CHAPTER NINE
" Do You Hate Me ? Then Love Me ! "
Madalas natin marinig sa mga tao ang mga salitang pag may tyaga ,may nilaga isang kasabihan na nagpapaalala na sa bawat pagsusumikap ng tao ay may kapalit na ginhawa .
Maraming magagandang salita at matatamis na pangako ang pwede mong marinig sa mga salawikain ng mga tao at hindi maitatanggi na maraming taong nagpapatotoo ng mga salitang ito.
Mga taong nagsimula sa wala at ngayon tumatamasa ng kasaganahan na higit pa sa sapat na pagpapala at lahat ng ito ay dahil sa pagsusumikap .
Pero totoo nga kaya na pwede ito sa lahat ng tao ?
Gaano nga ba katotoo na sa oras na magsumikap ka ay may naghihintay sayo na tagumpay ? Ito kaya ay matatanggap ng lahat ng tao o nang iilang tao lang na pinalad lang na magkamit nito.
Itinadhana o nagkataon lang ? Isang tanong na napaka hirap masagot .
Maraming taong nagsusumikap sa buhay upang magtagumpay pero sa 10 bilyong tao sa mundo ay higit 1 milyon tao lang ang nasa rurok ng tagumpay.
Itinadhana o nagkataon lang ?
Ako si Daniel Muntingbato 25 yrs old isang Otaku . Dahil sa impluwensya ng Anime ,manga at games ay nabuo ang isang munting pangarap. Tama, bago pa ako maging NEET ay kagaya ako ng mga tao na may pangarap sa buhay .
Hindi ako ang taong basta umasa lang sa ibibigay ng ibang tao na tila isang inutil na nag aantay ng awa at delehensya . Minsan sa buhay ko ay natuto akong tumayo sa sarili kong kakayahan at binalak magtagumpay sa buhay .
Gusto nyong malaman kung ano ito ? Ewan ko kung magugustuhan nyo dahil sa tingin ko hindi ito kawili-wiling kwento , isang nakakalungkot na kwento na nagsisilbing madilim na bahagi ng buhay ko na ayaw kong maalala .
Mga panahon na napakataas pa tingin ko sa buhay . Para saakin ay napakapambihira pa ng mundong ito na puno ng magagandang bagay pero lahat ng yun ay dahil iniisip ko pa na kaya kong makipagsabayan at harapin ang realidad ng mundo .
Nagsimula ito noong bata pa ako kung saan binili ako ng gameboy ng tatay ko . Sobrang saya ko noon dahil may nalalaro ako at normal sa bata ang reaksyon na iyon .
Walang problema sa tatay ko ang paglilibang ko at pagkahilig ko sa Anime dahil normal daw ito sa mga batang lalaki kahit na hindi ito pabor sa nanay ko dahil sinisira nito ang atensyon ko sa pag aaral .
Binibilhan din ako ng mga bola at iba pang gamit sa sport pero lahat yun ay napupunta lang sa kapatid kong lalaki dahil mas gusto kong manuod na lang sa kwarto at maglaro ng mga games kasama ng mga kalaro ko .
Noong tumungtong ako sa Highskul ay lalo akong naging pursigido kung saan nag iipon na ako ng baon ko para lang makabili ng manga tuwing may pagkakataon.
Isang araw habang naglalaro ako kasama ang mga kaibigan ko sa kwarto ko ay bigla ko na lang napagdesisyunan na gumawa ng isang laro kagaya ng mga nilalaro namin noong mga panahon na iyon. Tama , isang laro na pwede rin tangkilin ng mga tao at magbibigay sa kanila ng ngiti ,pananabik at lubos na saya kagaya ng nararandaman ko .
Nag aral ako at nagsumikap, inaral ko ang mga bahagi nang pag buo ng isang laro hanggang sa ito na rin ang pinili kong kurso sa kolehiyo . Naging game developer ako at wala akong pinalampas na bahagi nito na pwedeng kong matutunan .
Hindi ako natatakot noon na maubos ang mga oras at panahon ko sa pag gawa ng laro . Hindi ko sinukuan ito kahit na ang ilan sa mga kasama ko ay isa isang bumibitaw at tila ba ayaw nang ituloy ang proyekto naming sinimulan .
Mahirap gumawa ng laro at hindi biro ang oras at pagod na gugugulin mo pero maswerte ako at hinayaan lang ako ng pamilya ko na gawin kung ano ang gusto ko .
Itinuloy ko ang pag gawa ng laro ng ako lang dahil sa paniniwala ko ay masasayang lahat nang pinagpaguran ko ng isang taon sa pag gawa nito sa oras na bumitaw ako. Marami na akong sinayang na panahon noon at ayokong biguin ang magulang ko sa pagtitiwala nila sa pinili kong landas .
Mataas ang paniniwala ko na pag nagsumikap ako ay magtatagumpay ako . Tama , kumapit ako sa mga matatamis na salita ng mga tao na sa oras na maniwala ka , manalig sa dyos at magsumikap ay magtatagumpay ka .
Pero minsan hindi maiiwasan na dumaan ako sa yugto na nagpapababa sa gana ko upang gumawa dahil sa pagkapagod,kawalan ng tiwala at katamaran. Noong mga oras na iyon ay nagtatanong na ako sa sarili ko kung may silbi ba ang lahat ng ginagawa ko o pagsasayang lang ng panahon ?
Tunay bang magagawa ko ito at totoo nga kayang magtagumpay ako ? Noong mga panahon na iyon ay may isang taong tumulong saakin upang matapos ko ang programing nang tuluyan . Nagpapasalamat ako sa kanya pero hindi ko sya pwedeng asahan palagi dahil sa sariling oras nya sa ibang bagay .
Lumipas ang mga buwan pa ay nagawa kong matapos ang larong iyon na inabot ng dalawang taon mula ng simulan ito. Sa wakas nagtagumpay ako na magawa ito . Sa mga panahon na iyon ay masasabi ko na ang pagsusumikap ng tao ay susi ng tagumpay sa kanyang gustong makamit sa buhay .
Tagumpay ?
Totoo nga kayang nakamit ko ito nang buo ? Ang pagtapos ko sa laro ay masasabi kong isang malaking bagay sa buhay ko pero hindi sa pag gawa ng laro natatapos ang lahat dahil ang katotohanan ay nasa kalahati palang ako upang magtagumpay .
Sa panahon na iyon ay hindi na ako nag aksaya ng panahon upang ipakita ito sa iba , ipinasa ko ito sa mga game company at ilang mga game developer team upang magkaroon ng suporta at makatulong sa pag papalabas nito at alok sa tao.
Pero .... Hindi ito naging madali.
Hindi ito nakatanggap ng magandang feedback sa kanila , hindi nila ito binigyan ng pagkakataon upang mapabilang sa mga larong sinusuportahan nila at inaalok sa tao.
Sa kabila ng mga redyeksyon ay itinuloy ko parin ito at itinuring na pagsubok ang lahat kaya hindi ako natakot mag indie kung saan sinarili ko ang lahat mag mula sa pag papalabas , promosyon at iba pa .
Inilabas ko ito sa internet at umasa na magustuhan ito ng mga tao pero gaya ng iba at mga unang tumingin dito ay hindi ito nakatanggap ng magandang feedback .
Hindi ko sinasabing napakaganda ang ginawa ko upang magkaroon bonggang na pagtanggap dahil alam ko sa sarili ko na hindi ganung kaganda ang graphics nito .
Tama, kahit ako ay nakulangan sa maayos na pictures , sounds , storyboard, twist at gameplay dahil ang bawat bahagi ng larong iyon ay gawa lang ng iisang tao na hindi naman perpektong tao sa lahat ng aspeto ng pag gawa ng laro .
Hindi pumasa sa mga tao ang larong ginawa ko kaya imbis na enjoyin nila ito ay nilait nila ito at pinuna ang bawat kulang dito . Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin sa mga oras na iyon dahil hinahamak nila ang bagay na itinuturing kong tagumpay sa buhay .
Hinusgahan ng mga tao ang gawa ko base lang sa mataas na pamantayan nila sa mga laro at hindi inunawa ang nais iparating nito .
Mali ito , hindi ganito ang gusto kong mangyari sa larong ginawa ko kaya naman bago pa ako masira nang tuluyan ay itinigil ko ang paglabas nito sa internet .
Ang pagpapakahirap at pagsusumikap ko ng ilang taon ay nabale wala. Ang pagti-tyaga ko ay hindi nasuklian ng tagumpay na dapat tinatamasa ko bilang kapalit ng mga sinakripisyo ko .
Binigo ako ng mga matatamis na salita at nang paniniwala ko na may patutunguhan ang lahat .
Nilamon na ako ng depresyon dulot ng kabiguan dahil pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo . Nagalit ako sa mga tao at tuluyang nawalan ng gana sa buhay .
~
Tinanggap ko ang realidad ng mundo at upang labanan ang malupit na katotohanan na nagpapalukmok saakin sa matinding kalungkutan ay pinili ko ang isang paraan na alam kong hindi ako bibiguin .
Nagkulong ako sa kwarto at hindi lumabas ng bahay kasama ng Anime , manga at games . Nilibang ko ang sarili ko hanggang sa makalimutan ko ang lahat ng nangyari. Nagpaka adik ako sa mga laro, nalulong sa mga Anime, manga at ano pang bagay para ipakita na masaya ako sa buhay ,
Ipakita na nag e-enjoy ako at hindi ko kailangan ng ibang tao .
Nakangiti ako at nakatawa sa bawat araw nang pag lilibang na tila walang inaalalang bagay sa lumipas na walong taon .
Hanggang isang araw napansin ko na lang sa harap ng salamin ng kwarto ko ang sarili ko . Nakita ko sa repleksyon sa salamin sa harap ko ang isang binatang napaglipasan na ng panahon at pilit na nagtatago sa dilim upang takasan ang mundo .
Pero talaga bang natakasan ko ito ?
Hindi ganito ang gusto ko , hindi ganito ang plano ko sa buhay . Ano ang naging pagkakamali ko para mabigo ako nang ganito ?
Itinadhana o nagkataon lang? Isang tanong na napakahirap sagutin.
Kung maibabalik ko lang ang mga panahon ay gagawin ko ang lahat ng doble pang pagsusumikap kesa sa nagawa ko noon . Pero sapat na kaya iyon upang magkamit ng ganap na tagumpay sa buhay kung ang totoo ay hindi ako nakatadhanang magkamit nito ?
Paki usap, ibalik nyo ang kabataan ko dahil hindi ganito ang gusto kong bunga ng pagsusumikap ko .
Ito ba ang katumbas ng lahat ng bagay na iyon ?
~
Sa mga sandaling yun ay bigla akong napadilat at ilang saglit pa ay tumingin ako sa paligid ko . Natagpuan ko ang sarili ko na natutulog sa kama ko habang hawak ang isang libro. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakabasa ng bagong light novel ko .
Umupo ako sa kama ko at nag inat ng katawan upang gisingin ang diwa ko mula sa pagkakatulog. Sa pag hikab ko at pagkukusot ng mata ay napansin ko na may naka upo sa harap ng pc ko .
Dito ko naabutang ginagamit ni Elisa ang Pc ko at kagaya ng dati ay pumasok nanaman sya nang walang paalam . Siguro dahil hindi ko na lock ang pinto kanina dahil hindi ko naman inaasahan na makakatulog ako .
" Sandali bakit ka nanaman nandito ? Teka paano mo nabuksan ang password ng pc ko ? " Sambit ko habang inaantok .
" Hm... Para saan pa at naging IT student ako noon? "
" Magandang hapon pala Didi ." Bati nito habang naglalaro sa Pc.
Hapon ? Napahaba pala ang tulog ko pero mas ok na ito dahil may pasok pa ako mamayang gabi . Agad akong tumayo sa kama ko habang pinagsasabihan si Elisa tungkol sa pagpasok nya sa kwarto ko nang walang paalam.
" Hindi na tayo bata para hindi malaman ang importansya ng privacy ng isat isa . Hindi kagaya noon na pwede kang pumunta punta dito sa loob na walang malisya sa mata ng ibang tao. "
" Hmmm..... " Ngisi nito.
" Oh bakit ? " Tanong ko.
" hm.. Wala , himala lang kasi at iniintindi mo na ang iniisip ng ibang tao sayo ? "
" Tsk, baliw , syempre iniisip ko ang sasabihin ng ibang tao. "
" Ang isang NEET ay kailan man hindi nabahala sa sasabihin ng ibang tao sa kanya dahil kung meron syang paki elam at kahihiyan ay mag iisip sya kung paano sya magiging kapakipakinabang ." Malamig na tonong sambit nya .
Sinimulan nanaman akong asarin ng babaeng ito at ano nga bang aasahan ko sa kanya ? Mula pa noon ay nag aalaskahan na kami at sa totoo lang bale wala na saakin ang mga sinasabi nya dahil kapag napikon ako ay talo ako, maliban na lang sa pang aasar nya sa Anime na pinapanuod ko dahil agad akong napipikon sa kanya.
" Tsk, bago mo ako husgahan ay ipasa mo muna ang mga exam mo at tuluyang grumaduate sa mga kurso . " Bawi ko dito.
Napahinto sya sa paglalaro sa Pc at halatang napikon sa nasabi ko . Matalinong tao si Elisa pero ang nakakagulat ay wala syang tinapos na kurso sa mga kinuha nya at ibinabagsak lang ito o hinihintuan pagtapos ng isang taon .
Lagi nyang rason ay ang kawalan nya ng interes tapusin ang mga ito kaya nya nagagawang ibagsak ito , masyadong nakakatawa yung rason nya pero ang katotohanan ay kaya yun gawin ng babaeng ito nang walang pang hihinayang dahil alam nyang mayaman ang pamilya nya .
Dito ay bumawi na ako sa kanya na masisira ang buhay nya at walang lalaking magkakagusto sa kanya pag dating ng araw dahil iisipin nilang wala syang utak na babae .
" Ok lang , maganda naman ako kaya marami parin lalaking pipili saakin lalo na anak ako ng pulitiko . "
Aba't ang yabang talaga nya pero totoo na hindi naman problema sa kanya ang paghahanap ng makakasama sa buhay hindi kagaya ko dahil sa totoo lang ay maganda sya at higit sa lahat ay mayaman . Kumbaga sa mga anime na napapanuod ko ay sya yung famous rich girl na hinahangaan ng tao. Tsk , hindi patas ang mundo .
Kung iisipin ko perpect couple sana sila ni Romeo kung nagkatuluyan sila lalo na simula't sapol ay magkasama na sila. Natatawa na lang ako at naaawa sa magulang ko dahil hindi umayon ang gusto nila sa naging desisyon ng dalawa na maging mag bestfriend na lang .
" Ang alam ko nasa outing si Romeo ah , hindi mo ba nabalitaan ? . "
" Nasabi nga nya kagabi , bwisit na Romeo nagka nobya lang eh kinalimutan nya ng may bestfriend sya . "
" Hahaha , yan napapala mo sa pagiging paki elamera mo sa buhay nya . Akala mo ate ka nya kung makapangaral sa dapat nyang gawin. " Pang aasar ko dito.
May pagka ate si Elisa sa pagitan nila ni Romeo na laging nagmamando dito at pinakikielaman ang mga ginagawa nito kaya madalas syang takasan nito , pabor ito saamin gayung hindi ko naman nagagampanan ang pagiging nakakatanda kapatid kay Romeo.
--------------------------------------- part 1 / part 2 ----------------------------------------