Chapter 22 part 2

Kinabukasan para sa pangatlong araw ng dungeon exam.

Muling nagtipon tipon ang mga estudyante para maghanda sa exam.

Dito lahat sila ay nasa ika limang isla na halos dalawang ektaryang lupain.

Ang isla na iyon ay pinamamahayan ng maraming malalakas na halimaw lalo na sa mga danger zone. Isa sa pangunahing batas ng eskwelahan ay ang paalalahanan ang mga estudyante na wag pumasok sa lugar ng walang sapat na kaalaman at dami ng myembro ng grupo na kasamang papasok sa lugar.

Pinagsama sama ang lahat ng 3rd year sa lugar na yun at ipinaliwanag sa lahat ang gagawin para sa pagsusulit.

Ang bawat estudyante ay kailangan makakuha ng mga item sa dungeon hangang sampu at madala ito sa loob ng dalawang oras sa final point. Ang mga materyales na ito ang magbibigay sa kanila ng puntos na magiging basehan ng kanilang grado.

Ang mga naipon nila sa Dungeon na ito ay itatago para magamit nila sa crafting magic exam. Kinakailangan na alam nila ang materyales na kinuha nila dahil ito lang ang kanilang pwedeng gamitin sa pag gawa ng magic item.

Nagkaroon ng patakaran ang pagsusulit na maaari lang magkaroon ng sampung myembro ang isang grupo upang hindi ito masyadong makontrol  ang mangungulekta ng malalaking guild.

Dahil na rin sa pinagsama sama ang lahat ay nagkatipon tipon ang mga 3rd year na myembro ng guild ay malaki ang nagiging lamang ng mga grupo na maaaring magkampihan.

At dahil nga sa kailangan nila ng magandang item ay kailangan nila pumasok sa danger zone at may advantage kung marami silang magtutulungan.

Dahil alam nila na mas mapapadali ang pag kuha kung maring tutulong ay gustong maghanap ni Daniel ng makakasama gayung kahit nagtataglay sya ng malakas na kapangyarihan ay alam nya na limitado lang sa limang beses nya ito pwedeng gamitin.

Nakita nya agad si Elise ay nilapitan ito at magiliw na binati habang pinakiki usapan na isama ito sa grupo nila.

" Baka pwede naman na isama mo ako sa grupo mo elisa, pangako gagawin ko lahat para makatulong." 

Tinignan lang sya ng dalaga mula ulo hanggang paa habang iniisip na malaking nag maitutulong ng binata kung mapupunta ito gayumpaman tumangi ito.

" Bakit mo naman naisip na papayag ako na sumali ka saamin? Hindi ka naman myembro ng guild ko." Pag tataray nito.

Dito ipinaliwanag nya na kahit may ipinakita itong magandang katangian ay mas priority ni Elise ang kapakanan ng kanyang mga myembro at dahil puno na ang grupo nila ay hindi nya maisasali ito.

Napakamot na lang sa ulo si Daniel at tinatanong ang dalaga kung bakit parang galit nanaman ito sa binata.

Dito ipinagmalaki ni Daniel na marami syang kayang gawin at ipinaalala kay elisa na kahit hindi nya aminin sa sarili nito ay may kakayahan ang binata na angat sa mga kaguild ng dalaga.

" Hindi sa pagyayabang pero sa tingin ko mas marami akong magagawa kesa sa mga tauhan mo." 

Bigla naman nairita si Elise sa nabangit ng dalaga at nainsulto sa nasabi nito dahil para sa kanya ay masyadong minamaliit ng binata ang kakayahan ng mga myembro ng guild nya.

Alam ng binata na mali ang nagamit nyang salita kaya naman agad nya itong ninawi at nag dahilan na wala syang masamang ibig sabihin.

Ipinaliwanag nya na walang duda na mas matalino at mas may karanasan ang marami sa ka guild nya pag dating sa pakikipaglaban ngunit iginiit nya na may mga bagay na kaya nyang gawin higit sa kanino man.

" Masyado kang bilib sa sarili mo para umasta saakin na nakakahigit ka sa mga tauhan ko." 

" Teka hindi, bakit ka nagagalit agad? Gusto ko lang naman na kunin mo ako pansamantala bilang kasama para makatulong sayo." Sagot ni Daniel.

Napatigil si Daniel sa pagsasalita ng makita ang matalas na tingin ni Elise na ngayon ay pinapatigil sya sa pagiging mapagmataas.

" Kung sinasabi mo na marami kang kayang gawin ay nasasabik akong makita yun, Tama, patunayan mo iyon sa magaganap na pagsusulit ng mag isa." 

Tinalikuran sya ni Elise at hindi na pinansin, Alam ng binata na iritable na ang dalaga kaya naman hindi na nya ito mapipilit na isama sya sa grupo.

Ilang saglit pa ay nakita naman nyang dumaan ang grupo nila Lea at kahit na alam nya na pasaway ito ay napilitan syang harangan ito at kumbinsihin na isali sya sa grupo.

" Huh? Nagpapatawa ka ba? Bakit naman kita isasali?" 

" Bakit hindi? Ikaw itong may gusto na sumali ako sa guild mo kaya hindi ba dapat lang isinasali mo na para matulungan ka ngayon palang" 

" Tama, gusto nga kita sumali sa guild ko kaya nga inutos ko sa mga tauhan ko na pigilan ka sa huling exam sa dungeon kaya sa tingin mo isasali talaga kita?" 

Bigla naman napasigaw si Daniel at pinapatigil si Lea sa ginagawa nitong kalokohan at lumaban ng patas.

Ipinaliwanag nya na hindi nito kailangan na harasin ang binata at pahirapan pa ito sa pagsusulit para lang maging myembro.

" Wag mong gawin komplikado ang pagkuha ko ng exam." 

" Hindi ito magiging komplikado kung sa una palang ay pumapayag ka na."  Sagot ni Aliya.

" Maraming pwedeng paraan para makumbinsi sa isang tao kaya bakit hindi mo ito daanin sa normal na paraan? " Tanong ng binata. 

Bigla itong ngumisi at sinabi na hindi magiging masaya kung magiging simple ang lahat at para sa kanya ay mas nakakalibang kung unti unti nilang inienjoy ang kanilang kabataan sa pag susulit sa dungeon.

Hindi naman naging sang ayon si daniel dito dahil tanging si Lea lang ang kayang mag enjoy sa ginagawa nitong pagpigil sa kanyang pag pasa.

" Tumigil ka na at tantanan ako sa mga paglalaro mo." Sambit nya habang nag mamadaling umalis.

Walang nagawa si Daniel kundi maghanap ng mga kagrupo pero iniiwasan sya ng mga ito at tinatangihan.

Natatakot ang ilan na kung isasama nila sa grupo si Daniel ay aatakehin sila ng mga tauhan ng prinsesa.

" Pahamak ka talagang babae ka!" galit nyang bulong.

Napangiti naman si Lea sa kanya na tila ba inaasar pa ang binata sa paglayo sa kanya ng mga estudyante.

Ilang sandali pa ay biglang may lumapit sa kanya ay nag alok na samahan sya.

" Kung wala akng makitang grupo ay pwede kitang kunin." 

Nagulat si Daniel sa nakita nito at nasaksihan dahil sa paglapit sa kanya ni Kiki at pag aalok nito ng tulong.

Hindi sya makapagsalita sa nakikita nya dahil kahit mas may edad ito sa nikki sa dati nyang mundo ay kamukhang kamukha nya ito. 

" Nikki? Ikaw ba yan?" 

" Huh? nikki? Teka wag mong sabihin hindi mo ako kilala? " 

Nagpakilala ito bilang ika apat na princesa ng kaharian at leader ng guild ng dancing star at inaya nya ito na sumama sa kanyang guild.

Nag alok ito na kung sasali sa kanyang guild at susunod sa kanya ay maaari nya itong gantimpalaan ng pera at mga kagamitan.

Hindi parin makapaniwala si Daniel at gusto itong hawakan sa sobrang tuwa pero bigla nyang naalala na katulad nila lea ay wala itong alaala sa dating mundo.

Bigla naman hinila ni Lea sa damit si Daniel at humarap sa kanyang kapatid.

Minaldiitahan nya ito at itinataboy palayo kay daniel.

" Hoy sandali, pwede ba wag ka ng maki gulo dito. Hindi mo pwedeng kunin sa guild ko ang lalaking ito."

Bigla naman itinangi ni Daniel na hindi sya kasali sa guild ni Lea at wag umasta na parang pag mamay ari sya ng dalaga.

Unti unting lumapit si kiki habang sinasabi kay Daniel na kaya syang bigyan nito ng bahay na titiran sa syudad, binangit nya na ayon sa report sa kanya ay wala itong bahay na tinitirahan at nag tatrabaho para lang makabayad ng renta.

Nagulat naman ang binata na nalalaman ito ni Kiki kahit na isa itong pribadong bagay na iilan lang ang may alam.

" Kapag pumayag kang maging tauhan ko ako na rin ang magbibigay sayo ng pag kain habang narito ka sa eskwelahan, ano sa tingin mo?" 

" Madaya ka, ginagamit mo ang pera mo, lumaban ka ng patas babae ka !"  Galit na sambit ni Lea.

Maraming tao ang gusto ng katayuan,kayamanan at kapangyarihan at sa tingin ko hindi mo lahat iyon makukuha kung pipiliin mo ang dalawa kong kapatid.

" Alam naman ng lahat na kahit pare pareho kaming mga maharlika ay mga titulo at kayabangan lang ang meron silang dalawa." 

Sobrang nainsulto ang  dalawa at napahakbang ang mga ito pasulong pero biglang nagsalita si Daniel at tinangihan ito.

" Ayoko." 

Nagulat si kiki sa sagot ng binata at napangiti habang iniinsulto ito na tila ba hindi na sya nag iisip ng mabuti para sa sarili.  Ipinagmalaki nya sa binata na ang pamilya nya ay higit na mayaman at may kapangyarihan kesa sa dalawang prinsesa kaya wala syang dapat ikabahala sa mga gantimpala na makukuha nya.

Hawak nila ang mga lupain at negosyo sa pinakamalalaking bayan sa bansa. Ang estado nya bilang mayamang princesa ay katumbas sa ikaunang princesa ng kaharian kaya naman para sa kanya ay kung may dapat na piliin na paglingkuran na prinsesa ang binata ay sya na yun at wala ng iba.

" Sandali, hindi ko maintindihan bakit mo ba yan sinasabi?" Sagot ni Daniel.

" Sinusubukan mo ba akong suhulan?" 

Napakunot na lang ng noo si Kiki dahil sa pag kairita at binangit na talagang mahina ang ulo ng binata na umintindi pero bilang pag lilinaw sa gusto nyang mangyari ay pinapili sya ng dalaga.

" Gusto kong maging tauhan ka at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. " 

" Kaya Mamili ka, kusa kang sasama saakin o kailangan pa natin idaan ito sa marahas na paraan? " Dagdag ni Kiki

Napansin ni Daniel na tila may halong pagbabanta na ang mga sinasabi nito kaya naman hindi nya na ito nagugustuhan.

Napangisi na lang si daniel dahil hindi nya inaasahan na ibang iba si Nikki ng mundong ito sa kapatid nya at hindi nya alam kong nagbibiro ba ito sa pag babanta nya.

Napatawa lang sya at sinabihan ito na hindi maganda sa dalaga na magbanta lalo pa pareho silang nasa eskwelahan at estudyante.

" Wag kang mag alala hindi naman kita sasaktan dito sa loob ng eskwelahan pero ewan ko lang sa pamilya mo na nasa labas ng central." 

Hindi naging maganda sa pandinig ni Daniel ang sinabi nito at matapang na nagbanta dito na wag magbibiro tungkol sa pamilya nya.

Nagjng seryoso ang mukha ni daniel habang ipinapaalala sa dalaga na nirerespeto nya ang pagiging prinsesa nito ngunit hindi nito palalagpasin ang masasamang aksyon na pwedeng makasakit sa ibang tao lalo na sa pamilya nya sa probinsya.

Napatawa naman si Kiki dahil harap harapan syang sinasagot ni Daniel na tila hindi nito kilala ang kausap nya.

" Aba, napakalakas ng loob mo na kausapin ako ng ganyan pero wag kang mag alala hindi pa naman ako ganun kadesperado." 

" Madali saakin ang maglikpit ng mga insektong walang pakinabang saakin, oo at may nakikita akong potensyal sayo pero ano nga ba ang kaya mo pang gawin maliban sa makipag laro sa mga kapatid ko?" 

" Masyado akong naging interesante sayo kaya naman gusto kong maglaro tayo." Dagdag nito.

Dito ay bigla syang nakaisip ng paraan upang mas makita nya ang kayang gawin ni Daniel gamit ang dwelo sa pagitan nilang dalawa. 

Inaya nya itong makipagdwelo sa kanya sa dungeon upang masubukan ang kakayahan na ito.

" Pasensya na pero wala akong interes na labanan ka at isa pa wala akong dahilan para gawin iyon." 

" Mali, marami kang dahilan para gawin ito at wag mong antayin na sabihin ko pa kung ano ang kaya kong gawin sa mga tao sa Revun village upang mapilitan kang pumayag sa hinihingi kong dwelo." 

Seryosong nakatingin lang si Daniel sa malabruhang ngiti ni Kiki at alam nya na sa ugali nito bilang maharlika ay pwede nyang gawin ang mga sinabi nya.

Kahit na nakakagalit si Daniel sa ginagawang panghaharas sa kanya ni Kiki ay hindi nya kayang patulan ito o pagsalitaan ito ng masama lalo na isa itong prinsesa dito at alam nya na mas makakasama sa kanya kung may gagawin syang hindi nararapat sa harapan ng iba.

" Aasahan ko na gagawin mong exciting ang araw ko." 

Tumalikod ito para umalis habang sinasabi ang lugar kung saan sila magkikita at itinakda nya ito kalahating oras bago matapos ang pagsusulit.

" Hoy ! Lokong babae ka ah di pa tayo tapos !!" sigaw ni Lea.

Pinigil naman ni Daniel si Lea gamit ang paghaltak nito sa damit nito at napatigil dahil sa pagkakasakal. Nagalit ito sa binata at hinawi ang mga kamay nito habang pinagbabawalan sa pag pigil sa kanya.

" Aray! Ano bang problema mo?" 

" Kapag pinatulan mo sya tiyak lalo lang kayong mag aaway ng kapatid mo." 

" Wala naman bago dun, Maldita ang babaeng yun at walang modo saakin kaya ayoko talaga sa kanya."  Sagot nito

Napabuntong hininga na lang si Daniel dahil sa nakikita nya ay wala talagang pag asa na may makasundo si Lea sa mga kapatid nya. Dahil sa pag kadismaya ay tumalikod ang binata para umalis sa lugar habang tinatanong kung bakit ba sya pinaparusahan ng kalangitan.

Agad naman syang sinundan ni Lea at tinanong kung ano ang balak ng binata sa pag hamon sa kanya at binangit dito na hindi nya kailangan na labanan ang kapatid nya kung ayaw nya.

Inamin ni Lea na may pambihirang kakayahan si Daniel pero hindi lang ito basta tungkol sa kaligtasan ng binata dahil may katotohanan ang sinabi ni Kiki na mayaman at makapangyarihan ang pamilya nya sa loob at labas ng central at kaya nitong galawin ang pamilya ng binata.

" Sandali, kung sasali ka sa guild ko ipinapangako ko na poprotektahan kita sa malditang babaeng yun." 

" Pwede ba, tigilan mo muna ako at kung gusto mong makatulong saakin ay pakisabi sa mga tauhan mo tigilan nila ako." 

Ilang minuto pa ang lumipas ay binigyan sila ng tatlong minuto para pag isipan ang kung saang parte ng isla mangungulekta.

Sa paglipas pa ng mga minuto ay nag umpisa na ang pangungulekta ng mga estudyante.

Naging payapa naman ang pangungukekta ni Daniel sa lugar at pinupuntahan ang gitna ng masukal na gubat ng mag isa.

" Nakakatakot naman mag isa pero mas ok na rin siguro ito. " 

" Wag kang mag alala daniel kung dadaan ka sa may ibaba ng bangin ay wala kang makakasalubong na halimaw. Nararamdaman ko ang kanilang mga presensya kaya makakaiwas tayo sa mga teritoryo nila." Sambit ni Fufu.

Habang nag lalakad ay biglang nabangit ni Daniel na ang babaeng prinsesa na nakausap nya kanina ay ang katauhan ng kapatid nya sa dating nyang mundo.

Naguguluhan ito kung bakit hindi sila magkapatid na dalawa at bakit iba rin ang edad nito sa nikki na kilala nya.

Wala naman maisagot si Fufu dahil wala syang alam tungkol sa mga komplikadong bagay kagaya ng ibang mundo at sinabi na ang tanging makakasagot lang ng tanong nya ay ang anghel na si momo.

Gayumpaman alam ni Fufu na hindi basta basta ang pagbabanta ng prinsesa at posible nito gawin ang mga sinasabi nito kaya hindi makaka iwas ang binata sa pag harap dito. 

" Alam ko naman yun, hindi naman ako natatakot para sa sarili ko pero nag aalala ako na baka hindi ko makontrol ang kapangyarihan ni freedom." 

Habang naglalakad ay bigla nyang nakita ang isang lawa at nakita ang kumikislap na bagay. Hindi nya alam kung anong bagay ang nakita nya pero lumapit sya dito.

" Ano naman ang bagay na yun?" 

Unti unting may gumagalaw tubig sa lawa at ilang sandali pa ay umahon ang isang bato na may pinto sa gitna ng malaking lawa.

Nagtaka ang binata sa nakita at nasaksihan kaya naman agad nya tinanong si Fufu kung bakit may pinto sa bato.

Dito sinabi ni Fufu na isa yung lagusan ng isang templo sa ilalim ng lawa na ginagawa noon ng mga diwata na nakatira doon.

" Teka ibigsabihin may diwata dito sa dungeon?" 

Ipinaliwanag ni Fufu na isang libong taon na nung iniwan ng mga diwata ang dungeon na kagaya nun pero hindi ibigsabihin nito ay wala ng natitira dito.

May iilan na gusto parin manatili sa lugar na ito sa kabila ng panganib na meron sa lugar na ito. Ang enerhiya sa lugar na iyon ay nababalot na ng hindi balanseng enerhiya at hindi na payapang tirahan dahil sa mga halimaw na namumuhay sa lugar kaya nila nilisan ito noon.

Binangit nya rin na marahil naramdaman ng diawata ng lawa mula sa loob ang presensya ni Fufu kaya nais nito na pumasok silang dalawa.

" Oh.. kung ganun papasok tayo dyan?" 

" Hindi kailangan, wala akong espesyal na koneksyon sa mga diwata sa lugar na ito pero ikaw parin ang bahala kung gusto mo syang makita." Sagot ni Fufu.

" Curious ako sa mga katukad mong diwata at kung sino ang nasa loob pero ayos lang ba talaga na pumasok doon?" Pag dududa ng binata.

Muli lang sinabi ni Fufu na walang problema kung papasok sila dahil hindi kailanman pumapaslang ng nilalang ang mga diwata ng walang dahilan kaya wala itong dapat ipag alala sa kaligtasan nya.

Muling tumingin si Daniel pinto at patuloy na nag iisip kung tutuloy sya o hindi. Bigla naman  tinanong ng binata si Fufu kung magagalit ang diwata na nag iimbita sa kanila kung hindi sila papasok sa loob.

" Ang mga diwata ay hindi masasama at marahas, maliit na bagay lang kung hindi natin tatangapin ang kanyang imbitasyon, ang totoo kung gusto nya talaga tayong makausap ay madali nya tayong madadala sa loob gayumapaman gusto nya tayong magdesisyon." Sagot ni Fufu.

ilang sandali pa ay lumutang sa lawa ang mga bato na nagsisilbing daanan papunta sa pinto.

Nag aalinlangan ang binata kung tatangapin nya ang imbitasyon gayumpaman naisip nya na hindi naman sya talaga nag mamadali para matapos ang pagsusulit lalo pa kapag pumunta sya sa final point ay mapapalaban na sya sa princesa.

Humakbang sya sa mga bato at pumunta sa pinto kung saan mag isa itong bumukas. Sa pagpasok nya sa pintong iyon ay bigla na lang itong sumara at kumalat ang dilim sa paligid na para bang napunta sya sa kawalan.

ilang saglit pa ay nagbukas ang mga ikaw na nagmumula sa kristal sa pader.

Nagbigay ito ng liwanag sa daan na kanyang nilakaran.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy sya sa  pagbaba sa mahabang hagdan hangang makarating sa pinakaibaba.

Dito masisilayan nya ang napakalaking kweba na may napakagansang lawa sa gitna katabi ng napakalaking puno na umabot sa tatlongpung metro.

" Teka paanong nagkaroon ng napakataas na puno sa ilalim ng lupa?" 

" Daniel simula nung pumasok ka sa loob ng pinto ay napunta ka na sa kanyang inilagay na demensyon." 

" Kung ganun bakit pa ako bumaba ng pagkahaba habang hagdan?" 

Habang naglalakad pa papunta sa puno kung saan naroon din ang bahay ng diwata ay bigla nyang napansin ang lalaking nangingisda sa maliit na lawa sa loob.

" ah .. eh ...Magandang araw." 

Nilapitan nya ito at binati para kamustahin pero tinignan lang sya nito mula ulo hangang paa.

May mahabang puting na buhok ito at manipis na lumang kasuotan na animoy nag mula sa lumang panahon.

" Teka, kayo ba ang diwata na nagpapasok saamin?" Tanong ni Daniel.

Nanlaki ang mata ng lalaki at napatayo sa sobrang gulat nito. Napalakad ito paatras at dahil doon hindi nya napansin ang bato sa paahan nya dahilan para mapatumba sya at mahulog sa lawa.

Agad naman syang tinulungan ni Daniel at iniahon sa tubig.

" Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

Nagmadali silang umahon sa tubig at hindi na ito nag alinlangan para tanungin si Daniel.

" Teka bakit may tao dito? Paano ka nakapasok? "

" Huh? Pero hindi ba ikaw ang nagpapasok saamin?" 

Nagtaka ang lalaking ito at itinangi ang sinabi ng binata. Dito biglang lumabas si Fufu sa damit ni Daniel at sinabi sa binata na isang normal na tao lang na katulad nya ang kaharap nya .

Nagulat naman si Daniel sa nalaman na may tao sa loob ng lugar na iyon at nagtanong kung sino ang lalaking kaharap nila.

" Ako si Kaz, dito ako nakatira kasama ang magulang ko." 

" Magulang mo?" 

Habang nag uusap ay napansin ni Kaz na nasa itaas ng biranda ang kanyang tinutukoy na ina at kinawayan ito.

Pagharap nila daniel ay bigla syang nagulat ng makita ang isang bilog na bagay na lumulutang. Para itong energy ball na walang nakakasilaw na liwanag.

" Teka yan ba ang diwata? Sya ba ang tinutukoy mong nanay mo? " 

Alabngapoy Creator

Part 2