Chapter 18 part 2 

Pagkatapos ng laban sa gubat at dumeretso sa eskwelahan sina Celly dala sina Lea at Daniel.

Sakay sila ng isang Van kung saan kasama nilang nakasakay ang mga guro nila. Pinagigitnaan nila sina Daniel habang natutulog ito sa lapag.

Nagtaka sina Julian kung bakit tila nagmamadali sila at hindi nakipag ugnayan sa mga police. dumaan pa sila sa ibang daanan para iwasan nila ang mga militar na nagpupunta sa bundok.

" Ano ba talagang nangyayari dito celly? Sino ba ang batang ito?" Tanong ni Julian dito.

" Wag kang mag alala Julian ayos lang ang lahat."  

Nagalit bigla si Jukian sa sinabi ni Celly dahil para sa kanya ay walang maayos sa nangyari dahil ano mang oras ay magkakagulo na sa bansa dahil sa pagkasira ng bundok.

Binangit naman ni Celly na walang nakakita sa kanila na nagpunta doon kaya hindi malalaman ng palasyo na may kinalaman sila doon.

" Ano? Teka ibig sabihin wala kang balak na ipaalam ang mga nangyari sa palasyo? Nagbibiro ka lang diba?" Tanong ni Julian.

"  Hindi pwedeng hindi natin ipaalam ang mga nangyari lalo pa isang alpha class dark beast ang nagawang pakawalan ng kalaban natin, malaking bagay ito." Sabat ni Kaizen.

Habang nag uusap ay biglang lumabas si Fufu at pinakalma sila at binangit na nagawa nyang mabura ang alala ng mga tao sa paligid  na nakakita sa kanila at nakakasiguro syang walang ibang nakakita sa naging laban.

Nagulat naman si Julian sa biglaang pagsasalita ni Fufu at natakot dito  habang itinatanong kung anong klaseng hayop ito.

"Pasensya na kung hindi agad ako nakapagpakilala, ako Si fufu at isa akong diwata na nagbabatay kay daniel." 

Nagduda ang mga ito sa nabangit ni fufu ng ipakilala nito ang sarili at tinanong kung bakit naman mapupunta ang isang diwata sa lugar na ito.

Ipinaliwanag ni Fufu na naroon sya dahil sa misyon na pigilan ang masamang plano ng mga taga black scorpion na makuha ang mga keeper at ang magiging kasangkapan para matupad nya iyon ay ang batang si Daniel.

" Hinihiling ko na itago nyo ang pag kakakilanlan ni Daniel, alam ko na nagugulat kayo sa taglay nyang kapangyarihan pero hindi sya banta sa buhay ng sino man." 

Sinabi nya rin sa kanila na maaari nyang burahin ang alala nilang dalawa gayumpaman mas makakabuti kay Daniel na magkaroon ng makakatulong sa laban na ito.

Ipinaliwanag nya na kahit may taglay na kapangyarihan si Daniel ay isa parin itong bata na walang alam at hindi sanay sa mga pagharap sa mga delikadong sitwasyon.

" Kinakailangan nya ng tulong at gabay kaya naman umaasa ako ngayon kay Prof celly na tulungan sya maging mahusay." 

" Hindi ko kayo inu obliga na tumulong dahil wala akong tiwala sa mga sundalo na nagmula sa  palasyo gayumpaman sinabi saakin ni Celly na naging tapat kayong alagad sa hari st mapagkakatiwalaan. 

Napakamot na lang ng ulo si Julian at hindi maproseso ng utak ang mga nangyayari at nabangit na kahit sabihin pa na totoo ang mga sinasabi ni Fufu na isa syang diwata na may misyon ay hindi naman nila pwedeng basta labagin ang batas.

Napaka imposible na maitago nila ang mga nangyari at ilang araw lang ay matutuklasan ng mga taga palasyo na nagpunta kami doon.

" Alam nyo naman na may mga camera sa paligid sa lungsod at malalaman din nila na tayo ang nakasakay sa van ng eskwelahan na galing sa bundok na iyon." 

" May punto si Julian, Alam ko na komplikado ang sitwasyon nyo at ginagalang ko rin ang pagiging diwata nyo gayumpaman sa oras na malaman ng mga taga palasyo na itinago namin ang mga nangyari sa kanila ay tiyak na magkakagulo." 

Napabuntong hininga si Celly at humawak saulo habang sinasabi na aakuin nila ang responsibilidad sa nangyari. Mas madali para sa kanya na gawin ito kesa maglihim pa.

" Paano mo naman gagawin yun?" 

" Gagawa tayo ng kwento na umatake ang mga taha black scorpion para makuha ang princesa." 

" Pero paano mo ipapaliwanag ang nasira sa bundok? Naglaho ang luoa sa bundok at tiyak hindi nila yun babalewalain."  Tanong sa kanya ni Julian.

" Pwede nating sabihin na gawa ito ng kalaban natin at syempre hindi nila pwedeng malaman na kasama natin ang batang ito." Sagot ni Celly.

Nabangit ni Celly na mahalaga na maprotektahan ang kanyang sekreto habang ginagawa nya ang misyon. Alam nya hindi madali pero umaasa syang mauunawaan ng mga kasama nya ang ginagawa nya dahil nakasalalay sa misyon ng binata ang buhay ng lahat.

" Anong ibig mong sabihin na nakasalalay ang buhay ng lahat?" 

Dito muling sumabat sa usapan si Fufu at binangit na ilang taon mula ngayon magaganap ang pagbagsak ng  palasyo at hindi lang ang bansang ito ang manganganib kundi pati ang lahi ng mga tao dahil sinusubukang makuha  ng mga tao ang kapangyarihan hari ng mga halimaw na si Laz.

Nagulat ang lahat sa narinig nila at hindi makapaniwala dahil ang bagay na iyon ay mahahalintukad lang sa alamat dahil isang libong taon na mula nung sinasabing paslangin ito ng bayaning si freedom.

" Si laz ay isang makapangyarihang diwata na gumamit ng black magic noon at nagawa nyang mailagay ang sarili sa isang core at magtago dahil inaasahan nyang magigising sya pag dating ng panahon.

Gayumpaman may ilang tao na nalaman na maaari nilang magamit ang core ni Laz at kontrolin ito habnag hindi pa ito nagigising kagaya ng ginagawa nila sa mga mythical beast.

Nagawang ikukong ng mga diwata ang mga mythical beast gayumoaman hindi nika ito kayang wasakin at dahil doon kinakailngan na maikulong ito sa mga keeper. 

Pero iba sa inaasahan nila na kapalit ng pagtulong ng mga diwata sa mga tao noong unang panahon  ay inabuso ng kasalukuyang mga tao ang kanilang kaalaman at nag asam ng higit pang kapangyarihan.

" Sa kasalukuyan binigyan ng misyon si Daniel para pigilan na maganap ang bagay na iyon at kinakailangan natin syang tulungan sa bagay na iyon at hangat maaari ay hindi malalaman ng mga taga palasyo." 

Naitanong naman ni kaizen na kung mahalaga ang misyon na sinasabi ng diwata ay bakit ito ipinagkatiwala sa batang kagaya ni Daniel.

Ioinaliwanag naman ni Fufu na nabangit na nya ito kay Celly at dahil ito ang ibinigay ng anghel ng kalangitan. Ang katunayan ay hindi sa diwata nagmula ang kapangyarihan ni Daniel na taglay kundi sa mismong kalangitan.

Binangit nya na halos isang libong taon na ang lumipas mula ng huling makioag ugnayan ang kalangitan sa kanila para mailigtas ang lahat sa pagkawasak kaya naman hindi nila babalewalain ang binigay nito na tulong kahit pa nakakapagduda ang kakayahan ng binata.

Kahit nahihirapan si Julian na unawain ay hindi sya kontra sa ideya na makatulong sa misyon ng binata ngunit nag aalala sya dahil nagtataglay ito ng napakalakas na kapangyarihan na maaaring makapatay at makapanakit sa marami.

" Isa pa ito sa problema natin, hindi nya kayang kontrolin ang kapangyarihan nya ng maayos sa ngayon ay tinuturuan na sya ni V pero kulang na kulang na ito sa oras." 

Hindi alam ni Celly kung kailan ang susunod na pag atake ng mga black scorpion at natatakot sya na hindi pa handa ang binata para harapin sila.

" Wag kayong mag alala sa tingin ko nagiging maingat din ang mga taga black scorpion sa kilos nila. Nagawa lang atakehin nila ang keeper dahil sa lumabas ito ng lungsod."

Ipinaalam ni Fufu na ang mga keeper ang  target ng mga kalaban nila at hangat nasa lungsod ito ay hindi nila ito makukuha dahil natatakot din sila na mabigo at mawalan ng mga bagay na meron na lang sila.

Napabagsak ng katawan si Juilan kay Kaizen habang nagrereklamo dahil nagiging komplikado ang sitwasyon nila.

Sa pagka alala nya ay umalis sila sa palasyo para hindi madamay sa gulo na dulot ng crown prince at mamuhay na ng payapa bilang guro pero kusang lumalapit sa kanila ang gulo.

" Ano sa tingin mo kaizen? Ano ang balak mong gawin?" 

" Pinangako natin na maglilingkod tayo sa hari para ipagtangol ang bansa kaya kung nakasalalay nga ang buhay ng marami ay hindi tayo pwedeng basta magbulag bulagan." 

Nagpasalamat si Celly kay kaizen sa pag payag nito at wala na rin magawa si Julian kundi ang sumunod dahil sa pasya ng kanyang asawa gayumpaman hindi nakikita ni Juilan na magtatagumpay sila na maitago palagi ang mga mangyayaring gulo sa mga tao sa palasyo. 

Ipinaalala nya na ang eskwelahan ay napupuno ng mga maharlika at marami ang mata ng mga taga palasyo sa mismong galaw ng mga tao sa eskwelahan lalo pa doon nagmumula ang mga bagong sundalong pwedeng magdagdag ng kapangyarihan sa mga maharlika.

Hangat kontrolado ng crown prince ang palasyo ay hawak nya ang kapangyarihan at walang kahirap hirap nyang maikukulong sina celly at tuluyan mapaparusahan.

" Alam ko at inaasahan ko na ito, manalangin na lang tayo na matapos ito agad na walang madamay na sibilyan." 

Pagkatapos magkasundo ay agad silang nagbalik sa eskwelahan at diniretso kami sa clinic. 

Idineretso naman si Lea sa kanyang tinirahan at pinabantayan sa mga tauhan nya. 

Habang inililipat naman si Lea ay nakita ito ni Elisa ang nangyayari at nagtaka kung bakit natutulig si Lea na inihahatid 

" Mahal na princesa gusto nyo bang alamin ko ang nangyari?" 

" Hindi na, wala tayong oras sa kapatid ko " 

Pinaderetso nya ang mga tauhan nya sa paglalakad papunta sa training facility upang makapagsanay dahil malapit na ang exam nila.

Hindi na sila nag aksaya pa ng oras at nagmadaling magtungo doon ngunit pagkapunta nila doon ay pinigilan na sika ng mga bantay at hindi pinapasok.

' pasensya na po kayo princesa pero kasalukuyang ginagamit ang lugar ng ikalawang prinsipe." 

" Ano? Paanong nangyaring nakagamit ulit sila ng facility ng magkasunod na araw? nakaschedule kami sa araw na ito." 

" Patawad po pero sumusunod lang kami sa utos. Angvalam ko inaprobahan ng opisina ang kanilang request." 

Hindi ito basta tinangap ni Elise at nagpumilit na pumasok . Dito ay habang hinaharangan sya ay big)a nyang sinipa ang isa sa mga gwardya at pinagbataan.

" Wag na wag mo akong hahawakan!  Gusto mo na bang mamatay?" 

Kahit na tungkulin ng mga gwardya ang magbantay sa gate ay wala silang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito na makapasok.

Naglakad at galit na galit si elise habang naglalakad papunta sa loob.

" Paki usap mahal na princesa kami ang mapapagalitan kapag nagpumilit kayo na pumasok, baka matangalan kami ng trabaho." 

" Tumahimik ka! ano ng gusto mo, mawalan ng trabaho o mamatay?" 

Bigkang nanahimik ang gwardya at hindi maka imik lalo na nakikita nya na galit na galit ang dalaga.

Muling naglakad si Elise at dinaanan lang nag mga gwardya. Dumeretso sila sa pinto ng facility at padabog na binuksan ito.

Dito naabutan nyang nag eensayo ang mga estudyante na kabilang sa guild ng ikalawang prinsipe.

Ang guild na Black bear ay pagmamay ari ng ikalawang prinsipe na si Eron, sya ang kalaban ni Elise sa pagiging top student sa eskwelahan at nananatiling kampyon sa mga torneyo.

Si eron ay ang kacounter part na katauhan ni Romeo sa mundong pinagmulan ni Daniel at dito sa panahon na kasalukuyan ay magkapatid sila ni Elise sa ama. 


Dito agad na sinalubong sila ng mga tauhan ng black bear kasama si Eron para bumati.


" Anong problema ng aking kapatid at bakit kayo napasugod dito bigla.?" Sambit ni Eron.

" Tigilan mo ang pandaraya at lumaban ka ng patas." Galit na sambit ni Elise.

Napangiti lang si eron at agad na sinabi na hindi nya nauunawaan ang sinasabi ni Elise at pinaalala na wala syang natatandaan na gumagawa sya ng oandaraya.

" Wag mo akong lokohin, hindi pwedeng gumamit ang isang guild ng magkasunod na araw kaya malinaw na ginagamit mo ang impluwensya mo para malamangan kami." 

Bigla naman tumawa si Eron at pinapahinahon si Elise para magkaunawaan sila ng maayos. Ayaw nito na palakihin pa ang usapin na ito dahil baka isipin ng iba na napakasama nyang kapatid kay Elise.

" Para sabihin ko sayo mahal kong kapatid, naka schedule ngayon para sa oras na ito ang guild ng Genkai at dahil nga sa may gagawin sila ay kusa nilang ibinigay ang oras nila para sa lingong ito."  Sagot nito 

" Sinungaling, walang dahilan para ibigay nila sayo ang oras nila sa training facility."  Sambit ni Elise

Napabuntong hininga na lang si Eron at sinabi na wala syang magagawa kung ayaw maniwala ni Elise sa sinasabi nila at sinabi na magpunta sa opisina ng academy para tignan ang record ng oag pirma ng guild ng genkai.

Habang nakiki usap kay elise na umalis na sa lugar para hindi maabala ang mga tauhan nya  bigla itong nagtaka kung bakit nga ba naroon ang dalaga kasama ang guild nito gayung halos tatlong iras pa bago ang kanilang pag gamit sa facility.

" Oh... Sandali naalala ko nga pala may binangit ang leader ng Genkai tungkol sa mabangis na bulaklak na nagbabanta sa kanila nitong mga nakaraan." 

" Naku naman, naaawa ako para sa kanila wala silang magawa para protektahan ang mga sarili nila." 

Hindi maalis ang mga masasamang titig ni Elise dito dahil sa pagpapakinig sa kanya  tungkol sa pag babanta nya sa genkai para makuha ang oras nito.

Sinabi ni Eron na kung binabalak ni Elise na maging maipluwensya at makakuha ng kapangyarihan ay hindi nya dapat gamitan ng dahas at pagbabanta ang mga tao dahil magreresulta lang ito ng kapahamakan sa dalaga.

 Sinabi nya na natatakot sya para sa buhay ng kapatid nya sa oras na dumamo lalo ang kaaway nito, Masyado pa itong bata kaya naman hiniling nya na mag enjoy na muna ito sa buhay.

Habang mahinahon at nakangiti lang si Eron na tila inosente at napakabait na kinakausao ang dalaga, dahil sa nagagalit si Elise ay gusto nyang magpalamig ito ng ulo sa canteen habang nag aantay dahil hindi maganda sa itsura nya ang palaging galit.

" Tandaan mo ito, pagbabayaran mo ang bagay na ito." 

Kahit na seryoso itong nasabi ni Elise ay hindi ito pinansin ni Eron dahil sanay na itong pinagbabantaan ng dalaga. Napakaraming beses nya ng naririnig kay Elise ang pagbabanta ngunit palagi itong nabibigo na matalo ito .

" Alam mong hindi ako natatakot sa pagbabanta ng isang taong hindi man lang ako matalo sa lahat ng bagay, ewan ko kung bakit masyado kang obsess na matalo ako. " 

Binilinan nya si Elise na Hindi lahat ng bagay ay kayang ibigay ng kapatid nya. Maaaring bigay nya si Elise ng kayaman, posisyon at ano pa man na hilingin nito pero hinding hindi nya hahayaan na makuha ni Eron na maging no.1 kaya naman pinapatigil nya si Elise sa pagiging desperado at gunaya sa iba na kontento na sa mga bagay nameron sila.

Pinuri nya ang kakayahan ni Elise gayumapaman mas nakkaahigit si Eron sa kanya at ipinaalala nya na hindi masamang bagay na tangapin na mas nakaka angat si Eron dahil iyon ang ginagawa mg lahat.

" Sige na mahal kong kapatid, mabuti pa umalis na kayo dahil ayokong naaabala ang pagsasanay ng mga kasama ko." 

Kahit na inis na inis ay walang nagawa si Elise kundi tahimik na umalis sa lugar habang bumubulong sa hangin.


" Magbabayad ka, ipinapangako ko matatalo rin kita." 


end of chapter 18 part 2 


Alabngapoy Creator

Part 2 of chap 18