-------------------------------------- part 2 / part 2 ---------------------------------------
.
.
Ang aquarium na iyon ay isang maganda at malawak na aquarium na nilalanguyan ng dalawang isda at pinangalanan nya ang isa dito bilang si Daniel . Tsk, hindi halatang nang aasar lang sya .
" Si Daniel ay isang magiliw at masayahing isda na walang ginawa kundi lumangoy at maglaro kasama ang isang isda .
Para sa mga isdang iyon ay isa iyong magandang lugar na kanilang pwedeng maging tirahan habang buhay pero isang araw ay napansin ni Daniel ang isang lamat sa gilid ng aquarium na dahilan ng unti unting pagkaubos ng tubig nito at dahil sa alam ni Daniel ang realidad ng mundo at alam nya na maaari syang mamatay sa oras na maubos ang tubig sa loob ay agad syang nagpanik at napraning kakaisip ng mga negatibong bagay . "
" Lumipas ang mga araw sa loob ng aquarium na patuloy sa pagbaba ng level ng tubig na lalong nagpapakaba sa pobreng si Daniel na walang ginawa kundi magmukmok sa sulok habang pinagmamasdan ang bawat patak ng tubig na lumalabas sa basag na salamin.
Naistress sya,di makatulog at makakain kakaisip sa kalunos lunos na sasapitin sa hinaharap hanggang sa halos lahat ng bagay sa paligid nya ay tinuturing nya ng walang silbi para sa kanya.
Lahat ng naroon ay walang kwenta sa paningin nya dahil sa pag iisip na mamamatay na sya pag sapit ng ilang araw .
Lahat sa kanya ay negatibo at sinisisi na ang iba sa kung bakit nagkaganun ang buhay nya .
Hindi nya namamalayan na nauubos ang oras nya sa sulok na iyon ng hindi nya naeenjoy ang bawat saglit ng buhay nya sa isang napakagandang aquarium na dati ay nilalaruan nya . "
" Kawawang daniel , kung alam nya lang kung gaano kamisrable ang buhay nya , Ang malas malas ng buhay ni Daniel . " Dugtong nito habang nakapangalong baba sa harap ko na tila kinukutya ako.
Bigla akong napadabog sa mesa dahil sa patuloy na pag kwekwento tungkol sa isda na may kapareho ko na pangalan na tila iniinsulto ako .
" Pwede ba palitan mo ang pangalan ng isdang nasa kwento ! " Sigaw ko dito.
" Lumipas pa ang mga araw sa loob ng aquarium kung saan kakaunti na lang ang tubig na pwedeng malanguyan ng dalawa ay dumating ang kanilang may ari at agad na nagpanik para sa buhay ng mga isda nya at dito ay kumuha sya ng panibagong aquarium na magiging panibagong tahanan ng mga ito ." Pagtatapos nito sa kwento .
" Tsk , nabuhay ang dalawang isda na may happy ending sa dulo ? Ang boring mo mag kwento . " Sagot ko dito.
Pero bigla nya akong binawian at sinabi na hindi sila nabuhay nang may happy ending ang dalawang isda sa kwento dahil hindi nagawang mabuhay ni Daniel sa mga oras na iyon dahil nagkasakit sya at inatake sa puso dulot ng istress at takot bago pa ang araw na mailipat sila .
" Hindi nya napansin yung kasama nyang isda na papangalanan natin si Lea na isang matalino at magandang isda ay ilang linggo nang naglalaro laro sa loob ng aquarium kahit alam nya ang realidad ng mundo . Sa kabila nun ay ini-enjoy nya lang ang mga sandali hanggat meron pang tubig sa loob ng aquarium habang si Daniel ay na iistress sa sulok. " Dagdag ni Lea.
" Wow, kahit sa kwento ay binibida mo parin ang sarili mo ." Bulong ko dito.
Nasambit nya na nabuhay ang isdang si Lea dahil hindi naman tuluyan natuyot ang tubig sa aquarium dahil ang lamat ng salamin ay hindi ganun kahaba hanggang pinaka ibaba nito . Dahil sa hindi na nag iisip ng positibo at nakikinig si Daniel sa ibang tao ay hindi nya pinaniniwalaan ang mga pananaw at nalalaman ng kasamang isda .
" Alam mo iba ang sitwasyon ng isdang yun sa buhay ko,.Alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang makakabuti para saakin . " Pagyayabang ko .
" Daniel , napapahamak ang isang tao sa oras na ang sarili na lang nya ang tanging pinaniniwalaan nya at hindi na kayang tumanggap o makinig sa ibang tao. Kagaya ng isda sa aquarium . "
" Hindi ka na pwede pang magpaka teenager na akala mo alam mo na ang lahat ng bagay at ayaw nang makinig sa iba para lang masunod ang layaw ." Dagdag nito.
Tumitig ito saakin nang seryoso sa mga mata ko at alam kong hindi sya nagbibiro sa pagpapayo nya saakin. Ako lang ang nag iisip na pinangangaralan nya ako upang ipahiya ako at sabihin na mali ang mga paniniwala ko sa paano ako mag isip sa buhay pero bilang lalaki ay hindi ko yun matatanggap lalo pa nanggaling iyon sa isang babae na mas bata pa saakin .
" Ah .. basta ayoko sa date na ito at sakit ng ulo ang kasunduan na ito . " Pagmamatigas ko.
" Hindi natin ito ginagawa para lang sa kasalukuyan layaw natin kundi para magpatuloy tayo sa libangan natin ng walang inaalalang pagsisisi sa hinaharap ." Dugtong nya .
Natameme ako sa mga nasabi nya at hindi na gusto pang magsalita . Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay na iyon, gusto kong alaskahin sya at sagutin nang pabalang ang mga sinasabi nya para protektahan ang sarili ko pero kung tutuusin ay may punto sya .
Mataas ang pride ko dahil sa mga pananaw at paniniwala ko tungkol sa mga bagay bagay at kailan man hindi ako nakinig sa ibang tao para lang magbago ayon sa gusto nila .
Makinig sa iba ? Buhay ko ito at walang karapatan ang sino man na paki-elaman ako at baguhin kong paano ko gustong mabuhay sa mundo . Tama, ganun ngayon ang pananaw ko
Bilang Otaku na ang tanging gusto lang ay mabuhay ayon sa gusto kong paraan sa buhay. Manuod ng anime ,magbasa ng manga at maglaro ng games na walang gugulo saakin na kagaya nya .
Pero sa isang banda alam ko sa sarili kong hindi ako pwedeng tumanda mag isa . Alam ko na pagsisisihan ko ang mga desisyon ko na hindi kumilos at gumawa ng paraan sa kasalukuyan, kaya naman .
" Ok miss isdang matalino sa loob ng aquarium, anong gusto mong mangyari ngayon ? "
Mahinahong tanong ko .
Ngumiti ito saakin at sinabing ituloy ang date namin sa paraan na mag eenjoy kami pareho . Isang pag lilibang na magagawa naming maging komportable sa isat isa .
" Alam kong wala kang karanasan kaya hindi na ako umaasa ng malaking bagay sa araw na ito pero gawin parin nating masaya ang date natin ." Sambit ni Lea.
" Tsk , Kailangan mo pa bang sabihin ang tungkol sa kawalan ko ng karanasan ? "
Dito ay tumayo ako sa kinauupuan at nag inat ng katawan . Napabuntong hininga ako habang napapatingin sa babaeng kasama ko at biglang kong naisip na mas matured mag isip si Lea kesa saakin pagdating sa buhay kahit na mas matanda ako dito ng tatlong taon .
Mali , hindi ito tungkol sa maturity ng isang tao kundi kung paano namin tignan ang mga bagay bagay sa paligid namin . kung paano nya binabalanse ang pagiging Otaku nya at ang Realidad ng mundo.
" Ok magdate tayo at mag enjoy gaya ng gusto mo . " Nakangiting sambit ko.
Ayon sa napapanuod ko sa mga Anime ay umiikot ang pakikipagdate ng dalawang tao sa pamamasyal sa park, panunuod ng sine, pagkain sa labas at ang huli pagpunta sa hotel at doon magpalipas ng magdamag .
Ganun sana ang gusto kong tagpo na mangyari kapag nakipagdate ako kay Rem pero sa panaginip ko lang yun madalas mangyari.
Lumapit bigla saakin si Lea at nakangiting bumulong saaking tainga ng.
" Daniel , gusto mo unahin na natin ang hotel sa plano ngayong araw ? " Bulong nito saakin na may pang aakit na boses .
Bigla akong napahakbang paatras at namutla sa kaba sa narinig sa kanya , Nataranta ako sa pagsasalita sa mga oras na iyon dahil hindi ko inaasahan na kaya nyang sabihin yun sa isang lalaki.
" A-a-an-ano? H-h-ho-hotel ? "
Bigla syang tumawa sa naging reaksyon ko sa sinabi nya at inaasar ako sa pag iisip ko agad nang masama at pagpatol ko sa kanyang pagbibiro.
" Kung handa kang harapin ang galit ng pamilya ko at mangangakong mabubuhay sa armalite ni papa ay sige labagin natin sila . Kaso lang hindi yun pabor saakin dahil mahirap humanap ng ipapalit sayo sa oras na maglintikan ka . " Sambit nito.
" Tsk , kung maka pagsalita ka para bang isa akong bagay na pwedeng palitan lang ." Sagot ko rito.
Dito ay nag ayos sya ng mga gamit nya na nakakalat sa mesa habang sinasambit na hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko na magkaroon kami ng perpektong date kagaya ng mga magkasintahan sa paligid namin .
" Pwede nating sabihin itong date ng dalawang Otaku , kaya itatanong ko sayo paano ba nagsasaya ang dalawang Otaku ? "
Napaisip ako bigla habang nakapamewang sa harap nya , Siguro nga tama sya dahil parang nagumagala lang ako kasama ng kaibigan ko at sa totoo lang kung iisipin ay kaibigan lang naman din ang turing namin sa isat isa . Masayang makasama si Lea dahil masyado syang buhay na buhay pagdating sa usapang anime at sa tingin ko hindi ako mahihirapan makibagay sa kanya .
Well, aaminin ko ayoko ang pagiging fujoshi nya na nagpapatindig sa balahibo ko tuwing makikita syang kinikilig sa pagbabasa ng malalaswang kwento ng mga lalaking naglalampungan pero parte yun ng pagkatao nya na dapat tinatanggap ko at pinag papasensyahan .
Sa sitwasyon namin ay hindi ko kailangan maging the best boyfriend sa kanya kundi maging Anime buddy nya . Ganito ang set up namin mula pa nung umpisa at kagaya ng kwento ng mga isda ay hindi ko kailangan mangamba nang sobra sobra para sa hinaharap ko at hayaan na lumipas ang oras sa paligid ko na hindi ko naeenjoy ang bawat sandali dahil lang sa negatibong pag iisip/
Ang makasama sya habang buhay ? Iyon ang hinaharap ko na inaalala ko na iniisip kong masamang bagay saakin pero para sa kanya isa itong pagkakataon maging mas masaya.
Kailangan kong tignan ang positibong bahagi nito kagaya ng pagtingin ni Lea dito at magsisimula iyon sa araw na ito, Sa araw ng pag da-date namin bilang mga Otaku.
" Ok sige , Makikita mo kung paano makipag date ang isang Otaku . "
Boung yabang ko yun nasambit na tila ang dami kong karanasan tungkol sa bagay na iyon. Aaminin ko ito ang unang pag kakataon ko makipagdate sa 3D at hindi ako pamilyar sa pwedeng gawin na ikakatuwa ng isang babae .
Pero gayumpaman ay alam ko kung paano mag enjoy bilang Otaku dahil dito ako nabubuhay at ito ang pinili naming libangan .
Sa ganda nang pag sambit ko ng mga salita na sumakto naman sa aming eksena ay walang ano anong iniwan ako ni Lea nang mag isa sa pwesto namin na parang walang paki elam sa mga nilitanya at kaastigan kong pinapamalas .
" Tara na Fishda . " Sambit nya.
Umalis sya sa lugar namin na hindi man lang binitbit ang mga gamit nya na dala dala na tila gustong ipabitbit saakin ang mga BL manga nya .
" A-an-anong fisda ? loko to ah. "
" Hoy ! Sandali naman , teka bakit mo ito iniwan ? " Sambit ko .
Lumingon sya saakin at ngumiti habang isinisigaw sa harap ng mga tao na .
" Mahal , dalian mo na at mahuhuli na tayo ." Sambit nya habang patuloy na umaalis.
" Tsk , Nag dala sya ng bitbitin tapos ako ang magdadala ? Naiisahan ako ng pandak na ito ah . " Bulong ko sa hangin .
" Grabe sya, talagang sinulit nya ang lahat sa set up namin . " Dugtong ko .
Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi bitbitin iyon para sumunod sa kanya papunta sa susunod naming destinasyon para ipagpatuloy ang aming date.
END ..
.
.
__________{ Author's Note }______________
~~~ [ wag nyo kalimutan na i-Share ang Chapter na ito upang suportahan ang series ] ~~