LAST CHAPTER
" The God of All Otaku . "
Naniniwala ka ba sa dyos ?
O isa ka sa mga taong naniniwalang nagkataon lang ang lahat at na nabuo ang mundong ito dahil sa ebolusyon , alikabok , mikrobyo at iba pa na meron sa kalawakan .
Pero kung iisipin hindi mabubuo ang alikabok , mikrobyo at iba pang pwedeng pagmulan ng ebolusyon kung walang ganap na pag iral ang mga ito .
Isang kathang isip lang ba o umiiral din ang nilalang na gumawa sa dating patay na planetang tinatawag ngayong earth apat na billyong taon ng nakakalipas .
Ang paniniwala sa bagay na mistulang kathang isip na sumasalungat sa realidad at lohikang agham ay isang kalokohan at tila isang uri nang pagpapantasya lamang .
Pero paano kung malaman mo na ang lahat ng bagay na umiiral ngayon sa paligid mo ay isa lamang kathang isip ng ilang nilalang na matatagpuan sa ibang oras ,panahon at demensyon?
Mga nilalang na kumakapit sa mga pantasyang ginagawa lang ng kanilang malikot na imahinasyon . Ang kanilang kathang isip ay ang ating realidad habang ang pag iral nila bilang buhay na nilalang ay itinuturing nating kathang isip lang .
Sino ba saatin ang totoong umiiral ?
Sa isang imposibleng pagkakataon at sa isang napakapambihira kadahilanan ay nagdesisyon mabuo ang lahat ng bagay .
Sino ang bumuo sa bawat isa ?
~
Lumipas pa ang mga ilang araw habang patuloy ang aming kasunduan ni Lea ay madalas na syang pumupunta sa bahay at dahil Endo na ako sa trabaho ko sa pabrika ay balik tambay muna ako kahit sandali upang ipahinga ang isip at katawan ko .
Kailangan ko rin kasi ipakita sa magulang ko na hindi ako nagbibiro sa desisyon ko upang hindi sila mag alala kagaya nang sinasabi ni Elisa tungkol sa pagkakaroon ko ng nobya nang biglaan.
Nagkakamali kayo kung inaakala nyo na dahil ito sa tanggap ko nang lubusan ang fujoshi na babaeng ito sa buhay ko kundi dahil kailangan kong mapaniwala lang ang pamilya ko . Ganito lang yun , dahil may limang taon pa kami upang makilala ang isat isa at malaman kung pwede nga kami magsama sa iisang bubong kahit na hindi kami nagmamahalan .
Sa totoo lang hindi ganito ang plano ko at naiisip na mangyayari sa amin ni Lea dahil ina-akala ko na pag pumayag ako sa kasunduan ay pwede lang ako mag aliw aliw sa buhay at pag sapit ng ika 30 yrs old namin ay doon na kami ikakasal . Ganun mismo ang eksaktong naiisip ko na dapat maganap pero tila hindi umaayon ang lahat sa orihinal na plano at ewan ko ba kung naiisip din ni Lea yun .
Ngayong araw ay balak lang naming ubusin ang oras namin sa paglalaro habang nasa sala kaming at nag iingay kakalaro ng chess . Tama , chess ang aming nilalaro .
Malayo pa lang ay maririnig mo na ang aming sigawan at ang mga naglulutungan na hampas gamit ang isang patpat .
" Arrrggghh !!! " Sigaw ko habang namimilipit sa sakit ng mga palad .
" Hahaha , Ano suko ka na , Wala ka palang kwenta eh Bwahahaha! Lumuhod ka sa at baka kaawaan ka pa ng Crimson Princess ." Pagyayabang ni Lea hawak ang isang patpat ng kawayan.
" Tumigil ka , nag uumpisa pa lang tayo . " Galit na tugon ko.
Dito ay muli na kaming umupo sa pwesto namin at dahil turn nya nang tumira ay agad kong kinuha ang timer at pinaandar .
Sa larong ito ay may tatlongpung segundo lang ang bawat isa na tumira dahil kapag tumunog na ang alarm at mahuli ka ay makakatangap ka ng parusang tatlong palo sa kamay .
At syempre upang malito at lalong mawala sa laro ang kalaban ay legal ang trash talk dito kahit na personalan at hindi na makatotohanan.
Aminado naman ako na mali ang paraan namin nang pag lalaro nito dahil sabi nga ng karamihan ay laro ito ng may utak at kung ayaw mong masaktan sa paglalaro ng sports ay mag chess ka .
" Dalian mo walang utak na nilalang , hindi karin naman mananalo saakin kaya bakit nag iisip ka pa " Sambit ko habang hinihintay ang pag tira nya ng chess.
" Maghintay ka unggoy at dyan ka lang at manahimik , ipapakita ko kung paano maglaro nito . " Sagot nya .
Nagpatuloy ang pag aasaran namin at dahil may time limit ang bawat pagtira namin ay kailangan nyang magmadali magdesisyon tumira .
" Kahit anong tira pa gawin mo makakain din naman ang rook mo dahil walang kwenta ang amo nya . "
" Maghintay ka sabi hangal magsusuper saiyan ito at uubusin ang boung kaharian mo at walang ititira sa lahi nyo . "
Dito ay agad nyang hinawakan ang Rook at itinira , kasabay din yun ang pagpindot nya sa orasan upang magsimula ang timer ko .
" Ano ? Binalik mo lang pala , duwag pala yang rook mo ,akala ko ba uubusin nyan ang kaharian ko ? " Pagyayabang ko .
" Gunggong pinabalik sya ng hari ko dahil hindi nya kayang mawala ang buhay ng boyfriend nya , mas mahalaga pa ang pagsasama nila sa kahit anong tagumpay na pwedeng makamit . " Sambit nya .
Hanggang sa paglalaro ng Chess ay puro yaoi parin ang lumalabas sa bibig nya at hindi na yun bago sa isang fujoshi . Naisip nya kaya kung anong nararamdaman ng Queen nya sa harap harapang pagtataksil ng hari ?
" Ano na Daniel ? Tumira ka na kung matapang ka bakit hindi mo ilusob ang hari mo dito nang mag isa ? "
" Ano ako tanga ? At isa pa baka gawin mo lang bakla ang hari ko pag pumunta dyan "
Pero bago ko pa mahawakan ang piyesa ng chess ay hinampas nya na ako sa kamay dahilan para mapabitaw ako dito at magreklamo .
" Aray ko , bakit mo ginawa yun ? "
" Times up! " Sambit nya .
Dito ay nagreklamo ako sa ginawa nya gayong may sampung segundo pa ang natitira sa oras ko. Nakipagtalo ako ng hindi napapansin na nauubos ang oras ko at dahil dun panibagong parusa ulit ang matatanggap ko .
" Bwahahaha , Dali na Daniel , Akin na ang makasalanan mong kamay para malitis na ng banal na patpat ng dyosa . " Pagyayabang nya .
Malinaw saakin ang mga maruruming paraan nya upang manalo sa laro at dahil sa lantarang pandaraya ni Lea saakin ay hindi ako pumayag na magpapalo sa kamay .
Dito ay nagkainitan kami hanggang mauwi sa pag bubuno ng dalawang kamay namin pero bago pa kami magkapwersahan at magkasakitan ay napatigil na kami dahil sa pagkatok sa pinto ng isang tao .
Sa mga oras na iyon ay nakatayo si Elisa sa bukas na pinto at kinakatok ang ito habang pinagmamasdan kaming dalawa na nagtatalo .
" Pwede bang maki gulo sainyo ." Sambit nito.
" Huh ? Teka at sino naman sya ? " Pagtatanong ni Lea.
" Sya yung tinatanong mong babaeng si Elisa ang bruhang kapitbahay ko at bestfriend ni Romeo . "
Bakas ang pangmamata sa mataray na ekspresyon ng mukha ni Elisa habang pinagmanasdan si Lea mula sa kinatatayuan nya .
Dere-deretsong pumasok si Elisa at lumapit sa kinatatayuan ni Lea , wala syang kibo na pinagmamasdan si Lea mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ito.
" Kung ganun sya pala ang nagkamaling babae na pumatol sayo Didi, talagang sinabuhay mo ang lagiging lolicon mo ." Sambit ni Elisa.
" L-lo-lolicon ? Hoy hindi ako lolicon . "
Napangiwi na lang din si Lea sa narinig nito kay Elisa dahil tila pagpapalabas nito na batang paslit sya dahil sa kanyang kakulangan sa height.
" Teka hindi ko ata gusto ang pananalita mo . Oo ,siguro nga lolicon si Daniel pero hindi ako kasama sa sinasabi mong batang babae na pinagpapantasyahan nya ." Pagtataray ni Lea.
" Hoy ! Isa ka pa , hindi ba dapat pinagtatanggol mo muna ako ? "
Dito ay patuloy na nagtarayan ang dalawa na tila mortal na magkaaway lalo na nung makilala ni Elisa si Lea bilang estudyante ni Romeo na syang tinuturuan nito araw araw dahilan para hindi na makasama ang kapatid ko sa mga bonding nila .
" Nakakadismaya ito dahil mukhang matatagalan pa bago matapos si Romeo na gawing matalinong tao ang estudyante nya . " Sambit ni Elisa .
" A-a-anong pinalalabas mo babaeng hilaw ?!! "
" Huh? Hindi ko inaasahan na tumatanggap pala ng gluta tinubuan ng mukha si Romeo bilang kaibigan nya. Tsk . Di rin sya nag iisip ng matino . "Pag ganti ni Lea .
Hindi nagpa awat ang dalawa sa pang aasar sa bawat isa habang ako nakatayo sa harap nila , hindi ko alam kung dapat ko ba sila awatin o hayaan na lang sila dahil wala naman akong kinalaman sa pinaglalaban nila .
" Ngayon nakita na kita ay alam ko na ngayon kung bakit mas pinili akong turuan ni Romeo sa ekstrang oras nya kesa makasama ang kaibigan nya . " Dagdag ni Lea.
Dahil sa narinig ay lalong nag init si Elisa at patuloy na pinatulan ang mga asaran nila , mainit ang dugo nya kay Romeo dahil sa mga pagtanggi nito sa mga lakad nila dahil sa siksik na gawain na meron ang kapatid ko .
" Ah .. Alam ko na para mas madali bakit hindi ka na lang saakin pumasok ng tutorial class? Tuturuan kita ng leksyon kung paano lumugar sa dapat kalagyan ."
Naging mas matindi pa ang palitan ng salita nila hanggang sa tinataas na nila ang mga sarili nila sa isat isa kaya naman pumagitna ako sa dalawa upang hindi mauwi sa gulo ang lahat . Ayoko rin naman dumanak ng dugo sa pamamahay ko .
" Teka ? Kung iisipin ang ganda ng sitwasyong ito . " Sa isip ko .
Yung tagpong ito ay parang yung napapanuod ko sa Anime kung saan nagkatagpo at nagkabangga ang dalawang babae sa buhay ng bidang lalaki .
Tama, ito yung isa sa gusto gustong tagpo naming mga lalaki kung saan parehong nag mamalditahan ang dalawang babae sa harap ko . Sa pagitan ng kababata mo at ang kasalukuyang nobya mo na tila ba nag aagawan para sa atensyon mo .
Bilang otaku ay marami na akong napanuod tungkol sa mga harem na dyanra at sa totoo lang hindi mo maiiwasang magpantasya na minsan sa buhay mo na dumating sayo ang pagkakataon na ikaw naman ang pag agawan kahit na alam naman natin na hindi tayo kagwapuhan .
Hindi yun bago sa lahat ng Otaku at nakakataas ng confidence at pagkalalaki naming mga lalaki kahit na sabihin magulo at komplikado ay gusto parin namin yung ganung sitwasyon .
Pero parang may mali ? Hindi ko maintindihan pero yung eksena tungkol sa pagtatalo ng kababata mo at ng nobya mo sa harapan mo ay ibang iba sa kasalukuyang nagaganap .
Hindi , Mali ito dahil hindi tungkol saakin ang pinag tatalunan nila kundi sa ibang lalaki. Hindi ko alam kong maiinsulto ba ako o matutuwa sa nagaganap dahil wala akong kinalaman sa away nila.
Ako ang nasa harap nila pero ang atensyon ng kapatid ko ang pinag aagawan nila , bastosan .
" Sandali !! Respeto naman guys ! Ako ang nasa harap nyo pero ang kapatid ko ang pinagtatalunan nyo . " Sigaw ko bigla.
Nanahimik sila sa ginawa kong pagsigaw at bakas parin ang pagmamaldita nila . Hindi ko inaasahan na magtatalo sila ng ganun dahil lang sa kapatid ko .
Matagal ng malapit si Elisa kay Romeo kaya natural lang na magselos ito dahil tila nawawalan ng oras sa kanya ang kapatid ko pero itong fujoshi na ito na imbis na manahimik sa tabi ko ay tila sya pa ang may love interes sa kapatid ko .
" Teka matanong ko lang Elisa paano ka nakapasok sa gate ? "
Bigla nyang itinago sa likod nya ang hawak hawak na pitaka pero sa kalansing nito ay alam kong mga susi ang mga nakasabit dito .
Malinaw sa mga pag iling nya ngayon saakin na may gusto syang itagong bagay saamin .
" Hoy ! Akyat bahay ka ba ? Irereport kita sa police " Sigaw ko habang nakaduro.
" Wag kang mag alala Didi wala akong nanakawin sa bahay na ito , mayaman ang pamilya ko ." Sagot nya saakin habang pinapakita ang isang duplicate na susi ng gate .
" Hindi yun tungkol sa mawawalang gamit sa bahay kundi sa privacy namin ." Galit na sambit ko.
Sa pagkakataon na iyon ay pinilit kong kunin ang susi sa kanya pero nagmatigas ito at patuloy na inilalayo ito saakin , Nag-agawan kami na tila aso't pusang nag tatalo sa iisang bagay .
Habang nagaganap yun ay sakto namang dumating si Nikki sa bahay at naabutan ang aming pag aagawan ni Elisa . Napahinto sya sa harap ng pinto at nakatitig lang saamin habang nagmumukhang niyayakap ko mula sa likod si Elisa nang sapilitan .
" Te-teka naka uwi ka na pala . " Pagtatanong ko.
" A-an-anong ginagawa mo kuya kay ate Elisa ? " Sambit nito .
Bakas sa mga mapanghusgang mata ng kapatid ko ang malisosya nyang pag iisip na may ginagawa akong kalokohan sa ate Elisa nya .
" H-ho-hoy Nikki , mali ang iniisip mo . " Sambit ko habang natatarantang lumalayo kay Elisa.
Pero kagaya ng inaasahan ko ay hindi yun gustong paniwalaan ni Nikki at lalo pang lumala ang lahat ng biglang tumakbo si Elisa papunta sa likod ng kapatid ko na tila natatakot .
" Ipagtanggol mo ako Niks , minomolesya ako ng kapatid mo ." Sambit ni Elisa.
" A-a-ano? Loko ! Hindi ko yun gawain ."
---------------------------------------part 1 / part 2 ---------------------------------------------