Chaptet 20 part 1 

Sa pag papatuloy ng kaganapan sa parke ng eskwelahan kung saan biglang dumating sa eksena si Lea at nagmamaldita sa kanyang kapatid.

Sinusubukan nyang malaman kung ano nga ba ang balak ni Elisa tungkol sa pagpupumilit ko na sumali sa guilid nya at mukhang tagumpay nyang malaman ang saloobin ni Elisa.

Walang pag aalinlangan na sinabi nito na wala syang pakielam at inaasahan sa katulad ko at hindi ito nangako ng kahit ano pa man saakin na matatangap kung sakali man na magtagumpay ako.

Masayamg masaya naman si Lea sa naging tugon ng kapatid nya at sinasabi na kilala nya si Elisa at hindi na ito magbabago habang buhay. 

Dahil sa pagtataka ni Elisa sa pagiging mausisa ng kapatid nya tungkol saakin ay nagtanong ito bigla kay Lea na kung bakit interesado ang dalaga saakin at personal pa na alokin ang isang mababang tao na maisali sa guild nito.

 " Ah..  ayun ba, simple lang naman, yun ay dahil kailangan ko sya higit na kanino man dahil tingin ko mag eenjoy ako kung makukuha ko sya." nakangiting sambit nito.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Lea at hindi makapaniwala na magmumula ito sa isang prinsesa dahil nga kilala ang mga maharlika bilang mapag mataas at walang paki elan sa mahihirap kagaya ko.

Nilinaw nya na mataas ang pamantayan nya sa pag pili ng mga tauhan nya gayumapaman hindi kasama doon ang antas ng pamumuhay ng isang tao.

May nakikita itong potensyal saakin para mapakinabangan nya at iyon ang mahalaga para sa kanya.

" At isa pa kaya nyang gawin ang hindi kanyang gawin ng iba." Dagdag nito.

Bigla syang lumapit saakin at kumapit sa braso ko na walang pag dadalawang isip. Halos mapatayo ang iba sa kinatatayuan sa nakita nila at hindi makapaniwala na ang mismong princesa ay kakapit sa isang mahirap na kagaya ko na parang wala lang.

" Nahihiwagaan ako kung ano pa ang kaya nyang gawin para saakin at nasasabik akong tuklasin pa ito." Nakangiti nyang sambit habang hinahawakan ang dibdib ko.

Nalaman din ng mga tao dahil kay lea na hindi ako tinatablan ng sumpa ng core at maaaring hawakan ang princesa.

" Sinasabi mo bang dahil lang sa nagagawa ka nyang mahawakan kaya mo sya isasali sa guild? Hindi mo ba naiisip na baka may ginagamit lang syang magic item o ano pa man para dayain ka." Sambit ni Elisa.

Pinagtawanan lang ni Lea ang sinabi ni Elisa dahil wala pang magic item ang kayang tumapat sa sumpa at kung sakaling totoo ito ay wala itong paki elam. 

" Ibahin mo ako kapatid ko, hindi ako basta mapagmataas lang at walang puso katulad mo dahil mas gusto ko ang katulad nyang hindi komplikado." Sambit nito.

" Wag mong sabihin tinatangap mo ang katulad nya? Isa kang maharilka at sa ginagawa mo sinisira mo ang reputasyon ng pamilya. ." Galit na sambit nito.

" Reputasyon,obligasyon, katungkulan pwede ba tigilan mo ako sa ganyan. Kahit na pilitin ko abutin ang pamantayan ng lahat bilang maharlika ay wala rin naman magbabago. Ako parin ang ikatlong princesa ng kaharian hindi ako katukad mo na nag aasam ng higit pa doon." 

" Mabubuhay ako sa paraan na gusto ko at hindi ko itutulad ang sarili ko sainyo, pinili ko sya dahil nakikita kong mag eenjoy ako kaya bakit ko ito hahayaan na pigilan ako ng obligasyon ko bilang maharlika?" Mqtapang na sambit nito.


 


Nagulat si Elisa sa sinabi nito at nilait si Lea na dahil lang sa pagkadesperado na mahawakan ng ibang tao ay kaya nitong ibaba ang sarili at tumangap ng isang mababang tao kahit nagmula ito sa mahirap na pamilya.

" Ano? Teka teka ano bang iniisip mo? Sandali  hindi ko naman sinasabi na papakasalan ko ang taong ito. " 

Bigla itong napaisip at ngumiti habang sinasabi na.


" Pero magandang ideya rin na may maglilibang saakin habang bata pa ako. Tama, gusto mo bang maging nobyo ko?" 

Walang pag aalinlangan nyang itinanong saakin iyon at hindi man lang ito nahiya o nag ilang na iparinig ito sa lahat ng tao.

Halos hindi makapaniwala ang lahat ng taong nakakakita at nakadinig dito. 


Sino bang mag aakala na may isang babaeng nabuhay sa karangyaan at kapangyarihan ang pagkakainteres sa lalaking mahina at nagmula sa mahirap na pamilya.

Tama, isang kabaliwan iyon at ang kabaliwan na iyon ay ginagawa ng babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbk sa isip nya. 

" A-a-an-ano bang sinasabi mo lea?" 

" Bingi ka ba? Ang sabi ko kapag pumayag ka na sumali sa guild ko ay pwede mo akong maging nobya." 

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinasabi nito lalo pa kaharap ng napakaraming tao.  Kumakabog ng malakas nag dibdib ko na tila ba sasabog ito sa sobrang kaba.

Kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso ito at hindi sya nagbibiro pero paano ko naman sasagutin sya at ano ang tamang sagot sa tanong na iyon?


Patuloy kaming pinagtitinginan ng mga tao at kahit si Elisa ay tila nag aantay sa sasabihin ko. Nakakahiya ito, parang gusto ko na lang tumakbo palayo pero sa tingin ko mas nakakahiya kung gagawin ko iyon.

Para itong isa sa mga eksena sa mga napapanuod kong anime pero sa totoo lang mahirap pala para sa tulad ko ang mapunta sa sitwasyon na ito.

Tama, unang una si Lea ang kaharap ko na nag aalok muli saakin ng kabaliwang bagay at pangalawa nasa harap namin si Elisa na kung iisipin ay dapat na ito ang gumagawa ng ginawa ni lea para matupad ko ang misyon.

Hindi sa ayoko sa ideya na may magbigay ng importansya at pagkakataon saakin na maranasan ito pero bakit palagi na lang si Lea?  

Ano bang meron sa babaeng ito at parang nakatadhana nya ng gawin ang kabaliwang ito kahit sa ibang oras at panahon.

Nag flash back saakin ang nangyari noon kung saan ipinagsigawan nya sa harap ng maraming tao na dapat ko syang pakasalan. Wala akong ideya na pati sa mundong ito gagawa parin sya ng kabaliwan. 


" Ano ba nag hihintay ako, ano ang sagot mo?" Tanong  nito habang nakangiti.

Napalunok ako at hindi malaman ang isasagot dito at napepressure na rin ako sa dami ng tao.

Habang hindi ako makapagsalita sa tinatanong nito ay bigla na lang tumalikod si Elisa habang  sinasabi na wala syang panahon para sa mga kalokohan.

Alam ko na binale wala nya ako at wala syang interes saakin pero hi di ko naman pwedeng talikuran ang misyon ko.

Kailangan ko mapalapit sa kanya at kahit sabihin na hindi nya ako mahalin ay mas mabuting nababatayan ko sya.

Mas kailangan ako ni Elisa kesa sa nararamdaman kong pagkadismaya at pagkabigo. Pero ang totoo inaasahan ko naman na balewala ako sa kanya.

At kahit na alam ko yun ay hindi naman nabago ang kagustuhan kong mailigtas at baguhin ang tadhana nya.

Ilang hakbang pa nito ay bigla ko na syang pinigil at tinawag para magpaliwanag.

" Teka elisa, hayaan mo muna ako magpaliwanag." 

Lalakad sana ako pasulong pero bigla akong hinawakan ni Lea sa kamay ko.


Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko nung pigilan nya akong maka abante at matapang na tinititignan ako.

Kitang kita sa mata nya ang determinasyon nya at tila ba inaasahan nya na papayag ako sa gusto nyang mangyari.

Kagaya noon ay hindi ito nag aalinlangan na gawin ang gusto nya at hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng lakas ng loob na ipilit ang kabaliwan nya.

Pero habang tinitignan ko sya ay bigla kong napansin ang panginginig ng kanyang kamay na mahigpit na nakakapit sa kamay ko.

Hindi ko maintindihan pero parang natatakot ito. Sandali talaga bang natatakot sya pero saan? Malamig ang mga kamay nya at pinagpapawisan ang pisngi

Wag mong sabihing hindi nya talaga inaasahan ang bagay na sinabi nya? Sandali, kung ganun naglakas lang ba sya ng loob na sabihin yun? Pero bakit?

Bigla kong tinignan si Elisa at napaisip bigla na binalak lang ba ni Lea na inisin si Elisa o gusto nya lang magyabang dito na kaya nyang hindi sumunod sa batas bilang maharlika para masunod ang sariling desisyon nya.

Alam ko na naiinis sila sa isat isa at hindi maganda ang kanilang relasyon bilang magkapatid pero sobra naman na sabihin nya na maging nobyo ako para lang may patunayan sa kapatid nya.

Teka sandali kung ganun nga wala talaga sa plano nya na gawin akong nobyo at dahil nga sa tinaboy ako ni Elisa ay inaasahan nya na sasang ayon na ako sa sinabi nya.

Ano na bang kalokohan ang pumasok sa isip nya? Bakas sa mukha nya na natatakot sya na mapahiya. Hindi nya lang ba naisip na kung sa kaling tangihan ko sya ay lalo syang pagtatawanan ng kapatid nya?

Hindi na ako makapag desisyon dahil tiyak wala na syang mukhang maihaharao sa lahat kapag tinangihan ko sya, ano ba itong naratamdaman ko.

Para akong nakokonsensya pero hindi ko naman kasalanan kung may pagka baliw ang isang ito. Ayokong isipin na ako pa ang dahilan ng kanyang kahihiyan lalo na bilang maharlika at babae pero hindi ko pwedeng hayaan na umalis si Elisa.

Kapag hindi nalaman ni Elisa ang totoo ay talagang mawawalan na ako ng pag kakataon na mapalapit sa kanya.


Pag nangyari iyon paano na ang misyon ko? Nakakaasar talaga. Ano bang gagawin ko?

Pumikit ako at bumuntong hininga para ikalma ang sarili ko.


" Hindi ako pwedeng sumali sa guild mo lea ." 

Natulala ito at nanginginig ang mga kamay na muli hinawakan ang dalawa kong kamay.


" A-an-anong sinasabi mo, sandali tinatangihan mo ba ako?" Tanong nito

" Hindi ko kayang gawin ito, patawad."  Pag uulit ko.

Nagulat ang lahat sa naging sagot ko at hindi makapaniwala. Nanghina ang mga braso ni Lea at unti unting napabitaw saaking mga kamay at bakas ang pag kabigla..

Bigla itong nagalit saakin at ipinaalala na ipinagtatabuyan na ako ni Elisa at hinahamak din nito ang pagkatao at siniguro nya na kahit kailan  hindi magbubunga ang pinagpaguran ko.

Alam ko na masakit na tangihan  at may dahilan sya na magalit saakin  at alam ko rin na natatapakan ngayon ang pride nya pagkatapos nyang mapahiya sa harap ng napakaraming tao.

" Ibig sabihin mas pinipili mo ang kaoatid ko kesa saakin?" Matapang na tanong nya saakin.

Bigla akong napatahimik sa tanong nya dahil mas ginawa nyang komplikado ang sitwasyon nya. Hindi ba pwedeng tumahimik na lang sya? Bakit kailangan nya pang malaman saakin mismo na pinipili ko si Elisa kesa sa kanya pagkatapos ko tangihan ang alok nya?

Nakikita ko sa mata nya ang tapang pero alam ko na unting sandali na lang ay babagsak na ang luha nya dahil sa kahihiyan na nadarama. 

Kabaliwan na nga ang sabihin na gusto mong maging nobyo ang Isang rank E pagkatapos mas lalo mo pang ipapaalam sa lahat na tinagihan ka ng isang kagaya ko lang.

Nasisiraan ka na lea, hangang kelan mo ako pahihirapan ng ganito?


" Hindi, Teka sandali hindi yun ganun. Wala akong pinipili sainyo. " sagot ko.

" Eh kung ganun ano? Malinaw na tumatangi ka saakin at gusto mong ituloy ang pagiging tuta ng kapatid ko." 

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa mga pagkakataon na iyon kaya naman gumawa na lang ako ng dahilan para malusotan lang ang bagay na ito.

" Huminahon ka, pakingan mo muna ako mabuti. Hindi mahalaga saakin kung ayaw ako ni Elisa o ano ba ang nararamdaman nya tungkol saakin dahil sarili kong kagustuhan na manatili kung nasaan sya at samahan ito." 

Ipinaliwanag ko na nangako ako na gagawin ko ang lahat para maabot ang pamantayan nya at hindi parin nagbabago ang kagustuhan kong makuha ang bagay na yun.

Sinabi ko sa kanya na ang tanging bagay lang na meron ako ay ang dignidad ko at kailangan kong tuparin ang pangako ko na magagawa kong maabot ang pagiging rank B sa susunod na exam.

" Hindi lang ang respeto ng iba ang gusto kong makuha kundi pati respeto sa sarili ko, patunayan na kaya kong gawin ang lahat ng mga sinasabi ko at hindi puro salita lang." 

Ipinaliwanag ko na kung papayag ako na sumama kay Lea ay hinding hindi ko ito magagawa at hindo ko na rin  kayang magtiwala pa pati sa nga salita ko.


" Kaya paki usap, hayaan mo akong gawin ang Ipinangako ko. Mabigo man ako ay alam ko sa sarili ko na sinubukan ko."  Sambit ko rito.

Humarap ako kay elisa at buong tapang na sinabi na.


" Elisa, Ayaw mo man saakin, hindi mo man ako tangapin ay mananatili akong nandito para sayo. Sarili ko iyon pagpapasya kaya sana hayaan mo sana  akong subukan na maabot ang pamantayan mo. " 

Nagulat bigla si Elisa sa nasabi ko at naiilang tumingin saakin. Napapa hakbang ito paatras habang tinatawag akong baliw.

" A-an-ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na."  Nahihiya nitong sambit.

Humarap ako kay Lea at hinawakan ang  kamay nito habang sinasabi na masaya ako sa pagbibigay nito ng pagkakataon gayumpaman isa syang princesa.

" Ang mga princesa ay nararapat lang sa mga taong may isang salita at handang gawin ang lahat para dito. Hindi ko matatangap ang na pipiliin mo akong maging nobyo mo dahil lang sa napaka babaw na dahlan.

" Hindi ganun kasimpleng bagay ang pakikipag relasyon na para bang pipili ka lang ng isang bagay na pagkakalibangan mo, kailngan mo ng pagmamahal at respeto." 

Hindi ito maka pagsalita habang sinasabihan sya sa dapat nyang malaman. Dahil nga sa isa syang maharlika ay inaakala nya magagawa nya ang lahat ng gusto nya at paglalaro lang ang lahat ng bagay nanpwede nyang maenjoy.

Ipinaunawa ko sa kanya na hindi sya dapat nagdedesisyon ng basta basta lalo na isa syang babae kaya dapat bigyan nya ng respeto ang sarili nya.

" A-an-ano bang sinasabi mo bakit parang pinangangaralan mo na ako." 

" Nakita mo na? Ayaw mo mapag sabihan kaya paano ka makikioagbrelasyon? Ano ka isang bata?" sambit ko dito.

Ipinaintindi ko sa kanya na kung seryoso sya na magkaroon ng nobyo ay naratapat lang na tangapin nya na may taong magtatama sa mali nya at mag sasalita, hindi puro sa kanya lang  ang lahat ng bagay.

Nagbalik ang pagiging matapang nito at sinasabi saakin na alam nya ang ginagawa nya at hindi nya kailangan na mapagsabihan. 


Masyado parin itong ma pride at halata na sa ekspresyon ng mukha nya na naiinis ito.

Gayumpaman ay pumayag sya sa sinabi ko tungkol sa pag abot ko sa pamantayan ni Elisa at kunin ang pagiging rank B

" Hahayaan kita na ituloy ang kabaliwan mo. Sige pilitin mo maging rank B tutal napaka imposible mo naman iyon magawa." 

Bigla nya akong kwinelyuhan at hinaltak para sabihin na.


" Pero sa oras na mabigo ka ay wala kang magagawa kundi maging kasapi ng flaming shark, nauunawaan mo ba?"

Napa iling na lang ako dahil tila may hindi tama sa nangyayari, bakit kailangan kong sumali ng sapilitan kapag nabigo ako? 

Seryoso syang nakatingin saakin at alam ko na hindi ko sya pwedeng tangihan sa pagkakataon na iyon.

Napabuntong hininga ako at dahil wala naman akong pagpipilian ay sumang ayon ako dito.

Biglang kinilanutan ako ng makaramdam ng presensya at nung tignan ko si elisa ay nanlilisik ang mga mata nito saakin na tila ba may nagawa akong masama para magalit ito. 

Hindi ko alam kung bakit pero baka siguro dahil ayaw nyang nalalamangan ng kapatid nya at hindi nya gusto ang sagot ko na pagbibigay ng pagkakataon kay lea.

Napaka komplikado ng mag kapatid na ito at hindi ko na alam ang gagawin ko para lang pagbigyan ang kanilang mga ugali.

" Teka, pero teka wag mong asahan na sasali agad ako dahil wala akong balak mabigo. " 

" Gusto kong magtagumpay at mangyayari iyon."  Sambit ko habang nakatingin kay Elisa.

Bigla naman napailing ito dahil sa pag kailang at Ilang sandali pa ay tumalikod ito para umalis habang sinasabi na gawin ko ang gusto ko.

Habang nakangiti ako lng pinagmamasdan si Elisa pag lalakad nito dahil sa wakas nabigyan ako ng pag asa na matanggap nya ay bigla sinipa ni Lea sa paa.

" Aray bakit mo ginawa yun?" 

" Tandaan mo ang pangako mo." 

Nagmaldita itong inirapan ako at  tumalikod para umalis na rin sa lugar kasama ang mga tauhan nya.

Naiinis ako sa katotohanan na wala akong magawa kundi maipit sa sitwasyon. Bakit ba palagi na lang akong nasasangkot sa gulo? 

Ang dalawang yun, itinadhana ba talaga na bigyan ako ng problema kapag kasama ko sila? 


End of chapter 20 part 1


Alabngapoy Creator

Part 1 of 20