CHAPTER SEVEN
.
.
" Love at Fish Sight "
Ang sabi nila nag iiba ang tingin ng isang tao sa mundo sa oras na mainlove sya at magkaroon ng taong minamahal , Isang pangyayari kung saan magbibigay sa kanila ng kakaibang lakas at inspirasyon na gawin ang mga bagay bagay nang ganado.
Isang pagbabago na tila ang lahat sa paligid mo ay positibo at buhay na buhay , kadalasan nararanasan ito ng mga bata na kasalukuyang dumaraan sa pagdadalaga't pagbibinata . Ang yugto ng kanilang buhay na kung saan unang beses nilang naranasan na mainlove .
Tama, ang totoo nasasabi nila iyon dahil bago sa kanilang pakiramdam ang magkagusto at magmahal ng ibang tao maliban sa pamilya nila at ang ideyang may mahiwagang bumabalot sa pakiramdam nang nagmamahal ay isang kamangha manghang bagay kagaya na lang nang sinasabi ng maraming tao na may kumikinang ang paligid o may spark silang nakikita sa isang tao at ang iba naman ay may slow mo effect o tila bumabagal ang pagkilos ng oras sa tuwing makikita ang minamahal nila pero gaano nga ba ito ka totoo ?
Ang utak natin ay kayang magdikta saatin ng mga delusyon na pwede nating makita depende saating nararamdaman,nalalaman at pagtanggap . Kagaya ng mga bata kung paano sila noon mag ilusyon ng mga bagay bagay na hindi naman nakikita ng ibang tao dahil iyon ang nalalaman, pinaniniwalaan at pagtanggap nila sa isang bagay.
Iniisip agad natin na nagsisinungaling ang mga bata sa pagsasabi ng mga kakaibang bagay tungkol sa nilalang nilang nakikita na sila lang ang nakakasaksi pero kadalasan dito ay isa lamang delusyon na ginawa ng utak nila dahil sa taglay nilang malawak na imahinasyon at pagtanggap sa mga bagay bagay .
Wala yun pinagkaiba sa ilang Otaku na dumaranas ng 8th grade syndrome kung saan nagdi-delusyon sila tungkol sa mga bagay bagay na sa pantasya mo lang makikita .
Pero sa tingin nyo pwede kayang maranasan ng isang 25yrs old na Otaku na napaglipasan na ng kabataan nya at hindi naniniwala sa hiwaga ng pagmamahal ang mga bagay kagaya ng spark at slow mo effects sa oras na magmahal sya?
Tsk , Siguro posible ito sa isang palabas na may romance na dyanra pero sa realidad ay hindi mo na kayang magdelusyon ng ganun dahil sa iyong boring na pananaw, negatibong paniniwala at sapilitang pagtanggap sa mga bagay bagay na meron sa mundo .
Ang boring diba ? Minsan naiisip ko mas ok sana kung hindi ko nalalaman ang mga bagay na ito at hinahayaan na lang na maging mangmang upang kahit papaano ay ma-enjoy ko ang buhay.
Pero teka bakit ko nga pala naiisip ang mga bagay na iyon ? Anong paki elam ko sa pamamahal gayung mas masarap magmahal ng 2D ko na hindi kumukupas at pansamantala kagaya ng pag ibig ng mga 3d.
Ah ... Siguro dahil nandito ako ngayon sa isang parke kasama ang babaeng makakadate ko ngayong araw at imbis na mamasyal ay nakaupo lang kami at walang paki sa kasama .
Habang walang kabuhay buhay akong naka upo at nagmumokmok sa kongkretong bangko ay nawiwili naman kakabasa ng BL manga si Lea sa harap ko na parang walang inaalalang bagay .
Tumingin ako sa paligid ng parke at gaya ng inaasahan ay maraming magkasintahan dito naglalandian at ang iba sa kanila ay naghahalikan pa kahit na nasa pampublikong lugar sila .
" Tsk , kadiri naman ." Bulong ko sa hangin .
Agad akong tumingin kay Lea na kasalukuyang kilig na kilig na naglalaway sa mga binabasa nyang manga na tila ba hindi inaalinta na nasa pampublikong lugar sya nagbabasa ng malalaswang larawan sa ilang tagpo sa komiks na hawak .
" Tsk, Kadiri , Wala bang ibang pwedeng makadate dyan ? " Bulong ko .
Napansin nito na nakatingin ako sa kanya at biglang tumayo sa kinau-upuan upang ipakita ang pahina ng BL manga na binabasa nya kung saan naghalikan ang dalawang lalaking bida .
" Tignan mo, dali ! nag kiss na sila Izumi at Ryouma sa Love Stage , kyaaahhh !! , grabeeee!! " Sambit nito habang kilig na kilig .
" Nakakakilig diba?! Kyyaaah , perpect couple sila , basahin mo daniel . "
Agad na nilayo ko sa harapan ko ang hinaharap nyang manga at aligagang tumingin sa paligid ko kung may nakakapansin sa ginagawa nya .
Isa akong Otaku at hilig ko rin ang pagbabasa ng manga pero hindi ang mga kagaya ng isang ito at alam ko rin kung paano lumugar sa dapat kong kalagyan hindi gaya ng fujoshi na ito .
" Pwede ba itago mo yan at baka may makakita . "
" Huh ? Anong masama? Ang kj mo naman para kang kuya ko eh . " Sagot nya saakin na tila magsusungit pa .
Nagsungit ako dito at pinapatago ang lahat ng kinakalat nya sa mesa dahil para saakin ay hindi yun dapat nandoon at nakikita ng mga tao .
" Tsk, naiinggit ako sayo , sana kagaya mo ay kaya kong mag enjoy sa date na ito . " Sambit ko habang nakapangalong baba.
" Huh ? Wala namang pumipigil sayong enjoyin ang araw na ito, tandaan mo date natin ito ." Sagot ni Lea.
Ang dali para sa kanyang sabihin yun dahil hindi sya ang nagkakaroon ng problema sa set up namin . Una ang pamilya kong pinamalita na sa angkan namin ang tungkol sa kasal ko at sa tingin ko guguho ang mundo ng nanay ko kapag sinabi kong isa lang itong kasinungalingan .
Pangalawa ay ang bruskong pamilya nitong babaeng ito na tila ba kunting pagkakamali ko lang sa anak nila ay may kalalagyan ako at kinabukasan ay paglalamayan.
" Masyado kang OA , Hindi naman ganun kalaking bagay ang tungkol sa kasal dahil ginagawa natin ito para sa kinabukasan natin bilang Otaku ." Sagot ni Lea.
" Hindi mo rin dapat iniintindi sila papa at kuya dahil hindi naman sila masasamang tao ,basta ipakita mo lang na matapang ka at brusko tuwing kaharap sila ay ok na yun ." Dagdag nito.
Tsk, Ang galing nya magsalita ng mga bagay bagay na dapat gawin inaasahan nya ba na madali para sa isang Otaku na nagtago ng higit sampung taon sa loob ng kwarto na humarap sa mga bruskong taong pwedeng manakit sa kanya .
" Alam mo ang problema sayo ay masyado kang nag iisip at negatibo sa buhay ." sambit nito.
" Ok, sabihin mo nga kung may panahon pa akong maging positibo gayung ang lahat ng mga bagay ay hindi umaayon sa gusto kong mangyari sa buhay. Isa akong Otaku dapat ang ginagawa ko sa Day off ko ay maglaro maghapon at manuod ng Anime hangang gabi pero heto ako ngayon kasama ka sa gitna ng parke na puno ng taong naglalandian .
Naaabala ang pagiging Otaku ko dahil sa mga nangyayari at kung titignan hindi ito umaayon sa sinasabi nyang para ito sa kinabukasan ng pagiging Otaku namin .
Bakas saakin ang pagkayamot sa mga nangyayari pero kahit na ganun ay hindi nya ako pinag susungitan at kalmadong pinapahinahon ako sa kinauupuan ko. Ibinaba nya ang librong hawak nya at kinausap ako upang paliwanagan .
" Hindi mo ba napapansin ikaw mismo ang sumisira sa araw mo dahil sa pagiging praning mo . Isa rin akong Otaku at mas gusto ko na magkulong na lang sa kwarto kasama ng Anime at Games ko pero heto ako ngayon kasama ka . "
" Ikaw naman ang may kasalanan nito ." Pag anggil ko.
" Tama , alam mo ba kaya ko rin magbigay ng isang daang dahilan kung bakit hindi kita gustong makasama ngayon dito at makasal sayo ? Kaya kong mairita kagaya ng ginagawa mo. " Dagdag nya.
Dito ay sinimulan nya akong pangaralan sa mga maling pananaw ko na tila ba ang galing nyang tao . Nasasabi nya ang mga bagay na yun dahil pumapabor ang lahat sa gusto nya pero hindi nya tignan kung paano tumatakbo ang buhay ko sa set up na gusto nya .
" Nakadepende ang nararamdaman mo sa bagay na ito sa kung paano mo tignan ang sitwasyon natin sa sarili mong pananaw at perspektibo."
" Tsk, Ano nga bang aasahan mo sa isang loner na Otaku na kagaya mo kung hindi tignan ang mga bagay bagay sa negatibong paraan at pananaw . "
Bigla nyang kinuha ang Bl manga nya at pinakita saakin , dito ay tinanong nya saakin kung anong ang tingin ko sa bagay na iyon at ano ang masasabi ko ritong positibo .
" Isang makasalanang libro na naglalaman ng malalaswang larawan nang naglalampungan na lalaki na pagmamay ari ng manyak na fujoshi na halos maglaway sa pagbabasa ?"
Napatayo si Lea sa kinau-upuan nya at halos mamutla sa kahihiyan sa mga narinig.
" A-an-ano ? g*g* ka ah ! " Sigaw nito sabay hampas saakin ng plastik na bote .
Nasaktan ako sa ginawa nya pero dahil nga nasa pampublikong lugar kami ay hindi na ako umimik sa ginawa nya dahil sa nakuha nang ginawa nyang pagsigaw at paghampas ang atensyon ng mga tao sa paligid namin .
" Gaya ng sinasabi ko pareho lang tayong Otaku pero ang pinagkaiba ko sayo ay hindi ko tinitignan ang mga bagay sa negatibong bahagi nito kahit na alam ko ang realidad ng mundo , kagaya na lamang nang pagpapakasal natin . "
" Hindi ka naman gwapo, hindi ka rin mayaman , hindi matalino ,hindi mabait at walang bagay na nakakainlove sayo at alam ko na NBSB ka,virgin at walang nagkakacrush sayong babae ."
" Wow , humahanga ako sayo kung paano ka mang lait ng tao gamit ang pangangaral dito ." Bulong ko.
Dito ay bigla nya akong kwinelyuhan at tinignan sa mga mata at seryosong sinambit na .
" Seryoso akong pakasalan ka sa kahit anong simbahan. "
Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa mga oras na iyon dahil tila natameme ako sa lakas ng loob nya kahit na wala sa itsura nya ang gagawa ng awkward na bagay na iyon . Kumakabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang determinado at kumikinang nyang mata na nakatitig saakin .
" Para ito sa mga Yaoi at kay fafa levi. " Dugtong nya .
Agad na nawala ang gana ko sa tagpong iyon dahil sa narinig ko sa kanya . Dahil ang katotohanan ay ginagawa nya ito para sa libangan nya bilang fujoshi na hindi gusto ng pamilya nya .
Nakaramdam ako ng kahihiyan sa paghawak nya saakin sa kwelyo ko sa harap ng maraming tao kaya ako na mismo ang humawak sa kanya upang bumitaw sya saakin .
" Pwede ba , Wag kang maingay . Nakakahiya ang ginagawa mo. " Pagsusungit ko dito.
" Ano naman ? Ang alam ng mga tao sa paligid natin ay magkasintahan tayo at normal lang na maglandian sa lugar na ito . "
" Tsk , oo nga pero ang problema ay hindi naman natin mahal ang isat isa kaya nga para saan pa ang pag da-date na ito? "
Muli nya akong pinangaralan tungkol sa paglabas namin bilang bahagi ng pag papanggap namin sa mga pamilya namin na totoong lumalabas kami bilang magkasintahan .
Dito ay sinabi nya na maaaring hindi sa romantikong bagay ang pagdadate namin pero mahalaga itong paraan para maging komportable kami sa isat isa bilang paghahanda sa pagsasama namin sa iisang bubong.
" Mayroon tatlong bagay ang dapat taglay ng tao sa pagpapakasal nila , Ang una ay ang pagmamahalan sa isat isa , ang responsibilidad at pagtanggap sa diyos bilang matibay na sandigan ."
" Sa set up natin ay ang pagmamahal lang naman ang wala tayo pero gagawin parin natin ang natitirang dalawa . Sa makatuwid responsibilidad natin ang isat isa hanggang sa tumanda tayo at mangangako sa dyos na magsasama sa hirap at ginhawa. "
" Napakadaling sabihin pero paano nga mo nga ba pagtyatyagaan makasama ang taong hindi naman mahalaga sayo ? " Tugon ko.
" Tsk, bakit hindi ? Kung ang nanay mo nga napag tyagaan ka at inaalagaan hanggang sa ngayon kahit di ka naman nya mahal . Simple lang dahil responsibilidad ka nya " Sambit nito.
Kahit papaano may punto ang sinasabi nya pero yung paraan nya kung paano ito sasabihin ay talagang nakakainsulto . Magsasalita na sana ako para umaangal sa pang aasar nya laban saakin pero bigla nya akong hinampas sa ulo ng hawak na libro dahilan para mapatigil ako .
" Hindi mo ba nakikita na kaya mo hindi nakikita ang positibong bagay sa palugid mo ay dahil sa kabitter-an mo sa buhay ? "
" Pinapahirapan mo ang sarili mo sa pagiging negatibo , hayaan mong kwentuhan kita bilang nobya mo ." Dagdag ni Lea.
Dito ay agad syang sumabat at may ikinuwento sya saakin tungkol sa isang isda sa Aquarium at syempre wala akong akong magawa kundi makinig na lang sa kanya .
-----------------------------------------part 1 / part 2 ----------------------------------------------