CHAPTER FOUR
" Yaoi is Life "
Sabi nila Hindi nabubuhay ang tao ng mag isa at walang nabubuhay para sa sarili lang . Kailangan ng tao ang kanyang kapwa at kahit gaano pa kataas ang pride mo at sabihin na kaya mong mabuhay na hindi umaasa sa tulong ng iba eh wala yang magagawa kapag nagigipit ka na o nangangailangan ka na nang tulong sa mga bagay na hindi mo kaya. Malaking bagay ang magkaroon ng mga taong makakasama mo sa buhay kagaya ng pamilya, classmate at kaibigan na nagmamalasakit sayo at magbibigay ng pabor o tulong sa kahit sa maliliit na paraan.
Kung si Goku ay may krilin , si ash ay may pikachu , si spongebob ay may patrick eh sino ang sayo ? Sino ang masasabi mong kabigan mo na handang umalalay at masandalan mo sa oras na kailangan mo?
Bilang Otaku ay wala kaming oras sa pakikipag bonding sa iba at makipag kwentuhan upang makakuha ng kaibigan lalo pa ang karamihan saamin ay mas komportableng maupo sa sulok kasama ng mga Anime ,manga at games. Hindi kami galit sa tao kaya kami umiiwas makipag kaibigan sa iba sadya lang mas gusto namin na mag isa .
Hindi dahil nag iisa ka ay masasabing malungkot ka na, kaya naming maging masaya kahit na nag iisa at mas komportable kami doon . Tama, dahil kaya mong mag enjoy kahit mag isa ka gamit ang Anime,manga at games .
Pero kahit na ganun kapayapa at tahimik ang buhay mo bilang Otaku ay may mga bagay na sasagi sa isip mo kagaya ng kakulangan ng mga tao sa buhay mo .
Lilipas ang maraming taon sa pag lilibang mo ay magsasawa ka sa katahimikan sa paligid mo , magtataka ka na lang sa sarili mo kung bakit tila may kulang sa buhay mo . Mapagtatanto mo na nag iisa ka sa simula pa lang at dahil yun sa sarili mong kagagawan .
Hindi ang pagiging introvert mo bilang Otaku ang may kasalanan nito kundi ang pride mo na hindi mo kailangan ng ibang tao para maging masaya . Kailan man hindi sumagi sa isip mo ang pagbalanse sa social life at pagiging Anime fan . Nalulong ka at hindi kinontrol sa sarili para sa kapakinabangan mo sa hinaharap .
Bakit ko alam ang mga bagay na ito ? Dahil isa ako sa mga taong tinutukoy ko at ngayon ay pinipilit na magbago upang bumalanse sa kung ano ang kinakailangan .
Lumipas ang ilang araw ay lumabas ako ng bahay para mamasyal kasama ang kapatid kong si Nikki . Tama, magkasama kami pupunta ng mall sa bayan . Syempre hindi ito madalas mangyari lalo pa ay hindi ko sya kasundo at ang totoo ay magkasama lang kami ngayon dahil inutusan akong kumuha ng nanay ko ng sarili kong pera sa atm ko mismo para bilin ang kailangan ng kapatid ko sa eskwela .
Ang hirap isipin na pera mo na tinitiis na hindi ibili ng mga koleksyon na gusto mo ay magagastos para lang sa luho ng kapatid mong adik sa Kpop, May karapatan ba akong umangal eh hanggang ngayon kasi eh nakatira pa ako sa puder ng magulang ko.
Hindi sa galit ako sa kapatid ko upang hindi ko gustohing makasama sya sa pamamasyal pero iba kasi ang mga trip nya lalo na sa mga pananamit na nauuso daw sa mga kabataan , Para saakin malaswa tignan ang pag susuot ng maikling short bilang pang-alis lalo na sa loob ng mall at isa pa ang ideyang isama sya sa isang pamilihan ay hindi talaga maganda para sa pitaka ko .
Hindi ako sanay sa maraming tao at pumunta sa mga bilihan ng damit kaya naman naiilang ako lalo pa tila nagiging tagabitbit lang ako ng kapatid ko at inaamag na nakaupo sa isang lamesa sa foodstand . Ilang hakbang lang yun mula sa labas ng shop na binibilan ngayon ni Nikki .
" Ang tagal nya , balak nya bang isukat lahat ng damit sa loob ? " Bulong ko.
Ilang saglit pa ay lumabas sya bitbit ang plastik ng pinamili na agad naman nyang inabot saakin na para bang gusto nya bitbitin ko ulit iyon kahit na wala naman syang dala .
" Kuya , penge pa ng 250 may nakita akong magandang damit doon " Nakangiti nyang sambit habang nakasahod ang mga kamay.
" Aba , makahingi ka akala mo may pinatago ka ah , wala na akong extrang pera . "
" Haa! Sinungaling , alam kong kakasahod mo lang at hindi ka naman gumagastos sa bahay . " Sambit nito .
" Importante saakin ang makapag ipon kaya kaya kahit anong sabihin mo eh hindi na ako magbibigay ." Pagsusungit ko.
Dito ay nagsimulang mangulit ng mangulit si Nikki saakin para magbigay pa ako ng dagdag pera . Nasa mataong food court kami kaya marami ang nakakakita sa pag tatalo namin at nakakahiya yun dahil tungkol ito sa pera .
Ako yung taong ayaw na maging sentro ng atensyon o kahit mapansin ng maraming tao kaya talagang naiilang ako sa mga titig saamin ng mga naroon na alam kong naririnig ang pagtatalo namin .
" Pwede ba hinaan mo ang boses mo ,.pinagtitinginan na tayo ng mga tao ." Sambit ko.
" Ikaw kasi eh , Gagastusin mo lang naman ang pera mo para sa mga laruan mo . " Sambit nya sakin .
Nagsisimula na syang maging mapilit at sa dating nang pagsasalita nya ay nahuhulaan ko na kung saan papunta ang usapan namin tungkol sa pagiging maluho ko kaya naman kailangan kong umisip ng paraan para ilayo ang pag uusap.
" Alam mo Nikki kung gusto mo lang maki sabay sa uso dahil lang sa pakiki bagay sa mga kaibigan mo eh tigilan mo na yan , hindi na nagiging mabuting impluwensya sayo ang mga kaibigan mo ."
" Ano ? Wag mong husgahan ang mga kaibigan ko , bibili ako ng damit dahil gusto ko at hindi para makipag sabayan sa kanila o ano pa . " Mataray na sagot nito.
Nagpatuloy ang aming pagtatalo tungkol sa mga pakiki sabay nya sa uso at hindi naman mahirap mahuli ang gaya nya sa usapang ganun dahil lahat naman ng kabataang nasa edad nya ay mahilig sumabay sa kung ano ang uso .
Habang nangyayari ang palitan namin ng salita ay tyempo naman na may dumaang babae sa harap ng pwesto namin . Nakuha nito ang atensyon ko dahil sa suot nitong t-shirt na may Anime character . Hindi ko naman masisisi ang sarili kong hindi mapatingin doon dahil isa akong Otaku .
Napansin ng babaeng iyon na napahinto ako ng pagsasalita nung makita ko sya dahilan para mapatigil sya sa paglalakad at tumitig saakin .
" Huh ? "
Halos limang segundo rin kaming natahimik at nakatitig lang sa isat isa at hindi ko alam pero parang pamilyar saakin ang babaeng nasa harap ko , feeling ko nakita ko na sya noon kung saan pero hindi ko lang matandaan .
" Aahh !!! ikaw ?!! " Sambit naming dalawa habang nabibigla.
Dito ay pareho naming naalala ang isat isa . Hindi ko alam kung sigurado pa ako sa kutob ko dahil halos sampung taon na mula nung huli kong magkita ang itsura nya . Tama , matagal na iyon at marami ng nagbago saaming dalawa.
" Daniel Muntingbato , ikaw nga ! oh my god , tignan mo nga naman ang tadhana . " Sambit nito.
" Tadhana ? Teka ikaw ba si Lea ? "
Ang babaeng ito na may itim na mahabang buhok na hangang siko, may pagka kayumangi at nagkulang sa tangkad ay ang schoolmate ko noong highschool na si Lea dela paz . Kapatid sya ng klasemate ko noon sa grade 8 at nagkakilala kami dahil sa Anime,manga at games .
" Woah ! Ang laki ng pinagbago mo Daniel parang kelan lang payatot ka pa at maliit ngayon mukha ka ng tatay . "
" A-an-ano ? Ikaw naman wala ka naman pinagbago , maliit ka parin at payatot . "
Kitang kita sa mukha nya ang pagkahiya nya sa narinig at agad na lumapit saamin . nagdabog ito sa mesa at agad akong inaway sa mga sinabi ko sa kanya na parang hindi nya naisip na sya ang unang nang asar saakin .
" Ang bully mo talaga , Susumbong kita sa kuya ko . "
Madalas ko sya dating nabubully lalo na sa pagiging maliit nya na pang elementary . hindi maman ako yung taong malupit at masama sa ibang tao pero siguro gumaganti lang ako sa lupit ng mundo saakin .
Ang tinutukoy nyang nakakatandang kapatid ay klasemate ko at isa itong siga sa eskwelahan na sa kamalasan ko noon ay ako ang laging pinag ti-tripan dahil nga sa pagiging anime fan ko at kj sa mga gusto nya .
Tandang tanda ko pa noong pinagulpi ako ng kuya nya dahil sa pagiging hater nya sa mga Otaku at wala naman akong nagawa kundi mag tiis na makasama sya sa iisang classroom .
Hangang sa makilala ko si Lea at pinakilala ko sa kanya ang Anime, dahil doon ay naging tagapag tangol ko noon laban sa kuya nya galit sa Anime kapalit na rin nang pagpapahiram ko sa kanya ng mga manga ko noon. Wala akong paki elam kahit magpunta sya sa classroom namin noon at guluhin ako sa pag babasa ko basta napapakinabangan ko ang pagiging malapit nya saakin .
Sa kabutihang palad ay lumipat sila ng bahay at hindi na muli kami nagkita, mabait parin saakin ang dyos . Hindi sa ayaw ko sa kanya pero hindi talaga maganda ang pakikitungo saakin noon ng kapatid nya .
" Ano na ang balita sayo ? teka anime fan ka parin ba hangang ngayon ? " Tanong ko sa kanya .
Magiliw nya akong sinagot at syempre gaya ng tipikal na Anime fan ay natutuwa kami kapag may mga nakikita kaming kakulto namin , este ka tulad namin sa pagiging Otaku .
" Syempre Anime is life , Hindi ko tatalikuran ang debusyon na ipinahatid mo saakin sensei , "
" Debusyon ? Hangang ngayon pa rin ba. " Sagot ko.
" Oo nga pala, tignan mo ang isa sa paborito kong damit . " Sambit nya habang ipinagyayabang ang suot nya .
Sa totoo lang astig naman talaga ang suot nya lalo pa ang mga character na nakalagay doon ay isa sa mga pabirito ko na sina Yuu at Mika , mga bidang lalaki sa astig na palabas na Owari no seraph pero yung pag kagulat ko sa sandaling iyon ay hindi dahil sa pagkakaroon nya ng mechandize nito kundi sa uri ng larawan na meron sa tshirt nya .
" Te-tek-teka Leah , wa-wag mong sabihin na . "
" Huh ?! ano , maganda ba ? " nakangiti na tanong nya .
Ang mga nasa T-shirt nya ay isang fan art ng mga anime artist na gumuguhit ng mga BL o mga lalaking may partner na lalaki . Sa totoo lang bihira ang mga Otaku na magsusuot ng Anime Tshirt sa labas lalo na hindi sila pupunta sa mga Anime Convention pero mas masasabing napakalakas ng loob ng babaeng kaharap ko dahil sa pagsusuot ng tshirt na may larawan nang naghahalikan na mga lalaki .
" Isa kang Fujoshi ? Ano ba ang nangyari sayo? "
" Huh ? oo, syempre Yaoi is life , actually isa akong founder ng mga grupo ng mga fujoshi . Ay sandali ipapakita ko sayo ang ilan sa koleksyon ko . "
Hindi ko alam kung nauunawaan ni Lea na ang pagtatanong ko na iyon ay isang pang huhusga at pagkadismaya sa mga tulad nya pero hindi nya inalintana yung reaksyon kong iyon at imbis na tumigil ay magiliw syang lumapit at pinakita pa ang mga gamit nya na may larawan ng mga lalaki .
" Tignan mo pa itong keychain ko nila yuri , diba ang cute nilang couple . "
" Mayroon din ako ditong mechandize nila Eren at Levi habang kinakasal , nakakakilig diba ? kyaahh !! . " Sambit nito habang kinikilig .
Hindi ako makasagot mga sinasabi nya at napapangiti na lang dahil hindi ko naman sya pwedeng tapatin na hindi ko gusto ang mga ganung uri ng dyanra dahil lalaki ako . Sa totoo lang dapat alam nya iyon pero mukhang wala syang konsiderasyon tungkol sa bagay na iyon .
----------------------------------------part 1 / part 2 --------------------------------------------