---------------------------------------part 2 / part 2 -----------------------------------------
Talagang taas noo nyang nasabi yun sa harap ko at hindi pa sya natapos dahil isa isa nya ring binabangit ang mga nakamit ng mga idol nya mag mula sa mga concert nito sa ibat ibang lugar at sa pagkilala sa mga musika na kinanta nila . Pinagmalaki nya na malayo ang narating nito kagaya ng mga boyband noon katulad ng westlife , one D at iba pang gumawa ng ingay sa mundo ng musika .
Magiliw nya itong sinasabi na parang sya ang manager ng mga ito na nag aalok ng mga alaga nya . Hindi ko alam kung napapansin nya sa mukha ko na wala ako sa mood para makinig sa mga kinukwento nya tungkol sa mga 3D na yun . Pero nakaka asar lang talagang isipin na sobra kung humanga ang babaeng ito sa mga lalaking iyon .
Tsk, Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng kapatid na baliw na baliw sa mga papoging lalaki .
Asawa ? Ang lakas ng loob nya sabihin yun eh hindi nga sya kilala ng mga ito o kahit ang pag-iral nya sa mundo eh hindi nila nalalaman at baka nga hindi sila interesado na malaman na may Nikki Muntingbato na nabubuhay sa kasalukuyang panahon tapos sasabihin mo pinakikilig sya ng mga hilaw na yun , mas malala pa sya sa mga babaeng nagpapapansin sa mga crush nila ng todo pero hindi naman ito interesado.
Ang kaawa awa kong kapatid.
" Hindi naman mahalaga kung kilala nila ako o hindi kuya basta mahal ko sila at masaya akong nakikita sila at kinakantahan ako ." Sabat ni Nikki.
" Tsk, hindi lang naman ikaw ang kinakantahan nila dahil milyon milyong babae ang kaharap nila na nauuto nila sa mga papogi nilang pakulo . Sa totoo lang wala silang paki elam sayo o sainyo at hindi sila iiyak sa libing nyo sakali kaya bakit mo pag aaksayahan ng pera at suporta ang mga gaya nila ? "
Sumimangot ang mukha ni Nikki saakin at sinimulan na awayin ako para ipagtanggol ang mga idolo nya, Dito ay binuweltahan ko sya na nagiging dahilan ang mga lalaking iyon para kumilos sya nang magaslaw na parang hindi babaeng filipina . Hindi madalas mapansin ng mga babaeng tagahanga ng mga boy group ng korea na nag o-over react na sila sa pagiging tagahanga ng mga ito.
Madalas akong makakita sa internet ng mga babaeng tili nang tili, mura ng mura at halos humandusay sa kilig habang maligalig na hawak ang mga litrato ng mga idol nila na parang sinasapian ng kung ano .
Katuwaan o isang ekspresyon lang ng nararamdaman eh ang katotohanan ay hindi sila maganda pagmasdan na humihiyaw at tumitili para lang sa mga lalaki , sa salitang kalye eh ang landi nilang tignan sa mata naming mga lalaki .
Hindi rin naman maiiwasan na maglabis ang ibang babae na halos kung ano ano nang lumalabas sa bibig para ilabas lang ang nararamdaman nila kagaya ng " Buntisin mo ako Suga !! " , Hoy panagutan mo anak natin" at " Kunin mo na ang virginity ko " at iba pang nakakawalang amor na salita .
" Dapat mag isip ka mabuti Nikki habang maaga pa bago ka mahawa sa ibang tao . Sinisira nyo ang mga sarili nyo dahil lang sa mga lalaking wala namang kinalaman sa buhay nyo. "
" Tandaan mo Nikki hindi iintindihin ng mga tao ang mga pananaw nyo sa pagiging fangirl ang mahalaga lang sa kanila ay ang nakikita ng mga mata nila at alam mo ba ang tingin ng mga tao sa mga kagaya mong tumitili habang kinikilig sa mga lalaki na parang baliw ? "
" Hindi ka man kagaya ng mga sinasabi kong babae eh madadamay kang husgahan ng mundo dahil kabilang ka sa kanila . "
Lumapit ako dito at hinawakan ang ulo nya at sinasabihan na itigil na ang pag idolo sa mga lalaki iyon para sa kanyang kapakanan . Syempre kahit papaano ay may paki elam ako sa bunso kong kapatid at ayoko syang husgahan ng mga tao . Hindi pa ako nakuntento sa pangmamallit sa mga ginagawa nila at pinuna ang panunuod nya ng Kdrama na dahilan para maghanap agad ng boyfriend ang mga gaya nya at magsimulang lumandi sa eskwelahan.
Ipinaunawa ko sa kanya na masarap lang pakingan ang mga matatamis na salita ng mga tao sa palabas at nakakaexcite ang ideyang magkaroon ka ng partner na mala prinsipe ang dating pero iba ang realidad ng mundo . hindi lahat ay aayon sa gusto at inaasahan natin mangyari sa buhay pag ibig .
" Hindi ako bitter Nikki pero sa mundo ng 3D ay walang forever, puro kasinungalingan at puno ng problema na pinapakomplikado pa ng mga sari saring mga bagay gaya ng pride ng tao at magkaibang pamantayan lalo na sa usapang pag ibig ."
Marahil sobra ang mga sinasabi ko sa kanya pero para saakin sinasabi ko yun hindi para inisin lang sya at siraan ang mga Kdrama kundi para sa kapakanan nya . Hindi ako bitter sa pag ibig , inu-ulit ko hindi ako bitter .
" Bata ka pa Nikki kaya unahin mo ang pag aaral para maging maayos ang buhay mo sa hinaharap at tigilan mo na yang mga Kpop at kdrama na yan dahil masamang impluwensya lang sila sa kagaya mo." Mayabang na sambit ko.
Habang kinakausap ko sya ay hindi ko napapansin na namumula na sya sa galit sa pinagsasabi ko . Bigla syang nagtaas ng paa at walang alinlangan na inapak sa paa ko sabay tulak saakin .
" Arrgghh !! " Sigaw ko.
Dito ay tumakbo sya palayo saakin at umakyat sa ibabaw ng kama nya sabay harap saakin. Nakapamewang sya habang dinuduro ako ng kamay nya upang pagsabihan at bumwelta sa mga sinabi ko.
" Wala kang paki elam sa ginagawa ko weirdong geek " Sambit nya saakin.
" Anong sabi mo ? Hoy kuya mo ako ah kaya wag mo akong matawag tawag nang ganyan . "
" Haa ! Hindi ko gustong pangaralan ako ng kagaya mong ex NEET na walang ginawa ng halos sampung taon kundi magpantasya sa loob ng kwarto nya maghapon . "
Napatigil ako sa mga narinig ko sa kanya na tila ba may palaso ang tumama sa dibdib ko hindi ko inaasahan na pagsasalitaan nya ang kuya nya nang ganun . Wala syang respeto at konsiderasyon .
Hindi pa sya nakuntento dahil pinuna nya rin ang pag idolo ko sa mga mang aawit ng japan o Jpop .
" Naiirita ka sa pakikinig ko ng mga kanta ng mga koreano pero wala naman itong pinagkaiba sa pinakikinggan mong kanta ng mga hapon . "
Inihalimbawa nya pa ang pagkanta ko sa mga ito tuwing naliligo sa banyo na madalas nyang marinig . Ewan , pero mukhang binabawian nya ako sa pagpuna ko kanina sa pagkanta nya.
Gusto kong dumepensa pero bago pa ako makabwelo nang pagsasalita ay sumasabat na sya at lalo akong pinagsasalitaan ng masama tungkol sa mga gawain ko bilang Otaku .
" Hindi mo kayang i-appreciate ang mga musika at kanta dahil sa hindi mo naiintindihan ang lengwahe ng mga koreano habang ikaw naman ay nalilibang at naaliw sa musika ng mga hapon kahit na hindi mo rin ito ganap na naiintindihan . "
" P-pe-pero magkaiba yun dahi.. ."
" Haa ! Hindi ka na magiging makatwiran kung sasabihin mong magkaiba ang dalawang ito dahil lang sa mga lengwahe ng kanta at isasantabi ang gustong ipahatid ng lyrics ng kanta sa mga tao. Tama, ibigsabihin kuya hindi ito tungkol sa kanta kaya ayaw mo sa pinapatugtog ko kundi sa mga kumanta nito. "
" Naiingit ka sa mga myembro ng Bts dahil sa gwapo sila at tinitilian ng mga babae . tama ba?! " Pagngisi nya saakin habang dinuduro ako .
Nakangisi sya na tila hinuhuli ako sa mga kasinungalingan na motibong sinasabi nya tungkol sa pananaw ko sa BTS . Agad kong itinangi iyon pero gaya ng ginawa nya nung una ay hindi nya ako binibigyan ng tyansang magsalita at deretso lang sa pagpuna sa mga sinabi ko.
" Hoy ! kahit hindi ko alam ang mga lyrics ng kanta nila ay alam ko pakingan kung maganda ang boses ng mang aawit at sa tingin ko kaya marami kayong humahanga sa kanila ay dahil pogi at gwapo lang sila . " Pang aasar ko muli sa kanya .
" Naiintindihan ko naman na nagseselos ka sa kanila dahil kaselos selos naman talaga sila sa mata ng mga gaya mong NGSB,walang naghahabol at virgin . nagagalit ka kasi nababaling ang atensyon ng mga babae sa kanila at hindi sainyo. "
Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa kirot nito na tila patuloy na tumatama ang mga palaso sa puso ko . Hindi pa doon natapos ang panghahamak saakin dahil pinuna nya rin ang pag hanga ko sa mga cute na girl group ng japan at mga pa cute na mga cosplayer sa mga litrato. Walang preno nyang sinabi na naaakit lang ako sa itsura ng mga babae kaya ko sila hinahangaan. Panlabas na anyo lang ang habol ko kagaya ng kinaaayawan ko sa mga fangirl ng BTS.
" At sinasabi mong puro kalandian lang ang pinapakita ng Kdrama na pinapanuod ko ? nakakatawa dahil habang sinisiraan mo ang mga ito ay hindi mo muna tinitignan ang mga uri ng pinapanuod mo ."
Sa pagkakataon na iyon ay sinambit nya ang mga Romance na dyanra ng anime at mga batang tauhan na bida sa palabas na may mga love interest at partner . Tinuturing nya na isa ring impluwensya ang anime para mag asam ang kabataan na maghanap ng mga partner lalo pa karamuhan sa manunuod ay bata .
Hindi rin nakaligtas ang mga lalaki na nag aasam na pagka guluhan ng mga babae dahil sa mga napapanuod nilang harem na dyanra gaya ng Nisekoi.
" At teka ano nga ba ang karapatan ng isang NEET na Otaku na kagaya mo na pag usapan ang pagiging matino ng isang fandom ? Hindi lahat ng Kpop Fan ay gaya nang inilalarawan mo . Marami ang mga simpleng fan lang na humahanga at hindi na kailangan gawin ang mga nakakahiyang bagay na sinabi mo . "
Dito ay pinuna nya muli ang pagiging Otaku ko kung saan karamihan sa amin ay mahihilig sa mga malalaswang palabas at puro fan service . hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga maluluho naming gawain sa pagbili ng mga koleksyon .
" Marami akong classmate na anime fan na humihiyaw ng I love oppai , tanggap na mga lolicon o pedophile at gusto ang mga naghahalikan na dalawang lalaki ."
" Sandali kung ibabase natin sa sinabi mo kanina ay parang sinisira mo rin ang sarili mo sa pakikibahagi sa grupo ng mga Otaku dahil ilan sa kanila ay hindi rin kumikilos ng tama lalo na sa mga pagtrato ng iba sa mga cosplayer na halos manyakin na nila. "
" S-sa-sandali Nikki , Hindi naman lahat ganun ,sa tingin mo magagawa ko iyon sa ibang tao ? " Pagpapaliwanag ko .
Dito ay binanggit nya na pilit sinasabi ng mga Otaku na hindi pambata ang anime at tinatanong ako kung ano ang dahilan nito. Kung iisipin madalas ipang sangga ng mga Anime fans ang mga Malalaswang palabas ng anime tuwing sinasabihan na pambata ang Anime gaya ng mga hentai at sa tingin ko may punto sya na punahin ang pagiging masamang impluwensya nito sa kabataan .
" Matino ako at may respeto sa iba , wag mong lahatin . " Sabat ko sa kanya .
" Ikaw ang nagsabi na hindi importante sa tao ang mga pananaw mo bilang fan dahil mas paniniwalaan nila ang nakikita at naririnig nila at dahil kabahagi ka nila ay madadamay ka sa panghuhusga ng mundo .
" Teka ano nga ba ang alam ng mga tao sa isang Otaku ? ." Sambit nya habang nagmamaldita.
Nakangiti sya habang nakatingin saakin na tila hinahamak ako na isa sa mga taong binabangit nyang Otaku.
" Kung kaming mga Kpoper ay nagmamahal sa mga taong hindi naman kami kilala, kayo namang mga Otaku ay nagmamahal sa mga tauhan na hindi naman tunay na tao. "
Hindi na ako makasagot sa mga sinasabi nya dahil lahat ng pinupukol nya saakin ay pawang katotohanan na ako mismo ang nagsabi , Para akong bumaril ng balang bumanda saakin .
Hindi pa sya nanahimik upang bumawi sa sinasabi kong unahin ang pag aaral bago ang pagiging fan ng Kpop kaya pinuna nya ang pagsira ko sa buhay ko nang maging NEET ako nang matagal na panahon dahil sa pagkalulong sa Anime , Manga at Games pero bago pa sya magsalita nang magsalita ay sinunggapan ko na sya agad.
" Hindi mo na kailangan sabihin yan , nagbago na ako Nikki . "
Dito ay tinakpan ko ang bibig nya at pinapatigil na sa pagsasalita habang mangiyak ngiyak na nagmamakaawa.
" Oo na sige na Cease Fire muna tayo ngayon , Hindi ko na pakiki elaman ang mga trip mo at irerespeto ang hilig mo basta tumahimik ka lang , Please ."
" Haa ! " Ngisi saakin ni Nikki na sinabayan pa ng pag irap.
Natapos ang pag uusap namin at lumabas ako ng kwarto nya nang matamlay at walang kabuhay buhay . Napagtanto ko sa sarili na masarap lang magsalita nang magsalita sa tao at punahin sila . Tipong pangaralan sila sa mga nakikita mong mali at sabihan sila ng masasamang bagay pero pag ikaw na yung sinasabihan eh hindi masarap sa tainga at talagang nakakawalang amor .
Nakakahiya , Ako ang kuya dito pero pinagsasalitaan ako ng bunso ko tungkol sa tama at mali , para akong impokritong nagsasalita laban sa iba pero hindi ko muna tignan ang mga mali sa ginagawa ko .
Agad akong bumalik sa kwarto ko at dali daling ibinagsak ang katawan sa kama ko para matulog . Nawalan na ako ng gana pa pero bago pa ako makapikit ay narinig ko nanaman ang tugtog sa kwarto ni Nikki.
Boung sigla nyang sinasabayan ulit ang mga kanta ng mga idolo nya na tila walang nangyari. Pero ano pa ba akong magagawa ko kundi magtakip na lang ng unan sa tainga . wala na akong mukhang ihaharap sa kanya pagkatapos ng lahat .
Kadalasan sa palabas sa Anime ang mga nakakabatang kapatid ng mga bida ay mga cute at laging dumedepende sa nakatatanda nilang kapatid . Kahit ano pang mangyari ay magkasundo sila at mahal nila ang kuya nila pero hindi kami ganun ni Nikki at dahil yun sa magkaiba kami ng libangan at mga gusto sa buhay .
Bilang Otaku ay hindi ganito ang inaasahan ko sa pagkakaroon ng nakakabatang kapatid .
Kailan ba magiging panig saakin ang kapalaran ? Bakit ba wala akong ganun na meron ang iba ? hindi ito nakakatuwa .
" Hindi patas ang mundo. " Sigaw ko sabay taklob ng malaking unan sa boung ulo.
END ..
__________{ Author's Note }______________
~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~~