--------------------------------------part 2 / part 2 -----------------------------------
Naupo na ako sa harap ng Pc at nagsimulang mag browse sa internet . Balak kong bumili ng bagong malalarong games sa internet o kaya mga gustong gusto kong Figma collection na hindi ko mabili noon dahil sa kuripot kong nanay na ayaw suportahan ang layaw ko .
Ang mga ito ay mga collectable figure ng mga Anine character na pwedeng mabili sa mga online shop . Medyo may kamahalan ang bawat isa sa kanila na umaabot ng dalawang libo hangang anim na libo pataas para sa isang maliit na pigura .
Kung iisipin mo sa presyo ng napakaliit na laruan na iyon ay makakapagbayad ka na ng tubig ,ilaw at internet sa loob ng isang buwan at para sa iba ay pag aaksaya ng pera ang ginagawa namin .
Sa hindi ko malamang dahilan ay nagkainteres na lumapit saakin si Elisa at punahin ang ginagawa kong pag pili ng mga bibilin . Para syang nanay ko kung manuri ng gamit na bibilin ko .
" Teka wag mong sabihing bibili ka nanaman ng laruan na yan ? Ang dami mo nang ganyan ah " Sambit nya habang nasa likod ko at sumisilip sa monitor ko.
" Pwede ba dumistansya ka saakin at hindi ito laruan kundi Collection figure" Pagsusungit ko .
Tinutulak ko ang mukha nya palayo saakin pero imbis na lumayas eh lalo syang nagpumilit na basahin ang mga nakasulat sa screen at dito ay nagulat sya nang makita ang mga presyo ng mga binabalak kong bilhin.
Syempre kagaya ng inaasahan ko sa mga tulad nya ay komontra sya sa pagbili ko. Ganito naman palagi , Kapag nalalaman ng ibang tao na gumagastos ka ng malaking pera para sa ganung bagay ay tiyak huhusgahan ka agad nila na isang maluho at waldas sa pera at ganun ang eksaktong ginagawa ni Elisa saakin.
" Nagsasayang ka nanaman ng pera para sa mga ganyang bagay kung pagkain na lang ang binili mo sana nabusog ka pa . "
Pinagsasabihan nya ako habang tinitignan na tila puno nang pagkadismaya at panghihinayang sa pag gastos ko na para bang sya ang nagpakahirap na kitain yung ipang bibili ko doon .
Pero hindi ako nagpatalo at dumepensa agad sa bruha dahil ano bang paki elam ko sa opinyon nya ? Hindi sya ang gumagastos at lalong hindi siya ang nagtitiis sa pabrika para kitain ang pera kong ipang bibili ng mga koleksyon ko.
Medyo napagsasalitaan ko sya nang pabalang pero hindi nya ito iniinda siguro dahil sanay na sya sa mga pagsusungit ko at inaasahan nya na ang mga sasabihin ko sa kanya .
" Alam mo Didi kahit papaano ko pa isipin eh talagang pagsasayang lang ng pera ang gagawin mo dahil hindi mo naman magagamit yang laruan na yan ." Sambit ni Elisa.
Nakakaloko talaga ang babaeng ito kung pwede ko lang syang sipain palabas ng kwarto eh ginawa ko na. Sa totoo lang napipigilan akong magsalita nang pabalang sa kanya pero sya mismo ang nagtutulak saakin na pagsalitaan sya.
Ano ang pinagkaiba ng pagkakaroon ko ng pigura ni Rem sa pagbili nya ng damit at burloloy para lang pumorma ? Dahil ba sa hindi ko ito ginagamit sa araw araw ? Pero maraming bagay ang binibili ng tao kahit na hindi nila ito ginagamit sa araw araw kagaya ng wedding ring ,vase, wall frame at iba pang bagay na puro kaartehan lang .
" Hm.. Ewan ko pero sa tingin ko mas Worth it naman gumastos sa mga bagay na iyon kesa sa mga laruan . " Sagot nya saakin .
Teka sinasabi nya bang mahalaga ang mga bagay na iyon pero kung iisipin eh lahat ng yun ay pawang mga luho lang kagaya ng ginagawa ko pero mas binibigyan nila nang mataas na kahulugan o masasabi nila na worth it paglaanan ng pera habang sa isang banda ay minamaliit nya naman ang mga ginagawang pagkolekta ng mga otaku na kagaya ko sa mga pigurang ito .
" Kung nararamdaman mo na importante sayo ang mga luho mo sa katawan eh pareho lang tayo dahil ganun din mismo ang nararamdaman ko sa mga Anime koleksyon ko ."
Ang lahat ng iyon ay mga materyal lamang na magkakaroon lang ng halaga depende sa tumitingin . Ipinaliwanag ko sa kanya na kaya kong tignan ang ginto na isang pangkaraniwang alloy lamang . Kaya ko ring tignan ang diamond na isang piraso ng kristal sa nabasag na baso.
Kung iisipin mabuti kung ang ibigsabihin nang sinasabi nilang mga bagay na worth it paglaanan ng pera ay ang kapakinabangan ng isang bagay sa tao ay masasabi kong mga walang utak ang mga gumagastos ng pera para sa mga mamahaling bato at ginto sa mundo.
" Ang weird mo talaga mag isip Didi , simple lang naman ang paliwanag . Ang ginto ay ginto at ang plastik ay plastik kaya bakit mo sasabihing mas mahalaga ang mga laruan sa ginto ? " Sambit ni Elisa habang kumakagat ng mansanas.
" Bakit ? Dahil kahit gaano pa kamahal ang mga bagay na iyon ay wala silang halaga para saakin kung ibabase ko sa pangangailangan ko at importansya nito saakin ."
Imbis na mamangha sa mahusay na pagpapaliwanag ko ay nakatitig lang sya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko sabay pag iling sa gilid nya habang nakangiwi na talagang nakakainsulto at sinabayan pa nang biglaan nyang pag buntong hininga na tila ba nadi-dismaya saaking mga sinasabi .
Lumayo sya saakin at bumalik sa kama na kinauupuan nya kanina upang magbasa ulit ng mga manga. Nakakainis ang huling reaksyon nya pero hindi ko na sya pinatulan at pinansin sa ikinilos nya sa pakikipag usap saakin . Masyado na syang nakakagulo sa pagsasaya ko bilang Otaku , kailangan ko nang magseryoso sa ginagawa ko . Kailangan ko ng pang pa goodvibes sa araw ng day off ko .
" Otaku mode on ! " Sa isip ko.
Dito ay muli na akong nag browse sa internet at tinuloy ang pamimili ng bibilin sa online shop. Syempre hinanap ko agad si Rem sa mga pagpipilian.
" Sa wakas !! Magkakaroon na ako bagong koleksyon ng Waifu ko !! " Sambit ko habang tila natatakam na sa mga naka hilerang pigura ni Rem .
" Sandali ano ba ang bibilin kong una? Itong latest o yung dati ko pang gustong bilin ? Pero pareho naman maganda . Ano pa bang aasahan mo kay Rem eh likas na syang maganda kahit anong itsura nya . "
Naglalaway ako sa pagpili habang patuloy na sinusuri ang bawat detalye ng katawan ni Rem sa litrato. Ang kagaya kong Otaku ay oportunista na kapag hawak mo na ang pagkakataon at nasa iyo na ang pera upang makakuha ng isang koleksyon ay hindi na namin ito pinakakawalan pa .
Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil sabik na akong magkaroon ng mga ito kaya kinuha ko pareho ang dalawang pigura ni Rem at binili .
" Bwahahahaha , Akin ka na !! "
Matagumpay na nabili ko ito at babayaran gamit ang card ko . Tama ang iniisip nyo tungkol sa bagay na ito , mabilis na naubos ang pera ko sa ilang pindot lang ng mouse ko .
Nagtiis ako ng labing limang araw para sa pera na naubos nang wala pang isang minuto . Wala na akong ekstra maliban sa budyet ko sa gastusin sa pamasahe at baon . Ibigsabihin ay pulubi nanaman ako .
Sandali akong nanahimik sa kinauupuan ko habang nakatitig sa screen ng computer na tila may bumabagabag saaking isipan. Kahit ako napapaisip ngayon kung tama bang ubusin ko lahat ng pera ko na hindi ito bina-budyet.
Hindi sa nanghihinayang ako sa binili ko pero may pagpipilian akong unti untiin ang pagbili ko sa mga koleksyon ko kahit pa isa isa upang may madudukot akong pera kung sakaling may kailangan akong ibang bagay .
Napasandal ako sa upuan ko at tumingala habang iniisip ang takbo ng kasalukuyang buhay ko na parang pareho lang sa dating mga gawain ko sa pag gastos . Parang hindi ko yata nakontrol ulit ang sarili ko sa pagkakataon na iyon . Pero kung iisipin ko mabuti bakit ko nga ba ginawa iyon ?
Tumingin ako sa kwarto at pinagmasdan ang mga poster at koleksyon ko ng anime at kung papansinin ito ay ang kalahati sa mga iyon ay si Rem at syempre agad na sumagi sa isip ko na worth it naman ang pagbili ko para sa waifu ko.
Isa akong Otaku sa isip sa salita at sa gawa .Ganito ang paraan para suportahan ang lovelife ko .
Ganito ko ipakita ang pagmamahal ko para sa kinahuhumalingan ko .
Alam ko na ang tama at mali pero sa tuwing naiisip ko ang posibilidad na makakakuha ako ng bagong koleksyon ni Rem eh napapalitan ang mga pananaw ko sa buhay . Nabubuhay sa dugo ko ang pagiging Otaku na dumadaloy sa puso ko at dumidikta sa isip ko.
" Ang ganda talaga ng waifu ko ." Sambit ko habang hinahalikan ang stuff toy ni Rem.
Sa sandaling iyon ay hindi ko maiwasan maalala ang nakakatakot na mga ngiti ng waifu ko habang pinapatay ako . Nagflashback ito na tila ba nagpapaalala saakin na kailangan kong matakot sa babaeng pumatay saakin .
Napalunok na lang ako at napapikit upang makalimutan ang mapait na karanasan na iyon . Hindi yun nangyari. Tama , wala akong natatandaan na minsan sa buhay ko ay nabuhay ang pinaka mamahal ko pero imbis na mahalin ako eh pinatay nya ako .
" Hindi , hindi , hindi maaari yun, kailangan na makalimutan ko ang pangyayaring iyon " Sambit ko.
Si Rem ay si Rem at tulad ng dati ay sya lang ang mamahalin ko at walang pwedeng magpabago pa sa isip ko at ang tanging naaalala ko lang sa kanya ay ang imahe ng isang perpektong dalaga na sa pantasya mo lang makikita .
Sa pagkakataon na iyon ay biglang nagsalita si Elisa habang nakikita nya ang ginagawa kong pag kausap sa stuff toy ni Rem.
" Alam mo para kang tanga dyan sa ginagawa mo . Hindi ka ba natatakot sa sarili mo dahil ang minamahal mo ay isang 2D character lang sa palabas ? "
Nababaliw na ako kung iisipin para mahalin ang isang Anime character ng ganito na tila ba may mapapala ako kapag pinagpatuloy ko ito . Pero ano bang masama doon ? Ano ba ang pagmamahal ?
" Tumigil ka Normie dahil wala kang alam sa nararamdaman ko ."
Kung iisipin walang ganap na depenisyon ang salitang pagmamahal kundi ang kagustuhan mo sa isang tao o bagay . Ang lahat ng ito ay isa lang pag tatakda sa iyong sarili na nangyayari lang sa oras na paniwalaan ito ng utak mo at syempre pinapahalagahan ng puso mo .
Ano ang pinagkaiba ng pagmamahal ko sa isang 2D character sa magmamahal ng iba sa mga partner nila ? Dahil ba sa hindi ko sya nakakausap at nakikita ng personal ay hindi ko na pwedeng mahalin ang isang nilalang ? Pero wala naman pinagkaiba iyon sa mga nagkawalay na nagmamahalan at hindi na muli nakatakdang magkita sa hinaharap .
Maraming kwento ang magpapatunay na hindi basehan ang layo at tagal ng panahon upang masabi mong totoo ang pagmamahal mo sa isang taong minamahal kaya pwede kong isipin na ang relasyon ko kay Rem ay isang long distance relationship na sa sobrang layo ay hindi na kami magkikita pa .
" Sa tingin ko may kwenta naman makarinig ng mga nagmamahalan kahit na magkalayo sila pero hindi mo pwedeng baliktarin ang katotohanan dahil iba ang kaso mo sa mga taong yun dahil mga totoong tao sila at ikaw ay isa lang ilusyunado . " Sambit ni Elisa.
" Tanga lang ang magmamahal sa isang nilalang na hindi mo kailan man nararamdaman, nakakausap at makita sa personal kahit isang beses sa buhay mo. kaya ka nasasabihan na weirdo . " Sabat ni Elisa para sagutin ako.
Napatahimik ako bigla sa mga pang aalaska nya saakin hindi ko akalain na pagsasalitaan nya ako ng ganun kasakit na bagay para ipamukha saakin na hindi totoong tao si Rem pero agad akong bumwelta dito para muling ipaglaban ang mga pananaw ko .
" Hindi mo pwedeng sabihin na isang katangahan ang ginagawa ko dahil kung iisipin maraming nagmamahal sa mundo sa mga bagay na hindi naman nila nakita sa boung buhay nila kagaya ng mga dyos ng maraming relihiyon sa mundo at mga dakilang taong yumao na noon pang unang panahon na dinadakila ng mga tao sa kasalukuyan . "
" Lahat sila ay naninidigan sa mga nararamdaman nila at wagas na nagmamahal sa mga nilalang na tinatangap nilang mahalin ng boung puso at diwa. "
" Hahahaha .Ganun ako kadakila magmahal at alam kong hindi kailan man yun maiintindihan ng normie na gaya mo . " Pagmamalaki kong sambit.
Pero imbis na paniwalaan ako ay umiling lang ito saakin at muling ngumusi .
" Tsk, Malala ka na. " Bulong ni Elisa sa hangin .
Tama , ganito nga yun hindi ako weirdo at tanga gaya ng sinasabi nya , sadyang wagas lang akong magmahal . Kagaya nang nasabi ko ay ang lahat ng ito ay nasa pagtangap ng tao at pagpapahalaga .
" Rem is life , kahit ano pang isipin at sabihin nila eh hindi tayo maghihiwalay , patutunayan natin na may forever . " Sambit ko habang niyayakap ang malambot na stuff toy ni Rem na nasa tabi ko.
Sabi nila kung mahal mo ang isang tao ay handa mong ibigay ang lahat para dito kaya hindi ako nakakaramdam nang panghihinayang sa mga ginagastos ko sa libangan ko lalo na kung para kay Rem ito.
Sa mga oras na iyon ay biglang kumalam ang sikmura ko at nakaramdam ng gutom dahil hindi ko na nagawang lumabas pa ng kwarto upang maghanda ng makakain dahil sa pagkasabik ko sa pag bili sa online shop.
" Sandali ,.Naaalala ko pala balak ko palang ilibre sila mama sa labas kaso .... " bulong ko habang iniisip ang pagka ubos ng pera ko.
" Hindi bale sa susunod na lang siguro tutal hindi naman ako nangako, may iba pa namang pagkakataon. "
Sa pagkakataon na iyon ay biglang tumayo si Elisa sa kinauupuan nya at naglakad palabas ng kwarto . Barubal nyang ibinato sa likod nya ang manga ko na parang hindi nya alam na pwede yun masira .
" Baka gising na ang kapatid mo, Sige maiwan na kita Didi . "
" Tsk,. Salamat sa pang gugulo sa gamit ko at sana wag ka nang bumalik pa . " Pagsusungit ko dito.
Lumabas sya ng kwarto na tila walang paki elam sa mga sinabi kong pag kakalat nya . Wala syang tamang asal kahit na lumaki naman sya na may pinag aralan . Iniwan nyang nakakalat ang mga gamit ko sa ibabaw ng kama pati ang kinagatan nyang mansanas ay hindi man lang nya dinala .
" Wala talaga syang pinagkatandaan, malas ang mapapangasawa ng bruhang iyon ."
" Kaya ayoko sa mga 3D na babae eh . "
Para sa mga Otaku na gaya ko ay malaking bagay ang pag kakaroon ng mga kababata . Isang maganda , mabait, maalalahanin , mahinhin at higit sa lahat masasandalan . Tama, ganun mismo ang pangarap ng mga kagaya ko tulad ng mga napapanuod sa Anime pero hindi ito gaya ng inaasahan ko .
Kabaliktaran sya ng gusto kong makasamang tao sa buhay .
Bakit sino bang matutuwa na magkaroon ng kababatang magaslaw kumilos, mayabang, mapanglait , spoil brat at higit sa lahat Normie na walang ginagawa kundi batikusin ang pagiging Otaku ko .
" Nakakayamot talaga sya , Kailan kaya sila lilipat ng bahay ."
Ibang iba ito ng mga napapanuod ko sa palabas dahil kahit saan ko tignan ay hindi ganito dapat ang magiging takbo ng buhay ko sa pagkakaroon ng kababata pero ano ba ang magagawa ko kundi tanggapin ang mga bagay na itinadhana saakin .
" Nakakadismaya ang realidad " Bulong ko habang napapabuntong hininga .
Sa pagkakataon na iyon ay na-upo ako nang maayos at muling humarap sa Pc para ipagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Doon ay pinindot ko ang isang litrato at nakita ang isang larawan ni Rem habang magiliw na nakangiti ito .
Napangiti na lang ako at napabuntong hininga dahil sa kapayapaan na nararamdaman ko matapos ko makita ang magandang larawan ni Rem. Naibsan ang nararamdaman kong konsimisyon dahil sa bruhang babaeng nakasama ko.
Napaisip ako na hindi ko kailangan ng opinyon nya dahil sa una palang ay alam ko nang wala syang masasabing maganda dahil isa syang Normie at magkaiba kami ng ginagalawan na mundo basta ang alam ko lang ngayon ay masaya ako sa lovelife ko .
Ang tahimik at out of this world na Lovelife ng Otaku .
" I love you Rem " Sambit ko habang muling hinahalikan ang Stuff.
END ..
__________{ Author's Note }______________
~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~
episodes