Chapter 17 part 1

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa nangyari saakin kahapon sa boung eskwelahan at katulad na unang tsismis ay naiiba nanaman ang kwento.

May ilan na nag sasabi na itinatakas ko ang princesa at may balak na masama at ang ilan naman ay nagbibigay kahulugan sa pagbubuhat ko rito at pagtakbo.

Gayumpaman kahit ano pa ang sabihin nila ay malinaw na naipit lang ako sa sitwasyon at hindi ko sinasadya ang mga nangyaring iyon saamin. Alam ko na mahirap paniwalaan na wala akong masamang ginawa at alam ko na rin na may parusa akong matatangap mula kay prof celly dahil doon.

isang araw lang ang lumipas ay nasermunan nanaman ako at bilang parusa ay pinaglinis ako ng kapaligiran sa kabundukan, ikang metro lang ang layo. kaillangan kong bunuin ang 12 hrs na paglilinis doon ngayong araw.

Napaka payapa ng lugar sa gitna ng gubat pero hindi ko magawang maenjoy ito lalo pa nag aalala ako kung paano ako makakapag aral ng maayos.

" Napakalapit na ng exam pero heto ako naglilinis ng gubat." 

Nagtataka ako bakit kailngan nila ipalinis ang gubat gayung normal lang naman na magkalat ang mga dahon dito . Pinagawa lang ba nila ito para mahirapan ako? 

Kung sabagay hindi naman ganun kahirap ang pag dampot ng mga dahon pero ang guato ko talagang malaman ay kung bakit kasama ko ang isang ito?

" Hoy rank E dali pumunta ka dito.!" 

Kinakawayan ako ni Lea habnag inuutasan na puntahan sya. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman akong magawa kundi sumunod.

" Bakit ba hindi mo ako tawagin sa sarili kong pangalan?" Sambit ko.

" Kilala mo naman yata ako hindi ba?"

" Hm.. oo binasa ko ang report ng mga tauhan ko at wala naman espesyal sayo, isa kang mahirap at walang kahit ano na Rank E. Kilala kang sangano pero may tsismis na naging maliligaw ka ng kapatid ko." 

Napakunot na lang ako ng noo at pinapatigil ang pagbabamgit ng masama tungkol saakin. Sinabihan ko sya na kung walang nakikitang maganda saakin ay hindi nya naman kailangan na laitin pa ako.

Agad kong tinanong kung bakit sya naroon sa lugar na iyon at nagtaka kung bakit tila naparusahan din sya katulad ko.

" Naparusahan? Haha isa akong maharlika at sa tingin mo talaga mapaparusahan ako?" 

" Tsk, kayo nga pala ang batas, hindi talaga patas ang mundong ito, malinaw na nilabag mo ang patakaran kaya bakit ako lang ang naparusahan?" 

Biglang tumawa si Lea at natuwa sa sinabi ko, nabangit nya na nahihiwagaan sya saakin dahil kahit isa lang akong hamak na rank E ay hindi ako natatakot na makipag usap ng casual sa isang maharlikha.

" Hm.. ewan ko pero kailangan ba na formal ako makipag usap sa mga maharlika?" 

" Hindi mas gusto ko yan, pero alam mo ikaw lang ang kumakausap saakin ng pabalang kahit na alam mo na isa akong princesa." 

Hindi ko naunawaan ang sinasabi nya kaya natanong ko kung may batas ba sa lugar na iyon na pagbabawal na makipag usap ang mahihirap sa mga maharlika.

Agad naman nilinaw ni Lea na walang batas na umiiral na kagaya ng sinasabi ko sa pamumuno ng hari pero ang mga mahaharlika ay likas na mapagmataas at hambog kaya marami sa kanila ang nagmamalabis sa kapangyarihan.

Ipinaalam nya na walang ibang magagawa ang mahihirap sa kung ano mang iutos ng mga maharlika dahil hawak nila ang batas sa lugar na ito.

Tumatak na sa mga tao na dapat igalang ang mga maharlika at matakot dito kaya nga  kahit mga estudyante pa lang sila sa eskwelahan ay sumusunod sa sistema na yun ng bansa.

" Kung napapansin mo ay may mga tauhan ang mga tulad kong maharlika kahit na hindi naman kailangan sa pag aaral namin sa eskwelahan." 

Ipinaliwanag nya na kahit hindi nya hilingin ay kusang inaalok ng mga tao ang sarili nila para maging tauhan ng tulad nyang princesa upang sa ganun ay makapanatili sila sa kani kanilang mga estado.

" Ang mga kagaya ko ay isinilang na para paglingkuran at habang ang iba naman ay isinilang para maglingkod sa mas nakakataas." Dagdag nito.

Lumapit sya  at humarap saakin ng nakangiti habang sinasabi kung nasaan ako sa dalawang uri ng tao na binangit nya. Bilang mahirap at Rank E ay kinakailangan kong magdesisyon kung saan maglilingkod at kakapit sa may tunay na kapangyarihan para manatiling maganda ang takbo ng buhay nila.

" Anong ibig mong sabihin? "

" Ang gusto ko lang sabihin kung hahanap ka rin naman ng paglilingkuran mo ay doon ka na sa mas makikinabang ka, bakit hindi ka sumali sa guild ng Burning Shark at maging tauhan ko?" Sambit nito.

Ang tinutukoy nyang Burning shark ay ang kanyang guild na pinamumunuan at kilala bilang isa sa pinaka malaking guild sa eskwelahan katulad ng Crimson lotus.

Sa reaksyon nya habang nakangiti saakin ay parang na confident syang sasang ayon ako sa sinasabi nya pero hindi ko maunawaan kung bakit nya sinasabi ang bagay na iyon.

Naguluhan ako kung bakit gusto nya akong sumali sa guild nya gayung kakasabi nya lang na isa akong Rank E na walang kahit ano at halata naman hindi ako pasado sa pamantayan ng guild nila.

" Teka hindi ko alam kung bakit pero gusto mo akong sumali sa guild mo kahit na alam mo na isa lang akong Rank E?" 

" Tama ang narinig mo, gusto ko at dapat na magpasalamat ka dahil ako na mismo ang nag aalok nito sayo." 

Ipinaliwanag nya saakin na nabalitaan nya na pinipilit kong sumali sa Crimson Lotus kaya ko sinusubukan na pumasa sa mga exam para lamang makuha ang rank requirement nila

Maraming naireport sa kanya tungkol sa pinagkaka abalahan ko nung mga nakaraang araw at humahanga sya na nagsisikap ako na mag aral para lamang makuha ang pamantayan ng guild ng kapatid nya.

Gayumpaman hindi sya naniniwala na kaya kong maging rank B kaagad sa isang iglap at wala pang taong nakakagawaa na mapataas ang grado nila sa isang semester lang.

" Mataas ang mapantayan namin sa pagpili ng mga magiging tauhan namin dahil hindi kami pwedeng mapalibutan ng mga walang kwenta at basura,"

" alam ko masyadong mahirap para sayo na tangapin ang mga sinasabi ko pero ito ang realidad sa lugar na ito." 

Naglakad si Lea habang umiikot sa paligid ko at pinagmamasdan ako mula ulo hangang paa.

" Hinding hindi ka matatangap ng kapatid ko dahil nagmula ka sa mahirap na angkan at wala syang mapapala sayo." Dagdag nito.

Huminto sya sa harap ko at ngumiti sa harap ko kasabay ang pagsasabi na naiiba sya sa kapatid nya dahil ang pagiging maharlika, kayamanan at posisyon ay para sa kanya ay walang kwenta.

Ipinaalam nya na lahat ng tao sa palasyo ay nag aagawan sa mga bagay na iyon at mahalaga sa kanila na manatili sa kapangyarihan. Kasama sa binabangit nya ay ang kapatid nya sa ama na si Elisa.

" Teka lang sinasabi mo ba na pumapayag ka na maging myembro ang isang Rank E na kagaya ko? Bakit mo naman yun gagawin? " 

" Hm.. wala ka mang kapangyarihan, katayuan at pera kagaya ng iba ay gusto kita makasama .

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa narinig ko at naguguluhan dahil sa sinabi nyang gusto nya akong makasama." 

" A-an-anong ibig mong sabihin gusto mo akong makasama?" 

Naglakad ito palapit pa saakin at unti unting hinawakan ang aking mga pisngi.

Sa mga oras na iyon ay napakabilis ng pintig ng puso ko at kinakabahan. 

Wala akong masabi dito at nag aantay lang sa mga susunod nyang sasabihin.

" Siguro natural instict dahil pakiramdam ko ay mapapakinabangan kita lalo pa ikaw pa lang ang taong hindi tinatablan ng sumpa." Sambit nito.

Nagulat ako sa sinabi nya at doon ipinaalam nya na isa syang core keeper at nilagyan ng sumpa ng flame mythical beast na natutulog sa katawan nya.

Habang hawak nya ang pisngi ko ay nag alab ang braso nya para ipinakita saakin na hindi ako sinusunog ng apoy sa katawan nya.

Hindi nya inaasahan na may taong hindi naaapektuhan ng sumpa gayumpaman nalaman nya ayon sa report na pangkaraniwan lang akong tao na walang espesyal na katangian kaya naman nahihiwagaan ito sa tunay na pagkatao ko.

" Ano na ang sagot mo? Sasama ka ba saakin?" 

Ngumiti saakin si Lea na tila ba alam nya na hindi ako makakatangi sa inaalok nya. Gayumpaman ay nagawa ko syang tangihan sa gitna ng lahat ng nasabi nya.

" Hindi pwede." 

Nagulat ito sa naging sagot ko at muli akong tinanong kong ano nga ba ang gusto ko makuha sa kapatid nya. Ipinaalam nya na isa itong mapagmataas, ganid at walang paki elam sa ibang tao at hinding hindi ako nababagay sa kapatid nya.

Marami silang pinagkaiba ni Elisa dahil handa syang gawin ang lahat para makuha ang posisyon na gusto nito.

" Teka wag mong sabihin nabubulag ka sa ganda nya kaya gusto mong maging tuta nya?" tanong nito na tila nang aasar.

" Totoo ba ang chismis na talagang ginagawa mo ang lahat para lang maging nobya nya? Isa syang princesa alam mo ba yun?" Tanong nito.

" Ano? Teka hindi, walang katotohanan ang bagay na yun. Hindi naman iyon ang totoo kobg motibo kung bakit gusto kong sumali sa guild nya." Sambit ko.

Nagtaka ang dalaga kung bakit tinatangihan ko ang alok nya saakin gayung mas makikinabang ako kung sasama ako sa kanya kesa sa pagiging tuta ng kapatid nya.

Napabuntong hininga sya at nadidismaya dahil mas pinipili ko ang kapatid nya kesa sa kanya na kusang nag aalok saakin ng pagkakataon. Para sa kanya na hindi ko na kailangan maghirap pa at abutin ang mga impusible bagay dahil kaya nya akong tangapin bilang tauhan nya kahit na isa lang akong Rank E.

" teka hindi naman sa mas pinipili ko sya kesa sayo, pero hindi naman ito tungkol lang kung saan ako mas makikinabang."  Sagot ko dito.

Inamin ko sa kanya na isang karangalan ang alokin nya ng ganung pag kakataon at labis akong natutuwa dahil sa sinabi nya na tinatangap nya ang tulad ko kahit bale wala ko sa iba. 

Gayumpaman muli ko syang tinangihan at sinabi na gusto kong baguhin ang sarili ko sa paraan na ipagmamalaki ko ito. Sinasabi saakin ng iba na hindi ako rerespetuhin ng iba dahil sa pagiging mababa ko at mahirap.

" Tama si Elisa sa sinabi nya na kung kahit ang pagkuha ko ng mataas na score sa exam ay hindi ko magawa ay paano ko mapapatuyan sa iba na karapat dapat ako sa respeto nila." 

" Nagmula ako sa wala at gusto kong pagsikapan na umahon hangang sa mapatunayan ko sa lahat na hindi lang ako hangang dito lang sa pinaka baba." Dagdag ko.

Ipjnaliwanag ko sa kanya na para saakin ang pag kuha sa pagiging rank B ay isang pagsubok na kailangan kong malagpasan . 

 

Habang nagsalita ako ay tahimik lang na nakatulala sa harap ko si Lea at hindi umiimik. Hindi ko alam ang iniisip nya habang nakangiti ito saakin na may mapungay na mga mata.

Ilang saglit pa ay biglang tumalikod si Lea at nanahimik na parang may binubulong. Hindi ko alam kong ano ang ginagawa nya pero pakiramdam ko nagagalit sya sa pag tangi ko.

Kung iisipin parang nagmamagandang loob lang naman sya saakin pero ako pa itong tumatangi kaya naman muli akong humingi ng tawad dito at nagpaliwanag muli.

"Ah.. eh .. Alam mo lea kasi parang ang panget naman din na nangako ako kay elisa na susubukan na makuha ang pagrespeto nya tapos bigla ko na lang hindi itutuloy at tatangapin ang awa mo sa katulad ko. " 

" Wag mo sanang masamain pero kailangan kong patunayan sa kanya na kaya kong umangat sa sarili kong pag sisikap." Dagdag ko.

Habang nagpapaliwanag ako ay bigla nya akong pinigil sa oagsasalita gamit ang mga kamay nya at nagmaldita saakin na ayaw nya pag usapan ang kapatid nya at ang katapatan ko dito dahil naiinsulto parin sya.

" Bahala ka, nauunawaan ko na may paninindigan ka sa salita mo at ok lang saakin na tangihan mo sa ngayon pero sa oras na mabigo ka sa kabaliwan mo ay dapat lang na saakin ka mapupunta." Matapang na sambit nito.

Nasabi nya yun na para bang isa lang akong bagay na binibigay, masyado syang mapagmataas pero kailangan ko yun unawain dahil nabuhay sya bilang maharlika at iba ang kultura at nakasanayan nya.

" Ayoko mangako pero wala naman akong balak mabigo." Sagot ko rito.

Ngumiti ito at itinuro ang bag na dala habang inuutusan ako buhatin na ito para magsimula kami na umakyat sa bundok para mangulekta ng mga materyales na kailangan nya

Bigla naman akong umangal sa pinapagawa nya gayung dapat ay naglilinis lang ako sa paligid ng bundok.

Pinagbawalan ako na magpunta sa itaas at tiyak parurusahan ako kapag nilabag ko iyon.

Gayumpaman ay hindi ito nagpatinag at sinabi na mas mahalaga ang utos nya kesa sa ano mang batas at kinakailangan ko yun sundin dahil isa syang princesa. 

Napaka bossy nya at parang akala nya yata na lahat ng tao ay pwede nyang basta utusan pero habang nagtatalo kami ay bigla kong naisip kung bakit mag isa sya na pumunta sa gubat na iyon.

" Teka lang hindi ba marami kang mga tauhan at pinagmamalaki mo pa na pwede mo silang utusan kahit kelan mo gustuhin, eh bakit hindi mo sila isinama?" Tanong ko rito

bigla itong umiling at hindi nagsalita at sa reaksyon nya ay alam ko na may itinatago sya. Malamang na hindi nya makumbinsi ang mga iyon na lumabag din sa batas ng eskwelahan.

" Hindi ko sila kailangan sa gagawin ko." Sagot nito.

" Kung ganun hindi mo rin ako kailangan."

Bigla itong nagdabog at tinawag akong walang kwenta dahil lang sa hindi ko kayang tulungan ang isang babae sa hinihiling nito. Nagparinig din sya na tungkulin ng tunay na lalaki na pangalagaan ang mga babae at hindi nila ito iiwan mag isa sa mapanganib na bundok.

Napailing naman ako sa gilid ko sabay bulong sa hangin ng pagkadismaya dahil nang guguilt trip na sya kahit na wala sya sa katwiran.

Sinabihan ko sya na wala akong responsibilidad sa kanya dahil  unang una sya ang may kagustuhan na pumunta sa mapanganib na bundok .

Pangalawa gusto nyang sumugal ako at ipahamak ang sarili kahit na alam ko na manganganib ako sa gubat at mapaparusahan kapag sumama ako.

" At isa pa sinasabihan naman kita na wag pumunta doon para hindi ka manganib kaya malinis ang konsensya ko kung sakaling may mangyari sayo." Sambit ko rito.

Namutla ito dahil sa galit at nagmaldita saakin.

" Wala kang kwenta, kung ayaw mo ay ako na lang mag isa ang pupunta. 

Galit na Binuhat nya ang bag na dala nya at nagdadabog na umakyat ng bundok.

Napafacepalm na lang ako dahil talagang itinuloy nya ang pag akyat dito. Wala akong ideya kung ano ba ang balak nyang gawin doon at ano ba ang meron sa gubat.

Kinakabahan na ako agad  kahit makita ko pa lang ang makapal na kagubatan ng bundok na iyon, sa tingin ko maraming mababangis na hayop na naninirahan sa lugar  kaya parang nakakaramdam narin ako ng pag ka konsensya dahil hinayaan ko sya na maka alis mag isa.

Gayumpaman kasalanan ko ba kung makulit sya? Binalaan ko naman sya at alam kong alam nya kong anong panganib ang pwede nyang kaharapin doon.

Isa rin syang rank A at hindi naman sya siguro basta basta manganganib lalo na may kapangyarihan sya ng mythical beast .

Biglang lumabas sa bulsa ko si Fufu at binangit na dapat akong mangamba sa kaligtasan nya dahil kahit na walang banta sa buhay nya nung mga nakaraang araw ay malaki ang posibilidad na target din sya ng mga taga black scorpion.

" Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi nila magawang magalaw ang babaeng si elise ay dahil nasa lungsod ito at protektado. Hindi sila basta basta aatake ng hindi nakakasiguro kung magtatagumpay sila." 

" Gayumpaman iba ang sitwasyon ng babaeng si aliya dahil wala na sya sa lungsod at walang makakapigil sa mga taga black scorpion kung sakaling balakin nilang atakehin ito." dagdag ni fufu

Napaisip ako bigla na may punto si Fufu sa mga hinala nya na maaaring nag hahanap lang ang mga ito ng pag kakataon na atakehin ang mga keeper at dahil malayo sa lungsod si Lea ay madali para sa kanila ang mahuli ito.

" Asar naman, anong dapat kong gawin?" 

Sinabi saakin ni Fufu na kagaya ng sinabi ko ay wala akong responsibilidad kay Lea dahil ang misyon ko lang sa ngayon ay protektahan si Elisa kaya naman sariling konsensya at pasya na lang ang dapat sundin ko.

Dahil nga sa nalilito ako sa gagawin ko ay sinabihan ako ni Fufu na kumilos ayon sa ano ang mahalaga. Sinabi nya na mahalaga ang misyon na pangalagaan si Elisa ngunit para kay Fufu ay mayroon akong pagmamalasakit kay lea dahil nga sa kilala ko ito sa mundo kung saan ako galing.

" Ano nga ba para sayo ang babaeng iyon at ano ang kaugnayan nyo noon sa dati nyong mundo para magkaroon ka ng dahilan para tulungan sya?"  Sambit nya?

" Huh? Ano para saakin si Lea?" 

" Sa mundo na pinangalingan ko naging nobya ko sya." 

Dito napaisip ako bigla kung ano ba talaga kami ni Lea sa dati naming mundo.

Isang pasaway na babaeng mahilig sa yaoi at dinala ako sa sitwasyon na wala akong pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto nya. 

Hindi ko masasabing maganda ang bagay na dinala nya sa buhay ko pero hindi rin naman iyon ganun kasama ito at hindi ako masaya.

Concern ako sa kanya at syempre hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanyang masama.

" Kung ganun bakit ka pa nagtatanong kong dapat mo syang tulungan?" tanong ni Fufu.

" Dahil napaka kulit nya, Ang babaeng yun, hindi nya alam ang limitasyon nya at kahit nasabihan mo na mali ang isang bagay ay mayroon syang isang libong rason para ipilit ang gusto nya."  Iritable kong sambit

" Sa tingin mo ba tama yun?" Dagdag ko.

Biglang pumasok sa bulsa ko si Fufu habang sinasabi na para akong bata na nagtatampo at masyadong ma pride,  sinabi nya na ako ang lubos na nakakakilala kay Lea at kung napagtyagaan ko sya noon sa ugali nya ay bakit hindi ko sya pagtyagaan ngayon.

Napangiwi na lang ako sa naisagot sakin ni Fufu at malinaw ang gusto nyang iparating na wala akong magagawa sa pag uugali ni Lea kundi pag tiisan ito.

Nakakaramdam tuloy ako ng pag ka inis dahil natatapakan ang pride ko dahil kailangan kong pagbigyan ang pagkaspoiled brat ni Lea pero natatakot din ako na may mangyari sa kanyang masama kapag wala akong ginawa.

" Naku naman , bahala na nga." 

Ilang minuto ang lumipas ay nagpatuloy na umakyat ng bundok si Lea, sinundan ko ito at binabantayan mula sa malayo.

Masigasig itong nag hahanap sa paligid at kung titignan kong mabuti ay parang halaman ang hinahanap nito. Hawak nya rin ang isang libro na binabasa habang pinagmamasdan ang bawat halaman na nadadaanan nya.

Habang tumatagal ng tumatagal ay lumalayo na kami at talagang seryoso syang pasukin ang masukal na gubat.

Sa tingin ko hindi rin sya aware kung nasaan na sya dahil abala sya sa ginagawa nya.

Lalo akong kinabahan at iniisip na puntahan na ito para balaan dahil masyado na kaming malayo at maaaring manganib kami kung magpapatuloy pa sya sa pagpasok sa gitna ng gubat.

Habang naglalakad ako pasulong ay bigla na lang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Nakaramdam ako ng panlalamig at halos mapatigil  sa pagkilos dahil sa takot sa presensya sa paligid.

Hindi ako pwedeng magkamali na ang presensyang nararamdaman ko ay nag mula sa itim na mahika.

Agad kong pinagmasdan ang paligid at hinanap kung nasaan nagmumula ang presensya na iyon.

" Daniel malapit lang sa paligid ang taong gumagamit ng itim na mahika."  Sambit ni Fufu.

Tatakbo na sana ako para puntahan si Lea pero biglang may nakita akong taong papalapit sa kanya. Isang misteryosong taong huminto sa harap ni lea habang ito ay nakaupo sa damuhan.

Nakatakip ng coat ang buong katawan nito at nababalot ito ng itim na enerhiya.

Alam ko na isa itong myembro ng black scorpion at nanganganib ngayon si Lea.

Kahit na natatakot ay naglakas loob akong tumakbo papunta kay Lea. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may masamang mangyayari sa mga oras na iyon.

" Lea!!" Sigaw ko habang tumatakbo.

end of chapter 17 part 1 

Alabngapoy Creator

Part 1 of chap 17