkakataon ay hinarap sya ni Elise habang galit na pinagsasabihan ito.

" Talaga bang uubusin mo ang pasensya ko?" Galit na sambit ng dalaga.

Biglang lumabas ang kuryente sa kamay ni Elisa at sinampal si Daniel na syang naging dahilan para mapatalsik ito at tumama sa drawer.

Galit itong nagbabanta na at sinabi sa binata na hindi sya kung sino lang na pwedeng gawing libangan ni daniel sa buhay.

" Wag mo akong pinagtitripan dahil kaya kitang ipapatay ano mang oras. Isa akong maharlika kaya ilugar mo ang sarili mo. Kung naiinip ka sa buhay mo ay humanap ka ng pagkakalibangan at wag mo akong idamay sa kabaliwan mo." 

Padabog itong lumabas at isinara ang pinto paalis. Naiirita ang dalaga dahil pakiramdam nya ay ginagawa syang katatawanan ng isang rank E para sabihin na gusto syang maging kaibigan nito.

Agad naman syang sinundan ni Mirai habang lumalabas ng gusali.

" Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ng lalaking yun nababaliw na sya." iritableng sambit ni elise

" Huh? Teka princesa may nangyari bang masama sa loob?" 

Habang naglalakad palayo sa gusali ay biglang nagmamadali na humabol si Daniel. 

" Sandali!" sigaw nito.

Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni daniel na nakakuha naman ng atensyon ng mga tao sa paligid.

" Pakingan mo ako princesa!"  Sigaw nito

Dahil sa umeko ang boses nya sa pag sigaw nya ay napahinto na rin ang mga estudyante na dumadaan lang sa lugar pati ang mga nasa itaas ng mga gusali at kani kanilang classroom ay napa silip para alamin ang nangyayari.

" Oo tama ka nababaliw na ako, isa itong kalokohan. Bakit ko naman gugustuhin maging tuta ng isang spoiled brat na princesa . " 

" Oo ginusto ko ang mga ginagawa ko pero wala akong balak na maging tuta mo lang gayumpaman buo ang desisyon kong makasama ka kaya kahit na ayaw mo ay babantayan at tutulungan kita." 

" Patutunayan ko na karapat dapat ako na makasama mo, hindi ako titigil na ipagpilitan ang sarili ko sayo hangang sa mapagtanto mo na kailangan mo ako sa buhay mo! " 

" Princesa elisa tandaan mo ang pangalan na Daniel Dahil hindi magtatagal isisigaw mo ng buong pagmamalaki sa lahat ang pangalan ko!"  Sigaw ni Daniel

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Daniel at hindi makapaniwala. Halos hindi malaman naman ni Elise ang gagawin at namumula ang mga pisngi dahil sa kahihiyan.

"A-an-anong sinasabi mo, nasisiraan ka na."  

Ilang sandali pa ay biglang nagpuntahan ang mga bantay at nagtangkang kunin si daniel dahil sa pag gawa ng komisyon na nagpapa antala sa lahat.

" Teka, sandali bakit nyo ako hinuhuli?" 

Hinuli nila ito at pilit hinihila papalayo para lang kunin ang binata at dalhin sa Opisina.

" Wala naman ako ginagawang masama , sandali!" sambit ni Daniel habang nagpupumiglas sa mga bantay

Dahil sa matinding kahihiyan ay nagmadaling maglakad palayo si Elise at gusto na lang maglaho na parang bula.

" Baliw, baliw, baliw kang lalaki ka . Hindi kita mapapatawad sa pagpapahiya mo saakin."  Galit na sambit nito.

End of chapter 15 part 2

Alabngapoy Creator

End of 15 part 2