Chapter 16 part 1
Dahil sa naganap kahapon ay pinarusahan ulit ako ni prof celly at ngayon muli akong nakatayo sa gilid ng training area hawak ang mga balde ng tubig.
" Prof celly hindi naman patas na palagi nyo akong pinaparusahan dahik lang sa maliliit na bagay." Pag angal ko dito.
" Mahigpit ang patakan tungkol sa pag gawa ng eskandalo at kung hindi ka namin paparusahan ay marami ang gagaya sayo."
" Marami ang ipagsisigawan ang pag ibig nila sa mga crush nila na hindi iniisip ang magiging resulta nito sa iba at kung makaka abala ba sila sa ibang tao.ng nag aaral." Dagdag ni prof celly
" Sinabi ko na hindi yun ganun! Bakit naman ako magtatapat ng pag ibig sa spoiled brat na yun?" Sagot ko dito.
Inisip ng lahat na ang ginawa ko kahapon ay isang pagtatapat ng pag ibig at kamalas malasang pag kakataon ay maraming estudyante ang naroon kaya mabilis na kumalat ang balitang iyon.
Hindi ko intensyon na maging mala confession ang mangyari dahil sinabi ko lang naman ang mga saloobin ko. Naiinis ako sa sinasabi nya saakin na katuwaan lang ang pagsasakripisyo ko para sa kanya at sinampal nya pa ako ng malakas kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Ayoko din sa ideya na gusto nya lang akong maging tuta at kapag hindi ko nilinaw na gusto ko syang maging kaibigan ay tiyak kahit na isali nya ako sa guild ay ituturing nya akong tautauhan kaya mas mabuti na ang ginawa ko.
Mas madali ko ding magagawa ang misyon ko na protektahan sya kung makakasama ko sya bilang kaibigan. Hindi ko alam bakit masyado nilang ginagawang big deal ang ginawa ko.
" Wala ka ng magagawa sa nangyari basta siguruhin mo lang na mababantayan mo sya at isa pa hindi rin naman masama ang ideya na maging nobya mo sya." Sambit ni Fufu.
" Ano? Nobya? Pati ikaw naniniwala ka na gusto kong maging nobya si Elisa?"
Alam ko sa sarili ko na hindi ko nakikita na isang girlfriend material si Elisa kahit nung nasa earth ako dahil nga sa napaka mapagmataas nya at gusto laging masunod sa lahat ng bagay.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa kanya at malapit ang loob pero nasanay na ako sa kanya at mas gusto kong manatiling kaibigan sya.
Siguro dahil palagi naman kaming nagtatalo at nayayamot sa isat isa noong bata pa kami pero dahil nga sa magkaibigan kami ay hindi yun nagiging komplikado at bilang bata ay madali para saamin ang mapatawad ang isat isa lalo na likas naman talagang mabait si Elisa noon sadya lang nagkaroon ng saltik nung nagdalaga sya.
Gusto nya ng nang aasar pero ayaw nya kapag sya na ang iniinis kaya wala akong nagagawa noon kundi tangapin na lang ang pagkatalo ko.
Nayayamot ako minsan sa trip ni Elisa nitong mga huli pero sa totoo lang nakakamiss din pala ang pang aasar nya. Nalulungkot ako sa katotohanan na hindi na magiging ganun kaganda ang ugnayan namin na dalawa kagaya aa Earth na halos parang tunay na magkapatid.
Hindi ko alam kong kaya kong maibalik ang pagiging magkaibigan namin tulad noon pero susubukan ko na mapalapit ulit sa kanya dahil para saakin si elise at elisa ay iisa.
ilang oras pa ang lumipas ay nagsimula na ang special training ko sa sinasabi ni prof celly na isa sa pinaka mahusay na mandirigma.
Dito ipinakilala nya ang isang babae na halos kaedad ko lang, may maikling puti itong buhok at naka suot ng uniform ng eskwelahan namin.
" Teka lang ang sabi nyo isa sa pinakamahusay na sundalo ang magtuturo saakin? " sambit ko na may Pagdududa
" Oo tama, ipinakilala ko si V at sya ang kaisa isa kong anak, isa syang top agent at marami na syang tinapos na mga mahahalagang misyon para sa bansa."
Nagulat ako sa nalaman ko na may anak na si Prof celly at halos kaedad ko lang ito. Kahit na sa batang edad ay ipinagmalaki ni prof celly na isa itong propesyunal na mandirigma at lubos na pinagkakatiwalaan ng hari.
Kahit na sinasabi iyon ni Prof celly ay nagdududa parin ako kung matuturuan ba ako ng babaeng iyon na lumakas lalo pa kasing edad ko lang ito.
" Kung talagang nagdududa ka saakin ay bakit hindi mo ako subukan?"
Pagkasabi na pagkasabi nito ay bigla na syang kumilos para lumusob saakin at mabuti na lang ay muling bumagal ang oras sa paligid ko dahilan para maiwasan ko ang mga atake nya.
Hindi sya kasing bilis ni Elisa kaya hindi ito magiging mahirap para saakin.
Nagawa ko maiwasan lahat ng sipa nya at tumalon para dumistansya.
" Aba, mabilis ka pala akala ko isa kalang hamak na rank E., kung ganun ok lang siguro na gawin ko ito."
Nakita ko ang paglabas ng kanyang enerhiya mula sa katawan at mabilis na humawi sa hangin. Sa pag hawi nya ng kanang kamay ay may mabilis na hangin ang biglang humampas saakin.
Napakasakit nun, para akong sinapak sa mukha at talagang kinagulat ko ito.
" Anong nangyari? hindi ko makita ang atake nya."
Muli syang kumumpas at muli akong tinamaan at pagkatapos nun ay sunod sunod itong sumusuntok sa harap nya at nagpakawala ng hangin na humahampas sa buong katawan ko dahilan para mapatumba ako sa lapag.
" Aray ko , sandali tama na muna." Sambit ko dito.
Pinapahinto ko ito at tinatangap ang pagsuko. Pumayag naman at ito muling lumapit sa tabi ni prof celly.
" Si V ay mahusay sa wind magic kaya nyang kontrolin ang hangin sa paligid nya para maging sandata nya."
" Wind magic? Pero wala naman akong nakitang magic circle?" Tanong ko rito
" Oh .. ito ba ang itinutukoy mo?"
Ipinakita nya ang kamay nya na may napakaliit na magic circle na nakalutang sa palad nito.
Dito ipinaliwanag nya na kaya nyang paliitin ang magic circle na ginagamit na base lang sa enerhiya na inilalagay nya sa mahika.
Sinabi nya na nagagawa nyang makontrol ang laki ng magic circle upang masiguro na walang masasayang na enerhiya dito.
Isa rin sa kalamangan sa bagay na ito ay dahil sa malilit lang ito ay hindi ito napapansin ng iyong kalaban.
" Wow kahanga hanga, ngayon lang ako nakakita ng ganyan."
" Isang Henyo si V kaya nga naiiba sya sa mga kaedad nya at hinasa ng mga mahuhusay din na mandirigma ng palasyo." Pag bibida ni Celly.
Inamin ko sa kanila na wala akong bilib nung una sa dalaga at naisip na naging sobra lang ang pag bibida ni prof celly dahil nga sa anak nya ito.
Nabangit ni prof Celly na matutulungan ako ni V sa maraming bagaylalo na sa pagkontrol ng iyong kaoangyarihan.
" Alam mo masyadong maikli ang tatlong oras kaya naman kaikangan natin masulit ang bawat oras."
Ipinaliwanag nya na mahalaga ang pisikal na lakas at katatagan ng katawan sa pagiging mandirigma kaya naman gusto nya na umoisahan namin ang oag sasanay sa pagpapalakas ng stamina.
" Buhatin mo ang balde ng tubig at subukan na tumakbo paikot sa lugar ng isang daang ulit."
" Isang daang ulit? Nagbibiro ka lang hindi ba? Pag angal ko dito.
" Wag kang mag alala kada matatapos ka sa isang lap ay may thirty seconds ka para magpahinga. "
Hindi ito nakinig saakin at sinampal lang ang likod ko para magsimula ako at sumunod sa utos nya.
Ininsulto nya ang pagiging lampa ko at matamlay at sinabi na dinadaig pa ng babae. Inaasar nya ako at ikinukumpara sa kanya nung nag uumpisa pa lang sya.
" Nung sampung taon ako nakaka limang daang laps ako kada araw wag mo sabihin na hindi ko kaya kahit na isang daan?
Sinabi nya na hindi ko kailangan matakot dahil pwede ko raw gamitin ang physical enhancer para mapatibay ang katawan ko. Makakatulong ito para hindi agad mapagod ang mga muacle ko sa katawan.
Ipinaliwanag nya na ang pagkontrol ko sa enerhiya na ginagamit sa katawan nag makakatulong saakin para maging bihasa sa teknik na ituturo nya saakin.
Sinabi nya rin na hindi ko dapat minamaliit ang uri ng pagsasanay na pinapagawa nya dahil mahalaga na makuha ko ang unang dapat malaman at mahasa ng mandirigma.
Dahil sa sobrang mapilit ng dalaga ay wala akong nagawa kundi kunin nag balde at magsimula ng tumakbo. Hindi ko alam kung kaya ko ba ang pinapagawa nya pero hindi ko naman pwedeng hayaan na maliitin lang nya ang pagkalalaki ko.
Sa buong tatlong oras ay wala akong ibang ginawa kundi tumakbo at dahil nauubos ang enerhiya ko dahil sa pagpapalakas ng katawan ko ay hindi na nito natutulungan ang katawan ko.
Pagod na pagod ako sa huling lap ng pagtakbo at halos nakalabas na ang aking dila, para akong lantang gulay pagkatapos ng higit isang daang laps na takbuhan.
" Ayoko na, paki usap itigil na natin ito " sambit ko rito.
* Masyado kang mahina pero tutal nag uumpisa palang tayo ay pagbibigyan kita pero sa mga susunod dalawang daan laps na ang tatakbuhin mo."
Nagulat ako sa sinabi nito at napasigaw dahil tila gusto nya akong mamatay sa pinapagawa nya saakin .
Habang nakaupo ako sa lapag ay hinawakan nya ang ulo ko para pakalmahin at binigyan ng orange juice bilang kapalit ng ginawa ko.
" Sige na magpahinga ka na, pagkatapos mo uminom ay matulog ka na dahil mahalaga na makabawi ka ng lakas para bukas." Sambit nito.
Kinabukasan pagpasok ko sa eskwelahan ay pinagpatuloy ko ang paglilinis ko kasabay ng pag aaral.
Napakalapit na ng exam at kailangan kong makahabol sa topic na itinuturo ng eskwelahan na ito.
Kailangan ko maka alis sa pagiging rank E kung gusto kong galangin ako ng mga tao at may isang beses lang ako napagkakataon kada tatlong buwan kaya dapat akong magtagumpay.
Dahil abala na rin ako na mag aral ay hindi na ganun karaming oras ng ginugugol ko sa pagsunod kay Elisa.
Madali sa utak ko ang maka alala at siguro epekto ito ng kapangyarihan ni freedom kaya para mas marami akong mabasa ay dinadala ko narin ang mga libro ko kahit nasa canteen ako.
Hindi ko alam kong pandaraya ang kakayahan ko na ito pero abilidad ko na ito at bahagi na ito ng katawan ko kaya naman siguro pwede ko itong abusihin.
Isa rin sa kailangan kong matutunan ay ang crafting magic na isa sa mga exam dito. Sa aubject na ito ay gagawa kami ng mga bagay bagay na nililikha ng mahika kagaya ng sandata, gamot , kagamitan at ano pang bagay pero ang pinaka challenge sa bagay na iyon ay kinakaikangan na ang gagamitin namin na sangkap ay magmumula sa dungeon.
Ang dungeon ay kilala bilang mahiwagang lugar kung saan maraming naninirahan na mahiwagang halimaw, halman at elemento na nagtataglay ng mga materyales na kinakailangan namin
Mahirap ang pag buo ng isang magandang magical item dahil nangangailangan ito ng mataas na uri at kalidad ng materyales na makukuha lamang sa mga mahihirap na lugar sa dungeon na binabantayan naman ng mga malalakas na halimaw.
Sinasabi na sa dungeon din matatagpuan ang mga mythical beast at bihira ang makakita ng mga ganung nilalang dahil nagigising lang sila kada limang daang taon.
Ang mga mythical beast na nakakulong sa mga tao ay mga nakalabas sa dungeon at pinarusahan ng mga diwata alang alang sa kapakanan ng mundo.
Dahil mababa ang grado ko sa crafting magic exam ay kailangan kong makabuo ng matataas na kalidad ng magical item.
Hindi ko alam kong kaya ko pero kailangan ko talagang magawa yun.
Habang nasa library ay nangungulekta ako ng mga libro para mas mapag aralan ko ang maraming bagay at sa sobrang dami ng kinuha ko ay hindi ko alam na hindi ko kaya maglakad ng maayos buhat ang mga ito.
Sa kasamaang palad ay nadapa ako at natapon ang mga libro sa lapag. Dahil naman doon ay nagtinginan ang mga tao na nasa library sa nangyaring pagkakalat ko.
Nakaramdam ako ng hiya matapos makuha ang atensyon ng marami sa loo b at humingi ng tawad sa pag iingay ko .
Dahil nga sa aligaga ako mabilis ko lang dinadampot ang mga libro at isa sa mga librong nagkalat ay dinampot ng tao na nasa harapan ko.
Dahil abala ako masyado sa pagdampot ay hindi ko namamalayan ang mga nasa paligid ko kaya laking gulat ko talaga ng makita ko ang may hawak ng libro.
" Feri erox haji volume four, aba mukhang kinakarrier mo ang crafting magic." Sambit ni Elisa.
Nagulat talaga ako sa paglitaw nito sa library at hindi ko ito inaasahan dahil hindi ko naman sya madalas na makita na pumupunta dito.
" Ikaw pala elisa, nandito ka rin pala."
" Bilib talaga ako sa kalapastanganan mo, isang princesa ang kaharap mo pero tinatawag mo ako sa pangalan ko na para bang magkapantay lang tayo."
" At isa pa elise ang pangalan ko at hindi Elisa." Pagmamaldita nito.
Hindi ko na dinamdam ang sinabi nyang masakit na salita at humingi nalang ng pasensya dito at ipinaliwanag na mas komportable akong tawagin syang elisa dahil pakiramdam ko ay malapit kaming magkaibigan na dalawa.
" Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Sagot nya saakin .
Sinubukan ko muling kamustahin sya at humakbang palapit sa kanya pero agad nya akong sinungitan at pinagbawalan na lumapit pa sa kanya.
" Mukhang sinunod mo ang payo ko na mag iba ng libangan at mabuti ito sayo kesa gumagawa ka ng kabaliwan."
Bigla kong naalala ang sinabi nito tungkol sa inaakala nyang dahilan ko para sundan lang ito. Gayumpaman agad ko na itinangi ang sinasabi nya na pampalipas oras ko lang ang ginagawa kong pag sunod.
Nadidismaya ako dahil hangang ngayon ay hindi nagbabago ang papanaw ni Elisa sa motibo tungkol sa pakikioag kaibigan ko sa kanya pero pinilit ko nalang ngumiti sa kanya
Humingi rin ako ng tawad sa hindi na madalas magbantay sa kanya dahil narin sa pag kaabala ko sa maraming bagay.
" Tsk, hindi mo naman talaga kailangan gawin yun, mas ok na mag aral ka na lang at tigilan mo na ako." Pagsusungit nito.
" Ah ..eh .. hindi ko naman kayang gawin yan at ang totoo ginagawa ko ito para tuparin ang pangako ko sayo."
Binangit ko dito na wala akong maipagmamalaki at mapapatunayan kung mananatili ako sa pagiging rank E kaya naman sobra akong nagsisikap para sa darating na exam.
Ipinangako ko dito na gagawin ang lahat para makahabol sa kanya at pumasa sa mataas na pamantayan nya. Inamin ko dito na hindi ko alam kung hangang saan ako aabot ngunit handa akong gawin ang lahat para makapasa.
" Alam ko na marami pa akong hindi alam pero handa kong gawin ang lahat para lang magtagumpay upang sa ganun maging karapat dapat sa paningin mo " seryoso kong sambit dito.
" Ta-tama na , tu-tu-tumigil ka na sa pagsasalita ng mga walang kwentang bagay." Nagpapanik nyang sambit.
Bigla nya akong pinatigil sa pagsasalita habang bakas sa mukha nya ang pagkahiya at naiilang sa mga taong nakatingin saamin.
Muli nyang pinaalala na hindi malaking bagay sa kanya ang ano mang bagay na ginagawa ko at wala syang inaasahan saakin. Mabigo man ako o hindi ay hindi magbabago ang katotohanan na nagagalit sya saakin .
Ipinatong nya ang librong hawak nya sa mga librong buhay buhat ko habang siinasabi saakin na kung may gagawin bagay ay mas makakabuti na ialay ito para sa sarili kong kabutihan.
Pagkatapos ay nagsuplada ito saakin at tumalikod saakin para umalis.
Hindi ko alam kung ano nag nasa isip nya pero nakakagulat at sya na mismo ang unang lumapit at kumausap saakin.
Sa ilang araw kong pagbabantay sakanya ay halos wala syang paki elam saakin at kahit na napapansin nya ako na sumusunod ay hindi nya man lang ako tinitignan.
Hindi ko alam kong bakit biglaan nya akong kinausap pero atleast nasabi ko sa kanya ang pinaplano ko kaya mas makakapag konsentrate na ako.
Kinakailangan ko ng ituloy ang ginagawa ko kaya naman nagmadali na akong magpunta sa mesa ko.
" Ok kapag may tyaga may nilaga."
End of chap 16 part 1
End of chapt 16 part 1